54: PARTNERS
Chapter 54: PARTNERS
Enjoy reading!
REINA
Limang oras ko nang nilalakbay ang kagubatan ng Brecize kaya nang tanaw ko na ang Frin River ay tila nakakita na rin ako ng isang malambot na king size bed sa mahabang oras na nilalabanan ang antok.
Napasalampak ako sa gilid ng isang malaking bato at ilang sandaling nagpahinga.
Ang Frin River ang nagdudugtong sa dalawang malalaking siyudad dito sa rehiyon ng Sezana, Brecize City and Sora City. Doon sa Sora ang tungo ko.
Sa mga oras na ito ay malamang hinahanap na ako ni Ryleen pero alam kong may ideya na siya kanina pa na iiwan ko siya roon. Masiyadong delikado kapag kasama niya ako lalo na at pinasimulan ko na ang Plan X.
Alam ko naman na kaya niya na ang sarili niya sa kampo ng bomb armies. She's the daughter of Mojica, what do I expect? She'll definitely wring necks effortlessly.
Binaba ko ang dala kong malaking bag at hinubad ang suot kong t-shirt pati sapatos. Naligo ako sa ilog. Kanina pa ako nanlalagkit at nangangati.
Nakahinga ako nang maluwag nang nasa tubig na ako dahil sa lamig nito. Hindi rin ako nagtagal sa ilog dahil hindi ako pumunta rito para mag-outing. Sa likod ng isang malaking puno ay nagawa kong makapagbihis.
Sinampay ko rin sa mga bato ang basa kong damit at kumain na rin ng dala kong ready to eat packs. Sa lahat ng ginawa ko ay nanatili akong alerto sa paligid.
Tumunog ang maliit na cell phone ko.
"Aunt Mojica." I said when I answered the call.
[Everyone is in their position.]
"Good."
[I'll connect you to everybody. One word from you, Plan X will start the extermination.]
Napangiti ako sa narinig, "Leave Slovenia to me."
[But of course.] she said mockingly. I bet she's rolling her eyes.
Naghintay ako ng isang minuto bago muling marinig ang boses ni Aunt Mojica.
[Unit A-B-C Antartica. Unit C-D-E-F-G Central and Northern Europe. Unit H-I-J-K Africa. Unit L-M-N South America. Unit O-P-Q-R-S Middle East. Unit T-U Arctic. Unit V-W UAE. Unit X-Y-Z Sounthern Europe. Units of Chthonic Society. Units of Empyreal Community. Units of Nemesis Consortium. This is Commander Mojica, speaking.]
Narinig ko ang sunod-sunod na response ng mga admirals na naka-assign sa mga tinawag na units ni Aunt Mojica. Kasama na roon si Tamara na siyang tumatayong Highest Mafia Boss ng Chthonic. Ang Sky Regal ng Empyreal; second highest ranked assassin, next to Wing Regal. At si Onyx ng Nemesis Consortium, highest ranked secret agent.
[The Wing Regal is on the line.] saad ni Aunt Mojica.
Marami pa siyang sinabi sa mga ito. Bumati silang lahat sa akin. Hindi ko mabilang kung ilang admirals ngayon ang kausap ko idagdag pa ang mga units nina Tamara, Sky Regal at Onyx. Nang matapos sila ay nagsalita na ako.
"It's time." Saad ko. "Remember, our most important rule in this war. Don't die."
[Don't die.] sabay-sabay nilang sambit. Napangiti ako.
Natapos ang tawag. Napayuko ako dahil nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko. For a moment, I talked to God and prayed to let His will be done.
Magsisimula na, susugod na ang bawat unit ng grupo ko sa bawat base ng Triad sa buong mundo.
Maraming mamamatay sa digmaang ito. Sa Triad, sa grupo ko pati na sa mga civilians. Sana ay mapatawad pa ako ng Panginoon sa mga taong maaagawan ng buhay.
But this world needs to get clean. I need to wash off the stains which ruined the beauty of earth and now bringing everybody to a total destruction.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ang digmaang ito, sana'y matapos ito agad.
Nagsalok ako ng tubig sa ilog sa bitbit kong tumbler na may apparatus na malaking straw kung saan sinasala ang dumi sa tubig, it can make dirty water turn into purified.
Habang nagsisipilyo ay may narinig akong pamilyar na pagsipol. Tinapos ko muna ang paglilinis bago ako nag-angat ng tingin sa kabilang pampang ng ilog.
Doon nakita ko ang pamilyar na ngisi niya. Nakapameywang siya roon at nakatitig sa akin. Suot niya ang kanyang cat leather suit at bitbit ang paborito niyang katana na nakaputol na ng hindi mabilang na ulo. Sa katunayan ay naliligo pa ito sa dugo ngayon.
"Partners?" she said full of enthusiasm.
Napangisi na lang rin ako at tumayo nang tuwid.
"Partners." I answered back.
Oh how I miss, working with Wing Agent Claw. I miss this woman named Iseah Frost— now Villarosa.
**
"What a fvcking beauty." Untag ni Sia habang sinisipat ang mukha ko. Napaismid ako.
I decided to change my look para hindi ako agad makilala ng mga taga-rito lalo na ng mga Triad pati na rin ng traydor.
My hair is now layered pixie cut with a bangs on the right side. Sia was my hairstylist. I'm telling you she's a pro. I like how she does my hair.
She put a temporary butterfly tattoo on my nape, covering my Slovene Royalty insignia, the crown tattoo. I think it would last for a year or so. Hindi basta-basta matatanggal ang tattoo na tinapal ni Sia kahit pa kuskusin ito gamit ang sabon at tubig.
Pati na rin ang Wing tattoo ko sa likod ay tinapalan ng Humus Maskera na tila tunay na balat ko lang din ito. She put a mole in my upper right lips. She also suggested that I should always wear a dark lipstick.
"Umiba naman ang mukha mo. Hindi ka agad makikilala dahil sa buhok mo. Unless kung titigan ka nang mabuti." Aniya habang sinisipat ang mukha ko. "Pero sa tingin ko, makikilala ka agad ni Zync at ng kakambal mo pati na rin siguro ang mga bata."
Napalis ang ngiti ko at umiwas ng tingin. Natahimik kaming dalawa.
Matunog na bumuntong hininga si Sia sa tabi ko, "Tama ang hinala mo, Reina."
Napangiti ako nang mapait na sinuklian niya ng tinging puno ng galit at dismaya.
"Siya ang nagbigay ng lokasyon ng limang towers sa Ten Arma Towers sa Triad. I think, may plano siya at ginagawa niyang alas ang lokasyon ng lima pa laban sa Triad. Hindi ko lang inasahan na magagawa niya ito. Kasabwat niya rin si—" Dagdag pa niya na hindi niya masabi-sabi ang pangalan. Malungkot siyang ngumiti.
Napayuko ako, "Tinatakot sila, Sia kaya nila nagagawa ang mga bagay na 'yan. Isa sa mga kasama natin ang nasa likod ng pagtatraydor na 'to. Kaya ikaw ang pinili kong kasama taliwas sa alam ng lahat. I trust you the most. Sana nga lang ay magagawa ni Theus ng tama ang binilin ko sa kanya sa Pilipinas."
"Don't worry, kakayanin iyon ni Theus." Aniya sabay tapik sa balikat ko. Nagkatinginan kami.
"Ready to fvcking kick some ass?" nakangising tanong niya.
"Matagal na." sabat ko.
Tinahak namin ni Sia ang gubat papasok ng Sora. Mga apat na oras din ang inabot ng paglalakad namin bago narating ang highway tungo sa sentro ng siyudad.
Kanya-kanya kami ng tago ni Sia nang may dumaan na isang tropa ng Triad. Naglalakad ang mga ito tungo sa sentro. Tanging mga yabag lamang nila ang naririnig. Seryoso ang mukha at diretso ang tingin. Pantay-pantay at kalkulado ang bawat hakbang nila.
Mukha silang mga robot.
"They're already controlled." Ani Sia.
Napatango naman ako sa kanya. They are controlled but they are not bomb armies.
"Shit." Asik ko nang makita ko na lang si Sia sa gitna ng mga ito at agresibong iwinasiwas ang kanyang katana.
Hinarap siya ng mga ito at nakipagpalitan ng atake. Napansin kong wala silang armas na bitbit pero hindi basta-basta ang angking lakas nila. Nasa bente ang bilang nila.
"You're not supposed to attack them, Sia!" sigaw ko sa kanya at inis na binaba ang bag na bitbit saka tumakbo na lang din sa gawi nila.
"This is fvcking fun!" sigaw niya sabay putol sa ulo ng isang lalaki. "I missed doing this!"
Ni isang daing mula sa mga ito ay hindi ko narinig. Para silang mga manhid. Robot na robot.
"Don't kill them Sia! Ikaw na rin ang nagsabing kontrolado sila! Maybe they don't want this!" sigaw ko sabay yuko, iniwasan ang nanggagalaiting kamao no'ng isa.
"Fvck! Just fvcking kill them!"
Napangiwi ako nang tuwang-tuwa siya habang pinapahalik ang talim ng katana niya sa balat ng mga ito.
Pinagtulungan ako ng sampu. Puro sila lalaki. Patuloy lang ako sa pag-iwas at pagdepensa sa aking sarili.
"C'mon Reina! Are you fvcking afraid to kill?! Nasaan na 'yong bangis mo?! Isipin mo ilang libo na ang napatay mo! Don't fvcking hesitate this time! Don't tell me nagawa mo lang pumatay noon dahil nasa katauhan ka pa ni Tari?! Not so you, Reina. Not so you! Alam kong sa inyong dalawa ng kakambal mo, ikaw ang may lakas ng loob na pumatay! Huwag kang magmalinis!"
Hindi ko alam kung pinapalakas ba ni Sia ang loob ko o iniinis ako.
Napaupo ako ng tamaan ako ng suntok sa panga no'ng isa.
"Damn it." hinilot ko ang panga ko. Gumulong ako palayo saka tumayo para iwasan ang mga lalaking parang hayuk na hayuk na dambahan ako.
"Oh ano, magpapabugbog ka na lang ba riyan?"
Inis na nilingon ko siya. Napailing na lang ako nang makitang tapos na siya sa kalahati ng tropa. Prenteng nakatayo na lang siya roon at pinapanood ako. Tanggal ang ulo ng lahat ng mga nakalaban niya at lasog-lasog naman ang mga katawan. Brute as always.
Sinugod ako ng dalawa. Nakahanda na ang mga naglalakihang kamao nila na yupiin ang pagmumukha ko. I bend my body backwards and do a back tumbling. With full force, I used my feet to crush their jaws heavenwards.
Narinig ko pa ang pagtunog ng buto sa panga at leeg ng dalawa.
"That's it!" sigaw ni Sia. "Fvcking feed them the hell they deserve!"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Just shut up!"
Tumba na 'yong dalawa na nakatingala ang mga ulo habang ang walo ay naghahandang atakehin ako.
Sabay-sabay silang umatake sa akin, mabilis kong inabot ang tig-isang kamay no'ng dalawang nauna gamit ang mga kamay ko. I ran dragging them and rolled over.
Buong puwersa ko rin silang dinala sa pag-ikot ko. Napangiwi ako nang marinig ang pagkabali ng buto nila sa brasong hawak-hawak ko.
Mabilis kong na-block gamit ang braso ko ang sipa ng isa. Hinawakan ko nang mahigpit ang paa nito saka buong lakas ko siyang inikot. Mabigat siya, in all fairness.
Ilang beses akong umikot. Natamaan 'yong tatlong papasugod sa akin. Tumilapon ang mga ito at nanghihinang bumagsak.
Napaupo ako sa kalsada nang bitawan ko 'yong lalaking inikot ko. Tumilapon din ito at dumiretso sa katawan ng isang puno, una ulo. Kaya basag.
"Shit." I cursed when somebody grabbed my newly styled hair. What the fvck?!
Dahil nakaupo pa ako ay walang hirap kong nasuntok ang pundya ng lalaking may hawak sa buhok. Nabitawan ako nito. Inis kong sinuntok siya sa dibdib. Sumuka ito ng dugo bago matumba.
Nanatiling nakatayo naman 'yong panghuling lalaki. Nakatingin lang ito nang diresto sa akin. He seems to be the leader of the group. He is standing still with balled fists. Lumalabas ang mga litid nito sa leeg pati ang mga malalaking ugat sa braso.
Mukhang nagtitipon ng puwersa.
I hissed. What is he waiting for? Kaya ako na lang ang susugod. Malalaki ang hakbang na nilapitan ko siya para sana gawaran siya ng round house kick.
Nakaangat na ang isang binti ko para umikot nang maputol ang ulo nito at tumilapon palayo. Sia's katana stopped kissing the sole of my boots.
"Ooops. Sarreh." Nangunguyam na saad ni Sia nang bumungad siya sa akin pagkatapos matumba ng katawan no'ng lalaki. Napalaki ng ngisi niya sa akin at binaba niya ang katana.
Sinamaan ko siya ng tingin. Binaba ko na rin ang binti ko. Kumibot ang labi ko sa mahina kong mura sa kanya. Tinawanan niya lang ako.
Alam niyo 'yong pakiramdam na nasa climax na pero biglang may umepal at nawala ka sa momentum? Ganiyan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa ni Sia. Bitin na bitin ako. Nanggigigil ang kalamnan ko.
Bagot ko siyang pinanood habang isa-isa niyang pinugutan ng ulo ang mga napatumba ko.
"Ido-double dead mo pa talaga." Untag ko.
Lumingon lang siya sa akin at nag-thumbs up. Nilabas niya sa bag niya ang isang mukhang maliit na fire extinguisher. Napataas ang kilay ko nang inispray niya ito sa mga nakakalat na katawan. It liquefies the corpses! Parang asido.
"Ang fvcking galing 'no?" pagmamayabang niya pagkatapos ng ginawa. Nagkibit-balikat lang ako kaya napasimangot siya.
"What about the heads?" tanong ko nang makitang iniwan niya ang mga ulo.
"They will be the guards of this highway. Isn't it fvcking amazing?" aniya, saka hinilera ang mga ulo sa gilid ng daan. "They will surely fvcking haunt this area."
"You're crazy."
"Matagal na, hindi ka na-inform? I even became crazier when you left us. Muntik ko na ngang makalimutang may anak pala ako dahil sa pagiging baliw ko sa 'yo."
"Ewan ko sa 'yo."
"Pero naisip ko talaga, Reina. Currently, our country is the biggest fvcking bedlam in the world then for sure after this war Slovenia will be the biggest fvcking haunted kingdom." Wika niya na parang napaka-essential sa buhay ng realization niya. I could even visualize a big bright bulb above her head.
"Sa dami ng mga namatay, sigurado akong hindi sila matatahimik at magpagala-gala lang sa Slovenia. Dahil ikaw ang reyna ng kaharian, ikaw ang susundan nila at mumultuhin lalo na ang mga tauhan ng Triad." Humahagikhik pa siya. "Tsk, I suggest you need to look for a psychic for a better future."
"Nietah." Asik ko.
Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad.
"Ni-ye-tah from the word punyeta? Ang cute ng mura mo ah." Habol niya sa akin, "Ni-ye-tah!"
Hindi ko na pinansin si Sia pero palihim akong napangiti. Bumabalik na ang dating makulit na Iseah na nakilala ko noong bata pa pero hindi nakakaligtas sa akin ang nakakubling kalungkutan sa mga mata niya.
Panigurado akong naalarma na ang Triad troops na naka-assign dito sa Sora pati na rin sa Brecize dahil nangyari sa mga controlled armies nila. Sigurado rin akong gumagawa na ng kanya-kanyang eksena sina Ryleen at Morry.
But nothing to worry dahil alam ko ring nagkakagulo na ngayon sa palasyo kung saan nakabase ang mga Primus ng Triad.
Lalo pa at nagsimula na ang Plan X ko o Project Extermination. Kung sila may Project Armageddon ako naman ay may Plan X.
"Pero Reina, hindi ka ba nagtataka?" maya-maya'y untag ni Sia.
"Mmm?"
"Marami nang controlled civilians at armies na nakakalat at sigurado akong hindi magagawang sakupin ng Triad ang mga malalaking bansa na pati buong kontinente kung dahas lang ang gamit nila. Parang may ginagamit sila para makontrol muna ang mga gobyerno at mga palasyo ng bawat bansa para makapanakop nang tuluyan."
Sinulyapan ko siya, "Do you think so?" I asked.
"Mayroon talaga eh. Hindi ko nga lang matukoy kung ano, sa mga nakalipas na taon 'yon talaga ang pinagtuunan ko nang pansin. Ang malaman kung ano ang ginagamit ng Triad sa pananakop. Ang bilis lang kasi. Parang ang dali-dali lang sa kanila. Dahil kung hindi naagapan agad panigurado buong mundo na ang sakop nila. Imposible naman ang Project Arma—" natigilan siya at nanlalaki ang mga mata napatingin sa akin.
"Fvck! Seryoso?!" bulalas niya nang makita ang reaksyon sa mukha ko.
Bumuga ako ng hangin, "That's what we're going to find out."
"Pero... are you serious? Activated na ang Project Armageddon? Confirmed na ba?"
"Come to think of it, we had just killed controlled armies who seemed to be like robots. Ni daing hindi natin narinig. Mas lalong lumaki ang hinala kong ginagamit na ng Triad ang Arma Machine. Sigurado ako na ang mga country leaders na sakop nila ay controlled na rin pati ang ibang malalaking tao." I told her.
"Paano naman nila magagamit 'yon kung si King Malachi lang ang hawak nilang carrier ng Arma Machine? Hindi naman nila basta-bastang makukuha si Ma'am Ynca lalo ka na. Hindi rin ang mag-ama mo."
"Iyan ang dapat nating malaman, Sia. Ayon kay Aly alam na ng Triad ang locations ng Ten Arma Towers, ibig sabihin ang mga kontinenteng nasakop na ng Triad ay nandoon ang towers kaya napakadali para sa Triad manakop."
"Ten Arma Towers." She whispered. "Ah, 'yan iyong tinukoy ni Mojica sa amin noong nakaraan. 'Di ba nasa pangangalaga mo ang mapa? Paano naman nila nalaman? Huwag mong sabihin kasabwat ka ng Triad at pinapasakay mo lang kami?" nanliliit pa ang mga mata niya.
Wala sa oras na nasuntok ko siya sa panga.
"Fvck you, Reina!" singhal niya. "Masakit 'yon!"
I hissed, "Nagtataka lang ako kung bakit hindi nila nasakop ang Asia, rest of America at ang ibang malaya pa kung ginagamit na nila ang Arma Machine."
"But of course! Hindi talaga nila masasakop ang mga 'yon lalo na ang Asia dahil nasa pangangalaga natin ang mga lugar na 'yon!" palatak ni Sia.
"No. Walang takas ang lahat sa Project Armageddon Sia, ni hindi malalaman ng mga civilian na may nakatanim na palang Arma Chip sa katawan nila. Sa tingin ko, hindi pa natutukoy ng Triad ang lokasyon ng ibang Ten Arma Towers na nasa Asia, Australia at America." I said.
"Or baka temporary lang ang usage ng Arma Machine! Isipin mo ah, kaya siguro minadali nila ang lahat sa pananakop dahil limited lang ang oras nila at kaya rin hinahabol pa rin kayo ng Triad dahil kayo ang original DNA carriers na kailangan ng Arma Machine." She shrieked with realization evident on her face.
Natahimik ako at napaisip. Maaaring tama si Sia.
"Pero sino?" aniya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano'ng sino?"
"Sino'ng traydor ang nagsabi sa Triad sa lokasyon ng Arma Towers kung hindi ikaw at sino ang ginagamit nilang receptor para i-activate ang Arma Machine?"
"The Wing Tattoo on my back is the map." Pag-aamin ko.
Tumango-tango naman siya, "Do you have someone in mind who's behind this? Sino ang aswang na kasabwat ng Triad?"
I remained silent. Binilisan ko ang aking paglalakad.
"Sinu-sino ba ang nakakita ng tattoo mo sa likod? Let's do some deduction." Habol niya, hindi pa rin ako umimik.
"Una, matutukoy ba agad ang mapa sa likod mo o need pa ang pag-encrypt?"
"Si Ynca lang ang may alam kung paano basahin ang mapa." Sagot ko.
"Oh, kung gano'n sadyang aswang talaga ang kasabwat ng Triad at nagawa niyang tukuyin ang mapa sa likod mo. Sinu-sino ang mga taong nakakita sa likod mo?"
Hindi ako sumagot.
"Sigurado ako no'ng hawak ka ng Triad, nilagay ka na naman nila sa chamber capsule nang nakahubad. Kaya maraming nakakita sa bawat sulok ng pagkatao mo. Pero sa tingin ko, wala sa kanila ang may alam kung paano tukuyin ang mapa."
Nanatili akong tahimik.
"Sino pa nga ba ang nakakita sa tattoo mo? Si Theus na siyang sumagip sa 'yo. Si Mojica na siyang nag-alaga sa 'yo noong na-rescue ka. Si Morry na assistant ng tiyahin mo. O si Zync na katukaan mo? O sige isama na natin sina Aly at Terrence pati si Ryleen at si Tari. Ang tanong sino ang aswang?"
Napailing na lang ako at mas binilisan ang paglakad.
"Iniiwasan mo ba ang tanong ko? Siguro alam mo na kung sino pa ang nagtatraydor sa grupo natin 'no?" pangungulit niya.
"Reina ah!" singhal niya. "Hindi ito ang panahon na pagtakpan mo ang traydor! Alam kong may malambot kang puso pero jusko naman Reina! Hindi na uso ang pa-martir ah. Fvck you ka talaga kapag aalagaan mo pa rin sa puder mo ang ahas!"
"Kung anu-ano ang iniisip mo. You're being paranoid." I muttered.
"Bakit Reina? Takot ka bang malaman namin sino ang traydor at ayaw mo siyang malagay sa alanganin?" She mocked.
Umiling lang ako.
"Fine." Mapakla siyang tumawa. "Keep it to fvcking yourself, Reina but once I find out kung sino ang nangangaswang sa grupo natin... forgive me but I'll cut his/her head using my katana saka ibabandera ang ulo niya sa palasyo!" banta niya. "Kung may mga kasabwat man siya. Fvck them all and I'll surely bring them to fvcking hell with their heads raise as fvcking flags."
**
Malapit na kami sa sentro ng Sora at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Sia. Talagang na-badtrip siya sa akin. Hindi ko naman matukoy kung saan banda siya nainis.
Eh sa wala naman akong may isasagot sa kanya. Andami agad sinabi. She's still the tactless Iseah I knew. But she's right, I have someone in mind who's behind this betrayal happening in our group kaya nga tatlong plano ang nilahad ko sa grupo. Ang akala nilang original plan at plan A na mga huwad lamang at ang Plan X na siyang nagaganap na ngayon.
"Fvck." Napatingin ako kay Sia dahil sa malutong niyang mura.
Napamura na lang din ako sa nakita kaya mabilis ko siyang hinila patago sa isang pader.
"Fvck. Fvck. We need to fvcking do something!" untag niya at hindi mapakali sa tabi ko habang sinisilip namin ang nangyayari sa bungad ng sentro ng Sora kung saan may children's park.
Nanginginig ang kalamnan ko sa nakikita. Kaya pala walang pa kaming may nakikitang tao sa daan kanina pa dahil nandito lahat ang mga tao sa sentro.
At ngayon, sa mini stage ng children's park ay nakahilera ang mga babaeng hubo't-hubad. Bata, dalagita, dalaga o matanda. Nasa paligid naman ang taong bayan na nakaluhod, may mga kadenang nakapulupot sa mga paa nila.
Napansin ko rin ang mga naka-business attire na mga tao na nakatayo rin sa paligid pati na ang mga Triad squads and troops na nagbabantay.
Nilalatigo ng mga Triad ang nanlalaban sa kanila. Habang 'yong mga naka-business suit at naka-pormada na mga tao ay halatang disgusto sa mga nakikita at napipilitang mag-bid lamang, may iba pang umiiyak lalo na ang mga babaeng halatang galing sa mayayamang angkan.
"They're bidding the women. Fvck this, we need to do something, Reina."
Ito ang sinasabi ni Aly. Nagtagis ang bagang ko at rinig ko ang paglangitngit ng aking mga ngipin.
"We need to find the general assigned here in Sora. Siya ang dapit natin unahin." Sabi ko, "Don't ever do reckless move, Sia kung ayaw mong maubos ang lahat ng mga tao sa bayang ito." I warned her.
Malutong na mura lang ang sagot niya sa akin.
Nang sumapit ang dilim ay naghiwalay kami ni Sia. Pumunta siya sa city hall kung saan namumugad ang general ng Triad habang ako naman ay nanatili rito sa sentro.
Iniwan ko ang mga gamit ko sa isang abandonadong kotse na malapit sa talahiban bago ako tumungo sa mga kabahayan. Bitbit ang ilang armas at ang tablet ng binigay ni Morry ay tahimik akong kumukubli sa lilim.
Nilabas ko ang aking blowgun na may balang poisoned needles nang may dumaan na limang Triad sa gawi ko. Isa-isa ko silang tinarget at nang matumba ay hinila ko sila gilid. I checked them using the tablet and they turned out to be bomb armies.
Napailing ako at hinayaan na lang silang patayin ng lason. Tinambak ko ang bangkay nila sa isang konkretong bahay sa malapit, abandonado na ito. I checked the area, at itong bahay na ito ay ilang metro ang layo sa pinakasentro ng Sora.
Nilagyan ko rin ng mga speaker bugs sa paligid.
I used my blowgun to every Triad's bomb armies I passed by in the streets and put them inside that concrete house.
Hanggang sa narating ako sa isang slum area. Squatter areas here in Slovenia don't look like those in the Philippines. Dikit-dikit man ang mga bahay ngunit gawa lahat sa bato. It looks like big and crowded housing projects. Pantay-pantay ang laki ng mga bahay at pulido ang pagpapagawa.
My grandfather, the High King made sure to give his people the houses they deserve to have even in simplest form. Si King Malachi ang naitalang pinakabata at pinakamahusay na kinoronahang hari ng Slovenia.
Ayon sa mga elders ng kaharian, ang regime rin ni King Malachi ang pinakamaunlad at pinakamatagumpay kung kaya naging pinakamayaman at pinakamalakas na bansa sa Europe ang Slovenia.
Lahat ng tao ay may pangkabuhayan. Walang mga palaboy sa daan dahil kung mayroon man ay agad silang nire-rescue at may mga sectors na nangangalaga sa kanila. Nagkalat din ang mga orphanage at home for the aged.
Habang yumayaman ang mga negosyante at opisyales ng kaharian ay kasama nila sa pag-angat ang mga mamamayan. Hanga ako sa pamamalakad ng aking lolo pero bakit? Bakit hindi nila ako natanggap?
Bakit mas pinahalagahan nila ang tradition ng pamilya? Bakit hindi na lang nila ako nilagay sa isa sa mga orphanage?
Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ng iyak. Sinundan ko ang iyak na iyon. Narating ko ang gilid ng isang sirang bahay at do'n nahabag sa nakita.
"Ayoko na. Ayoko na." iyak niya. Pinanood ko siya nang inabot niya ang isang basag na salamin. Unti-unti niya iyong nilapit sa kanyang leeg.
"Ilang beses ko na ring nasabi na ayaw ko na, na tama na, na pagod na ako..." natigilan siya at napatingin sa akin.
"S-sino ka?" mas lalo siyang nagsumiksik sa gilid.
Umupo naman ako sa nakausling semento at hinarap siya.
"Kaya lang nakakarindi rin pala kung paulit-ulit lalo na kapag parehong puso at isipan mo ang humiling-hiling ng mga salitang 'yon. Ilang beses na rin akong sumuko pero hinaharangan ako ng sitwasyon." Nginitian ko siya.
"S-sino ka ba? T-tauhan ka nila 'no?" tumayo siya, "P-parang awa mo na, patayin mo na lang ako." Hagulgol siya sa harapan ko.
"Palagi kasing sinasampal sa akin ng mundo na kapag sumuko ako, paano na lang silang umaasa sa akin? Paano na 'yong mga taong mahalaga sa akin? Paano na lang sila kapag wala na ako? Paano kapag kailangan nila ng tulong ko?"
"H-hindi kita maintindihan."
Nginitian ko siya, "Ano ang pangalan mo?"
Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin ang luhaan niyang mukha.
"Call me, Reina." Saad ko, "Don't worry, hindi kita sasaktan at mas lalong hindi ako demonyo katulad nila."
Nanlaki ang mga mata niya, "H-hindi ka isang Triad?" untag niya.
Nakangiting umiling ako.
"H-help me." Nagmadali siyang tumakbo sa akin at halos madapa siya kung hindi ko lang siya sinalo.
"Whoa. Easy."
Hinubad ko ang suot kong parka at sinuot sa hubad niyang katawan. Napangiti na lang ako nang mapait nang niyakap niya ako nang mahigpit saka siya umiyak nang umiyak na para bang nakakita siya ng kakampi.
"A-ako po si Genesis. Binenta ako ng general sa isang negosyante pero nakatakas ako kay Mr. Pressman. Lingid sa kaalaman kong hinayaan niya lang pala ako dahil sa awa. Subalit nahuli ako ng mga Triad at sinauli sa general. Pinatay nila si Mr. Pressman dahil sa ginagawang pagpapatakas sa mga binibili niyang babae pati na ang anak nitong lalaki, inagaw rin sa kanila ang kanilang yaman at ang anak niyang babae ay ginawang puta gaya ko..."
Hinaplos ko lang kanyang likod.
"...galit na galit siya sa akin. Nagawa ko muling tumakas kaso wala naman akong mapupuntahan."
Humiwalay siya sa akin at pinakita ang marka sa kanyang dibdib, pinaso ang balat niya na hugis ng isang babae. Malaki iyon na kita hanggang sa leeg.
"H-hindi ako makatakas dahil sa markang ito. Hindi ko rin magawang humingi ng tulong sa mga taong bayan dahil hawak din sila ng Triad sa leeg."
Hinaplos ko ang kanyang pisnge, "Huwag kang mag-alala. Nandito na ako."
Niyakap niya akong muli habang umiiyak kaya nagsalita ako, "Sabihin mo sa akin kung ano ang nalalaman mo sa plano ng heneral."
"Bukas, may magaganap na kasiyahan sa royal hall. Buwanang kasiyahan iyon para sa lahat ng tauhan ng Triad. Imbitado lahat ng mayayaman na sunod-sunuran sa heneral habang ang mga babaeng tulad ko ay magbibigay aliw sa kanila."
Dahil sa narinig ay napangiti ako. Hinugot ko ang maliit kong telepono saka tinawagan si Sia.
"It's gonna be our day tomorrow, Claw."
-End of Chapter 54-
NEXT CHAPTER: HARLOT
A/N: Sa utak ko nasa Epilogue na ang naisulat ko but my time won't let me put everything in words! Masiyadong strict si Time, ayaw niya akong makipagdate kay Lappy pati kay Watty. This is so frustrating. My sanity is shaking!
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro