Special Chapter
This is an addition to Wansapanataym Chapter 28. Haha! Nahuli lang siya ng onti. LuL.
*****
THE EGG.
Enjoy reading!
3rd.
Pumiksi ang isang bantay ng Remedy Mansion nang biglang kinurot ni Reina ang siko nito. Muntik na nitong masuntok si Reina kung hindi lang nito agad nakita ang mukha niya. Kumunot ang noo ni Reina saka tinitigan ang mukha ng bantay. Natakot naman ang bantay kaya yumuko ito.
"Ano po ang maipaglilingkod ko sa 'yo, Lady Katareina?" naiilang na tanong nito habang nakayuko. Kumurap lang ng ilang beses si Reina saka tinalikuran ang bantay.
Naglakad siya nang walang direksyon. Paroon at parito. Pakaliwa at pakanan. Pabalik-balik. Nagtataka na rin ang mga bantay sa kinikilos niya. Nagkamot siya ng ulo saka nilapitan ang isa pang bantay na may sobrang tangkad at malaki ang katawan.
Nakakatakot itong tingnan. Sobra sa triple ang laki nito kay Reina ngunit nakakamanghang tingnan na nakayuko ito bilang pagrespeto sa kanya. Inikutan ni Reina ang malaking mama nang ilang beses. Sinisipat bawat parte ng katawan.
Ilang na ilang malaking mama at nakaramdam din ito ng takot na baka ito ay nagkasala. Pinagtitinginan naman siya ng mga katulong at ibang bantay sa ginagawa.
Huminto siya sa pag ikot-ikot saka tumigil sa gilid ng malaking mama. Pinong kinurot niya ang siko nito. Ilang beses niyang ginawa at pati kabilang siko ay kanyang kinurot din.
Mas lalong kumunot ang noo niya. Kinamot niya ulo saka muling nagpalakad-lakad.
Tumingala siya at napatingin sa second floor ng mansion. Hinihintay kung bababa na ba si Pula o hindi pa. Pinapaliguan kasi nito si Zyncai kaya nauna siyang bumaba.
Nang mainip na wala pa rin si Pula ay nilapitan niya ang isang katulong na babae. Yumukod ito sa kanya at nakaramdam ito ng ilang. Kahit sino naman sa mga katulong at lahat ng tauhan ng mansion ay nakakaramdam ng takot kay Reina. Kahit siya ay isip bata, hindi maipagkakailang puno siya ng awtoridad at dominante kapag tumitig pati na rin ang kanyang tindig. Nakaka-intimidate.
Inikutan niya rin ang katulong na panay ang paglunok. Gaya ng iba, ay kinurot niya rin ang magkabilang siko nito.
"Weird." mahinang bulong ni Reina na para bang may kakaiba siyang napapansin na kung tutuusin, siya ang weird.
Sinundan siya ng tingin ng mga bantay at mga katulong nang tinungo niya ang kusina. Naabutan niya roon ang head chef ng mansion. Nang makita siya ay sinalubong siya ng matabang baklang chef ng malaking ngiti.
Kinunotan niya lang ito ng noo saka tumuloy siya sa ref. Binuksan niya ito saka kumuha ng itlog.
"Do you want me to cook an egg dish for you, Lady Katareina?" malambing na tanong ng chef sa kanya. Nilingon niya ito saka marahan siyang umiling.
"Can you make me a carrot and cucumber shake instead? I want it creamy. Thank you." Magalang na aniya.
Bumilog ang bibig ng chef saka ngumiti, "Creamy carrot and cucumber shake coming right up for our precious Lady Katareina."
"Thank you head chef Hansel."
Sumandal siya sa marble table sa gilid ng ref saka tinitigan ang hawak na itlog. Hinimas-himas niya ito. Pinaikot-ikot. Hinimas ulit. Tinaas niya pa ito at tinapat sa ilaw. Napahagikhik siya nang makita ang silhoutte ng laman ng itlog. Nawi-wierduhang napapatingin sa kanya ang chef.
Nagulat ang chef at muntik na nitong mabitawan ang hawak na highball glass nang biglang kinurot ni Reina ang magkabilang siko nito. Ilang ulit niyang ginawa saka napapailing na parang may napagtanto siya.
"Is there something bothering you, Lady Katareina?" tanong ng Chef.
Marahan siyang umiling, "It's nothing. It's just that Pula said something to me that I couldn't get..." nalilitong aniya.
Napailing ang chef saka napangiti dahil mukhang bibinggo na naman si Pula kay Mojica kapag nalaman nitong may itinuro na naman itong kagaguhan kay Reina.
Nang maibigay sa kanya ng Chef ang kanyang shake ay umalis siya ng kusina. Nilagay niya pa sa bulsa ang itlog na kinuha.
Napangiti siya nang makitang nasa sala na sina Pula at Zyncai na nanonood ng cartoons. Lalapit na sana siya sa dalawa nang makasalubong niya si Theus, Terrence, Aly at si Gwen na executive assistant ni Mojica.
Yumukod ang mga ito saka siya nginitian. Kumurap muna siya ng ilang beses bago yumukod din sa tatlo.
"Ah. Hello?" aniya. Mas lalong napangiti ang apat.
Inabot ni Aly ang kanyang pisnge at marahang hinaplos.
"Come back soon, Reina. We'll be waiting for you." hinalikan siya nito sa noo at umalis si Aly sa harap niya saka lumapit ito kay Zyncai. Nagtataka man sa sinabi ng babae ay hindi na siya umimik.
Binalingan niya ng tingin sina Theus at Terrence na malalim ang titig sa kanya. Umalis na rin si Gwen kaya naiwan silang tatlo na magkaharap.
Tipid siyang ngumiti sa dalawang binata. Lalagpasan niya na sana ang mga ito nang may naalala. Nilapitan niya una ay si Terrence. Gamit ang malayang kamay ay kinurot niya ang siko nito at hinimas-himas. Pati kabilang siko nito. Habang ginagawa 'yon ay kunot na kunot ang kanyang noo.
Pagkatapos ay si Theus. Kinurot. Hinimas. Tinitigan din niya ang mga siko nito.
"Hey. What's wrong?" pigil
ni Theus sa kanya. "You've been doing that for a while already, the maids told me that you would check their elbows and even the guards'. Why are you doing that?"
Ngumuso si Reina, "Can you hold this, first?" tanong niya kay Terrence. Inabot niya ang shake niya dito.
Nagsalubong ang kilay ng dalawang binata nang nilabas niya ang itlog.
"This is itlog, right?" aniya. Tumango naman ang dalawa.
"Why?" Terrence asked.
"Pula told me-"
"Uy! Uy! Ano 'yan?" malakas ang boses na pigil ni Pula kay Reina. Iningusan niya ito kaya napilitang bumalik kina Zyncai at Aly ang piwata.
"So, As I was saying. Pula told me that kapag daw hinawakan mo 'yong siko ng isang tao lalo na ng lalaki ay pawang hinawakan mo na win ang itlog niya. I understand what she said but I don't get it. Weird. Egg is very different from the human elbows." Inosenting aniya na napapatingin pa sa itaas na tila takang-taka.
Namula naman ang dalawang lalaki saka sabay na nilingon ang piwatang-bulol na nanlalaki ang mga mata.
"Pula. Do you want me to cut off your defective tongue?!" mariin na tanong ni Theus.
Malakas na binatukan ni Aly si Pula, "Ikaw kung anu-ano ang itinuturo mo kay Reina. Kapag 'yan nagkamalay na sa tamang huwisyo, lagot ka."
"Kung makabatok ka naman." reklamo ni Pula. "Ang dami kasing tanong ni Madam. Tinanong niya kung paano waw ginawa si Zyncai at saan nanggaling kaya sinabi kong nanggaling si Liit sa itlog ni Bossing. Hehe! Tinanong niya pa ako kung ano daw mukha no'ng itlog ni Bossing kaya sinabi ko lang naman ang knowledge ko! Hehehe!"
"PURSI LANARRI!" sabay na sigaw ng tatlo.
"Sowi na!"
Nagtatakang nakatingin lang sa kanila si Reina at bigla siyang sumingit, "Have you seen Bossing's eggs? Pula said he have two eggs."
Napasapo na lang silang lahat sa kanilang mga noo.
*****
Meanwhile sa Clementin Mansion...
Naglalakad si Zync tungo sa sala habang nakatuon ang mga mata sa cellphone.
Ngunit...
"Ouch! Sh*t! Ang sakit!" malakas niyang mura nang mabunggo ang gitna ng hita niya sa edge ng sofa.
Sinapo niya ang gitna ng hita saka napatalon-talon. Napangiwi naman ang mga bantay na nakakita sa nangyari.
"Anyare?" takang tanong ni Al.
"Nabunggo lang. Sh*t." sagot niya.
"Ah. Baka may nag-uusap tungkol sa ano mo kaya nauntog. Haha!"
"Ulol ka Al!"
"Totoo 'yon."
The Egg. Bow.
-End of Special Chapter-
Thank you for reading! God bless you.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro