64: TRIUMPH
Chapter 64: TRIUMPH
Enjoy reading!
3rd.
Masasabi mo bang nagtagumpay ka sa isang laban kung maraming buhay ang nawala? Maituturing bang tagumpay ang iyong pagkapanalo sa isang labang maraming inosenteng nadamay? Nanalo ka nga ngunit marami namang buhay ang naging sakripisyo, maraming mga batang hindi na nabigyan ng pagkakataong lumaki at i-enjoy ang mapayapang mundong naisakamay mo na.
Could you still entitle yourself a winner?
Sabi nila masarap daw sa pakiramdam kung ang tagumpay na nakamtan mo ay pinaghirapan. Paano kung ikaw ang nasa lugar ni Reina?
Could you still be proud of it?
Mga nakangiting mukha ng mga mamamayan ng Slovenia ang bumungad sa kaniya sa pagdungaw niya sa balkonahe ng palasyo. Bakas sa mga mukha nito ang paghihirap na dinanas sa kamay ng Triad ngunit ang mga ngiti ay sumisigaw ng tagumpay.
Malamlam ang mga matang binalik niya ang tingin sa mga tao. Ngunit ang ngiting kinaasam nila mula sa kaniya ay hindi niya pa kayang ibigay. Natatakot ang mga labi niyang kumurba at ipakita sa lahat na masaya siya. Sapagkat, nagluluksa pa siya.
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang mabawi niya ang kaharian. Nagsisimula nang muling bumangon ang lahat. Nililinis na ang bawat sulok ng Slovenia, sinisiguradong walang tauhan ng Triad ang natitira. Gano'n din ang nangyayari sa ibang bansang dinungisan ng kasamaan.
Ang paglilinis ng dumi ay pinangungunahan ni Mojica, ang tunay na Mojica Olson, na siyang naging gabay ni Reina sa nangyaring laban. Malaki rin ang tulong na naibibigay ni Ynca pati na ang mga lider ng iba't-ibang organisasyon gaya nina Tamara, Lady Valentine at Onyx.
Nagsisimula na ring mag-abot ng tulong-pinansyal ang Trifecta Empire sa pamumuno ni Zync sa bawat bansang nangangailangan. Ang prayoridad ng Trifecta ay ang housing project para sa mga biktima pati na rin ang relief goods. Mag-aabot din ang imperyo ng pangkabuhayan sa bawat pamilya.
Magiging kaagapay ng Trifecta ang Empyreal Community gano'n din ang ibang kaharian at mga bansang hindi nadamay sa digmaan.
Sinimulan na ring magpatayo ng mga rehabilitation centers sa bawat bansa para sa mga biktimang na-trauma at nakaranas ng pagpapahirap lalo na ang mga batang nagkaroon ng depression at anxiety dahil sa nangyari.
Sinigurado ni Reina na ang lahat na pangangailangan ng mga tao ay masasakop ng kaniyang plano sa muling pagbangon.
Ang buong mundo ay nagsasaya dahil sa tagumpay na nakamit. Ang kalayaan na ilang taong hiniram at ninakaw ng kasamaan ay muling naisakamay ng bawat isa. Nakakamanghang isinantabi ng mga pinuno ng bawat bansa ang mga alitan sa ibang pinuno, ngayon ang buong mundo ay nagkakaisa at nagdidiwang.
Sa tuwing pagsapit ng alas sais ng hapon, ang buong mundo ay nanalangin at nagpapasalamat sa Panginoon. Sa loob ng dalawang linggo ay nakasanayan na ng bawat isa ang maglaan ng oras ng pananahimik o meditation.
Sa mga lumipas na araw ay hindi pa nabibigyan ng pagkakataon sina Reina at Zync para mag-usap, sa kagustuhan na rin ni Reina.
Ngayon lang muling humarap si Reina sa taong bayan pagkatapos ng harapan nila ni Morry. Ilang araw siyang nanahimik at nanatili sa palasyo. Nakikinig sa mga reports ng tauhan at tumatango sa bawat proposals ng mga ito.
Walang siyang may kinakausap ni isa. Kahit na ang mga matataas na opisyal o dugong buhaw na galing pa sa ibang bansang nagsadya sa Slovenia upang siya'y personal na makausap at pasalamatan ay hindi nabigyan ng pagkakataong makaharap siya.
Ginalang naman ng kaniyang mga tauhan pati na ni Tomeo at ng iba pa ang pananahimik ni Reina.
Naghihintay silang kusa siyang kumausap sa kanila. Hindi man siya nagsasalita ay alam nilang nagdaramdam pa siya sa mga nangyari. Lalo na nang muling magising ang hari at kinumpirma nitong anak nga nito si Morry kay Olivia.
Kinulong na sa dungeon si Zacario Orlando pati na ang mga tauhan nito. Nahanap na rin nila si Terrence at ang grupo nitong kinulong pala ni Finamelia sa dungeon. Inilibing din sa libingan ng mga taga-Triad at traydor si Olivia.
"Reina."
Hindi niya nilingon ang tumawag sa kaniya. Nanatili siyang nakadungaw sa mga taong bayan abala sa kaniya-kaniyang ginagawa. May iilan pa ring nakatingala sa kaniya lalo na ang mga batang, masayang kumakaway. Malayang naglalabas-masok sa bakuran ng palasyo ang mga taong bayan, ngunit mahigpit pa rin ang seguridad.
"The judicial proceeding will start in fifteen minutes. You need to be there."
Bumuntong hininga siya, "Do you think I can face her?" matamlay ang boses na aniya.
Pinatong nito ang kamay sa kaniyang balikat at marahan iyong hinaplos, "You have to, Reina. You are our head now. You are now the acting supreme commander of this kingdom. Ikaw ang magiging huling pasya para sa ipapataw na kaparusahan kay Morisette."
"Aunt Mojica." Mahinang sambit niya sa pangalan nito at napayuko.
"Kaya mo 'yan, Reina. Alam kong mahirap para sa 'yo na makitang nasa sitwasyong ito si Morisette pero kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng kasalanang nagawa niya."
Dahang-dahang tumango si Reina at bumuga ng hangin.
"Huwag kang mag-alala. Kung ano man ang magiging pasya mo ay nasa likod mo lang ako parati pati na ang ibang naniniwala sa 'yo.
**
Mabilis nagsitayuan ang lahat ng tao sa loob ng justice hall nang bumukas ang pinto at pumasok si Reina. Nang siya'y nakatayo na sa harap ng tronong uupuan niya ay nagsiluhuran ang lahat. Tumayo ang lahat nang siya'y umupo na.
Ang konsehong kasama ni Reina ngayon ay binubuo ng mga representative galing sa mga bansang napinsala ng Triad, gano'n din ang mga bansang hindi nadamay, isa na roon ang Pilipinas. Buong mundo ang kasama ni Reina sa mga oras na ito ngunit siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat.
Siya ang magiging huling pasya ng paghahatol kay Morry at walang maaaring may sumalungat sa kaniyang desisyon.
"It's an honor to meet you in person, your highness." Bati no'ng isa na galing pa sa America. Arogante itong lumapit sa kaniya, nakataas ang noo halatang nagmamayabang sa ibang delegado sa pagtitipon.
Mata lang ang gumalaw kay Reina upang sulyapan ang lalaki. Agad namang lumapit si Ynca para pabalikin ang lalaki sa upuan nito.
Nakasuot si Reina ngayon ng isang corporate three-piece-suit na kulay puti. Hapit ito sa kaniyang katawan. Makapal din ang kaniyang make up na tila sinadyang ibahin ang kaniyang magiging hitsura.
Tanging isang representative lang bawat bansa ang nakapasok sa palasyo. Ang mga kasamang escorts ay naiwan sa sentro. Hindi rin pinahintulutan ang mga media na i-cover ang mga pangyayari sa loob ng Slovenia, ang local media ay hindi pa nabibigyan ng lisensyang mag-operate ulit habang ang mga international media ay hindi pinapapasok sa loob ng bansa. Wala ni isang may nakakalusot sa batas ni Reina.
Maliban sa mga tauhan ng Clementin, iilan sa mga taong bayan at sa mga taong tumulong kay Reina ay hindi pa rin nabubunyag sa publiko ang katotohanang kambal ang panganay na mga prinsesa ng Slovenia.
Inaakala pa rin ng mundo na ang prinsesang nagligtas sa kanila ay si Princess Katarina Zenkiah Clementin, hindi si Reina.
"Let's start." Ma-otoridad niyang saad. Walang emosyon ang kaniyang mukha at diretso lang kaniyang tingin.
Nagsimulang ipahayag ng person in-charge ang reviews sa mga nakalipas ng judicial examination. Inabot din sa kaniya ang ilan sa mga white folders na naglalaman ng reviews. Hindi niya na ito binuksan at nakinig na lamang sa nagsasalita.
Napatingin siya gawi ng designated seat ng mga bansa sa Asia. Nagtama ang mga mata nila ng representative ng Pilipinas. Hindi na siya nagulat pa nang makita ito. Pormal ang hitsura nito pero nasa mga mata nito ang lungkot.
"Mattheus." Mahinang bulong niya sa sarili.
Natapos na ang nagsasalita ngunit nakatitig pa rin sila sa isa't-isa ni Mattheus. Nagmamakaawa ang tingin ng lalaki sa kaniya.
Parang bubuyog na umalingawngaw sa kaniyang mga tainga ang bulungan ng mga tao. Muli niyang binalik ang tingin sa harapan at doon niya lang napansin na nasa gitna na pala ng hall si Morry. Nakaluhod at nakayuko. Nakaposas din ang mga kamay.
Sa nakalipas na dalawang linggo ay malaki ang ibinawas sa timbang nito. Namumutla ito at nanlalalim ang mga mata. Wala na ang dating sigla sa mukha nito.
"Morisette Olive Gordonfelio Stonewell, 27 years old. Born in Ireland and grew up here in Slovenia. A former Wing agent and a royal coadjutor of the crown princess of Slovenia. Daughter of the traitor and irreverent, Olivia Gordonfelio and the former Wing agent, Rey Stonewell..." pagpapakilala ni Mojica kay Morry.
Hindi na nasundan pa ni Reina ang mga sinasabi ni Mojica dahil biglang nag-angat ng tingin si Morry. Namumugto man ang mga mata nito ngunit walang emosyong pinapakita.
Titig na titig sila sa isa't-isa. Ngunit tagusan ang mga titig na iyon.
"...as for the initial judgement that has been agreed by the majority of the councils, Morisette Stonewell will be punished to be held on the Gehenna Chamber of Slovenia for the rest of her life. Neither law nor human rights can restrain the judgement if the supreme commander agrees."
Naikuyom ni Reina ang palad nang marinig ang mga salitang Gehenna Chamber. Ang silid ng paghihirap at pagpapasakit. It can be considered as the hell on Earth.
Lahat ng pagpapahirap ay mararanasan ng kung sino mang ikukulong doon. Maging kamatayan ay magiging mailap sa maysala. Higit isang siglo na ito simula nang ipatayo ng ninuno ng mga Clementin. Ngunit simula nang maging hari si King Malachi ay itinuturing na itong forbidden building ng Slovenia.
Matatagpuan ang Gehenna Chamber sa pinakasulok na bahagi ng Slovenia. Isa iyong maliit na isla.
Pagkatapos ng digmaan ay napag-alaman ni Reina na hindi ito ginalaw ng Triad. Ngunit dahil sa desisyon ng mga konseho ay muli itong binuksan.
Nilibot niya ang tingin sa buong hall. Lahat ng mga mata ay nasa kaniya at naghihintay sa kaniyang pasya. Nasa mga mukha nito ang positibo niyang sagot sa lahat. Maliban sa isa, kitang-kita niya kung paano tumulo ang luha ni Mattheus habang malungkot na nakatingin sa nakaluhod na si Morry.
Alam niya ang namamagitan sa dalawa. Alam niyang nagmamahalan ang dalawa niyang kaibigan ngunit... sa pagkakataong ito ay hindi siya isang kaibigan sa dalawa. Isa siyang pinuno na kailangan protektahan ang sangkatauhan laban sa taong nagdulot ng kasamaan.
Tumayo si Reina. Muling nagtitigan sila ni Morry. Bahagya itong tumango sa kaniya at malungkot na ngumiti.
"I agree."
Nagpalakpakan ang halos lahat ng naroroon nang marinig ang kaniyang sinabi. Maliban sa mga taong malalapit kay Reina na malungkot na nakatingin sa kaniya.
Muli niyang sinulyapan si Morry na lumuluha ngunit walang takot ang mukha. Naglakad na siya palabas nang hindi na lumilingon pa.
Nang makalabas ay doon tumulo ang masaganang luha niya. Ang mabilis niyang paglalakad ay naging takbo. Binibigyan naman agad siya ng daan ng mga tauhang nakakasalubong. Wala ni isang may nag-usisa sa kaniya.
Tumungo siya sa hardin. Walang katao-tao roon.
Malungkot naman si Tomeo na sinundan ang anak nang makita siyang umiiyak. Agad nitong inutusan ang mga royal guards na bantayan ang buong hardin at huwag magpapasok ng kahit sino. Gusto nitong bigyan ng oras para magsarili ang anak.
Sumalampak si Reina sa damuhan at doon iniyak lahat ng sakit na nararamdaman.
Masama man ang loob niya sa mga ginawa ni Morry at ni Olivia ay ayaw niyang makitang nahihirapan ang kaibigan. Ayaw niya nang mawalan ulit ng taong importante sa kaniya lalo na't isang Clementin ulit ang magdurusa.
Nanatili sa kaniya, kay Morry at sa hari ang katotohanang isang Clementin si Morry dahil na rin sa hiling ng hari. Nasasaktan si Reina na hanggang sa huli ay hindi pa rin tinanggap ng hari ang sariling anak na si Morry.
"Ganito ba ang pakiramdam ng isang nanalo? Bakit ang sakit-sakit pa rin?" wala sa sariling tanong niya sa gitna ng pag-iyak.
Maya-maya pa ay tumigil na siya. Habang tinutuyo ang luha ay nakarinig siya ng komosyon sa hindi kalayuan.
"I want to see the princess! Didn't you hear me?! We knew each other!!"
"No sir. Nobody is allowed to disturb the Princess."
"I don't care! I want to see her! You can't stop me!"
"Sir, if you'll continue doing that I'm sorry but we have to drag you out of the palace."
"I don't care!"
Hinanap ni Reina ang mga nagbabangayan. Natagpuan niya si Mattheus na nakikipagtagisan ng masamang tingin sa isang royal guard.
"Let him." untag niya kaya bahagyang napaigtad ang dalawa.
Yumukod ang royal guard sa kaniya saka binigyan ng daan si Mattheus.
"Follow me." Seryosong aniya saka naglakad sila sa sulok.
"Reina." Matigas ang boses na aniya. "How could you do this?! How could you do this to your own friend?! Sisirain mo ang buhay niya!" bulyaw nito habang umiiyak.
Nanatili siyang nakatalikod dito.
"Naitanong mo ba sa kaniya kung bakit niya ginawa ang lahat ng 'to? Sinira niya ang buhay ng maraming tao." balik na tanong niya.
"Maybe she has a reason for doing this mess! But it doesn't mean that you'll agree to that damn judgement! Reina, she is your friend! Yes, she had betrayed you but she deserves a second chance! You are the supreme commander and you should have done something for her! If you didn't agree, the councils don't have the right to oppose your decision. You could have Morry be imprisoned in the dungeon not to be thrown away in that damn island of torture!"
"Do you think so?"
Natigilan si Mattheus.
"Have you ever thought that does Morisette think twice before she ruined this world? Naisip mo rin bang nag-alinlangan siyang patayin ang hindi mabilang na mga tao? Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag hindi ako sumang-ayon sa parusang ipapataw sa kaniya? Mattheus, muling magkakagulo. Muling dadanak ang dugo." Walang-kabuhay buhay niyang paliwanag.
"But it was her mother who's the mastermind! She was just the accomplice! Her mother used her! Sinunod niya lang ang lahat ng gusto ng baliw niyang ina!"
Sumisigaw na si Mattheus ngunit tila wala lang ito kay Reina.
"Pero ginawa niya pa rin ang kasalanang ito, Mattheus. Kailangan niyang magbayad. I'm the supreme commander and I have to be just."
"If you have to be just, you should have not killed Olivia in the first place! Sana hindi mo siya pinatay para ang babaeng 'yon ang magbayad, hindi si Morisette! Hindi ang babaeng mahal ko!"
Hindi umimik si Reina, nakatulala lang siya sa kawalan.
"Ano?! Hindi ka makapagsalita dahil tama ako! Nagsisisi ka na ba kung bakit mo pinatay si Olivia?! Natatanggap mo na ba sa sarili mong nagkamali ka?!"
Isang malutong na sampal ang natanggap ni Mattheus mula sa kaniya. Hindi agad ito nakagalaw.
Natawa si Reina nang mapakla, "Akala mo ba na madali ang lahat ng 'to para sa akin, ha, Mattheus?! Akala mo ba na hindi ako nasasaktang makita siyang hinahatulan sa gitna ng konseho?! Akala mo ba na hindi ko inuusig ang sarili ko kung bakit humantong ang lahat sa ganito?! Ginawa ko naman ang lahat nang makakaya ko ah! Ginawa ko ang lahat para protektahan kayo! Bakit ba parating kulang? Bakit palagi niyo akong kinukuwestiyon sa huli?!"
Tinulak niya si Mattheus sa dibdib, "Hindi madali ang kinalulugaran ko, Mattheus! Nanalo nga ako sa labang ito! Naibalik ko nga ang hiniram na katahimikan at kapayapaan sa mundong ito pero bakit ako?! I am still in the middle of agony and suffering but believe me, no one is there who's willing to take me out! Nakakakulong pa rin ako sa kadiliman, Mattheus! Lalo na nang sabihin ko ang dalawang salitang 'yon sa harap mismo ni Morisette!"
Tinakip niya ang palad sa bibig upang pigilan ang paghikbi.
Hindi naman sana malalaman ng konseho ang tungkol sa The Queen's Journal na binuo nina Olivia at Morisette ngunit ibinunyag ni Aly ang lahat. Mabilis kumalat ang balita at nagkaroon agad ng mga kopya ang mga libro na agad binibili ng mga tao.
Katuwiran ni Aly ay karapatan ng lahat na malaman ang katotohanan.
Dahil sa nangyari ay bumaba ang hatol kay Zacario Orlando gano'n din kay Flynn Flamenco na parehong nakakulong sa dungeon. Ang panghabang buhay na pagkakakulong ay naging bailable ngunit hindi pa rin sila maaaring makalabas ng Slovenia.
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nanahimik si Reina, galit siya sa ginawa ni Aly dahil pinangunahan siya nito.
Mapait na ngumisi si Reina at tumingala sa langit, "Kailan kaya ako makakalaya sa sumpang ito, Mattheus? Isang sumpa ang buhay ko. Patawarin mo ako pero kailangan mong tanggapin na wala na tayong magagawa para kay Morisette. Nagkasala siya at lahat ng nagkakasala ay dapat magbayad."
Tinalikuran niya si Mattheus at naglakad na siya palayo rito ngunit muli iyong nagsalita.
"Kahit na ang isang inosenting bata na walang kamuwang-muwang at ni hindi pa nabibigyan ng pagkataong masilayan ang mundo ay dapat rin bang pagbayarin sa kasalanang nagawa ng kaniyang ina?"
Napahinto siya saka nilingon ito. Biglang lumuhod ang lalaki.
"Please Reina, maawa ka. Ako na lang. Ako na lang ang ipatapon mo sa Gehenna huwag lang ang mag-ina ko. Huwag lang si Morry at ang anak ko na nasa sinapupunan pa lang niya." umiiyak na pagmamakaawa ni Mattheus.
Napayuko ito, "Ni hindi ko nga alam kung kamusta ang kalagayan nilang dalawa. Ang payat na payat na ni Morry at sumabak pa siya sa labanan. Hindi ko alam kung kumakapit pa ba ang anak ko. Pero kahit gano'n, ako na lang. Palayain mo na siya. Handa akong magdusa habang buhay kapalit ang kalayaan nilang dalawa."
"Isang magulang ka na rin, Reina at alam mo ang nararamdaman ko ngayon. Kahit sa anak ko na lang, kaawaan mo siya. Kahit na siya na lang ang hayaan mong maging malaya. Handa akong samahan si Morry habang buhay sa Gehenna, huwag lang pati ang anak namin."
Reina heaved a deep sigh and a small smile crept on her lips.
"Congratulations." Mahina ngunit natutuwa niyang bati rito saka nagpatuloy sa paglalakad palayo kay Mattheus. Naiwan naman itong nakatulalang sinundan siya ng tingin.
**
Tahimik na pumasok si Reina sa silid ng kaniyang inang si Kataleya.
"Anak." Sinalubong siya nang mahigpit na yakap ni Tomeo. Sumubsob siya sa dibdib nito at doon muling umiyak.
"G-ganito ba talaga, Daddy?" tanong niya sa gitna ng paghikbi.
"Hmmm?"
"G-ganito ba talaga ang sumpang kakambal namin ni Tari?"
Natawa si Tomeo at marahan siyang tinulak para punasan ang kaniyang luha.
"Hindi kayo isinumpa ni Tari, anak. Lalo na ikaw. Sadyang ikaw lang ang napili ng tadhanang maging bida sa kuwentong ito dahil isa kang matapang at malakas na babae. Binigyan ka ng Panginoon ng ganitong problema dahil alam Niyang kakayanin mo ito hanggang sa huli."
Inayos nito ang nagkalat na buhok niya sa mukha.
"Tingnan mo ang sarili mo, kahit na akala mo ay puro na lang pasakit ang nararanasan mo ay nagpatuloy ka pa ring mabuhay upang iligtas at proteksyunan ang mga buhay na nilamon ng kadiliman. Ngayon ay nagawa mo na ang misyon mo, nagtagumpay kang iligtas ang mundo. Kaya sana alisin mo na ang mabibigat na pasanin d'yan sa puso mo. Hayaan mong lumaya ka rin."
"Daddy, maraming namatay. Hindi ko sila nagawang iligtas."
"Anak, bahagi ng buhay nating mga tao ang pasakit at kabiguan. Sa tuwing may ipinapanganak, mayroon ding namamatay. Iyan ang buhay nating mga tao. Ang mahalaga ay kung paano mo ginamit ang hiram na buhay mo sa mundong ito. Oo, maraming buhay ang nawala pero wala ka nang magagawa dahil hanggang doon na lang oras na ipinahiram sa kanila ng Diyos para mabuhay."
"P-pero... I could have done something for them."
"You have done everything you can, Reina. Nagawa mo na ang lahat ng dapat mong gawin. Talikuran mo na ang nakaraan, anak at tumingin ka sa kasalukuyan lalo na sa kinabukasan. Hindi mo na kailangan magluksa sa mga nawala na dahil may mga buhay pang tao na naghihintay sa 'yo."
Napatingin si Reina sa kama kung saan nakaratay ang inang si Kataleya, dalawang linggo na rin itong na-comatose dahil sa ginawa ni Morry.
"Si Mommy." Untag niya.
Tinapik ni Tomeo ang kaniyang balikat, "Lumalaban ang Mommy mo, anak. Huwag kang mag-alala. She's a strong woman just like you."
Muli siyang niyakap ng ama, "Huwag mo na ring sisihin ang sarili mo sa nangyari sa kaibigan mong si Morisette. Alam kong nasasaktan ka sa naging desisyon mo. Palagi mong tandaan na marami kaming nagmamahal sa 'yo na puwedeng mong sandalan sa kahit ano mang oras. Ano man ang gagawin mo at maging desisyon ay susuportahan ka namin."
Tumango si Reina. Kahit papaano ay naibsan ang bigat ng damdamin.
**
Isang araw ay naalimpungatan si Reina nang maramdaman ang marahang haplos sa kaniyang ulo. Nakatulog pala siya habang nagbabantay sa ina.
"R-reina."
"Mommy." Napangiti siya nang makitang nagising na ito. "Do you need anything, Mom?" tanong niya at aligagang napatayo.
Ngunit hinila siya ng ina para muling umupo.
"C-can you lay down here beside mommy, baby?"
Hindi siya nag-alinlangan, marahang siyang humiga sa tabi ng ina. Magkasalo sila sa iisang unan habang magkaharap. Masuyong hinaplos ni Kataleya ang kaniyang pisnge.
"N-napakaganda mo, anak."
Napangiti si Reina, "Nagmana ako sa 'yo, Mommy."
"M-marami akong pagkukulang sa 'yo—"
"Mommy." Saway niya rito ngunit marahan nitong nilapat ang daliri sa kaniya labi.
"Hush." Anito, "Hayaan mong magsalita si Mommy."
Tumango na lang siya ngunit lumamlam ang naging tingin niya rito, bigla kasing nagwala ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya maintindihan. Tila may ipinapahiwatig ang kaniyang ina sa kaniya.
"Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkakamali ko sa iyo pati na sa mga kapatid mo. Gusto kong makilala ang lalaking bumihag sa puso ng magiting kong si Reina. Gusto kong makilala ang mga apo ko sa inyo ni Tari. Marami akong gustong gawin..."
"M-mommy." Naiiyak na singit ni Reina.
"Hush." Saway nitong muli sa kaniya, "Gusto kong tumanda kasama kayo."
Hinagkan ni Kataleya ang kaniyang noo at mahigpit siyang niyakap.
"Mahal na mahal ko kayong magkakapatid. Gusto ko mang manatili pero hindi na maaari. Ikaw ang Ate sa inyong lahat, Reina kaya ipinagkakatiwala ko sa iyo ang mga kapatid mo. Masaya akong nakasama kita kahit sandali lang at nakahingi ako ng tawad sa iyo. Siguro hinayaan ng Diyos na umabot ako sa puntong ito para matiwasay ako lilisan sa mundo."
"M-mommy, please don't say that. You're okay, right?"
Kumalas siya sa pagkakayap dito. Matamis ang ngiti nito sa kaniya at doon niya lang napagtantong ang ngiting iyon ay kaniyang namana.
"Si Morisette. Ang kapatid ko. Matagal ko nang alam ang tungkol sa kaniya pero nagmaang-maangan ako dahil ayaw kong maranasan niya kung gaano kasakit maging anak ng isang hari. Akala ko tama ang ginawa ko pero nagkamali pala ako. Sana hindi ko hinayaang lamunin ng galit si Morry. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kaniya. Sabihin mo sanang mahal na mahal siya ni Ate."
Tumango-tango si Reina. Hindi niya na ikinuwento rito ang sitwasyon ngayon ni Morry dahil ayaw niyang masaktan ito.
"Sana mapatawad mo siya, Reina. Huwag mo siyang pabayaan ha. Gabayan mo siya sa tamang daan. Tulungan mo siyang bumangon."
Mapait na ngumiti si Reina ngunit tumango pa rin sa ina. Pareho silang luhaang dalawa.
"Tari, your twin sister... She needs... love. Love her... as you always do, my child... She needs... you."
Napansin ni Reina na tila bumabagal na ang pagsasalita ni Kataleya. Nakatingin pa rin ito sa kaniya at nakangiti.
"My heart... for Katarina Zenkiah."
Wala sa sariling tumango si Reina. Masuyo muli nitong hinaplos ang kaniyang pisnge.
"I... love you, baby."
"I love you too, mommy."
Matagal silang dalawa sa ganoong posisyon. Naabutan silang dalawa ni Tomeo at hiniling ng ina niyang gusto nitong makausap ang kaniyang ama.
Pinagbigyan niya naman ang mga magulang kahit na ayaw niyang umalis sa tabi nito.
Habang naglalakad sa hallway ay lumapit sa kaniya ang isang tauhan at inabot ang isang cellphone.
"Lady Iseah is on the other line, your highness." Anito habang nakayuko.
Pinasalamatan niya ito saka dinikit ang cellphone sa tainga.
"Iseah."
[Reina!] Napangiwi siya dahil sa lakas ng boses nito.
"You don't need to shout, Iseah." Untag niya.
[Didn't you miss me?] malambing nitong tanong.
"Where's the fvck now?" napapangiting tanong niya.
[Psh, nangako akong sa oras na babalik sa dati ang kagandahan ko ay hindi na ako magmumura kaya huwag kang bad influence.]
Napairap siya, "Yeah right."
Isang linggo na ang nakakaraan nang sinundo ni Al si Iseah upang samahan ito sa South Korea para magpa-plastic surgery dahil sa nasirang mukha. Sa ngayon ay nasa Pilipinas na ito upang doon magpagaling.
[Hindi pa naman sure kung nabalik nga sa dati ang beauty ko dahil mukha pa rin akong mummy ngayon. Tss. Baka magulat na lang ako si Pia Wurtzback na pala ako. Hahaha! Kainis nga lang dahil ayaw akong lapitan ni Ah-ah! Natatakot sa akin. Tapos sinisigawan pa ako ng pakyu. Ang bata-bata ang galing nang magmura mana talaga kay Al. Pagsabihan mo nga inaanak mong 'yon 'pag nakauwi ka rito. 'Yong magaling kong asawa naman hindi na ako kinikiss! Magaspang daw ang benda! Tapos idagdag mo pa 'yang alaga mong si Pula, ang lakas mang-asar eh bulol naman. Alam mo bang ang kukulit ng kambal?! Ginuhitan ba naman ang benda sa mukha ko nang minsang nakatulog ako sa sofa. Tapos 'yong anak mo?! Ang sungit-sungit! Parang matanda kung magsalita eh unano naman. Palagi akong pinapagalitan! 'Yong asawa mo? Naku! Palaging late ang uwi rito sa bahay! Minsan, hindi ko pa naaabutan tuwing umaga dahil maagang umaalis. Naku, baka may pangalawang panganay na 'yon!]
Napangiti siya sa balita ni Sia.
"How's Ryleen?"
[She's doing fine, huwag kang mag-alala. Binabantayan ko siya palagi...] Nagpatuloy ito sa paku-kuwento tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas lalo na sa Trifecta.
Nag-aalala siya sa lagay ni Ryleen dahil isang malaking trauma ang naging epekto rito sa mga nangyari. Nagkakaranas ito ng panic attack at malaki ang tsansang bumalik ang manic disorder nito. Kaya isang araw matapos ng harapan nila ni Morry ay agad niyang pinauwi sa Pilipinas si Ryleen upang doon magpagaling.
[Si Tari pala...] biglang untag ni Sia.
"How about her? Kamusta siya?"
[Nawawala ang kakambal mo, Reina! Tari is missing!] sigaw nito.
Nanlaki ang mga mata niya.
"What?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
[Iyon nga ang dahilan ko kung bakit ako tumawag! Si Tari nawawala, kanina paggising namin. Hindi na namin siya nakita. Hinahanap naman siya nina Zync at Al. Huwag kang mag-alala baka nagmuni-muni lang sa tabi-tabi 'yon. Alam mo na heartbroken. Hindi maka-tsansing kay Zync eh, bantay sarado ng mga bata ang asawa mo lalo na si Pula na kung makaguwardya daig pa ang royal guard ng palasyo...] patuloy ito sa pagku-kuwento hanggang sa nagsalita siya.
"Sige. Salamat Iseah." Aniya saka pinutol ang tawag,.
Hindi maganda ang kutob niya sa pagkakawala ni Tari. Kaya agad niyang kinontak si Tamara upang humingi ng tulong dito.
"Maraming salamat, Tamara." Aniya, "Sana magawa mong makapunta rito at maisama mo si Zonia. Upang makita siya ni Mommy at Daddy."
[Don't worry, we'll find Ate Tari. But I'm sorry Ate Reina, hindi pa siguro ito ang tamang oras para bumalik si Zonia sa lugar na iyan. Tumawag naman ako kay Tito Tomeo at nakausap ko na si Mommy. Nakausap niya rin si Zonia at naiintindihan niyang hindi kami makakapunta riyan.]
Hindi rin tumagal ang pag-uusap nilang magkapatid dahil pareho silang busy.
Dalawang linggo muli ang lumipas. Under observation pa rin ang condition ni Kataleya ngunit bumubuti na rin ang lagay nito. Mabilis naman ang progress ng muling pagbangon ng buong mundo. Muling umaliwalas ang kaharian ng Slovenia. Unti-unti nang nakakabangon ang mga tao.
Si King Malachi ay nagpapagaling pa. Si Zamanthra naman ay tuluyan nang inalis sa Arma Machine upang makapagpahinga na. Ngunit dahil sa pagmamahal ni Ynca sa anak ay napagdesisyunan nitong ipreserve ang katawan ng bata. Nakalagay ito ngayon sa isang freezer room.
Nasa dungeon pa rin sina Zacario at Flynn, hindi pa inilabas ng konseho ang kanilang release order. Habang si Morry naman ay nakakulong sa isang silid sa dungeon. Ayon na rin sa utos ni Reina.
Ang gusto ng konseho ay agad itong ipatapon sa Gehenna ngunit inutos niyang siya lang ang tanging magsasabi kung kailan iyon. Kaya binigyan ng special treatment si Morry lalo na nang makumpirma niyang buntis ito at maselan ang lagay ng mag-ina. Humina ang kapit ng bata. Kailangan niyang alagaan ang mag-ina dahil sa pangakong binitawan kay Mattheus.
Ngunit nawawala pa rin si Tari.
Gustong-gusto nang lumipad ni Reina pabalik ng Pilipinas ngunit hindi pa siya tapos sa mga ginagawa sa kaharian.
Naglalakad siya papunta sa kulungan ni Morry.
Naabutan niyang nakaupo ito sa duyan habang nagbabasa ng libro. Agad itong nag-angat ng tingin at tipid na ngumiti sa kaniya. Sa pananatili nito sa silid na iyon ay walang emosyon niya itong hinaharap.
"Kanina pa kita hinihintay." Anito saka tumayo.
Malaki ang silid ni Morry at kumpleto rin ito sa gamit. Tila isa itong maliit na bahay.
"Hindi pa tapos, Reina." Pahayag nito, "May kailangan ka pang tapusin."
Hindi na siya nagulat sa sinaad nito.
"Sino?"
"Malalaman mo rin pero gusto kong malaman mo na kailangan ka ni Tari ngayon lalong-lalo na ni Zync. Kailangan mo nang umuwi ng Pilipinas."
"Parte pa rin ba ng kalokohan niyo ito, Morry?" matigas niyang asik.
Umiling ito, "Hindi."
"Then tell me everything, Morry."
Magsasalita na sana si Morry nang isang tauhan niya ang humahangos na lumapit sa kaniya.
"Prinsesa, si Lady Kataleya!"
"What happened?"
Hindi niya na hinintay na masagot ang tanong niya, tumakbo na siya papunta sa ina. Habang kusang ni-lock ni Morry ang silid saka bumalik sa pagduyan.
"God, let your will be done." Bulong nito sa hangin.
**
Naabutan ni Reina na umiiyak ang kaniyang ama habang nakayakap kay Kataleya.
"M-mommy."
Napalingon sa kaniya si Tomeo at umiling-iling ito sa kaniya. Nilapitan niya ito. Lumislis ang suot ni Kataleya dahil sa bigla niyang pagyakap. Nagulat siya sa nakita. May malaking tahi ito sa dibdib.
"W-what happened? Ano'ng nangyari? Dad! What happened?!"
"She wanted to donate her heart for someone." Umiiyak na sagot ng ama.
"W-what? S-sino?"
-End of Chapter 64-
Thank you for reading freaks!
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro