Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eleven: THE DREAM

Chapter 11: THE DREAM

Enjoy reading!

ZYNC

I could feel someone is following me.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Gabi na at walang katao-tao ang kalsada. Hindi ko dinala ang kotse ko at hindi na rin nagpasundo sa driver. I just wanted to walk going home.

Galing akong Laroa University at papauwi na sa Clementin Mansion kung saan doon na ako permanenteng nakatira.

My grip on the straps of my bag pack tightened when I felt the presence that was following me came nearer. I stop on my tracks and gathered all the courage I have to turn my back to see who it was.

Dahan-dahan akong napalingon sa likuran pero nagulat na lang ako nang biglang dumilim ang paligid. Namatay ang mga ilaw sa poste, pati ang mga ilaw sa mga establisyemento. Napatingala ako pero pati ang malaking buwan at mga bituin ay nawala rin bigla.

Ano ang nangyayari?

Napaatras ako at napapikit. Ayoko sa dilim. Hindi ako nakakakita.

Pero naalala ko siya.

"There are things you better not see but you must feel, Orlando."

Naririnig kong muli ang boses niya pati ang eksaktong mga salitang sinabi niya no'ng madaling araw na 'yon ay umaalingawngaw sa gitna ng kadiliman. 'Yong unang beses nakatabi ko siyang matulog sa kanyang kama.

"Darkness. It looks so sad, gloomy, melancholic and wretched thus we don't know what's happening inside, a mystery. Mmm. Maybe there's danger."

I could clearly hear her voice. It was echoing the whole place.

Tama siya, nakakalungkot ang kadiliman. It is so blank that could make you blank, too. Kadalasan, kapag madilim ay may katahimikan ngunit walang may alam kung anong klaseng kaingayan at kaguluhan ang nasa loob dahil takot ang mga taong tahakin ang kadiliman, takot sa panganib na dala nito.

Kagaya ng kung gaano kadilim ngayon sa paningin ko lalong-lalo na ang puso ko nang tumakbo siya palayo sa'kin.

"Katarina?" mahinang sambit ko sa pangalan niya. My lips are shaking as I breathed out. It has been a long time since I uttered her name.

"In darkness... you'll learn the things you couldn't in the light."

Nagpalinga-linga ako para sundan kung saan nanggaling ang boses niya pero hindi ko magawa dahil nasa kanan, nasa kaliwa, nasa harap, nasa likod pati sa taas ay doon nanggagaling ang malamig niyang boses.

Hindi ko matukoy kung nasaan siya. Where are you, Katarina?

"Katarina? Please! Maawa ka! Magpakita ka!" I shouted.

"Not all people in the dark are demons, O. Some are angels trying to hide in the dark to spread the light."

And you're one of the angels in the dark, my Katarina. Hindi ko man alam ang lahat ng tungkol sa'yo pero sapat na ang mga bagay na ginawa mo para sa'kin upang ako ay protektahan at sa mga taong niligtas mo sa kadiliman.

You are our light in the dark... you are my light, Katarina. Please, come back to me.

Napapasabunot na lang ako sa aking buhok dahil halos hindi ko na maintindihan ang mga salitang binibigkas niya dahil sa echo.

But still, I love to hear her voice... a voice of a peaceful melody.

Patuloy lang ako sa pag-atras at pag-abante. Walang direksyon. Pilit sinusundan ang boses niya. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang mahawakan. Gusto ko siyang mayakap. Sobra na akong nangungulila sa kanya.

"M-miss na miss na kita, Katarina. Please, magpakita ka na. Bumalik ka na sa'min... sa akin."

Napaluhod ako at napatakip sa aking tainga nang ang boses niya ay parang naging bubuyog na sa aking pandinig. Masakit sa tainga at nakakabingi pero mas nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso ko.

The beats of longing... of pain... and of love. The beats made only for her, only for my Katarina.

"Tama na! Tama na!" I shouted as I pressed my palms on my ears when I couldn't hear her voice anymore. Napalitan ng isang nakakabinging tawa ng isang lalaki.

Nag-init ang mga mata ko at maya-maya pa ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan. Miss na miss ko na siya. Kahit kailan hindi niya nilisan ang isipan at puso ko.

Nakaramdam ako ng matinding takot sa tawang ito ng lalaki pati galit. Hindi ko alam kung bakit.

"Papa."

Natigilan ako nang makarinig ng isang boses ng bata. Doon ko lang napansing wala na ang tawa ng lalaki pero madilim pa rin ang paligid. Sobrang tahimik na ngayon, tanging ang mabilis kong paghinga ang nag-iingay. Tumayo ako at nagpalinga-linga para hanapin ang boses ng bata.

Pumihit ako patalikod at doon ko ito nakita. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang isang batang lalaki na nasa edad apat na taon. Nahabag ako sa hitsura nito.

Nakasuot ito ng puting damit at puti ring pantalon. Magulo ang itim nitong buhok. Maputla at higit sa lahat puno ng mantsa ng dugo ang damit nito.

"Papa." rinig kong sambit nito pero hindi ko nakitang bumuka ang bibig nito.

"S-sino ka?"

Dahil sa kadiliman ay kitang-kita ko ang bata. He outstands in the dark. Tinitigan ko ang mukha ng bata at do'n na lang ang pangilabot na naramdaman ko nang mapagtantong wala itong bibig. Mas lalo akong nangatal, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa batang titig na titig sa akin.

Isang titig na para bang kilalang-kilala ako nito, isang titig na tila ako na lang ang taong pwedeng makakapitan ng batang ito.

"Papa." rinig kong muli.

His voice is so small and tender for my ears. Napakurap-kurap ako... his voice is lifeless and cold, it's as if it came from the deepest pit in the dark. I could feel loneliness in his voice,

Napaatras ako pero tila lumulutang sa hangin na umabante ang bata papalapit sa akin. Natigilan ako nang makitang umiiyak ito. Kitang-kita ko ang takot at lungkot sa mga mata ng bata.

Napanganga ako at napakuyom ng kamao.

Isang napakapamilyar na mga mata... those beautiful stunning stars which fell down just for me that I have been long missed. Nakikita ko ang magagandang asul niyang mga mata sa mata ng batang ito.

"S-sino ka? B-bakit ganyan ang hitsura mo? Ano ang nangyari sa'yo?" nauutal kong tanong. I want to know what happened to him.

Bakit nasasaktan ako sa nakikita ko sa batang ito? Bakit parang gusto ko itong lapitan at yakapin?

"Mama needs you, Papa." rinig ko ang boses ng bata sa mismong tainga ko. Napapikit ako dahil tila bumulong ito sa akin. Ramdam ko rin ang malamyos na malamig na hanging tumatama sa balat ko.

My heart twitched.

"Zync."

Agad akong napamulat nang marinig ang boses ni Katarina. Pero sana hindi ko na lang ginawa pa dahil kahindik-hindik ang eksena sa aking harapan.

Natigalgal na ako at hindi makapagsalita.

Si Katarina nakatayo sa harapan ko. Nakasuot ng puting bestida na naging pula na dahil sa dugo. Puno siya ng sugat at umiiyak na nakatingin sa akin. Pero higit na nakakuha ng pansin ko ay ang nakaumbok niyang t'yan.

"M-mahal ko?" I said, "A-ano ang nangyari sa'yo?" nanginginig ang aking mga labi.

Humakbang ako papalapit sa kanya pero laking gulat ko nang makita ang aninong pumulupot sa katawan niya nang sobrang higpit. Napasigaw siya pero hindi ko marinig ang boses niya tanging ang paglukot ng mukha niya lang at pagnganga lang ang basehan na siya ay sumisigaw. Mas lalo siyang napaiyak at kitang-kita ko ang sakit na bumalatay sa maganda niyang mukha.

Pero umalingawngaw naman sa buong paligid ang tawa ng isang lalaki. Malalim at puno ng pangungutya ang tawa nito na tila ba ay nagpupuyos ito sa galit.

"No!" sigaw ko pero hindi ko rin narinig ang sarili kong boses dahil nasasapawan ito ng tawa ng lalaki.

Tumakbo ako tungo sa kanya pero lumalayo pa rin siya kasama ang aninong iyon tila hinihila siya nito palayo sa akin. Napailing ako at nagsisigaw na ngunit walang boses na lumalabas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nanggigigil na pagpiga ng anino sa nakaumbok na tiyan ni Katarina. Nagpumiglas siya. Humihingi siya ng tulong sa akin sa pamamagitan ng pag-abot ng mga kamay niya pero hindi ko pa rin magawang makalapit.

"Katarina!"

Natuod ako nang makita ang malapot at masaganang dugong dumaloy sa kanyang mapuputing mga hita at binti. Hindi ko maintindihan pero ang sakit-sakit makita iyon.

"No! Katarina!"

Nagtama ang mga mata namin. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero bigla iyon nawalan ng emosyon... bigla rin akong natakot. Ang kanyang mga asul na mga mata ay naging itim lahat. Kahit ang puti ay hindi na makita. It's as if she became blank like this darkness.

Napailing ako dahil parang sasabog na ang puso ko sa halo-halong nararamdaman.

"Papa." narinig ko ulit ang boses ng bata kaya nagpalinga-linga ako at hinanap ito. Laking gulat ko nang makita itong nakatayo sa tabi ko.

"S-sino ka, ano ba ang nangyayari?" tanong ko sa kanya, bumalik na ang boses ko. Mas lalo akong nasaktan nang makitang umiiyak ang bata pero hindi luha kundi dugo ang umaagos sa mga mata niya na sobrang lapot kagaya sa dugong nakita ko sa mga binti ni Katarina.

Nilingon ko si Katarina at nakitang nakaupo na siya. Nakatitig lang sa kawalan. Walang kabuhay-buhay. Ngunit nanatiling nakayapos sa buong katawan niya ang aninong iyon.

"Katarina?" mahinang bigkas ko sa kanyang pangalan. Gusto ko siyang lapitan pero hindi pa rin ako makagalaw. Gusto ko siyang gisingin sa kadilimang nakatabon sa mga mata niya. I wanted to shake her until she move.

"P-papa." Tila takot na takot na tawag sa akin ng bata.

Binalik ko ang tingin sa bata pero laking gulat ko nang unti-unti siyang naglalaho sa hangin. I reached for him but I couldn't touch him. He's now translucent.

"Papa, help Mama. We need you, Papa." huling sambit nito bago mawala sa paningin ko.

"No! Bumalik ka! Nasaan ka, bata?!"

Para akong tangang nagpalinga-linga sa kadiliman para hanapin ang bata. Ayaw ko itong umalis. Ayaw ko itong mawala sa paningin ko.

"Anak ba kita?!" sigaw ko sa mga salitang kanina ko pa gustong itanong sa batang iyon pero wala na ito.

"Zync." Agad kong nilingon si Katarina na ngayon ay nakatingin na sa akin. Itim pa rin ang mga mata niya subalit kitang-kita ko ang luhang tumutulo sa mga mata niya. Pero maging siya ay unti-unti na ring nawawala sa paningin ko.

"Zync, wake up." I hear her whispered.

"FVCK YOU KA ZYNC ORLANDO! GISING!"

Napabalikwas ako nang tayo at marahas na nilingon ang walanghiyang sumigaw. Nakita ko ang nandidilat na mga mata ni Sia na kaunti na lang ay malalabasan na ng laser beam. Iniwas ko ang tingin at do'n ko lang naalalang nasa opisina pala ako.

Binalingan ko ng tingin ang swivel chair kong natumba dahil sa biglang pagtayo ko. Nakatulog ako sa dami ng kailangan kong gawin sa kompanyang ipinagkatiwala ni Daddy sa'kin.

"Dakyu!" Napatingin ako sa batang karga-karga ni Sia. Nakaturo ang maliit nitong kamay sa akin at paulit-ulit na sinasambit ang "Dakyu" na may malaking ngisi. Kitang-kita tuloy ang dalawang ngipin nito sa baba at dalawa rin sa taas.

"Kaw'ng bata ka! 'Wag kang magmura!" Sita ni Sia sa anak na sampung buwan pa lamang pero nakakasambit na ng 'Dakyu'. Nauna pang natutong magmura kaysa sambitin ang salitang 'Mommy'.

Binalingan ko ng tingin si Sia. Kahit kailan talaga ang babaeng ito. Tsk. Napapailing na nilapitan ko sila at kinuha si Baby Ah sa nanay niyang pakyu. Hindi pa rin nagbabago.

"Baby Ah. Kamusta ikaw?" ani ko saka nanggigigil na hinalikan sa pisnge ang baby na kamukhang-kamukha ni Al maliban sa buhok at mga mata nitong namana kay Sia. Natuwa ako dahil ang cute-cute ng suot niyang pink headband na ako mismo ang bumili no'ng ika-9th month niya.

"Hoy fvcker!" masama kong tiningnan si Sia.

"No cussing, Iseah Villarosa!" suway ko sa kanya.

Umismid ito sa'kin, "Iwan ko muna si Ahhh dito. May pupuntahan ako at walang magbabantay sa kanya." Anito na tila ba nagsasabi lang na magpapasa siya ng application gamit ang Share It app sa phone ko.

Napangiwi naman ako sa kakaibang pagbigkas niya sa palayaw ng anak niyang si Allius Hosea o si Baby Ah pero kung tawagin ng baliw na si Sia ay parang umuungol lang. Leche talaga kahit kailan.

Nakakapagtakang hanggang ngayon ay hindi pa rin iniiwan ni Al.

"What?! I'm not a babysitter, Iseah! Baka nakakalimutan mong presidente ng kompanyang kinatatayuan mo ang nasa harapan mo ngayon." Mahina ko lang na saad para 'wag magulat si Baby Ah kahit gusto ko nang sigawan ang ina nito.

Inirapan niya lang ako, "Duh? President my ass. Acting President ka pa lang uy! May aasikasuhin lang ako sa KZ." anito kaya napahinga ako nang malalim.

"Where's Al by the way?" takang tanong ko, natawa naman ako nang hinila-hila ni Baby Ah ang suot kong kurbata at sinusubo.

"Dakyu... babababa. Dakyu... tatatata." baby talk ni Baby Ah.

Sia is a hands-on mom. Hindi niya inaasa sa iba ang mga kailangan ni Baby Ah kaya bilib ako sa kanya pwera na lang sa bunganga niyang mura ng mura.

"Still..." simpleng sagot ni Sia at nagkibit-balikat kaya napaiwas ako ng tingin dahil alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Wala pa ba?" mahinang tanong ko sa kanya. Ramdam ko ang mariin niyang titig sa'kin pero tinuon ko lang ang paningin ko sa batang karga ko.

"There's no traces that can lead us to her but we're doing our best." sagot niya kaya nanlumo ako. Napabuga ako ng hangin para iwaksi ang nararamdaman.

"Until what time am I going to be your nanny, Mrs. Villarosa?" I asked sarcastically. "Walanghiya ka talaga! Marami namang pwedeng magbantay sa bata sa mansion bakit mo pa dinala dito sa office ko para gawin akong baby sitter!" sabi ko para baguhin ang topic. "Grabe ka!"

Umismid si Sia, "Wala akong tiwala sa mga tao do'n alam mo 'yan!"

"Pwede mo naman siyang iwanan kay Ivy at Femm kasama ang kambal ah!" I hissed. Ang arte talaga kahit kailan.

"Basta! May traydor sa teritoryo natin Zync kaya kailangan nating mag-ingat! Alam mo 'yan!"

"Ewan ko sa'yo! Ayan ka na naman sa mga hinala mo. Hindi naman sila magiging parte ng imperyong itinayo ni Katarina kung wala siyang tiwala sa kanila kaya 'wag mo silang paghinalaan dahil si Katarina ang pumili sa kanila." Bumuntong hininga ako saka nilagay si Baby Ah sa crib.

Yeah right, ginawa nang nursery room ni Sia ang opisina ko dahil bitbit niya pati crib at stroller ng anak niya. Ibang klase talaga. Nagmukha tuloy akong tatay ni Baby Ah. Pero wala namang problema dito sa opsina dahil sanay na sila sa mag-ina. Kilala na si Sia dito dahil labas-pasok na siya simula nang binigyan ako ng posisyon dito ni Daddy kahit nasa huling taon pa lang ako sa college.

Sinamaan ako ng tingin ni Sia, tumalikod siya saka inayos ang bag na dala para sa mga gamit ni Baby Ah, "We can't let our guards down, Zync. I have known Katarina very well kaya alam kong mapagkakatiwalaan ang mga tao niya pero hindi lahat ay mananatili sa kung sino sila. Change is inevitable, Zync thus people change."

Naglakad ako pabalik sa desk ko at umupo do'n habang pinanood si Sia. Hinarap niya ako na may seryosong mga tingin.

"We better be cautious and wait for her comeback." She said smiling kaya napangiti na rin ako. I nodded my head. Nagpaalam na si Sia pagkatapos niyang mapadede si Baby Ah. Nakatulog ang bata kaya bumalik na ako ng upo sa swivel chair ko.

Pinatong ko ang dalawang siko ko sa desk at sinapo ang noo ko.

"Papa." Napailing ako nang maalala ko ang bata sa panaginip ko. Hindi ko na maalala ang buo at tanging ang batang lalaki lang na tumatawag sa akin ng papa na may malabong mukha.

Imposible naman maging si Arri iyon dahil maliit ang bata sa aking panaginip at payat, 'e tumaba kaya ang anak kong si Arri. Ang kyut-kyut nga 'e at hindi naman papa tawag niya sa akin kundi Daddy.

Sa kakaisip ko sa panaginip kong 'yon, na pilit kong inaalala ng buo pero hindi ko magawa, ay sa kung saan-saan na narating ang aking isipan hanggang sa bumalik ang alaala ko sa nangyari one year ago.

It has been a year since that night happened in Road of Death and many changed. Isang taon na rin namin hinahanap si Katarina pero wala siyang bakas na iniwan...

*****

Gusto ko lang naman sanang sundan si Katarina dahil alam kong hirap na hirap na siya sa sitwasyon ng Slovenia at sa lahat ng nangyayari ngayon sa paligid niya pero hindi ko inasahan na apat na buhay ang magsasakripisyo para protektahan ako. Namatay ang Daratina dahil sa'kin.

Naging mabilis ang lahat nang nangyari at ngayon ay pinapanood ko ang babaeng mahal ko na nakikipaglaban sa isang babaeng hindi ko kilala. Gusto ko siyang tulungan at ako naman ang poprotekta sa kanya pero alam kong hindi ko kaya baka maging pabigat pa ako sa kanya.

Kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko. Pansin ko ang pag-iingat ni Katarina sa bawat galaw niya. Napapangiwi ako sa bawat hampas ng mga kamao at binti nila sa isa't-isa. Napapantayan ng babaeng nakaputi ang bilis ni Katarina.

Hanggang sa nakita na namin ang mukha ng babae at tinawag nila Sia ito na Reccaza. Natahimik sila saglit at nagtitigan. Maya-maya pa ay nag-usap na sila pero hindi namin naririnig.

"Because everything is a lie!" rinig naming sigaw ni Reccaza.

Kasinungalingan? Ano ang kasinungalingang tinutukoy ng babaeng ito? Bakit parang iba ang naging epekto nito kay Katarina?

Hindi ko na nagustuhan ang kinahihinatnan ng lahat nang makita kong nakatulala at umiiyak si Katarina pagkatapos ng paglalaban at pag-uusap nila ni Reccaza at ang pagpapakamatay ng babae sa mismong harap niya.

Agad ko siyang nilapitan.

"Katarina." I called out but it seems she doesn't hear anything.

Niyakap ko siya nang sobrang higpit para maramdaman niyang narito lang ako sa tabi niya.

"Please, don't cry." I held her face and wiped her tears away.

"Uuwi na tayo ha? Naghihintay ang mga anak natin." Dagdag ko pa na may isang tipid na ngiti sa mga labi. Naalala ko sila Arra at Arri, ang mga anak namin ni Katarina. Kahit hindi man sila nanggaling sa'kin ay nanggaling naman sila sa puso ko... sa babaeng mahal na mahal ko.

Pero biglang napalis ang ngiti sa labi ko nang mahina niya akong tinulak palayo sa kanya.

"K-katarina?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang tinalikuran niya ako. Hindi ko ito gusto!

Mas lalo akong natakot nang bigla siyang tumakbo palayo sa'kin. Kahit nanghihina man ang mga tuhod ko ay hinabol ko siya.

"Katarina!" sigaw ko kasabay nang pagtulo ng mga luha ko.

Ano ang ibig sabihin nito? Kung ano man 'yon ay hindi ko matatanggap na makitang tumatakbo palayo sa'kin ang babaeng minahal ko ng buong-buo sa maikling panahon.

"KATARINA!" I shouted continuously. Rinig ko rin ang sigaw ng mga kasamahan namin na tinatawag siya pero hindi siya lumingon man lang at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.

Hanggang sa nilamon siya ng dilim at hindi ko na matanaw kung nasaan siya.

"Zync! Stop!" rinig kong sigaw ni Tamara sa likuran ko.

No! I won't stop! Susundan ko siya. Tumakbo pa rin ako sa direksyong tinungo niya.

"Katarina! Where are you?!"

Naramdaman ko na ang panghihina ng tuhod at mga binti ko hanggang sa napaluhod ako sa kalsada pero pinilit ko pa ring makatayo.

Sa lahat nang ginawa ni Katarina para sa'kin upang manatili akong buhay ay hindi ko magawang tumigil na habulin siya. Hindi ko man kayang protektahan ang sarili ko o kahit si Katarina ay kakayanin ko namang manatili sa tabi niya at bigyan siya ng suporta sa mga kakaharaping problema.

Kaya gagawin ko ang lahat para sundan at habulin siya... at sabihin sa kanyang hindi ko siya hahayaang mag-isa. Sasamahan ko siyang harapin ang laro ng buhay at hinding-hindi ko siya iiwan.

"I said stop! Stop running after her! She ran away from you... from us then be it! She needs time for herself, Zync." Sermon ni Tamara na nakatayo sa harap ko nang muli akong mapaluhod.

Umiling ako at hinayaang tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko.

"She'll come back if she wants to, just don't chase her."

Mas lalo akong umiling at tumingala. Sinalubong ko ang walang emosyong mga mata ni Tamara.

"Hindi mo maiintindihan... iba ang dating sa'kin ng pagtakbo ni Katarina palayo. If she'll come back, when it will be?"

She rolled her eyes, "Maybe tomorrow or the next day. Just give her time."

Pero umiling akong muli saka tumayo at akmang tatakbo muli nang hinawakan ni Tamara ang isang braso ko at hinila ako.

"Stop." She said firmly.

Marahas kong binawi ang braso ko sa kanya at nilingon niya, masama ko siyang tiningnan.

"It's easy for you to say stop but it's hard for me to do it!"

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para mabawasan ang panginginig nito pero hindi man naibsan. Umiling-iling ako kay Tamara na mariing nakatitig lang sa akin.

"I-t's easy for you to say stop because you have no idea what my heart feels. H-how could I stop when Katarina taught me not to stop as long as I have the will and as I could? I can't stop. I can't... because I'll die if I would."

Muli akong napaluhod sa harapan ni Tamara.

"Hindi ko kakayanin, Tamara, hindi ko kayang wala siya. Mababaliw ako or worst mamamatay ako. She's my life support."

"Stupid." Tamara retorted but I don't care if I look stupid.

Sasabat pa sana ako pero biglang nagkagulo ang buong paligid. Nakarinig ako ng putukan.

"Damn it!" mura ni Tamara sabay hila sa'kin patayo. Napasunod naman agad ako at hindi nakapagsalita.

"Eye! What's happening?!" sigaw niya, nagulat pa ako nang biglang tumunog ang wireless headset na pinasuot ni Al sa'kin kanina.

[It's an ambush! You need to get out of there, Miss Tamara!] wika ng kung sino sa WH.

Nagmura ulit si Tamara saka inabot sa'kin ang isang silver hand gun na kilalang-kilala ko.

"Katarina." Sambit ko at binawi ang kamay na hawak-hawak ni Tamara.

"Damn it, Orlando!" sigaw niya pero tumakbo pa rin ako sa direksyon na tinahak ni Katarina. "Come back here! I need to get you out of here!"

Hindi. Hindi ako pwedeng tumigil. Kailangan ako ni Katarina. She needs me. I need to see her and help her. She's in trouble. I could feel it.

"Wait for me, Katarina. I'm coming." I whispered.

Naramdaman ko na lang nang bigla akong tumilapon at bumagsak sa semento nang may kung anong bagay na tumama sa sikmura ko. Sinapo ko ang t'yan ko at nakitang may dugo.

Napatingala ako nang makarinig nang malakas na ugong ng helicopter.

"Zync!" rinig kong sigaw ni Tamara.

Napatingin ako sa helicopter nang bahagya itong bumaba. Kahit sobrang lakas ng hangin ay pilit ko pa rin itong inaninag. Nakita ko ang isang lalaking nakatunghay sa'kin na may ngisi sa mga labi, biglang dumagundong ang aking puso nang makaramdam ng kakaibang takot at galit sa lalaking iyon.

"Idiot!" sigaw ni Tamara. "Cover him!"

Nakita ko na lang ang maraming motor na pumalibot sa akin habang nakatayo sa harapan ko si Tamara na nakatingala sa helicopter. Itinaas niya ang kamay na may hawak baril kasabay rin sa pagtaas ng kamay ng mga nagmamaneho ng motor.

Akala ko magpapaputok na sila pero hindi nangyari dahil sa sinabi ni Tamara.

"No, this can't be! Don't shoot! Put your guns down!" hestirikal na sigaw niya na tila bang may nakita siyang hindi kanais-nais sa taas.

Hindi ko alam kung bakit pero natakot ako.

"W-why?" tanong ko pero hindi siya sumagot at nanatiling nakatingala sa helicopter na unti-unti nang tumaas ng lipad.

"N-no." she said shaking her head as she ran away just like what Katarina did.

Napayuko ako at napatingin sa hawak na silver hand gun. Unti-unti na rin akong nawawalan ng malay.

"Katarina."

-End of Chapter 11-

Thank you for reading! God bless us all.

Hugs and kisses,

CL with love.

4

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro