Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

58: ZAMANTHRA

Chapter 58: ZAMANTHRA
Enjoy reading!

3rd.

Slowly... like it was taking its time, the door of the refectory was closing too slow, giving Reina and Queen Given time to stare into each other's eyes. The injured queen was sitting on the floor inside while Reina was just standing straight an inch away from the door.

There was relinquishment painted on the queen's face and a translucent victory was now crowning Reina, but it's not yet the right time to raise the flag of triumph because Queen Given Zenon was the weakest spot of Triad. There are more waiting for her, there are more that Reina needed to pass through to make the crowning victory vivid.

When the door kissed its frame blocking their stares, she closed her eyes. She could hear Sia's aggressive growls and her slashing sound of the amazon's hungry katana, the continuous clashing music of weapons, the hurting moans of the preys, the determine howls of the attackers... were all just behind her. Melody of the war.

She opened her eyes with fury evident on it.

"I'm here to redeem everything." She whispered.

Pumihit si Reina pakanan at naglakad tungo sa throne hall ng palasyo. Hindi pinapansin ang mga naglalaban sa hallway, isa na roon si Sia.

Her comrades started the attack inside the palace after giving them the final order, hindi nakaporma pa ang mga tauhan ng Triad dahil sa hindi inaasahang bilang ng mga tauhan ni Reina na nakapalibot sa buong palasyo.

"Stop messing with me, my friend. You'll not gonna like what would I give you in return after I'm done here." She hissed referring to the traitor who was behind all these mess.

Hindi pa rin humuhupa ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawa nito kay Queen Given. Isang malaking insulto ang ginawa nito para sa kanya. Hindi man lang napansin ni Reina na kontrolado pala ang mga royal guards and servants sa loob ng refectory kanina.

Huli niya na napansin that they were monitored inside. Nagngingitngit ang loob niya sa isipang tuwang-tuwa ang traydor sa naging palabas nito kanina.

Isang CCTV camera ang kaniyang nadaanan, hinarap niya ito. Matalim ang mga tingin ni Reina.

"Hinayaan kitang lumaki sa puder ko, inalagaan at pinagkatiwalaan. Ngayong tuluyan ka nang lumaki, namimihasa ka na. Just wait for me and I'll voluntarily proofread your family's damn legacy. You'll have your final judgement, mad writer." Bulong niya.

Hindi man naririnig ng taong nakaharap ngayon sa monitor na nakakonekta sa mga CCTV cameras na nakakalat sa palasyo ay alam ni Reina na alam ng taong iyon ang ibig sabihin ng kanyang titig... titig ng pagbabanta.

"Ohhh. I'm scared, my friend. I'm scared. Galit ka na ba?" the traitor giggled looking at the monitor where Reina's raging face was focused.

Isang matamis na ngiti ang iniwan ni Reina sa camera bago nagpatuloy sa paglalakad tungo sa Throne hall.

Ginalaw-galaw ni Reina ang mga daliri sa magkabilang kamay. Tinapat niya ang magkabilang palad sa isa't-isa at sabay na pinindot gamit ang hinlalaki ang button na nasa gitna ng suot na gloves.

Sa mga daliri, maliban sa dalawang hinlalaki, ay suot-suot ni Reina ang walong singsing na minsan niya nang ginamit sa pakikipaglaban. Ang mga alahas na iniregalo ni Tamara sa kanya noon.

Thrawan Rings. After pressing the buttons, specialized threads came out from the rings and found its way to the other threads. It was like each thread was magnetized to tie into each other.

Inunat ni Reina ang dalawang kamay, kaya humaba rin ang mga sinulid na nasa pagitan.

Isang lalaki ang palihim at maliksing lumapit sa naglalakad na si Reina. Inumang ng lalaki ang malaking kamao para sapakin siya sa mukha ngunit laking gulat nito nang hindi pa man gaanong nakakalapit ang kamao sa kaniya ay tila may invisible laser strips na humiwa sa kamao ng lalaki tungo sa braso nito.

Napaatras ang lalaki palayo kay Reina na nakataas pa rin sa harapan ang dalawang magkaharap na palad. Nagsisigaw ito dahil sa sinapit ng mga kamay at braso. Naputol pa ang ilang daliri nito. Nagmukhang sliced ham ang bahaging iyon ng lalaki.

Isang ngisi ang ibinigay ni Reina saka pinitik papunta sa lalaki ang isang singsing na hinubad. Natuwa pa ang lalaki nang hindi naman ito tinamaan ng singsing na pinitik ni Reina, ngunit laking gulat nito nang umikot pala ang singsing sa likuran nito at tila may isip na tumilapon pabalik kay Reina.

Sinalo ni Reina ang singsing at mahigpit na kinuyom palad saka ginalaw lang ng kaunti ang hintuturo para hilahin pabalik ang sinulid na humaba. Kasabay no'n ay ang pagkaputol ng ulo ng lalaki. Napugutan niya ang lalaki gamit ang kaunting paggalaw ng mga kamay.

Napaatras palayo kay Reina ang mga nakakita sa kanyang ginawa. Tila gumagamit siya ng kung ano'ng mahika sa mga mata ng mga nakasaksi. Takot na takot silang lumapit sa kaniya.

Ngunit nakatanggap ng order ang mga ito na sugurin si Reina kaya walang magawang nagsitakbuhan sila tungo sa kanya para umatake bitbit ang kaniya-kaniyang armas.

Subalit gaya ng ginawa kanina, pinitik ni Reina ang apat na singsing sa kaliwang kamay tungo sa kung saan walang nakapuwestong kalaban sa kaniyang kaliwang gawi. Kinumpas niya ang kanang kamay pakanan kaya ang pinitik na mga singsing na nasa ere pa ay ay lumipad din tungo pakanan sa likuran ng mga kalaban.

Itinaas niya ang kanang kamay upang pabalikin sa kaniya ang delikadong ahas.

Mas lalong napangisi si Reina nang sumulpot sa gilid ng kalaban na nasa dulo sa kanan ang mga singsing, naunahan pa ng kaniyang mga laruan ang kalaban sa paglapit sa kaniya. Gamit ang kaliwang kamay ay sinalo niya ang apat na singsing.

Natigilan ang mga kalaban sa pagtakbo nang makaramdam ng hapdi sa kanilang mga balat sa likod. Laking gulat ng mga ito na may punit na ang kanilang damit sa likurang parte.

"Nice." Reina said. Mahigpit niyang kinuyom ang dalawang palad para hilahin pabalik ang mga sinulid na inikot sa mga kalaban.

Tila manananggal ang mga ito pagkatapos ng kaniyang ginawa. Nahati sa dalawa ang katawan ng mga kalaban. Higit sampu ang mga ito ngunit isang atake sa loob ng ilang segundo lamang ang kaniyang kinailangan gamit ang kaniyang maliliksing kamay.

"Wow." Untag ni Sia sa nasaksihan. "Ano 'yan? Mas fvcker pa 'yan sa katana ko ah!" namamanghang usisa nito sa mga singsing na kaniyang ginamit. Kibit-balikat ang kaniyang sinagot sa kaibigan kaya bumusangot ito.

"Yabang talaga. Hmpf." Anito saka nagpatuloy sa pakikipaglaban.

Dahil wala nang harang na mga kalaban sa kaniyang daan ay mabilis na tinungo ni Reina ang throne hall.

May sumalubong sa kanyang mga kakabaihang sakop ni Chantaria sa Sayufara. They're in their white amazon warrior suit. Yumukod ang limang Sayufara's eves sa kanya. Ang limang babaeng ito ang namumuno sa unit na tumutulong sa kanilang dalawa ni Sia sa buong palasyo.

"Reina." Untag ng isa sa kanila, "Nalibot na namin ang buong palasyo ngunit hindi pa namin nakikita ni isa sa iyong pamilya."

"Subalit hindi pa namin napapasok ang throne hall pati na ang basement at dungeon kung saan naroroon ang mga bihag." Dagdag pa ng isa.

"We couldn't able to open the threshold, Reina. Only Clementin blood can open the locks of those doors." Ani pa ng isa.

"Wala rin sa palasyo ang dalawa pang Primus pati na ang ilang matataas na opisyal nila. Hindi pa rin namin nahahanap kung nasaan naroroon si Terrence Flamenco pati ang kanyang grupo. Gano'n din si Aly Cortez."

"Pero huwag ho kayong mag-alala, Reina. Hindi makakalabas ng bansa o kahit dito sa sentro ang dalawang Primus."

"Tumawag din po si Chantaria sa amin, gusto niya pong malaman mo na papunta na sila sa Secret City para sa mga nagtatagong survivors. Hindi niya na nagawang direktang itawag sa 'yo dahil ayaw niyang maistorbo kayo, Reina."

Tumango si Reina saka binigyan ng tipid na ngiti ang limang babae at nagpasalamat. Mabilis na umalis sa kanyang harapan ang lima. Ilang hakbang pa ay nasa harapan na siya ng bulwagan kung saan nangyari ang larong namagitan sa kanilang dalawa ni Tari.

Ito ang pikamalaking activity room ng palasyo o mas madalas tawagin nilang Throne Hall. Dito madalas ginaganap ang malalaking pagpupulong ng konseho ng kaharian at mas gusto ni King Malachi ang manatili rito kapag ginagawa ang kanyang responsibilidad bilang hari.

Noong hindi pa nasasakop ang Slovenia ay itinuturing ng mga taga-palasyo ang Throne Hall bilang sagradong bulwagan lalo na noong panahong natapos ang laro sa pagitan ng kambal. Mahigpit na ipinagbawal ng hari ang pagganap ng kahit ano'ng selebrasyon o maiingay na pagsalo-salo sa pinakamalaking bulwagan bilang pagrespeto sa unang isinilang na kambal ng buong angkan ng Clementin.

Hindi mawari ni Reina kung ano ang nararamdaman na ngayon ay muli siyang nakatayo sa harap ng silid na naging saksi sa larong iyon. Sa loob nito ay noon niya naramdaman ang labis na kalungkutan at sakit na dinulot sa kanya ng mahal niyang kakambal.

Ang matatalim na tingin at mga salita nito ay muling nanariwa sa kanyang isipan. Ang napakatigas na puso ng kanyang lolong hari na ni hindi man lang binigyan ng importansya ang buhay nilang dalawa ni Tari sapagkat mas binigyan nito ng halaga ang tradisyon ng pamilya.

Masusing sinipat ni Reina ang malaking harang ng lagusan papasok, gawa ito sa pinakamatibay na kahoy at puno ng palamuting ginto at diyamante. Napakagarbo ng pintuan, nagpapahiwatig lamang na ito ay pang-maharlika.

Sa gitna ng dalawang dahon ng pintuan ay magkatabi ang dalawang bagay na tila doorknob na gawa sa ginto, sa pagitan ng mga ito ay isang maliit rectangular DNA scanner na tanging Clementin blood lang ang kinikilala. Espesyal na ipinagawa ito noon ng hari.

Itinaas ni Reina ang kanang kamay saka inumang ang hintuturo sa scanner. Hindi pa man nakakalapat ang kanyang daliri ay may umusli na maliit at matulis na bagay rito. Tinusok niya ang kanyang hintuturo at nang makagawa na ng sugat ay kusang bumalik paatras ang karayom.

Nilapat ni Reina ang dumudugong daliri. Namangha pa siya nang tila hinigop ng maliit na butas na nilabasan ng karayom ang kanyang dugo. Mas lalo siyang namangha nang nagsikislapan ang mga palamuting diyamante ng pinto.

Maya-maya pa ay may lumabas na red light scanner na tumakbo pabalik-balik sa buo niyang katawan. After minutes, she heard the unlocking sound of the door.

Binaba niya ang kamay at ilang ulit humugot ng malalim na hininga para ihanda ang sarili sa maaaring mabungaran sa loob ng sagradong bulwagan. Nang handa na ay itinapat ni Reina ang dalawang palad sa dalawang dahon ng pintuan para itulak pabukas.

Subalit may mas nauna sa kanyang buksan ang pinto.

"Ooops. Sarreh." Pang-aasar ni Sia na nakatayo na pala sa kanyang tabi. Sinipa nito pabukas ang pinto. "Ang tagal mo eh. Naiinip na ako!" angil nito. Nakapatong sa balikat nito ang dumudugong katawan ng katana na hawak.

Sinarili na lang ni Reina ang inis sa ginawa ni Sia. Pero nang humakbang papasok si Sia ay mabilis niya itong hinila pabalik sa puwesto.

"Fvck! Ano ba?!" maktol ni Sia pero ito'y napanganga nang ituro ni Reina ang nahulog panyo ng babae. Gutay-gutay na itong lumapag sa sahig. Doon lang napansin ni Sia ang napakaraming laser strips sa bungad pa lamang.

"Ede wow." Ani Sia. "Thank you ha." Sarkastikong anito sa kanya.

Napailing na lang siya at nilibot ang tingin sa buong bulwagan. Natulos siya sa kanyang kinatatayuan nang makita kung ano ang nakapuwesto sa dulo ng bulwagan, kung saan nakapuwesto noon ang trono ng hari at reyna, pati na ng prinsesa. Ngayon ay wala na ang mga pangmaharlikang upuan kundi ay napalitan ng dalawang malalaking containment tube o chamber capsule.

Sa pagitan ng dalawang capsule ay isang super computer. Puno ng kable at iba't-ibang machines and monitors ang nasa paligid nito. Sa base ng dalawang capsule ay may kanya-kanyang monitors na nakakonekta sa dalawang tao na nasa loob ng mga nito. Naka-activate o naka-on ang lahat ng mga ito.

Tuluyang napanganga si Reina nang makilala ang taong nasa kanan na capsule. Nakasuot lamang ito ng puting square pants. Puti na rin ang lahat ng buhok nito. Maraming aparato ang nakakabit sa buong katawan ng lalaki. Kahit matanda na ay angkin pa rin nito ang kakisigan at kahit nakapikit ay nag-uumapaw pa rin malakas na aura ng lalaking malaki ang parte sa buhay ni Reina.

"Fvck. What have they done to our King?!" bulalas ni Sia.

Kusang tumulo ang luha ni Reina. Ayaw matanggal ng kanyang tingin sa taong ni minsan ay hindi nagpakitang mahalaga siya, ang taong nagbigay sa kanya ng sama ng loob ngunit kanyang nirerespeto at hinahangaan... si King Malachi Alexandrous. Siya ang nasa loob ng containment tube sa kanan.

Walang malay ang matanda at hindi alam ni Reina kung gaano na ito katagal na nasa loob ng sinusumpa niyang machine na ilang beses na niyang napasukan.

"Sino ang batang 'yan?" anas ni Sia. Napakurap si Reina saka pinilit iniwas ang tingin sa kanyang lolo.

Nagsalubong ang kanyang kilay nang makita ang taong nasa kaliwang capsule. Isang batang babae! Nakasuot ito ng puting sando at manipis na pajama. Napakahaba ng itim nitong buhok na lagpas na siguro sa talampakan. Sobrang putla ng balat ng bata. Kung hindi lang sa heart monitor na nakakabit sa capsule ay aakalaing patay na ito at naka-preserve na lamang.

Pamilyar ang mukha ng batang babae. Nanlaki ang kanyang mga mata at nagkatinginan sila ni Sia.

"Kamukha ng anak mo!" bulalas ni Sia.

Ibinalik niya ang tingin sa bata. Isang ideya ang kanyang naisip tungkol sa katauhan ng bata. Binalingan niya ang super computer na nasa gitna ng dalawang capsules.

"It's the Arma Machine." Mahinang aniya, "Silang dalawa ang pinalit nila sa amin ni Zync. Si lolo at ang batang iyan. Ibig sabihin kadugo ni Zync ang batang 'yan."

"Siya kaya ang batang sinasabi nilang panganay ni Ynca?" ani Sia.

Tumango siya, "Wala na akong may ibang naiisip kung sino ang batang 'yan kundi siya ang namatay na nakakatandang kapatid ni Zync na sinabi ni Queen Given."

"Fvck. Kung matagal na siyang patay, bakit-" napapikit si Sia, "Patay na pero hindi nila binigyan ng laya para makapaghinga ang bata!"

"Kailangan nating makalapit sa Arma Machine." Seryosong saad niya.

Napakaliwanag ng buong bulwagan dahil nakabukas lahat ng ilaw. Ngunit mula sa bungad ng pinto hanggang sa harap ng capsules ay may mga laser strips. Paano nila ngayon malulusutan ito nang walang parte ng katawan ang mapuputol?

"Paano ba 'yan? Kanya-kanya na lang tayo, Wing Regal." Ani Sia sabay labas ng isang pares ng gloves na may sticky spikes. Maingat ang galaw nitong gumapang pader na parang tuko.

Napailing si Reina.

Nilabas niyang muli ang Thrawan Rings. Nilibot niya ang tingin at nasa libo-libong laser strips ang naroroon. The strips were all aligned horizontally but were just half on an inch apart.

"Ouch!" hiyaw ni Sia nang dumaplis ang braso sa laser.

Hindi na ito pinagtuunan ng pansin ni Reina sapagkat hinanap niya ang main switch ng traps ng bulwagan. She believed that the switch was just inside the hall.

Napansin ni Reina ang paggalaw ng camera na malapit sa kanya. Nasa gilid ito ng isang haligi sa highway. Nilingon niya ito nang tumuon iyon sa mismong puwesto niya na tila ba tinititigan siya nito. Nginisihan niya ito.

"Just hang on there, Eye. Magtutuos din tayong dalawa." Bulong niya kasabay nang maliksing pagpitik ng isang singsing na suot tungo sa camera. Agad itong nabasag.

Hindi agad nahanap ni Reina ang switch kung kaya naghanap siya ng ibang paraan. Tumalikod siya at naglakad palayo.

"Hoy! Where the fvck are you going?!" sigaw ni Sia nang mapansin ang pag-alis niya. Nasa gitna pa rin ito ng pader at hindi na makaalis dahil biglang gumalaw ang laser strips at pinalibutan ang buong katawan nito. "Help me get out of here, Reina!"

Lumingon si Reina at ngumisi, "Paano ba 'yan? Kanya-kanya na lang tayo, Royal Squire." Panunuya niya rito.

Tila butiking nakadapa si Sia sa pader na iniwan ni Reina. Nagpabaon pa ito sa kanya ng sandamakmak na mura.

Sinimulan ni Reina ang pagbilang sa kanyang pantay-pantay na hakbang na tinigil lang nang tumapat na sa engrandeng hagdanan. Agad niyang kinikitilan ng buhay ang nakakasalubong na kalaban habang yumuyukod naman sa kanya ang mga tauhan.

Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng hagdan nang may nakasalubong na babae. Nakasuot ito ng suit ng taga-Sayufara. Yumukod ang babae nang makita siya. Tumigil din ito sa paglalakad bilang respeto at nanatiling nakayuko.

Napangisi si Reina dahil naka-pixie cut din ang buhok nito at itim ang kulay na alam niyang labag sa batas ng mga taga-Sayufara. Para sa tribu ni Chantaria ay isang kayamanan ang mahabang buhok habang ang itim na kulay ay para lang sa pangalawa ang pinakamataas ang posisyon, puti naman ang kulay para sa pinuno.

Walang kung anu-ano'y hinablot niya ang leeg ng babae at mahigpit na sinakal. Napaangat ito ng tingin sa kanya. Puno ng pangamba at takot ang mga mata nito.

"P-princess." Anito habang pilit nagpupumiglas.

Reina hissed, "Tsk. Tsk. Tsk. Wrong name, my dear." Bulong niya rito.

Ang takot sa mukha nito ay napalitan ng ngisi at tinangkang saksakin si Reina gamit ang hawak nitong hunter's knife. Ngunit mabilis niyang nahuli ang braso nito saka pinilipit.

"H-hindi mo kami matatalo!" asik nito. "H-hinahayaan ka lang nila ngayon dahil may plano silang nakalaan para sa 'yo!"

"Let's see then." Aniya sabay sapak dito sa ilalim mismo ng baba. Napatingala ang babae at naghabol nang malalim na hininga.

"My people do not call me princess, my dear, they call me Reina." Hinaplos niya ang naninigas na leeg ng babae, napaiyak na rin ito sa kahinatnan. "By the way, nice suit."

Tinalikuran niya ito at iniwang naghihingalo, hindi na nito magawang igalaw pa ang leeg dahil sa nabasag na panga hanggang sa nagpagulong-gulong na lang ito pababa ng hagdan.

Mula sa harap ng grand staircase ay bumilang ng hakbang si Reina pakanan.

"...fifty-eight." Huminto si Reina sa paghakbang at eksaktong sa isang pinto. Pinihit niya ang katawan paharap sa kanan. Naalala niya ang pintuang ito.

She once entered this room with her eyes open and a beating heart but she was taken out unconscious and a heart with escaped beats because of the ingrained golden dagger.

"Tari's cradle." Reina whispered.

Pikit-matang binuksan niya ang dating kuwarto ng kanyang kakambal. Nang magmulat ng mata ay tila isang eksena sa pelikulang bumalik sa kanyang alaala ang pagpasok niya rito. Ang huling alaala na mayroon siya sa pagiging bata.

Wala na ang dating ganda ng pribadong silid ng prinsesa. Halatang matagal na itong inabandona. Noon kasing bumalik siya bilang si Tari ay hindi siya kailanman muling pumasok sa silid na ito. Doon siya sa Wing house nanatili kasama ang ibang assassin-agents ng Wing Organization.

Naglakad siya tungo sa kama ni Tari na kanyang hinigaan noon. Bumuga siya ng hangin at iwinaksi ang humahapding sugat ng mapait na nakaraan. Ngunit sadyang makulit ang kahapon at pilit nanariwa sa kanyang isipan.

Wala sa sariling napalingon siya sa closet ng kanyang kakambal. Tila nakikita niya pa rin si Tari na nakasilip doon habang siya ay nakahiga na sa kama at naghihintay ng kamatayan.

"Zenki baby." Bulong niya. Isang mapait na ngiti ang kumurba sa kanyang mga labi.

Nilibot ni Reina ang tingin sa malapad na kuwarto. Nang matantiya ang sadya sa silid ay inusod niya ang kama. Lumuhod siya upang idikit ang tainga sa sahig.

Nang marinig na ang gusto niyang marinig ay kumuha siya ng limang barya ipinuwesto ito pabilog sa sahig. Sumipol si Reina ng isang saliw, tumayong mag-isa ang mga barya at tila may isip na gumulong-gulong pabilog.

Hanggang sa bumaon na ang mga ito sa makapal na sahig. Isang mahabang sipol ang kanyang huling pinakawalan kasabay nang pagkahulog ng natabas na parte ng sahig pababa sa ground floor.

Nakangising dinungaw ni Reina ang ginawang butas sa sahig. Inabot niya ang mga baryang nakadikit sa tinabasan at itinago sa bulsa.

Sinilip niya ang ibaba at laking tuwa niya nang mismong sa likod ng Arma Machine ang natapatan ng kanyang ginawang butas. Walang ingay siyang tumalon.

"Fvck?! I'm fvcking tired being an impotent lizard in here, Reina! Alam kong nand'yan ka na! I can fvcking feel you, baby! Help me, you selfish!" sigaw ni Sia nang maramdaman ang presensya niya.

Natawa nang mahina si Reina nang makitang naroroon pa rin si Sia sa puwesto nito. Tila estatwang butiki na hindi gumagalaw. Hinanap niya ang switch at tama nga ang hinala niyang nasa loob lang ito. Nasa ibaba lang ito ng portrait ng hari na malapit sa kanya. She switched it off.

Ngunit tanging kalahati lang ng mga laser strips ang na-off. Nakababa na si Sia sa pader ngunit hindi naman makalapit kay Reina dahil tila dumagdag lang ang mga strips na nawala sa mga naka-activate pa rin.

"You shifty mother of Zyncai, paano ka nakarating diyan?" bulalas ni Sia habang nakatingin sa kanya.

Kumibit-balikat si Reina, "Sa diskarte lang 'yan, mahal kong kaibigan. Sinabi ko naman sa iyo na huwag kang padalos-dalos. 'Yan tuloy. Tsk. Nangalay ka ba?"

Umismid lang si Sia. Hinayaan niya na lang itong dumiskarte kung paano itong makalapit sa kanya.

Parang tambol ang bawat tibok ng kanyang puso habang naglakakad papalapit sa capsule kung saan naroroon ang kanyang lolo na pinakamakapangyarihang tao sa buong Slovenia na ngayon ay isang walang-labang bilanggo ng makinang gawa sa salamin.

Parang tuod siyang nakatayo sa harap ng kanyang lolo, nakatingala at titig na titig sa mukha nito.

"High King, we meet again." Mahinang aniya, "But I did not expect it would be this way. I'm back, my king... I'm back being not your precious Katarina Zenkiah but your forsaken Katareina Zavina. Why my King? Bakit mo sila hinayaang sirain ang kaharian natin?"

Tumulo ang luha ni Reina, "Why did you let them ruin the paradise you had been protecting since you were crowned to be the highest king, that our ancestors preserved for hundreds of years? Bakit mo sila hinayaang sirain ang ating kaharian kung nagawa mo nga kaming paglabanin ng kakambal ko para sa kapakanan ng tradisyon ng kahariang ito? Bakit nang manalo ako ay pangalan pa rin ni Katarina ang gusto mong gagamitin ko? Bakit hindi mo ako tinanggap bilang ako?" kinuwestiyon niya ang hari sa tonong paninisi.

"You were so unfair and cruel, my king." Tinuro niya ang kanyang puso, "Hindi man magawang magalit ng puso kong ito dahil sa ginawa mo ngunit hindi ko maiwasang magtanim ng sama ng loob sa 'yo. Si Katarina... lumaki siya sa piling mo rito sa palasyo, katabi mo siya sa iyong trono nang matuto na siyang maglakad mag-isa, kasama mo siya sa iyong pagiging hari pero bakit gano'n kadali sa 'yong bitawan siya nang ako ang nanalo sa larong iyon?"

Parang batang pinahid niya ang kanyang lumuluhang mga mata at ilang ulit kinusot ang mga mata.

"Her eyes were pleading at you, my king. Nagmamakaawa siyang siya ang kakampihan mo ng panahong iyon ngunit ni hindi mo man lang siya tinapunan ng tingin, bakit ang dali-dali lang para sa 'yo ang lahat? Pero nangyari na ang lahat ng iyon at hindi ko na maibabalik pa."

Nilapat niya ang palad sa salamin ng capsule, "I wish you were just a grandfather to us." Mahinang bulong niya habang nakayuko.

A continuous beeping sound of a machine pulled her out from weary trance. It was the heart monitor of the other containment tube. The green light beside the monitor was blinking fast.

Napakunot ang kanyang noo at wala sa sariling nilapitan ito. The child's heartbeat count was decreasing.

Tila may sariling mga isip ang kanyang daliri na lumapat sa keyboard ng monitor, mabilis ang mga itong nagtipa. Hanggang sa tumigil ang nakakarinding tunog at naging steady ang green light.

Napaatras siya palayo at napabuga ng hangin. Doon niya lang napansing pinipigilan na pala niya ang kanyang hininga. Bahagyang nakauwang ang kanyang mga labi nang pinasadahan niya ng tingin mula sa mga paa ang batang nasa loob.

Nahabag siya sa sitwasyon ng bata, parang nakikita niya lang si Zyncai sa katauhan nito pati na rin si Zync. Dahil kamukhang-kamukha ng kanyang asawa at anak ang batang ito. She was like a female version of her boys.

Alam niyang ang machine na ito na lang ang bumubuhay sa batang babae sapagkat alam niyang matagal na itong patay ayon na rin sa sinabi ni Queen Given.

"Ano ang ginawa nila sa 'yo?" piping tanong niya sa bata. Hula niya ay mas matanda ito ng ilang taon sa kanya. "Ganito rin kaya ang hitsura ko noong nilagay nila ako sa loob ng capsule for eleven years?"

An image of her little-self inside a containment tube flashed on her mind. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa kanyang sarili.

Hinaplos niya ang salaming namamagitan sa kanila ng batang babae.

"Who are you, little girl?" tanong niya rito.

Malakas siyang napasinghap nang biglang nagmulat ang mga mata ng bata. Nakita niya ang sobrang itim nitong mga mata. Mas lalo niyang nakita ang pagkakahawig ni Zync dito. Ngunit lumampas ang minuto nang hindi ito kumukurap. Nakamulat lang ang mga mata nito at parang walang may nakikita.

"What's your name?" parang lutang na tanong ni Reina sa hinihinala niyang kapatid ni Zync.

"Zamanthra Orlando."

Napanganga na lamang si Reina nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang batok at likod ng ulo, halos mandilim ang kanyang paningin dahil sa natanggap na sobrang lakas na hampas mula sa likod. Naitukod niya ang kanyang kamay sa capsule ng bata para makabalanse nang muntik na siyang matumba.

Sinapo ni Reina ang kumikirot na likod, basa iyon. Pinihit niya ang katawan paharap sa taong nasa likuran niya sa kabila ng hilong nararamdaman.

"Y-you..." ang tanging naisambit niyang nang makita ang nakangising mukha nito.

"Surprise!" nagagalak na bulalas nito kasabay ng pag-umang muli nito sa hawak na tubo sa kanya. Nasalo niya iyon at hindi na hinayaan itong hampasin siya muli.

Ngunit sumidhi ang hapdi at kirot sa likod ng kanyang ulo pati sa batok. Napasandal siya sa containment tube at napadaing.

"Oh, our Reina is writhing in pain. Does it hurt, Wing Regal?" nang-uuyam na tanong nito sa kanya at saka siya marahas na hinila papalapit dito.

Hindi na naprotektahan ni Reina ang sarili nang muli siya nitong hinampas ng tubo sa likod. Napadapa siya sa sahig. Nakangiwing nilingon niya ang taong iyon. Nakapaskil pa rin sa mga labi nito ang tusong ngisi.

"Iyan na lang muna, I just want to make sure na kakayanin ka nilang kalabanin. Sigurado kasi akong hindi ka nila kaya, you could kill them in instant. That's why I came up with an idea that I should give you a little hit before they arrive. The two primus' will be here any minute by now. Gusto kong makitang nahihirapan ka, my dear." Nakakalokong anito saka malutong na tumawa nang malakas. "Ang bait-bait mo naman kasi. Kaya kapag mahihirapan ka alam kong magagalit ka! Mas magiging masaya ang laro natin!"

Tila bata itong pumalakpak.

"Be right back, baby." Paalam nito habang naglalakad na palayo sa kanya at nilisan ang lugar.

Sinundan ni Reina ito ng tingin, napuno ng galit ang kanyang mga mata, "H-how could you do this to me-ugh!"

-End of Chapter 58-

I'm afraid I can't update for the next two weeks. I'll be going to a place where good reception for internet connection has been refused to give. But dontchawori my freaks, it won't be too long and I'm sure in that span of time I would be able to create few chapters or if will be blessed, matatapos ko hanggang sa Epilogue. Wabooo!

One more thing, puwede niyong i-share through comment ang naiisip niyong mangyayari kung paano matatapos itong kuwento. Just for fun guys and also give me some inspiration to be productive even a bit! LoL.

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro