Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Five: IS ENOUGH

Chapter 5: IS ENOUGH

Enjoy reading!

3rd.

Halos mapunit ang mukha ni Reina dahil sa sobrang pagngiwi dahil sa sakit at hapding nararamdaman. Ramdam niya ang pagbaon ng electric needle sa kanyang batok. Tahimik na tumulo ang kanyang luha habang siya ay nakadapang nakahiga sa isang kamang may butas sa bandang mukha niya para ma-elevate nang maayos ang kanyang katawan.

Mag-iisang oras na siya sa gano'ng posisyon nang sinimulan siyang markahan sa batok... Slovenian Royalty Insignia.

Samantala, umaalingawngaw sa silid ang impit na iyak ng kanyang kakambal na si Katarina. Ilang dipa lang ang layo ng kama nito sa kanya. Dahil bata pa sila, pupwede naman sanang papatulugin sila gamit ang anesthesia para hindi makaramdam ng sakit ngunit ito ang simula ng larong kailangan nilang pagdaan para matukoy kung sino sa kanila ang nararapat. Kaya kailangan nilang tiisin ang sakit.

Gusto niya sanang makita ang sitwasyon ng kakambal ngunit hindi naman maaari. Kaya tahimik niyang pinapanalangin na sana makayanan ng kakambal niya. Ilang minuto pa natapos na ang sa kanya. Napasinghot-singhot siya dahil sa tahimik na pag-iyak.

Naramdaman niya ang muling pagtusok nang mas maliit na needle sa kanyang braso hanggang sa unti-unting nararamdaman niya ang pag-ikot ng kanyang isipan at antok.

"Zavina." Bago tuluyang makatulog ay narinig niya pa ang mahinang boses ni Katarina na tinatawag siya.

Pareho ang insignia na minarka sa kanilang batok. Dapat ay pagkatapos ng laro pa magaganap ang 'The Marking' at iisa lang ang mamarkahan, ang mananalo pero dahil sa apila ni Queen Cathard na isali sa prinsipal na laro ang 'The Marking' kaya ito ang una nilang pinagdaanan.

Wala naman itong magiging epekto sa magiging resulta ng laro kaso nagbigay ito ng agam-agam at inulan ng pagkuwestyon mula sa konseho. Dahil sagrado ang insignia at hindi basta-basta binibigay.

Gagawin ring pribado ang laro sa pagitan ng kambal, mananatili ito sa loob ng palasyo kaya ngayon ay hindi na binalik si Reina sa kulungan. Binigyan siya ng isang silid sa palasyo na nasa parehong palapag ng kwarto ng kanyang kakambal.

Kinagabihan ay nagising si Reina na nasa malambot ng kama, maayos siyang nakadapa dito at nang ginalaw niya ang ulo ay napangiwi siya nang maramdaman ang pagkirot ng bagong insignia.

"Aww."

Nang masanay na siya sa kirot ay bumangon siya at umupo. Pakurap-kurap niyang nilibot ang buong silid. Nanlaki ang mga mata niya nang sobrang laki ng kwarto at ang kama kung nasaan siya nakapatong ay sobrang lapad rin. Inundag-undag niya ang sarili dahil sa lambot ng kama. Napahagikhik siya.

Bumaba siya sa kama at napangiti nang makitang sobrang ganda ng carpet. Do'n niya lang rin napansin na nakasuot pala siya ng isang puting bestida na nakasayad sa sahig. Nakita niya ang isang puting dollshoes sa gilid ng kama at isinuot iyon.

Nilibot niya ang buong silid at tila nakalimutan niya ang lahat nang nangyari dahil sa pagkamahanga sa mga glamorosong gamit sa loob. Napatingin siya sa glass door ng terrace na natatabunan ng manipis na kurtina. Napakurap-kurap siya.

Gusto niyang lumapit do'n pero natatakot siya. Ngunit tila may sariling isip ang kanyang mga paa at tinahak ang glass door. Nanginginig na inabot niya ang kurtina at marahang hinawi. Pinatong niya ang maputlang maliliit na kamay sa glass door at sinilip ang kung anong nasa kabila nito.

"Ang gandaaa!" bulalas niya nang makita ang isang napakagandang hardin sa ibaba.

Puno iyon ng iba't-ibang makukulay na bulaklak at may mga paru-paru pang lumilipad. She happily jumped a few times, it was her first time to see a real butterfly.

Tiningnan niya ang glass door kung paano ito buksan ngunit nalaman niyang naka-lock pala ito. Napangiti siya nang matipid.

"It's okay. This is way better than my window in the attic." She chuckled.

Muli niyang nilibot ang tingin sa hardin. Hindi niya man makita nang buo dahil sa terrace ay nahagip ng mga mata niya ang isang imahe. Sa isang banda ng hardin may isang swing do'n at nakita niya ang kakambal na nakaupo at marahang inuugoy ang duyan. Kahit malayo ay nakikita niya ang walang emosyon nitong mukha na nakatingin lang sa mga paru-parung lumilipad sa harapan nito.

Katarina was wearing a baby blue flowing dress na kagaya ng sa kanya. May nakatayong babaeng nakasuot ng itim na corporate suit sa likod nito na nakayuko. She must be Katarina's assistant.

Bigla itong nag-angat ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata. Do'n niya lang nakita ang sobrang lungkot nitong mga mata. Malumanay siyang ngumiti sa kakambal ngunit nag-iwas ito ng tingin at tumayo saka mabilis na tumakbo palayo.

Napayuko siya at do'n lang bumalik sa isipan niya ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Katarina at nasasaktan siya dahil kahit paano man pagbaliktarin ang mundo, hindi sila maaaring magsamang dalawa. Ipinanganak silang kambal ngunit isa lang ang may karapatang mabuhay.

"Hindi ako 'yon." sambit niya saka binalik sa ayos ang kurtina.

Naglakad siya papalapit sa isang vanity mirror. Tinitigan niyang mabuti ang kanyang mukha at pinangarap na sana ipinanganak siyang ginto ang kanyang buhok at berdeng-abo ang kanyang mga mata.

"Why can't it be me?" tanong ng kanyang utak at puso.

**

Napaupo nang maayos si Reina nang may kumatok ng tatlong beses sa pinto. Bumukas iyon at bumungad sa kanya ang mukha ng matandang babae na katabi ng hari kahapon. Alam niya ito ang reyna. Titig na titig siya sa mukha nito ngunit hindi ito nakatingin sa kanya. Kasunod nito ay isang babae na may bitbit na isang tray ng pagkain.

Agad ring lumabas ang huling babae nang mailapag ang tray sa round table na nasa kanang parte ng silid. Yumuko pa ito sa kanya bago lumabas. Sinundan niya ito ng tingin pero napahinto ang mga mata niya sa matanda.

Bumaba siya sa kama at tumayo nang tuwid sa gilid saka marahang nag-bow.

"Magandang araw po sa inyo, mahal na reyna." Bati niya sa maliit na tinig.

Napatuptop naman ang matanda sa kanyang bibig kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata nito. Hindi na napigilan ng reyna ang lumapit kay Reina na nakayuko. Niyakap nito ang kanyang maliit na katawan saka binuhat. Umupo ang reyna sa kama at niyakap siya nito nang mahigpit habang siya ay nasa kandungan ng mahal na reyna.

"Apo ko." Paulit-ulit na sambit nito. "Patawarin mo 'ko."

Napaiyak na rin siya saka niyapos ang maliit na mga braso sa katawan ng reyna. Naalala niya ang kanyang Grandma Dane. Pinalangin niyang sana maayos lang ito.

Sinapo ng reyna ang kanyang maliit na mukha. Umiiyak itong nakatunghay sa kanya saka siya paulit-ulit na hinagkan sa noo. Sa kauna-unahang pagkakataon maliban sa kanyang ama, Grandma Dane at Aunt Mojica naramdaman niyang tanggap siya nito ng buong-buo.

"Are you hungry, child?" malumanay na tanong nito sa kanya. Nakangiting tumango naman siya. Inalalayan siya ng reyna tungo sa mesa saka pinaupo sa bangko.

Hindi mabura ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi nang sinubo ng reyna sa kanya ang huling kutsara ng kanin.

"Gusto mo pa ba?" marahang siyang umiling.

"Busog na po ako, mahal na reyna." Nakangiting aniya saka hinimas ang kanyang t'yan. Tumawa naman ng tipid ang reyna, kanina niya pa napapansin ang mahinhing galaw nito na kagaya kung paano gumalaw ang kanyang kakambal.

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang maalala si Katarina. Napagtanto niyang malayong-malayo ang agwat nilang dalawa. Muntik niya nang malimutan na bilang na lang ang araw niya sa mundo.

"Child, what's wrong? Are you okay?" lumuhod sa harap niya ang reyna saka inabot ang kanyang pisnge. Agad niyang pinalitan ng malaking ngiti sa mga labi.

"I am okay. I am just perfectly happy, your Highness."

Mariin siyang hinalikan sa pisnge ng reyna, "I want to hear this sweet little voice calling me granny, how about that?" anito habang hinihimas ang kanyang buhok.

"G-granny." Tila nahihiyang aniya. Tumawa naman ito saka siya niyakap.

Buong maghapon silang nag-usap at naglaro hanggang sa nakaramdam siya ng antok dahil sa sobrang saya na nararamdaman.

"You're so beautiful, little one." Saad ng reyna na bahagyang nakahiga sa kama habang siya naman ay nakahiga na at marahang hinahaplos ang kanyang ulo.

She giggled, "Katarina is much beautiful than me, granny." Pinilit niyang imulat ang inaantok na mga mata, nagniningning iyon habang dumadalaw sa kanyang isipin ang magandang mukha ng kakambal.

"But of course, you're twins so it means you are look alike." Natatawang saad ng reyna. "Yet, the two of you are different in your own special ways. Pantay lang kayo."

Napapikit siya, 'Pantay?' she murmured inside her head. They are never equal and never will. She knew for herself that she will always go least while Katarina will always be first in the row. Reina knows what the differences between her and Katarina are. Then on how important her twin was for everybody and on how worthless she was.

She let out a lowly smile. "I love her." Sambit niya kaya natigilan ang reyna. Napangiti ito nang malungkot.

"I know."

"She's my life, granny..."

Napapikit ang matanda saka kinagat ang labi para makagawa ng tunog. Tumulo ang luha nito dahil sa sakit, ang isang anim na taong bata ay nagawang iparamdam sa reyna ang isang napakalalim na hindi mapangalanang pakiramdam na unti-unti ring nilulunod ang puso ni Queen Cathard.

"And it means she's worth sacrificing for. Even if it means nobody will remain nobody forever." Dagdag pa niya na nakapikit.

Natuptop ng reyna ang bibig at hindi na nakayanan. Mabilis itong tumayo saka umiiyak na nilisan ang silid. Samantala, nanatiling nakapikit si Reina na may malungkot na ngiti sa labi hanggang sa kumuwala doon ang isang iyak.

"E-everything will be okay, K-katarina Z-zenkiah. Y-you'll live. Y-you will."

**

Napapalunok na sumilip siya sa nakaawang na pinto. Gusto niyang lumabas pero natatakot siyang baka mapagalitan siya. Kanina nakatulog siya sa kakaiyak at sa paggising niya ay madilim na.

Ginala niya ang mata upang tingnan kung may tao ba sa labas at nang masigurong wala ay pumikit siya nang mariin at bumuga ng hangin para humugot ng lakas. Ngunit napahiyaw siya sa gulat nang pagbukas ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang isang pares ng olive green eyes na nakatitig sa kanya.

At napahiyaw siya ulit nang bigla itong tumili nang pagkatinis-tinis saka humagalpak ng tawa. Amusement is written in Reina's pretty face as she was staring to this girl laughing her heart out. The girl looks in her age and Reina was just an inch taller than her.

Nang tumigil ito sa kakatawa at pinupunasan na lang luha sa gilid ng mata nito ay natatawang binalingan siya nito ng tingin.

"That's fvcking ridiculous!" bulalas nito at nakaturo sa mukha niya. Nagulat naman siya.

Ang bata ay may dirty blonde apple cut hair. Ang cute-cute ng maliit nitong mukha dahil sa sobrang pantay na bangs na nasa gitna na ng noo nito. Nakasuot rin ito ng isang pink na gown ng gaya sa kanya.

Tumawa itong muli habang nakaduro pa rin sa mukha niya, "That was the first time I saw you fvcking horrified!" napaatras si Reina nang nagtatalon ito sabay suntok-suntok sa hangin. "Oh fvcking yeah! I got you horrified! Haha! Grabe. Ang saya-saya pala makitang gumagalaw ang mukha mo!" saad nito sa mabilis na paraan.

"Ha?"

Tumigil ito saka siya pinakatitigan. Nilapit pa nito ang mukha sa kanya. "Bakit itim buhok mo?" nanliliit ang mga matang pang-iintriga nito sa kanya. Kinabahan naman siya dahil naisip niyang baka kaibigan ito ni Katarina pero bigla itong tumili saka hinawakan ang buhok niya. "Is this your new hairstyle?! Oh my gosh! You're so fvcking pretty!"

"A-ano ang fvcking?" inosente niyang tanong dahil kanina pa nito sinasambit ang word na 'yon at hindi niya maintindihan. Napalatak naman ito saka siya inirapan kaya napaatras siya dahil sa takot na baka nagalit niya ito.

"Duh? Fvcking lang hindi mo alam?" maarteng anas ng bata saka nameywang. "Wag mong sabihin bumaba na ang IQ level mo?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo.

"Tsk. Bakit hindi ganito mukha mo ngayon?" bigla itong nag-poker face saka halos idutdot ang mukha sa kanya. Natawa naman siya nang mahina dahil hindi bagay dito ang mag-poker face.

Natigilan ito saka siya mas lalong nilapitan. Nakapasok na nga sila sa loob ng kwarto. "Gano'n ka pala tumawa? Bakit ang sagwa? Pero bagay naman. Bakit parang iba ka ngayon at hindi mo 'ko inaaway? Tanggap mo na bang mas pretty ako sa'yo? Psh. Well in fact, mas pretty naman talaga ako sa'yo kung may sense of direction lang ang gunting nang ginupitan ko 'tong bangs ko." Ngumuso ito saka tumirik ang mga mata na tila pilit inaaninag ang sariling bangs habang inaayos nito gamit ang kamay.


Napatitig siya sa bata, Reina could see that this girl was having fun with her childhood years. She looks happy and carefree, a typical behaviour of a child. Napayuko siya, sana kagaya rin siya ng batang ito. Walang ibang iniisip kundi maglaro, kumain, matulog at kung ano pa.

Nagulat siya nang bigla nitong hinawakan ang braso siya saka siya hinila palabas ng kwarto. Sinarado nito ang pinto saka siya hinila. Malakas na tumambol ang kanyang puso dahil sa kaba at takot na baka mahuli sila.

Huminto ito sa pagtakbo kaya nabundol siya sa likod nito pero mukhang malakas ang bata at agad itong nakabalanse. Hinila siya nang bata sa likod ng makapal at malaking kurtina nang may paparating.

"Have you heard the news that the Olson family were defrocked in their position?" rinig nilang saad ng babaeng naglalakad sa hallway.

"Oo, 'yan ang usap-usapan ngayon sa Ljulbjana."

"Bakit kaya? Bakit parang biglaan?"

"Hindi ko rin alam pero rinig kong pumunta sa ibang bansa si Lady Dane kasama si Miss Mojica, sabi pa nga no'ng bagong team leader ng High Class Wing na nag-quit raw ito."

"Hala? Gano'n ba? Sayang ang bait pa naman ng mag-inang 'yon 'no?"

"But they were also saying that the former Duchess Kataleya was the one in fault."


"It's no wonder. She's wicked."

"Yeah."

Napakuyom siya ng kamao. Simula kahapon, sa kulungan pa lang ay ramdam niya rin ang disgusto ng mga tao do'n sa kanyang ina, pati do'n sa justice hall ay narinig at nakita niya ang mga pangungutyang tingin ng mga tao kay Kataleya at ngayon gano'n pa rin.

Bakit parang galit ang lahat sa kanyang ina? Sinasaktan rin ba sila nito kagaya nang pananakit nito sa kanya? Everybody should know that hurting is loving.

Napaigtad siya nang sinundot ng bata ang kanyang pisnge.

"Problema mo?" tanong nito, umiling siya saka ngumiti nang malumanay. Nanlalaki na naman ang mga mata nito.

"Don't smile!" untag nito.

Magtatanong na sana siya pero pinili na lang 'wag magsalita dahil baka galit ito. Hinila siya nitong muli hanggang sa narating nila ang hardin na kanina lang ay tinatanaw niya galing sa taas.

Namangha naman siya dahil kung kanina ay mga paru-paru ang nakita niya, ngayon ay alitaptap. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakita rin siya nito sa personal, hindi sa libro lamang.

"Are they fireflies?" tanong niya kaya napatigil sila sa paglalakad at hinarap siya ng bata.

"Bumaba na ba talaga ang IQ mo?" asik nito sa kanya kaya kumunot ang noo niya.

"Ha?"

"Aish!" napahilamos ito sa mukha. "Bahala ka nga, total sa simula pa lang mas genius naman ako sa'yo. Halika do'n tayo!" turo nito sa may halamanan.

Nagpatianod na lang siya hanggang sa pumasok sila do'n sa halamanan at napanganga siya nang makita ang isang maliit na kubo sa gitna. Napapalibutan iyon ng mas magagandang bulalak. Na pati ang bubong ay puno ng bulalak at mas maraming alitaptap dito ngayon. May mga series lights sa mga halaman kaya dagdag liwanag ito sa lugar. At kapag ikaw ay titingala, puno ng bituin ang langit.

"Wow!" bulalas niya.

"Ganda 'no?" pagmamayabang nito. "Sabi na 'e. Magugustuhan mo ito! Ayaw mo naman kasing sumama sa'kin 'pag inaaya kita. Ang sungit-sungit mo pa sa'kin." Reklamo nito saka tumakbo papalapit sa kubo.

"Tyrone! Are you there?" sigaw nito sa labas, bumukas naman agad ang pinto ng kubo na sa tingin niya ay hindi magkakasya mga malalaking tao.

"Iseah! Sabing 'wag kang sumigaw." Reklamo ng batang lalaki na lumabas galing sa kubo. Napatingin siya do'n, mas matangkad ito sa kanya. Kung tutuusin hindi na ito bata kundi binatilyo na.

"May bisita tayo." Magiliw na sabi ng batang tinawag ng lalaki na Iseah. Napatingin ito sa kanya. Kumurap-kurap pa ito pero ngumiti ito ng pagkalaki-laki.

"Katarina!" sigaw nito saka tumakbo papalapit sa kanya.

Napaatras naman siya dahil hindi siya si Katarina. In the first place, bakit siya nandito kasama ang mga batang mukhang kaibigan ni Katarina? Tatakbo na sana siya paalis dahil sa takot nang bigla siyang may nabunggo. Napasalampak siya sa damuhan gano'n din ang batang nabunggo niya.

Nagulat pa siya nang biglang tumayo ang batang lalaki na nabunggo niya saka nag-karate pose.

"Laban? Laban?" tanong nito na nandidilat ang mga mata kaya napaatras siya palayo dito habang nakasalampak pa rin sa damuhan.

Bigla namang may sumulpot na dalagita sa likod nito saka binatukan ang bata.

"Umayos ka nga, Terrence. Tinatakot mo ang prinsesa!" saway nito kaya napakamot naman sa ulo ang batang lalaki.

"Araaay! Ate Fin naman 'e! Masakit!"

Napaigtad siya nang biglang may humawak sa magkabilang kili-kili niya at pinatayo siya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Tyrone sa kanya na nakangiti. Nahihiyang tumango naman siya. "Mabuti naman at sa wakas nadala ka ni Iseah sa secret place namin."

"Ako pa ba?" singit ni Iseah na lumapit sa kanilang dalawa. "Pero tingnan niyo ang hairstyle niya, ang ganda-ganda diba?"

Napasinghap naman si Fin, "Oh my gosh, oo nga! Itim na? Mas bagay sa'yo." Anito saka siya nilapitan. Napangiti naman siya dahil natutuwa siyang may ganitong mga kaibigan ang kakambal niya.

Pero mukhang bigdeal sa mga ito ang pagngiti niya at titig na titig ang tatlong bata sa kanya maliban kay Iseah na nakangisi.

"She's weird, diba? Kanina pa siya ngumingiti sa'kin." Anito saka siya hinila. "Tara, do'n tayo sa loob."

Paghila nito sa kanya papasok sa kubo ay nabunggo pa ang noo niya sa pinto.

"Aww." Daing niya pero agad siyang napakagat labi dahil sa takot nab aka magalit ang mga itong nag-ingay siya.

"Iseah! Mag-ingat ka nga!" saway ni Tyrone saka hinila ang braso siya sa pagkakapit ng batang babae sa kanya.

Lumukot ang mukha nito, "Hindi ko kasalanan 'yon! Sisihin mo ang pinto o 'di kaya ang noo niya!" bwelta nito kaya mabilis na pumagitna si Fin sa dalawa dahil mukhang magrarambol na ang mga ito.

"Halika ka dito, prinsesa. Umupo ka." Umupo naman sila sa sahig na gawa sa kawayan.

Nilibot niya ang tingin, puro sahig at dingding lang nakikita niya saka ang bubong.

"Hindi pa namin tapos i-decorate. Bukas magdedecorate kami, gusto mong sumali?" tanong ni Fin sa kanya. Yumuko naman siya pero napatingin siya nang dumikit sa kanya ang katabi na si Tyrone.

"Ibang-iba ka talaga ngayon. Bakit parang takot ka sa amin? Diba dapat kami ang takot sa'yo dahil masungit ka?" tanong nito pero hindi siya nakasagot.

"Ah!" biglang bulalas ni Iseah. "Alam ko na, maglaro tayo ng bahay-bahayan!"

"Ayoko nga! Boxing na lang tayo, Iseah!" sabat naman ni Terrence at biglang sinuntok si Iseah sa braso.

"Waaa! Fvck you ka! Fvck you! Ang sakit no'n!" nguwa nito saka sinipa sa mukha si Terrence.

"Araaay! Waaaa! Ate! Nakita mo 'yon sinipa ako ng panget na 'yan!" lumapit si Terrence kay Fin saka kumandong at tinuro si Iseah.

"Hindi ako panget!"

"Panget ka kaya! Ang bangs mo parang ruler!"

"Art kaya 'yan!"

"Anong art? Art para sa mga panget?"

"Fvck you ka Terrence Psych! Fvck you!"

Sasabat na sana si Terrence nang tinakpan ni Fin ang bibig nito.

"Iseah, stop cussing. That's bad." Saway ng dalagita sa bata pero sumimangot lang si Iseah saka pinakyuhan si Terrence.

"Waaaa! Ate oh! Nag-dirty finger sa'kin!"

Samantala, napangiti na lang si Reina dahil first time niyang makasalamuha ng mga bata. Ang saya-saya nilang tingnan. Naalala niya ang kakambal, ganito rin ba ang pakiramdam nito sa tuwing kasama nito ang mga kaibigan? Masaya siyang hindi malulungkot si Katarina kung sakaling...

"You're beautiful when you smile." Her trail of thoughts was cut off by Tyrone.

Nahihiyang tumungo siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Napaangat siya bigla nang maghabulan si Iseah at Terrence hanggang sa lumabas ang mga ito sa kubo, sumunod naman si Fin.

Tatayo na rin sana siya nang pigilan siya ni Tyrone. Nakangiting umupo ito sa harap niya at tinitigan siya nang mabuti. Kaya napatitig rin siya sa gwapong mukha ng binatilyo.

"You're not her, are you?" tanong nito kaya nanigas siya at namutla. Napayuko siya.

Inangat nito ang kanyang mukha saka sinalubong siya ng matamis na ngiti.

"Your eyes are blue while hers are not." Saad nito. "She loves her golden blonde hair and she doesn't like black. You know how to smile while she couldn't. That's why I could tell, you are not her."

Napatitig na lang siya sa mukha nito. Binitiwan nito ang mukha niya saka bumalik sa pagkakaupo at nakangiti pa rin siyang tinitingnan.

"I think you're prettier than her. What's your name?"

"Z-zavina." Mahinang aniya. Mas lalong lumaki ang ngiti nito at nagningning ang abong mga mata.

"And your voice sounds sweet while hers was flat." Komento nito. "Hi Zavina!" nilahad nito ang isang kamay sa kanya. "My name is Tyrone Flynn."

Tinitigan niya ang kamay nito saka marahang tinapik. Natawa na naman si Tyrone saka kinuha ang kamay niya at hinawakan.

"Sa'n ka galing?" tanong nito na nakahawak pa rin sa maliit niyang kamay.

"Ha?"

Napaisip si Tyrone, "Ah, no need for you to tell." Anito na tila parang may alam ito tungkol sa kanya. Mapakla pa itong ngumiti.

Hindi nagtagal nawala na ang takot sa kanyang dibdib at nagpalagayan na siya ng loob kasama ang ibang mga bata. Buong magdamag silang lima na nagkulitan sa kubo at sa labas nito.

Hanggang sa magkakatabi silang humiga sa damuhan at nag-star gazing.

"They're beautiful." Turo ni Tyrone sa mga bituin.

"Mmm." Marahan siyang tumango,

"Just like your eyes." Dagdag pa nito kaya napalingon siya dito, nakalingon rin ito habang nakangiti kaya napangiti na rin siya kay Tyrone.

"Ako rin, parang stars ang eyes ko." Saad ni Iseah na ayaw magpahuli. Napabaling siya dito na katabi niya sa kaliwa.

"Hindi kaya!" untag ni Terrence na katabi ni Fin. Bali napapagitnaan nila ni Iseah si Fin. "Mukha kayang jolens ang eyes mo. Sarap pagulongin." Natatawang dagdag nito kaya natawa na rin sila.

"Ang sama mo talaga sa'kin Terrence. Kaya pakyu ka."

Naramdaman ni Reina ang paghawak ni Tyrone sa kamay niya kaya nakangiting nilingon niya ito saka binalingan si Iseah at hinawakan rin ang kamay nito hanggang sa silang lima na ang magkahawak kamay.

"My pumpkin." Mahinang bulong ni Tyrone sa kanya. Nilingon niya ito.

"Ha?"

"Ikaw ang pumpkin ko." Anito saka hinalikan ang tungki ng kanyang ilong napangiti naman siya at humagikhik. She wrinkled her nose kaya natawa na rin si Tyrone.

"Uy! Ano 'yon?!" singit ulit ni Iseah. "Ako rin, Tyrone!"

Hindi niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya ngayong gabi. Sa unang pagkakataon, nagkaroon siya ng mga kaibigan na hindi siya tinuturing na iba. Napangiti siya.

"I am perfectly happy." Mahinang saad niya habang nakatingin sa langit. "And this is enough for me."

-End of Chapter 5-

Waaa! Hokage si Tyrone! 'Wag lang Flynn dahil inis ako sa kanya.

Thank you for reading freaks! God bless.

Hugs and kisses,

CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro