63: MORISETTE
Chapter 63: MORISETTE
Enjoy Reading!
3rd.
Mabilis nakapagtago si Ryleen sa likod ni Reina nang marinig nila ang mabibigat na yabag papasok sa main door ng mansion. Kasabay no'n ay isang pagsipol ng isang maindayog na saliw ng kanta. Ang sipol ay tila nang-aasar sa kung sino mang makakarinig.
"A-ate, she is here." takot na takot na bulong ni Ryleen sa kaniya.
Kalmado naman si Reina at hinintay ang pagbungad ng taong kanina niya pa gustong makaharap. Tinulak niya si Ryleen sa kabilang bahagi ng mesa kung saan malapit sa grand staircase. Pinagkubli niya roon ang dalaga sa gilid, sa may malaking estatwa ng leon.
"Yuhooo!" pakantang tawag nito mula sa labas. Tumigil na rin ang mga yabag nito. "Reinaaa! I'm heeere!"
Muling umalingawngaw ang mga lagatik ng takong sa sahig. Hanggang sa nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Reina. Nakapaskil sa mukha nito ang isang tusong ngisi at nakakalokong kislap sa mga mata.
"Hi, Reina... my queen." Masayang bati nito sa kaniya.
Nakasuot ito ng black leather cat suit. Naka-pusod ang hanggang balikat na buhok. May hawak na baril ang dalawang kamay. Makapal din ang kolorete nito sa mukha. Malayong-malayo sa nakasanayang ayos nito na palaging nakikita ni Reina.
"You look good, Morry." Nakangiting sagot ni Reina na tila walang tensyong namamagitan sa kanila.
"A pixie cut suits you, Reina. I'll try that some other time. I think, I will look better with that. What do you think?" wika nito. Hinahaplos-haplos pa nito ang ulo gamit ang baril.
Napatingin ito kay Olivia na nakahiga sa gilid at walang malay.
"Oh? What happened to my dear mother? Tsk. Inatake na naman ba siya ng sakit niya? Naku naman. Kung saan-saan lang nakakatulog ang isang 'to. Pasensya ka na sa kapangahasan ng aking ina, mahal na Reina." Saad nito at bahagyang yumukod sa kaniya na para bang taos pusong humihingi ng tawad.
Nilapitan nito ang ina.
Nagulat si Reina nang bigla nitong sinipa ang tagiliran ni Olivia nang sobrang lakas kung kaya ay tumilapon ito at bumangga pa sa isang estante. Nagmukha itong manika sa ginawa ng sariling anak.
"Oooops. Sorry mommy!" sigaw nito saka tumawa nang malutong.
"You did that to your own mother?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Reina. Napalingon si Morry rito na may nakataas na kilay.
"Why?" nagtatakang tanong nito. "Did I do something wrong?"
Reina got really shocked of what Morry did. She never thought that her supposedly good friend could be this irrational.
"How could you do that to the woman who gave life to you?!" sigaw niya rito na may nakakuyom na kamao.
Napaismid si Morry, "Ah? That woman?" tinuro nito si Olivia, "It doesn't matter. Wala naman siyang kuwentang ina." Naging bulong ang huling sinabi nito.
"Why?" nasasaktang tanong ni Reina sa matalik na kaibigan, "Bakit mo ginawa ang lahat ng 'to, Morry? Hindi ikaw 'to. Hindi ikaw ang kaibigang nakilala ko."
Nalungkot naman ang mukha ni Morry ngunit ang ngisi sa mga mata ay nanatili.
"Kasi ito ang misyon ko sa buhay, mahal kong Reina." Madamdaming anito. "Misyon kong paglaruan at manipulahin ang mga buhay ninyo. Hahaha!" tumawa ito nang malakas.
Gamit ang nguso ng baril ay pinahid ni Morry ang luhang sumungaw sa kanang mata. Tumahimik si Reina at pinanood lang ito na tila tinakasan ng bait.
Kailan niya nga ba natuklasang isang traydor ang kaibigan at si Olivia na nagpapanggap bilang Mojica?
Natuklasan niya ang lahat ng ito noong bumalik ang ulirat niya bilang Katareina Zavina. Noong mga panahong malapit nang makompleto ni Mojica o Olivia ang procedure. Nagwawala no'n si Reina sa Remedy Mansion. Pinatulog siyang muli ni Olivia at inakala nito ay ilang oras pa siyang magigising. Subalit minuto lang ang naging bisa ng drogang ginamit sa kaniya. Kung kaya nang mag-usap si Morry at Olivia tungkol sa kanilang mga plano ay nagtulog-tulogan si Reina. Narinig niya ang lahat ng katotohanan. Nang makahanap siya ng pagkakataon ay tumakas siya sa Remedy Mansion sa tulong ni Pula. (Referring to Chapter 33: Cherubim)
Ilang buwan siyang nawala at tumungo sa Greece. Sa tulong ng kaibigan niyang si Cronica Mc Leod ay nagawa niyang hanapin sina Ynca at ang tunay na Mojica Olson.
Biglang tumigil si Morry sa pagtawa. Nagpalinga-linga ito, "Teka? Nasaan na 'yon? Nasaan na ang mahal kong kapatid sa ina?"
Nagtiim-bagang si Reina ngunit nanatiling tahimik.
"Fragrance Ryleen Gordonfelio Remedy!" Morry called out her sister in a sing-song manner. "Nakita mo ba si bunso, mahal kong Reina?" usisa nito sa kaniya.
"Tapusin na natin 'to, Morisette. Itigil niyo na ang kalokohang ito." Matigas niyang saad.
Nawala ang ngisi sa mukha nito at napalitan ng pagkainsulto.
"Kalokohan?" Morry snorted. "Paano mo nasabing isang kalokohan ito?! My God Reina! This is a masterpiece! Obra maestra ng pamilya ko 'to! Tapos tatawagin mo lang na kalokohan?! Pinaghirapan naming dalawa ni Olivia ang napakagandang likhang ito?! Isang kapangahasan—"
Hindi na naituloy ni Morry ang lintanya niya nang mala-kidlat sa bilis ang naging galaw ni Reina upang lapitan ito. Hinanda niya ang mga binti upang gawaran ito ng isang puwersadong sipa ngunit hindi niya inaasahang isang wrong move ang nagawa.
Nakita niya na lang ang sariling nakapaloob sa isang malaking trap net at nakasabit sa kesame. Naka-camouflage ang kulay ng net sa kulay ng carpet kung kaya hindi ito agad napansin ni Reina.
Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Morry.
"Got you, my queen!" nang-uuyam na bulalas nito. "Hahahaha! Akala mo ba maiisahan mo ako?! Tsk. Tsk. I am not hailed as the mistress of Wing Organization and as the Eye of Empyreal for nothing, my queen! Nakikita ko lahat ng galaw niyo lalong-lalo na ang sa iyo!"
Napapailing si Morry habang nakatingin kay Reina, "You are the Wing Regal but you are nothing against the Eye, my queen."
"Morisette!" nanggagalaiting sigaw ni Reina.
Hindi na siya naghintay pa ng siyam-siyam, mabilis siyang nakapag-isip ng paraan. Nilabas niya ang mga barya sa bulsa. Mabuti na lang may tatlo pang natitira. Nilusot niya ang kamay sa net saka initsa paitaas ang barya. Nagsimula siyang sumipol.
Patuloy pa rin sa pagtawa si Morry lalo na nang makita nito si Ryleen na nagtatago.
"Oh hello my dearest sister! How are you, baby? Bakit mo pala ako tinakbuhan ha? Alam mo bang ilang araw rin kitang hinanap? Tsk." Nakakalokong bati nito sa dalaga nagsusumiksik sa pinagtataguan.
Napamura si Reina nang mapansing humahakbang na si Morry papalapit kay Ryleen. Sinilip niya ang mga barya na nagpaikot-ikot sa trap net. Napansin niyang tila hindi tinatablin ng mga talim nito ang pisi ng net.
"Dammit!" singhal niya saka nilabas ang thrawan ring at iyon naman ang ginamit.
"Fragrance Ryleen." Pakantang tawag ni Morry. "Lumabas ka na riyan. Nakikita na kita. Ayaw mo namang magalit si Ate 'di ba?"
"N-no." takot na takot na bulong ni Ryleen habang nakayakap sa dalawang nakayuping binti. Pilit nitong tinatago ang mukha sa tuhod.
"Morisette!" galit na sigaw ni Reina upang alisin ang atensyon nito kay Ryleen ngunit hindi siya nito pinansin.
Pinaikot ni Reina ang sing-sing sa pisi ng trap net. Malulutong ang naging mura niya dahil siguradong kapag maputol ng thrawan ang pisi ay madadali siya nito at kung mamalasin ay maaaring mawawalan siya ng parte ng katawan.
Ngunit sa kabila ng maaaring mangyari ay pinagpatuloy ni Reina ang ginawa.
"A-ate Reina!" hiyaw ni Ryleen nang bigla itong sinabunutan ni Morry saka marahas na hinila.
"Nahuli rin kitang bata ka!" tumawa ito ng mala-demonyo.
Nagpumiglas ito ngunit mas malakas ang kapatid. Sinikmuraan ni Morry ang dalaga ng ilang beses hanggang sa nanghina ito. Ilang beses din nitong sinampal si Ryleen.
Tanging impit na pag-iyak na lamang ang nagawa ni Ryleen habang nagmamakaawang nakatingin kay Reina sa taas.
Nang hindi pa rin naputol ng thrawan ang pisi ng trap net ay nag-isip ng ibang paraan si Reina upang tulungan si Ryleen. Napatingin siya sa katabing grandyosong chandelier.
Nilabas niya ang isa pang pares ng thrawan ring. Binato niya ang isa tungo sa handrail ng second floor. Nang masiguro ni Reina na nakakapit na nang husto ang thrawan ay mabilis niyang hinila ito upang maiduyan siya papalapit sa chandelier.
Unti-unti namang bumabaon ang matalim na sinulid sa kahoy na handrail kaya mas binilisan ni Reina ang pagduyan sa sarili bago pa maputol ang kahoy.
Nang matantiya niya ang distansya niya sa chandelier ay pinakawalan niya ang isa pa. Sumilip siya sa ilalim at tiningnan ang kinaroroonan nina Morry.
Samantala, halos hindi na makahinga si Ryleen dahil sa sobrang pag-iyak. Nanginginig na rin ito at sobrang putla na.
"Hindi ko alam kung bakit ikaw ay nagawang mahalin ni Mommy?" nang-uuyam na tanong ni Morry sa kapatid. "Bakit ako? Ako na naging mata niya sa buong kuwento ay hindi niya pinahalagahan?! Marami akong isinakripisyo para rito! Pero bakit mas gusto niyang ipasa sa 'yo ang obra maestra'ng pinaghirapan ko?! Punyeta kang babae ka! Kung hindi dahil sa 'yo, wala sana akong kahati sa lahat ng makukuha ko sa bwiset mong ina! Ako lang ang nag-iisang tagapagmana! Ako lang! Sa akin lahat mapupunta ang kayamanan ng mga Gordonfelio at Stonewell!"
Tumalim ang tingin ni Morry kay Ryleen.
"Wala kang makukuha dahil papatayin na kita! Alam mo bang inis na inis ako sa 'yo kahit pa noong nasa tiyan ka pa ng puta mong ina?! Bakit ikaw pa ang paborito niya eh kung tutuusin walang-wala ka naman sa akin?! Oo nga't isang mayamang negosyante ang ama mo pero walang-wala ang ama mo sa ama ko!"
"A-ate Morry." Ang tanging naisambit ni Ryleen. Mahigpit na pinisil nito ang pisnge ng kapatid.
"Huwag mo akong tawaging, Ate! Nandidiri ako sa isang tulad mo!" dinuraan pa nito sa mismong mukha si Ryleen. "Pweh!"
"Shit." Mura ni Reina nang kaunting-kaunti na lang ay mapuputol na ng thrawan ang kahoy.
Nang matantiya na niya ang dapat niyang gawin ay mabilis niyang inilabas ang isa pang thrawan. Binato niya ito tungo sa itaas ng chandelier. Umikot ito sa ibabaw ng makislap na bagay at malakas niyang dinuyan muli ang sarili kasabay ng pagkaputol ng kableng kumakapit sa chandelier.
Sa pagduyan sa sarili ay natamaan niya ang naputol na chandelier. Kung kaya umiba ang direksyong kahuhulugan nito. Eksakto ito tungo kay Morry at Ryleen.
Nakaharap si Ryleen sa gawi ni Reina kaya napansin nito ang ginawa niya. Gamit ang natitirang lakas ay nagpumiglas ito upang makatakas sa mahigpit na hawak ng kapatid. Tinaas ng dalaga ang isang binti at malakas na tinuhod ang kapatid sa sikmura. Nabitawan ito ni Morry kaya mabilis itong umatras palayo.
Nasapo ni Morry ang sikmura at napasigaw. "Punyeta ka, Ryleen!"
Ilang dangkal na lamang ay babagsakan na si Morry ng chandelier. Ngunit isang malakas na pagtulak ang nangyari. Nabuwal si Morry at napahakbang palayo sa kinatatayuan. Kasabay no'n ay isang nakakabinging pagkabasag ng chandelier at isang impit na sigaw.
"M-mommy?" utal na untag ni Morry nang sa paglingon nito ay nakita ang nabagsakang ina. Naghihingalong tiningnan ni Olivia si Morry.
"Finish the book, Morisette. Make your mommy proud." Mahinang habilin nito bago nalagutan ng hininga.
Ilang sandaling natigilan si Morry. Unti-unting tumayo nang matuwid na may matigas na hilatsa. Tumulo ang luha mula sa nag-aapoy sa galit na mga mata. Nakakuyom din ang kamao nito. Maya-maya pa ay natawa ito nang mapakla.
"Sa kabila ng lahat ng nagawa ko para sa 'yo, hindi pa rin pala sapat para maging proud ka sa akin?" nang-uusig na tanong niya sa inang wala nang buhay. "Hanggang sa huli, wala ka pa ring kuwentang ina."
Dahil sa panghihina ay bumagsak si Ryleen. Ngunit pinilit pa rin nitong makatayo at lumayo pa kay Morry. Nilingon ni Morry ang kapatid at pinanlisikan ng mga mata.
"You're dead." Saad nito na may nagtatagis na bagang.
Samantala, muling sumipol si Reina. Ang nahulog na mga specialized coins sa sahig ay muling na-activate. Nagpa-ikot-ikot ito hanggang sa nakaakyat sa kisame. Gumulong ang mga ito tungo sa parte kung saan naka-buhol ang trap net. Binilisan ni Reina ang pagsipol kaya mabilis itong nagpaikot hanggang sa bumaon ito sa kisame.
Hinanda ni Reina ang sarili sa kaniyang pagbagsak sa sandaling maka-alpas ang mga barya sa sahig ng ikalawang palapag.
Umalingawngaw ang matinis na sigaw ni Ryleen kasabay nang pagkahulog ni Reina mula sa kisame. Napadaing si Reina nang bumagsak sa likod niya ang sementong natipak. Muli niyang narinig ang sigaw ni Ryleen kaya mabilis niyang winasak ang semento.
Sa pagkawasak ng semento ay natanggal ang trap net at nakawala si Reina. Hinanap ng mata niya ang kinaroroonan ng magkapatid.
Sakal-sakal na ni Morry ang duguang si Ryleen.
Agad siyang tumakbo tungo sa dalawa at marahas na hinila palayo si Morry sa kawawang dalaga. Malakas niyang sinuntok si Morry sa mukha pagkatapos ay binigyan ng puwersadong sipa sa tiyan.
Napaigik ito at tumilapon palayo. Binalingan ni Reina ang nanghihinang si Ryleen. Napaupo silang dalawa sa sahig. Sinapo niya ang mukha nito.
"R-ryleen. Open your eyes." Aligagang aniya. "Please, honey. Open your eyes." Mahina niyang tinapik ang pisnge nito.
Nagmulat ang isang mata ni Ryleen habang ang isa naman ay namamaga.
"A-ate." Kahit hinang-hina ay nagsumiksik ito kay Reina na tila naghahanap ng proteksyon. "A-ate, let's go home." Umiiyak na pagmamakaawa nito. Pumipiyok na rin ang boses nito.
Tumulo ang luha ni Reina dahil sa awang nararamdaman kay Ryleen. Sa loob-loob niya ay nagsisisi siya kung bakit pinayagan niyang sumama ito sa kaniya rito sa Slovenia. Naisip niya kasi noon na hindi kayang saktan ni Olivia ang sariling anak gano'n din si Morry sa kapatid ngunit nagkamali siya sa inaakala sa kaibigan.
"A-ate, gusto ko nang umuwi." mahinang saad ni Ryleen. "A-ayoko na rito. T-this place is cursed."
Naramdaman ni Reina ang papalapit na presensya ni Morry kaya mabilis siyang nakatayo at nasalo ang kamao nito.
Ngumisi ito sa kaniya, "Napakagaling mo talaga, mahal kong Reina."
"Tumigil ka na. Patay na ang ina mo kaya tumigil ka na!" nanggigigil na untag niya.
Natawa si Morry, "Bakit? Kung patay ba si Olivia ay patay na rin ako? Ginagago mo ba ako, mahal kong Reina? Hindi ako titigil hanggang hindi ko matatapos ang kuwentong ito. Sayang nga lang dahil maiiba na ang ending ng kuwentong ito. Hindi na magiging happy ending."
"Huwag mong hintayin na ako mismo ang papatay sa 'yo, Morisette! Kahit mahalaga ka sa akin ay kaya kong patayin ka para sa kapakanan ng iba!" bulyaw niya. "Tumigil ka na bago pa maubos ang pasensya ko!'
Binawi ni Morry ang kamaong hawak-hawak niya at umatras palayo. Nanlilisik ang mga mata nito.
"Kung mauunahan mo ako. Bago ako mawala sa mundong ito ay sisiguraduhin kong patay ka rin, mahal kong Reina. Hindi lang ikaw kundi lahat ng mga taong importante sa iyo! Papatayin ko kayong lahat! Walang matitira ni isang karakter sa The Queen's Journal! Tragic ang magiging ending ng kuwentong ito! Walang dugong Clementin o Orlando man ang matitira sa mundong ito! Gano'n din ang iba mo pang kasama. Uubusin ko kayong lahat!"
Napaawang ang bibig ni Reina dahil sa nakikita niyang sitwasyon ng kaibigan, tila nasisiraan na ng bait si Morry. Nakaramdam siya ng awa rito.
"Nakakaawa ka, Morisette." Untag niya kaya natigilan ito na parang bang nabuhusan ng malamig na tubig. "Bakit mo hinayaang mangyari sa 'yo ito?"
Hindi agad nakasagot si Morry.
"Ikaw? Bakit mo hinayaang mangyari ang lahat ng 'to kung alam mo naman pala ang katotohanang nangyayari sa reyalidad?" siniringan siya nito ng tingin, "You knew the truth all along but you had still let me reach this spot. Why did you let me steal thousands of innocent souls for this masterpiece, my queen? Why did you let me ruin and destroy the world if you could have done something to stop me? You could have your favorite bullet kiss my forehead in the beginning but you had let everything fall into my palms."
Humakbang ito papalapit sa kaniya ngunit huminto rin nang ilang dangkal na lang nasa pagitan nila, "Actually, I am not the real manipulator here, my queen. Yes, me and my mother manipulated almost everything but the truth is... you are the real manipulator, mahal kong Reina. You were able to inspire me to make this masterpiece more thrilling."
Reina hissed, "Don't play with my mind using your words, Morisette. Oo nga't nalaman ko ang katotohanan pero ano ang magagawa ko kung napakatagal niyo na pala itong nasimulan? Hindi pa nga ako naipapanganak sa mundong ito ay nagsimula nang maghasik ng kasamaan ang iyong ina. Paano ko kayo mapipigilan kung alam ko namang hindi niyo ako hahayaan?"
"Oo nga naman. Bakit hindi ko naisip 'yon?" napatango-tango pa ito at bahagyang tumawa. "Napakatalino mo talaga, mahal kong Reina. Magkadugo nga tayong dalawa." Nakakaloko itong ngumisi sa kaniya.
Natigilan siya sa narinig.
"Nagulat ka ba?" ani Morry na nagtaas-baba pa ng kilay. "Dapat lang na magulat ka!"
"Ano pa ba ang sekritong tinatago mo, Morisette?" seryosong tanong niya.
"Hmm, actually hindi naman talaga ako interesado sa mga librong 'yan." Tinuro nito ang The Queen's Journal books. "Pero nang makita ko kung ano ang magiging epekto nito sa mga taong tinalikdan ako ay natuwa ako at nagpursiging mapaganda ang magiging takbo ng kuwentong ito, mahal kong Reina."
Saglit itong tumingala na para bang nag-iisip, "Hindi na ako magtataka kung bakit nakaya kong gawin ang lahat ng kahayupang ito dahil katulad mo ay isa rin akong halimaw. Nanggaling din ako sa mga pamilya ng halimaw."
Kumabog ang puso ni Reina at agad nakuha kung ano man nais na itumbok ni Morry.
"Iisang dugo ang nananalaytay sa mga ugat natin, mahal kong Reina. Dugo ng mga halimaw. Hindi ka nag-iisa dahil kagaya mo ay isa rin akong tinalikdang prinsesa ng punyetang kahariang 'to!" dumagundong ang malakas na boses ni Morry pero mas maingay ang pagtibok ng kaniyang puso. "Bago mo pa man maranasan ang sakit ng hindi pagtanggap ng sarili mong pamilya ay naranasan ko na ang lahat ng 'yon, kamahalan! I am a forsaken princess too, my queen!"
Tumawa nang malakas si Morry. Naglabasan ang mga litid nito sa leeg at namumula na ang mukha. Ngunit sumusungaw na ang luha sa gilid ng mga mata nito.
"H-how?" utal niyang sambit.
Naglakad tungo sa kaniya si Morry at umikot-ikot sa kaniya. Pumuwesto ito sa likuran niya.
"Say hi to your real aunt, my queen." Morry whispered. "I am neither a Gordonfelio nor a Stonewell but I am a Clementin."
Isang nakakangilong tunog ang ginawa ng kustilyong hinugot ni Morry mula sa suot nitong boots. Mahigpit nitong hinawakan ang balikat ni Reina saka tinutok ang matalim na kutsilyo sa leeg niya.
Hindi man siya nakaramdam ng takot ngunit nanghihina siya sa mga rebelasyong nalaman. Akala niya kaya niya nang harapin si Morry pero hindi pa pala. Masyado pang nabigla ang kaniyang utak sa mga nalaman mula kay Ynca, Kataleya at Tomeo tapos ngayon ay dumagdag pa ang inilahad ni Morry.
Anak pala ito ng hari kay Olivia. Nakakabatang kapatid ito ni Kataleya. Ito ang nag-iisang kadugo at tunay na tiyahin niya.
Kumikirot na naman ang kaniyang ulo. Napapikit siya nang mariin upang maibsan ang pagkirot no'n.
"Hindi ko naman hinahangad ang korona ng Slovenia pero ang gusto ko ay maging isang ganap na Clementin at iyon ay ipinagkait ng hari sa akin, ipinagkait ng sarili kong ama! Kaya hinayaan kong gamitin ako ng baliw kong ina sa kalokohan niya. Gusto kong pabagsakin ang kahariang ayaw akong tanggapin!"
Nanatiling nakapikit si Reina, nabibingi siya sa mga sinasabi ni Morry.
"Tunay ang naging pagtrato ko sa iyo bilang matalik na kaibigan, mahal kong pamangkin. Dahil nakikita ko ang sarili ko sa iyo. Pareho tayo ng sinapit. Parehong sakit ang na namumuhay sa mga puso natin. Ayaw tayong kilalanin ng sarili nating pamilya at itinuring na kahihiyan para sa kaharian. Kaya kahit ikaw ang reyna na bida ng The Queen's Journal ay inalagaan kita at prinotektahan. Dapat kasi mas malala ang mga sinapit mo pero hindi ko kayang makita kang nahihirapan. Kaso, you've been a bad niece. Kaya kailangan mong parusahan."
Magsasalita pa sana si Morry nang bigla itong napaigik. Nabitawan nito si Reina. Bumagsak si Ryleen pagkatapos nitong isaksak sa likod ng kapatid ang isang matulis na parte ng chandelier.
Nanggagalaiting lumingon si Morry. Tila asong-ulol na mananakmal. Uundayan na nito sana ng saksak si Ryleen nang isang mahigpit na yakap ang natanggap nito mula sa likod.
"M-morisette, nagmamakaawa ako. Tama na." Naluluhang pakiusap ni Reina habang nakasiksik ang mukha sa likod ni Morry, hindi niya alintana ang dugong kumakapit sa kaniya galing sa sugat nito. "Huwag mo nang dagdagan pa ang mga kasalanan mo. Pagod na pagod na ako sa mga karahasang ito, hindi ko na kayang makipagbunuan pa sa 'yo. Hindi na kaya ng katawan kong makipaglaban pa. Tigilan mo na ito."
Natigilan si Morry at nabitawan ang hawak na kutsilyo.
"Tinanggap kita sa kung ano ka, Morisette. Minahal kita bilang isang tunay na kaibigan. Kahit na nagawa mo ang lahat ng 'to ay hindi ko kayang magalit sa 'yo. Kung hindi ka kayang tanggapin ng kahariang 'to, hindi ko naman kayang hayaan kang patayin ng kadilimang naninirahan diyan sa puso mo." Naging masagana ang luha ni Reina.
"Tama na, Morisette. Marami nang mahahalagang tao sa akin ang mga nawala. Ayaw kong pati ikaw ay mawala rin sa akin. M-mahal na mahal kita. Masaya akong nakilala kita bilang isang mabuting kaibigan at kasangga lalo na ngayong nalaman kong magkadugo tayo. Hindi ko hahayaang lamunin ka ng galit mo."
Umiiling-iling pa siya at mas lalong hinigpitan ang yakap kay Morry. Napahagulgol siya.
"R-reina." Lumamlam ang mga mata ni Morry at napayuko.
"Naalala mo ba noong ipinangako mong hindi mo ako iiwan? Na palagi kang nakabantay sa akin, na ikaw ang magiging mata ko sa mundong ito? Umaasa ako sa pangako mong 'yon. Ayaw kong mapunta ang mga salitang 'yon sa wala, Morisette. Kaya sana tuparin mo 'yon hindi bilang isa sa mga lumikha ng The Queen's Journal kundi bilang isang kaibigan para sa akin, bilang isang tiyahin sa nagmamakaawa mong pamangkin."
Yumugyog ang balikat ni Morry. Napakagat labi ito upang pigilan ang hikbing nais makalaya. Hindi rin nagtagal ay lumuluha na rin ito.
Dahil do'n ay bumitaw si Reina, napaluhod naman si Morry. Humagulgol ito at wala sa sariling napasandal sa pader.
"N-napapagod na rin ako, Reina. A-akala ko wala ni isang taong tatanggap sa akin. A-akala ko, hindi isang kaibigan ang tingin mo sa akin kundi isang tauhan lamang. A-akala ko habang buhay na lang akong mag-isa sa mundong 'to. A-ang lungkot-lungkot ko Reina." Saad nito sa gitna ng paghikbi.
"A-ang lungkot-lungkot ko. H-hindi ako kailanman minahal ni Mommy, itinago niya rin ako sa tunay kong ama. N-nang malaman kong ang hari ng Slovenia ang tunay kong ama ay sinubukan kong magpakilala sa kaniya pero tinaboy niya ako. A-ang sakit-sakit dito..." tinuro nito ang dibdib. "...kaya ang gulo-gulo na dito."tinuro naman nito ang sentido.
"M-mas lalo akong nalungkot nang iniwan ako ni Mommy sa training camp ng Wing Organization noong sampung taon pa lamang ako. S-she abandoned me. H-huli ko nang nalaman na siya pala ang sekretarya ng tunay kong ama at mayroon na rin siyang pamilya sa pilipinas. Ni hindi niya ako pinapansin sa tuwing magkakaharap kami sa palasyo. Sa tuwing sinusubukan ko ay sinasaktan niya ako. Kahit nakikita niya akong naghihingalo galing sa isang mission ay parang wala lang sa kaniya. K-kaya nang isa na akong ganap na assassin ay palihim ko siyang sinusundan sa tuwing pumupunta siya sa Pilipinas..."
Nilingon nito si Ryleen na nawalan na nang malay.
"...m-mahal na mahal niya si Ryleen. Ang pinangarap kong atensyon mula sa kaniya ay naibigay niya sa ikalawa niyang anak nang walang kahirap-hirap. I-inggit na inggit ako, Reina. Kaya nang sabihin niyang may gusto siyang ipagawa sa akin ay sinunod ko siya. Naging alipin ako ng sarili kong ina at nagawa ko ang lahat ng 'to dahil winasak niya ito." Tinuro nito ang puso.
Tumingala ito sa kaniya, "Ayaw ko na, Reina. Sumusuko na ako. Titigil na ako."
Napangiti si Reina at pinahid ang luha. Tinanguan niya ito.
"Please, patayin mo na lang ako." Dagdag nito na ikinatigalgal niya.
"No!" malakas niyang asik sabay luhod sa harapan nito. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisnge. "Titigil ka sa kasamaang ito pero hindi ibig sabihin na ang magiging paraan mo ay kamatayan. Naiintindihan mo ba, Morisette?"
Umiling ito, "Papatayin din naman ako ng kahariang ito bilang kaparusahan sa mga nagawa ko. Mas gugustuhin ko pang bawian ng buhay sa mga kamay mo kaysa sa mga kamay ng taong bayan."
"Hindi ka mamamatay. Hindi ko hahayaang mamatay ka, Morisette." Mariing untag ni Reina.
Napapikit si Morry ngunit sa pagmulat ng mga mata nito ay bumalik ang nag-aapoy na galit sa mga ito. Malakas nitong tinulak si Reina. Hindi niya iyon inasahan. Bumagsak siya sa sahig.
Sinakyan siya ni Morry saka mahigpit na sinakal.
"Kung hindi mo ako papapatayin ngayon ay papapatayin ko kayong lahat! Binigyan na kita ng pagkakataong patayin ang demonyong ito, mahal kong Reina! Pero hinayaan mong mangibabaw pa rin 'yang kabaitan mo! Akala mo ba ay may patutunguhan 'yang pagiging maunawain mo?! Wala, mahal kong Reina! Wala!"
"Katareina!" sigaw ni Kataleya nang maabutan ang eksena sa loob ng Royal Mansion. Kahit hindi pa ito gaano'ng nakakarecover ay mabilis itong nakatakbo tungo sa dalawa.
Tumakas lang si Kataleya sa palasyo. Hindi kasi ito mapakali, nararamdaman nitong may masamang nangyayari. Ayaw mawala sa isipan nito ang mukha ni Reina na nakangiti.
Kaya kahit bantay sarado ng mga tauhan ni Reina ay nagawa nitong makatakas gamit ang natutulog nitong abilidad bilang isang matinik na assassin. Ni hindi nito nagawang magpaalam kay Tomeo.
Tama nga ang hinala ni Kataleya. Nasa hindi magandang sitwasyon si Reina.
Mabilis na nakalapit si Kataleya sa kanila at sinipa si Morry sa tagiliran. Nabitawan nito si Reina. Muli itong inatake ng ginang, binigyan ng malakas na suntok sa panga.
Tumilapon palayo si Morry kay Reina. Dinaluhan naman agad ni Kataleya ang anak na naghahabol ng hininga.
"Argh! Mga punyeta kayo!" sigaw ni Morry nang muli itong nakatayo. Hawak na nito ang nabitawang kutsilyo kanina.
Inundayan nito ng saksak sa likod si Kataleya ngunit nagawang hawiin ni Reina ang ina palayo, saka niya sinalo ang mga braso ni Morry habang nakahiga pa rin siya sa sahig.
Muling pumangibabaw si Morry sa kaniya at plano nitong ibaon ang kutsilyo sa kaniyang lalamunan.
Nang makahulma ay lumapit si Kataleya sa kanila saka sinubunutan si Morry. Pinipilit nitong ilayo ang babae sa anak. Nanggagalaiting sumigaw si Morry at biglang humarap kay Kataleya.
Walang habas nitong binaon ang kutsilyo sa sikmura ni Kataleya. Sa haba ng kustilyong hawak ay tumagos pa ito sa likod ng ginang. Nabitawan ng ina ni Reina si Morry.
Ang mas malala pa ay pinaikot pa ni Morry ang kutsilyo sa laman ni Kataleya bago hinugot.
"Masakit ba, mahal kong kapatid?" nakakalokong tanong nito kay Kataleya. "Ha?! Ate Kataleya?! Masakit ba?!"
Dahil sa bigla ay hindi agad nakagalaw si Reina. Ngunit bago pa man saksakin muli ni Morry ang ina ay dinambahan niya ito at mahigpit na hinawakan ang ulo. Walang pag-alinlangan niyang inihampas ito sa sahig.
Kung kanina ay ayaw niya itong patulan at saktan, ngayon ang tangi niyang gusto ay parusahan si Morry.
Hindi niya alintana ang mga hiwang natatanggap mula sa kustilyong hawak pa rin ni Morry. Tatlong beses niya pang hinampas ang ulo nito sa sahig bago nito mabitawan ang kutsilyo. Nawalan ito ng malay na may duguang ulo.
Nanghihinang lumayo si Reina kay Morry at dinaluhan ang inang masama ang lagay.
"K-katareina." Nakangiting tawag nito sa kaniya bago ipinikit ang mga mata.
-End of Chapter 63-
A/N: ANG CHAPTER NA ITO AY ANG HULING KAPITULO NA NAGLALAMAN NG REBELASYON NG MGA NAGTATAGONG MISTERYO SA BUHAY NI REINA. MALAPIT NA ANG PAGTATAPOS NG KUWENTONG ITO.
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro