
49: KATARINA
Chapter 49: KATARINA
Enjoy reading!
3rd.
"Zync."
Magkasalubong ang kilay na nag-angat ng ulo si Zync. Hinubad niya ang eyeglasses na suot saka pinatong ito sa desk. Binaba niya rin ang papeles na binabasa. Umayos siya ng upo sa kanyang swivel chair saka tumingin dito.
"Hmm?"
Ngunit hindi ito nagsalita. Bakas sa mukha nito na hindi mapakali. She looks bothered.
"Do you want to say something, Katarina?" pormal na tanong niya sa babae na nakatayo sa harap ng desk niya. Tumingin si Tari sa mga mata niya at nakita niya ang lungkot doon.
Umiwas ito ng tingin at bahagyang umiling, "N-nothing."
Tumalikod na ito at muling umupo sa couch. Nakakuyom ang kamao nito habang nakatitig sa kawalan.
Humugot ng malalim na hininga si Zync saka muling binalik sa binabasa pero nawalan na siya ng konsentrasyon. Sinulyapan niya si Tari.
Limang araw na simula nang makilala at nalaman niya ang tungkol kay Reina. Limang araw na rin ang lumipas nang huli niya itong nakita. Nagising siyang wala na ito sa tabi niya kinaumagan no'ng may nangyari sa kanila. Ni hindi ito nagpaalam man lang.
Hindi niya rin alam kung saan ito hahanapin dahil pati si Morry at Lady Mojica ay hindi niya mahanap gano'n din sina Ryleen, Theus at si Pula na nag-AWOL.
Masyadong magulo pa rin ang laman ng utak ni Zync pero ang mahalaga sa kanya ay alam niyang si Tari at si Reina ay magkaibang tao, then Reina is the woman he loves.
Dahil sa kahilingan ni Reina ay nasa puder pa rin niya si Tari. Wala siyang ideya kung alam na nito na alam na niya ang tungkol kanilang katauhan. Labag man sa loob niya but Reina asked him to stay civil and treat Tari well.
Mariin siyang napapikit... namimiss niya na si Reina. He wanted to see her now.
"Kurt." agad itong lumapit sa kanya, "Please, cancel all my appointments left for today."
Aangal pa sana si Kurt dahil may importante siyang meeting ngayon ay hindi na nito nagawa. He dismissed Kurt.
"Katarina." Tawag-pansin niya sa babae nang nilapitan niya ito, tumingin ito sa kanya. Parang patay pa rin ang mga mata nito kung tumingin malayong-malayo sa mga mata ni Reina. "I called Henna to fetch you. She's on her way coming here. Just wait for her, okay?" maamong aniya.
Naningkit ang mga mata ni Tari, "Where are you going?" bakas sa boses nito ang tinatagong inis.
"It's none of your concern." Malumanay pa rin na wika ni Zync saka kinuha ang cellphone at mga gamit sa kanyang desk. Naglakad na siya tungo sa pinto.
"I'll go with you." Habol ni Tari sa kanya na mabilis na nakasunod. Huminto siya saka hinarap ito.
"Katarina, I'll be meeting someone important. You'll get bored anyway. Kaya umuwi ka na lang."
Nabigla si Zync nang biglang tumalim ang mga mata ni Tari, "No. If I say I'll go with you, I will go with you... d'you understand?!"
Sa ilang buwang kasama niya ang babae ay ngayon niya lang narinig na magsalita nang ganito si Tari. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng walang ka reaksyon-reaksyon sa paligid ay pinagtataasan siya ng boses.
"What's wrong with you?" takang tanong niya.
"I'll go with you." Giit nito habang naroroon pa rin ang matatalim na tingin.
"No." muling tumalikod si Zync pero laking gulat niya nang hinablot ni Tari ang kanyang braso saka siya malakas na binalibag sa couch.
"Sir Zync!" sigaw ni Kurt na hindi alam kung lalapit ba sa dalawa o hindi.
Hindi agad siya nakagalaw sa pagkakasalampak sa couch. Hindi makapaniwalang tiningnan niya si Tari na namumula ang mukha sa galit.
Ngunit hindi man lang siya nakaramdam ng takot at kaba rito.
"If you won't let me come with you, better you stay here or you'll go home with me! Understand?!" singhal ni Tari.
Hindi pa rin nakaimik si Zync.
"You are mine, Zync." Mariing saad ni Tari. "You are mine!"
Napasinghal si Zync at hindi makapaniwala sa narinig. Napatayo siya saka malakas na ibinagsak sa harap ni Tari ang bitbit niyang bag.
"What is happening to you, Katarina? Why are you suddenly acting like a bitch?!"
"I know who you would meet up with! I know, Zync! I'm not stupid not to know! And I am forbidding you to see that slut!" malakas nitong sigaw.
Hindi na kinaya ni Zync at malakas niya itong sinampal. Patawarin sana siya ni Reina na nagawa niyang saktan ito. Pero sumosobra na ito.
Nanlaki ang mga mata nito dahil sa ginawa niya. Pati si Kurt ay nagulat. Umatras palayo si Zync saka dinuro si Tari.
"Don't you call her names, Katarina. I may not have known everything but I am not stupid to be toyed by you so don't you ever raise your voice on me again!"
Biglang umiyak si Katarina. Sunod-sunod ang luhang tumulo sa mga mata ng babae.
"Kung gano'n sasabihin ko sa 'yo ang lahat para bumukas 'yang isipan mo sa totoong nangyayari." Seryosong saad ni Tari.
"I'm not listening to you. Sa kanya ko gusto marinig ang lahat kaya umuwi ka na at aalis na ako."
Nilagpasan ito ni Zync saka tumuloy siya sa pinto pero muling nagsalita si Tari at napahinto siya.
"She stole everything from me!" Anito. "Makasarili siya, Zync! Sobrang makasarili ng babaeng 'yon kaya ako nagkaganito. Siya ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Siya ang dahilan kung bakit nagkakagulo ngayon tapos pati ikaw ay aagawin niya sa akin?! Inagaw niya na nga ang mga anak ko sa akin, pati ba naman ikaw?"
Napasinghal si Zync at 'di makapaniwalang nilingon si Tari.
"Inagaw? I'm not even yours, Katarina! Kaya wala siyang may inagaw sa 'yo! Kung tutuusin, hinihiram mo ngayon ang posisyon niya sa buhay ko! Siya ang dapat na kasama ko, hindi ikaw. Kaya tumahimik ka!"
Nanlisik ang mga mata ni Tari, "You are mine, Zync! I am Katarina Zenkiah Olson Clementin! Ang babaeng mahal mo! Akin ka!"
"Yes, you are Katarina! You owned that name but you were not the woman I fell in love with." Seryosong aniya.
"No! You are inlove with me! Not her neither somebody else. You are in love with Katarina and that's me. Understand?! She's nothing but a pretentious bitch!"
"Huwag mong bilugin ang ulo ko." Mariing saad ni Zync na nabakasan na rin ng galit sa mga mata. "You borrowed everything from her. Yes, it's your name. You own that name but you don't own me, Katarina."
"Ako ang tunay na Crown Princess pero inagaw niya sa akin iyon pati ang pangalan ko ay hiniram niya. She borrowed my name but abused my whole being. Ginamit niya ang pagkatao ko dahil hindi siya tanggap ng kaharian namin! Isang siyang malas sa pamilya namin kaya namatay ang dating reyna at ang prinsepe! Kaya ako ang nirape ni Flynn dahil sa kanya..."
"Pati si Iseah ay inagaw niya sa akin. She is a manipulator, Zync! She is playing with us! We are inside her game! Naging Wing Regal siya dahil sa akin, she borrowed my identity to be on top! Nang magpakilala siya sa 'yo pangalan ko pa rin ang gamit niya, pati ang alaala ko at damdamin ginamit din niya! Katareina Zavina borrowed everything from me. Not me. It's the other way around."
Humakbang papalapit si Tari sa kanya. Napailing si Zync at natawa nang mahina pero hindi nagsalita.
"She's the real traitor here, Zync. Hindi ang Triad. Kundi siya ang traydor. Ginagamit ka lang niya dahil kailangan ka niya para magtagumpay sila ni Flynn sa mga plano nilang sakupin ang mundo! Oo Zync! Kasabwat niya si Flynn sa lahat ng 'to! Niloloko ka lang niya dahil simula no'ng bata pa kami malapit na sila sa isa't-isa ni Flynn."
"Do you think I'd believe you?!" iritang tanong ni Zync.
"You should believe me because I am your only ally here! Lahat sila ay traydor! Even Mojica, Sia, Al and Morry! Mga tauhan sila nina Reina at Flynn. She had also brainwashed my own children. Ako lang ang puwede mong pagkatiwalaan dito. Ako lang mahal ko."
"Shut up, Katarina!" sigaw niya saka umatras palayo rito. "Leave me alone!"
Ngumisi si Tari, "Nasabi niya na ba sa 'yo na nagbunga ang nangyari sa inyo noon?"
Natigilan si Zync.
"Seems like she haven't told you... kaya ako na lang ang magsasabi sa 'yo! May anak na kayo, Zync!"
Nanigas siya nang tuluyan. Biglang nablanko ang kanyang utak.
"Before she left you almost four years ago, she was pregnant with your child!"
Tila isang bombang sumabog ang narinig ni Zync.
"W-what?" nanginginig ang mga labing tanong niya.
"Yes Zync... alam mo ba kung bakit siya umalis noon?" mas lalong ngumisi si Tari nang makita ang reaksyon ni Zync, "Umalis siya dahil sinusundo na siya ni Flynn dahil tapos na ang mission niya sa iyo! Her true mission was not to protect you but to get impregnated by you! Even Theus Remedy witnessed kung paano siya sumama kay Flynn."
Umiling-iling si Zync, "N-no. I won't believe you."
"Alam kong alam mo na pinalimot niya sa iyo ang nangyari sa inyo noon because she intended to do it! She intended to make you forget about it."
Nasapo ni Zync ang kanyang ulo, tumulo ang kanyang luha hanggang sa napahikbi niya. Noong gabing nagkaharap sila ni Reina ay wala itong paliwanag na ibinigay sa kanya.
Hindi ito nagsalita tungkol dito. Parang nilamukos ang puso ni Zync sa nalaman. Naalala niya rin ang sinabi at tanong noon ni Sophia kung may anak na ba siya sa isang Clementin... Is Tari telling the truth?
"There's this thing called Project Armageddon that was proposed to Triad by a genius scientist who was able to invent a machine and a chip which can control human minds. Natigil ang proyektong ito nang biglang nawala ang scientist na iyon pero lumapit si Tyrone Rostarcel o mas kilalang Flynn Flamenco sa Triad at nakipagdeal sa kanila para buhayin muli ang proyekto..."
Seryoso ang mukha ni Tari habang nagsasalita.
"...nang magawa ni Flynn na ipagpatuloy ang study analysis sa Project Arma ay sinuportahan siya ng Triad at alam mo ba kung sino ang una niyang produkto?"
Napatingin si Zync kay Tari.
"Ang kakambal ko."
"W-what?"
"The truth is matagal nang patay si Katareina Zavina dahil sa katangahan niya noon. Sinubukan niyang palitan ako sa puwesto ko bilang prinsesa dahil nagtanim siya ng galit sa aming lahat. Dahil hindi siya tanggap ng royal family kaya nang hindi siya nagtagumpay na agawin ang puwesto ko tumakas sa kaharian noon ay kinalaban niya na lang kaming lahat sa tulong ni Mojica at ng ina nina Flynn at Terrence. Muntik na akong namatay no'n kung hindi lang ako sinagip ng ina namin. Dahil sa kasamaan niya ay napatay ni Reina ang kanyang sarili noon..."
Natawa ito nang mapakla.
"...nagalit si Flynn at kahit bata pa ay nagawa niyang nakipagsanib puwersa sa Triad na kalabang organisasyon ng kaharian namin. Akala ko tapos na ang kasamaan nila pero pagkatapos ng ilang taon ay biglang sumulpot si Flynn at ginahasa ako nang paulit-ulit saka ginawang bihag, hindi ko nagawang makatakas agad. Nilayo nila ang mga anak ko sa akin at nalaman ko na lang na nabuhay ulit si Reina. Siya ang bumalik sa kaharian gamit ang pangalan at buong pagkatao ko! Para mas kapani-paniwala pati ang pag-iisip at damdamin ko ay ginamit niya!"
"I-imposible 'yang sinasabi mo."
"Everything is possible, Zync! Si Reina ang unang produkto ng Project Arma! They implanted a chip on me to be connected to Reina for her to live! Kaya kapanipaniwalang siya ay ako. Pero nagawa kong makatakas sa kanila ngunit nagawa na nilang ibalik ang lahat kay Reina para mabuhay siya nang hindi na nakakonekta sa akin." Puno ng sakit at hinagpis na wika ni Tari. Nanginginig pa ito at hinihingal.
Natutulirong sinabunutan ni Zync ang sarili, "W-where's my child?"
"Ah? Ang anak mo? Alam mo bang ang anak mo ang susi ng Project Armageddon para palakasin ang puwersa nito? Kaya nagpabuntis si Reina sa iyo dahil ang pinagsamang dugo ng Clementin at Orlando ang magiging susi para maging matagumpay ang Project Armageddon! Wala siyang puso Zync, walang puso ang mahal mong babae dahil kaya niyang isakripisyo ang buhay ng anak mo para maghasik ng kasamaan!"
"Bakit ang anak ko pa?!" malakas niyang tanong habang nanginginig ang laman sa mga nalaman.
"Dahil ang genius scientist na nag-umpisa ng Project Armageddon ay ang ina mo, Zync... ang dugo niya at ang dugo ng Lolo ko na hari ang ginamit niya para mabuo ang Arma Chip. Silang dalawa ang bumuo sa proyektong ito. Ngunit biglang nawala na parang bula si Ynca Salem-Orlando, ang ina mo at tinalikuran ng Lolo ko ang proyekto kaya galit na galit ang Triad sa Slovenia at hinahabol ka nila."
Tila nabingi si Zync sa narinig. Hindi. Patay na ang ina niya. Matagal na itong patay, bata pa siya.
"Nakagawa si Flynn ng alternate formula para buhayin ang Project Armageddon. Kadugo ni Ynca at ng hari ang kailangan. Hindi ako nag-match sa DNA na kailangan kaya binuhay nila si Reina. Ikaw at si Reina ang carriers ng most compatible DNA para sa Arma Chip kaya ang offspring niyong dalawa ang susi para i-activate ang Project Armageddon nang hindi na gumagamit ng chip kundi through sound and signal wave na lang!"
Lumapit si Tari kay Zync saka marahang pinunasan ang kanyang luha. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Tila gripo ang luha niya na ayaw paawat.
"Kaya ako nandito, Zync para protektahan ka at sabihin sa 'yo kung gaano kasama si Reina. Nakita mo naman 'di ba kung gaano niya kamahal ang mga anak ko? Dahil anak sila ni Flynn, kaya malapit ang loob niya sa mga bata. Hindi na nga siya kontrolado ng Triad pero ginagawa niya pa rin ang lahat na ayon sa plano ng Project Armageddon dahil kay Flynn Flamenco, ang lalaking tunay niyang mahal."
Nagpantig ang tainga ni Zync sa narinig.
"W-where's my child?" nanggagalaiting tanong niya rito.
Ngumiti si Tari ngunit tabingi, "Open your eyes, Zync. Ilang beses mo nang nakasalamuha at nakita ang anak mo. Kaya kung ako sa 'yo kunin mo na siya sa demonyo niyang ina bago pa sila makalipad pabalik ng Slovenia at kilalanin niya si Flynn Flamenco na kanyang ama at gamitin siya sa kasamaan."
Malakas niyang tinulak palayo si Tari saka nagmadaling lumabas sa opisina. Galit na galit siya ngayon at hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin kapag nakita niyang muli si Reina.
Naiwang nakatayo si Tari na may ngisi sa mga labi. Umalingawngaw ang malakas na tawa nito nang makaalis si Zync saka umalis na rin na may ngising tagumpay.
Napakamot sa ulo si Kurt na mag-isang naiwang nakatanga habang hawak-hawak ang cellphone na nagri-record ng video. Napangiti na lang ang lalaki sabay tago ng cellphone sa bulsa.
"That was very convincing and dramatic but too much loopholes to take." Saad ni Kurt at nagsimulang mag-ayos sa nagulong opisina.
*****
Zync was very weary but his anger keeps him awake. It's been 10 hours already since him and Katarina talked.
Hindi siya makapag-isip nang matino. Ang nasa utak niya lang ay pinaglaruan siya ni Reina at may anak na siya na itinago sa kanya. Isang mukha ng bata ang kanina pa sumasagi sa utak niya.
Pati na rin naiisip niya kung ano ang naging kinalaman ng kanyang yumaong ina sa Triad at sinasabing Project Armageddon ni Katarina.
Muli siyang tumingin sa grandyosong mansion ng mga Remedy. May limang oras na siya siguro nakatambay sa 'di kalayuan sa mansion. Pinipigilan niya lang ang sarili na sumugod.
Ngunit hindi niya na napigilan. He's in rage and at the same he seems lost.
Nakilala agad siya ng mga guwardiya sa mansion kaya hindi siya nahirapang makapasok. Binati pa siya. Pagkapasok niya sa loob napansin niya na para bang abala ang lahat ng mga tauhan. Ni walang may pumansin sa kanya dahil paroon at parito ang mga ito.
"Excuse me." Tawag-pansin niya sa isang MIB. Lumingon ito sa kanya.
"Who are you?" matigas nitong tanong at naging alerto.
"I'm Zync Orlando. Is Tita Mojica here?"
Hindi ito nagsalita agad at tinitigan lang siya nang matagal.
"Bossing?" agad siyang napalingon sa grand staircase nang marinig ang boses ni Pula. "Ano ang ginawa mo dito?"
Nilagpasan niya ang MIB saka mabilis na lumapit kay Pula.
"Where's my child?" diretsong tanong niya.
Natigilan si Pula at napakurap-kurap, "Ha?"
"WHERE'S MY CHILD?!" malakas niyang tanong kaya natigilan ang lahat at napatingin sa kanya. "Alam kong alam mo kung nasaan ang anak ko! Nasaan siya?!"
"Zync Orlando."
Lumingon si Zync at nakita si Mojica na nakatayo sa likuran niya.
"Alam ko na ang lahat, Mojica!" singhal niya sa ginang, "Alam ko na ang lahat ng panloloko niyo sa akin! Ilabas niyo ang anak ko!"
Mojica didn't react. Matiim lang itong nakatingin sa kanya.
"I already found out about Katarina and Reina then who is who! Alam ko rin na may anak na ako kay Reina kaya ilabas niyo siya! Huwag niyong idamay ang anak ko sa mga kasamaan ninyo."
"Are you sure you knew what is right?" tanong ni Mojica.
"Zyncai Aundrei CO or shall I say Zyncai Aundrei Clementin-Orlando... he's my child, right?" matigas niyang tanong. "Si Reina. Siya ang CEO ng ROFIC na tinatawag ni Pula na Madam Weina. Hah! You've played well. Pinasakay niyo ako gayun kayo naman pala ang tunay na kalaban dito! Hindi niyo na ako maloloko. Ilabas niyo ang anak ko."
Tumawa nang malakas si Mojica, "Impressive... I thought you're stupid to be fooled easily and I was right. You are stupid."
Uminit ang pakiramdam ni Zync. Susugurin niya na sana si Mojica nang bigla siyang natigilan dahil sa mga nguso ng baril na nakatutok sa kanya. Pinalibutan siya ng mga tauhan ng mga Remedy.
"What's going on here?" nagpantig ang tainga ni Zync nang marinig ang boses na iyon.
Napalingon siya sa maindoor ng mansion. Nanginig ang kalamnan niya nang makita si Reina na kakapasok pa lamang habang karga si Zyncai na natutulog. Kasama nito si Morry, Theus at Ryleen.
"Zync? What are you doing here?" takang tanong ni Reina at naglakad papalapit sa kanya. "Put your guns down." Utos nito sa mga tauhan na agad sumunod.
Hindi nakagalaw si Zync sa kinatatayuan dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman nang makitang totoo ngang may anak na siya. Tumulo ang luha niya habang nakatingin sa natutulog na bata at karga ng ina.
Pero nangibabaw ang galit niya nang magtama ang mga mata nila ni Reina.
"What happened?" takang-tanong ni Reina sa kanya.
"You fooled me." Mahina ngunit mariin niyang saad.
"What?"
"Alam ko na ang lahat tungkol sa iyo! How dare you use me?! Sinabi na sa akin ni Katarina ang katotohanan at hindi ko hahayaang gamitin mo ang anak ko sa kasamaan niyo ni Flynn, magkamatayan man."
Bumakas ang gulat sa mukha ni Reina. Pati na sina Morry. Muling natawa si Mojica at napapailing habang nakatingin kay Zync.
"She told you that?" tanong ni Reina na napakurap-kurap.
Walang kung anu-ano'y hinablot ni Zync ang natutulog na bata mula sa ina. Hindi iyon napigilan ni Reina. Nagising ang bata at malakas na umiyak.
"Mama! Mama! Mama!" umiiyak ngunit nakapikit na tawag nito sa ina.
Napaiyak na rin si Zync habang nakatingin sa anak. Niyakap niya ito at pinatahan.
"Shhhh. Papa is here, baby. Kukunin na kita." Masuyong bulong niya rito.
Nakatingin lang si Reina at ang iba sa kanya.
"Do you believe her?" ani Reina kaya napatingin dito si Zync. Tumalim ang tingin ni Zync sa ina ng kanyang anak.
"Why shouldn't I? Ano'ng gusto mo? Ikaw ang paniwalaan ko na kahit ilang beses kitang tinanong pero hindi mo magawang sumagot? Tinanong kita nang paulit-paulit, Reina pero wala kang may sinabi sa akin. Ni hindi mo nabanggit ang tungkol sa anak ko!"
"You believed her." Reina said and looked away from his gaze.
"Kukunin ko na ang anak ko at hindi niyo ako mapipigilan." Anunsyo ni Zync saka naglakad pero muling natigilan nang tinutukan siya ng baril ng mga tauhan nila ni Reina sa pangunguna nina Morry at Theus, pati sina Pula at Ryleen ay tinutukan din siya ng baril.
Nakangisi lang si Mojica sa gilid habang nakatingin pa rin sa kanya si Reina na walang emosyon.
Pinatili niya ang matigas na hilatsa kahit pa palihim siyang napapalunok. Walang siyang laban. Dehado siya. Nag-iisa lang siya. Kahit nga siguro si Pula lang ang kaharap niya, wala siyang laban dito ng pisikalan.
"Give Zyncai to me." Utos ni Theus sa kanya pero sinamaan niya lang ito ng tingin.
"There's no way in hell I would do that." Asik niya.
Nilingon niya si Reina, "Don't make me hate you more." Aniya. "Spare my child, you monster."
Napakurap si Reina sa tinawag ni Zync sa babae.
Mapait na ngumiti si Reina, "You're still the Zync I knew. Easily fooled." Mahinang sabi nito.
Magsasalita na sana si Zync nang inunahan siya ni Reina.
"I told you before that use your mind over your emotions. I won't blame you for hating me now because I admit I was in fault too. But please, don't ever think na kaya kong ilagay sa kapahamakan ang sarili kong anak. Ginagawa ko ang lahat para maging maayos ang kaguluhang ito at wala akong may hinihinging kapalit kundi ang kaligayahan ninyong lahat..."
"Yes, I am a monster. Hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang napatay ko o kung ilang buhay na ang nasira ko pero itong halimaw na 'to..." tinuro ni Reina ang sarili.
Nanatiling masama ang tingin ni Zync dito. Sarado na ang kanyang isipan at hindi niya kayang maniwala sa sinasabi ni Reina.
"Ang taong tinatawag mong halimaw ay nasasaktan din... napapagod. Pagod na pagod na ako. Ang sakit-sakit na pero gaya ng palagi kong sinasabi sa inyo hindi ko kayang tumigil dahil pangarap kong maging mapayapa tayong lahat."
Umiling-iling si Zync, "Go back to Flynn and conquer the world. My child is staying with me pati na sina Arri at Arra. Hindi ko hahayaang lumapit ka pa muli sa amin."
Ngumiti nang matamis si Reina saka sunod-sunod na tumango. Bahagya pa itong tumingala para pigilan ang nagbabadyang luha.
"T-that's a good idea Zync. Ilayo mo na ang mga bata para hindi na sila madamay. Protect them. M-mapapahamak lang sila sa akin after all I'm a monster." Basag ang boses na saad nito.
Binalingan ni Reina sila ni Morry na may ngiti pa rin sa labi, "Let him go." Utos nito.
Hindi na naghintay si Reina na may sumagot at mabilis itong tumalikod saka umakyat sa kwarto.
Sinundan ni Zync ng tingin si Reina hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
"Ano pa ang hinihintay mo?! Umalis ka na!" malakas na bulyaw ni Theus sa kanya. Muling umiyak si Zyncai na naalimpungatan na naman.
Napalunok si Zync saka humakbang papalabas sa bahay. Malapit na sa siya sa gate nang magsalita si Morry na nakasunod sa kanyang likuran.
"I'm disappointed. Sa lahat-lahat, ikaw pa talaga ang may kayang magsalita nang gano'n sa kanya. Sana hindi ka magsisisi sa inasta mo kanina. Sana hanggang sa huli mapapanindigan mo 'yang galit na nararamdaman mo kay Reina. You are stupid, Zync. Really stupid." Anito saka inunahan siya. Sumakay ito sa kotse at pinaharurot iyon ng paalis.
Yakap-yakap ang anak na sumakay si Zync sa kotse. Pinaupo niya ang papungas-pungas pang bata sa backseat saka nilagyan ng seatbelt.
"P-papa?" anito sa maliit na tinig. Ngumiti siya saka hinalikan ang noo ng anak. Sunod-sunod na tumulo ang kanyang luha.
"Y-yes baby, I'm here."
-End of Chapter 49-
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro