SPECIAL CHAPTER
Special Chapter
Enjoy reading!
ZYNC ORLANDO
My eyes are glued on her.
Here I am, parang tangang nakatulala kay Reina... ang asawa ko. Nakakapagtakang ayaw ngumiti ng mga labi ko, ni ayaw ring gumalaw ng katawan ko. Nakaupo lang ako rito habang nakatingin sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa mga oras na ito.
"Papa." I heard Zyncai called me out. My son is standing beside me, pulling my suit for attention. Ngunit hindi ko rin kayang lingunin ang anak ko. "Papa, I'm hungry." Ungot pa nito.
Kung sa ibang pagkakataon ay nagkukumahog na akong tugunin ang pangangailangan ng anak ko. Gustong-gusto kong maging hands on sa mga bata. Ngunit tila hindi ko kayang pangatawanan iyon sa mga oras na ito.
"Zyncai, baby. Come to Tita Sia. I'll get you a plate of your favorites. I'd made sure that there's a lechon sinigang in the menu. Let's eat your ate, kuya and Ah-ah."
"Lechon sinigang?"
"Yes, baby. Remember, it's Ah-ah's favorite too."
"But I want to eat with mama and papa." Nahimigan ko ang lungkot sa boses ng anak ko pero ni hindi man lang ako nakaramdam ng awa rito o konsensya. Nanatili ang mga mata ko sa aking asawa.
"Look at your papa. He's tulala-ing."
"Tulala-ing? What is that, Tita?"
"Tulala-ing is something you don't understand because you're still a kid. It's for grown up people only."
"Why is Papa tulala-ing?"
"Because your mama doesn't make pansin-pansin him. It's been two years and he's tigang-in. You know. He's readying himself for a one whole steamy night."
"I don't get it, Tita."
"Ano ba, Sia? Don't listen to that bundat, Zyncai. She doesn't make sense, she's making you uto-uto. Papa Zync is tulala-ing because Madam Weina is a snob. Peymus na siya ngayon eh. Kapag peymus ka nagiging snob ka. You know. Look at yow Mama. Many people handshaking the woman in vewi wed gown in this pawty. Come to Mamay Pula and I will feed you with yow favowit Lechon Sinigang."
"A-ah? I-I'll just go with Ate Ryleen. Excuse me Mamay Pula and Tita Sia. Babye po."
Hindi ko naiintindihan ang usapan nila sa aking gilid.
Ano'ng oras na ba? Alas onse? Nasa tatlong oras na simula nang dumating siya sa party pero hindi pa rin siya nakakalapit sa akin. I wanted to end the party and shoo the people away.
Gusto ko siyang solohin.
Reina has been facing the guests who are dying to have a talk with her, especially the tycoons that I invited and the royalties who are here.
The Queen of Trifecta is here not being the heroine who save the world or even the princess of Slovenia but she's here being the brain of this empire.
But how about being my wife and the mother of our children?
Is she here only for this party?
Natatakot ako. I'm afraid that she's just here because of Trifecta not for us. I'm scared that when I wake up the next day, she's not with us anymore.
Nakarinig ako ng pagkabasag. Do'n lang tila bumalik ako sa huwisyo. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang oras na pagkatutok sa kaniya ay yumuko ako. Nakita ko na lang ang mga palad kong dumudugo dahil sa nabasag na baso.
Gaano ba kahigpit ang pagkakahawak ko sa baso na nagawa ko itong basagin? There are pieces of the broken glass buried in my palm but why do I feel numb? What is this feeling?
I watch as the blood drips down from my sliced flesh to the white linen that covers the table.
"Zync."
Bigla kong naramdaman ang hapdi at kirot ng sugat sa palad ko. Naririnig ko na rin ang nagwawalang tibok ng puso ko. Mula sa aking palad ay lumatay sa buo kong katawan ang pakiramdam na kanina ay tinakasan ako.
Her voice triggered me. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya sa akin. Her sweet and intoxicating fragrance dominated in my smell.
Nanginig ang buo kong katawan nang ang mainit niyang palad ay dumantay sa isa kong kamay.
"Ouranós mou, are you okay?" She asked and I slowly lift my head up.
Even with a half mask on, I could see how beautiful she is right now. She looks so divine and majestic... so regal. My Wing Regal.
Her eyes are tenderly looking down at me. There's a hint of worry and curiosity in her blue orbs.
"Zync."
Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak na nakatingin sa kaniya. Naririnig ko na rin ang aking paghikbi.
"C-cherié."
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi nang isang matamis na ngiti ang sumilay roon.
"Tsk. Crybaby." Aniya sabay pahid ng basa kong pisnge.
She guided me to stand up from my seat. Doon ko lang napansin na halos lahat ng bisita ay sa amin nakatutok ang mga mata. Karamihan ay nakangiti, ang iba naman ay tila nagtakaka siguro kung bakit ako umiiyak.
"Daddy, you're bleeding. Sobrang sakit po ba, kaya kayo umiyak?" Arra asked. Nasa tabi ko rin pala ang tatlong bata na nag-aalalang nakatingin sa kamay kong may sugat.
"I am okay, princess." I smiled at them.
Sabay na nag-thumbs up ang tatlong bata saka binalikan ang kanilang kinakain.
"Let's go." Ani Reina saka magkahawak kamay kaming lumabas ng hall at dumiretso sa elevator.
Bago lumabas ay nakita ko pang nakangiting mukha nina Sia, Pula, Al, Ryleen, Mommy Ynca, Tita Mojica, Morry, Tito Matt, Theus, Terrence, Aly at ng iba pang malalapit sa amin.
"You're getting stronger huh." Aniya sa pagpasok pa lang namin. She pressed the last floor of the building which is the pent house exclusive for the owner's family. "But you're still a crybaby and I think I do not like what you did to your hand."
Kinuha niya ang palad kong may sugat saka ininspeksyon. "You broke the poor highball glass. What were you feeling or thinking that time that you ended up breaking it?"
I wasn't able to answer her question. Kumukurap na nakatingin lang ako sa kaniya.
"Zync." Nag-alalang tumingala siya para makita ang mga mata ko.
Wala sa sariling inabot ko ang suot niyang maskara at inalis iyon. Tumambad sa akin ang kabuuan ng napakagandang mukha ng aking asawa.
Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya unti-unti ring sumeryoso ang akin.
"Where have you been all this time?" mahina kong tanong ngunit mariin. Binawi ko rin ang kamay kong hawak-hawak niya.
Ang isa kong tanong ay hindi ko namalayang naging sunod-sunod na pala.
"What happened to you that day? Why didn't you showed up for two years? Why did you do that? Why did you leave me again? Why did you run away from me? Why are you keeping on hurting me over and over again?"
"Zync, I'm sorry."
Napasinghal ako at natawa nang mahina.
The elevator opened and I was the one who stepped out first. She followed me. There's no need for us to find the door because the elevator serves as the main door of the penthouse.
I faced Reina.
"I'm sorry? Sinabi mo rin 'yan 'di ba no'ng mas pinili mo si Katarina kaysa sa amin na nagmamahal sa 'yo? You said you love but you are sorry! How many times do I have to hear that from you? Paulit-ulit mo 'yang sinasabi sa tuwing iniiwan mo ako! How many times do you have to hurt me, Reina?"
Tumulo ulit ang aking luha. Napasinghot ako na tila batang naagawan ng pagkain.
"Zync, I am doing everything for us. I had to leave two years ago because I have to fix the mess before we could continue our lives together. I have to, Zync and that was not even a choice from me Zync. The situation between me and Tari that time demanded for me to risk a time to be far away from you and our children again. It was hard but I have to do it so that I'll be here with you again this time." Her eyes soften as she looks at me.
"I will never choose to hurt you, Zync. I'll die if I do that. I knew that you are a strong man and you'll be able to wait for me."
I started sobbing in front of her. I don't care if she's seeing my distorted face or I do look like a child weeping.
"Zync, I love you..." napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa kaniyang mga mata nang marinig ang mga salitang iyon. Bigla akong nilukob ng kaba at takot dahil sa narinig.
Naikuyom ko ang aking mga palad at naramdaman ko ang mas lalong pagbaon ng bubog sa aking laman. Tila namanhid ulit ako at ang pakiramdam ng hapdi at kirot ay muling tumakas.
I am waiting for something... my heart is waiting for the next words she'll say. And I am expecting for another heart break.
"I love you, Zync but I'm sorry." Bulong ng kaniyang boses sa aking isipan mula sa nakaraan. Ang mga salitang ito ang inaasahan kong marinig sa mga labi niya ngayon.
Naging mas malalim ang pagkakatitig niya sa akin.
"I love you so much, Ouranós mou." She repeated as tears started to fall from her eyes. "I love you so much, my sky."
I waited for a moment for her to speak again but she hasn't. Yumuko siya.
"And you're sorry?" lakas loob kong dagdag. Ramdam ko ang galit sa aking boses, galit para sa maaari niyang gawin ulit.
Umiling siya. Sa maliit na galaw na iyon ay unti-unting humupa ang tensyon sa aking nararamdaman.
"I will never be sorry for loving you this much, Zync. Sa lahat nang nangyari at sa mga ginawa ko, ikaw ang higit na mas kinapitan ko para magpatuloy sa paglaban, Zync. Ikaw ang tinitingala kong langit na alam kong kapag natapos ko ang mga dapat kong gawin ay maaabot at makakapiling kita. They said I am selfless but no... I am very selfish when it's you, Zync. Mahal na mahal kita."
Tuluyang nawala ang pangamba sa aking puso na marinig muli ang masasakit na mga salitang iyon.
I step closer to Reina. "Please, don't leave me again, Reina." I plead as I shook my head. "I need you to be always beside me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka pa sa akin."
My Reina just smiled at me.
And I never thought that that smile meant for something I am not expecting.
**
Naramdaman ko ang paggalaw sa aking tabi kung kaya ay nagising ako. Napangiti ako nang makita ang napakagandang likod ni Reina. Dinantay ko ang aking braso sa kaniya saka siya hinila at niyakap nang mahigpit.
Napakabango ng aking asawa.
Matutulog na sana akong muli pero talagang nakakaakit ang natural na bango ni Reina kaya hindi ko napigilang panggigilan ng halik ang kaniyang leeg. Hanggang sa nagising ang aking asawa at magkasamang inabot namin ang napakagandang ritmo ng aming mga damdamin.
Hingal na hingal akong napadapa sa ibabaw ng aking asawa. Tinanggap niya na man ang aking bigat. I kissed her bare shoulder as she run her fingers in my hair. Gaya ko ay hinihingal din siya.
"I love you, my Cherie."
"I love you more, Ouranos mou."
Pipikit pa lang sana ang aking mga mata nang tila tumilapon palabas sa aking katawan ang kaluluwa ko nang malalakas na kalabog mula sa labas ng aming pinto ang nambulabog sa buong kabahayan.
Napabalikwas ako ng tayo at nagmadaling tinungo ang pinto ngunit mabilis akong hinila pabalik ni Reina.
"That's for my eyes only, baby." Aniya habang nakatingin sa ano ko. Do'n ko lang naalalang wala pala akong ni isang saplot. Hinablot ko ang robe sa gilid at sinuot gano'n din ang ginawa ng aking asawa habang walang tigil pa rin ang mga kalabog sa aming pinto.
Nagulat ako nang madatnan ang dalawang tao sa labas ng aming pinto sa pagbukas ko. Parehong nakaluhod sina Sia at Pula habang nakangiwi at may iniindang sakit.
"Manganganak na akoooooo!" sabay na sigaw nilang dalawa.
Aligagang dinaluhan ko si Sia habang si Pula naman ang kay Reina. Nagsilabasan na rin ang ibang tao sa aming bahay pati na ang mga bata na naalimpungatan.
"Naku naman! Ngayong wala pa si Al." bulalas ko.
Tinulungan kami ng mga tauhan sa bahay upang agad madala ang dalawa sa hospital. Sumama rin kaming mag-asawa. Hindi ko mapigilang mapangiwi habang nakikita ang dinadanas na sakit ng dalawang taong malalapit sa akin.
Ganito pala ang babae kapang nanganganak. Hindi ko maimagine kung ano ang dinanas ng aking asawa ng ipinanganak niya si Zyncai.
Nakakahawa ang bawat ngiwi nila, tila gusto ko na ring umire.
Agad silang inasikaso ng mga doctor sa hospital na pagmamay-ari ng Trifecta.
"Kumalma ka nga." Untag ni Reina na nakasandal sa pader. Pareho na kaming nakabihis na dalawa at naghihintay rito sa labas ng labor room na katabi lamang ng delivery room. Nandito kami sa private floor ng hospital na exclusive lamang sa mga namumuno ng Trifecta, isa na ang aming pamilya.
"Panatag akong makakaya ni Sia ang panganganak dahil ikalawa niya na 'to pero si Pula, panganay niya pa lang tapos tatlo na agad." Nag-alalang wika ko.
Hindi ko maiwasang mag-alala para kay Pula, lalo na't hindi pa niya kabuwanan. Sa susunod na buwan pa. Si Sia naman ay tsakto sa buwan at ngayon talaga ang due nito.
"Kaya niya 'yon." nakangiting aniya. Tumango na lang ako at humilig sa kaniyang gilid dahil nakaupo ako habang siya ay nakatayo.
Dalawang oras lang ang hinintay namin kay Sia at nailabas niya agad ang baby boy nila. Dumating na rin si Al para asikasuhin ang asawa.
Habang halos kalahating araw natapos ang labor kasama na ang CS ni Pula.
Tatlong lalaki at isang babae ang bagong miyembro ng aming lumalaking pamilya. Lalaki ang anak ni Sia habang dalawang lalaki at isang babae ang kay Pula.
"Lumabas ka! Hayop ka! Fvck you!" Iyan ang bumungad sa aming sigaw nang binisita namin kinabukasan si Sia.
"Baby naman. Sorry na! Magagawan ko pa naman ng paraan 'yan eh." Pagmamakaawa ni Al sa asawa.
"Fvck you! Fvck you!"
"Iseah. Huwag kang sumigaw. Bawal ka pang mastress. Kakapanganak mo pa lang baka mabinat ka!"
"Gago ka! Lumabas ka kung ayaw mong itakwil kita! Fvck you!"
"Iseah naman." Napilitang lumabas ng suite ni Sia si Al.
Nagtatakang pumasok kami ni Reina.
"What happened?" usisa ni Reina.
Nakabusangot na initsa ni Sia ang hawak na papel sa aking asawa.
"What's wrong with this?" sinilip ko iyon at nakitang birth certificate pala ito ng kanilang pangalawang anak. "Onion Hesue? What a cute name. Oh ang magiging nickname niya 'no?" nakangiting wika pero isang dalandan ang humalik sa aking mukha.
"Isa ka pa!"
"Iseah." Suway ni Reina.
Hinimas ko ang nasaktang pisnge, "Ano'ng nagawa ko sa 'yo?" nagtatakang tanong ko at sinamaan siya ng tingin.
"It's not supposed to be Onion! It's fvcking Orion! Ang walanghiyang lalaking iyon! Ano'ng ginawa niya sa pangalan ng anak ko?! Binaboy niya, Reina! Fvck him talaga!"
"Because I thought it was Onion, you love eating onion when you were pregnant with him! At ang panget kaya ng sulat kamay mo! Ang haba ng lawit ng R kaya mukhang N!" bumukas nang maliit ang pinto at dumungaw roon si Al.
"You fvcker! Fvck you!" sigaw ni Sia.
Napasapo na lang ako sa aking noo. Oh God, they are hopeless.
"We can have it change. It's just a one-letter-mistake." Reina said. Pero patuloy sa pagwawala si Sia dahil sibuyas na pangalan ng anak.
Sunod naming binisita ay si Pula na hanggang ngayon ay nasa hindi magandang sitwasyon. Kagabi lang ay nag-bleeding siya at bumaba nang husto ang kaniyang blood pressure. Ipinasok siya sa ICU para mas ma-monitor nang maigi ang kaniyang kundisyon.
Sandaling kinausap namin ni Reina si Pula na kahit na hindi pa siya nagigising.
"Wake up soon. Your kids are waiting for you." Ani Reina sabay halik sa noo ni Pula.
Binisita namin ang apat na bata sa nursery room kasama si Al. May naabutan kaming lalaki roon na nakadungaw sa apat na bata.
Kamukhang-kamukha ni Sia si Orion Hesue o Baby Oh ngunit hindi ang kulay ng mga mata.
Pursi Liria ang pangalan ng unica hija ni Pula na kulay pula rin ang buhok. Pula rin ang kulay ng buhok ng isa sa mga baby boys habang ang isa ay itim ngunit boy version ni Pula. Ang may pulang buhok ay si Ethon Dale, ang may itim na buhok ay si Lithon Dale.
Nakikita ko sa mga mata ng lalaking katabi ko ang kasiyahan habang nakatingin sa triplets. Tinapik ko ang kaniyang balikat.
"Take good care of them, man." I said with a hint of a warning in my voice. Pula has been through hard times this past few years, she suffered much and I don't want to see her again in her worst. Simula nang makilala ko siya ay naging importante na siya sa akin. Tinuring ko na rin siyang kapatid.
"Don't worry, chairman." He smiled and I just nodded.
"We entrust you our dearest Pursi Lanarri and her kids. You know me too well what I am capable of." Reina warned him as well. Ni hindi kaya ng lalaking 'to na tumingin nang diretso sa aking asawa. Alam kong takot ito kay Reina.
Sa aming lahat na malalapit kay Pula, higit na mas naapektuhan ay si Reina sa nangyari sa kaniya. Isa ang aking asawa sa mga nagtanggol at naging sandalan ni Pula pati na rin ang lalaking ito.
Umuwi kami ng mansion, naabutan namin ang tatlong bata na nagkakagulo dahil sa pasalubong ng aming panauhin.
"Morisette." Reina called her out. Lumingon si Morry na may ngiti sa labi.
"Buti at napadalaw kayo. Miss na ng mga bata si Moreus." Wika ko. Nagtakbuhan sa amin ang mga bata kasama si Moreus upang magmano at humalik.
"Dumaan lang kami rito. Sa bahay ni Dad kasi kami natulog." Aniya nang makaupo na kami sa couch na nasa tapat niya. "Si Mattheus naman ay hinatid lang kami rito at dumiretso na siya ng opisina. Galing ba kayong hospital?"
Malaki ang ipinagbago ni Morry. Kung noon, sa mga mata pa lang ay makikita mo na ang pagiging mapaglaro niya. Her eyes were always full of energy. She was always perky on doing things.
But now, I can always see hesitations in the way she take things and on how she moves. Her eyes are being clouded by sadness.
Napatingin ako sa suot niyang itim na bracelet. Napansin kong nakatingin din pala si Reina ro'n pero agad ding bumawi at kinausap si Morry.
Nilingon ko rin si Moreus na may ganoong bracelet ding suot. Nasasaktan akong makitang nakasuot ang bata ng itim na bracelet lalo na't alam ko ang ibig sabihin no'n. Kung iba ay nagagandahan sa suot nilang bracelet ngunit hindi kaming malalapit sa kanila.
**
"Sir, nandito na po tayo." Agad kong isinara ang aking laptop at sumilip sa bintana.
"Napaaga ata tayo." Ani ko, bumaba ako ng kotse at tinungo ang gate ng school na pinapasukan ng mga anak ko, ang Laroa Integrated School.
"Chairman Zync! Good afternoon po." maligalig na sigaw ng guwardiya sa akin. "Medyo male-late ho ang dismissal ng mga bata dahil sa remedial classes sa lahat ng grade level."
Napakamot ako sa ulo, "Oo nga pala, sinabi sa akin ni Shanon kanina na nagtext ang mga advisers ng mga bata." Tukoy ko sa aking sekretarya na mula pa sa survivors sa Slovenia.
"Don't worry po, Chairman mga ten minutes uwian na po nila. Pasok po muna kayo. Do'n na lang po muna kayo sa waiting area."
"Sige."
Akmang susunod sa akin ang mga bodyguards ko pero sinenyasan ko silang huwag nang sumunod. Matiyaga akong naghintay ng higit sa sampung minuto sa waiting area kasama ang ibang magulang na ilan kay kakilala ko sa negosyo at ang iba ay mga pulitiko.
Hindi ko na kailangang bigyan ng personal bodyguard ang mga bata dahil panatag ako at may tiwala sa seguridad ng eskwelahang pinanggalingan ko na pinamamahalaan ni Tamara. Alam ko ring nagkalat ang mga reapers at guardians ng Bermond sa buong university, nakita ko pa nga ang ilan sa kanila. Isa na roon ang guard na nakausap ko kanina na isang reaper ng District X.
Habang naghihintay, sa 'di kalayuan ay natanaw ko si Allius Hoseah o Ah-ah na naglalakad tungo sa playground. Akala ko ay maglalaro ang pitong taong gulang kong inaanak ngunit nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang sinuntok ang batang lalaki na mas malaki sa kaniya.
Nagawa pa ng inaanak kong magpagpag ng kamay. Nagkumpol ang mga bata sa kanilang gawi. Napatayo ako at akmang pupunta roon nang biglang sumulpot si Sia na bitbit pa ang isang buwan si Onion.
Hanggang ngayon ay Onion Hesue pa rin ang registered name ng bata dahil sa kagagawan ni Al. Hindi pa nila napapalitan dahil na rin palagi silang nag-aaway.
"Mommy! Inaway ako ng boy na 'yan!" sigaw ni Ah-ah nang humawi ang mga batang nagkumpol at nakita nito ang ina.
"You punched me!" sigaw rin ng batang sinuntok ni Ah-ah na nakasalampak pa rin sa damuhan. Sapo ang ilong na dumudugo. Nagsilapitan ang school staffs na may kasamang medics at agad dinaluhan ang batang lalaki.
"Why did you punch him, Allius?" Sia asked her daughter.
"Sinabi niyang sibuyas daw 'yong kapatid ko! Tapos sinabi niya ring bad daw kayo dahil minura mo raw ang mommy niya! Sinabi niya ring ang pretty ko raw at gusto niya akong anakan paglaki ko!" sumbong ng aking inaanak.
Napangiti ako nang nagsalubong ang kilay ni Sia at handa nang bulyawan ang batang lalaki ngunit dumating si Al saka inayos ang ginawang gusot ng anak.
Hindi na rin ako naghintay pa nang matagal at dumating na ang mga anak ko. Una ay ang kambal na magkaklase lang.
"Daddy!" agad na yumakap si Arra. Habang si Arri ay nakayuko ang at hindi man lang lumapit sa akin.
"Hey, what's wrong with my princess? Why are your eyes puffy and red?" nag-alalang tanong ko kay Arra.
"Somebody stole Arri's first kiss! I saw it with my two eyes." She became teary as she told me what happened. Tinago ko ang aking ngiti. I glance at Arri who is still bowing down his head but I can see how red his ears are. My young man is embarrassed.
"Then why did you cry?"
"I told her na panagutan niya si Arri but she said she's not ready yet because she's just 9. So I asked her to tell her parents of what she has done to Arri but she refused. I am so angry, Daddy! Naaawa ako kay kambal ko dahil ayaw ng girl classmate namin na i-take responsibility ang nagawa niya. Arri isn't a virgin anymore!"
Nasapo ko ang aking noo at inalo ang anak kong umiiyak.
"Don't worry. I'll take care of this, okay?" tumango naman siya at nagpatiunang pumasok sa kotse.
"Daddy." Nahihiyang bati ni Arri na namumula pa rin.
"Is it true?" I asked him.
Matagal bago siya mahinang tumango.
"Do you like her?"
Umiling siya.
"Why?"
"S-she's mean and boyish like Arra."
"Why did she kiss you?"
"She kissed me just to tease Arra because they are rivals in our class."
"What's her name?"
Umiling siya at yumuko, "Daddy, please don't tell Mama about this."
Ngumiti ako at ginulo ang kaniyang buhok.
"Don't worry. Secret lang natin 'to."
"But Arra will surely tell Mama about this."
"Why? Are you embarrassed if Mama will know about this girl who stole your first kiss?"
Hindi siya sumagot kaya hindi ko na rin siya pinilit.
"Papa." nabaling ang atensyon ko kay Zyncai na kakarating lang. Nakasalubong ang kilay nito at parang bad mood na naman.
"How's your day, little champ?" I asked him smiling. "What are those?" tukoy ko sa bitbit niyang napakaraming folder. Halos matabunan na ang mukha niya. Kinuha ko iyon. Hindi siya sumagot at dumiretso lang sa kotse.
"I saw him kanina, Daddy. He was surrounded by his classmates and they were handing him those folders. I asked him but he just shrugged me off." Wika ni Arri.
Nabahala ako sa narinig. So I checked the folders I am holding. Nabigla ako nang makita ang empty reaction paper form na nakapangalan sa mga classmates ni Zyncai. What's the meaning of this?
Nabubully ba ang anak ko nang hindi ko napapansin? Nakaramdam ako ng init na pakiramdam na umakyat hanggang sa ulo ko.
"Arri, go to the car. Susunod ako." Nang makaalis si Arri ay tumungo ako sa Grade One classrooms. Naabutan kong nasa loob pa ng Star Section ang adviser nila Zyncai pati na rin ang kaniyang mga classmates.
"Excuse me."
Lumingon ang teacher sa akin at ngumiti, "Sir Zync, good afternoon. Napadalaw ho kayo? Your son just went out the classroom. Natapos na niya ang activity namin sa remedial class." She said with all smiles.
"I want to check my son's standing and behaviour in your class."
She cleared her throat, "Oh? Zyncai's good. He's doing well in my class. But I notice that sometimes he's distant to his classmates—"
"And you have not thought of informing me about that, Miss Cruz?"
"I'm sorry, Sir Zync. I already had a talk with your son. He told me that he just wanted to be alone and he hates to be in the crowd. Nakikita ko si Reina sa anak niyo. She's distant as well. Kaya naisip kong baka namana niya lang ang ugali ng mama niya."
"Did you know about these folders?" Inabot ko ang mga iyon sa kaniya.
She checked it.
"My son was bringing those. Would you care telling me if what's the meaning of it?"
Sumilip ako sa loob ng classroom. The pupils are all looking at us and I caught some of them are weirdly eyeing the folders that I handed over to their teacher.
"Napansin mo man lang bang lumabas si Zyncai bitbit ang mga iyan?" I asked her again. Si Ms. Cruz ay isang gangster ng District N Bermond Mafia. Minsan na siyang nakasama sa paglitas sa akin noon sa Road of Death at sa paglaban sa Triad kaya kilala niya na si Reina.
Hindi agad siya nakasagot.
"Alam kong mga anak ng mga prominenteng tao ang halos lahat ng estudyante mo, Miss Cruz, isa na ang anak ko roon. Dito ako grumadweyt sa Laroa at pagmamay-ari ito ng tiyahin ni Zyncai. Why am I having thought that my son is being bullied in your class?"
Hindi sa pagmamayabang pero ang mga anak ko ay nabibilang sa mga importanteng estudyante sa university na ito dahil kay Tamara at Reina. But we remained our low profile and do not boast about our status. Isa iyan sa pinapangaral ni Reina sa mga bata.
"Oh, I think nagsumbong si Aundrei sa papa niya. We're dead."
"Juno warned him to keep silent or else his dead."
"What will happen to our reaction papers?"
"Shut up idiots!"
"We are sorry, Juno."
Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang bulungan ng mga bata gano'n din kay Miss Cruz. Sabay kaming napalingon sa likurang parte ng classroom kung saan nakaupo ang isang grupo ng mga batang babae.
Nahuli ko pang nakatingin sa akin ang isa sa mga batang babae. Agad itong umiwas ng tingin pero ngumisi.
I think my little champ got a witch classmate.
**
Nagising ako nang maramdaman ang paggalaw ni Reina sa aking tabi. Pagmulat ng mata ko, nakita ko siyang naglalakad tungo sa balcony. Umupo ako at pinagmasdan ang aking asawa.
Bitbit niya ang paborito niyang baril, ang silver Desert Eagle .50AE. Sa tuwing madaling araw, ito ang tanawing palagi kong nasasaksihan. Nagigising siya at lumalabas ng balcony bitbit ang kaniyang baril. Pinagmamasdan niya lang ito pero alam kong malalim ang kaniyang iniisip.
Maraming buwan na ang lumipas simula nang bumalik siya sa mismong anibersaryo ng Trifecta at hindi pa siya kailanman umalis ng bansa para bumalik sa Slovenia. Hindi ko alam kung ano ang mga plano niya.
Hindi naman lingid sa kaalaman kong temporaryo ang pagiging Officer in Charge sa Slovenia ni Sir Tomeo ngayon at tanging si Reina lamang ang may karapatang umupo sa trono kasi siya ang panganay at hindi naman puwede si Tamara o si Tatti. Matanda na rin si King Malachi para sa trono.
Alam kong darating ang oras na hahanapin ng kaharian ang totoong nagmamay-ari ng korona at kakailanganin ang kaniyang pamamahala.
And it scares the hell out of me if that time would come.
There are so many what ifs clouding my mind and I don't even want to know what would be the outcome. I know that with this kind of thinking I have, I am only showing that I don't have enough trust for Reina but what should I do when my wife is a fear itself?
We never had a talk about her plans to her kingdom, she never opened up to me. And when I'm trying asking her, she's changing the topic or she just snobs me.
Nakakatakot na baka bigla na naman siyang aalis tapos tuluyan nang hindi babalik sa akin.
Ni hindi ko nga alam kung ano ang nangyari sa kakambal niya. Sinubukan kong magtanong tungkol sa nangyaring pagsabog noon but she just smiled it off and rejected the topic.
"Zync."
Napukaw ako sa boses ni Reina. I gave her a smile.
"Hindi ka ba makatulog?" I asked her.
Nakasandal siya sa glass door ng balcony at nakatingin sa akin. Thanks to the dim light, I could see clearly my wife's glorified beauty.
Umiling siya at hindi nagsalita.
"Is there something bothering you?" Nag-alalang tanong ko.
"I love you, Zync." she answered.
My heart pounded fast. Napatayo pa ako and unconsciously, ay dinuro ko si Reina.
"Don't you ever say you are sorry!" Bulyaw ko. Nanlaki ang mga mata ni Reina gano'n din ako.
I am sure that the emotions in my eyes mirrored Reina's. Babigla ako sa naging reaksyon ko gaya niya. Nanginginig ang kamay kong binaba iyon at kinuyom.
Sinabunutan ko ang aking sarili at ilang beses na bumuga ng hangin. Pabagsak akong umupo sa kama.
"P-please... p-please, R-reina. D-don't you ever say you're sorry when you're telling me you love me." I pleaded.
"Z-zync." I felt her warms hands on my shoulders.
"P-promise me, Reina—" hindi ko na naituloy ang gusto kong sasabihin dahil sa iyak na kumuwala sa aking bibig.
She embraced me from the back.
"I love you, Zync." She whispered in my ears, "I love you so much."
-End of Special Chapter-
Sorry kung natagalan ang pagpost ko nito.
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro