Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Nineteen: KEEPER

Chapter 19: SAFEST KEEPER
Enjoy reading!

3rd.

"March 4, 201*. Exactly 6pm on that date, the biggest three-day Tech Fair in Europe will open in Latvia specifically in Little Butterfly." Nilingon ni Morry sina Theus at Ryleen. "At dito sa Tech Fair magaganap ang turn over ni Flynn Flamenco kay Reina sa Triad."

"Why do they need the Tech Fair kung pwede lang naman nilang ipasa nang direkta?" untag ni Theus. "You said that Triad is composed of three powerful groups, so it means they could make impossible possible like a smooth turn over. They could just turn over Reina in no time."

Napatayo si Morry, "Pansin ko lang ha. Bakit ba ang hilig mo sa direkta? Hindi mo ba gustong mag-foreplay muna?"

Tila kinilabutan naman si Theus dahil sa malanding pagkakasambit ni Morry sa tinanong.

"You potty mouth woman! Fragrance is here!" bulalas ng binata saka nilingon ang kapatid na nakatingin lang sa kanila.

"Bakit Kuya? What is foreplay ba?" tanong nito saka lumapit sa laptop ni Morry at nag-google search. Nanlaki ang mga mata ni Theus nang makitang nag-type na ito ng 'What is Foreplay?'

"Fragrance Ryleen!" sigaw ni Theus at madaling hinila palayo sa laptop anf kapatid. Sinamaan niya ng tingin si Morry na tawa nang tawa dahil sa naging reaksyon niya.

Pulang-pula kasi ang mukha niya at may nanlilisik ang mga mata. "You!" duro niya sa dalaga.

"What?" natatawang tanong nito sa kanya. "Ryleen is turning 16 this summer, hindi naman masama na malaman niya ang mga bagay-bagay tungkol sa se—"

"Everstrife!" nakukunsuming sigaw ni Theus.

"Okay! Okay! Chill lang. You're too uptight, dude." Umiling-iling na naglakad lumayo sa magkapatid si Morry. Umupo ang babae sa kama. She washed off her teasing intent to Theus because she could already feel that he's getting pissed with her green vexations..

Tumikhin ang babae, "That Tech Fair is the Triad's Annual Muster." Biglang seryosong saad ni Morry kaya kumalma na rin si Theus at umupo sa couch habang si Ryleen naman ay pasimpleng naglakad muli sa laptop ni Morry at nagkaroon na ng sariling mundo kasama si Google.

"What do you mean by that?"

"The Tech Fair is just a front act, Mattheus. Triad's Annual Muster is the assembly of the three main subsidiaries of Triad. Pagtitipon ito ng lahat ng miyembro ng grupo at dito rin magaganap ang pag-turn over ng mga bagong produkto na gawa ng mga sangay sa konseho ng Triad."

"Go on." Ani Theus nang tumigil si Morry sa pagsasalita. Palihim namang napangisi ang babae nang mapansin si Ryleen na nagpapaka-busy kasama si Google.

"This Tech Fair will be a very crucial event of the year for underworld. Kahit pa na sobrang lakas at tuso ng Triad, there will be groups would try to mess the fair at isa na tayo do'n. Hindi lang naman tayo ang naghahangad na sirain ang sindikatong 'yan. Marami. Some will try stealing Triad's product, some would take revenge, some are hunters to get the bounties of the Triad's heads, ang iba naman ay mga sariling kasama nila na gustong mang-agaw ng pwesto at kapangyarihan. Habang tayo ay babawiin ang ating reyna. But Triad, Chthonic and Empyreal have one common enemy."

"Who?"

"The Interpol."

Kumunot ang noo ni Theus, "Bakit sabi ni Mojica na hindi kalaban ng Empyreal ang gobyerno at ang pulisya? I thought Empyreal also spawns agents for the government and private sectors?"

Tumango si Morry. "Yes, that's right but don't forget Empyreal spawns assassins and reapers for hire to kill politicians, tycoons, prominent heads and etcetera. Kaya mainit din minsan ang mata ng Interpol o ng gobyerno sa Empyreal." Napangisi si Morry nang makita ang paglukot ng mukha ni Theus.

"Tell me more about the Tech Fair." Theus demanded.

Napaismid si Morry sa binate dahil sa tono ng pananalita nito, "Latvia could be the safest venue for the Annual Muster because it is a country with zero crime rate, ibig sabihin malayo ang atensyon ng Interpol sa mangyayari na siyang pinakamakulit na kalaban ng mga taga-underworld. Gaya ng sabi ko sa'yo bawat galaw natin ay dapat kalkulado dahil hindi lang ang Triad ang kalaban natin pati na rin ang mga pulis at agents. Siguro sa mga oras na 'to ay nagpaplano na rin sila kung paano hulihin ang notorious unknown criminal and terrorist group. But I feel pity for them, they will go west."

Napailing si Morry nang maalala ang pagmanipula niya sa mga data na hawak ng isang sangay ng Interpol tungkol sa recent activities ng Triad. Pero alam ni Morry na hindi basta-basta ang pulisya.

"You mean na ang Triad ang most wanted na terorista sa buong mundo?!" bulalas ni Theus. "Sila ang may pakana sa giyera sa ibang bansa!"

"Uhuh." Tango ni Morry. "We have to be very careful dahil hindi tayo dapat maipit sa Triad at Interpol saka sa ibang kalaban nila."

"Why don't we make an alliance with Interpol?" pang-matalinong suhestiyon ni Theus.

Tumayo si Morry saka nilapitan si Theus. Umiling-iling siya habang nakatayo sa harapan ng lalaki, "Masisira ang plano natin kapag sumali ang Interpol. Mas magiging kumplikado ang lahat at kayang-kaya na natin gawin ito na walang tulong sa iba. Makakasagabal lang sila sa atin dahil sa batas na sinusunod nila."

"You have a point."

"Oh my— please."

Sabay na napalingon si Morry at Theus nang makarinig nang ungol galing sa laptop ni Morry. Napatayo naman si Ryleen saka napalayo sa laptop na may mukhang gulat na gulat at pandidiri.

"FRAGRANCE!" dumagundong ang sigaw ni Theus sa hotel suite habang nangibabaw naman ang malakas na halakhak ni Morry.

Namumula sa galit si Theus na nag-martsa tungo sa laptop ni Morry.

"Ooops!" bulalas ni Morry saka mabilis na kinuha ang laptop at nilayo sa lalaki nang akmang sisirain na ito ni Theus.

"Fragrance." Baling ni Theus sa kapatid mukhang nawindang sa nakita.

"K-kuya, I-I was just curious. You don't have to worry, ilang beses na rin ako nakakita ng gano'n. Foreplay pala tawag do'n? Akala ko MOMOL." Nakangusong lintanya ni Ryleen.

"What?! At saan ka nakakita ng gano'n?! At anong MOMOL?!"

"Make out, Make out lang. Duh? 'Di mo alam 'yon?" umirap si Ryleen saka umupo sa couch habang tawa pa rin ng tawa si Morry. "Palagi ko kayang nakikita sina Ate Sia at Kuya Al na nagfo-foreplay noong hindi pa malaki ang t'yan ni Ate Sia. Minsan sa kusina, sa sala, sa garden, sa garage, sa hallway, minsan sa grand staircase."

"What the heck?! Sino 'yang sina Sia at Al?!"

"Ay oo nga pala, minsan nakita ko rin sila sa rooftop ng mansion. Hahaha! Hindi ko malilimutan 'yon dahil nakita kong nasipa ni Ate Sia si Kuya Al kaya nahulog si Kuya tungo sa garage. Nahospital nga siya no'n dahil nabalian siya ng ribs."

"Talaga? Hahaha! Nagawa nila 'yon? Exhibitionist din pala si Sia. Hahaha!" Natatawang ani Morry. Sabay na nagtawanan ang dalawa.

"I can't believe this." Bulalas ni Theus habang nakatingin sa dalawang babae.

"Oo ate! Minsan pa nga no'ng ginawa nila 'yon sa kusina tapos nahuli sila ni Ate Reina— Hahaha! Pinahabol silang dalawa ni Ate Reina ng mga lobo ni Ate Tamara."

"My gosh, lobo? As in wolf?"

"Yes Ate, may mga alagang wolf kaya si Ate Tamara at minsan dinadala niya 'yong iba sa mansion kaya ayon pinahabol ni Ate Reina sila Ate Sia."

"Pero hindi lang sila Ate Sia at Kuya Al ang nakita kong nagmo-MOMOL." Nakangising saad ni Ryleen.

Lumawak naman ang ngiti ni Morry, "Talaga? Sino naman?"

Sinulyapan ni Ryleen ang kapatid na masama pa ring nakatingin sa kanila.

"Edi si Kuya Zync at Ate Reina!" bulalas ng dalaga saka pumalakpak na nilingon ang kapatid na nanlilisik ang mga mata.

"Hahahahaha! Ikwento mo Ryleen!" udyok ni Morry dito.

"Sige. Sige ate. Napadaan ako sa kwarto ni Ate Reina no'n at hindi nila naisarado ang pinto kaya nakita ko si Kuya Zync na nakapatong—"

"SHUT UP!" malakas na sigaw ni Theus saka padabog na lumabas ng suite nila. Binalibag pa nito ang pinto. Sabay na nagtawanan ang dalawang babae.

"Hehehe! Joke lang 'yon. Palagi kayang naka-lock ang kwarto nila Ate Reina." Natatawang wika ni Ryleen. "Pero isang beses na naiwang bukas ang pinto nila nakita ko talagang nakapatong si Kuya Zync sa mesa na nasa kwarto ni Ate Reina habang nakatuwad. Tehehe."

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi— hahaha! Nagka-pigsa si Kuya Zync sa pwet at nililinisan 'yon ni Ate Reina nang makita ko sila. Bahaha!"

"Nyeta ka Ryleen. Hahaha! Sumama pa tuloy ang loob ng kapatid mo. Pero— bwahaha! Si Zync nagka-pigsa?! Bwisit. Hindi ako makapaniwala na maglilinis ng pigsa ni Reina!"

Nagkulitan ang dalawang naiwan sa suite habang ang lalaking lumisan naman ay napunta sa bar ng hotel. Gabi na at maraming tao ang naroroon kaya pinili ni Theus na tumambay na lang doon kaysa makipag-bangayan sa dalawang kasama.

**

"Where na kaya si Kuya?" tanong ni Ryleen na nakasilip sa pinto.

"Hayaan mo muna 'yon. Babalik din ang kuya mo. Pinikon mo kasi." Ani Morry na lumalamon ng kanilang hapunan.

"Kaw kaya ang nauna. Kumain na kaya siya ng dinner"

"Alangan. 'Wag kang mag-alala isang tagapagmana ang kuya mo kaya hindi 'yon mauubusan ng pera pangkain at matanda na 'yon. Halika dito Ryleen at kumain ka na dahil may sasabihin ako sa'yong importante mamaya."

Iwinaksi ni Ryleen ang pag-alala sa kapatid at kumain na lang ng hapunan kasama si Morry. Nang matapos silang kumain ay nagkanya-kanya silang naglinis ng sarili.

"Ano 'yong sasabihin mo Ate?" tanong ng bagong ligong si Ryleen kay Morry na nakahilata na sa kama habang kumakain ng fresh cucumber.

"Kunin mo 'yang brown box sa tabi ng laptop ko." Tinuro niya ito kay Ryleen. Kinuha ito ni Ryleen at saka umupo sa tabi ni Morry.

"What is this, Ate?"

Umayos ng upo si Morry saka ngumiti nang malawak sa dalaga, "You want missions, right?"

"Yeah." Nagtatakang tumango si Ryleen.

"At 'yan ang magiging mission mo bukas."

"Woah! What is this ba?"

"Buksan mo." Utos niya dito.

Binuksan naman ito ni Ryleen. Nagningning ang mga mata ng dalaga nang makita ang dalawang kwintas sa loob. Kulay itim ang mga ito pero sa tuwing ginagalaw ay lumalabas ang tunay na kulay. Kulay bahaghari ito.

Kinuha ni Ryleen ang isa at itinaas. Mas lalo itong kuminang nang masinagan ng ilaw.

"Wow, this is so beautiful." Tukoy ni Ryleen sa pendant ng kwintas na isang pares ng pakpak na nakabuka. Itim rin ang kulay nito pero nag-iiba rin ang kulay na nagiging bahaghari kapag ginagalaw.

"That's your mission. You need to give these necklaces to Arra and Arri." Saad ni Morry kaya napatingin sa kanya ang dalaga.

"Are these from Ate Reina?"

Ngumiti lang si Morry. Binalik nila ang tingin sa dalawang kwintas.

"You should protect that, Ryleen habang nasa kamay mo pa 'yan. These necklaces are too precious and very important. Marami nang namatay para makuha lang 'yan." Makahulugang saad ni Morry.

"You mean—" natigilan si Ryleen nang biglang may naalala. "The hell?! Ito po ba 'yong—"

"Yes Ryleen. 'Yan nga. Kaya kailangan mong maibigay 'yan sa kambal dahil sila ang safest keeper n'yan."

"But they will be in danger. Don't you think?" Nag-aalangang saad ng dalaga.

"Kaya nga ginawa 'yang kwintas. No one knows about its new look but us."

Tumango si Ryleen saka binalik ang tingin sa laman ng box. "I thought si Mommy ang magki-keep nito?"

"Yes pero kailangan nating maging maingat. Tayo lang ang nakakaalam nito Ryleen kaya dapat walang may makaalam na ang mga kwintas na ito ay ang RTQGA." Mahinang saad ni Morry. "Bago tayo umalis tungo sa Latvia ay kailangan mo nang maibigay 'yan sa kambal."

Nakangising tumango si Ryleen. "Yes ma'am!"

*****

"Hello! Anybody home?!" malakas na sigaw ni Ryleen.

"Sino ka?!"

Mabilis na lumingon si Ryleen sa sumigaw sa kanyang likuran. Agad niyang naitaas ang dalawang kamay nang makita ang mga security guards ng Clementin Mansion na tinututukan siya ng shotgun.

"Who are you?!" tanong ulit ng isa.

"What is happening here?" tanong naman ng kung sino sa likuran ni Ryleen.

Umikot si Ryleen para harapin ang taong nasa likuran niya nang makilala ang boses nito. Hinubad ni Ryleen ang hood ng jacket at mabilis na tumakbo papalapit kay Al.

"Kuya Aaaal!"

"Ryleen?"

Agad binaba ng mga guards ang kanilang armas nang makilala si Ryleen.

"Yes Kuya Al. It's me! I missed you!" aniya saka niyakap si Al.

"Bakit niyo siya tinutukan?" kunot ang noo na tanong ni Al sa mga guwardya. Nakayakap naman si Ryleen sa gilid ng lalaki.

"Sir Al, bigla na lang po kasi siyang sumulpot. Hindi po siya dumaan sa gate."

Nilingon ni Al si Ryleen at tinaasan ng kilay.

"Kuya, you should change the guards. They didn't even notice me when I climbed up on the wall." Tinuro ni Ryleen ang matayog na pader.

Napayuko naman ang mga guards na hindi talaga napansin ang pag-akyat doon ni Ryleen. Sinamaan ng tingin ni Al ang mga ito at inakay si Ryleen papasok.

Sobrang tuwa naman ni Ryleen nang masaya siyang sinalubong ng mga tauhan ng Clementin.

"Grabe! I missed staying dito!" sabay pabagsak na umupo sa sofa habang hindi mapirmi sa isang lugar ang mga mata.

"Bakit ka umalis, Ryleen? Hindi ka nagpaalam sa amin." Seryosong tanong ni Al.

Napalis ang ngiti ni Ryleen saka bumuntong hininga, "I missed my Mommy and Daddy. Kaya I decided to be with them muna."

"But you should at least inform us. Nang hindi kami nag-alala sayo. Lalo na si Kuya Zync mo na hindi mapakali nang mawala ka. You know that your Ate Katarina was too over protective when it comes to you kaya when you left without a word Zync went crazy looking for you."

Yumuko si Ryleen, "I'm sorry, Kuya. I didn't intend to cause a problem dito sa bahay."

"Yon na nga. Sana man lang nag-text ka o nagpaalam ka kahit kay Zync lang. Alam mong hindi madali ang pinagdadaan niya simula nang umalis si Katarina tapos bigla ka na lang mawawala nang walang bakas. Importante ka sa amin Ryleen pero parang walang kaming halaga sa'yo."

"No. That's not true, Kuya. Nalungkot lang po kasi ako rito no'n dahil palagi ko na lang nakikitang umiiyak si Kuya Zync pati na si Ate Sia. Kaya naisipan kong umuwi kina Mommy para na rin mabawasan ang aalahanin niyo dito." Mahina at garagal na wika niya.

Bumuntong-hininga si Al. Hindi naman nito intensyong pagalitan ang dalaga pero dahil sa sobrang pag-aalala nito sa kanya ay hindi maiwasang mapagsabihan siya ni Al.

"You were never a burden to us, Ryleen. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ipinatayo ng Ate Tari mo ang KZ Empire para maprotektahan ka."

"I'm sorry po, Kuya."

"It's okay, Ryleen. Ang importante ay okay ka." Nilapitan ni Al si Ryleen at saka niyakap nang mahigpit. "Welcome home."

Natatawang pinahid ni Ryleen ang luha saka humiwalay sa yakap ni Al.

"Where are the kids, Kuya? I'm here because miss na miss ko na ang twins at Allius."

Ngumiti si Al, "Miss ka na rin nila. The twins are in their mom's room and Allius is with her mother."

Tumayo si Ryleen saka inayos ang sarili. "Sige kuya, I'll go to kambal first. Mamaya na lang po ako magpapakita kay Ate Sia."

"Sige. Hatid na kita do'n."

Masayang nag-usap ang dalawa habang naglalakad tungo sa kwarto nila Zync.

"Ah, kuya. Sige ako na lang po rito." Aniya.

Nang makaalis si Al ay agad pumasok si Ryleen sa kwarto. Ni-lock niya ang pinto saka nakangiting nilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto ni Reina sa mansion.

"It's my first time inside here." Ngisi niya saka hinanap ang kambal. Wala ang mga ito sa loob kaya napakunot ang noo niya.

Hahakbang na sana siya papalapit sa kama nang may napansin. Mabilis siyang nag-back bend upang iwasan ang dalawang matatalim na bagay na hinagis tungo sa kanya. Napangisi siya nang makita ang dalawang maliliit na circular blade na nakabaon sa pinto.

"You want to play, huh?" nakangising aniya. Nakarinig naman siya nang hagikhikan.

Humakbang siya ulit pero sunod-sunod na circular blades ang binato sa kanya. Todo iwas naman si Ryleen. Nang matigil na sa pagbato ay tumayo siya nang tuwid at nagulat na lang nang surpresang tumama sa kanyang mukha ang isang dalandan.

Napaupo siya at sinapo ang ilong na natamaan.

"Awat muna! Hindi ko na-notice 'yon! Ang duga!" sigaw niya.

Mabilis na lumabas sa pinagtataguan ang kambal.

Namangha pa si Ryleen nang biglang bumukas ang salamin mismo ng vanity mirror at lumabas doon si Arra na may hawak na dalandan. Pabibong tumalon ito at nakangiting hinarap si Ryleen.

"Yay Ate Ryleen is here! Arra missed Ate Ryleen!" magiliw na sigaw ng batang babae saka lumapit sa kanya.

"Loko kang bata ka. You got me with your orange huh." Napapailing na aniya.

"See?! I told you Arri that Arra will gonna hit the target." Nakapameywang na saad ng batang babae na nakalingon sa isang isang gawi. "Arra's orange won! And Arri's blades are losers!"

Napalingon din do'n si Ryleen at napangisi nang makita si Arri na nakasimangot na parang tuko na nakadikit sa kesame.

"Get down na dito, Arri." Utos niya sa batang lalaki.

Nakasimangot pa rin na ni-deactivate ni Arri ang sticky spikes ng suot nitong sapatos at gloves. Nagpaikot-ikot pa ito sa ere ng dalawang beses at nakatayong bumagsak. Hinubad ng bata ang suot na gloves at sapatos saka binalik ang mga ito sa lagayan ng armas ni Reina.

"Ate Ryleen." Bati ng bata sa kanya.

Umupo si Ryleen sa kama. "Pinapayagan lang pala kayo ng Daddy niyo na mag-play sa mga things ng Mommy niyo?" tanong niya sa dalawa na nakaupo sa tabi niya.

"No but Daddy is not here so Arra and Arri are free to play around." Bungisngis ni Arri.

"Your Daddy will be mad if he found out about this." Aniya saka mahinang kinurot ang matatabang pisnge ng dalawang bata. "You should not play with your Mommy's toys. You should play those." Turo niya sa isang pang kama na nasa loob na puno ng stuff toys.

"Those are boring." Arri said bluntly.

"Arra don't like fluffy stuffs." Wika naman ni Arra na nakanguso.

Bumuntong hininga si Ryleen saka tumayo. Hinarap niya ang dalawang bata na nakaupo sa kama at lumuhod sa kanila.

"It's okay. It really runs in our blood." Nakangising aniya. Nilabas niya sa kanyang jacket ang pakay niyang ibigay sa kambal. Tahimik naman na nakatingin sa kanya ang kambal.

"Did you know who Katareina Zavina is?" mahinang tanong niya sa mga bata pero kumurap-kurap lang ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

Bumuga siya ng hangin, "Tss. How would they know?" bulong niya sa sarili. "I have something for the two of you." Masayang aniya.

Lumiwanag naman ang mukha ni Arra sa narinig ngunit walang reaksyon naman si Arri.

"I don't like chocolates." Untag ni Arri.

Natawa si Ryleen, "You know that I don't share my chocolates. Don't worry, Arri."

"But Arra love chocolates!" singit ni Arra.

Napanguso naman si Ryleen. "I don't have chocolate, Arra."

"Then why Ate Ryleen is here? You should have chocolates with you! Arra will get angry."

Ginulo niya ang buhok ng batang babae saka binuksan ang maliit na supot kung saan niya nilagay ang mga kwintas.

"These are from your mother." Aniya saka nilagay sa palad ang dalawang kwintas.

Interesadong napatingin naman ang mga bata sa kamay niya.

"You mean Mommy or Mama?" biglang tanong ni Arri kaya napatingin si Ryleen dito.

"What did you say, Arri?"

Lukot ang mukhang tiningnan siya ng batang lalaki.

"Nothing. Just give me mine." Anito saka binalik ang tingin sa kanyang palad.

Kumibit-balikat na lang si Ryleen at binigay isa-isa ang kwintas sa kambal.

"These are so precious. You should take care of these. 'Wag ninyo itong iwala dahil your mother will get mad at you."

"This is so pretty! Arra like this!" bulalas ni Arra.

Nakangiting kinuha ito ni Ryleen. "Let me help you, Arra." Sinuot niya ito sa batang babae.

Malaki ang kwintas na umabot ang pendant nito sa dibdib ng bata.

"But it's too big for Arra." Nakangusong anito.

"It's still looks good on you." Aniya sa bata saka niya pinaloob ang kwintas damit ni Arra.

Binalingan niya si Arri at sinuot ang kwintas nito.

"You should not take these off and don't lose these necklaces. Do you understand?" tanong niya sa mga bata. "Mommy will be happy if you'll take care of her gifts for you."

Sabay na tumango ang mga bata.

"Let's keep this as a secret that you received gifts from your mother."

Nakangiting nilisan niya ang kwarto ni Reina. Tumuloy siya sa kwarto ni Sia at Al. Kumatok siya ng tatlong beses. Nagulat pa siya nang bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Sia.

"I missed you, Ate Sia." Bati niya at akmang lalapit dito nang bigla siya nitong hinawakan sa braso at kinaladkad tungo sa balcony.

"Sia!" malakas na sigaw ni Al na buhat-buhat si Allius na nakasunod sa dalawa. "Don't hurt, Ryleen! She already explained to me." Habol nito.

"Stop right there, Al. Mag-uusap lang kami." Malamig na wika ni Sia kaya napahinto si Al sa paghabol at hinayaan na lang ang asawa.

Nang makarating sila sa balcony ay maharas na binitawan ni Sia si Ryleen.

"A-ate Sia." Utal na tawag ni Ryleen nang hinarap siya ni Sia. Napansin agad niya ang pagbagsak ng timbang nito at halata ang pagod sa mukha. "W-what happened to you, A-ate?"

"What's your mother's plan?" walang emosyong tanong ni Sia sa kanya.

Napalunok siya at umiwas ng tingin.

"Don't make me look stupid, Ryleen. I know that Lady Mojica is moving against Triad with the help of Morisette. Why does she have to manipulate my plans?! Sinira niya ang plano namin ni Al, ni Znyc at ng KZ! Alam kong siya ang nasa likod nitong lahat. Why does she have to do this?!" mariing saad nito.

Hindi agad nakasagot si Ryleen at napatitig lang kay Sia na puno ng dismaya ang mga mata habang may tumutulong luha.

"Ano ang tingin sa akin ng ina mo Ryleen? That I am useless?! That I can't do anything for Katarina and for Slovenia? Na magiging sagabal lang ako sa plano niya?! Kaya nga hindi ako lumapit sa kanya para humingi ng tulong dahil alam kong hindi niya ako tutulungan. Kaya gumalaw ako sa sarili kong paraan kasama sina Al at Zync pero bakit sinira niya ang mga plano namin?! She's misleading us to nothing!" sunod-sunod na tumulo ang luha ni Sia kaya napaiyak na lang si Ryleen nang makita ang pagod sa mukha ni Sia.

"Ang sakit-sakit na pinapamukha sa akin ng ina mo na wala akong kwenta, that I am just nothing but a goddamn burden to everybody. Sa Empyreal pa lang noon, they knew me as Iseah Frost the royal squire not Iseah Frost, not me. Do you know how frustrating was that?! I was born to protect the Princess but she protected me instead. Ako ang pino-protektahan niya palagi... a-ako."

"I am the head of KZ Empire and Dark Quarter but Zync Orlando and my husband Al, are the one protecting me! Palagi nilang iniisip ang kaligtasan ko na kahit ang dapat ay ako ang mag-isip ng paraan para maprotektahan ang nasasakupan! Idadagdag pa ang ginawa ng ina mo at ni Morry. It seems that they don't trust me. They put me out of the picture. Pinapakita nila sa akin na mahina ako at isang talunan! Ang sakit-sakit, Ryleen na pinaparamdam ng mga taong nakapaligid sa'yo na walang kang magawa kundi hayaan silang protektahan ka." Nanginginig ang mga labi ni Sia sa dahil sa nararamdaman.

"A-ate S-sia. Don't say that. It's not what you think. Mali ka—"

"Ako pa ang mali?! Ako pa?! I am doing my best to look for Katarina! I am doing my best to help Slovenia but why is this happening to me? Why do I feel so useless? Parati na lang akong mali! Nagkamali na nga ako no'ng inuwi ko siya noon sa Slovenia nang mabawi ko siya hanggang ngayon mali pa rin ako?!"

Umiling-iling si Ryleen habang tumutulo na rin ang luha, "Ate Sia... Ate Katareina just wanted to protect you. You are not just her squire but you are her friend... her sister."

Natigilan si Sia, "What did you say?" humakbang ito papalapit sa kanya kaya napaatras siya palayo.

"A-ate."

"What name did you say?!" malakas na tanong ni Sia kay Ryleen na nanlalaki ang mga mata.

"Katarina—"

"No! It's not the name you said!" umiiyak na sigaw ni Sia na puno ng galit ang boses.

"Yes, it is—"

"Don't make me a fool, Ryleen! It's not the name you said!"

"Katareina." Mahinang sabi ni Ryleen saka umiwas ng tingin.

Napanganga si Sia na tila hindi makapaniwala, "How did you know that name?! Did you know that that name is a forbidden name?!" Kuyom ang kamao nito.

"A-ate." Tuluyang lumayo si Ryleen dito.

"Paano mo nalaman ang pangalang 'yan?! Matagal na 'yang nilimot ng buong Slovenia! Matagal nang patay ang may-ari ng pangalang 'yan!"

Napakurap-kurap naman si Ryleen na napatitig kay Sia.

"Sabihin mo kung ano ang buong pangalan na alam mo." Utos nito sa kanya.

Nagdalawang isip pa si Ryleen pero nang makita ang seryosong mukha ni Sia ay utal na sinambit niya ang buong pangalan ni Reina.

"K-katareina Z-zavina."

"N-no." umiling-iling na sambit ni Sia at napaatras. "NO! You shouldn't know that."

"W-why?"

Umiling-iling lang na umiiyak si Sia.

"Pinatay nila siya. Pinatay nila." Paulit-ulit na sambit ni Sia.

"What's happening here?" tanong ni Al nang maabutan si Sia na tila wala sa sarili na may binubulong-bulong habang umiiyak. Agad nitong dinaluhan ang asawa pero nagpumiglas si Sia.

"Mga demonyo sila. Pinatay nila siya. Pinatay nila siya nang walang kalaban-laban." Mahinang bulong ni Sia nang paulit-ulit.

Napatingin si Al kay Ryleen na napatuptop sa bibig na humihikbing nakatingin kay Sia.

Tumayo si Sia at nilapitan siya, "Ryleen, you shouldn't know that. Hindi mo dapat alam ang pangalan niya. Mapapahamak ka. Mga demonyo sila." Aligagang anito sa kanya.

"A-ate."

Inis na ginulo ni Sia ang sariling buhok at walang lingon-lingon na naglakad palayo tungon sa kwarto nito.

Nangilid naman ang luha ni Al sa nasaksihan sa asawa. Binalingan ng lalaki si Ryleen na umiiyak.

"What was that Ryleen?" mariing tanong ni Al sa kanya. Umiling-iling siya dito. "I am asking you! WHAT WAS THAT?! Ano ang sinabi mo sa asawa ko?!" may halong galit na tanong nito.

Napaigtad naman si Ryleen at sinalubong ang nagbabagang tingin ni Al.

"Sino si Katareina Zavina?" mahinang tanong muli ni Al.

"I-I'm sorry po, Kuya Al but I have to go." Aniya at patakbong nilisan ang Clementin Mansion.

**

She ran towards the garden's direction. Young Iseah Frost was being naughty again, doing her good night sleep routine which was to sneak out from the palace to roam around.

Parang pugante na nagtatago sa dilim sa tuwing may paparating na royal guard. Humahagikhik ang batang si Iseah nang hindi siya napapansin ng mga guwardya. Mabilis siyang tumakbo tungo sa isang puno nang mapansin niyang bukas ang ilaw ng isang balkonahe na natatanaw sa ikatlong palapag ng palasyo.

Lumabas ang bungal niyang ngipin nang makita ang prinsesang itim na naman ang buhok na nakatayo sa balkonahe habang nakatingin ito sa buwan.

"Pssstoy!" tawag niya dito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad inaya ng batang Iseah ang prinsesa para sumama sa kanyang tumakas.

Pinilit niya ito nang pinilit para sumama sa kanya. May dumaan na namang royal guard kaya mabilis siyang tumalon sa isang mayabong na halaman. Nang makaalis na ang royal guard ay agad siyang tumayo at nag-angat ng tingin.

Napakurap-kurap siya nang ilang beses nang may nakitang nakakamangha. Sa kanang bahagi ng palasyo ay may maliwanag ding balkonahe habang may nakatayo ring bata doon. Napanganga ang batang Iseah dahil nandoon nakatayo ang prinsesang may mala-gintong buhok.

Tiningnan niya ang prinsesang itim ang buhok sa harap na balkonahe. Nakita niya itong nakadungaw sa kanya. Kumabog ang dibdib niya sa kaba dahil magkamukhang-magkamukha ang dalawa.

Binalik niya ang tingin doon sa kanan pero wala na doon ang batang may gintong buhok na kamukha ng prinsesa kaya binatukan ng batang Iseah ang sarili sa pag-aakalang namamalikmata siya.

Muli niyang inaya ang prinsesa hanggang sa napilit niya ito. Namangha pa siya nang magaling na tumalon ang prinsesa pababa. Nagtawanan sila ngunit muli siyang napalingon sa kanan.

Laking gulat niya nang makita muli roon ang batang kamukha ng prinsesa na may gintong buhok. Nakatingin ito sa kanilang dalawa ng prinsesa.

Napapalunok na nilingon niya ang kasamang prinsesa pabalik doon sa kanan. Nagulat siya nang mapagtantong sobrang sama ang tingin ng batang may mala-gintong buhok sa kanila.

Naghinala ang batang si Iseah kaya hindi siya nakatulog nang maayos. Nang mag-umaga na ay doon niya nakumpirmang may dalawang prinsesa. Isang may itim ang buhok habang ang isa ay kulay ginto.

Buong araw siyang nagmasid sa dalawang prinsesa hanggang sa nasaksihan niya ang isang bangungot. Nakita niya kung paano itinago ng prinsesang may itim na buhok ang isa pang prinsesa sa loob ng cabinet.

Nagtago ang batang Iseah sa malaking vase sa gilid ng cabinet at pinanood ang pangyayari. Halos mawalan siya nang malay nang makita ang dalawang tao na pinatay ang prinsesang itim ang buhok.

'Mga demonyo sila. Pinatay nila siya. Pinatay nila ang kakambal ng Prinsesa Katarina na si Katareina Zavina.'

Nakatanim na sa utak ng batang Iseah ang bangungot na iyon hanggang sa kasalukuyan.

Napahagulgol nang malakas si Sia na nakaupo sa malaking kama. Niyakap niya ang mga binti habang paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang mga masasamang nangyari noon.

"Why are these happening to me? Why?"

-End of Chapter 19-

Thank you for reading freaks!
God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro