Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COUNTERFLOW

Hello freaks! Gusto kong humingi ng tawad sa matagal na update (kung matagal nga ang 6 days ago haha), huhu. Hirap na hirap kasi ako ngayon.

Kung noon ay nakakaya kong magsulat ng dalawang kapitulo sa isang upuan lamang sa loob ng dalawa o tatlong oras, ngayon ay nahihirapan ako, anim na araw ko nang sinusulat ang Chapter 55. Frustrate na frustrate ako. Huhu.

Anyway, ang kuwento ni Reina at ni Zync ay Trilogy o may tatlong yugto. Kaya huwag na you worry much dahil may Book Three pa! Hahaha.

Kaso... may story akong sinusulat na gustong-gusto ko. Haha.

Heto ang pa-sample, sana ay magustuhan ninyo.

(Pakunsuwelo sa matagal na update. lul)

P.S. Namention na rito sa Borrowed ang Bida ng Kuwentong ito.

Title: COUNTERFLOW
Category: Action

**

Chapter 1: NABE Ph
Enjoy reading!

3rd.

"Good morning, Mustangs!"

Tumuwid nang tayo ang mga kalalakihan nang marinig ang boses ni Lady Valentine. Sabay silang sumaludo sa babae na tinugunan nito ng tango. She leaps over the dead bodies of hoodlums on the floor as she approached them closer, looking so graceful but at the same time powerful and full of authority.

She stood straight in front of them. They bowed down.

"Eyes up on me, boys."

Sumalubong sa kanila ang ngisi ni Lady Valentine habang nililibot ang tingin sa nilusob nilang warehouse na kung saan dumanak ang dugo ng mga kriminal na tinugis nila na inabot ng madaling araw.

"No casualties?" She asked.

"Negative boss." The team leader answered. She nodded and grinned.

"I'm impressed."

Sumilay ang malaking ngisi sa mga labi ng team leader dahil sa sinabi ni Lady Valentine. Muntik pa siyang mapatalon kung hindi lang niya kaharap ang kanilang Nabe's Commander.

"You were able to solve and put an end on this case in a month, Fist Mustang." Dagdag pa nito habang nakatitig sa kanya.

He proudly smiled wider, "It's my pleasure to help someone in need, Lady Valentine. I will do my best to do my duty as your best agent."

Fist Mustang arrogantly looked around his whole team. They were bowing their heads as his eyes gazed up on them. Binalik niya ang tingin kay Lady Valentine. Her smirk faded away, now she's looking at him seriously. Kumunot ang noo niya at alam niyang may sasabihin itong hindi niya magugustuhan.

"But you haven't caught the mastermind of this syndicate." Seryosong anito.

Ngumisi si Fist Mustang, "Huwag kayong mag-alala dahil hawak na po siya ng team ko."

Umiling ang kanilang commander at bumuntong hininga, "You're good, Fist Mustang. Actually, you're one of the best among my agents under my jurisdiction. But I'm sorry to disappoint you. Onyx brought Franco, the mastermind of this syndicate, to the HQ five days ago. Nakasalubong niya sa daan at binitbit papunta sa akin."

"What?!" Umusbong ang galit sa dibdib ni Fist Mustang, that annoying agent who loves to snatch the spot on him. Gusto niyang sulungin ito ngayon at ipakita kung sino ang mas magaling sa kanila. Onyx, ang agent na pabida sa buong Nemesis Consortium Nabe Ph.

Nemesis Consortium Nabe Ph, an underground security agency affiliated to FBI, Interpol, NBI, AFP and PNP.

"I am aware that Onyx is not on your team but Onyx just did what should a real agent do if someone from you encountered a subject of any of our cases. Sana 'wag mong isipin na sinapawan ka niya. Tinulungan niya lang kayong mapadali ang lahat." Tinapik nito ang balikat niya bago ito umalis. Napakuyom ang kamao ni Fist Mustang sa sobrang inis.

Pinagsisipa niya ang mga bangkay na malapit sa kanya at napasigaw sa galit.

"Humanda ka sa 'kin, Onyx kapag nakita kita!"

Marahang tinapik ng isang ka-team niya ang kanyang balikat kaya nag-angat siya ng tingin.

"What?" siniringan niya ito ng tingin.

"Fist, kalma lang. Okay? Alam mo naman that Onyx is a ghost agent. Pwede siyang makialam sa mga cases na hindi niya hawak. Don't worry, sa 'yo pa rin naman mapupunta ang credits kahit siya ang nakahuli sa mastermind." Wika ni Lufi Mustang, his second in command.

Bumuga siya ng hangin, "Sa simula pa lang. Pasikat na talaga ang Onyx na 'yan! Malilintikan talaga siya sa akin! Kahit sa 'kin mapupunta ang credits ng successful mission na ito, tinabig niya pa rin ang ego ko. Nakakagago eh! It's our case, Lufi! Don't you get it?! Tayo dapat ang nagbitbit sa Franco'ng 'yon! Tayo!"

Muling tinapik ni Lufi ang balikat niya, "Tara na, Fist. Kailangan pa nating mag-report sa Maine."

**

"Congrats Mustang Dos!" bati sa kanila ng isang Vixen nang makapasok sila sa lobby ng Maine. Napangiti naman ang buong team ni Fist maliban sa kanya.

"Congratulations Fist and the team." Bati pa ng isang Mustang team leader nang makasalubong nila ito.

Sunod-sunod na binati sila ng mga kasamahan sa Nabe Ph habang binabaybay nila ang daan papunta sa huddle room ng Maine.

"Fist! Ngumiti ka naman d'yan. Mukha ka na namang binagsakan ng langit eh." Ani Lufi pero umismid lang siya.

"Nandito raw sa Maine si Onyx."

"Talaga? Sh*t. May nakakilala ba sa kanya?"

"Ewan ko pero narinig ko kanina ang pagbanggit ng pangalang Onyx sa isa sa mga generals nang palabas sila sa office ni Commander."

"Sa tingin mo, Vixen kaya si Onyx? Sana hindi 'no. Sana Mustang siya. Idol na idol ko pa naman siya. Onyx is the top agent ever since. Kahit pa no'ng bagong pasok pa ako rito, usap-usapan na siya."

"Consistent top agent nga diba? No one can beat the only allowed ghost agent of the Nabe, Onyx."

Humagikhik ang dalawang Vixen na nag-uusap. Napahinto sa paglalakad si Fist at hinarap ang dalawang babae na hindi sila napansin, napahinto rin ang mga ka-team niya at pinanood siya sa gagawin.

"Ano ang pinag-uusapan niyong dalawa?" baritono ang boses ni Fist at bakas ang pagkasuplado.

Natigilan ang dalawang Vixen at humarap sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay ng isa habang ang isa naman ay namula ang mukha.

"Paki mo?" anas ng mataray na Vixen. Siniko naman ito ng isa.

"Ano ka ba? Si Fist 'yan! 'Wag mong awayin. Minsan lang 'yan mamansin ng Vixen. Pinagpala tayo ngayon, girl." Bulong nito na rinig naman ni Fist Mustang.

"Ano ang pinagbubulungan niyong dalawa kanina?" pag-uulit niya.

"Ang alin? Ang tungkol sa binulong ng kasama kong pinagpala kami o ang tungkol kay Onyx na pinakamagaling?" sarkastikong sagot ng isa.

Base sa suot na relo ng Vixen na ito ay isa rin itong Team Leader kaya matapang itong salubungin ang matalim na mga mata ni Fist.

Upon hearing that codename, napaismid si Fist. Tinalikuran niya ang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad tungo sa Huddle Room.

"Si Riva 'yon diba? Ang taray talaga niya pero shit ang ganda." Tukoy ni Lufi sa mataray na Vixen. Nag-iwan pa ito ng isang kindat kay Riva na umirap lang.

"NBSB daw 'yon kaya maldita." Sabat ng isa nila kasama.

"Maganda rin naman 'yong second in command niya... ano nga ang codename no'n?" tanong ni Lufi sa kasama.

"Si Ruby..."

"Sheyt. Kung pwede lang sanang magsama ang Vixen at Mustang! Isa sa kanila ang pipiliin ko. Sila diba ang pinakamagaling na team sa Vixen?"

Sinamaan ni Fist ng tingin si Lufi kaya tumahimik na ito.

"Stop dreaming. 'Wag mong iparinig kay Lady Valentine at sa mga generals 'yan kung ayaw mong makulong sa punishment room ng limang araw." Banta niya dito.

Tinaas ni Lufi ang kamay para ipakitang wala itong laban sa kanya. Kaya naging tahimik na ang buong team habang papunta sa Huddle Room. Nang makapasok doon ay agad silang nag-report sa isang general ni Lady Valentine. Mabilis lang naman at lumabas sila kaagad para makauwi na.

Napahinto sila sa harap ng HD Bulletin Board sa lobby ng Maine. Ang kaninang mabigat na mood ni Fist ay biglang gumaan at nagliwanag ang mukha niya. Naghiyawan ang buong team niya na nasa sampu ang bilang at pabiro siyang binatukan. Natatawang ginulo niya ang sariling buhok.

"Potek! Fist! Ikaw ang Most Improved Agent at ang Mustang Dos pa rin ang number one team sa Mustangs. Yes! Malaki ang makukuha nating paycheck ngayong buwan!" Hiyaw ni Lufi. Napangisi naman siya habang nakatingin sa sariling mukha niya na nasa board.

Pero agad din 'yong napalis nang biglang nag-appear sa katabi ng picture niya ang isang picture ng nine-tailed white vixen na nakatayo sa harap ng isang black mustang horse. Ang official icon ni Onyx.

Binalot ng antisipasyon ang buong lobby kung ano ang lalabas na caption ng picture ni Onyx habang napakuyom naman ang kamao ni Fist.

'Top Agent'

Mas lalong tumahimik ang buong lobby nang lumabas ang mga letrang iyon. Napatingin ang lahat kay Fist. Pinihit niya ang sarili at mabilis na nilisan ang Maine. Sumunod naman kaagad sa kanya si Lufi.

"C'mon JV... tell me you're a sport. Aren't you?" malakas na wika ni Lufi. Padarag niyang binuksan ang pinto ng kanyang kotse. Mabilis namang sumakay sa passenger seat si Lufi.

"Shut up, Kyle." Anas niya sa kaibigan. "I hate that Onyx! Damn it!" Malakas niyang hinampas ang manibela bago niya pinaandar ang kotse. "That damn bastard."

"Dude, baka nakakalimutan mong veteran agent na 'yang si Onyx habang tayo wala pang three years sa Nabe Ph. Ikaw lang naman OA eh. Wala kang panama sa isang ghost agent! Regular ka lang." Malakas niyang sinapok ang ulo ni Kyle dahil sa sinabi nito.

"Bastard! I still hate that Onyx!"

"Ni hindi nga nagrereklamo ang ibang veteran agents na hindi pa nagiging team leader man lang tapos ikaw na kay bago-bago pa lang naging team leader na pero hindi pa rin makuntento. God! JV, being a mustang is already everything we need, be contented ka naman dude!" seryoso ngunit pabulyaw na turan ni Kyle.

Hindi siya nagsalita at hinayaan na lang manermon ang kaibigan. Narating nila ang kanyang townhouse. Tumaas ang sulok ng kanyang labi nang maabutang tahimik ang kanyang bahay. Agad siyang pumasok habang kasunod niya si Kyle.

Pagkabukas pa lang ng pinto ay umalingasaw na ang isang naninipang amoy sa kanilang mga ilong. Nalukot ang mukha niya.

"Damn it. Don't tell me she's here already." Yamot na bulalas ni JV at ilang beses pa napamura.

"CL! Nandito ka na ba?!" sigaw ni Kyle na umalingawngaw sa buong bahay. Malakas na siniko ni JV ang kaibigan.

"Tumahimik ka nga kung ayaw mong tadyakan kita palabas." Inis na angil niya at naglakad tungo sa sofa. Mas lalong lumakas ang amoy na iyon nang makarating sila roon.

Hindi na siya nagulat nang makita ang isang babaeng nakahandusay sa sahig. Ang ibabang bahagi ng katawan nito ay nakasiksik sa ilalim ng sofa.

"Lasing na naman?" nagkakamot ng ulong anas ni Kyle. "Mukhang inumuga 'to sa bar ah."

Lukot pa rin ang mukha ni JV na nakatingin kay CL na nakangangang natutulog sa sahig. Sabog ang buhok, madungis ang mukha at hindi na maayos ang pagkakasuot ng damit. Mukha itong nadaanan ng bagyo.

He hissed before turning his back. Naglakad siya papunta sa kanyang kwarto.

"Huwag mong subukang hawakan 'yan, Kyle." Banta niya habang nakatalikod.

Nabitin sa ere ang kamay ni Kyle na akmang hahawakan si CL nang marinig ang kanyang sinabi.

"Ito naman. Masyadong possessive."

Inis na lumingon si JV kay Kyle, "Darn dude. I am not! Ayaw ko lang mahawa ka sa babaeng 'yan na isang walang kwenta at walang pangarap sa buhay. Paglalasing lang ang alam at kabulastugan."

Natatawang umupo si Kyle sa kabilang couch. "Thanks for the concern, dude."

Napangiwi si JV, "Hayaan mo siyang mahiga r'yan." Aniya saka pumasok sa kwarto para maligo at magbihis. Nang natapos ay si Kyle naman naglinis sa sarili sa kanya ring banyo, may nakatambak din kasi itong damit sa bahay niya.

Tumungo siya sa sala at umupo sa couch. Tinitigan niya si CL na gano'n pa rin ang ayos simula nang dumating sila. Napakurap-kurap siya at nilapitan ito, tiningnan niya nang mabuti kung tumaas-baba pa ba ang dibdib nito. Nang masigurong humihinga pa ito ay muli siyang umayos ng upo.

Sinandal niya ang ulo at pinikit ang mga mata. Naalala niya ang nangyari sa warehouse na nilusob nila at sa Maine.

Hindi niya alam pero gustong-gusto niyang agawin ang puwesto ni Onyx sa Nabe Ph. Inis na inis siya rito dahil ito na lang palagi ang bukang bibig ni Lady Valentine pati na ng limang generals. Gusto niyang pagkatiwalaan siya ni Lady Valentine gaya ng kay Onyx na kahit nagtatago ito sa karamihan ay isang napakagaling naman na agent.

Umungol si CL kaya napamulat siya at tiningnan ito. Mukhang gusto nitong tumagilid ngunit dahil nasa ilalim ng sofa ang ibabang bahagi ng katawan nito ay hindi nito magawa. Bumuga siya ng hangin saka saglit na nilingon ang pinto ng kwarto.

Nang masigurong hindi pa lalabas si Kyle ay mabilis siyang lumapit sa babae at hinawakan ito sa magkabilang kili-kili. Hinila niya ito nang walang ingat.

Napangiwi pa siya nang masinghot ang halo-halong amoy ng alak, sigarilyo, pabango at panis na laway mula rito. Umungol ulit ang babae. Naging alerto si JV nang hindi niya na marinig ang lagaslas ng shower mula sa kanyang kwarto.

"Ugh. Bato ba ang kinakain ng babaeng 'to. Ang bigat!" reklamo niya nang tinayo niya ito. Narinig niya ang mga hakbang ni Kyle mula sa kwarto niya kaya mabilis niyang binitawan si CL na bumagsak sa sofa una mukha. Buti sana kung sa malambot na bahagi ng sofa, ngunit tumama ang noo nito sa matigas na bahagi sa gilid.

"A-araaay." Daing ni CL ngunit malakas itong humilik at muling nakatulog.

Umupo si JV pabalik sa couch at pinahid ang pawis. He crossed his arms and lean his head on the headrest. Pinikit niya ang mga mata.

"Oh? Nag-change position na siya." Komento ni Kyle nang makita ang posisyon ni CL na nakadapa sa gilid ng sofa ang itaas na bahagi ng katawan habang ang mga binti nito ay nakaunat sa sahig. "Mananakit ang kalamnan niyan lalo na ang likot at binti. Tsk." Ani pa nito.

Nagmulat si JV, "Mukhang tanga." Aniya.

"Siya ba ang umiba ng pwesto niya?" nagdududang tanong ni Kyle.

"And what do you mean by that?" nanliliit ang mga matang aniya.

"Wala lang," Kumibit balikat ito, "Baka may iba r'yan na tinulungan siyang tumayo na walang gentleness sa katawan kaya basta na lang siyang binagsak." Nakangising anito.

Sinamaan niya ito ng tingin pero hindi na umimik.

Nilapitan ito ni Kyle at akmang aayusin ang pagkakahiga nang pinanlisikan niya ito ng mga mata.

"Ito naman. Seloso much!" anito at hindi tinuloy ang gustong gawin.

"Nga pala dude. You hate her so much and you keep on complaining about her sa dalawang buwang kasama mo siya rito sa bahay mo pero bakit hindi mo pa rin siya pinapalayas?" tanong ni Kyle at akmang uupo sa kabilang dulo ng sofa'ng kinadadapaan ni CL nang sinipa niya ang puwitan ng kaibigan para hindi ito makaupo.

Muntik na itong matumba kung hindi lang mabilis bumalanse. Panay ang mura nito nang makaupo sa isang mono block chair sa gilid ng sofa.

"Dafaq dude? What was that? You don't need to kick my butt if you don't want me to share seat with CL!" anito. "What you are doing is not healthy anymore. Iwasan mo 'yang pagiging possessive mo."

"Tss. Sinabing 'wag kang humawak o lumapit sa kanya. She's contagious! Alam mo kung gaano ka baliw 'yan and I don't want someone crazy in my team." saad niya na namumula ang tainga, "Atsaka, she's my godfather's niece. Tumatanaw lang ako ng utang na loob kay Ninong. Kaya pinagtitiisan ko 'yang makasama rito sa bahay kahit na puro kabulastugan at kalokohan ang ginagawa niyan."

Tumango-tango si Kyle na nakaismid, "Anyway, so what's your plan about Onyx?"

"I'll drag that Onyx on that spot down." Siguradong aniya at nakangisi nang malaki.

"And how would you do that?"

"Maghahanap ako ng paraan para maopen ang files niya sa Nabe Ph. Makikilala ko rin siya at kapag mangyari 'yon magiging madali sa aking masapawan siya."

Napailing si Kyle, "That would be impossible, dude. Alam mong Onyx is a ghost agent at kahit matitinik tayong agents ni hindi natin ma-infiltrate ang security system ng Nabe Ph. Masyadong mailap si Onyx dude. Kaya good luck na lang."

"Psh. I don't care pero gagawin ko ang lahat para maging Top Agent ng Nabe Ph at maging kilala sa buong Nemesis Consortium." Saad niya habang ang mga mata ay nakatuon lang kay CL.

"Famewhore." Anas ni Kyle. Binato niya ito ng magazine, natamaan sa mukha ang kaibigan. Mabilis din nitong binato pabalik sa kanya ang magazine na kanyang naiwasan. "Usap-usapan sa Maine last week na na-promote raw si Onyx pero tumanggi siya sa posisyong inalok sa kanya."

Nalukot ang mukha ni JV, "Tsismis lang 'yan."

Ngumisi nang nakakaloko si Kyle, "No dude. Actually, pang-ilang promotion na raw ito na tinanggihan niya. Onyx was promoted as a general of Nabe Ph years ago pero tumanggi siya. Then Onyx was assigned to be the associate commander of Lady Valentine but then Onyx rejected it too. Onyx was also offered to be the commander of Nabe S.Korea but then the offer was still rejected. Tell me, how can you beat Onyx down na kahit ilang beses niya nang tinanggihan ang malalaking offers ng Nemesis Consortium ay ayaw pa rin siyang bitiwan ng grupo?"

Sumama na ang mukha ni JV at bumibigat ang paghinga.

"I-I-" hindi niya matuloy-tuloy ang gustong sasabihin. Dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot. Sinamaan niya na lang ito ng tingin.

"Stop dreaming high, dude." asik ni Kyle.

"F-fruta! A-ang sakit ng noo ko." Mahinang daing ni CL.

Napatingin sila rito nang pilit itong tumayo, ilang beses pa itong natumba. Nang makatayo na ay parehong nanlalaki ang mga mata nila nang mabilis na nahubad ni CL ang suot na jeans. Bumungad sa kanila ang Patrick the starfish printed pink panty-short na suot nito.

"Damn." Bulong ni Kyle at nagulat na lang ito nang nasa labas na ito ng townhouse ni JV. Naramdaman na lang nito ang malakas na sipa ng kaibigan sa likod, "Dude! Bakit mo ako pinalabas?! Papasukin mo ako!" Ilang beses itong kumatok sa naka-lock na pinto.

Samantala, akmang huhubadin na ni CL ang suot na pang-itaas nang pigilan ni JV ang kamay ng babae.

"Ano ba?!" asik nito na papikit-pikit pa ang mga mata.

"Ang baho ng hininga mo." Reklamo ni JV nang sa mismong mukha niyang nagsalita ang babae.

Pinihit niya ang katawan ni CL saka tinulak ito papasok sa kwarto nito na kaharap ng kanya. Nagpumiglas pa ito pero dahil sa labis na kalasingan ay wala na itong tamang lakas na mapigilan siya.

Nabuksan ni JV ang pinto ng kwarto ng babae at malakas itong tinulak papasok. Napangiwi pa siya nang bumagsak ito sa sahig, una pa rin ang mukha.

"A-araaay." Mahinang daing nito na sinundan ng malakas na hilik.

"Ulol 'to. Bahala ka sa buhay mo." Inis na bulong niya pero napangisi nang dumako ang mata niya sa mukha ni Patrick the starfish sa pang-upo nito. "Booty." Napasipol pa siya.

Pabagsak niyang isinirado ang pinto ng kwarto ni CL saka niya muling pinapasok sa loob si Kyle na nakabusangot.

"You don't need to drag me out of your door! Grabe! Sana pinapikit mo na lang ako. Umamin ka nga. May gusto ka ba sa housemate mo, dude?"

Pinalipad niya ang kamao sa mukha nito na naiwasan naman ni Kyle, "Ako? Magkakagusto ro'n? Sa babaeng lasinggera, mabisyo, walang trabaho, basagulera, ewan ko kung nakatungtong ba ng college, burara at baka nga drug addict? Nunka dude!" malakas niyang singhal sa kaibigan. "Hindi ako papatol do'n! I deserve the best that life could give and she's even far from being good."

"H-hoy! 'Di ako d-drug a-addict ah at 'di rin kita type! L-lelechehan ka!" malakas na sigaw ng lasing na CL mula sa kwarto nito.

Nagkatinginan silang dalawa ni Kyle at sabay natawa.

"Hanep din ang pandinig. Narinig pa niya ha." Komento ni Kyle, "Ako type kita, CL. Tayo na lang!" sigaw ni Kyle pero isang malakas na lagabog lang ang narinig nila mula sa kwarto nito. "Dude, baka kung ano na ang nangyari ro'n sa loob. Check kaya natin." Baling sa kanya ng kaibigan.

Sinamaan niya ito ng tingin, "Wala akong pakialam sa kanya kaya hayaan mo siya."

"Pero dude, segway muna tayo. Paano kung isang Vixen si Onyx at hindi nalalayo ang edad sa atin? Ano ang gagawin mo?"

Saglit siyang napaisip at napangisi, "Ede mas mabuti. Madali ko siyang mapapaikot. Pero sigurado akong isa siyang Mustang, dude and he's old. Veteran na siya kaya sigurado ako."

"Yabang." Umismid si Kyle, "Huwag kang maging kampante, JV. 'Di natin siya kilala, baka nga mamaya r'yan ako pala si Onyx."

Biglang nawalan ng emosyon ang mukha ni JV dahil sa saad ni Kyle na seryoso rin ang mukha.

"Ako si Onyx." ani JV.

Ilang segundo silang nagtitigan at sabay na natawa nang malakas.

Samantala, seryosong nakatingin si CL sa nakasaradong pinto ng kanyang kwarto.

"Ako si Onyx." Matigas na saad niya at biglang tumawa nang malakas na may halong tunog ng baboy. She laughed like crazy as she was snorting like a pig multiple times.

Nagkatinginan sila Kyle at JV dahil narinig nila ang tawa ng babae mula sa kwarto.

"Ano kaya ang nahithit ng housemate mo, dude?"

-End-

HAHAHA! Si Atiii CL ang bida. Nietah! Support niyo ako ha. Hahaha!

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro