Six: THE GAME
Chapter 6: The Game
Enjoy reading!
3rd.
May ngiting nakapaskil sa mga labi ni Reina nang magising siya kinaumagahan. Last night was her best night ever. She's happily contented to have experienced that kind of fun. That before everything will take its rightful place she already had a happy memory to treasure.
She already knows the feeling of having friends, to laugh stupidly like a carefree child, to enjoy petty things such as teasing or even cuddling, to lay down on the lawn with no care to dirt at all, to roll over the dusty ground, to climb on the tree fearlessly, to run blithely, to play like it was every child's life support, to talk nonstop with nonsense things, to shout and scream out of happiness, to hold your friend's hand tightly, to hug someone warmly... and to love within just a moment.
Mas lalong napangiti si Reina nang maalala ang mukha ng mga batang naging kaibigan sa isang hiram na sandali... si Iseah at ang cute apple cut hairstyle nito, si Terrence at ang karate pose nito, si Ate Fin o Finamelia at ang magandang mukha nito, higit sa lahat si Tyrone at ang gwapong mukha nito na hindi nililisan na isang matamis na ngiti.
Pero tumakas ang luha sa kanyang nakangiting mga mata. Ang mga nangyari kagabi ay sadyang hiram lamang.
Everything was just borrowed because everything was Katarina Zenkiah's property, her twin sister's property.
Except for Tyrone Flynn who knew the true her. Maybe, her memory with the boy was her only property. But still, memories of being with those kids were enough for her to do the right thing... and that is to make Katarina Zenkiah happy.
It was still a mystery for her on how did Tyrone knew about her existence. She did'nt bother to ask him because she was too overwhelmed with the fun they gave her.
Napangiti siya at pinahid ang luha sa mga mata.
May dumating na dalawang servants sa kanyang kwarto saka siya binihisan at pinakain. Tahimik lang siyang hinahayaan ang mga itong asikasuhin siya. Lapat na lapat ang mga labi para pigilan ang sariling upang 'wag kausapin ang mga ito.
Kita niya sa mata ng mga servants na tila nagtataka ito sa ayos niya lalo na sa buhok niya pero hindi sila nag-usisa.
"We will be leaving, Princess." Sabay na yumukod ang dalawa. "Good day."
Tumango na lang siya kahit gusto niya ring magpaalam. Napabuntong-hininga siya dahil akala ng mga nito na siya ay si Tari.
Ala una ng hapon nang biglang dumating si Duchess Camelia at walang pasabing pumasok ito sa kwartong ibinigay sa kanya. Agad siyang napatayo at sinalubong ang nakangiting mukha ng Duchess.
"A-ano po ang kailangan ninyo?" utal niyang tanong. Naalala niya ito. Ito 'yong babaeng sumupalpal sa kanyang ina. Ito 'yong babaeng nag-suggest na dapat magkaroon ng laro sa pagitan nilang dalawa ni Tari. Ngunit nakakagaan ng pakiramdam ang ngiting nasa mukha ng babae.
Humakbang ito papalapit sa kanya at napaatras siya nang biglang itinaas nito ang kamay. Pumikit siya at hinintay na dumapo ang masakit na sampal nito sa kanya pero laking gulat niya nang isang mainit na haplos ang naramdaman sa kanyang pisnge.
"Sssh. Don't be afraid, sweety." Marahang saad ni Duchess Camelia nang maramdaman nito ang takot niya.
Nanatiling walang kibo at nakapikit si Reina, hindi niya alam pero nagwawala ang puso niya. Dahil naiisip niyang baka galit rin ito sa kanya, na baka nakita siya nitong nakipaglaro sa ibang bata sa palasyo kagabi, na baka isa rin siyang malas sa tingin nito.
Naalala rin niya ang sakit ng hampas ng kamay ng kanyang sariling ina. Tila naninibago siya dahil ilang araw na siyang wala sa loob ng attic kung saan masikip, na ang kasikipan nito ay nagbibigay init sa kanya na tila isang yakap para lang sa kanya. Kagaya ng kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil yakap-yakap na siya ni Duchess Camelia na tahimik siyang pinapatahan.
Do'n niya lang napansin na umiiyak na pala siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil hindi niya kaano-ano ang babaeng ito at kung bakit iba sa inaasahan niya ang ipinaparamdam nito sa kanya. Nakaramdam siya ng inggit sa kung sino mang anak ni Duchess Camelia dahil sigurado siyang isa itong mabuting ina base sa kung paano siya nito niyayakap.
"Sweety. Hindi kita sasaktan, okay? 'Wag kang matakot sa'kin." Pag-aalo nito sa kanya. Marahan siyang tumango pero ayaw pa rin paawat ng mga luha iya.
Pigil ang iyak na ginawa niya para hindi makagawa ng ingay dahil natatakot siyang baka magalit ang babae sa kanya. Napansin iyon ni Duchess Camelia. Humiwalay ito sa yakap saka sinapo ang makabilang pisnge niya. Mariing nakadikit ang mga labi ni Reina gano'n din ang mga mata. Namumula na rin ang mukha niya halatang-halatang nagpipigil.
Tumulo ang luha ni Duchess Camelia dahil ramdam-ramdam nito ang sakit na nararamdaman ng bata. Hindi man kaya ni Reina na isatinig ang mga hinaing ngunit ang mga luha nito ang kusang nagsasabi sa kung sino man ang nakakakita.
Yumuko ang duchess saka pinalis ang luha sa mga mata. Ayaw nitong makita niya naaawa ito sa kanya. The duchess knew that this child is dying inside, she knew that Reina is deeply hurt, she knew that Reina is already in the verge of giving up.
"Do you know that crying is healthy?" panimula nito. Dahan-dahan siyang dumilat at sinalubong ang nakangiting mga mata ng babae. "But stopping yourself to voice your cry out is not good at all. It could kill you. The air would be stocked up inside your lungs and on your air passage ways, you will eventually feel suffocated. Then you'll experienced palpitation and the air will go crazy inside you... then you will be bloated until your tummy will become a balloon of crazy air. Then you'll fart every minute until your last breath."
Napakurap-kurap si Reina sa sinabi nito tila pinoproseso ang sinabi ng babae hanggang sa napaiyak siya nang malakas. Marahang natawa naman si Duchess Camelia.
"So you don't want to bloat, do you?" natatawang tanong nito sa kanya. Napasinghot-singhot si Reina at tinitigan ang duchess.
"Are you trying to scare me or are you are just trying to cheer me up?" pasinghot-singhot na tanong niya. Natigilan si Duchess Camelia.
Alam ni Reina na gawa-gawa lang nito ang sinabi. Yes, she's maybe a six-year-old kid but hey, she knew better. When she learned how to read... books are her bestfriend. And books feed her well with enough information not to be ignorant.
Pero natutuwa siya dahil muntik na siyang maniwala sa sinabi nito at nagawang niyang umiyak nang may tunog. Taliwas sa palagi niyang ginagawa na tahimik at pigil ang iyak.
Malumanay na ngumiti si Duchess Camelia saka marahang pinahid ang luha sa kanyang mukha. "Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan mo ngayon pero alam kong matalino kang bata. Hindi ka basta-basta nadadala sa simpleng candy o chocolate lang. But 'wag mong kalimutan, sweety, na isa ka pa ring bata." Hinalikan niya nito sa noo saka ito tumayo.
"You are so beautiful, Katareina Zavina." Nakangiting saad nito saka nilisan ang kanyang silid.
Naiwan siyang nakatingin sa pintong nakasarado, umupo siya sa kama at inisip ang mga sinabi nito.
"But Katarina Zenkiah is more beautiful." usal niya sa sarili at may ngiting nakapaskil sa mga labi.
Pinanood ni Reina sa bukana ng terrace ang paglubog ng araw, nakalapat ang kanang palad sa babasaging pader. Nang tuluyan nang sinakop ng dilim ang buong lugar ay siya ring hudyat sa pagsisimula ng laro sa pagitan nilang dalawa ng kanyang kakambal.
**
Sa loob ng isang malaking activity room sa palasyo kung saan ginaganap ang mga 'di gaano kalaking pagtitipon ay doon rin magaganap ang laro. May isang 12-seaters-circular table sa gitna na may malaking espasyo sa gitna kung saan nakapaloob ang dalawang bilog at maliliit na lamesa. Mayro'ng pulang buzzer sa gilid nito na nakaharap sa tig-iisang upuan sa bawat mesa.
Pumasok ang walong konseho at hinanap ang kanya-kanyang p'westo. Kasunod na pumasok ang personal secretary/spokesperson ng hari na pumwesto sa high chair sa gitna ng dalawang maliliit na mesa, ito ang magiging punong-abala ng laro. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na rin ang hari kasama ang reyna.
Sumenyas ang hari na simulan ang laro. Bumukas ang dalawang pinto na nasa gilid at sabay na lumabas doon ang kambal. Nakasuot ng princess gown na kulay berde si Katarina Zenkiah na may seryosong mukha at determinadong mga mata. Diretso lang ang tingin nito saka umupo sa kanang mesa. Maayos na naka-braid ang buhok nito at kumikinang ang suot na golden necklace.
Habang si Katareina Zavina naman ay nakasuot lang ng isang simpleng puting dress na may malaking laso sa likod na pinaresan ng puti ring doll shoes. Nakalugay ang mahaba at maitim niyang buhok na pinatungan ng plain at manipis na headband. Nakayukong naglakad siya tungo sa kabilang mesa.
"Huwag na tayong magsayang ng oras at simulant na ang laro." Matigas na saad ng hari.
Nagsimulang magsalita ang spokesperson ng hari na s'yang game master tungkol sa gaganaping laro.
"The game is all about critical thinking skills, no physical activity involve. Bilang isang epektibo at magaling na lider sa hinaharap dapat ay isa kang matalino. Matalino sa pagharap sa kahit anong klaseng problema o sitwasyon. Magaling ka ngang lumaban pero kong hindi sapat ang talino mo ay magiging walang kwenta lang iyon. Kaya para sa inyong dalawa binibining Katarina Zenkiah at binibining Katareina Zavina..."
"May you have the wisdom and wit all throughout the game. May the heavens and sovereign blessing of the Clementin Ancestors be with the both of you. Whoever may win this game shall be hailed as the Crown Princess and will be the future Queen of the Sovereign Kingdom of Slovenia."
Nag-angat ng tingin si Reina at nakitang nakatitig sa kanya ang kakambal. Mariin ang pagkakalapat ng mga labi nito at kung paano ito tumititig sa kanya ay nakaramdam siya ng kirot sa puso. Mapang-akusa at galit ang mga mata ni Katarina.
"T-tari." Mahinang usal niya na siya lang ang nakakarinig. Nakakapaso ang tingin ni Tari sa kanya. Una itong umiwas ng tingin kaya muli siyang napayuko at tinitigan ang nakakuyom niyang kamao.
Muling nagsalita ang punong-abala ng laro...
"We have prepared 10 questions with different clusters of skills. Every question will be stated twice, so the players should listen carefully. There's an equivalent points every question. There's a buzzer in front of you, you have to press the button if you know the answer and you are given five minutes to answer every question. If you fail to answer and you pressed the buzzer, you are not allowed to answer the next question."
Napatitig siya sa button na nasa kanyang harap.
"Then, to make it more challenging we will be applying the right minus wrong rule. Meaning if you gave a wrong answer it will be deducted to your collected points. Whoever may get the higher collected points will be the winner and will have the right to live and whoever may get the lower total collected points is bound to face death when full moon comes."
Full Moon... bukas na ang full moon, ibig sabihin bukas ng gabi na mamamatay ang isa sa kanila. Napakagat labi si Reina at sinulyapan ang kakambal na mas lalong nawalan ng emosyon ang mukha pero ang mga mata nito ay nag-aalab sa galit na nakatingin sa kanya.
"Any question about the mechanics of the game?" Tanong ng game master. May ilang council ang nagtanong na agad namang sinagutan at kinlaro nito. Habang tahimik lang ang hari at ang reyna ay halatang hindi gusto ang nangyayari saka ang kambal na parehong kinakabahan sa magiging resulta.
"So, we will proceed to the first part of the game. I will give you a conclusion statement. You have to identify if it is faulty or accurate. If it is accurate, you just have to say accurate and if it is faulty, you have to explain why. Are you ready?" Parehong tumango ang dalawang bata at hinanda ang sarili.
"Number one with fifteen points. There was a surprise contestant at the annual frog-jumping contest this year. It was a gigantic frog, bigger than anyone had ever seen before. Many onlookers in the stands concluded that because of its enormous size, it probably couldn't even get off the ground. Is it faulty or accurate?" Inulit nitong muli ang tanong.
"You may now press your buzzers." Anito pero hindi gumalaw ang dalawang bata.
Napapikit si Katarina Zenkiah dahil sa pag-aanalisa sa tanong habang si Katareina Zavina naman ay nanatiling nakayuko. Pagkatapos ng tatlong minuto ay tumunog ang buzzer kaya napangisi ang hari nang umilaw ang kinauupuan ni Katarina Zenkiah.
"Yes, Princess Katarina Zenkiah? What is your answer?" Nakangiting tanong ng game master.
"The conclusion is faulty because size is not the only factor that influences ability to jump. Onlookers might conclude that the frog could jump farther because its legs were bigger. They should have seen how it performs first before giving out conclusion. Kagaya kung paano natin ipatupad ang hustisya sa ating bansa. Kailangan muna nating timbangin ang mga nangyayari sa magkabilang panig, kailangan nating alamin ang tunay na dahila o kahulugan sa isang sitwasyon. Hindi dapat tayo bumase sa nakikita lang natin. Eyes can be deceived but not our brain. We should learn how to dig deeper and learn wider." Taas noong sagot nito kaya nagpalakpakan ang lahat ng taong nasa loob ng silid maliban sa kanya na napakayuko pa rin.
"Correct." Mahinang usal ni Katareina Zavina na siya lang ang nakakarinig. Mapait siyang ngumiti at lihim na humanga sa sagot ng kakambal.
"Your answer is correct, Princess. You have now 15 points. Here's the number two statement with 25 points..."
'Princess.' Sambit ni Reina sa kanyang isipan. Princess Katarina Zenkiah, sounds good and right.
Inangat ni Reina ang ulo upang sulyapan ang kakambal ngunit nakatingin lang ito sa ibang direksyon.
"During a football game, one team's star quarterback was injured. The team's backup quarterback had not played in front of a crowd before and the sports caster concluded that the team wouldn't have a chance of winning now. Is it faulty or accurate?" Inulit nitong muli.
Kinagat ni Katareina Zavina ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili sa pagpindot ng buzzer. Nagulat pa siya nang may isang butil ng luhang tumulo sa kanyang palad. Napatitig siya doon at napangisi.
Tumunog ang buzzer at umilaw ang upuan muli ni Tari.
"The conclusion is faulty because no one knew how the back-up quarterback would play. Everyone should just have to watch closely to find who wins. You can never see someone's true power unless the game is over. You should watch and learn." Matigas na sagot ni Tari kaya napatingin si Reina dito at laking gulat niya dahil naniningkit ang mga mata ng kakambal. Tari was looking at Reina knowingly with confidence and superior.
Bigla siyang nanliit dahil sa titig nito, uminit ang sulok ng mga mata niya.
"Why aren't you answering? I know you know the answers. You don't have to stop yourself, Reina... you are insulting me. Play fair." Mahina ngunit mariing pasaring nito sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin.
At sa pag-iwas niya ng tingin ay nagtama ang mga mata nila ng hari. Ang hari at ang kanyang kakambal ay may parehong mga mata. Mga matang isang tingin lang ay yuyuko ka na. Pero ibahin si Reina dahil nakakayanan niyang labanan ang tingin ng hari. Ang hari na mismo ang umiwas ng tingin kaya siya ay binalingan na lang ang buzzer.
Reina... she never heard her twin to say this name that she really likes. Tari hate it because it sounds useless. Napangiti siya dahil mukhang tama nga ito. Hindi lang ang pangalan niya ang useless pati siya mismo.
Natutuwang pumalakpak ang ibang konseho dahil sa pinapamalas na katalinuhan ng anim na taong prinsesa habang hindi kinaya ng reyna ang nangyayari kaya lumabas ito ng silid nang walang salitang iniwan. Natigilan ang lahat pero sumenyas ang hari na magpatuloy.
"You're correct Princess Katarina Zenkiah and you got the 25 points, in total of 40 points." Nilingon sandali ng game master si Katareina Zavina at pinagpatuloy ang laro.
"This is the third statement with 35 points. As Eve carried a jump rope outside, her grandfather commented on how boring jumping rope was. Eve invited him to watch her and her friends. He was amazed at the complicated steps and moves the four girls demonstrated and he concluded that jumping rope could be a lot of fun. Is it accurate or faulty?"
Lumingon si Katarina Zenkiah sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Like the way it was used to be, their eyes are having a conversation that their hearts could only understand.
"You have to press the buzzer now." Paalala ng game master. Katarina Zenkiah pressed the buzzer kaya napabuga ng hangin ang mga konseho at parang alam na nila ang magiging resulta ng larong ito.
"What is your answer, Princess?" nakangiting tanong ng game master.
"The conclusion is faulty. The first comment of her grandfather was right, jumping rope is really boring. It was a mistake that he tried it and said it was fun. No way. I tried it once but jumping like idiot is really boring. Nah, it was just a waste of time. Just like this game, this is no fun at all." Walang ganang sagot nito na hindi pa rin binibitawan ang kanilang titigan.
Ito ang kauna-unahang beses na naririnig niya si Tari na mahaba ang sinasabi. Sanay siyang maikli ito kung magsalita. Batid niya rin na tutol ang kakambal sa larong ito.
"Pardon Princess?" hindi makapaniwalang tanong ng game master pati ang ibang konseho ay napailing maliban kay duchess Camelia na nakangisi.
Hindi matukoy ni Reina kung sinadya ba talaga ng kakambal na maging gano'n ang sagot nito pero kung titingnan ang mukha nito ay totoo ang sagot nito. Walang pag-alinlangan kumbaga.
"I said my answer is that conclusion is faulty and don't make me repeat my explanation 'coz you won't like it." Pikong sagot nito.
"Is that your final answer, Princess?" Pangungulit ng game master na tila binibigyan ng tsansa ang maliit na prinsesa..
"Oo nga!" galit na tiningnan nito ang game master na mukhang tinablan. Napatikhim ang lalaki at iniwas ang tingin kay Tari na nanlilisik ang mga mata.
"Y-your answer is wrong. The statement is accurate." Lumunok ang game master at pasimpleng liningon ang hari na nakatitig sa dalawang bata. "Therefore, 35 points will be deducted in your collected points. In total, Princess Katarina Zenkiah has 5 points. You lose a turn Princess." Nag-alangang anunsyo ng game master. Nilingon nito si Katareina Zavina na nakatitig pa rin sa kakambal.
"It's your turn..." Saad ng game master sa kanya na hindi alam kung ano ang itatawag sa bata.
"Call her freak." Wika ng isang duchess.
"Her name is Katareina Zavina." May kalakasang wika ni Katarina Zenkiah na nakakuyom ang kamao na masamang nakatingin sa nagsalitang duchess kanina. Mukhang natakot ang ilan dahil parang kaharap lang nila ang hari sa titig ng bata.
Isa nga itong Clementin.
Tumikhim ang game master saka nilingon ang hari. Tumango ang hari sa dito.
"So here is the statement Zavina with 45 points. The rival high school basketball teams lined up on the court. The South had one player who was a head taller than everyone else. The commentator concluded that the South School player was better that all other players on both team. Is this accurate or faulty? Your time starts now."
Nanginginig na binuka ni Katareina Zavina ang bibig. Halos ayaw lumabas ng kanyang boses. Natatakot sa kung ano ang isagot sa tanong.
"I-it is f-faulty." Mahina at nauutal na sagot niya.
Napapikit siya nang mariin. Takot na takot siya ngayon.
'Kailangan ko ba talagang maranasan ang mga 'to? Sana ipinanganak na lang akong pulubi sa daan. Mas nanainisin ko pa iyon kaysa maglaban kami ng kakambal ko para sa korona na kahit kailan ay hindi ko nanaising makuha.'
-End of Chapter 6-
Thank you for reading freaks!
God bless.
Hugs and kisses,
CL with love.
n
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro