50: LEAVING
Chapter 50: LEAVING
Enjoy reading!
3rd.
"Ayoko! Sasama ako sa inyo Madam Weina!" iyak ni Pula at halos maglupasay na sa sahig. Gumapang ito papalapit kay Reina saka mahigpit na yumakap sa binti niya.
"Madam! Isama mo na ako, please! Ayokong maiwan dito! Hindi ko kayang malayo sa 'yo!" ungot pa nito.
Bumuntong-hininga si Reina, "Pursi, we've already talked about this. Maiiwan ka rito." Malumanay niyang saad.
"Ayoko nga sabi eh! Sama ako!" malakas itong ngumuwa.
"Ano ba?! Kanina ka pa, Pula ha! Umayos ka!" sigaw ni Morry kay Pula saka pinilit itong alisin sa pagkakayakap sa binti ni Reina pero mala-tuko itong nakakapit.
"Yan kasi, masyado mong inispoil ang babaeng 'yan! Tingnan mo oh! Daig pa si Zyncai kung mag-tantrums!" paninisi pa ni Morry kay Reina.
"Huwag ka nga, Mowi! Madam naman eh. Sabi mo sa akin, lahat ng gusto ko ibibigay mo! Bakit ayaw mo akong isama?!"
Mataimtim na tinitigan ni Reina si Pula na basang-basa sa kakaiyak. Namamaga na rin ang mga mata nito dahil kanina pa ito umiiyak. Hindi kasi ito kasama sa mga tauhan niyang dadalhin tungo sa Slovenia mamayang gabi.
"Pursi Lanarri. 'Di ba sabi mo sa akin, ikaw ang magiging bantay ni Zyncai? Kaya ka maiiwan dito dahil babantayan mo ang anak ko habang wala ako."
Parang uod na ngangingisay ito na naputol ang katawan dahil sa sinabi ni Reina, "Kinuha naman siya ni Bossing eh! Edi 'yong tatay niya ang magbantay sa kanya, total nagmamagaling naman ang taong 'yon! Kaya sasama na lang ako sa 'yo, Madam!"
"Pursi Lanarri." Reina warned her.
Humaba ang nguso ni Pula, "Eh bakit si Wyleen? Sasama siya! Mas matanda naman ako sa kanya ah."
"Excuse me, mas older ka nga than me but mas mature ako than you! So don't drag my name in your tantrums, redhead." Asik ni Ryleen na nakaupo sa kama ni Reina. "And one more thing, Ate Reina needed a skilled sniper and I was the one who passed the test! Kaya ako kasama sa mission na 'to ano!"
"Mawunong naman ako maging snipeee ah!"
"Duh? Ni hindi ka nga marunong tumarget gamit ang tirador, sniper pa kaya?" may tonong pang-aasar na balik ni Ryleen.
Nagpapadyak si Pula habang nakayakap pa rin sa binti ni Reina, "Mawunong nga ako! I can snipe using Bazooka!"
Nagtawanan sina Morry at Ryleen.
"You're hopeless. Sorry Pula, you'll stay here. Babye!" pang-aasar pa nito.
"Madam oh, ang sama ng ugali ng batang 'yan! Isama mo na ako, please! Sabi mo impwessive ang combat skills ko pati magaling ako sa showt wange weapons, bonus na 'yong galing ko sa pag-handle ng Bazooka! Kaya isama mo na ako sa Slovenia! Hindi ka win magugutom sa akin dahil sanay ako sa paghahanap ng pagkain lalo na sa mga anyong tubig! Magaling din akong mang-ambush at mang-agaw ng awmas!"
"Proud ka na niyan?" Morry asked.
"Oo! Bakit naging piwata ka ba?! Hindi naman ah! Hindi madaling tumiwa sa dagat minsan sa kagubatan pawa mabuhay! Higit dalawang taon din akong naging kapitan ko at namuno sa aking cwew! Kung sa expewyens lang din ang pag-uusapan walang-wala si Wyleen sa akin kaya ako dapat ang sumama!"
"I passed the test so just quit it, loser!" singhal ni Ryleen.
"Walang-wala ang mga pagsusulit na 'yan o kung ano mang test kumpawa sa naging kawanasan sa totoong buhay! Mawami ka pang didildiling asin, bata pawa pagmalakihan ako!"
"Whatever! Maiiwan ka pa rin while me is coming with Ate Reina!" dumila pa si Ryleen na mas lalong nagpanguwa kay Pula.
Napailing na lang si Reina saka pilit naglakad papalapit sa mesa para kunin ang mga importanteng papeles na dadalhin niya sa kanilang mission. Nakakapit pa rin si Pula sa kanyang binti na patuloy sa pag-iyak at pag-ungot.
"Madam! Isama mo na ako. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo! Gawin mo akong slave kahit isang taon pa 'yan gaya won sa nabasa kong stowi sa wattpad, may hinihinging pabow 'yong bida tas ginawa siyang slave kapalit no'n! Pewo madam! Huwag mo akong asawahin ah dahil 'yong sa nabasa ko naging mag-asawa sa huli 'yong mastew at slave! Kadiwi 'yon! Kahit labs kita, hindi naman kita type. Mas maganda kaya ako kaysa sa 'yo!"
"Kung anu-ano 'yang pinagsasabi mo! Tumigil ka na riyan, Pula! Kakaladkarin talaga kita kahit pa paborito ka ni Reina!" bulyaw ni Morry. Bumelat si Pula rito.
"Madaaaaam!"
"Hindi ka nga puwede ro'n! Bawal ang pinay na may pulang buhok do'n." ani Morry na halatang inaasar lang si Pula.
"Hindi naman ako puwo Pinay ah! Half-Italian kaya ako kaya nga natuwal na pula ang buhok ko. Hindi 'to peke 'no! Pula talaga 'tong buhok ko! Italian kaya ang Papa Puti ko na napadpad dito sa Pilipinas dahil wanted siya noon sa Italy dahil isa siyang magiting na piwata at nang hijack sila ng yate ng Italian Pwime Ministew dahil nilaglag siya ng kasama niya dahil mabait si papa dahil isa nga siyang puwong Italian kaya puwede ako won sa Slovenia!"
Nagtawanan sina Morry at Ryleen habang napapangiti na lang si Ryleen sa mga pinagsasabi ni Pula na nakayakap pa rin sa kanyang binti.
"Bawal ang walang-dugong Slovene roon!" ayaw paawat na pang-aasar ni Morry.
"Eh bakit si Wyleen?! Pinay naman 'yan ah! Powket blue at gween ang mga mata niya?! Pweh!"
"OMG! Na-forget mo na ba na Half-Slovene ako?! Hahaha! Slovene International kaya ang Mommy ko tapos galing pa sa Noble Family and that makes me a royal blood! 'Di ba nga first cousin ko si Ate Reina? Duh?"
Nalugi naman ang mukha ni Pula, "Madam oh, inaaway nila ako!"
"Haaay naku... Pula. Dito ka na nga lang. Hindi ba, sabi mo nasanay ka na sa pagiging Executive Assistant mo kay Zync at natutuwa ka kay Kyot mo dahil pikon siya? Kaya ipagpatuloy mo na lang ang nasimulan mo saka bantayan mo nang mabuti si Zyncai pati na sina Arra at Arri, may kasama pa naman silang witch." Saad ni Morry. "Sige ka. Baka may makilala sa 'yo sa Europa na anak ni Papa Puti mo at ikaw ang ikulong. Wanted pa naman papa mo. Tsk."
Napatingin si Reina kay Morry at sinamaan niya ito ng tingin. Umirap lang ang huli at nagpatuloy sa pagsulsol kay Pula.
"Iyon na nga! Baka pagbuntungan ako ng kakambal ni Madam! Isama mo na ako, Madam... please! Masama pa naman ang ugali no'n! Nanlilisik 'yong mga mata niya kapag tumingin sa akin lalo na kapag kausap ko si Bossing, akala mo type ko boylet niyong dalawa. Hindi naman ah! Ayaw ko sa taong puwo gilagid!"
Muling napuno ng tawanan ang silid ni Reina.
"Asus, edi isumbong mo kay Zync kapag may ginawa si Tari sa 'yo. Boss mo naman 'yon. Hindi ka papabayaan no'n." ani Morry.
"Walang kuwenta naman 'yong si Bossing eh! Tamad na nga, puwo gilagid at higit sa lahat isa pang malaking tanga. Si Madam nga inaway at tinawag na halimaw, ako pa kaya! Baka mapagkamalan ako no'n na nawawalang pwinsesa ng kadiliman, maganda at maalindog pa naman ako. Mahiwap na!"
"Hoy!" mahinang saway ni Morry kay Pula dahil sa sinabi nito. Nandidilat ang mga mata nito pati si Ryleen.
Natigilan naman si Reina saka malakas na bumuntong-hininga at malalim na tinitigan si Pula.
"Madam! Isama mo na ako oh!" biglang ungot ni Pula na nagpatay-malisya sa sinabi.
*****
[At the 12th hour of the day, the West Melca Port in Suzana Boundary will open until 3rd hour of the night. There's a parked yacht at the end of the port, west side number C1R2I3S4.] Aly informed Reina.
Isang oras na lang ang hinihintay nila ay lilipad na sila tungo sa Latvia. Higit kalahating araw ang magiging biyahe nila sa himpapawid. Gagamitin nila ang eroplano ng kaibigan ni Reina na si Cronica Mc Leod na isang maimpluwensyang tao sa Greece. Hindi ito nagawang sakupin ng Triad kaya labas-masok pa rin sa Europe ang mga tauhan na under sa pangalan ni Mc Leod kasama na roon ang ROFIC.
"Is the yacht safe for us?" Reina asked.
[Yeah. Thronux men took over the yacht. You don't have to worry. It's loaded with food to be distributed in Kranj, it will sail on the northwest going to Sava River and pass in the Julian Alps. I suggest, do'n na kayo bababa. Dahil sa Brezice nakabase ang 2nd Infantry Battalion ni Finamelia. Delikado na para sa inyo.]
"Thank you for the information, Aly. Keep safe." Aniya saka binaba ang telepono. Mabilis namang kinuha ni Morry ang ginamit na telepono saka sinira iyon.
"Handa na ba ang lahat?" tanong ni Reina sa kanila.
"My team is ready, Ate Reina." Seryosong wika ni Ryleen.
Tumikhim naman si Morry bago nagsalita, "The armies are just waiting for your orders, Reina. The commanders in Greece, Estonia, Finland, Ireland and Latvia are doing their assigned task. The submarines are on their places and the seals are very much ready. Ang teams na nasa Antarctica, Africa and Middle East ay ginagawa pa rin nila ang iniutos mo."
"Good."
"And Tamara called last night she said minomonitor pa rin ng Chthonic ang Asia as well as Australia at iba pang natitirang kontinente. May nilusob silang laboratory sa Malaysia at nilinis na. Nakipagmeeting na rin ako kay Lady Valentine, their agents are ready for battle. Nemesis Consortium will join the war and agreed to be under your command, Your Highness."
Napangiti si Reina, "That's good then. Akala ko mananahimik lang ang NC pero wala ba tayong magiging problema sa Chthonic?"
"Don't worry, Reina. Tamara is in control over the society. All Mafia Families coordinated to be under her and Tamara will take action from your commands. Pati na rin ang Gangster League. They are all willing to die in war just to defeat Triad." Saad ni Morry.
Saglit na natahimik si Reina sa narinig. Masyadong marami ng tao ang nadadamay. Hindi ito ang gusto niya pero hindi niya naman kayang tanggihan ang inaalok na tulong ng mga ito. Kailangan niya ng malakas na puwersa laban sa Triad.
Dahil sa kasalukuyan ay mas lalong lumaki ang puwersa ng Triad nang makipag-alyansa rito ang mga rebeldeng grupo na galing sa iba't-ibang panig ng mundo.
"How about the Empyreal?" mahinang tanong niya.
"They are waiting for your command, Your Highness." Sagot ni Mojica na nakangisi. "All the organizations around the globe are now under your control. One word from you, the war will begin."
Tumango-tango si Reina. Bumaling siya sa bintana saka tinanaw ang madilim na paligid. Mas lalong naging mabigat ang pakiramdam ni Reina sa sinabi ng kanyang tiyahin.
She's the most powerful person now.
From now on her words will be considered as the law, authority and power.
"Al Ryan, are you ready?" tanong niya habang nakatalikod.
"Dark Quarter is ready, My Queen. Our family will be safe. You don't have to worry for us. Kami na rin ang bahala sa gobyerno at sa Interpol pati na rin sa ibang security agencies." Magalang na sagot nito.
Tumango si Reina at bahagyang nilingon si Al. Nagtama ang mga mata nila at saglit na nagpalitan ng makahulugang tingin. Pasimpleng tumango si Al.
"Mattheus, ikaw na ang bahalang gumabay kay Zync sa Trifecta. He needs you."
Kumuyom ang kamao ni Theus, "Even if I wanted to go and fight with you, I will assure you that Trifecta would be there at the end of the war and help everyone to rise again." Anito.
Napangiti si Reina sa narinig.
"Mabuti kung gano'n..." aniya, "Pursi Lanarri-"
"Oo na! Maiiwan na ako! Magiging wesponsableng yaya ako ni Zyncai, ni Awa at ni Awi pati na ng Boss kong tamad at panget... babantayan ko sila! Hindi ko hahayaang maghasik ng lagim si Tawi na walang utang na loob at sinungaling! Tatapyasin ko win ang nguso ni Bossing kapag nagkiss sila." labas sa ilong na wika ni Pula na puno ng hinanakit.
Nakasalampak ito sa gilid ng meeting room at nagtatampong nakatingin kay Reina.
Napabuntong-hininga na lang si Reina sa narinig at bahagyang napailing.
"Everyone will stay at Latvia and wait for my signal to follow me inside. Dahil ako muna ang papasok sa bansa." Anunsyo niya.
Halos lahat ay napalatak...
"What? No! I won't let you go alone, Reina!" sigaw ni Morry.
"Morry, kung marami na tayo mas makakakuha tayo ng atensyon. It is much better that I'll go first and study the area. It'll be suicide if I'd let the whole team to enter Slovenia at once. Masasayang lang ang kayang gawin ng team na nandito."
"It is dangerous for you, Reina. Baka may makakilala sa 'yo at dakpin ka." Wika ni Theus.
"You don't have to worry for that matter. I'm not crowned to be the Wing Regal for nothing."
Nilahad ni Reina sa lahat ang plano. Siya lamang ang nagsasalita at ang lahat ay mariing nakikinig.
Pinaalis ni Reina ang ibang mga tauhan hanggang sa ang mga malalapit na lang sa kanya ang naiwan.
"Reina, are you sure about this?" nag-aalalang tanong ni Theus sa kanya.
Bumuga siya ng hangin at hindi umimik.
"It would be better, if you'll bring someone or two persons with you. Hindi magiging pabigat iyon sa 'yo sa pag-infiltrate. Mas mabuting 'yong may tutulong sa 'yo, Reina." Suhestiyon ni Mojica.
Natahimik si Reina at nag-isip.
"I'll go with you. I know every corner of Slovenia." Ani Morry.
"Fine. Morry and I will infiltrate Slovenia. The rest will wait for my orders."
"Ate Reina, you'll need a sniper." Singit ni Ryleen nakataas kamay pa.
Nagkatinginan sila ni Mojica dahil sa saad ni Ryleen.
"Ryleen will be a great help." Sabi nito na bakas ang kumpiyansa para sa anak.
Bumuga ng hangin si Reina, "Okay. Ryleen and Morry will go with me." She said with finality.
"Kailangan mo win ng piwata, Madam!" ungot ni Pula na puno ng pag-asa baka sakaling makalusot.
"No." malutong na sagot ni Reina. Tahimik na napaiyak si Pula sa gilid at wala man lang may pumansin.
Pumasok sa meeting room ang isang guwapong lalaki na nakasuot ng uniporme pang-piloto. Matikas ang tindig nito at makisig ang pangangatawan. Golden tan din ang balat nito na kaysarap tingnan. Dahil nasa malapit sa pinto si Pula ay nabagsakan siya ng pinto nang bumukas ang pinto.
"Awaaay naman!" sigaw ng bulol. "Nyeta!"
Mabilis na humingi ng tawad ang guwapo at batang piloto kay Pula.
"I'm sorry! I didn't mean to hurt you, Miss. Are you okay?" anito. Nag-angat ng tingin si Pula at nagtama ang mga mata nila.
Nagningning ang mga mata ng ating nag-iisang piwatang-bulol nang makita ang mukha ng piloto. Napanganga pa ito at malapit nang tumulo ang laway.
"I'm very sorry, Miss." Pag-uulit nito bago tinalikuran si Pula na nakatulala. Napadako pa ang paningin ng piwata sa puwitan ng piloto na matambok at do'n pinagsawa ang mga matang makasalanan. At do'n nagsimula ang kuwento ng Piwata at ng Piloto... pati na ni Kyot. Charrr!
"Good evening, Your Highness. The plane is ready." Magalang na saad ng piloto kay Reina.
Hinarap ni Reina ang lahat, "Maghanda na ang lahat. Al Ryan, isama mo na si Pula pauwi. She'll stay at my mansion. Kung sakaling umalma si Zync, tell him it's my order at kung aalis ang lalaking 'yon sa mansion dahil sa pride niya. Huwag na huwag ninyo siyang hayaan. Guard Zync 24/7. I want his every move to be monitored as well as Tari's. Simula ngayon, huwag niyo na ring papalabasin sa mansion ang mga bata."
"Masusunod, mahal na reyna." Ani Al Ryan. Reina slightly tilted her head, dismissing Al. Yumukod ito saka lumapit kay Pula na nakatingin pa rin sa pwet ng piloto saka ito hinila paalis.
"Teka lang-! Piloto ko! Ilipad mo ako-" sigaw ni Pula pero tuluyan na itong nahila palayo ni Al.
"Captain Rendale Carlynx, thank you for being here. I appreciate your help. I hope you'd fly us safe to our destination." Aniya.
Matamis na ngumiti ang piloto, "It's my pleasure and honor to render my service to a very beautiful queen."
Tumango si Reina at tipid na ngumiti. Lumabas ang piloto pati na rin si Theus. Ang naiwan na lang ay sina Morry, Mojica at Ryleen.
"Are you sure about this?" tanong ng kanyang tiyahin.
"Yeah, we will stick to the original plan." Sagot niya at bumuga ng hangin.
"What?" nagtatakang tanong ni Ryleen, "But I thought you... iba 'yong sinabi mong plano kanina, Ate. I don't understand."
"Yes Ryleen. We can't risk anything."
Napatango na lang ito, "Oh... there's a traitor."
"Yes. Pagdating natin sa Latvia, sa hilaga tayo didiretso. Si Mojica na ang bahala sa iba nating kasama. Chantaria will accommodate the whole team. Thronux will fetch us at the boarder para ihatid sa West Melca Port. Sa Julian Alps tayo baba, we will go directly to Primca Vas..." hinayag ni Reina ang kanilang orihinal na plano.
Natapos ang kanilang pagpupulong at sama-sama silang apat na nanalangin sa Maykapal.
**
Tanging si Reina na lang ang hinihintay ng lahat para makaalis na ang eroplano. Binisita niya sandali sa Clementin Mansion ang mga bata. Tahimik siyang pumuslit sa loob.
Sa maaaring huling pagkakataon ay emosyonal niyang hinagkan ang mga noo ng kambal na mahimbing nang natutulog. Pinasok niya rin ang kwarto ni Zyncai.
Niyakap niya ang natutulog na anak at paulit-ulit na inulanan ng halik.
"Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal. Masaya akong kahit sa maikling panahon ay nakilala kita at nakasama. Hindi ko alam ko makakabalik pa ba ako pero sana huwag mo akong makalimutan na minsan ay naging ina mo ako, na ako ang nagluwal sa iyo." Umiiyak na wika niya sa anak.
Hindi siya nagtagal sa kuwarto ng anak. Pumasok siya sa Master's Bedroom. Napangiti siya nang mapait nang wala si Zync doon. Ngunit nagtama ang mga mata nila ni Tari na ngayon ay nakaupo sa gitna ng kama.
Walang emosyon ang mga mata nito. Muling bumuhos ang luha ni Reina.
"I hate you." Mahinang sabi ni Tari ngunit rinig na rinig ni Reina. Tumango-tango siya pero hindi nagsalita.
Sa maaaring huling pagkakataon ay nginitian niya ng isang matamis na ngiti ang kakambal bago ito tinalikuran.
Tahimik na umiiyak si Reina habang nakaupo sa backseat ng sasakyan. Panay ang lingon ni Tara Cuenca sa kanya na siyang nagmamaneho. Papunta na sila ngayon sa private airport na pagmamay-ari ng mga Remedy.
"K-katareina." Utal na tawag ni Tara. Nilingon ito ni Reina at nginitian ito. Tanging mahinang paghikbi lamang ni Reina ang naging musika sa kabuuan ng biyahe.
Naglalakad na siya papasok sa private airport. Tumigil na rin siya sa pag-iyak.
Ngunit napahinto siya sa paglalakad nang may namataan siyang bulto ng tao na nakatayo sa 'di kalayuan sa kanya. Napatingin siya roon. Napalunok siya nang makita ang seryosong mukha ni Zync. Matagal silang nagtitigan.
Nag-usap ang kanilang mga mata na tanging mga puso lang nila ang nakakaintindi.
Humugot nang malalim na hininga si Reina bago umiwas ng tingin. Mabagal siyang humakbang paalis at pinigilan ang sariling huwag lingunin ang natatanging lalaki na kanyang minahal.
Sunod-sunod na tumulo ang kanyang luha dahil sa lungkot na nararamdaman.
"R-reina." Rinig niyang tawag ni Zync pero hindi na siya lumingon pa at mas pinabilisan ang mga hakbang.
"Katareina!" tumatakbong hinabol siya ni Zync habang sinisigaw nito ang kanyang pangalan. "Katareina! Iiwan mo na naman ba ako?! Reina!"
Umiiyak na tumakbo si Reina para hindi maabutan si Zync. Nakasalubong niya sina Theus at ang ama nitong si Matt. Bahagyang tumango si Reina sa kanila saka tumuloy na sa eroplano.
"Katareina!" sigaw ni Zync pero pinigilan na ito ng mga tauhan nina Matt. Dumating na rin sina Sia at Al para kunin si Zync.
"No! Katareina! Kausapin mo naman ako oh! Please!" nagsisigaw na ito, na nakaabot na sa baba ng eroplano. "Katareina! How could you leave me again without explaining yourself?! Don't leave me hanging with so many questions! Reina! Please! Talk to me! Huwag mo akong iwan. Hindi ko na kakayanin pa! Maawa ka! Ang daya-daya mo! Ang daya-daya. Reina, mahal-"
"Close it." utos ni Reina sa flight attendant. Nang maisarado na nito ang pinto ay hindi niya narinig pang muli ang boses ni Zync.
Naituptop niya ang kanyang mga palad sa bibig para pigilan ang hikbing nagbabadyang lumabas.
"Your Highness..." hindi mapakaling tawag ng FA sa kanya na hindi alam kung ano ang gagawin dahil sa umiiyak na babae.
Lumapit si Mojica at sinabihan ang FA na umalis na. Inakay ng tiyahin si Reina para yakapin.
"N-natatakot ako, Aunt Mojica." Pag-aamin ni Reina sa tiyahin. "N-natatakot akong baka hindi ko na makikitang muli ang mag-ama ko. N-natatakot ako." Iyak niya.
Hindi nagsalita ang tiyahin. Dumating si Morry na may dalang syringe saka walang paalam na ininject iyon kay Reina. Hindi nagtagal ay nakatulog na siya pero bago iyon ay nagawa niya pang ibulong ang pangalan ng lalaking mahal.
"Zync."
-End of Chapter 50-
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro