Thirteen: GROUND ZERO
She's Enigmatic and Borrowed are not edited as well as my other posted stories kaya 'wag mayamot kung mayroong typographical errors lalo na wrong grammars and wrong spellings. Hoping for your kind consideration.
Chapter 13: GROUND ZERO
Enjoy reading!
ZYNC ORLANDO
My trail of thoughts from the past was disturbed by a loud knock on my office door. Umayos ako ng upo.
"Boss." I heard my secretary's voice.
"Come in, Jillian."
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ng aking sekretarya. She's been my assistant since I was fifteen. She's my dad's most trusted employee ever since. I looked at her. Her hand was gently placed on her protruding belly. She was ten years older than me and she's soon to be mommy.
"Baby boy!" nakangising aniya. She's like a big sister to me, too.
Napailing na lang ako. Mahinhin siyang naglakad papalapit sa akin. She was holding a white folder with her other hand and I flashed a grin when I recognized what it was.
Pero bago pa siya makalapit sa akin nakita niya ang crib ni Baby Ah at tuluyan na akong dinedma. "OMG! Baby Ah is here!" she shrieked.
"Hey, be careful!" hiyaw ko dahil muntik na siyang madapa. Nabitawan niya pa ang folder kaya tumayo na lang ako at pinulot iyon.
She's now busy with Baby Ah and totally disregarded me. Nice.
Mabuti na lang at nakaalis na si Sia at hindi na sila nagpasing-abot dahil mababaliw ako sa kanilang dalawa. Pareho sila ng likaw ng utak, mga baliw at nagkakasundo talaga sila.
Bumalik ako ng upo sa swivel chair ko at binuklat ang folder. Napangiti ako nang malaki habang binabasa ang dokumento.
"They're now yours, Boss." Biglang sambit ni Jillian kaya napatingin ako sa kanya. She's smiling widely.
"They'd always been mine, Jillian." Pagtatama ko. Napailing siya pero natatawa. "Kean Arri Clementin Orlando and Kianarra Clementin Orlando, sounds nice eh?" Binalik ko ang tingin sa dokumento ng kambal KONG anak.
"You love her that much that even if she's not around, you still took the responsibility of her children for being their father. I'm so proud of you, baby boy." She said that made me smile even more.
"She'll come back for us, Jillian." Tumango siya saka binalik ang tingin sa natutulog na si Baby Ah.
Natahimik kami sa loob. Napatitig lang ako sa kawalan at inisip muli si Katarina.
I don't know where she went. She didn't left any track that could help us locate her. Tamara said that we should let Katarina take her time alone first and wait for her to comeback. Kahit ayaw ko man ay hinayaan ko siya lalo na't hindi basta-basta ang problemang kinahaharap niya ngayon.
But I can't help myself not to look for her. Hindi ko naman siya iisturbuhin, gusto ko lang malaman kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya. I want her safe like how she made me safe and secured. Binuo niya ang KZ Empire para sa akin, sa kambal... para sa aming lahat.
Sia and Al were helping me on looking for her but it's been a year, we still can't find any track.
Marami pa akong gustong sabihin sa kanya at itanong. No'ng nakilala ko siya ay hindi ko inakalang magiging malaking parte siya ng buhay ko. Kahit magulo man ang naging buhay ko kasama siya ay mas gugustuhin ko iyon kaysa sa tahimik at normal nga ang buhay ko pero wala naman siya.
I am aware that she brings danger to everybody because she's the danger itself but she turned out to be my safe zone. Mabilis man ang pangyayari, nakisabay naman do'n ang nararamdaman ko sa kanya. Mabilis akong nahulog sa kanya at ayaw ko nang bumangon pa.
Maybe it looked that I fell in love with her because she saved me many times and she protected me unconditionally but I couldn't go up anymore from drowning with this special feeling I've got for her.
Yes, I became a jerk towards Allaine because I easily fell out of love when Katarina came but I am willing to say sorry to Allaine for the rest of my life for hurting her. Because I love Katarina so much and the beats of my heart are made only for her.
Hindi rin naman ako galit kay Allaine kahit na alam kong miyembro siya ng grupong gustong patayin ako, ang TRIAD. I know she had reasons for doing it. Hindi rin lingid sa kaalaman kong she was on a mission to lure me and she succeeded. Yes, nagawa niya nang maayos ang mission niya dahil nalaman ko na lang six months ago na 10 million dollars ang nakuha niya sa company namin, nasa 500 million pesos rin 'yon kaya nagulo ang ibang projects ng company.
I didn't know how she did it but I knew she has connection inside our company. Since my dad wasn't here to fix the problem, he along with the other board members appointed me to be the acting president for the mean time. Hindi ko pa tuluyang nalinis ang Orlando Conglomerates dahil dalawa pa lang ang nahuli kong tuta ng TRIAD, marami pang malayang naglalakad sa teritoryo ko but I am doing my best to clean the traces that those demons had touched.
Kung sana walang problema ngayon si Tamara ay magiging madali ang lahat para sa aming mahanap si Katarina at malinis ang company ng pamilya ko. Tamara got all the connections we needed.
But, she's in the middle of the Mafia War right now. Nagkakagulo ngayon ang Chthonic Society at hindi ko alam kung bakit. Kaya dumistansya muna ang Bermond Mafia sa KZ Empire o sa amin para hindi kami madamay sa gulong kinakaharap nila.
Oo, tanggap ko nang pinapalibutan na ako ng mga hindi basta-bastang tao. Maybe, they are syndicates and got an involvement in illegal activities but the people I had the chance to get to know better and had live with them are the purest. They are better than those people out there who got a title of being a public figure, an icon or any goody-goody somebody.
People like Katarina, Tamara or Iseah are the truest and most genuine. They had set their hearts to protect the one they love, they are true to their words and they're willing to sacrifice. Yes, they are maybe ruthless, wicked and sometimes they were called demons but actually they are angels in the dark trying to seek for the light.
I can testify how good they are, how devoted they are to their love ones, how pure they are because the woman I love is one of them.
Nakakatakot man ang buhay na mayroon ako ngayon dahil sa mga taong nakapalibot sa akin pero mas nakakatakot naman ang gumising ka araw-araw na hindi mo alam kung nasaan ang taong mahal mo.
"Zync, are you okay?"
Natigilan ako at napatingin kay Jillian. Nakatunghay siya sa akin at nag-aalalang nakatitig.
"Why are you crying?" tanong niya na ikinabigla ko. Agad kong sinapo ang mukha ko at umiiyak nga ako.
Umiling na lang ako at pinunasan ang pisnge ko.
"I know you're in pain and I am also aware that the only thing that could mend your wound is still out there, wandering and nowhere to be found but please hold on tight with the love you have for her." Seryosong aniya.
Napatitig ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili kong ilabas lahat ng hinanakit ko.
Niyakap niya ako, pinatong niya ang ulo ko sa malaki niyang baby bump at doon ako umiyak ng umiyak.
"Ang gugulo ng mga taong nakakasalamuha ko, Ate." Pagsusumbong ko sa kanya at natawa naman siya. "Simula nang dumating siya sa buhay ko, nabunyag ang lahat ng kasinungalingan ng mga taong akala ko totoo sa akin. Nasira ang tiwala ko at ang sakit-sakit, Ate dahil ang taong kinakapitan ko at binigyan ko ng buong tiwala ko ay tumakbo palayo sa akin." Humagulgol na ako.
"Kahit pa sabihin nilang babalik siya at kailangan niya lang ng oras para sa sarili niya ay natatakot pa rin ako. Masyado siyang misteryosa at kakaiba ang takbo ng utak niya. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng 'to. Marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya at natatakot ako na baka ang maraming bagay na iyon ay maging dahilan na hindi na siya muling babalik pa sa buhay ko."
Jillian remained silent and I am glad she did, I don't need anybody's words. All I need are ears that are willing to listen and arms where I can lean on.
"B-but, I will wait for her to comeback. I will hold on tight. I love her so much, I love Katarina Zenkiah Clementin so much."
*****
Sinalubong ako ni Femm pagkababa ko ng kotse.
"Good evening, Master Zync." Bati niya. Tumango lang ako at umikot sa backseat at kinuha sa baby holder si Baby Ah. Humagikhik pa ito kaya pinanggigilan ko muna ng halik ito sa leeg.
"Dadadakyu!" sambit nito kaya natawa ako. Manang-mana talaga sa ina. Tsk!
Inabot ko ang baby kay Femm. Naglilikot pa ito dahil gustong bumalik sa akin.
"Nakauwi na ba si Sia?" tanong ko kay Femm. Agad nagsilapitan ang ibang MIB at kinuha ang ibang dala ko at mga gamit ni Baby Ah. Sumabay ako kay Femm sa paglalakad.
"Wala pa po siya, Master."
Bumuntong hininga na lang ako. Nagsilapitan ang ibang tauhan ng mansion at humilera saka sabay-sabay na yumukod. I don't want them doing it every time I arrive but Butler Clark was too strict and formal. Kaya nasanay na rin akong galangin ng lahat ng tauhan dito.
"Ang kambal nasa'n?" nagpalinga-linga ako pero hindi ko sila mahanap. Mga yabag ng mga sapatos lang namin at ang mahinang baby talk ni Baby Ah ang naririnig.
"Nasa taas pa ho, kakatapos lang nilang maligo. Binibihisan na po sila ni Ivy." Tumango na lang ako at dumiretso sa sofa.
"Pakiasikaso na lang si Baby Ah, Femm." Utos ko sa kanya. "Pagkatapos ibalik mo siya sa akin." Tumango naman siya at umakyat na sa taas bitbit ang bata at ang baby bag ni Baby Ah. Inutusan ko rin ang MIB na may bitbit ng crib na iayos ito sa katabi ng sofa.
Umakyat na rin ako at nagmadaling magbihis ng pambahay. Bumaba kaagad ako dahil rinig ko na ang ingay ng mga bata sa baba.
"Dah~deh!" umalingawngaw ang matinis na tili ng apat na taong gulang kong prinsesa. Hanggang ngayon ganyan pa rin ang istilo ng pagtawag niya sa akin, pakanta at pabebe. Napangiti ako nang malaki nang makita silang naglalaro na sa sala.
Nagtatalon si Arra na nakaharap na sa gawi ko habang nilalaro naman ni Arri si Baby Ah na nasa loob ng crib.
Pagkalapit ko sa kanila, sinalubong kaagad ako ni Arra at nagpakarga sa akin ang tabachingching kong prinsesa.
"How was your day, princess?" pinugpog ko nang halik ang malusog niyang pisnge. She giggled at bigla akong sinabunutan. Natawa na lang ako kahit masakit sa anit. Ganito talaga sila maglambing, napakabrutal.
"Hi Dad!" bati naman ng bigboy ko.
"Hey Bigboy!" Binaba ko si Arra saka akmang bubuhatin si Arri nang tinampal niya ang kamay ko. Masakit ulit pero tumawa lang ako at napailing.
"I told yah, Dad! I'm a big boy now. You don't have to carry me." Nakangusong aniya. Sa edad niyang 4 years old ay hindi na siya bulol at utal hindi gaya ni Arra na baluktot pa rin ang dila. Tumaba rin kasi si Arri at mabigat na.
"But still you are my babies." Nagtatampong saad ko saka umupo sa sofa. Tumungo naman si Baby Ah malapit sa akin at doon pilit inaabot ako. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at nilaro siya. Tawa naman ito nang tawa.
"Dadada~"
"I'm not your Dada, baby. I am your Ninong." Saad ko sa bata. "Ni-nong." Pagtatama ko.
"Dada~!"
"Niiiii- noooong."
"Dada~dakyu!"
Napasimangot naman ako. Akala ko Dada na ang tawag niya sa akin. 'Yon pala! Tsk. Sumingit naman agad si Arra sa aming dalawa ni Baby Ah. Thiloth thi buyoy!
"Me! Dah~Deh! Carry Arra, plith!" kumandong ang prinsesa ko sa akin at niyakap ako sa leeg. Sinakal pala, marahan kong kinuha ang mga braso niya dahil hindi ako makahinga.
'Tss. Manang-mana sa ina ang kambal. Brutal. Yeah... I'm a battered Dad.'
Nilaro ko ang tatlong bata, nawala naman ang lahat ng pagod ko sa katawan at utak dahil sa tawa ng mga bata. Nakatulog na si Baby Ah pagkatapos ko siyang padede-in habang ang kambal naman ay nanonood ng Phineas and Ferb.
"Good evening, Lady Iseah."
Napalingon ako sa main door nang marinig ang bati ng mga tauhan. Tumaas ang kilay ko nang makita ang sobrang lukot niyang mukha.
"Let's talk." Aniya sa akin. Hinalikan niya lang sa ulo si Baby Ah at naglakad na tungo sa Media Room ng mansion. Sinundan ko naman siya at hinabilin ang mga bata kina Femm.
Pagkapasok ko ay nakabukas na ang TV sa loob at seryosong nakaupo sa harap si Sia. Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang balita...
"...hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin ng Quarantine State ang kaharian ng Slovenia. Isang taon na ang nakakalipas simula nang pumutok ang balita tungkol sa pagsakop ng 'di kilalang grupo sa Slovenia. Sa huling pahayag ng European Federation leader ay sinabi niyang ginagawa nila ang lahat para makipag-ugnayan sa Famiglia Clementin para mag-abot ng tulong. Pero ayon sa ating source masyadong malakas ang 'di mapangalanang sindikatong may hawak ng buong kaharian at ang mas malala pa ay nagpatayo ng malalaking bakod at harang ang mga ito palibot sa buong bansa. Buong mundo na ang nag-aalala para sa kalagayan ng mga taong naninirahan sa Kaharian ng Slovenia."
Kumuyom ang kamao ako. 'Triad.' Sambit ko sa isipan. Tinuring na ngang Crime Outbreak ang nangyayari sa Slovenia.
"...at ikinalulungkot ho naming ibalita na namatay na ho ang state and soul witness ng kaguluhan sa Slovenia, na si Angelica Stonewell, ang Executive Secretary ng Hari ng bansa na si King Malachi Alexandrous Clementin sa mismong pangangalaga at teritoryo ng Dark Quarter Security Agency. Iniimbestigahan na ng nasabing ahensya ang biglaang pagkamatay ni Angelica Stonewell sa tulong na rin ng CIDG na siyang may hawak ng kaso."
What? Paanong? Nasa pangangalaga ng KZ Empire si Miss Angelica! Hindi siya namatay noong pagtakas nila Morisette kasama ang kambal. May nakakita sa kanya sa isang isla sa Batanes na nag-aagaw buhay sa dalampasigan. At nang magising siya at nabigyan ng paunang panlunas ay agad niyang hinanap ang lokasyon ni Morisette at ng kambal.
Nang mahanap niya kami ay agad siyang kumilos para tulungan kaming mahanap si Katarina at maghanap ng solusyon sa problema sa Slovenia ngunit nabalitaan na lang naming may koneksyon na siya sa gobyerno ng Pilipinas. Ginawa siyang Soul Witness ng kaguluhan sa Slovenia at naging matunog ang pangalan niya sa buong mundo. Hindi namin alam kung bakit niya ginawa iyon pero naging tikom ang bibig niya at palaging balisa.
"Nakipag-alyansa na rin ang European Federation sa Asian Union at sa gobyerno ng Pilipinas nang malaman nila ang balitang namataan dito sa ating bansa ang Crown Princess ng Slovenia noong nakaraang taon. Gusto rin nilang makausap ang tagapagmana at kasalukuyang acting President ng Orlando Conglomerates na si Mister Zync Orlando dahil ito ang nakitang kasama ng Prinsesa noon pero mahigpit ang seguridad ng tagapagmana at nanatiling tikom ang bibig tungkol sa Prinsesa. Si Zync Orlando na lang ang makakapagsabi sa atin kung nasaan ang Prinsesa."
"WHAT?!" bulalas ko. "Ano 'to Sia?!" binalingan ko siya. Pinatay niya ang TV at nilingon ako. "Bakit hindi ko alam 'to?! Paano lumabas ang balitang 'yan? Diba nalinis na natin 'yan ang balitang tungkol sa amin ni Katarina?"
Napapikit ako sa inis. Sinigurado namin ni Al noon na hindi na muling kumalat ang balitang nandito si Katarina sa Pilipinas para sa proteksyon niya. Kahit na wala na siya dito ngayon ay kailangan pa rin 'yong panatilihing sikreto dahil nagkakagulo ang Slovenia at tutok ang mata ng buong mundo sa mga nangyayari tungkol dito ngayon. Hinding-hindi makakatulong ang media sa ganitong problema, mas pinapagulo pa nila.
"This is what I am fvcking telling you, Zync! May traydor sa mga kasama natin!" galit niyang turan. "Hindi lang sa kompanya niyo kundi dito rin sa KZ Empire. Fvck."
Napaupo ako sa couch at napasipa ng ilang beses sa sahig. Sinapo ko ang mukha ko. Rinig ko rin ang pagmumura ni Sia.
"W-what are we going to do now?" mahinang tanong ko.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Masyadong magulo na ang lahat. Hindi ko alam kung kailan kami kakantiin ng kalaban. Oo at naitatag na ang KZ Empire pero natatakot pa rin ako sa seguridad ng mga taong sakop ng imperyo. Hindi ko alam kung paano panatilihing ligtas ang bawat isa sa amin.
Ginamit ko na nga ang kapangyarihang hawak ko ngayon sa Orlando Conglomerates para madagdagan ang seguridad sa nasasakupan ni Katarina pero alam kong hindi pa rin sapat ang lahat hangga't humihinga pa ang mga mga demonyo... hangga't nand'yan ang Triad, hangga't buhay ang hayop na si Flynn Flamenco, hangga't wala pa si Katarina sa piling ko.
"Can't we ask for help to Empyreal?" inangat ko ang ulo at tiningnan si Sia na nakatingin sa kawalan. Alam ko naman ang magiging sagot niya pero umaasa akong makarinig ng ibang sagot mula sa kanya.
Hindi siya nagsalita kaya napayuko akong muli.
The Empyreal Community, pwede rin naman humingi ng tulong si Sia at Morisette sa kanila since they're Wing Agents too but because of the Freeze Linkage na sinumete ng King Malachi Alexandrous o ng Lolo ni Katarina ay ayaw manghimasok ng Empyreal.
Alam ko ang mga ito dahil sinabi ni Sia sa akin, they tried to go to the Empyreal Main Base and seek for help but they came home disappointed. The Empyreal Bosses accepted King Malachi's Freeze Linkage therefore it would dishonour the agreement if they intrude in Slovenia's problem.
But what the heck?! Hindi ko alam pero ang manhid nila! Hindi ba nila nakikitang marami na ang nadurusa?! Marami ang may kailangan ng tulong nila!
Namuo ang katahimikan sa amin ni Sia. Kagaya ko, alam kong pagod na pagod na rin si Sia. No'ng nagbubuntis pa lamang siya ay masyado nang gamit ang utak at katawan niya sa paghahanap kay Katarina at sa pamomroblema sa sitwasyon ng Slovenia.
Kaya naipanganak niya ng kulang sa buwan si Allius Hosea. Magpipitong buwan pa lang no'n ang pagbubuntis niya nang bigla siyang nag-bleeding at ipinanganak si Baby Ah. She also suffered Postpartum Depression and it has never been easy to us especially to her.
When she had recovered, agad niyang pinalitan sa pwesto bilang Chief ng KZ Empire si Morisette habang si Al naman ay tumayong Boss ng imperyo.
Sa loob ng isang taon ay nagawa nitong baguhin ang mga ugali ng bawat isa sa amin. Kakaiba ang hatid sa amin ng kaba at takot sa problemang kinahaharap namin.
Lumaki na rin ang hawak na teritoryo ng KZ Empire dito sa Pilipinas nang tuluyang nasakop nito ang Flamenco base dito. Naging kaanib na rin sila Henna at ang ibang gangs na nagmatigas noon pagkatapos no'ng gabing 'yon sa Road of Death. Hindi man agad-agad pero nang malaman nila ang ginagawang kasamaan ng Flamenco sa ilalim ng Triad ay napagdesisyonan nilang tumulong sa KZ.
"Where's Morisette, by the way?" pagbasag ko sa aming katahimikan. Napansin ko kaagad ang pagsalubong ng kilay ni Sia.
Ilang buwan na ring hindi napagawi sa mansion si Morisette kahit sa kompanya ko.
"Fvck that woman." She hissed saka muling tumulala sa kawalan.
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siya. Nasabi sa akin ni Sia noon na kakaiba mag-isip si Morry at mas gugustuhin pa nitong magsolo sa paggawa ng plano.
"I saw Ryleen this morning." Biglang aniya kaya napalingon ako.
'Yong batang 'yon! Bigla na lang umalis ng mansion nang walang paalam. Hinanap namin siya pero magkadugo nga sila ni Katarina, parang daga kung saan-saan nagsusuot. Ang hirap hanapin.
"Where?"
"She went home to her mother, Tita Mojica."
Kumunot ang noo ko, "You mean Prof. Moj?" nagbabasakaling tanong ko dahil hindi pa ako nakakakuha ng kumpirmasyon kahit kanino kung sinong Mojica ang tinutukoy nilang tiyahin ni Katarina na dito nakatira sa Pilipinas.
Tumango naman siya kaya napatikom ako ng bibig. Kaya pala. Gano'n na lang sila kung magtutukan ng baril sa university at kung gaano kaseryoso ang tinginan nila ni Katarina.
"I heard she's part of Empyreal, why don't we ask for help to her?" tanong ko. Nilingon niya ako saka siya marahang umiling.
"She's under Wing Organization so it means damay siya sa Freeze Linkage." Nanlumo naman ako.
"But... but we can make an alliance with her right?" nagbabasakaling usisa ko. Sandali siyang natahimik.
"Yes but I'm afraid she would rather choose to move alone than to do it with us. Pareho silang mag-isip ni Morisette. Sa pagkakaalam ko, hindi siya sanay sa team work but she was a good leader back then... 'yan ang sabi nila." Aniya.
"We have to try, Iseah." Udyok ko.
Tumango naman siya, "Mmm'. She's married to Engr. Matt Remedy of Remedy Internationals and they have one daughter Fragrance Ryleen Remedy then a step-son, child of Engr. Matt with his dead first wife, Mattheus Remedy."
Napaisip naman ako dahil parang narinig ko na ang tinukoy niyang kompanya.
"Is that the famous International Telecommunication Company?" I asked.
"Yes."
"That would be great!" bulalas ko. "Pwede ko 'yang gawan ng paraan para makipag-business deal sa company nila, so that we can get closer to Prof. Moj."
"Don't worry. I'll take care of that."
"No Iseah. Let me handle this one. Magpahinga ka muna."
Naaawa na rin ako sa kanya, namamayat na nga si Sia at minsan na lang rin sila nagkikita ni Al dahil masyadong busy ang asawa niya sa KZ.
"N-nahihirapan na ako, Zync." Biglang saad niya kaya napaiwas ako ng tingin. Kinagat ko ang labi ko nang marinig ko siyang suminghot. "I feel like I am an invalid person. I'm fvcking so useless, Zync. Ang kaharian namin, kahit na may galit ako sa sariling bansa ko ay hindi ko naman kakayaning mawasak ito nang tuluyan. M-my family is still there..."
Agad kong pinahid ang luhang tumakas sa mata ko at hindi umimik.
"N-ni hindi ko siya mahanap. Nasaan na siya, Zync? Natatakot akong baka kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Na baka nasa Slovenia na siya. Baka kaharap niya na ngayon ang Triad. Kinakabahan akong baka hinanap niya ang demonyong si Flynn—"
"SHUT UP will you?!" napatayo na ako at masama siyang tiningnan. "Instead of ranting nonsense maybes why don't you pull yourself together and just think positive?!"
Mukhang nagulat siya sa biglang pagsigaw ko.
Nakakainis siya. Naiinis ako sa pagiging negatibo niya. Puro siya baka! And I hate that word! I am trying to be strong and positive in the midst of this battle but here she is, bringing negativity in everything and it's not helping!
I don't want to shout at her but I can't help it when I am starting to feel negative about Katarina and everything too. Dahil ako mismo sa sarili ko ay nagiging negatibo na rin sa sitwasyon namin ngayon.
That shout and everything I said was not just for Iseah but for myself. I want to stay positive and hold on to my faith that everything will be alright but I am too scared... too scared that I couldn't stand still waiting for her.
Nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko dahil sa sobrang takot.
"I-Im sorry." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
Umiwas lang ng tingin si Iseah.
"W-we're on the same boat, Zync but I trust Katarina more than myself and I will lean on to that." Aniya saka tumayo na.
Napaupo na lang akong muli at kinalma ang aking sarili. Nakatingin lang ako kay Sia na naglalakad na palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang namumutlang si Al.
"Mister?" sambit ni Sia saka dinaluhan si Al. Napatayo na rin ako dahil nilukob ako nang matinding kaba dahil sa hilatsa ni Al. "What's wrong? Ba't ganyan ang mukha mo?"
Lumapit ako sa kanila, "Al? Ano ang nangyari?"
"M-misis... Z-zync... I just found out that Slovenia is now under Ground Zero." Nanginginig na aniya.
Kumunot ang noo ko dahil ko sila maintindihan. Binalingan ko si Sia na natigilan at namutla na rin.
"N-no..." umiling-iling siya at biglang napaupo. Nag-alala naman ako nang bigla siyang nanginig at nagsimulang umiyak nang malakas. "T-this can't be. Tell me you're fvcking kidding!"
"Galing ako sa West Border ng Slovenia, sa may Adriatic Sea." Saad ni Al.
"What?!" sabay naming sigaw ni Sia.
"Are you fvcking crazy?! Paano kung namatay ka?! Hindi ka ba nag-iisip Al! Kaya pala matagal kang nawala! Ni hindi mo pinaalam sa aking pupunta ka do'n! Paano kung hindi ka na nakabalik pa?! Paano na kami?! Paano ako? Paano na si Ahhh?" sinapok ni Sia si Al.
Hindi na lang ako umimik dahil baka mas lalala pa ang bangayan. Pero shet lang, kahit pala nasa ganitong sitwasyon paungol pa rin ang pagsambit ni Sia sa palayaw ng anak. Ibang klase.
"I'm sorry. Pero alam kong hindi kayo papayag 'pag sasabihin ko ang plano ko but you don't have to worry anymore, nakauwi na ako." Niyakap naman nito ang asawang umiiyak pa rin.
"A-Al." tawag-pansin ko sa kanya. "Tell me more please." Kinuyom ko ang aking kamao para pigilan ang panginginig.
Lumingon siya sa akin at bumuntong hininga, "A pirate tribe in Adriatic Coast, Croatia helped me to sneak on the border."
"Pirate?!" sabay namin ulit na sigaw ni Sia.
This is crazy and Al is crazier!
"Hey! Stop shouting! Let me explain first." Natahimik naman kami. "Kilala ko ang tribu na 'yon, bata pa lang ako no'ng nasa mga kamay pa ako ng Ares Clan. I had encountered them once no'ng naging mission kong kunin ang ninakaw nilang bagay sa Empress ng Ares pero instead na makaaway ko sila ay naging kaibigan ko ang pamilya ng pinuno ng mga pirata."
Napatango na lang kami ni Sia.
"They're the one who contacted me that they could help me infiltrate the borders of Slovenia and see the situation in there in person. Nalaman rin kasi nila na sa akin hinabilin ni Katarina ang KZ. Sinabi rin sa akin ni Thronux, ang lider ng mga pirata na affiliated ang Cruix Pirate sa KZ Empire." Napangisi si Al at napailing. "Ibang klase... hindi ko akalaing nagawa ni Katarina na makipag-alyansa sa iba't-ibang grupo. She's indeed enigmatic."
Napakurap-kurap naman ako. Si Katarina? Nagawa niyang makipag-ugnayan sa mga pirata? Hindi ako makapaniwala.
"Nag-alala na rin kasi sila sa nangyayari sa kaharian at natatakot silang madamay ang mga karatig bansa. Naapektuhan na rin kasi ang ekonomiya ng mga bansang na malapit. Do'n ko nalamang from Quarantine State ay naging Ground Zero na ngayon ang buong Slovenia."
"Fvck!"
"I don't understand." Pag-aamin ko.
Binalingan ako ni Al, "Ground Zero... it is the worst system in the world, Zync. It means destruction dahil kapag nasa ilalim na ng GZ ang isang kaharian ay wala nang namumuno, wala ng autoridad, wala ng batas."
"W-what?"
"Ibig sabihin ay nasa ulo na ng mga taong naroroon ang batas. Slovenia will be a big battle ground dahil magpapatayan ang mga tao para maging pinakamalakas at makuha ang trono ng pinakamakapangyarihan. Magpapatayan silang lahat para mabuhay. Bata man o matanda, babae o lalaki. Lahat. Walang pinipili. Gagawing laruan ng Triad ang buong Slovenia at lahat ng mga tao do'n."
Nanlumo ako sa narinig. 'Mga bata?' Naisip ko pa lang paano kung hindi nakatakas ang kambal doon? Mga hayop sila! Wala silang puso!
Pero paano kung nando'n si Katarina? Paano?
Tuluyan na akong nanghina.
"Ground Zero is unstoppable." Saad ni Sia. "No one can escape death under Ground Zero."
-End of Chapter 13-
Thank you for reading freaks!
GOD speed.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro