Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ten: THE NAME

Chapter 10: THE LONG FORGOTTEN NAME

Enjoy reading!

REINA

I was still clinging on the ground like it was the only thing where I could hold on to. I could also feel that someone is staring down at me but I could care less, pain is dominating me and bitter emotions are now consuming my whole system.

"You look wasted." Narinig kong wika ng taong nabangga ko kanina pa.

Pero hindi ko pa rin siya pinansin. Mas lalo pang lumakas ang iyak ko. I don't care if I look stupid in front of him. Yes, him. He's a boy based on his voice.

I could still remember how that golden dagger ripped off my flesh and how my heart pounded fast and let out its final beat.

I have my own identity. I have my own name yet nobody knows me, kung mayroon man alam kong matagal na nilang nilibing sa limot ang aking pagkatao.

"Hey freak!"

How did this all happened? Why?

"Oh girls... I really hate dramas."

Hindi pa ba tapos ang paglalaro ng tadhana sa buhay ko? Sobra-sobra na ang sakit na naramdaman ko noon sa murang edad pa lang pero bakit hanggang ngayon pinaglalaruan pa rin ang buhay ko? Sumuko na ako diba pero bakit ganito pa rin?

"Hey. Will you quit that? You look annoying, freak."

Ano ba ang rason na hanggang ngayon ay buhay pa rin ako at nadudusa? Hanggang saan ba ang pananakit sa akin? Hindi pa ba sapat ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon? Do I deserve all of these? I surrendered! I gave up a long time ago already! Ba't ganito?!

"Aish! Hey woman! Stand up! You're taking too much time!"

Katarina Zenkiah. Ang kakambal ko na akala ko ang tanging taong hinding-hindi ako tatalikuran. Ang taong mas pinili kong mabuhay kaysa piliin ang sariling kong buhay. Ang taong kahit puro galit ang pinakita sa huling pagkakataon ay mahal na mahal ko parin.

"Tari, where are you?" I whispered.

I want to see her, now. I am dying to see her again, face to face. Gusto ko siyang mahawakan at kausapin.

"Huh? What did you say? Will you please say it louder and clearer?"

Kung ako ay nasa lugar niya ngayon, nasaan ang kakambal ko? Nasaan siya? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ano ang uunahin ko?

Ang hanapin ang kakambal ko. Ang Slovenia Kingdom at ang aking pamilya. O ang hanapin ang sagot sa kung ano ang nangyari kung bakit humantong sa ganito ang lahat...

Ang mga taong tinalikuran ko, sila na inakala ko ay akin, ang mga taong pinahalagahan ko. Si Arri at Arra na akala ko ay sa'kin nanggaling. Si Tamara at si Tatti. Si Sia, Al at Morry. Ang KZ Empire... at si Zync.

"Ugh! Alam mo bang nagmumukha na akong tanga dito?! Kanina pa ako nagsasalita tapos mas inuuna mo pa 'yang pagdadrama mo?! Aba! Pinakiusapan lang akong kunin ka. Hoy! KATAREINA ZAVINA pansinin mo ako!"

Natigilan ako. Parang may biglang makapal at malaking wall na biglang humarang sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan.

For the first time since the last time, someone says my name. Someone recognizes me. Someone knows me. I felt my heart twitch with that thought.

I heard my name again.

With tear-filled face, I slowly look up to that someone. Ang taong alam kong kanina pa nagsasalita sa harap ko. I stare at the guy whose face looks pissed off. His forehead was creased and eyebrows were form in one line, I could see his jaw moving and he was gritting his teeth but what caught my attention the most was the pair of orbs he possess. It shouts deep penetration directly into my soul, it has no emotions yet he was looking at me lazily but annoyed.

"Oh good heavens, you finally noticed me!" He retorted with sarcasm. He even rolled his eyes upwards.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. My heart is still in so much awe that someone knows me.

"Do you know me?" After a minute of ogling at him, I finally found my groggy voice.

Tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala. Tumawa siya nang nakakaloko saka ako siniringan ng tingin.

"Are you serious?! Will you please stand up and let's go! I need you to bring to her!" Tumalikod siya saka naglakad tungo sa isang puting sasakyan na nakaparada malapit sa amin. Nilingon niya akong muli na may lukot na lukot na mukha, naramdaman niya sigurong hindi ako gumalaw.

Her? Sino ang tinutukoy niya?

"Ano ba?! Anong akala mo? Bubuhatin kita?! Ha! Ha! Ano ka sineswerte?! Tumayo ka na!" Masungit na singhal niya sa akin but I don't care.

I want to hear him call me again.

"W-will you please say my name again?" Mahina ngunit alam kong rinig niya. Mas lalong lumukot ang mukha niya. Mabigat ang mga hakbang na nilapitan niya akong muli.

"Ginagago mo ba ako?!" Bulyaw niya sa mismong mukha ko.

Kaya hindi ko na napigilang mapahikbi. Kung si Tari ang nasa lugar na 'to, baka sinapak na siya at sinakal but I am Reina.

"Hoy KATAREINA ZAVINA! Alam kong gwapo ako pero pwede ba?! Tumayo ka na at umalis na tayo dito?! 'Wag kang tumititig lang sa'kin! Kinikilabutan ako! Pasikat na ang araw at nadisturbo pa ang tulog ko dahil sa'yo! May lakad pa ako mamaya!"

Hindi ko napigilang ngumawa dahil sa saya nang marinig kong muli ang aking pangalan. Ang sarap pakinggan.

"Ay anaknang! 'Wag ka ngang umiyak! Baka may dumaan at akalaing ako ang nagpaiyak sa'yo! Hindi ko matatanggap na mapahiya ako nang dahil lang sa'yo! Ano ba?! Huy!"

Tinawag niya ako sa aking pangalan. Ang saya ko.

Tinawag niya ang akong Katareina Zavina, diba?

Diba? Tinawag niya ako!

Kilala ako ng taong 'to!

May nakakakilala sa akin!

Ang saya-saya ko!

"Katareina! Pwede ba?!" Bulyaw niyang muli sabay hawak sa aking braso at pilit akong pinatayo.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang kinakaladkad ako ng lalaking 'to papunta sa kotse niya. Marahas niya akong tinulak papasok. Pabalya niya pang sinarado ang pinto. Padabog siyang pumasok at inirapan niya muna ako bago niya minaniubra ang sasakyan. Hindi ko na nagawang magsuot ng seatbelt dahil sa halo-halong nararamdaman ko.

"You're pain in the ass."

My eyes are nailed on him. He surely was disturbed in his sleep, he was only wearing a black sando and pajama pants. His hair was messy and his chinito eyes are fluffy yet filled with rage, nagalit ko ata. Matangos ang kanyang ilong at gosh! His lips are thin but gracious! It looks tinted with blood, it's very tempting!

"Hey! Stop staring! It's creeping the hell out of me!" Nagulat ako nang dahil sa biglang bulyaw niya then I came back to my senses.

Muli kong naalala kung ano ang sitwasyon ko ngayon. Napahugot ako ng hangin dahil hindi ako makapaniwalang panandalian akong nakalimot sa mga problemang kinahaharap ko.

Anong ginawa sa'kin ng lalaking 'to?

"Who are you?! Where are you taking me?! Do you wanna die?!" Galit na sigaw ko sa kanya, napapreno siya dahil sa gulat nang pagsigaw ko.

He cursed under his breath. Hinintay kong makahulma muna siya. Marahas niya akong nilingon but I remained impassive and crossed my arms.

"What the heck?! How dare you shout at me?! Ikaw na nga ang sinundo sa ganitong oras tapos sisigawan mo lang ako?! Hoy! Babae! Baka nakakalimutan mong lalaki ako! Mas malakas ako kesa sa'yo!" Namumula ang buong mukha niya at napasandal ako sa pinto dahil sa sobrang lakas nang pagsigaw niya. May laway pang libre. Ibang klase.

"Damn! I'm not a deaf! You don't need to shout like that! Hah! Malakas pala ha?!"

In one swift move, I was able to caught his hand which about to grab mine and twisted it to his back. I slammed hard his head on the steering wheel. "I could break your neck in an instant. Tell me, who are you?!" He wriggled to escape from my grip but I hold him tighter.

Now, sino ang mas malakas sa amin?

I am maybe Katareina Zavina but I am still 'the Katarina Zenkiah, the Wing Regal I used to'.

"Let go of me, you freak!" Pilit siyang nagpumiglas.

I pressed his head even more but his free hand caught my hair and pulled it. Sumampa ako sa upuan niya saka sinakyan ang likod niya at sinakal siya.

We were strangling each other when we felt the sudden collision of his car to something big and hard.

Napamura ako nang malakas. At dahil nakadamba ako sa likod ng lalaking 'to tumilapon ako sa nabasag na windshield ng sasakyan niya at awang-awa na ako sa katawan ko nang malakas akong humampas sa punong binangga ng kotse.

'Di namin namalayan na umandar at humarurot na pala ang kotse.

Naramdaman ko ang pagbaon ng mga bubog sa aking katawan pati na rin ang nayuping bahagi ng hood ng kotse ay nakitusok rin sa balat ko.

"Dammit!"

My hand immediately found its way to my tummy.

"Hold on tight right there, buddy." I whispered. "Pasensya na. Malikot si Mama lately."

Nanginit ang gilid ng mga mata ko. Ang buhay nasa loob ko... siya na lang ang mayroon ako ngayon dahil pansamantalang tinalikuran ko muna ang ama niya. Sa kanya na lang ako humuhugot ng lakas para harapin ang mga dagok sa buhay ko. Dahil pangarap kong bigyan siya ng mapayapa at masayang buhay. Isa rin siya sa mga rason kung bakit gustong-gusto kong matapos na ang lahat ng 'to.

"Please anak, don't let go."

Napapikit ako. Mas lalo akong napangiwi nang makaramdam ako ng matinding pagkirot sa batok ko papunta sa ulo. Kakaiba ang kirot na hatid no'n. Iba ang kirot nito sa kirot na dulot ng bubog. Nasapo ko ang ulo ko dahil parang may mahabang sipol sa tenga ko.

I was groaning in pain when I rolled over to help myself up. I heard the guy was whimpering too kaya nilingon ko siya, dumudugo ang noo niya at gaya ko ay mukhang masakit ang sinapit niya, well physically.

Sinikap kong makatayo. Pagod na pagod na rin ang katawan ko dahil sa nangyaring laban sa Road of Death at kung sasabak ako sa isa pang laban, sigurado akong 'di ko na kakayanin. I am physically, emotionally and mentally drained.

I can't think properly and I have a life to protect inside me. My baby is still three months.

I can't fight anymore but I think I could still protect myself and my baby from this guy. Binuksan ko ang pinto ng driver's seat at hinila siya palabas. Nahihilo siya kaya wala siyang laban but I was shock when I heard a noisy sound of a helicopter.

I look up to see a helicopter was above us. My eyes widened when I saw 3 ninjas are getting down on a rope.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. I cursed under my breath when they reach the ground. Nakatayo sila malapit sa amin and each of them is holding a samurai. Kinapa ko ang bulsa ko and I'm glad I still have my daggers here. Naiwan ko pala sa ROD ang handgun ko. Sh*t.

"Hey, what's your name?" Mahina kong tanong sa lalaking nasa tabi mo. Mukhang okay na siya dahil nakatayo na rin siya nang maayos and I could feel him tensed. He was now emitting dangerous aura. Sinulyapan niya lang ako sandali.

"Mattheus but call me Theus." He answered plainly. Based on his reaction, hindi niya mga kasama ang mga taong 'to.

/Theus/- /thi-yus/

I breathed out. May kaunting kirot na rin akong nararamdaman sa t'yan ko at sobrang natatakot na ako sa maaaring mangyari. I need to be extra careful with my movement.

"Do you have a weapon with you?" He nodded at nakita ko siyang pasimpleng kinuha mula sa bintana ang dalawang baril.

"Who are you?" Tanong niya sa mga ninjas but they didn't answer.

Agad kong hinugot ang limang daggers sa bulsa ko at mabilis na binato ang isa sa kanila but napamura ako nang biglang sumakit ang braso ko, may pilay ata ako. Imbis sapul sa ulo ang ninja ay sa braso lang nito tumama. Sunod kong naramdaman ang muling pagkirot ng batok ko.

'Damn! What's happening to me?' Lately, maliban sa morning sickness na nararanasan ko, madalas rin ang pagkirot ng batok ko.

Dahil sa ginawa ko ay inatake nila kami. Kalaban ni Theus ang isa habang dalawa ang umaatake sa akin. Panay lang ako ng iwas. I can't afford to waste my energy dahil baka mag-collapse na ang katawan ko and I can't put my baby's life at risk. Kailangan kong makahanap ng butas sa mga galaw ng dalawang 'to.

Nagpapasalamat ako na nakakasabay pa rin ako sa bilis nila pero hindi ko inasahan ang biglang pagyakap sa akin ng isa sa mga ninja habang 'yong isa ay may tinurok sa leeg ko. Gustuhin ko mang magpumiglas pero hindi maaari dahil sa bandang tiyan ko nakayapos ang isang braso ng ninja. Baka bigla niya itong higpitan, natatakot ako para sa anak ko.

Nahihirapan man ay nagawa kong gilitan sa leeg ang may hawak sa akin. Susuntukin ko na sana 'yong isa nang maramdaman ko ang pamamanhid ng aking buong katawan.

'Sh*t. Ano 'yong tinurok nila sa'kin?!'

Lumingon ako sa'king likuran at eksaktong hihiwain na sana si Theus ng ninja gamit ang samurai kaya mabilis ko s'yang hinila at niyakap. Inikot ko ang mga katawan namin. Sabay kaming natumba sa gilid ng kanyang kotse. Nadaganan ko siya.

Naramdaman kong muli ang pagkirot ng t'yan ko. Nanubig ang mga mata ko.

"Hold on, baby... don't let go." I whispered. I am hoping that the medicine Tamara gave me para pampakapit sa bata ay hindi ako papalyahin.

"Hey... are you okay? Namumutla ka na? Bakit ka umiiyak na naman?"

Napaangat ako ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Theus. I let out a genuine smile, a smile of too much awe, a smile of gratitude and a smile that I long time forgotten.

"Please, say my name again." Pagsusumamo ko. I want to hear my name again as if it would make me stronger.

"Katareina." He whispered with a faint smile. Tumulo ang luha ko.

"Thank you for saying my name, Mattheus." I said as I felt another pair of hands enveloped my whole body snatching me away from Theus. And we were going up.

"K-Katareina! No!"

Sinipa ng naiwang ninja si Theus kaya napasalampak itong muli sa lupa pero hindi niya pa rin hinihiwalay ang paningin sa akin. Nakalapit na kami sa helicopter at agad akong ginapos ng ninja sa loob pero pinilit ko pa ring tingnan si Theus sa baba.

Tumulo ang luha ko nang makitang nakatingala pa rin siya at nababakasan ng labis na pag-aalala sa mukha.

"KATAREINA ZAVINA!" He shouted which made me cry even more.

Yes I am Katareina Zavina and someone knows me. Maraming salamat, Theus dahil pinaramdam mo sa'kin masarap pala marinig na tinatawag ka sa sarili mong pangalan.

"Mattheus." I whispered.

**

What is the importance of having a name? Bakit nga ba importante sa tao ang pagkakaroon ng pangalan?

A name is an identity. It's who you are yet it's not what you are. A name is a person's second façade next to its face.

Ito ang unang pagkakilanlan ng isang tao, ang pangalan. Ito ang unang aalamin ng isang taong makakasalamuha mo, ang iyong pangalan.

Minsan mapanlinlang. Minsan kayamanan. Pwede mong ibahin at palitan. Pwede ring kalimutan ngunit kelangan mo pa rin ng pangalan.

Your name goes along with your reputation, power, fame, your character and attitude. Your name is the first thing to be noticed by everyone.

Kaya napakahalaga ng pangalan para sa isang tao, hindi lang sa tao pati na rin sa lahat ng bagay sa buong mundo... living or non-living things ay may pangalan.

Walang nabubuhay nang walang pangalan.

"KATAREINA ZAVINA!"

Hindi ko mapigilang humagulgol dahil sa pangalang iyon. Dinungaw ko sa huling pagkakataon ang taong ngayon ko lang nakita ngunit kilala ako at nagparamdam ng kakarampot na saya sa naghihingalo kong puso.

Nahihirapan na siyang tumingala pero pilit niya pa rin akong tinitingnan.

"Mattheus." Bulong ko nang halos hindi ko na siya matanaw sa ibaba.

"My pumpkin."

I turn to look at my right where the voice came from. A man in his late 20's was sitting beside me. He was wearing a white suit but it does not hinder me to see his well-built physique. He's a good looking man and he looks somehow familiar to me.

Lumingon ito sa akin na may ngisi sa mga labi.

"My Katareina Zavina."

He's the second person to call me by my name. I should be feel happy just like what I felt when Mattheus did but I feel disgust instead. I gritted my teeth. I could sense his dangerous intent and I don't like it.

"There's hell in hello, Flynn Flamenco or shall I say Tyrone Flynn Rostarcel." I retorted and glared at him.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito. Kung bakit naging isa siya sa Triad. Sa pagkakaalala ko anak siya ni Duchess Camelia, ang babaeng naging mabuti sa akin nang nasa palasyo ako. Ang ngising nasa labi ngayon ni Flynn ay sobrang layo sa ngiti ni Tyrone noon. What happened to him?

"Fiesty. Nice." Binalik niya ang tingin sa unahan pero nakapaskil pa rin ang nakakalokong ngisi sa mga labi.

"How does it feel to be your twin?" Natigilan ako sa biglang tanong niya. Napakuyom ako sa aking kamao.

"Why are you doing these?! Ikaw ba ang may gawa sa lahat ng 'to?! I heard you arguing with my sister that night! What did you do to me and where's is my twin?!" Mahina ngunit mariin kong tanong sa kanya. Ngumisi siya at umiling.

"This is all for you."

I gritted my teeth.

"Sa akin?! Paano magiging para sa akin 'to?! Pinigilan mo ang pagkamatay ko no'ng gabing 'yon para patuloy pa rin akong saktan?! 'Yon ba?! Pati ang pamilya ko dinamay mo! Pinatay mo reyna, ang kapatid ko at higit sa lahat binaboy mo ang kakambal ko at hindi inalagaan ang mga batang produkto ng kademonyohan mo! Sabihin mo, paano naging para sa akin ang lahat ng 'yan?!"

"I said this is all for you!" sigaw niya kaya natigilan ako. Nawala na 'yong ngisi sa labi niya at napalitan ng galit ang mga mata niya.

"I hate you." Mariing saad ko at nilabanan ang matalim niyang titig.

Biglang nanlambot ang mukha niya at malumanay na ngumiti, "Soon, you will thank me my pumpkin. I will give you the life you deserve. You will be the happiest woman alive."

Bigla akong natakot sa mga tingin niya. Ano ang pinaplano niya?

Napaigik ako nang hinila niya ako papalapit sa kanya at pinihit ang katawan ko saka ako niyakap mula sa likod. Pinatong niya ang baba sa kanang balikat ko at doon bumulong...

"But first things first... I need to get you clean first and eliminate those who'd touched you."

Naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo at ang pagkalat ng lamig sa buong katawan ko. Tumulo ang luha ko.

"N-no. D-don't please." Pagmamakaawa ko nang maramdaman ko ang malapad niyang palad sa ibabaw ng maliit kong baby bump.

Marahan niyang hinaplos iyon.

"It's time for this little dirt to get out." Bulong niya.

"N-not my baby, please. D-don't do this to me, T-tyrone. Maawa ka."

Pero hindi siya nakinig, naramdaman ko ang unti-unting pagpiga niya sa tiyan ko. Pahigpit iyon nang pahigpit.

"N-no!" napaiyak na ako nang malakas at pilit nagpumiglas. 'Wag ang anak ko dahil hindi ko na kakayanin pa.

Tumakbo ako para ayusin ang lahat hindi para mawalan ng anak.

Ang sakit na rin ng puson at t'yan ko at alam kong mas nasasaktan ang anak ko sa loob. I could feel the liquid taking its way out from me.

"P-please... n-not my child."

"This is just a piece of dirt! First, I will get rid of this then next will be the one who gave you this! I will kill him for touching my property!" he shouted but my heart's raging beats is louder than his voice.

"Z-zync." And everything went black.

-End of Chapter 10-

Thank you for reading freaks!

HAPPY NEW YEAR! MAY 2017 WILL ALWAYS BE GOOD TO YOU. Lablab!

God bless us all.

Hugs and kisses,

CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro