Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twenty: SAYUFARA

Chapter 20: SAYUFARA
Enjoy reading!

3rd.

Suot ang isang magarang three-piece-suit na kulay abo ay taas noong naglalakad si Terrence sa hallway ng ikatlong palapag ng isang malaking barko, ang MV Little Butterfly na pagmamay-ari ng isang business magnate na kasapi ng Ares Clan na pagmamay-ari na rin ng Triad.

Walang kaemo-emosyon ang mukha na diretso lang ang tingin sa harapan. Nagsisiyukuan ang mga empleyadong kanyang nadadaanan.

Paliko na siya sa isa pang pasilyo sa kanan nang makasalubong niya ang kanyang mga kapatid.

"Hey, little brother. You look good today." Nakangising wika ni Finamelia sa kanya. Tinugunan niya lang ito ng ngisi.

Habang matigas naman ang mukha ni Flynn na nakatingin sa kanya.

"What's up?" tanong niya at tinapunan ng tingin ang hawak na mga papel ng mga kapatid.

"We're talking about Arma. Wanna join us?" ani Finamelia. Sumama ang tingin ni Flynn sa dalawa.

"Seems, I'm not welcome." Saad niya habang nakatingin kay Flynn.

"Don't mind him, little brother. C'mon, join us." Tumango siya kay Finamelia saka tumabi sa kanyang Ate.

"Where did you put her?" tanong ni Flynn kay Finamelia.

"She's in very good hands. Mabuti at tumino na 'yang utak." Sagot nito.

"How was she doing?"

"She's great." Nakangising sagot ni Finamelia.

Tahimik naman si Terrence na nakikinig sa dalawa habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo.

"Siguraduhin mo lang." may halong pagbabanta sa tinig ni Flynn. Natawa naman si Finamelia.

"Of course! What do you expect me on how should I treat the mother of brother's kids? You know that I'm not a bad sister-in-law." Nangunguyam na wika nito. Hindi umimik si Flynn. "Akala ko wala kang pakialam sa kanya. Bakit nag-iba ata ang ihip ng hangin?"

"Shut up."

"Don't worry, Flynn. The twins will be reunited again after a long time. And the victory will be ours."

Kumuyom naman ang kamao ni Terrence sa mga narinig. Batid niyang ang tunay na Katarina Zenkiah ang pinag-uusapan ng dalawa na ina nina Arra at Arri. Alam niya ring kapag nagtagumpay ang Triad na pagsamahin ulit ang kambal at maisagawa ang Project Armageddon ay wakas na ng kapayapaan sa mundo..

Natigil lang ang pag-uusap ng dalawa niyang nakakatandang kapatid nang marating nila ang dulo ng pasilyo. Napatingin siya sa harap na isang malaking kulay pulang pinto.

Pinanood niya si Flynn na lumapit sa gilid ng pinto. Na-type ito sa monitor na isang screen lock saka nilapit ang mukha sa isang detector. Lumabas ang kulay pulang ilaw sa isang eye scanner na pumasada ng ilang ulit sa mga mata nito pagkatapos nagsalita si Flynn sa isang nanophone at sinambit ang sarili nitong pangalan.

"Identity confirmed. Welcome back Master Tyrone Flynn Flamenco. Please, put your both hands to the handprint lock." Saad ng security lock ng pinto.

Lumapit si Flynn sa gintang bahagi ng pinto saka pinatong doon ang dalawang kamay. Lumiwag ang handprint lock at maya-maya pa ay na-unlock na ang pulang pinto.

Napalunok naman si Terrence sa antisipasyon kung ano ang nasa loob ng pulang pintong ito.

Agad na pumasok ang kanyang mga kapatid, sumunod din siya.

Bumungad sa kanya ang isang maaliwalas na halos puro kulay puting malakas na silid. Napansin niya ang mga empty chamber tube sa loob at mga iba't-ibang makabagong machines.

Mayroon sa kanang bahagi ng kwarto na puro likido na na iba't-ibang kulay na nakapaloob sa tubes. Ibig sabihin nasa isa silang hi-tech science laboratory.

Sinundan niya ang mga kapatid na nagtungo sa dulong bahagi ng silid. Tumigil ang dalawa sa pinakahuling chamber tube.

Mabilis na tumungo si Terrence roon at nanigas sa nakita. Napakurap-kurap siya at nag-igting ang bagang sa galit na nararamdaman.

Nilingon siya ni Finamelia, "Lumapit ka dito, Terrence." Nakangising anito. "What's with that face? She's breathtakingly beautiful, right?" dagdag pa nito na may nakakalokong tinig.

Pinakalma ni Terrence ang sarili saka mabibigat ang hakbang na lumapit sa mga kapatid. Kumurap-kurap siya para iwaksi ang namumuong init sa mga mata. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Flynn kaya mabilis niyang iniba ang ekspresyon sa mukha.

"Is she ready for the final phase?" biglang tanong ni Finamelia habang binabasa ang mga data na nasa hawak nitong itim na folder.

"Yes." maiksing sagot ni Flynn na nagbabasa rin sa folder na hawak.

"What happened to her hair?" hindi mapigilang tanong ni Terrence habang nakatingin sa buhok ng taong nasa loob ng chamber tube.

"It's because of the substance we used to treat her deteriorated cells. Her system declined after she suffered DNA impairment. A change of hair color or even the eye color could be the common side effect." Sagot ni Flynn sa kanya.

"She now looks like her twin. They're getting more identical, aren't they?" sabi ni Finamelia. Palihim na nagtagis ang bagang ni Terrence habang kumuyom naman ang kamao ni Flynn.

Napatitig muli si Terrence sa taong nasa loob ng chamber tube. Si Katareina Zavina na walang malay at maraming nakakabit na apparatuses sa buong katawan. Wala itong ni isang saplot pero dahil sa maraming kable at sa mahabang buhok nito ay natabunan ang maseselang parte ng babae.

Pinasadahan niya ng tingin ang buhok nitong naging kulay ginto na. Wala ni isang bakas ng itim. Puno ng sparkling liquid ang chamber tube. Tumingkad din ang pagiging maputi ni Reina. Naglakad siya palibot sa chamber tube at namangha nang makita ang likod ng babae.

Marahan niyang pinatong kamay sa chamber tube na tila mahahawakan niya ang Wing Regal insignia sa likod ni Reina. Sobrang ganda nito, ito ang kauna-unahang beses na makita ni Terrence insignia ng babae.

Bawat guhit ay nagbibigay ng tingkad para sa buong kagandahan nito. Dahil na rin sa sparkling liquid ay kitang-kita ang lihim na gintong mga hugit sa insignia ni Reina.

"This is so beautiful." Untag niya na halos hindi na mabawi ang mga mata sa likod ng babae.

Napangisi naman si Finamelia habang sumama ang mukha ni Flynn sa kanya.

"Those gold lines are the secret of Empyreal." Wika ni Finamelia. "There are encryptions in her insignia na pwede nating gamitin para mapabagsak ang Empyreal. But there is only one man that could decode that encryption."

Napatingin silang dalawa ni Flynn sa kapatid, "Who?" sabay na tanong nila.

"At 'yan ang hindi pa natin alam kung sino. Nakakasigurado akong hindi rin alam ni Reina ang tungkol sa sekretong nasa likuran niya. Kaya parte rin sa plano nating hanapin ang taong 'yon."

Natahimik silang tatlo habang pinagmamasdang si Reina.

"Anyway, how's the Rainbow Titanium Quarts Geode Arch's locum tenens?"

Napanganga si Terrence nang marinig ang tanong ni Finamelia kay Flynn.

Hindi niya ito inaasahan! Ibig bang sabihin may replacement ang RTQGA para sa Project Armageddon? Hindi ito maaari! Mapupunta sa wala ang lahat kapag natuloy ang Final Phase ng Project Arma.

Halos mamuo na ang pawis niya sa noo dahil sa antisipasyon sa magiging sagot ni Flynn.

"The locum tenens is ready." Direktang sagot ni Flynn.

Gusto sanang magtanong ni Terrence tungkol dito pero hindi maaari dahil paniguradong maghihinala ang mga kapatid niya na isa siyang traydor sa grupo.

"I wanted to laugh knowing that those maggots were hiding the RTQGA so much." Napapailing na saad ni Finamelia

"Alam niyo na bang mga Primus kung anong grupo ang nagmamanipula sa ibang shipments natin?" tanong ni Flynn.

"Do you think Katareina Zavina won't do anything against us?" nakataas ang kilay na tanong ni Finamelia. "Even though she's already in our hands, alam kong may binuo na siyang plano noon pa man para pigilan tayo, Flynn. You know she's too smart. Ang hindi lang natin alam kung sino ang kasama niya sa mga plano."

Kumunot ang noo ni Flynn at napatitig kay Reina habang si Terrence naman ay patay malisyang nakatingin lang rin sa babae pero sa loob-loob niya ay kinakabahan siya dahil alam niyang walang kadugo sa mga kapatid, papatayin siya ng mga ito kapag nalamang isa siya sa grupo ni Reina.

"Hindi ba 'yan ang grupong iniwan niya kina Iseah Frost?" tanong ni Flynn.

"No. That group is too weak and full of fatuous human beings." Bumuga ng hangin si Finamelia saka nilingon silang dalawa. "So? What now? Let's go the locum tenens?"

Nagliwanag ang mukha ni Terrence dahil malalaman niya na rin kung ano ang magiging pamalit ng RTQGA para sa Project Arma.

"Terrence, I need you to go to the roof deck to check the payloads from Moscow. The list is on my office." Biglang utos ni Flynn kay Terrence nang makalabas na sila roon sa pulang pinto.

Nalaglag ang balikat ni Terrence dahil dito. Labag man sa loob ay sinunod niya ang utos ni Flynn. Mura pa siya ng mura dahil sa mga nalaman.

*****

"Lady Mojica." Yumukod si Morry. Umupo siya sa harap ng desk ng ginang na seryoso ang mukha.

Maaga pa lang pinatawag na siya ni Mojica dahil may importante itong sasabihin sa kanya.

"I scheduled your flight going to Latvia tomorrow evening." Saad nito.

Saglit namang natigilan si Morry dahil sa narinig. Nangunot ang noo niya. "The Tech Fair is on March 4—" pinutol ni Mojica ang kanyang sasabihin.

"I don't care about the Tech Fair. 'Wag niyo nang hintayin pa iyon dahil paniguradong may gagawing hakbang ang Triad para maitaboy tayo. May alam na sila sa grupo natin pero sigurado akong hindi pa nila tayo kilala."

"What?! Paano nila nalaman ang existence natin?" napatayo pa siya.

Napaismid si Mojica, "You have been manipulating their shipments and activities, Morisette. Do you think they won't notice it?"

Napaupo si Morry at bumusangot, "I didn't leave any traces."

"But still. You can't easily outsmart the Triad, Morisette. They're not what you think."

Napanguso si Morry at napakamot ng ulo. Ramdam niya ang bakas ng dismaya sa boses ni Mojica.

"I am very sorry, Lady Mojica."

"Just be careful next time." Bumuntong-hininga si Mojica.

"Okay po. May sasabihin ka pa po ba?"

"Yes. Gusto kong dalhin mo dito sa akin ang replacement ng RTQGA na hawak ng Triad together with Reina." Saad ni Mojica na may seryosong mukha.

Nanlaki ang mga mata ni Morry, "Do you mean nakahanap sila ng pamalit?! Sh*t! Ano 'yon, Lady Mojica?"

"That's the thing you need to find out."

"Damn. Paano niyo po nalaman 'to? Walang sinabi si Terrence at Aly sa akin." Napakagat-labi si Morry sa kabang nararamdaman.

"I have my own way to find out everything, Morisette."

Nagkatinginan silang dalawa.

*****

"Ugh! Gumising ka na!" malakas na bulyaw ni Morry kay Theus na mahimbing pa ring natutulog. Inis na hinablot niya ang yakap-yakap nitong unan saka ilang ulit na hinambalos sa mukha ng lalaki ngunit isang malakas at mahabang hilik ang tinugon nito.

Namumula sa inis si Morry, "Walanghiya ka! Kung kailan tayo aalis ngayon mo pa naisipang maglasing! Leche ka!" mas lalo niyang nilakasan ang paghambalos dito at mariing itinakip sa mukha ng lalaki ang unan. Tinabig lang ni Theus ang kamay niya.

Gustong-gusto niya nang tadyakan si Theus para gumising na ito pero may respeto pa naman siyang natitira para kay Lady Mojica kahit papano dahil step-son nito si Theus.

"Hindi pa rin ba siya gising, Ate?" tanong ni Ryleen na papalabas ng banyo. Bihis na bihis na ito.

"Iiwanan na lang natin 'tong kapatid mo. Sarap bugbugin." Anas ni Morry saka inis na umupo sa paanan ng kama.

Asar na asar niyang pinagbubunot ang balahibo sa binti ni Theus pero sinipa lang siya nito kaya muntik na siyang mahulog sa kama.

"Graaaaa! Fcvk you! Fcvk you!" paulit-ulit niyang pinagmumura si Theus habang pinagkukurot nang sobrang pino ang hita ng lalaki.

Nang mapagod sa ginagawa dahil ni hindi man lang nagising si Theus ay umupo siyang muli sa paanan ng kama at tiningnan ang oras sa wrist watch.

"Dammit! It's already 10pm! We only have 30 minutes left." Bulalas niya saka kinuha ang cellphone. Bulong siya ng bulong ng mura para kay Theus habang kinokontak ang taong matutulungan siya ngayon.

**

After a long, long, long, long ride...

"What the fvcking hell?!" umalingawngaw ang mura ni Theus na nagpagising sa kanyang mga kasamahan.

Tuluyan na rin nagising ang lahat nang biglang nagsalita ang piloto.

"We are now approaching the Riga Central of the Republic of Latvia..."

"Fvck. Fvck. Fvck. What happened?! Why the hell am I on a plane?! The heck!" mas malakas pa sa boses ng piloto na rinig sa speakers ang boses ni Theus na paulit-ulit nagmumura dahil sa pagkakaalala niya ay humilata lang siya sa kama ng hotel suite nila kanina sa isang hindi kilalang hotel sa Buevo.

Inumaga kasi siya sa bar ng hotel at hindi niya alam kung ilang bote ng liquor ang kanyang nainom. Yamot na yamot siya kay Morry dahil palagi siya nitong pinagtitripan at hindi niya rin mapigil ang antisipasyon na nararamdaman para sa kanilang rescue mission kay Reina. Gustong-gusto niya nang makitaan muli ang babaeng gumugulo sa kanyang sistema.

Alam niyang private plane ni Mojica ang sinasakyan nila. Napatingin siya sa mga kasama. Nakangisi si Ryleen sa kanya habang sambakol naman ang mukha ni Morry na matalim ang tingin sa kanya.

Maliban sa kanilang tatlo ay naroroon din ang mga tauhan ni Mojica na magiging katulong nila sa gagawing mission.

"Kuya, you were so lasing kaya Ate Morry had you carried by them para hindi ka maiwan." Nguso ni Ryleen sa kasama nilang mga lalaki.

"You what?!" sigaw niya kay Morry. Ugh. Nakakahiya iyon para sa kanya.

"Galit ka?" sarkastikong tanong ito sa kanya, "You should at least be thankful that I didn't leave you behind! You were ranting me nonstop when I got stewed but look at yourself you are a worse tosspot than me! Kahiya ka! You even barfed on the hotel hallway and you caused rumpus with the hotel general manager!" inis na inis na lintanya ni Morry kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"What a potty mouth... tss." Anas niya. "You think I would believe that?"

"Then don't, no one ask you to." Nag-irapan silang dalawa.

"Kuya..." tawag-pansin ni Ryleen sa kanya, "Ate Morry was telling the truth. You did all those. Nakakahiya ka kaya."

"Fragrance." May halong babala na sambit ni Theus.

"What? Psh. Pasalamat ka Kuya at hindi ka hinayaan ni Ate sa bar no'n kung hindi nilason ka na no'ng mga hookers na nakilala kang tagapagmana ni Daddy! You were so careless!"

Natahimik si Theus at tiningnan si Morry na nakatayo na sa isang mesa na puno ng iba't-ibang hi-tech gadgets.

"Tongue-tied?" nakangising baling ni Morry sa kanya. Napaiwas siya ng tingin. "A simple wet French kiss would do." Dagdag pa nito. Ngumiwi siya saka pinandilatan ang babae. Tinawanan siya nito.

Maya-maya pa ay nakababa na sila ng eroplano. Nasa isang pribadong lugar sila ngayon na matatagpuan sa isang kagubatan ng Mellupe, Riga Central ng Latvia.

"Where are we?" tanong ni Ryleen habang may malaking ngiti sa mga labi. Tirik na tirik ang araw pero binibigyan sila ng lilim ng nagsisitayugang mga puno.

Nangunguna sa paglalakad si Morry papasok sa loob ng gubat. Nasa bilang sampu silang lahat, tahimik naman si Theus na katabi si Ryleen na hindi mapirmi ang ulo dahil sa paglinga-linga sa paligid. Bakas ang excitement sa mukha.

Tanging ang mga tunog ng tuyong dahon at mga kahoy na naaapakan nila ang nag-iingay sa kanilang paglalakad. Narating nila ang dulo ng gubat na isang bangin. Huminto si Morry sa isang malaking puno na nasa gilid mismo ng bangin, nilapitan niya ang isang parte ng katawan nito saka kinuskos ang balat ng puno gamit ang isang dagger.

Isang minuto ang lumipas ay namangha ang magkapatid nang biglang may lumabas na ilaw na tila isang scanner na pumasada sa buong mukha ni Morry.

"Woah. That's so cool. Isn't it, Kuya?!"

Napanganga na lang silang lahat maliban kay Morry nang biglang may nag-static sa paligid ng puno. Napaatras sila nang sunod-sunod na static ang nangyari na naging anyong matayog na pader.

Tuluyan na silang namangha nang biglang nawala ang bangin at bumungad sa kanila ang isang nakatagong camp.

"What the?! That... that cliff! Was that an illusion?!" untag ni Theus. Lumingon si Morry sa kanya saka ngumiti, nilagay ng babae ang hintuturo sa sariling labi at sumenyas na tumahimik.

Muli silang napatingin sa camp. Maraming kubo doon na tila isa itong maliit na bayan. Maraming mga halaman, puno at bulalak sa paligid. May mga kahon-kahon ng tanim na mga gulay. May mga poso. May isang maliit na ilog sa likurang bahagi. May mga alagang hayop din.

Sobrang payapa ng buong paligid. Nakakagaan ang kagandahang nakalahad sa kanilang mga mata.

Pero higit na mas nakakuha sa kanila ng pansin ay ang mga taong nakatingin sa kanilang lahat ngayon. Napalunok si Theus habang pakurap-kurap.

Parang isang tribu ng mga amazona ang nasa harap nila. Puro mga magagandang babae ang nakatira sa kampo. May mga bata rin pero wala ni isang lalaki ang naroroon.

Parehong mahahaba ang mga buhok nito na kulay itim, malinis na naka-braid at halos pareho rin ang kanilang mga kasuotan na kulay kayumanggi. Ngunit mapapalunok ang kahit sino mang dayo rito kapag makita ang mga hawak na armas ng mga babae na pati ang mga bata ay mayroon. Matatalim din kung tumingin ang mga ito na tila mababangis na mga hayop.

Nakangiting humakbang papasok sa camp si Morry. Nagsilapitan ang mga babae sa kampo papalapit sa kanila kaya nanatili silang nasa likod ni Morry.

Yumukod si Morry bilang pagbati, "Buongiorno Sayufara."

"Who are you?" matigas na tanong ng babaeng lumapit kay Morry. Ito ang tumatayong lider ng kampo, iba rin ito sa lahat dahil sa kulay puting buhok nito. Kakaiba rin ang balat at kulay ng mga mata dahil isa itong Albino, isang napakagandang babaeng albino.

"Chantaria Feoma Eve." Nakangising untag ni Morry nang makaharap niya ito.

"Who are you?" mariing tanong nitong muli sa kanya. Sobrang talim ng mga mata nito na nakatingin sa kanya. Halos kasing tangkad lang ni Morry ang babaeng albino pero pansin ang hubog ng katawan na tila sanay sa laban na pisikal.

"It's me, Moira Ysette Eve. Remember me, Chantaria?"

Bahagyang natigilan si Chantaria at tinitigan nang mabuti si Morry.

"Moira." Mahinang sambit nito at biglang napangisi. "You're back."

Lumapit ang dalawa sa isa't-isa. Akala nila Theus ay magyayakapan ang mga ito pero pinagdikit ng dalawa ang kanilang mga noo at ilong. Sinapo pa ng dalawa ang pisnge ng isa't-isa.

Napanganga si Theus sa pag-aakalang maghahalikan ang dalawa ngunit nagulat na lang sila nang bigla ang mga itong nagsapakan. Malalakas ang binibitawang suntok ng dalawang babae. Ayaw magpaawat.

Aawat na sana si Theus nang may patalim nang humahalik sa kanyang leeg.

"Don't move, bello." Bulong sa kanya ng babaeng may hawak sa kanyang leeg. Nakapulupot ang maputi at malalakas na braso nito sa leeg niya.

Tiningnan niya ang paligid at doon na lang kaba niya nang makitang hawak na rin sa leeg ang iba niyang kasama maliban kay Ryleen na nakikipag-chitchat na sa ibang babae sa kampo, tila close na close na ito sa mga babae.

"Morisette!" sigaw ni Theus nang lumagapak si Morry sa lupa na una ang mukha dahil sa malakas na sipa ni Chantaria sa panga nito.

Natatawang bumangon si Morry at nagpagpag saka nilingon si Theus. "Stay still, sweetie." Nakangising aniya sa binata saka niya ito kinindatan.

Muli hinarap ni Morry si Chantaria na tuwang-tuwa na nakatingin sa kanya. Muli niyang sinugod ang babaeng albino at malakas na kinitilan ng suntok sa mukha. Hindi naman ito nakaiwas pero hindi man lang natinag sa kinatatayuan.

"Still hard as rock huh?" napapailing na aniya.

Nagkatitigan sila ni Chantaria at sabay na biglang tumawa nang malakas. Lumapit muli sila sa isa't-isa at nagyakapan. Napanganga na lang si Theus.

"Welcome back to Sayufara, Moira." Nakangiting bati ni Chantaria at pinasadahan ng tingin si Morry. "You look different. I didn't recognize you being our dear Moira."

"It's been what?— fifteen years? It's good to be back here!"

Natigil ang batian ng dalawa nang malakas na tumikhim si Theus na hawak pa rin sa leeg ng isang taga-Sayufara.

"Let go of him, Rebecca." Utos ni Chantaria sa may hawak sa binata. Binitawan nito si Cardo gano'n din ang iba nilang kasama.

"Ugh! You held me too tight." Anas ni Theus na hinilot-hilot ang leeg kay Rebecca na naglakad na palayo sa kanya.

"We received a message from my dear friend, Mojica. I guess this is her son." Sabi ni Chantaria na nakatingin kay Theus.

"Yes." sagot ni Morry saka nilapitan si Theus na sambakol ang mukha at inakbayan. Nagpumiglas naman ang lalaki pero malakas at mahigpit ang pagkakapit nito sa kanya. "This is Mattheus Remedy and that girl—" sabay turo kay Ryleen na nagpapa-braid ng buhok sa mga batang Sayufara. "Mojica's unica hija, Fragrance Ryleen."

Ngumiti si Chantaria.

"Theus, she is Chantaria Feoma Eve, the she-alpha wolf of this Tribe."

Yumukod si Chantaria na sinuklian ng simangot ni Theus.

"What is this place?" tanong niya imbis na bumati kay Chantaria.

Tumawa ito, "This is our sanctuary, Sayufara."

Tinapik ni Morry si Theus, "Dito muna tayo titigil hanggang sa mabawi na natin siya. Chantaria and her tribe will help us. Don't worry they are our alliance. Reina dealt with them before and I was an Sayufara Eve too."

Napatingin si Theus kay Chantaria.

"You've met her?" bakas sa boses niya ang excitement nang maring ang pangalan ni Reina. Tumango si Chantaria.

"But as Katarina not Reina." Anito kaya kumunot ang noo niya.

Magtatanong pa sana siya nang lumayo na sa kanya si Morry at Chantaria na nag-uusap. Napasimangot siya saka nilibot ang tingin. Napalunok siya at mabilis na tumakbo kasunod kay Morry nang makitang titig na titig sa kanya ang mga babae ng Sayufara na tila na hinuhubaran siya gamit ang mga mata.

"I'm coming with you tonight." Rinig niyang saad ni Chantaria.

Tumango si Morry, "That's nice. The Eves gonna hit some shit then."

-End of Chapter 20-

A/N: BORROWED was supposed to be focus on our bida(s) only, Reina & Zync but I don't want to rush things in here kaya some chapters were focused with the supporting characters na malaki rin ang papel sa buhay ng ating mga bida. Sana 'wag kayong ma-bored.

Mario Maurer as MATTHEUS REMEDY
Kendall Jenner as MORISETTE EVERSTRIFE

Thank you for reading freaks. God speed!

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro