Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

46: PLEAD

Chapter 46: PLEAD
Enjoy reading!

3rd.

"Handa na ba ang lahat?" tanong ni Reina sa kausap sa kabilang linya.

[Hmm. 8 days from now, bubukas ang West Melca Port sa Suzana. Do'n dadaan ang cargo ship na laman ang mga armas na dadalhin sa Colombia. Aabot sa isang oras ang pagbukas ng port, 'yon lang ang pinakamalapit na pagkakataon para makapasok kayo rito sa Slovenia.]

Napangiti siya sa naging saad ni Aly.

"D'yan ka na nakadistino? Nasa'n ka ngayon? Baka mahalata ka r'yan?"

[Huwag kang mag-alala. Iniwan ako rito ni Finamelia para magbantay kay Flynn. Nandito ako sa Donjon Cell, walang may nakakarinig sa akin.]

Napatango-tango si Reina, "Kung gano'n, nakakulong pa rin siya? Tuluyan na ba talaga siyang bumaliktad sa grupo nila?"

[Oo, mahigpit ang bantay sa kanya. Threatened ang mga Primus sa kayang gawin ni Flynn. Alam mong siya lang ang matagumpay na ipagpatuloy ang Project Arma pagkalipas ng maraming taon. Baliw na ata 'tong lalaking 'to, masiyadong inlab sa 'yo.]

Mahina siyang natawa.

[Hindi pa siya bumabaliktad. Narinig ko ang usapan nila ng ama ko no'ng isang araw. Kalaban pa rin natin siya Reina. Ikaw ang gusto niyang makuha higit sa lahat.]

"Alam ko."

[Sige, Reina. Babalitaan na lang kita kung ano'ng oras bubukas ang Melca Port sa araw na iyon.]

"Thank you very much, Aly. Take care... please."

[I will, Reina. I will.]

Binaba niya ang cellphone at tumitig sa kawalan. Anim na araw na lang ay aalis na naman siya. Iiwan na naman niya ang lugar kung saan siya natutong magmahal at matakot. Iiwan niya naman ang taong mahal na mahal niya pati ang mga anak niya.

Dahil uuwi siya sa lugar kung saan puno't-dulo ng lahat ng kaguluhang ito. Babalik na siya sa Slovenia para tapusin ang lahat.

At hindi niya sigurado kung makakabalik pa ba siya o hindi. Nakakatakot ang maaaring mangyari kapag nagsimula na silang lumaban. Pero wala siyang magawa, kailangan niyang gawin ito. Kailangan niyang tapusin ang kaguluhang ito. Buhay o patay man siya sa huli.

Natatakot siya. Hindi man makikita sa mukha niya. Pero simula nang bumalik sa kanya ang lahat ng sakit, saya, lungkot at galit, ang mga alaalang nabuo habang nakulong siya sa katauhan ng kanyang kakambal... namamahay na ang takot at pangamba sa kanyang kalooban.

Ito ang pangunahing rason kung bakit pinili niyang huwag magpakilala kay Zync. Natatakot siyang baka hindi na siya makabalik pa. Natatakot siyang baka gustuhin niya na lang ang huwag lumaban at manatili sa tabi ng lalaking mahal niya.

Mabigat ang kalooban niyang umalis lalo na sa munting anghel na mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib. Ang anghel na produkto ng pagmamahalan nila ni Zync na lingid sa kaalaman ng lalaki. Hindi pa alam ni Zync ang tungkol sa bata o kahit man lang ang nangyari sa kanila noon. Kahit 'yon na lang sana, ayaw niya nang ipagkait iyon sa mahal niya.

Inabot niyang muli ang cellphone saka nag-dial ng numero.

"Morisette."

[What do you want me to do, my Queen?]

Napangiti siya, "Can you bring Zync's memories back?"

[You mean, 'yong jugjugan moment niyo? Hahaha!] malakas itong tumawa kaya mabilis niyang inilayo ang cellphone sa tainga.

"Everstife." May halong pagbabantang aniya.

[Ito naman. Napaka-HB mo talaga. Oo na, ipapaalala ko na sa kanya na matagal na siyang hindi na virgin, 19 pa lang siya nang mawala ang pinakaiingatan niyang puri. Na matagal mo na siyang ginapang at ninakaw ang kainosentihan niya.]

Napasimangot si Reina.

Muling sumagi sa isipan niya 'yong gabing may nangyari sa kanila ni Zync sa ikalawang beses.

Kung kailan niya muling naalala ang lahat, kung kailan bumalik ang katinuan niya.

Tumakas siya no'n sa mansion ng mga Remedy para puntahan si Zync ngunit hindi niya agad nagawa dahil palihim siyang lumipad tungo sa Greece para asikasuhin ang ROFIC at iba pang mga bagay. Kinausap niya rin doon ang isang kaibigang malaki ang naitulong sa kanya, ang taong namahala sa ROFIC habang wala siya.

Kaya nang makabalik siya ng Pilipinas ay agad siyang dumiretso kay Zync. Hindi niya naman plinano na gapangin ito pero hindi niya na nakontrol ang tawag ng laman lalo na nang mas agresibo si Zync sa kanya. Miss na miss niya na ito. Pero hindi naman niya hinayaang mabubuntis siyang muli dahil hindi pa ang tamang oras.

[Uyy. Nag-iimagine na naman siya sa ginawa nilang kaharutan. Grabe, ano'ng size ni Zync?]

"Shut up." Untag niya, "Just do it, Morry."

[Sige na nga... paano kung maalala niya na at didigaan niya rin si Tari? Huwag na lang kaya?]

"Hindi mangyayari 'yon."

[Wow, confident. Hoy, hindi mo alam kung ano'ng kapangyarihan mayroon ang tawag ng laman. Ako nga grabe kung makapag-kontrol pero hindi ko napipigilan minsan lalo na kapag mahaba, mataba at matigas. Hahaha! Nakuuu! Patay na patay pa naman sa 'yo si Zync, kahit nga siguro posteng lalagyan ng picture mo papatulan no'n, paano pa kaya si Katarina btch na kamukhang-kamukha mo. Patuod-tuod lang 'yon sa gilid pero alam kong may tinatagong landi 'yang kakambal mo. Ilang beses ko na kaya silang nakikitangnaghahalikan!]

"Don't call her btch, Morisette."

[Sa haba ng sinabi ko 'yan lang napick up mo? Tsk. Kaw talaga. Oh ano? Ipapaalala mo pa rin ba sa kanya ang nangyari?]

"Zync is not stupid." Aniya habang may ngiti sa labi.

[Masyado kang confident, babe. Buti sana kung hindi niya paaandarin ang katangahan niya pagdating kay Tari, eh halos halikan na nga ng taong 'yon ang paanan ng kakambal mo!]

"Just do it, Morisette."

[Ewan ko sa 'yo... 'pag 'yang si Tari ay buntis na pagbalik natin galing sa laban. Nakuuu! Huwag na huwag kang umiyak sa akin dahil ako ang unang iiyak!]

Natawa si Reina...

"Silly... that won't happen, Morisette. I trust Zync, just do it please."

[Sige, sabihin na nating mapagkakatiwalaan si Zync, pero ang kakambal mo? Paano kung bigla 'yong maghubad sa harap ng asawa mo? Tsk. Alam mo naman kung gaano kaganda 'yang mga kurba mo, gano'n din ang kay Tari!]

"Morisette. Please." Nawawalan na siya ng pasensya.

[Haaay! Ano pa nga ba ang magagawa ako? Okay pooo. Masusunod po Madam!— Ayy! Siya nga pala! Pagsabihan mo 'yang bulol mong alaga ha! Kaimbyerna no'ng party, agaw eksena ang gaga! Sana naghubad na lang siya! Sobrang flat naman ng dede niya.]

"Huwag mo nang pakialaman si Pula. Diskarte niya 'yan." Nakangiting aniya nang maalala ang gabi ng party.

['Yan! Kaya namimihasa 'yong bulol dahil favorite mo! Masyadong spoiled sa 'yo. Grabe! Nakakatampo talaga.]

"Let her be, Morisette."

[Tsk. Masuwerte ang bulol na 'yon. Sunod sa luho! User din 'yon eh. Ibabala ko talaga siya sa canyon.]

Natapos ang kanilang usapan.

Kung maaalala ni Zync ang nangyari sa kanilang dalawa ay may posibilidad na malalaman nito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Tari. Alam naman kasi niyang hindi ito tanga.

Muli niyang tinuon ang pansin sa natutulog na anak. Marahang inihiga niya ito sa kama saka siya umayos na rin ng higa.

~Hush, little baby, don't say a word.
Mama's gonna buy you a mocking bird
And if that mocking bird don't sing
Mama's gonna buy you a diamond ring
And if that diamond ring is brass
Papa's gonna buy you a looking glass
And if that looking glass gets broke
Mama's gonna buy you a billy goat
And if that billy goat won't pull,
Mama's gonna buy you a cart and bull
And if that cart and bull turn over,
Mama's gonna buy you a dog named Rover
And if that dog named Rover won't bark,
Mama's gonna buy you a horse and cart
And if that horse and cart fall down~

Napatigil siya sa kanyang pagkanta nang tumulo ang kanyang luha. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi.

"Anak, selfish ba si Mama kung nanaisin kong makilala ako ng Papa mo? Makasarili ba ako kung gugustuhin kong kahit papa'no ay iparamdam ko sa Papa mo na hindi ako ang kasama niya? Ang gulo-gulo anak, ang gulo-gulo ng utak ng Mama mo. Ilang beses kong pinipilit kay Tita Morry mo pati na sa sarili kong paninindigan ko ang una kong desisyon na hindi magpakilala sa Papa mo pero pangarap kong sana—" mariin niyang kinagat ang mga labi niya.

"— sana na bago ako umalis ay makasama ko siya bilang ako, na tatawagin niya ako sa pangalan ko hindi ang pangalan ng Tita Tari mo. Pero natatakot akong masira ang mga nakaplano na. Kayang-kaya ng Papa mong baliin ang prinsipyo ko, kunin ang focus ko. He's my distraction, baby and I am willing to get distracted when it's him. Kaya natatakot ako sa Papa mo. He could be my downfall at hindi ko hahayaang mangyari iyon. Pero— kahit sandali lang, gusto ko siyang makasama."

Natahimik siya at pinahid ang luha. Iwinaksi niya muna ang mga alalahanin.

"Ang guwapo mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Papa mo. Ang daya-daya, ilong ko lang ang nakuha mo."

Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ng batang sobrang kawangis ni Zync. No'ng gabi ng party ay naroon din siya sa venue, nagmamasid. Masayang-masaya siya habang nakatingin kay Zync na karga-karga ang anak nila sa stage.

Marami ang nakakapansin sa pagkakahawig ng mag-ama at may issue pang lumabas sa media na hinihinalang anak ni Zync ang anak ng CEO ng ROFIC. Hinayaan niya lang kumalat 'yon, wala siyang may ginawang hakbang para pabulaanan iyon at pati si Zync ay hinayaang kumalat ang balitang 'yon.

Lalo na't ipinakilala pa ni Zync sa lahat ang kambal bilang panganay na mga anak. Kaya usap-usapan ngayon ang pagiging batang-ama ni Zync sa isang hindi kilalang babae na iniuugnay nila sa lihim na pagkatao ng CEO ng ROFIC.

Pero siyempre, kilala ng mga taga-OC ang mukha ng babaeng kinahuhumalingan ni Zync dahil na rin sa dalas nitong pagsama kay Tari sa opisina ngunit walang may nakakaalam sa tunay nitong pangalan at pagkatao.

"Anak, aalis muna si Mama. Magpakabait ka sa Papa mo ha? Huwag mo siyang bigyan ng sakit sa ulo. Mahal na mahal ka ni Mama anak. Huwag mo akong kalimutan. I love you baby." Mariin niyang hinalikan sa noo si Zyncai at mahigpit na niyakap.

Nagising ito at nakangiting tumingin sa kaya, isang cheeky smile na sobrang cute kapag baby ang gumagawa.

"Mama loves Zyncai and Zyncai loves Mama." Nakangiting sabi ng bata sa inaantok nitong boses.

Tumulo ang luha ni Reina pero mabilis niyang pinalis iyon.

"I love you too baby. I love you very much." Emosyonal niyang saad bago ipinagpatuloy ang pagkanta...

~ Hmmm. Hmmm. Y-you'll still be the sweetest baby in town
Sleep child and when you do
Dream and dream to drift you through
The night that lingers throught the day
Tonight, dreams of you
I'll sing this lullaby for you
Sleep child, for dreams always come true
Lullaby and goodnight,
May sleep softly surround you
While your dreams fill your eyes
With a melody of love
May the moonlight embrace you
The starlight caress you
May the sunlight still sing you
This lullaby love...

*****

"Woi. Penge pera."

Napaigtad si Zync at napatigil sa pagtulak sa cart na hawak-hawak dahil sa nagsalita sa kanyang likuran. Lumingon siya sa likod at nakita ang nakangising si Morry.

"Hello Mr. CEO of Trifecta Empire... pang-grocery ka naman d'yan oh. Sa 'yo 'tong mall 'di ba? Ilibre mo ako o 'di kaya penge ng gift certificate kahit dito lang sa supermarket." Anito habang palinga-linga sa paligid ng supermarket ng Ynca Mall sa Buevo.

Bumuntong hininga si Zync saka nagsimulang magtulak, "I know you're up to something, Morry. C'mon spill it." aniya.

Maaga siyang umalis sa opisina para mag-grocery. Hindi niya ito gawain dahil may mga house helpers naman sila pero naisipan niya na lang dumaan sa grocery para magliwaliw.

Simula nang na-establish ang Trifecta Empire noong nakaraang linggo ay mas lalo sila naging busy sa opisina. Marami silang ginawang adjustments para sa operations ng pag-iisa ng tatlong kompanya.

Kaya inako niyang mag-grocery para namang makapagpahinga siya sa pananakal ng trabaho sa kanya.

Nag-iisa lang siya kasama ang kanyang mga bantay at heto nga biglang sumulpot si Morry. Alam niyang may kailangan ito kung bakit ito nagpakita.

"I'm just wondering..." tila nag-iisip na anito.

"Na ano?"

Tinuro ni Zync sa isang bantay niya ang lata ng mga pambatang gatas para sa kambal. Sinenyasan niya itong kumuha ng limang lata. Habang inabot niya naman ang pasta at kumuha ng sampung pack.

"I'm wondering kung virgin ka pa ba?" seryosong tanong nito na may nang-uusig na mga mata. "You're 24 now, I bet you're not anymore." Tumango-tango pa ito.

Biglang nanginit ang pisnge niya at umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya dahil sa tanong nito. Siniringan niya ito ng tingin...

"Are you serrr-ri-yus?" nabubuhol ang dila na untag niya sa babaeng nakangisi hanggang sa bigla itong tumawa nang malakas.

Napapatingin naman ang ibang shoppers sa gawi nila at may iba pang nakakilala sa kanya. Mayro'n pa ngang tangkang kunan siya ng litrato pero agad itong sinita ng kanyang bantay. Hindi naman kita ang mukha ni Morry dahil sa suot nitong sunglasses na halos kalahati ng mukhang ang natatabunan. Balot din ito sa jacket.

Inis niya itong iniwang tumatawa. Pumunta siya sa mga cereals. Tumatawang humabol naman sa kanya ang babae.

"Kung wala kang matinong sasabihin sa akin, Miss Everstrife... puwede ba umalis ka na lang." inis niyang angil dito.

"Alam mo ba Zync may nalalaman ako isang maganda at maharot na sikreto." Nanunuksong saad nito. Napatigil siya at hinarap ito.

"Look Morry... kung wala namang kuwenta 'yan at puro kahalayan please lang spare me. I'm tired." Napapairap na saad niya. Kilala niya na si Morry, iiyak ang araw kapag walang kahalayang mamutawi sa bunganga nito.

"Kahalayan ang theme nito pero ang plot twist... sus, sasabog ang pantog mo kapag nalaman mo!" malakas ang boses na bulalas nito kaya muling napapatingin sa kanila ang iba pati nga ang mga bantay niya ay napapatingin kay Morry.

"Morisette!" asik niya, "Please, tone down your voice!"

Ngumiti lang ito nang malaki, "Ano? Gusto mo bang malaman ang nalalaman ko o mapupuyat ka mamayang gabi sa kakaisip kung ano ang alam ko?"

"Whatever." Mabilis siyang naglakad at nagpatuloy sa pagkuha ng items. Hindi niya ito pinansin. Nagpakuha rin si Morry ng cart sa isa niyang bantay atsaka nagsimula na ring kumuha ng grocery items.

"You want a clue?" maya-maya pa ay untag ni Morry sa kanya na sumabay sa kanyang paglalakad. Napairap siya dahil akala niya ay lulubayan siya nito pero hindi pa pala.

"Sige na nga, bibigyan kita ng clue. Mapilit ka eh."

Napaismid si Zync.

"May kakilala ako at itago na lang natin sa pangalang Zavina."

Walang reaksyon si Zync pero nanatiling alerto sa pakikinig ang kanyang tainga. Alam niya sa sariling niyang kailangan niyang makinig sa kung ano mang sasabihin ni Morry. She's tricky and good at fabricating informations, baka may sasabihin itong importante at marami lang pasakalye.

"Si Zavina ay mahahalintulad sa isang napakagandang prinsesa na pinagkaitan ng korona pero alam mo bang napakatapang niya kaya niyang suungin ang lahat maprotektahan lang ang mahal niya. Lalo na ang lalaking nagpapatibok sa puso niya, si kabebe boy. Si kabebe boy ay napaka-pabebe, alam mo 'yon. Palaging pinoprotektahan ni Zavina si Kabebe. Hanggang sa nahulog ang loob niya rito gano'n din si Kabebe kahit pa may nobya ito. Hinabol pa rin nito si Zavina, lumuhod pa nga ito at naagmamakaawang hayaan niya itong mahalin siya pero nagmaganda at nagmatigas si Zavina..."

Napapangiwi si Zync sa naririnig.

"...isang gabi, naglasing si Kabebe sa beach. Nagmuni-muni, heartbroken eh. Nireject ng nagmamagandang si Zavina. Ngunit hindi inaasahan ni Kabebe nang makita niya si Zavina sa beach ding 'yon, lumalim ang gabi. Nakadungaw ang nakangiting buwan na sinamahan ng nagkikislapang mga tala, pero dalawang bituin lamang ang paborito ni Kababe."

Tumahimik si Morry, naghintay si Zync sa susunod na mangyayari sa kuwento nito pero mukhang nawili na ang babae sa kakahakot ng junk foods. Masaya rin itong nakikipag-usap sa mga salesboy.

Tiningnan niya lang ito pero biglang itong umalis at nilagpasan siya. Alam niya ito eh! Morry and her tricks! Hindi niya maintindihan pero gustong-gusto niyang malaman kung ano ang sunod na nangyari sa kuwento nito. Binibitin siya ng babae para siya mismo ang magtatanong tungkol kay Zavina at kabebe!

Naiinis na sinundan niya ito. Dumiretso na pala ito sa counter. Kaya pumila na rin siya kasama ang iba niyang bantay na may tulak-tulak din na big carts.

"Those two beautiful blue stunning stars turned to be blazing comets for Kabebe and everybody." Biglang sambit ni Morry na bahagyang sumulyap sa kanya. Dumukwang ito sa kanya saka bumulong, "Warning: SPG. Contains matured contents. Listen at your own risk."

Namula si Zync at tinaasan ng kilay si Morry. Humahagikhik ito.

"Morisette." Naiinis na sambit niya pero naiintriga talaga siya.

"A momentary lapse of reason and Zavina gave herself away..." pakantang wika, "A hot steamy night went by and Kabebe woke up with nothing but wondering what happened before he fell asleep. Siguro baka nagtataka siya kung bakit masakit ang katawan niya o 'di kaya bakit namamaga ang mga labi niya. Sa palagay mo?" Malungkot na dugtong ni Morry.

Natigilan si Zync. Naapektuhan siya sa sinasabi ni Morry. Feeling niya mayroon itong koneksyon sa kanya.

"Sino si Zavina?" seryosong tanong niya.

Biglang ngumisi nang nakakaloko si Morisette.

"Pilitin mo ako." Untag nito sabay tawa nang malakas saka nilagay na ang mga pinamili sa counter. "Peram ng card. Bilis." Demand nito at wala sariling kinuha niya ang wallet saka binigay ang credit card niya kay Morry. "Nice."

Naiwang nag-iisip si Zync sa kinuwento ni Morry habang ito naman ay masayang nakikipag-usap sa cashier.

**

"Morisette!"

Binilisan ni Zync ang kanyang pagtakbo para mahabol si Morry na nagtutulak sa cart nito tungo sa kotse. Lihim na napangiti ang babae pero hindi siya nito nilingon.

"Morisette!" muling sigaw nito.

Nang makarating na sa kotse ay do'n lang lumingon sa kanya si Morry. Hindi pa rin mawala-wala ang ngisi nito.

"Handa ka na ba?" nang-uudyok ang tonong tanong nito. Nalukot ang guwapong mukha ni Zync.

"What?"

"Handa ka na bang maalala ang gabing ipinagkait niya sa iyo?" seryosong-seryosong tanong nito. Nanindig ang balahibo niya sa batok, parang may dumaan na malamig na hangin sa likuran niya.

Nanigas si Zync, "I was right... your story. It was about me?"

"Hmmm. What do you think Mr. Orlando?"

Bumuga siya ng hangin, "Tell me, Morry... who is Zavina? Who is she? Paano ako na-involve sa kanya? Ano ang nalalaman mo? Bakit parang narinig ko na ang pangalan 'yan?"

Nanahimik si Morry at taimtim lang na nakatingin sa kanya.

"Please..." dagdag pa ni Zync.

Tinaasan siya ng kilay ng babae, "Please? Seriously? You're begging me just because of that name?"

Naging malikot ang mga mata ni Zync, "I-I don't know." Utal niya at umiling-iling, "I don't know why but I wanted to hear the rest of the story. I wanted to know more about Zavina. I don't know why I am pleading you but please... please, tell me who is she. Who is Zavina?"

Sumeryoso ang mukha ni Morry at ilang beses na bumuga ng hangin.

"Tell me Zync... what do you feel right now?"

"Ha?"

"Sabihin mo sa akin. How are you? Kamusta ka?"

Natigilan si Zync at napayuko. It has been a long time since someone asked him how was he. Kamusta nga ba siya?

"I don't know." Pag-aamin niya. Sinapo niya ang ulo, "I don't know, Morisette. I don't know." Paulit-ulit na sagot niya.

"C'mon, tell me. Tell me, how you feel right now. Tell me what's running on your mind. Tell me what you feel after everything happened." Pang-uudyok ni Morry.

Kumibot-kibot ang labi ni Zync saka nag-angat ng tingin. Matagal silang nagtitigan ni Morry hanggang sa naghalikan sila.

Joke lang. Haha!

Kumibot-kibot ang labi ni Zync saka nag-angat ng tingin. Matagal silang nagtitigan ni Morry, hindi niya inaasahan nang may isang butil ng luha ang tumulo sa kanyang kanang mata.

"I feel empty, Morry. Parang may kulang." Pag-aamin niya. Tumango si Morry na tila sinasabing magpatuloy siya. "Simula no'ng gabing tumakbo palayo sa akin si Katarina... may malaking puwang dito sa puso ko. Malaging magulo ang isipan ko. Sinusunod ko lang ang mga bagay na sa tingin ko ay tama at nakakabuti sa lahat pero 'tong puso ko. Itong puso ko may hinahanap na kahit nasa harapan ko na si Katarina, hindi pa rin napapalagay."

Mapait siyang ngumiti, "Minsan kapag kasama ko siya biglang nabubuo ang pagkatao ko pero madalas parang may kulang. Parang hindi si Katarina ang babaeng nakakasama ko. Parang hindi siya iyong minahal nitong puso ko. Masama ba akong tao, Morry? Masama ba ako kung mauulit 'yong ginawa ko kay Laine dahil kay Katarina? Kataksilan na ba itong nararamdaman ko na habang katabi ko si Katarina ay may hinahanap akong iba?"

Tumingin siya sa taas para pigilan ang pagluha.

"Sa totoo lang nakakapagod itong ginagawa natin. Nakakapagod nang lumaban kasi hindi ko makita kung may patutunguhan pa ba itong lahat, wala kasi akong alam sa mga plano ninyo, kung ano ang magiging hakbang ninyo sa labang ito. Pero pinipilit ko dahil ito sa tingin ko ang tama. Natatakot din ako dahil ako ang namumuno sa Trifecta, hindi ko alam kung ano ang magiging papel ng empire na ito sa pakikipaglaban natin sa Triad. Pero dahil sinabi ni Tita Mojica ay ginawa ko pa rin."

Ilang beses siyang lumunok.

"Ewan ko ba pero minsan sumasagi sa isip ko isa akong inutil. Parang ako lang 'yong walang alam sa lahat na nangyayari kahit alam ko naman. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ang dami-dami ng itinatago ninyo sa akin."

Tinitigan niya si Morry na may malamlam na tingin, "Is there something I need to know, Morisette?" Zync pleaded.

"MAD." Sambit nito.

"What?"

"MAD... Memory Allius Drug, a drug that could alter someone's memory. MAD was invented by the Wing Regal herself in the Wing Organization and launched as one of the special products of Empyreal Community."

"I don't get you."

"Zavina..."

"What about her?"

"She used that drug to you."

-End of Chapter 46-

Makikilala na ba ni Zync si Reina? O aalis si Reina sa bansa nang hindi man lang alam ni Zync ang katauhan niya? Ayy ang gulo bes.

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro