56: PROMISE
Chapter 56: PROMISE
Enjoy reading!
ZYNC
My hands balled into fist when a playful smirk curved on her lips. Napakatuso. Mapanlinlang. Sinungaling. Makasalanan.
"Ano pa ba ang kailangan mo?!" singhal ko sa kanya.
Lumungkot ang mukha niya, but I have known better, "Am I not welcome here, Zync?"
I don't even want to hear her irritating voice.
"Someone like you will never be welcome in my house!"
"Ouch." Sinapo niya ang kanyang dibdib na tila nasasaktan, "Bakit ka ba nagkakaganyan, Zync?"
Napatawa ako nang mapakla. Bakit nga ba ako nagkakaganito? I don't want to see her or even breathe the same air with her.
"Ikaw ang may pakana sa lahat ng kaguluhang 'to kaya huwag kang umasta na parang santa! Umalis ka na." tinulak ko siya palabas ng gate pero she's stronger than me. It's so easy for her to escape from my grip.
I'm nothing against her, physically.
Natatawa siyang lumayo sa akin, "Playing games, huh? Heto pala ang gusto mo... maglaro tayo ng maang-maangan at pagmamalinis."
Isang matalim na tingin ang ibinalik ko sa kanya, "You blackmailed me! Ginamit mo sila! Kahit kailan hindi ko ginustong gawin ang pabor mo!"
Ang katotohanang nasa harapan ko ngayon ay parang asido na unti-unting tinutunaw ang pagkatao ko. Ang babaeng ito ay isang katotohanang mas nanaisin kong sana ay isang bangungot na lamang.
"Galit ka na niyan?" tinaasan niya ako ng kilay, "Hmm. Sabihin na nating hinayaan mo rin akong gamitin ka, Zync."
Parang nanlalaki ang ulo ko dahil sa presensya niya. namamanhid ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Napailing ako nang ilang ulit.
"Isa kang baliw, demonyo lang ang makakagawa nito!"
"Pero demonyo lang din ang tutulong sa isang demonyo. Welcome to hell, Zync Orlando!" pumalakpak pa siya. "Traydor ka. Trinaydor mo si Reina." Pang-uusig niya pa sa akin.
Sinapo ko ang aking ulo at mahigpit na sinabunutan ang buhok na parang bang matutulungan ako no'n, na baka sakaling mabawasan ang bigat na dinadala ko.
Hindi agad ako nakapagsalita sa sinaad siya. Tama siya. Hindi lang ang pamilya ko o si Reina ang trinaydor ko. Higit na mas trinaydor ko ang sarili ko. Binali ko ang paniniwala at prinsipyo ko. But what should I do kung buhay na ng mga mahal ko ang pinag-uusapan?
"Kung hindi mo ginamit laban sa akin ang buhay ng mga bata at kaligtasan ni Reina hinding-hindi ko gagawin ang pabor na hiningi mo!"
Humakbang siya papalapit sa akin at halos ilang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Naroon pa rin ang tusong ngisi sa kanyang magandang mukha.
"Gagawin mo talaga ang lahat para sa kanya, ano?" aniya, "Kahit pa ang pagtrayduran siya ay tatahakin mo. Pag-ibig nga naman. Ibang klase. Tsk. Tsk."
"You evil woman! How could you do these to us?! How could you manipulate everybody and destroy the everything in this world?!" bulyaw ko sa kanya.
Evil, demon, crazy... those words are understatement for her. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong itawag sa ganitong klaseng nilalang.
Siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to. Ang paghihirap ng lahat ng tao ay siya ang dahilan. Siya ang tunay naming kalaban.
'Reina, ano ang gagawin ko? Patawarin mo ako.' Iyak ng aking puso.
"Oh my dearest Zync Orlando. Nasabi ko naman sa 'yo 'di ba na may binubuo akong masterpiece na kaytagal nang nasimulan ng aming angkan ngunit hindi pa natatapos pero nang dahil sa akin ay malapit na itong matapos."
Naiinis ako sa tuwing naririnig ang boses niya. Hindi ko akalain na sa lahat ng taong nakapalibot sa amin ay siya pa ang gagawa nito. Ang hirap paniwalaan na siya pa ang puno't-dulo ng kaguluhan. Siya ang naglagay sa babaeng mahal ko sa bingit ng kamatayan.
At ngayon, milyon-milyong tao na ang namatay, maraming bansa na ang nasira dahil sa kanya at kabaliwan ng kanilang angkan sa tinatawag nilang legacy.
"Paano mo maatim na gawin 'to?! Hindi ka ba nahahabag? Hindi ka ba nakokonsensya sa mga buhay na nawala at nasira dahil dito? Nakakatulog ka pa ba estado ng pag-iisip na mayro'n ka? Nakakain ka pa ba? Hindi mo lang ba naisip ang buhay ng mga kabataang inagawan mo ng tsansang mabuhay?! Paano mo nagawang ilagay sa ganitong sitwasyon si Reina?! Pinagkatiwalaan ka niya! Mahalaga ka sa kanya pero ano 'tong ginagawa mo?! Ha?! Ano?!"
Malungkot siyang tumingin sa akin pero naroon pa rin ang tusong ngisi sa kanyang labi, "I was born to make things possible, I was born to finish this masterpiece that my grandmother started." Tumawa siya nang malakas, "Akala ko ipapasa ko pa sa magiging apo ko ang obra maestra ng pamilya namin para tapusin but voila! Malapit ko na itong matapos. Hindi na mahihirapan pa ang sunod na henerasyon ng aming pamilya. Maitatala sa history ng angkan namin na ako ang pinakamagaling sa aming lahat."
Ano pa ba ang dapat kong itawag sa kanya? Baliw? Demonyo? Ano pa?!
Sino'ng matino ang pag-iisip na ituturing na masterpiece ang pagmanipula sa buhay ng mga tao? Na sirain ang mapayapang pamumuhay ng mga tao? Na gibain ang kagandahan ng mundo?
Tumulo na ang luha ko. Sunod-sunod at hindi ko na mapigilan pang mapahikbi.
Kung sana maibabalik ko pa ang nakaraan. Sana hindi ko hinayaang kontrolin ako ng emosyon. Sana napigilan ko si Reina sa pag-alis. Sana nagkaroon ako ng lakas ng loob sabihin sa kanya ang lahat.
Kung sana hindi takot ang pinairal ko. Kung sana...
Wala na sa Slovenia ang tunay na traydor, bumalik siya rito sa Pilipinas para ipamukha sa aking nanalo siya.
"Walanghiya ka. Nasunod na ang lahat ng kabaliwan mo kaya sana tumupad ka sa usapang ibabalik mo si Reina nang buhay sa akin. Papakawalan mo na ang mga leeg naming lahat. Bibigyan mo na ng kapayapaan ang mga taong pinakialaman mo at ng angkan ninyo!"
Hindi ako nakagalaw nang itinaas niya ang kamay para punasan ang basa kong pisnge.
"Sssh. Huwag ka nang umiyak, Zync dahil mas lalo akong natutuwang makita kang nahihirapan. Mas lalo akong nae-excite sa mangyayari."
Marahas kong hinawi ang kamay niya.
"Huwag mo akong hawakan. Nandidiri ako sa 'yo." Napakuyom ang kamao ko. "Nakakadiri ka!"
Kahit babae siya ay gusto ko siyang suntukin at bugbugin pero alam kong walang-wala ang lakas ko sa isang tulad niya.
Nagkibit-balikat lang siya, "Si Reina, baka matagalan pa sa pagbabalik sa 'yo o baka hindi na-"
"Tumupad ka sa usapan!" sigaw ko sa kanya.
"Whoa! Chill, okay? Wala sa kamay ko ang buhay ni Reina. Nasa kanya na lang 'yon kung lalaban siya hanggang sa matapos ang lahat. Pero sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Na siya ang bida sa obra maestra ng angkan namin at lahat ng bida ay nabubuhay sa huli. Kaso nga lang, marami pa siyang dapat pagdaanan. Kailangan niyang talunin ang puwersa ng Triad na kontrabida-"
"Ang pamilya mo ang pasimuno ng hidwaan sa pagitan ng mga Clementin at sa grupo ng Triad pati ang pamilya ko ay dinamay niyo rin! Napakaraming pamilya ang nadamay! Ginawa ninyo kaming lahat na laruan para lang d'yan sa walang kuwenta niyong legacy!" sigaw ko.
Napangisi na naman siya pero matalim kung tumingin, "Huwag kang bastos, Zync baka gusto mong higpitan ko ang kapit sa leeg ng kambal na anak ni Katarina at isunod ko ang supling ninyo ni Reina?" pagbabanta niya.
Nabahag na naman ang buntot ko. Nilingon ko ang Clementin mansion sa likuran ko.
Nakakalat nga ang mga tauhan para bantayan kaming pamilya ngunit hindi proteksyon ang hatid nila kundi kapahamakan sa bawat isa sa amin. Nakita ko pa si Al mula sa terasa sa second floor na nakatanaw sa gawi namin.
Malungkot ang mga mukha niya at gaya ko ay tahimik na umiiyak sa sitwasyon namin. Wala kaming magawa kundi ang hintayin lang ang mangyayari.
Binalingan ko siyang muli, "Ano pa ba ang kailangan mo bakit ka pa naparito? Naibigay ko na sa 'yo ang lokasyon ng Ten Arma Towers." Mahinang untag ko.
Muling tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata. Nanginginig ang laman ko sa tuwing naalala ang katraydorang nagawa ko kay Reina.
Noong una pa lang nang makilala ko siya bilang si Katarina at nagsama kami sa iisang bubong ay napansin ko na ang kakaibang simbolong nakatago sa tattoo sa likod ni Reina. Nakakamanghang naiintindihan ko ang mga ito at kung ano ang mga kahulugan ng bawat simbolo.
Mga pangalan ng lugar iyon ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil sa pag-aakalang ang mga lugar na iyon ay sakop sa kapangyarihang mayroon ang Wing Regal.
Sobrang mangha pa nga ako dahil sa pag-aakalang sobrang laki ng sakop na jurisdiction o teritoryo ni Reina dahil ang mga lugar na naroroon ay bumubuo ng isang malaking circle na umuugnay sa bawat panig ng mundo.
Naalala ko pa noong maliit pa lamang ako at nasa grade school pa bago mawala sa piling namin ang aking ina ay tinuruan ako ng Mommy magsulat at basahin ang isang sinaunang inscription na hindi ko alam kung saan ang origin.
Basta ang naala kong sinabi ni Mommy ay magagamit ko raw ito sa tamang panahon.
Ngunit hindi ko inaasahang may mahalaga pa lang papel ang nakatagong mga simbolo sa likod ng aking mahal. Kahit nagkalayo kami ni Reina ay nasa utak ko pa rin ang pangalan ng bawat lugar na nakatago sa kanyang tattoo.
Kaya nagulat na lang ako nang lumapit sa akin ang babaeng traydor na ito at tinanong sa akin ang tungkol sa tattoo ni Reina. Hindi ko sinabi sa kanya ang nalalaman ko pero pinagbantaan niya ang buhay nina Arra at Arri, pinangako niya ring ibabalik niya si Reina sa akin.
Sa una ay tatlong lokasyon lang ang ibinigay ko sa kanya kapalit sa buhay ng kambal pero nagulantang na lang ako sa balitang nasa Ground Zero na ang Slovenia at unti-unting nasasakop na ng Triad ang buong Europe.
Muli siyang nagpakita sa akin, para hingin ang natitirang lokasyon pero nagmatigas ako sa kanya. Kaya ginawa niyang bihag ang aking ama pati pinakialaman niya rin ang sitwasyon ng pag-iisip ni Sia.
Walang akong magawa kundi sundin siya sa kagustuhan niya para tigilan niya na ang pagtuturok ng kung anu-anong droga kay Sia. Subalit dalawang lugar lang ang ibinigay ko sa kanya para pakawalan ang aking ama at tigilan niya si Sia.
Nagpasalamat naman ako nang naging kuntento siya ng mga panahong 'yon at muli akong tinantanan. Naghinala si Al sa nangyayari sa akin, inakusahan niya akong traydor kaya sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat. Nagalit siya sa akin at tinanggap ko naman ang lahat ng hinanakit niya. Pero sa huli ay dinamayan ako ni Al. Hindi ko inasahan na pati siya ay gagamitin at pagbantaan ng demonyong babaeng 'to.
Kaming dalawa ni Al ang ginamit niya para manipulahin ang lahat ng nangyari.
Tuluyang nasakop ng Triad ang Europe sa tulong ng Arma Machine. Oo, alam ko ang lahat tungkol dito dahil na rin sa sinabi sa akin ng babaeng 'to. Ang Project Armageddon na ang ina ko mismo ang bumuo kasama ang lolo ni Reina.
Nalaman ko ang tungkol sa katauhan ni Katarina at ni Katareina, wala akong ideyang gano'n kaya gulat na gulat akong kambal pala sila. Pero parang may tinik na nabunot sa aking dibdib nang makasama ko ang babaeng totoong mahal ko. Gusto kong magsumbong sa kanya pero hindi ko magawa dahil na rin sa banta ng demonyong nagmamasid sa bawat galaw ko.
Nang nag-away kami ni Tari ay alam kong kasinungalingan lang din ang lahat at kailangan kong magmaang-maangan. Isa rin sa mga plano ng demonyo ang pagsalitaan ko nang masama si Reina, ang saktan siya kapalit ang kalayaan ng ama ko at buhay ni Ah-ah, anak nina Sia at Al.
Lahat nang nangyari, nangyayari at mangyayari pa ay nakaplano na, nakasulat na at unti-uting tinutupad ng demonyong ito.
Hindi ko na kayanan, kahit hawak-hawak ako ng demonyo sa leeg ay gumawa ako ng paraan para sabihin kay Reina ang lahat ngunit nabigo ako dahil ang akala kong kakampi ay isa rin palang galamay ng demonyo.
Lahat ng tauhan sa Clementin Mansion ay pagmamay-ari ng baliw na babaeng 'to, pati sa Dark Quarter ay may mga tauhan siyang gumagala.
At nang makatakas ako noong gabing hinabol ko si Reina sa airport ay hindi ko na nagawa pang sabihin sa kanya ang lahat dahil hindi niya ako pinakinggan. Nawalan ako ng pag-asa at ngayon ang panalangin ko na lang ay magtagumpay ang babaeng mahal ko sa digmaang ito, na babalik siya sa akin ng buhay at buo.
Matatapos din ang lahat ng 'to.
"Gusto ko lang sanang ibalita sa 'yo na humihina na ang puwersa ng Triad, nakalaya na ang karamihan sa bansang sinakop nila. Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?"
Hindi ako umimik. Nanatili akong masamang nakatingin sa kanya.
"Ibig sabihin ay nagaganap na ang nakasulat. Nagaganap na ang nakatakdang digmaan sa pagitan ng bida at kontrabida. Nasa rurok na tayo, Zync. Unti-unti nang mananalo ang bida at kung papalarin ay babalik siya sa 'yo nang matagumpay at buhay."
"Ikaw lang ang nag-iisang kontrabida rito." Mariin kong turan.
Umalingawngaw sa pandinig ko ang nakakarindi niyang tawa. Walang akong nagawa kundi ang panoorin siyang tuwang-tuwa sa lahat ng nangyayari.
"Zync?" isang paos at walang kabuhay-buhay na boses ang sumingit sa tensyon sa pagitan namin.
Nilingon ko si Tari na nakatayo sa likod namin. Nakatuon ang pansin nito sa taong kausap ko.
"Oh, the crown princess is here! Good morning, Your Highness. Kamusta ang buhay mo kapiling ang lalaking mahal mo ngunit ang kakambal mo ang mahal?" tuwang-tuwang saad niya kay Tari. Pinasadahan niya ito ng tingin, "You look well. Masarap bang mag-alaga si Zync?"
Nanatiling walang emosyon ito at parang walang pakialam sa pang-aasar niya.
"Mukhang hiyang na hiyang ka sa buhay mo, ano? Talagang pinagsasa mo ang sarili mo ah. Tsk." Aniya pa pero parang walang may narinig si Tari.
"Hmm. Teka lang may gusto akong ikuwento sa inyo." Aniya at sandaling natahimik at nag-isip. Unti-unting sumilay sa kanyang labi ang isang misteryosong ngiti.
"Sa isang malaki at mayamang kaharian ay may isang rebeldeng prinsesa ang inalisan ng korona dahil sa kasalanang nagawa nito sa kaharian. Pinilit siyang magpakasal sa lalaking hindi naman niya gusto ngunit sa huli ay natutunan niya ring pakisamahan ito at mahalin..."
"Hindi nagtagal ay may nabuo sa kanilang pagiging mag-asawa. Masayang-masaya ang dating prinsesa dahil nagkaroon siya ng dahilan upang patuloy na mabuhay ngunit ang kasiyahang nadarama ay napalitan ng takot nang siya'y nagsilang..."
"Isinilang niya ang dalawang batang babae... kambal na parehong babae na naging dahilan ng pagkakaroon ng malaking problema sa mag-asawa. May tradisyon kasi ang royal family ng kaharian, tinuturing nilang malas ang magkaparehong kasarian sa kambal..."
"Kaya ang ginawa ng mag-asawa ay itinago ang isa sa kambal at isa naman ay lumaki kasama ang hari at reyna sa palasyo at naging crown princess ng kaharian. Malayong-malayo ang naging buhay ng dalawang bata. Ang isa ay nagpakasasa sa buhay prinsesa, lahat ng luho ay nasusunod. Napuno ito ng pagmamahal at kasiyahan. Napakasuwerteng bata, hindi ba? ..."
"Kasalungat ng suwerte ay malas. Lahat ng kamalasan na puwedeng ibigay ng mundo ay napunta sa isa pang bata. Ang sakit, lungkot, dahas, kamalasan ay naranasan ng itinagong bata. Lumaki siya sa attic sa bahay ng kanyang lola sa ama at ni minsan ay hindi niya nasubukan mang lumabas. Maliban pa ro'n ay minamaltrato pa siya ng sariling ina, ang dating prinsesa..."
Gumuhit ang kakaibang sakit sa aking dibdib dahil sa narinig. Napamaang akong napatingin kay Tari. May ideya ako kung sino ang mga taong tinutukoy ng traydor na ito.
'Reina, mahal ko.' Bulong ng aking puso.
"Ngunit hindi naging balakid ang mga iyon para patuloy niya pa ring mahalin ang pamilyang nagkait sa kanyang sumaya. Mahal na mahal niya ang sariling ina na kahit kailan ay hindi naging isang ina sa kanya, ang pamilya na walang ginawang paraan para tanggapin siya ng kaharian lalo na ang kakambal niyang inaasahan niyang hindi siya tatalikuran..."
"Dumating ang panahon na nabulgar ang sikreto ng dating prinsesa. Naging magulo ang lahat at nagkaroon ng isang laro sa pagitan ng kambal para tukuyin kung sino ang mas may karapatang mabuhay at kung sino ang dapat mamatay. Nagalit ang crown princess na itago na natin sa pangalang Zenki Baby..."
"Sinisi nito ang kakambal kung bakit nalagay sila sa gano'ng sitwasyon. Habang ang itinagong prinsesa na tawagin nating Zavi Baby naman ay pagmamahal para sa kanilang lahat ang nanaig sa kanyang puso. Kung kaya..."
"Kung kaya nang nagdesisyon na ang larong iyon ay mas pinili ni Zavi Baby ang mamatay para mabuhay si Zenki Baby. Ngunit nanatiling matigas ang puso ni Zenki Baby kahit pa sa sakripisyong pinili ng kakambal. Maraming taon ang lumipas naging magulo ang buhay ng kambal hanggang sa dumating ang panahon na umibig silang pareho sa iisang lalaki..."
Binalingan niya ako ng tingin at ngumisi nang malaki.
"Katarina, the crown princess. Katareina, the forsaken. Katarina, the coward. Katareina, the brave. Katarina, the selfish. Katareina, the selfless... Sino sa dalawa ang nanghiram? At sino naman sa dalawa ang hiniraman? Mababawi kaya ng isa ang sa kanya o babawiin ng isa ang inaakalang kanya? One who fought for what she believes. One who thought she was the rightful one. One who has a brave heart. One who chose to hide behind her name. One who is willing to sacrifice. One who wanted to be accepted and loved and they both have the life to live... but one is dying and one is drowning. Who among them borrowed the life that the other one deserves?"
"Tapos ka na ba?" tanong ni Tari pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "Dahil kung tapos ka na, makakaalis ka na."
Napasipol siya at tinawanan lang ito, "Napapaisip ako, Tari. Ano kaya ang nasa utak mo ngayon? Ano kaya ang hinihiling ng puso mo? Ang manalo si Reina at buhay na makauwi? Ang matalo si Reina pero buhay na makakauwi? Ang manalo si Reina pero hindi na makakauwi? O ang matalo si Reina at hindi na makakauwi?"
Nanikip ang dibdib ko sa narinig.
"Curious din ako... ano kaya ang nasa isip ni Zenki Baby habang naglalaro sina ni Zavi Baby? Ang matalo at mamatay ang kakambal?" aniya pa.
"Shut up! Shut up! Umalis ka na!" sigaw ko sa kanya nang naiinis na ako sa pinagsasabi niya. Malakas ko siyang tinabig para tuluyan siyang makalabas sa gate.
Natatawa siyang lumayo sa akin at naglakad tungo sa nakaparada niyang kotse. Sinulyapan ko ang kanyang mga tauhan pero tila wala silang pakialam sa pagtulak ko sa kanilang amo.
"Bye for now, Zync. Uuwi muna ako sandali sa Slovenia. Babalikan kita." Nakangising aniya saka tuluyang umalis.
Napayuko ako at napahikbi dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Yumapos sa katawan ko mula sa likod ang mga braso ni Tari. Mahigpit ang pagkakayapak niya sa akin na tila nakahanap ng kakampi.
"Z-zync. I'm always here for you. Don't worry, I won't leave you. I love you so much, Zync. Habang buhay na tayong magkakasama. No one can break us apart. Mahal na mahal kita."
Mas lalo akong nanggalaiti sa narinig ko. Marahas kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin saka hinarap siya nang may matatalim na tingin.
"Leave me alone, Katarina!" bulyaw ko sa kanya.
"Z-zync. Kailangan mo ako kaya ako nandito, kaya ko piniling manatili sa tabi mo." Malungkot niyang saad.
"Kailangan? Kahit kailan ay hindi kita kinailangan, Katarina! Ano nga ba ang magagawa mo ha? Ang panoorin ang paghihirap ng kakambal mo para sa kapakanan ng lahat? Ikaw naman 'di ba ang kinoronohang prinsesa? You even claimed that you are the reason why Reina became the Wing Regal! Sinabi mong ikaw ang magiging reyna ng Slovenia but why are you here?! Bakit hindi ikaw ang lumaban para sa kaharian ninyo?! Bakit hindi ikaw ang makipaglaro sa kamatayan?!"
"Z-zync. D-don't say that. I-it hurts."
Natawa ako nang mapait at ilang ulit bumuga ng hangin.
"Masakit?! Nagpapatawa ka ba?! Ni minsan naisip mo rin ba kung ano ang nararamdaman ni Reina? Hindi ako tanga, Tari. Alam kong kayo ang tinutukoy ng traydor na 'yon sa kuwento niya! Kung nasasaktan ka, paano na lang si Reina na palaging nagsasakripisyo? Kung hindi mo kayang tanggapin si Reina, please naman Tari... isipin mong tao lang din ang kakambal mo."
"Siya ang dahilan kung bakit ako binaboy ni Flynn!"
Mariin akong napapikit. Alam ko namang masakit para sa isang babae ang babuyin at pagsamantalahan pero paano na lang si Reina na sa buong buhay niya ay parang binaboy na rin siya ng mga pangyayari?
Hindi ko maatim isipin ang sakit na namamahay sa puso at pagkatao ni Reina.
"Ano bang klase ng utak ang mayro'n ka, Tari?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nagtiim ang bagang ko nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Bumalatay sa maganda niyang mukha ang sakit.
Magkamukhang-magkamukha sila ni Reina pero hindi ako maloloko ng mga mata niya.
"I love you, Zync! I love you! You need me, Zync. Hindi mo kailangan si Zavina! Ako lang ang kailangan mo!"
"Oh c'mon! Wake up, Katarina! You are delusional! I will never need you or want you in my life! Dapat ikaw ang nasa posisyon ni Reina at siya ang dapat na nandito sa piling ko! Tama nga ang babaeng 'yon, makasarili at isa kang duwag! Dahil sa walang katuturan at lecheng pagmamahal na sinasabi mo, ina-assume mong kailangan kita. I think you need to seek for a professional help to fix your brain."
"B-bakit? M-masama bang mahalin ka? Kaya ko namang ibigay ang lahat sa 'yo, Zync! Kaya kong tapatan o lagpasan ang kayang gawin ni Reina sa iyo! Oo duwag nga ako pero kahit kailan ay hindi ninais pumatay ng tao habang ang babaeng bukang bibig mo ay matapang nga isa namang mamamatay tao!"
That's it! Malakas ko siyang sinampal. Napasalampak siya sa sahig.
"Kaya mahal ko siya dahil hindi ikaw siya. Minahal ko siya sa kung ano siya, Tari. Oo! She's a murderer but she is always willing to sacrifice. She kills only if the situation demands for it. Please, put this in your rotten mind, my dear Reina is dying to win that battle for everybody while you are drowning in this life that you don't even deserve!"
Tinalikuran ko na siya. Hindi na alam kung paano pa siya pakisamahan. Wala siyang pinagkaiba sa babaeng traydor na 'yon. Pareho lang sila.
**
Minsan sa sobrang dami ng laman ng ating isipan ay hindi natin napapansing bigla na lang magiging blanko ang ating utak sa gitna ng pag-iisip. Na para bang manhid na manhid na ito sa mga problema na nagdedemand ng atensyon.
Gaya ko, sa sobrang dami ng iniisip ay hindi ko napansin na wala na pala akong iniisip. Lutang at nakatulala lamang habang nakaupo sa kama, ang kamang may bitbit na alaala sa mga panahong kasama ko pa si Reina. Hindi ko alam kung ilang oras na
Nakalapat ang likod ko sa headboard ng kama. Nakaunat ang mga binti at nakayakap ang mga braso sa unan na nakapatong sa aking tiyan.
But, my blank state was disturbed when Tari barged in on my room. Nagkatitigan kaming dalawa. She closed the door behind her.
She's still standing straight just in front of me at the end of the bed. Hindi ako umimik para tanungin kung ano ang ginagawa niya rito sa ganitong oras ng madaling araw.
Binuhol niya ang tali ng robang suot at hindi na ako nagulat pa nang sinadya niyang ihulog mula sa magkabilang balikat ang tela. Tumambad sa mga harap ko ang katawang walang ni isang saplot.
Tila isa siyang malugod na pumapayag na maging isang alay. Hinihintay sunggaban at lapain ng pinagsisilibihang diyos. Kalokohan.
Nanatili akong nakatitig sa mga mata niyang bakas ang pagpaubaya at pag-anyaya. Walang interes ang mga mata kong bumaba ang tingin.
Napansin ko ang paggalaw ng katawan niya kaya bago niya maituloy ang gagawin ay nagsalita na ako.
"You're the crown princess of a powerful kingdom, what a shame for the royal family that you'd stoop so low in front of a commoner man." I hissed never leaving her gaze.
Napangisi ako nang bumalatay ang hiya sa mukha ng prinsesa.
"Z-zync."
"Stop it, Tari before I would get mad at you even more."
Napayuko siya.
"Kung wala kang respeto sa ibang tao na basta-basta ka na lang pumasok sa kuwartong hindi naman iyo ay respetuhin mo ang sarili mo. Kahit 'yon lang. Act like a real princess even once, Tari."
"B-but this my room, too-"
Napatawa ako nang mapakla, "This is not your room. Reina owns this room. Get out." Humiga na ako nang patagilid at nakiramdam sa paligid.
"Z-zync, I'm sorry but I love you." Rinig kong bulong niya pagkatapos no'n ay ang mahihina niyang yabag palabas.
Napangiti ako... kung si Reina iyon ay iba ang sasabihin niya at hindi ko maririnig ang yabag o galaw kahit sa malapit, masiyadong magaan ang kilos ng aking mahal. Malayong-malayo sila ni Tari sa isa't-isa.
*****
3rd.
Kio City, the third city of Kranj Region.
Nabigla ang isang taga-Triad nang may humalik na matalim na bagay sa leeg. Hindi na ito nabigyan pa nang pagkakataong makalingon. May gilit ang leeg nitong bumagsak sa lupa.
"Stupid." Bulong ni Reina sa hangin at tinalikuran ang naghihingalong lalaki.
Parang nakalutang ang mga paa niya sa lupa habang tumatakbo palayo. Hindi gumagawa ng kahit ano mang ingay ang mga galaw ni Reina. Ngunit humahangos siya na tila nagmamadali.
Puno rin ng pag-aalala ang kanyang mga mata habang nagpalingalinga sa paligid. Alerto rin ang kanyang pandama at pandinig.
Narinig niya ang tumatakbong yabag papalayo sa kanya kaya sinundan niya iyon.
"O-olli. O-olli. O-olli." Paulit-ulit na sambit ng isang maliit na tinig. Bakas sa tinig nito ang labis na pag-iyak.
Mas pinabilisan ni Reina ang pagtakbo upang ito ay maabutan. Hindi nagtagal ay nakita niya na ang likuran ng batang babae na walang direksyon ang pagtakbo.
Nang maabutan ay niyakap niya ito mula sa likod at tinakpan ang bibig. Nagpumiglas ito ngunit dahil sa maliit na pangangatawan ay tila papel ang bigat nito para kay Reina.
Kumubli silang dalawa sa malapad na katawan ng isang puno. Hinarap niya sa kanya ang batang patuloy pa rin sa paglilikot upang makatakas. Nang makita ang mukha ni Reina ay kumalma ang bata.
Yumakap ito sa kanyang leeg at tahimik na umiyak.
"A-ate Reina."
"Sssh. I'm here, Sanya. I'm here." alo niya rito.
"N-nakuha nila si Olli, Ate." Sumbong pa nito. Hindi umimik si Reina at napakuyom lamang ang kamaong nakadantay sa likod ng bata.
Buhat-buhat si Sanya ay naglakad na si Reina tungo sa hilagang bahagi ng gubat kung nasaan sila ngayon.
Nakatulog na ito sa labis na pag-iyak. Marahan niya itong inihiga sa malaking ugat ng isang puno at tinakpan ng tela na kakulay ng balat ng puno para itago.
Mas naging alerto si Reina nang makarinig ng pagkilos at kaluskos sa paligid.
"Ano ba ang nakain ni Heneral at pinapadukot niya ang mga sanggol sa buong probinsya?"
"Huwag ka na ngang maingay. Basta sundin na lang natin ang utos. Maging alerto ka dahil maraming nagtatagong survivor dito sa gubat."
Sinundan ni Reina ang mga boses na narinig at nang makalapit ay nakita niya ang sampung kalalakihan. Hindi bomb armies.
Nagtagis ang bagang niya nang mapansin ang mga sanggol na nakabalot pa sa lampin na bitbit ng tatlo sa mga ito. Nilabas niya ang kanyang blowgun at naghanap ng magandang tiyempo.
Iniestima at kinakalkula ang dapat na maging aksyon para maiwisang masaktan ang tatlong anghel na walang kamuwang-muwang sa mundo.
Napangisi siya nang mahati sa dalawa ang mga kalalakihan. Tiglilima sa bawat grupo. Lihim na nagpasalamat si Reina nang magkasama sa grupo ang mga lalaking may bitbit na sanggol.
Unang sinundan ni Reina ang limang lalaki na walang tangan na bata. Hindi na siya nagsayang ng oras. Agad niyang pinatumba ang mga ito gamit ang blowgun na may bala na poisoned needles.
Nang matapos ay tinungo niya ang direksyong tinahak ng lima pa. Nag-uusap ang mga ito. Nilinga niya ang paligid. Bumabaha ng tuyong dahon ang lupa. Lumulubog ang paa sa tuwing tatapak.
Tumakbo si Reina at inunahan ang lakad ng lima. Naghanap siya ng magandang puwesto upang salubungin ang mga ito. Sa loob lamang ng sampung segundo ay nagawa niyang paliparin ang nakakalasong karayom.
Sa leeg ng mga lalaki bumaon ang mga iyon. Pareho-pareho ang target spot. Agad na bumagsak paurong ang mga ito. Napahugot nang malalim na hininga si Reina nang makita ang pagbagsak ng mga bata sa dagat ng tuyong dahon na hindi man lang nabagsakan ng mga nagkarga rito.
Nilapitan niya ang mga bata at isa-isang sinilip sa lampin. Napangiti siya nang makita ang bilugang mukha ni Olli, ang kapatid ni Sanya.
Ngunit may naramdaman siyang presensya sa kanyang likuran, maliksi niyang nailabas ang dalawang dagger at humanda sa pag-atake.
"Nooooo! Ate Reinaaa!" kasabay ng matinis na sigaw na iyon ay ang tunog ng isang tilang matigas na bagay ang puwersahang tumama sa isa pang bagay.
Nanlaki ang mga mata ni Reina nang makita ng alertong mga mata ang pagbaon ng isang bala sa lupa sa mismong gilid ng kanyang sapatos.
"A-ate Reina." Nanghihinang tawag sa kanya mula sa kanyang likuran.
Sa kanyang paglingon ay tila nahulog ang puso niya nang makita si Sanya na nakahandusay sa lupa at may tama ng bala sa taas ng dibdib, naghihingalo habang nakalingon din sa kanya.
Nag-alab ang galit sa mga mata ni Reina nang magawi ang paningin niya sa taong makasalanang gumawa nito kay Sanya.
Isang babaeng nakangisi ang nakita. Nakataas pa ang kamay na may hawak ng baril na may silencer. Nakasuot ito ng jacket na may logo ng Triad.
Bubuka pa sana ang bibig ng babae nang inunahan na ito ni Reina. Hindi na niya kailangan pang magpaligoy-ligoy pa. Binato niya nang buong lakas ang daggers na hawak at sinaktong ibaon ang mga ito sa dibdib ng babae. Baon na baon at tanging hawakan na lamang ang nausli.
"P-prinsesa." Tawag ni Sanya sa kanya. Umiiyak ito. Tila nagsusumbong.
Dinaluhan niya ito at kinandong. Buong pag-iingat na niyakap ni Reina si Sanya.
"I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit niyang sambit habang pinaulanan ng halik ang bata.
"I-I was able to save you, A-ate Reina." Proud na saad ng bata. Sapo ang pisngeng tinitigan niya ito at paulit-ulit na tumango. "A-ang tapang ko po, 'di ba?" nanghihinang tanong pa nito.
"A-ang tapang-tapang mo, Sanya. Ang tapang-tapang mo pero sana hindi mo ginawa iyon. Kaya naman ni Ate Reina ang bad guys eh." Naluluhang sagot niya rito.
Ngumiti ang bata, "A-ayaw ko pong masaktan ikaw, Ate. G-gusto ko pong, protektahan ka gaya ng paprotekta mo sa amin ni Olli nang makita mo kami sa may ilog."
Muling niyakap ni Reina ang bata.
Limang araw na ang nagdaan nang mapadpad sila ni Sia sa rehiyon ng Kranj. Naghiwalay silang dalawa. Siya ay rito sa Kio habang ito naman ay sa sentro ng Kranj kung saan nakatira ang pamilya. Plano niya kasing dumiretso na tungo sa pinakamalapit na bayan ng Ljubljana.
Nakilala niya ang magkapatid na Sanya at Olli. Sinama niya ang mga ito sa paglalakbay. Nakahanap siya nang puwedeng pagtaguan ng magkapatid ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa Kio ay narinig niya ang utos ng heneral na pinapadukot ang lipunin ang mga nabuhay at nakaligtas na sanggol.
Nilusob ang pinagtataguan ng grupo nina Sanya at isa nga si Olli sa nadukot kung kaya ay hinanap niya ang batang babae para iligtas ito ngunit ngayon... ang batang ito ang pumrotekta at nagligtas sa kanya.
"A-ate, puwede ka po bang kumanta? I-inaantok na po ako." Pagsusumamo ng bata na namumungay na ang mga mata. Napahikbi si Reina sa narinig.
Paulit-ulit na winawarak ang kanyang puso habang nasasaksihan ang unti-unting paglisan ng matapang na paslit.
Hinang-hina si Reina at sa maliit na katawan ni Sanya kumukuha ng lakas sa pamamagitan ng pagyakap. Pakiramdam niya bumalik siya sa pagiging bata. Naalala niya ang panahong natuklasan ng palasyo ang tungkol sa existence niya.
Bumalik sa kanyang diwa ang larong namagitan sa kanila ni Tari, ang mga sandaling karanasan sa loob ng palasyo lalo na ang desisyong pinili... ang magsakripisyo para mabuhay ang kakambal.
Pinili niyang siya ang humiga sa kamang iyon at tanggapin ang talim ng kamatayan. Nakikita niya ang sarili kay Sanya, matapang nitong sinalo ang balang dapat sa kanya.
~ "I know a place where no one ever goes.
There's peace and quite and beauty and repose.
It's hidden in the valley beside the mountain stream.
And lying there beside the strea,
I find that I can dream.
Only of things of beauty to eyes.
Snow-peaked mountains tow'ring to the sky.
Now, I know that God made this world for me." ~
Kahit halos nilalamon ang bawat salita ng kanta ay nagpatuloy si Reina. Pinilit niya pa ring gawin ang gusto ng batang bahagyang nakapikit ngunit nakangiting nakikinig.
~ "I can imagine myself in a dream.
Climbing the mountains and down the small ravine.
The magic of this peace and quiet ever shall stay.
To make this place a heaven each and everyday.
Oh how I wish I never have to leave.
And all my life such beauty to receive.
Now, I know that God made this world for me." ~
She ended the song with a cry of pain and agony.
Binubulong ng puso niya na hindi lang para kay Sanya ang kinanta kundi para mismo sa sarili niya.
Sinapo ni Sanya ang kanyang mukha, "T-thank you for returning back to us, Ate Reina. Please, take care of Olli. Sabihin mo po sa paglaki niya na patawad kung hindi na siya masasamahan ni Ate, kung nabigo po akong maging bantay niya at mahal na mahal ko siya." Utal at halos pabulong na wika nito.
"I will." Nakangiting aniya habang patuloy sa pag-iyak.
"A-ate Reina..."
"Hmmm?"
"P-pakiusap, mabuhay ka." Nabingi si Reina sa huling mga salitang sinambit ni Sanya. Mapayapa at panatag ang mukha nitong nilisan ang mundo.
Muling niyakap ni Reina si Sanya.
"P-pangako Sanya, mabubuhay ako." Aniya at pilit isiniksik sa puso't-isipan na lalaban siya hanggang sa huli at mabubuhay. "P-pangako."
-End of Chapter 56-
Thank you for reading freaks! God bless us all.
P.S. 6k words ito! Kaya huwag niyo akong hihiritan agad. Hahaha! Lalo na ngayong nafu-frustrate ako!
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro