Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

59: DADDY

Chapter 59: DADDY
Enjoy reading!

3rd.

Dahil sobrang inis ay ayaw nang magmura ni Sia, tila naging matabang na ang mura sa kaniyang dila. Nakakasawa rin pala.

"Oh God! Please cooperate, baby brain!" aniya habang naghahanap ng paraan para malampasan ang mga lasers na nakaharang sa pagitan nila ni Reina na kasalukuyang may kinakalikot sa monitor ng capsule ni Zamanthra.

"Reina." malakas niyang tawag dito gamit ang mababang timbre ng boses.

"Reina." She called her again in a sing-song manner.

Ngunit hindi na talaga siya nito pinansin dahil mukhang nalunod na ito sa ginagawa at alam ni Sia na hindi ang boses niya ang makapagpaahon sa kaibigan. Napasimangot siya at napatingala na para bang nasa kisame ang sagot.

Ngunit tama nga siya! Gano'n na lang ang pagliwanag ng kaniyang mukha nang makitang may butas sa kisame na sigurado siyang doon dumaan si Reina.

"Psh, stress lang ako kaya hindi agad ako nakaisip ng paraan. Exhausted si baby brain." Bulong niya sa sarili saka pinihit ang katawan para lumabas ng Throne Hall upang hanapin ang silid kung nasaan ang butas na nakita.

Ngunit hindi na nabigyan ng pagkakataong makapagmura o makapanlaban si Sia nang isang tubo ang masakit na humalik sa gilid ng kaniyang ulo. Napahiga siya sa sahig nang mahilo at panandaliang dumilim ang kaniyang paningin.

Nakangising nakatunghay sa kaniya ang salarin.

"Hi Iseah." Bati nito, "How are you, shit?"

Sinapo ni Sia ang ulo at mabilis na gumulong palayo sa dumating na kalaban upang tumayo.

Nginisihan niya rin ito nang luminaw na ang kaniyang paningin, "Sabi ko na nga ba, traydor ka. Nirespeto pa naman kita."

"Very good! Do you want me to give you a star, kid?" pang-uuyam nito.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Sia, mabilis niya itong nilapitan para sapakin ngunit mas mabilis itong hinambalos siyang muli sa mukha. Dahil na rin sa hilo na gawa ng unang pagkakahambalos sa kaniya ay hindi na maganda ang galaw ni Sia. Puwersadong-puwersado kasi ang pagkakahampas nito.

Napadapa na lamang si Sia at unti-unting nawawalan ng ulirat. Habang ang traydor naman ay ngiting-ngiting nilapitan si Reina.

"R-reina." Mahinang tawag ni Sia nagbabasakaling pansinin ng kaibigan ang boses niya hanggang sa nawalan siya ng ulirat.

**

Pinilit ni Reina ang sarili para lamang makatayo nang matuwid. The pain has been tolerable now but she was still closing her eyes to regain back her spotless vision. It was indeed a hard hit. Kumikirot din ang likod niya.

"S-sia!" malakas niyang tawag sa kasama na hindi niya na narinig simula pa kanina.

"U-ugh! Sia, say something!"

Nang bumalik na ang huwisyo ay nilibot niya ang tingin sa bulwagan. Wala na ang mga laser strips.

"Sia." Tawag niyang muli sa kaibigan.

Napalatak siya nang makita itong nakahandusay sa sulok at walang malay.

"Sh*t." Sinapo niya ang ulo nang muling kumirot ito. "That damn woman."

"Sia, wake up!" bulyaw niya rito habang naglalakad siya papalapit sa kaibigan. Subalit mas malala ang natamo ni Sia kumpara sa kaniya kung kaya hindi agad ito nagigising.

Namumula ang mukha nito at may dugong umaagos sa ilong pati sa tainga. Magaang hinaplos iyon ni Reina.

"Mamaga ito." Untag niya saka kinapa ang bulsa upang kunin ang cellphone para tumawag ng medic.

Ngunit napamura siya nang wala na ang kaniyang cellphone, daggers at blowgun sa bulsa. Pati ang ibang armas. Ngunit nakahinga siya nang maluwag nang makapa ang limang barya sa bulsa pati na ang mga singsing na suot-suot niya.

Hindi niya napansing na kinuha pala ito kanina no'ng traydor. Sinipat niya si Sia wala na rin ang iba nitong armas lalo na ang pinakamamahal nitong katana, maliban na lang sa tila steel na nakapulupot sa naka-ponytail nitong buhok. Ang extra folded katana ni Sia na palagi nitong dala.

"Just hang on there, Claw. Keep breathing." Bulong niya rito.

Inayos na lang ni Reina ang pagkakahiga ni Sia sa gilid saka bumalik sa harap ng Arma Machine. Sinulyapan niya pa si Zamanthra na ngayo'y nakapikit na.

Pinag-aralan ni Reina ang functions ng mga kableng nakakonekta sa super computer pagkatapos ay binusisi na ang mismong super computer. Nagtaka pa siya kung bakit wala man lang password at hindi naka-activate ang security system nito. Mabilis niyang hinanap ang mismong program ng Project Armageddon.

Napapakagat ng labi si Reina sapagkat nahihirapan siya sa pag-intindi sa mga codes ng program, kung sana ay may malay si Sia ay matutulungan siya nito at kung sana ay hindi traydor ang kaniyang matalik na kaibigan na isang computer genius, mapapadali para sa kaniya ang lahat.

Napangiti nang malaki si Reina nang may nabuksan siyang folder kung saan nakapaloob doon ang mismong program at system ng Project Arma. Napag-alaman niyang mahinang-mahina na ang control system nito pati na ang connection ng Arma Machine sa Ten Arma Towers kung kaya hindi na kontrolado ng Triad ang mga taong may Arma Chip.

Tama ang hinala niyang temporaryo lamang ang bisa nito dahil hindi 100% compatible si Zamanthra bilang carrier. Nahanap ni Reina ang deactivate button ng Project Arma pati na ang self-destruct system ng Arma Machine.

Mabilis niyang na-press ang deactivate button nang makaramdam ng presensya sa kaniyang paligid.

Isang lagabog ang umalingawngaw sa Throne Hall. Agad namang lumingon si Reina. Gano'n na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita kung sino ang taong nakasalampak sa sahig sa gitna ng bulwagan.

"K-katareina." Utal nitong tawag sa kaniya.

Napanganga si Reina at sa mismong bibig na sumagap ng hangin dahil sa tensyong nararamdaman nang muling makita ang taong pinapangarap niyang bigyan siya ng atensyon, ang taong ngayon lang binanggit ang kaniyang pangalan sa harap niya.

"K-katareina, a-anak ko." Anitong muli na may nagmamalabis na luha sa mga mata.

Kumibot-kibot ang mga labi ni Reina at tila batang papaiyak na hanggang sa tuluyang nahulog ang kaniyang piping mga luha. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at nangangatog ang mga tuhod.

"M-mommy." Mahinang tawag niya, naroroon sa kaniyang boses ang takot at pag-alinlangan.

Isang nagsusumamong Kataleya ang nasa harap ngayon ni Reina, nakagapos ang mga kamay at paa nito, nakaluhod habang lumuluhang nakatitig sa anak na tinalikdan. Puno ng pagsisisi ang mga titig ng kaniyang ina at nakikita niya ang pagmamahal doon na simula pa lang ay kaniya nang pinangarap.

Malaki na ang tinanda ng kaniyang ina at hulog na ang pangangatawan nito, nangangahulugan sa kapaitan nitong dinanas.

Naputol ang titigan ng mag-ina nang may malakas na pumalakpak. Tumalim ang tingin ni Reina nang makita ang mukha ni Finamelia Flamenco na nakatayo sa 'di kalayuan, ang babaeng minsan niyang nakalaro noong mga musmus pa lamang siya.

"What a heart breaking reunion." Madramang wika nito na napahawak pa sa dibdib.

Nilingon ni Reina ang monitor ng Arma Machine, wala pa sa kalahati ang ni-loloading ng deactivation process. Dapat hindi niya hahayaang makalapit si Finamelia o isa man sa mga alagad nito na lumapit sa super computer.

Lalo na ngayong napagtanto niyang hinayaan siya ng mga Primus na makalapit sa Arma Machine para mas madali sa mga itong ipalit siya kay Zamanthra at sa kanyang lolo para muling ma-kontrol ang Project Arma. Malaki ang posibilidad na gagamitin ulit siya ng Triad kapag magpabaya siya.

"Did you realize something, Katareina Zavina?" nang-uuyam na tanong ni Finamelia.

Tinaasan niya ito ng kilay at nginisihan, "How about you, haven't you realized that you and your group is now falling into defeat?"

Sumama ang timpla ng mukha ni Finamelie.

"Aba, napaka-hambog mo naman, tinalikdang prinsesa. Eh isa ka lang naman sa mga success projects ng Triad kaya magbigay galang ka sa isa sa mga lumikha sa 'yo." Asik nito sa tonong nag-uutos.

Tumawa si Reina, "Lumikha sa akin? Nagpapatawa ka ba? Tanging Diyos lang ang siyang lumikha sa akin kahit ikaw ay Kaniyang likha rin kaso nga lang, sa demonyo ka nagpahulma kaya ka ganiyan."

"Patay ka na sana ngayon kung hindi ka inalagaan ng Triad!" singhal nito.

Napatango-tango si Reina, "Matagal ko nang tinanggap na mamamatay ako ngunit hinayaan ako ng Panginoon na muling mabuhay sa pangangalaga niyo dahil ako rin ang gagamitin Niyang supilin ang kasamaan ninyo at pabagsakin kayo."

"You're talking too godly, it's irritating." Ismid nito at halos maduling sa sobrang pag-irap.

"And you look so ungodly. You may look well and wonderful on the outside but you are slowly rotting inside. Just like the demons, usually they have the most beautiful faces but you... you are the ugliest thing I've ever seen." Asik niya rin dito.

Reina sounded like a bitch. Kulang na lang ay ang word na 'fvck' ay makakatunog na sila ni Sia na hanep pagdating sa bangayan.

But the truth was... Reina was buying some time. Kailangan niyang pahabain ang kanilang pagbabangayan para bigyan ng oras ang deactivation process ng Project Arma. Hindi dapat ito mapurnada.

Ngumisi si Finamelia, "Just like you? Am I right? You are so beautiful that it feels like you're unreal. Sige, sabihin na nating hindi nga kami ang lumikha sa 'yo pero kami ang nangalaga sa 'yo para patuloy kang mabuhay. You had been taken care by a group of demons and it only means that you... my dear forsaken princess, you are already a demon as well. And the proofs have been shown to everyone's eyes, you can do a killing spree with your bare hands which is only a devil itself can afford to do."

Natamaan si Reina sa sinabi nito pero nanatiling nakataas ang kilay niya rito at pinapakitang mas 'bitch' siya kumpara rito.

"You are definitely right. Pero ilagay mo sa utak mo na... a demon can be killed by its fellow demon. Demons are maybe afraid to those light bringers that can burn them into ashed but let me tell you, Flamenco blood, a demon must be more afraid in the dark. You don't know who's beside you and what might happen to you, it's hard to tell because it's dark." Nakakalokong aniya.

"Are you trying to scare me off, bitch? Well, sorry to disappoint you. You failed! Eeeeng! Try harder bitch." Sabat nito.

Nagtagis ang bagang ni Reina.

"Oh baby, you're too pitiful. Sa sobrang pagkademonyo mo ay naging manhid ka na rin at hindi mo na nararamdamang nalalapnos ka na. Unting-unti na lang ay magiging abo ka na."

Napangisi si Reina na sumama ang mukha ni Finamelia. Halos umusok na ang ilong nito.

"Bakit hindi mo na lang tanggaping wala na ang Triad? Laos na kayo. Talo na kayo. Nabawi ko na ang mga inagaw niyo sa mga tao at ibabalik ko na sa kanila ang mga hiniram niyo. Wala ka nang kapangyarihan, Finamelia. Ang tanging kinakapitan niyo na lang ay ang machine na nasa likod ko na kagaya ninyo ay magiging abo rin ang kahihinatnan."

Nanlisik ang mga mata ni Finamelia, "Kung nagawa niyong mabawi ang ibang teritoryo ngunit hindi ang palasyong ito, Reina. Malapit niyo na ngang maubos ang mga tauhan namin pero sisiguraduhin kong mauubos ang angkan niyo!" sigaw nito. "Walang Clementin ang mabubuhay sa mundong ito! Wala!"

Hinila ni Finamelia ang nakapulupot na belt nito sa beywang na isa pa lang latigo. Napahakbang ng isang beses si Reina nang nilatigo nito ang kaniyang ina na walang magawa kundi magpumiglas. Pumulupot ang latigo sa leeg ni Kataleya.

"Let go of my mother." Utos niya rito na may halong pagbabanta.

Natawa si Finamelia, "Bakit? Nakalimutan mo na ang kahayupan ng babaeng 'to? 'Di ba kahit kailan ay hindi ka niya itinuring na anak? Isa ka lamang dumi sa kaniyang paningin."

Nakalock na ang pintuan ng Throne Hall at kahit may mga tauhan siyang nakapaligid sa labas ay alam ni Reina na hinding-hindi ang mga itong mangingialam sa kaniya sa loob dahil sa mahigpit niyang bilin na huwag papasok ng Throne Hall. Maliban kay Sia na siyang binigyan ng permisong makialam sa kaniyang galaw.

Tinitigan niya ang umiiyak na ina, "Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga ginawa sa akin ng aking ina."

Nanlumo si Kataleya at napatigil sa pagpipiglas. Umiwas ito ng tingin kay Reina at tila nawalan ng pag-asang mabuhay. Kaya bumaling siya kay Finamelia na nakangisi sa kaniya.

"Pero bumaliktad man ang mundo, siya pa rin ang nagluwal sa akin. Siya pa rin ang babaeng tanging tatawagin kong ina. Siya pa rin ang inang pinapangarap kong maging kanlungan ko."

"K-katareina." Paos ang tinig na tawag ni Kataleya.

Inilabas niya ang isang barya saka initsa sa ere. Sumunod ang tingin ni Finamelia roon. Nagsimulang sumipol si Reina ng isang saliw. Na-suspend sa ere ang barya at maya-maya pa ay mabilis itong umikot na tila isang elise.

Nag-tumbling si Finamelia nang humagunos ang baryang umiikot dito nang hindi binibitiwan ang latigong hawak kung kaya mas naging mahigpit ang kapit nito sa leeg ni Kataleya.

Ang inaakala nitong susunod dito ang umiikot na barya ni Reina ay dumiretso ito sa hawak na latigo ni Finamelia. Naputol ang latigo na ikinainis nito.

Mabilis na tinakbo ni Reina ang ina saka hinila ito tungo sa kaniya malapit lang sa Arma Machine, tinulungan niya itong tanggalin ang putol na latigong nakapulupot sa leeg. Pati ang mga gapos sa paa at leeg ay kaniyang kinalag.

"M-mommy. Are you okay?" nag-aalalang tanong niya rito nang ito ay nanahimik at nakatitig lamang sa kaniyang mukha.

Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Kataleya sa kaniya at nagsimula itong humikbi na naging hagulgol. Hindi man ito nagsasalita ay ramdam ni Reina ang nais nitong ipaalam sa kaniya. Puno ng pagsisisi at pananabik ang iyak ng kaniyang ina. Humihingi ito ng tawad.

Niyakap din ni Reina nang mahigpit ang ina. Nagagalak ang kaniyang puso. Marami mang gustong sabihin at isumbat sa ina ay hindi niya pa kayang isatinig ang mga ito. Gusto niyang kusa itong magsalita. Gusto niyang kusa itong magpaliwanag sa mga nagawang hindi maganda sa kaniya ng ina noong bata pa siya.

Napa-igik si Reina nang may bumaon sa kaniyang hita. She hissed when she remembered Finamelia was still there. May dagger na nakabaon sa kaniyang kaliwang hita. Napamura siya nang hinila ni Finamelia ang manipis na tanikalang nakatali sa handle ng dagger.

"Psh." Finamelia hissed nang tila wala man lang kay Reina ang ginawang atake niya. Hinugot nito ang baril sa tagiliran saka tinutok sa mag-ina.

Nilabas ni Reina ang isang pares ng Thrawan Ring at ibabato na sana kay Finamelia nang biglang mahulog ang ulo nito sa sahig, gumulong pa ito papalapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Reina. Siya rin ay nabigla sa nangyari.

Sa pagkatumba ng katawan ng ikatlong Primus ay bumungad sa kaniyang tingin ang nakayukong si Sia na kumukuha ng suporta sa ginawang sungkod na duguang katana. Nagmumukha itong si Sadako dahil nakabungayngay na buhok na nakatabon sa mukha.

"Fvck. Fvck. Fvck." Paulit-ulit nitong sambit habang nakahawak sa pisngeng namamaga. "Fvck. Fvck. I think I have a fvcking broken cheekbone." Usal pa nito na tila nilalamon ang bawat salita. Halos hindi na nito maibuka ang bibig.

Sa pag-angat nito ng tingin ay nahawi ang buhok nitong nakatabing sa mukha. Nahabag si Reina sa hitsura ni Sia. Magang-maga ang kanang pisnge nito na nag-uube na ang kulay.

"Kumpleto pa ba ang mga bagang mo?" nag-aalalang tanong niya rito.

Nanlisik ang mga mata ni Sia, "Ang wisdom tooth ko kakatubo pa lang pero nakaranas na ng karahasan. Punyeta ang babaeng 'yon!" angil nito na parang nilalamon pa rin ang bawat salita.

Nakahinga nang maluwag si Reina nang makitang patay na si Finamelia. Wala sa plano niyang patayin ito sapagkat ay gusto niyang iparanas sa mga Primus ang panghabang buhay na paghihirap bilang kaparusahan sa mga nagawa. Kaso, si Sia na ang humatol. Walang siyang magawa, kundi ang pagbigyan ito lalo na't nagngingitngit ito sa galit dahil sa sinapit ng mukha nito.

"Mommy?" tawag niya sa ina nang hindi na ito gumalaw at tumigil na sa pag-iyak.

Humiwalay siya ng yakap. Nakatulog na pala ang ina sa kaniyang bisig, pantay na ang paghinga nito na tila ba ngayon lang muli nakatulog. Hinaplos niya ang pisnge ng ina. Napangiti siya sapagkat ngayon lang niya naranasang mahaplos ang ina.

Ini-imagine niya pa noon na makatulog sa bisig ng ina ngunit ngayon ay ang ina ang nakatulog sa kaniyang bisig.

"Kung makangiti ka, akala mo hindi ka inapi niyan noon. Tss." Angil ni Sia na nanonood sa kanilang mag-ina.

Inihiga niya sa gilid si Kataleya, inutusan niya rin si Sia na bantayan ito. Hindi na rin ito nagreklamo, sumalampak ito ng upo sa gilid at iniinda ang mukhang minalas.

Binalikan ni Reina ang super computer. Kailangan niyang matapos ito agad bago pa sumulpot ang head primus na siyang pinakahihintay niya.

Malapit na malapit na lang ay mako-complete na ang deactivation ng program ngunit biglang pumula ang screen, kasing pula ng dugo ito at tila tunay na dugo na umaagos sa screen ng computer. Napalayo siya sa rito nang biglang may nag-play na video.

Sa isang tila interrogation room ay nakaupo sa isang silya sa gitna si Kataleya habang sa may gilid naman ay nakasalampak ang hari at ang ama ni Reina na si Douglas. Kapwa walang malay ang mga ito at nakagapos.

Base sa pangangatawan ng mga ito ay matagal na ang video. Parang noong bago pa lamang sinakop ng Triad ang Slovenia.

Maya-maya pa ay unang nagising si Douglas. Nagpalinga-linga ito at bumakas sa mukha nito ang pangamba. Bumuka ang bibig nito na tila nagsasalita ngunit walang audio ang video.

Nakatingin si Douglas kay Kataleya at sinusubukang itong gisingin. Subalit ang haring katabi nito ang nagising. Nagsalita rin ito. Natigilan lang ang mga ito sa pag-uusap nang may pumasok sa loob ng silid.

Bumungad ang mukha ni Finamelia sa video. Nakangisi itong pinanood ang mga bihag. Sumunod ding pumasok ay si Queen Given.

Kinausap ng dalawang bagong dating si Douglas. Tahimik namang nagmamasid ang hari. Base sa mukha ng ama niya ay hindi nito nagugustuhan ang sinasabi ng dalawang babae. Maya-maya pa ay tila bumubulyaw na ito.

Mas lalo itong namula sa galit nang pinaharap nila ang upuan ni Kataleya sa dalawang lalaki at pumuwesto sa likod nito ang dalawang Primus. Binuhusan ni Finamelia ng tubig si Kataleya kung kaya ay nagising ito at nagsimulang magwala. Hindi mabilang kung ilang beses sinampal ni Queen Given si Kataleya para tumahimik.

Nagpupumiglas rin ang dalawang lalaki ngunit hindi naman magawang makaalis sa pagkakatali.

Napasinghap si Reina at napahawak sa dibdib nang nilapitan ni Finamelia si Douglas. Hinawakan ng babae ang ulo ng kaniyang ama, akala niya ay sasakalin ito ngunit hindi. May kung ano'ng hinihila roon si Finamelia.

"Humus maskera." Bulong ni Reina sa sarili.

Buong puwersang hinila ni Finamelia ang balat ni Douglas mula sa leeg hanggang sa mukha. Napanganga si Reina nang makita ang mukha ng taong nagtatago sa mukha ni Douglas Olson.

"Tomeo Ares." Wala sa sariling untag niya habang titig na titig sa mukha ng lalaking nanlilisik ang mga matang nakatingin sa dalawang Primus.

Tumatawa sina Finamelia at Queen Given habang si Kataleya naman ay natulala, naging matigas naman ang hilatsa ng hari.

"Anak ko." Isang baritonong boses ang tumawag kay Reina mula sa kaniyang likuran na pumukaw sa kaniyang atensyon. Tumagos ang tingin niya sa screen ng computer.

Nanigas si Reina at napakuyom ang kamao. Sinulyapan niya ang kinaroroonan nina Sia, nakatulog na rin ito sa tabi ni Kataleya.

"Katareina, anak." Kilalang-kilala ni Reina ang boses na iyon. Ang malambing na boses na palagi niyang naririnig noong bata pa siya. Ang boses na humihele sa kaniya sa pagtulog at nagpapatahan sa kaniya sa tuwing siya ay umiiyak dahil sa ina.

"B-baby." Tawag nitong muli. "My princess Katareina." Masuyong tawag nitong muli.

She reminded herself that she was still inside the palace where the demons of her life reside. A thought came into her senses that this was one of her enemies' schemes to toy her. The video and the man who was standing meters away from her were enough proof for Reina that the remaining Primus was trying to get into her to make her guards down. And she won't let the head primus take over again and use her to its benefit.

Napayuko si Reina at nanginit ang mga mata. Pinihit niya ang katawan upang harapin ang kanina pang tumatawag sa kaniya.

Tumambad sa kaniya ang isang makisig at guwapong lalaki na nasa early 50's na ang edad, blonde ang buhok nito at kulay olive ang mga mata. Maayos ang pananamit nito at tila hindi man lang tumanda. Malamlam ang mga matang nakatingin ito sa kaniya, naroroon ang pangungulila at pananabik.

Nakatayo ito ilang metro ang layo sa kaniya. Nagngitngit ang mga ngipin ni Reina.

"B-baby." Tawag nitong muli na may alanganing ngiti na tila tinatantiya ang magiging reaksyon niya. "I missed you."

"Who are you?" walang kabuhay-buhay niyang tanong dito.

Mapait itong ngumiti, "It's me, baby. Your daddy."

Natawa nang mapakla si Reina, "You are not my father!" singhal niya rito na puno ng hinanakit.

Umiling-iling ang lalaki, "N-no baby, I am your father."

"You are not Douglas Olson."

"He's not your father, baby, You are mine, you came from me! You are my daughter! You and your siblings came from me." Pangungumbinsi ito. "I am your daddy, baby. Please believe me. I missed you so much."

"Douglas Olson is my father and you are not him. You are Tomeo Ares! The man who played on my mother! You were the one who ruined her! You were the man who planned to pull down Slovenia! You were the one who wanted to avenge my family for the death of your mother!" asik ni Reina rito.

Tuluyang tumulo ang luha sa mga ni Tomeo Ares.

"Ako ang ama mo, Katareina at ng iyong mga kapatid. Anak kita. Sa akin ka nanggaling." Mahinang pagsusumamo nito sa kaniya.

"Do you think I would believe you?! You can't fool me! You are the leader of Ares Clan and so you are the Head Primus of Triad! Pinaibig at pinasakay mo ang aking ina para maghiganti sa amin pero nahuli ka ni Lolo. At ngayon, bumalik ka pala para paglaruan kaming lahat! Nasaan ang ama ko?! Where's my daddy?! Ano ang ginawa mo sa kaniya?!"

Yumuko si Tomeo. Akala ni Reina ay susunod niyang maririnig ay ang tawa nitong mala-demonyo ngunit ang pananangis pa rin nito ang naririnig niya. Nagulat pa siya nang lumuhod si Tomeo habang humahagulgol.

"A-ako 'to, anak. T-this is daddy." Mahinang wika ni Tomeo sa gitna ng pag-iyak. "I-I'm your daddy."

Ngunit hindi naniniwala si Reina. Alam niyang pinaglalaruan lamang siya ng taong ito. Puno ng galit niyang nilapitan ito at sinuntok sa mukha. Sa lakas ng kaniyang suntok ay tumilapon ito.

Marahas niyang ito hinila at pinilit pinatayo. Umiiyak itong nakatingin sa kaniya na puno ng pagmamakaawa ang mga mata. Hindi mawari ni Reina kung ano ang pinagmamakaawa nito sa kaniya.

Sinuntok niya ulit ito ng ilang beses sa mukha saka sinipa sa may dibdib. Malakas itong sumalpok sa pader at lupaypay na dumaosdos sa sahig.

"Demonyo ka! Demonyo ka! Pinaglaruan mo kaming lahat! Maraming buhay kang sinira at ninakaw! Pinaglaruan mo ang pamilya ko! Mas masahol ka sa hayop! Punyeta ka!" sinipa niya ito sa sikmura. "Pagbabayarin kita!"

Dumaing si Tomeo ngunit ang mga mata nito ay nakasunod lamang kay Reina. Hindi ito umiiwas sa atake ni Reina. Tinatanggap lang nito lahat ng sakit sa katawan.

"M-my princess." Mahinang saad nito.

"Ano ha?! Lumaban ka! Huwag kang umarte dahil alam kong naghihintay ka lang para muling gamitin ako para sa kasakiman mo! Bakit hindi mo na lang tanggaping talo na kayo?! Patay na ang ikatlong Primus mo at hawak ko ang pangalawa pa! Wala ka nang puwersang, hayop ka!" dinuro-duro ito ni Reina. Tila nag-aapoy ang mga asul niyang mga mata.

Umiiling ito sa kaniya at patuloy sa pagtulo ang luha.

"H-hindi anak. Mali ka. H-hindi ako—" malakas niya itong sinapak.

"Tumigil ka." Matigas ang tinig na aniya rito. "Tumigil ka!"

Ngunit ang sunod na nangyari ay kinagimbal ni Reina.

Nabigla siya nang tumayo si Tomeo at mahigpit siyang niyakap para pihitin ang katawan. Nakangangang pinagmasdan niya ang mukha nitong bugbog sarado at nakangiwi. Sinilip ni Reina sa gilid ng mukha ni Tomeo ang taong nakatayo sa likuran nito.

Kinapkap ni Reina ang kamay sa likod ni Tomeo, nanginginig ang kamay niya nang mahawakan ang nakabaon na hunter's knife ro'n.

"M-my princess Katareina Zavina." Bulong ni Tomeo sa kaniya, "P-please. M-maniwala kang ako ang ama mo. M-mahal na mahal kita."

Tumuon ang tingin ni Reina sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan sa kanila. Nakasuot ito ng black suit saka black full mask. Tanging mata lamang ang nalalantad. Kitang-kita ni Reina sa mga mata nito ang mala-demonyong ngisi.

Nayakap ni Reina si Tomeo nang bumigat ito. Napaiyak siya habang sinusuportahan ang bigat ng nanghihina nitong katawan. Nanlalabo ang mga tingin niya dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman.

Nagsasabi ba talaga ito ng totoo na ito ang ama ng mga anak ni Kataleya?

Dahil sa litong naramdaman ay hindi na napansin ni Reina ang galaw ng mga tao sa kaniyang paligid. Nagising na si Kataleya at kitang-kita nito ang paghugot ng lalaking nakamaskara ng isa pang kutsilyo at itinayang ibabato kina Tomeo.

"Huwaaag." Mahinang sigaw nito.

Dali-daling tumayo si Kataleya kahit nanghihina na rin ito saka tumakbo para salubungin ang talim ng kutsilyo. Gamit ang likod ng palad ay hinawi nito ang kutsilyong tila balang humahagunos tungo kina Reina kaya nag-iba ng direksyon ang kutsilyo. Ngunit nahiwa ang kamay ng ina ni Reina.

Napaupo ito sa sahig dahil sa nanghihinang tuhod.

"K-katareina. Come back to your senses!" sigaw nito sa kaniya.

Napaigtad si Reina at napahugot nang malalim na hininga.

"Mommy?" wala sa sariling tawag niya sa may-ari ng boses na sumigaw.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakasalampak na sa sahig si Kataleya lalo na nang makitang nakatayo na sa likod nito ang taong nakamaskara. Sinabunutan nito si Kataleya.

Tatakbo na sana si Reina nang maalalang yakap-yakap pa rin pala niya si Tomeo na wala nang malay. Nahabag siya sa bugbog saradong mukha nito. Nakatagilid na pinaupo niya ito sa gilid.

"Who are you?" matigas na tanong ni Reina sa lalaking naka-maskara. Hawak na nito ang ina niya sa leeg. Pinatayo nito si Kataleya saka niyakap mula sa likod. Naglabas ulit ito ng kutsilyo saka tinutok sa leeg ng ginang.

"I said who are you?!" sigaw ni Reina.

Isang mala-demonyong halakhak ang tinugon nito sa kaniya. Nakakakilabot ang tawa nito na puno ng panganib.

"H-head P-primus." Utal na wika ni Kataleya, nakatitig ito sa kaniya.

Halos lumuwa ang mga mata ni Reina at wala sa sariling napalingon kay Tomeo Ares na walang malay at bugbog sarado. Nakaramdam siya ng konsensya at galit sa sarili dahil sa ginawa rito.

Kung hindi ito ang head primus, sino ang taong nasa likod ng maskara ng pinuno ng Triad?

-End of Chapter 59-

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro