Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

45: TRIFECTA

Chapter 45: TRIFECTA
Enjoy reading!

3rd.

"Are you sure you'd want to stay here? Baka late na akong makauwi. There are million things I need to finish at the office." saad ni Zync sa babaeng nakahiga sa kama.

Hindi ito umimik. Napabuntong hininga si Zync, balik na naman sa dati. Pagkatapos ng pag-uusap nila kanina...

"I love you... but I'm sorry."

Pinilig ni Zync ang ulo dahil muli niya na naman narinig ang mga salitang iyon. Hindi na ito muling nagsalita pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon.

Masaya siyang malaman na pareho sila ng nararamdamang dalawa pero bakit nagso-sorry ito sa kanya? Naiinis siya. Mahal nga siya ito pero bakit humihingi ito ng tawad? Ano ang ibig sabihin nito?

Umupo siya sa gilid ng kama at dumukwang para yakapin ito. Mariin niyang hinalikan ang gilid ng leeg ni Reina. Humarap ito sa kanya at tiningnan siya.

Dinampi niya ang labi sa labi nito. Nang hindi ito umiwas ay sinakop niya ang labi nito at masuyong hinalikan. Siya na rin mismo ang humiwalay...

"I love you... dito ka na lang. Magpahinga ka muna. Tatawagan kita kapag nasa office na ako. I really need to go." Paalam niya saka binitawan na ito.

Labag sa kalooban niyang pumasok ngayon kaso sinundo na siya ng dalawa niyang executive assistants dahil sa mga nakatambak na trabaho sa kanyang opisina. Lalo na ngayon na apat na directors ang bumaba sa puwesto dahil sa anomalya.

Gusto niya sanang magpahinga na lang muna kasama ang mag-iina niya pero masyadong demanding ang babae niyang sekretarya... binantaan pa siya nitong magsusumbong kay Madam Weina na sobrang tamad daw niya.

"Sige ka, bossing. One call away lang si Madam Weina! Isusumbong kita sa kanya na sobwang tamad mo! Palaging nag-uutos sa amin ni Kyot, mabuti na lang hindi ako uto-uto tulad niya. Hmpf."

Napangisi siya nang masagi sa isip niya ang angil ni Pula kanina sa kanya.

Wala siyang magawa kundi ang magtrabaho dahil ayaw niyang madungisan ang pangalan niya sa may-ari ng ROFIC. Sobrang tabil pa naman ng dila ni Pula baka kung anu-ano pa ang isumbong nito tungkol sa kanya.

At isa pa, namomroblema pa rin siya sa katauhan ng kanyang Classified Wife at sa joint account nila sa isang bangko na patuloy lumalaki ang perang laman. Kung noong isang linggo ay may 1billion dollar amount ito, ngayon ay naging 20billion dollar na.

Just what the heck?! Natatakot siyang baka malaking sindikato ang may gawa nito at sa kanyang pangalan nilalagay ang mga ninanakaw na yaman saka kapag nagkagipitan na, siya ang magiging suspect.

Masyado siyang maraming alalahanin. Mabuti na lang nandiyan si Kurt na nagpapagaan ng trabaho niya dahil sobrang napaka-flexible at reliable itong magtrabaho... habang nandiyan naman si Pula na pini-pressure siya.

Kung hindi lang ito representative ng ROFIC ay matagal niya na itong tinanggal at i-ban sa lahat ng kompanyang sakop ng OC. Sinubukan niya ring kausapin si Matt Remedy tungkol sa ugali ni Pula pero tinawanan lang siya nito at sinabihan siya huwag lang pansinin ang pinagsasabi ng babae.

Hindi niya alam pero feeling niya nagiging playground ni Pula ang kompanya niya. Wala talaga itong kwenta para sa kanya.

Dahil din sa nangyari kahapon ay nagkagulo ang Dark Quarter lalo na sa galit ni Reina kanina, alam niyang nagwawala na si Sia sa quarters nila ngayon at pinagbubuntungan ang kanilang mga tauhan. Hindi niya masisisi si Sia lalong hindi niya rin masisisi si Reina.

Nang makarating sa OC building ay unang lumabas sina Kurt at Pula... kasunod siya. Nahuhuli siya sa kanilang paglalakad. Napakamot siya sa ulo dahil mukhang si Pula pa ang kanilang amo. Kaysa sitain ito ay hinayaan niya na lang mauna ang dalawa. Ibang klase.

Hinahanda niya ang sarili para makapokus sa trabaho nang biglang may nahagip ang mga mata niya. Kumunot ang noo niya at mabilis na tinungo ang lugar na iyon.

Sa back office ng reception ay nakita niyang pumasok doon si Tari. Mabilis niyang sinundan ang babae.

"Katarina?" tawag-pansin niya. Huminto ito at humarap sa kanya. "What are you doing here? Diba nasa bahay ka?" napakamot siya sa noo.

Oo nga pala, kakaiba ang takbo ng utak nito. Masyadong unpredictable ang utak ng babaeng mahal niya.

"Akala ko ayaw mong sumama sa akin?" he rephrased his question.

Humarap ito sa kanya at tumaas ang kilay niya nang mapansin ang walang emosyon nitong mukha. Naririyan na naman ang pakiramdam niyang hindi niya ito kilala.

'Bakit kanina nang kasama ko siya sa kwarto na kahit wala siyang emosyon ay pamilyar ang presensya niya? Bakit ngayong wala pa ring emosyon ang mukha nito ay parang hindi ko kilala ang babaeng 'to?' tanong niya sa kanyang isipan.

Hindi ito nagsalita kaya hinawakan niya ang kamay nito at hinila paakyat sa kanyang opisina. Hinintay niyang maramdaman ang kuryente kapag magkadaop ang kanilang mga palad pero walang nangyari. Walang kuryenteng umeksena.

Naabutan niyang nag-aaway na naman sina Pula at Kurt na hindi man lang tumigil kahit nasa loob na siya. Nagiging ma-attitude na rin si Rivera, nahawa sa piwatang-bulol. Inawat niya ang dalawa at inutusang magsimula na sa trabaho nila.

Gaya ng nakagawian ay pinaupo niya si Tari sa couch at hinayaan na lang ito. Umupo siya sa kanyang pwesto at nagsimulang magtrabaho.

Napansin niyang nakatingin sa kanya si Tari kaya nilingon niya ito at nginitian. Nakita niyang nagningning ang mga mata nito... napatitig siya sa mga mata ng babae at biglang natigilan.

Iba ang ningning nito sa paborito niyang mga bituin na pagmamay-ari ng kanyang pinakamamahal. Hindi ito ang mga matang gustong-gusto niyang pagmasdan.

Si Tari ang unang umiwas ng tingin. Iwinaksi ni Zync ang napansin at pinilit ang sariling magtrabaho. Ngunit pilit siyang kinakain ng kuryosidad sa katauhan ng babaeng mahal niya.

'Posible kayang dalawa sila?' mabilis siyang napailing sa naisip, 'Imposible. Wala namang kakambal si Katarina. Si Tamara at si Zonia lang ang kapatid niyang babae, sigurado ako.'

Maya-maya ay dumating na rin si Theus para tumulong sa pag-aasikaso sa mga kailangan nilang papeles sa opening ng empire ng tatlong malalaking kompanya.

Hindi maiwasang magtalo silang dalawa. Nagpapatagisan sa kaalaman sa negosyo, tila may isang lihim na duwelo ang nangyayari sa pagitan ng dalawa. Nandiyan si Kurt na nagiging referee nilang dalawa.

Habang ang sekretarya naman ni Theus ay abala sa mga papeles at sa minutes ng meeting... si Pula naman ay naging modern Snow White, nahimbing na nakaratay sa desk nito pagkatapos kumain ng isang dosenang mansanas.

**

"Nakauwi na ba siya?" tanong ni Zync kay Sia nang maabutan niya itong nakaupo sa sala.

Alas dos na ng madaling araw, ngayon pa lang siya nakauwi dahil sa trabaho. Hindi pa sana siya uuwi kung hindi nagrereklamo si Pula at Kurt na inaantok na sila.

Napailing siya sa isipang naimpluwensyahan na ni Pula si Kurt sa pagiging reklamador nito. Tsk.

"Sino?" balik-tanong nito nang hindi man lang siya nililingon. May binabasa kasi itong papeles na napansin niyang may logo ng DQ. Baka may bagong assignment at kliyente.

"Si Katarina."

Kanina bigla na lang umalis si Tari nang hindi nagpapaalam sa kanya. Kaya akala niya umuwi na ito.

Binaba ni Sia ang papel na binabasa at nilingon si Zync na may sambakol na mukha.

"Tanga ka bang talaga o nagbubulag-bulagan ka lang?" yamot na yamot na tanong nito.

Nagtaka naman siya sa inaasta ni Sia at naasar dahil sa sinabi nito. Hindi niya talaga matantya ang ugali ng babae. Mabuti na lang natitiis ito ni Al.

"Look, pareho tayong stressed out dito, Sia. Hindi mo kailangang mandarag ng tao. Nagtatanong ako nang matino kaya sagutin mo ako nang maayos." Nagpipigil ng galit na saad niya.

Pagod na nga siya, inaantok at gutom pa tapos gaganituhin pa siya nito? Hindi sa lahat ng oras ay kaya niyang magpakumbaba.

Umirap lang si Sia, "Hindi mo pa rin ba napapansin?"

"Ang ano?" inip niyang tanong.

"Ewan ko sa 'yo. Bahala ka sa buhay mo." Untag nito saka padabog na umakyat sa taas.

"Tingnan mo 'yon. Ansama talaga ng ugali." Bulalas niya. Pagod siyang umakyat sa hagdan.

"She's in Sophia's wake." Napalingon siya sa baba. Nando'n si Al na papaakyat din, "Your woman... she's in Sophia's wake." Pag-uulit nito.

Napasapo siya sa noo, "Oh I forgot."

"Do'n ako nanggaling. Nando'n si Katareina." Anito.

"Who?" tanong niya nang humina ang boses nito.

"Sabi ko nando'n siya." Anito saka tinapik ang balikat niya. "Magpahinga ka muna. Bukas ka na lang pumunta. Alam kong pagod ka."

Napatango na lang siya at dumiretso sa kwarto. Hindi na siya nakapagbihis pa at humilata na lang sa kama.

**

Nang malaman ni Diego Dolor ang nangyari kay Sophia ay nagkaroon ito ng major heart attack. Na-coma ang matanda at hindi na nagising pa. Kaya sabay ang lamay ng dalawa sa mansion ng mga Dolor.

Parehong nai-cremate ang dalawa at tanging abo na lang ang pinaglalamayan nila. Maraming tao ang nakikiramay. Mga kaibigan ng pamilya at kasosyo sa negosyo.

Nag-assign si Zync ng tauhan para mag-asikaso sa mag-ama. Wala kasi ang iba nilang kasaping pamilya dahil na-stranded ang mga ito sa Europe.

Ang pinalabas nilang dahilan ng pagkamatay ni Sophia ay mistaken identity na kinagat naman ng lahat dahil na rin sa impluwensya ng DQ. Isang linggo ang tinagal ng lamay. Bumaha ang tao sa araw ng libing ng mag-ama.

Kahit malaki ang naging kasalanan ni Diego Dolor kay Zync ay nagawa niya pa ring asikasuhin ang mag-ama dahil kay Sophia. Naging mabuting kaibigan ito sa kanya. Nanghihinayang lang siya para rito dahil isang magaling na asset si Sophia sa negosyo.

Kakatapos lang ng libing at naglalakad na sila pabalik sa kanyang kotse. Hawak niya sa kamay si Tari. Nagtataka siyang ni hindi man lang ito umiyak o kahit man lang lumuha kanina.

Naalala niya ang eksenang naabutan niya noong araw na namatay si Sophia. Yakap-yakap nito ang walang buhay na katawan ng babae at halos hindi na makahinga sa kakaiyak. Masakit sa kanya ang tanawin na iyon dahil ramdam na ramdam niya ang hinagpis ng mahal niya.

Pero ngayon ay parang wala itong pakialam sa paligid. Pinagbuksan niya si Tari at inalalayan itong pumasok. Mabilis siyang umikot para sumakay sa driver's seat nang matigilan siya.

May nahagip ang kanyang mga mata...

Isang babaeng nakaputing bestida ang nakatayo sa 'di kalayuan. Nakatingin ito sa direksyon ng mausoleum ng pamilya Dolor. May suot itong malaking puting sombrero na tumatabon sa mukha ng babae pero kita ang buhok nitong kulay ginto na nakalugay.

Lumakas ang tibok ng kanyang puso dahil pamilyar ang bulto nito. Nilingon niya si Tari na nasa loob ng kotse pabalik doon sa babae ngunit nanghinayang siyang wala na ito roon.

Inis na napakamot siya sa ulo at pumasok na. Hindi niya kinausap si Tari taliwas sa nakagawian niya. Wala siya sa mood ngayon. Lalo na't kakaiba ang nararamdaman niya sa babaeng kasama niya ngayon.

Binaba niya lang ito sa bahay at mabilis ding nagmaneho papunta sa kompanya para pumasok ng trabaho.

*****

"Congratulations Mr. Orlando. Your father must be so proud of you. In two years being the president of Orlando Conglomerates you were able to pull the company so high in spite of the economic crisis happening in the world market today." wagas ang ngiting ibinigay ng isa nilang big time client ng OC kay Zync habang nagsasalita.

Tipid lang siyang ngumiti at walang planong sumagot.

"Nakaka-bilib din kung paano mo nakuha ang loob ng CEO ng ROFIC. Ilang beses na kaming na-reject ng kompanyang 'yan. Hindi ko naman kinakahiya ang katotohanang iyan bagkus ay masaya pa akong nakasusyo ko kayo."

Sabay silang natawang dalawa, sinabayan niya ito para hindi naman ito mapahiya. Isa kasi itong may-ari ng dalawang franchise ng Ynca Airlines sa Visayas under ng OC. Kaya dapat niya itong pakisamahan kahit nangangati na siyang umalis at hanapin sina Arra at Arri.

Ngayon nagaganap ang Innovatory Celebration ng partnership ng ROFIC, OC at Remedy Int'l. It was being held sa pinakamalaking function hall in Ynca Pavilion Hotel sa Buevo City.

Maraming imbitado. Marami ring media na nakakalat. Marami ring mga security escorts sa paligid.

Kanina pa nagsisimula ang grandyosong party at kanina pa rin hinahanap ni Zync ang dalawang bata. Kasama niya ang mga itong dumating ngunit kinailangan niyang humiwalay sa mga bata dahil hindi pa alam ng publiko ang tungkol sa kanila.

Hindi niya rin mahanap-hanap si Tari na kanina pang umaga nawawala.

Ngayon niya sana ipapakilala ang kambal sa publiko ngunit hindi ang kanilang ina dahil na rin sa kagustuhan ni Mojica. Dumating na rin ang mag-anak na Remedy na agad pinagkaguluhan ng media.

Alas diyes na ng gabi at dapat sa oras na ito ay magsisimula na ang official signing of contracts ng tatlong kompanya at launching ng bagong pangalan ng empire na siyang highlights ng event ngunit wala pang may ni-isang representative sa ROFIC na dumadating kahit si Pula.

"Kurt, where's Miss Rembrant?" kinakabahang tanong ni Zync. "It's already 10pm."

Pati si Kurt ay kinakabahan na rin, panay ang kalikot nito sa hawak na cellphone, "She's not answering my calls, Sir. Naku... makakatikim talaga sa akin ang bulol na 'yon."

"Tawagan mo lang siya nang tawagan." Tinapik niya ito sa balikat saka tinungo ang kinaroroonan ni Theus.

Para iwasan ang mga business man na inaabangan siya para makausap ay sa likurang bahagi ng hall dumaan si Zync ngunit dinagsa naman siya ng media na sobrang kulit. Mabuti na lang ay agad siyang naescortan ng mga securities.

"Hans, close the door. Do not allow those media without the pass, please." Aniya nang mapansin ang ilang TV station and magazine crews na hindi naman imbitado sa event. Agad naman itong sumunod.

Pinahid niya ang pawis sa noo saka tinungo na si Theus sa 'di mataong parte ng mall. Nakatalikod ito at may kausap sa cellphone.

"What?! Sa'n na ba kayo?! You should be here already! Late na kayo! Bakit? Ano ba ang pinakain mo sa kanya?! Alam mong sensitive ang sikmura niyan, bakit mo pinakain ng ice cream na avocado flavor?! Maayos na ba ang pakiramdam niya? Lagot ka talaga sa ina niyan kapag may nangyaring masama r'yan! Alam mong siya ang representative ng ROFIC ngayon! Tutuwirin ko talaga 'yang dila mong bulol ka kapag hindi pa kayo makapunta rito!"

Hindi lumapit si Zync sa lalaki dahil parang may kaaway ito sa kabilang linya at base sa narinig niya... mukhang si Pula ang kausap nito at kasama ng pasaway na babae ang representative ng ROFIC, hinuha niya ay ang anak ng may-ari.

Mura nang mura si Theus nang ibinaba ang tawag. Humarap ito sa kanya at bahagyang nagulat nang makita siya.

"Mr. Mattheus." Pormal niyang bati.

"Zync..." nagkamayan silang dalawa.

"Was that Pula?" usisa niya. Alanganin itong ngumiti.

"I bet you heard everything so yes, t'was hard-headed Pula. Kasama niya ang anak ng CEO ng ROFIC at pinakain niya ng avocado flavored ice cream kaya sumama raw ang sikmura." Inis na saad nito.

Zync hissed, ilang beses ng nakakapuntos si Pula sa kanya... nagtitimpi lang siya. Siraulo talaga ito kahit kailan. Kinalma niya ang sarili dahil ayaw niyang masira ang buong gabi niya. Mabuti na lang ay nagawan ni Ryleen ng paraan na ipa-extend ang performance ng orchestra at ilang mananayaw sa stage.

Si Ryleen kasi ang punong abala sa tulong na rin ni Sia at Morry.

Mukhang hindi naman napansin ng mga bisita na nagkaroon na munting problema dahil na rin sa tsansang mayroon ang bawat isa na makihalubilo sa kapwa negosyante. Iniwan ni Zync si Theus na hindi pa rin kumakalma. Hinayaan niya na lang ito.

Naglakad siya papunta sa stage pero hindi naging mabilis sa kanya iyon dahil sinasalubong siya ng mga bisita at kinakausap na agad niyang pinapaunlakan. Halos lahat ay naiintriga kung paano nila napa-oo ang mailap na CEO ng ROFIC.

Halos labin-limang minuto rin ang nagdaan bago siya tuluyang nakalapit sa gilid ng stage. Naroon si Ryleen at Sia nag-uusap.

"Ryleen, nasaan na ba ang kambal? Diba iniwan ko sila sa 'yo?" tanong niya sa dalaga.

"Kuya, huwag kang mag-alala nasa isang unit lang sila sa taas kasama si Ate Morry at Ah-Ah. Masiyado kasing maraming tao at nai-irita ang kambal lalo na si Arri."

Tumango na lang siya at binalingan si Sia, "Nasaan si Katarina?"

"Nasa tabi-tabi lang 'yan." Sagot nito at naglakad tungo sa technical room.

Napangiti si Zync nang makita si Mojica na naglalakad palapit sa kanya. Nakasuot ito ng bonggang silver gown. Napaka-sopistikada nitong tingnan. Ilag din ang ibang tao sa ginang dahil na rin sa reputasyon nito bilang istrikta at masama ang ugali.

"Hijo."

"Tita."

Nagbeso-beso silang dalawa.

"How's everything?" tanong nito.

Napalunok siya, "Maayos naman, Tita... but there's a little delay, paparating pa lang po ang representative ng ROFIC kasama si Pula."

Nagsalubong ang kilay nito. "Hindi pa sila dumadating?"

"Hindi pa po."

Napailing ito saka nilibot ang paningin sa buong hall.

"You look tensed." Anito nang hindi siya tinitingnan.

"I'm just worried that what if the public will take this party negatively. You see, the world is in chaos today but here we are throwing a grand party which costs millions." Pag-aamin niya.

Sa totoo lang tutol siya sa party na ito lalo na nang malaman niya kung ilang milyon ang magiging gastos. Pero si Mojica ang may gusto nito lalo na si Matt. Nag-suggest din si Zync na ang pera sa gastos ay pwede nilang i-donate na lang sa foundation at charity na affiliated sa OC. Pwede rin nilang ilagay sa pundo ng Dark Quarter lalo na ngayon na marami ang new recruits ng ahensya.

Pero hindi pumayag ang mag-asawang Remedy. They wanted to show the world about the merger of the three big companies. Sinabi rin ng ginang na kailangan nilang ipalandakan sa Triad ang imperyong itatayo nila sa Pilipinas.

"You're worrying too much, Zync."

Ilang beses siyang umiling, "But this is too much. Marami tayong matutulungan sa perang pinanggastos sa party na ito, Tita."

"You are overthinking."

"No tita, I am just being practical." Sagot niya na may boses na nagi-guilty lalo na nang sumagi sa isipan niya ang mga batang nagugutom sa mga oras na ito.

"Pareho kayong mag-isip." Sabi ni Mojica habang nakangiti sa kanya.

"Po?" hindi niya ito maintindihan.

"Kayong dalawa ng pamangkin ko, pareho kayong mag-isip. She's economical like you. Nagiging kuripot siya pagdating sa ganitong klaseng event. No wonder she became a billionaire with such young age, hindi pa kasama ang yamang mayroon ang pamilya nila. Palagi niyang iniisip ang iba lalo na ang mga batang gutom sa kalsada kaya marami siyang street children foundations na naipatayo rito sa bansa nang manirahan siya rito na lingid sa kaalaman ng mga nakakakilala sa kanya."

Makahulugan itong ngumiti sa kanya.

"May iba pa ba kayong pamangkin maliban sa mga Clementin?" tanong niya. Tanging ngiti lang ang sagot ni Mojica.

Magsasalita na sana siyang muli nang bumukas ang malaking pinto ng hall. Agad nagkagulo ang media na pinigilan ng security. Napailing si Zync dahil sa walang disiplina ang media.

Naiintindihan niya naman ito dahil sa higit dalawang taon niyang pagtatago sa media ay alam niyang uhaw na uhaw ang mga ito sa mga impormasyon tungkol sa kanya.

"They're here." sambit ni Mojica bago ito naglakad palayo sa kanya at tinungo ang asawa.

Nagtaka siya nang makitang nag-iisa lang si Pula na naglalakad na tila nasa fashion show sa red carpet. Nasa babae lahat ng atensyon ng mga bisita.

Napalatak din si Zync nang makita ang hitsura nito. Isang seksing puting gown ang suot nito, na halter ang top at may butas sa ilalim na dibdib tungo sa pusod. Kitang-kita ang mga tattoo nito sa katawan. Taas noo pa itong naglalakad na may tipid na ngiti sa labi.

Nagmukha itong Lady Badass Boss. Kulang na lang baril at sigarilyo, katakot-takot na ang mukha nito. Sadyang ginalingan ng bulol. Puwede nang ihilera kay Tamara na isang Mafia Queen.

Gustong lumubog sa hiya ni Zync nang kumaway-kaway pa si Pula sa lahat na tila nagfa-final walk sa coronation night ng Miss Universe. May pa-flying kiss pang kasama. Huwag lang sana magsalita.

"Punyeta. Natalbugan ako ng gaga." Napaigtad siya nang biglang may nagsalita sa tabi niya.

Nakita niya ang nakabusangot na si Morry na nakasuot ng blood red tube serpentine gown. Yamot na yamot itong nakatingin kay Pula.

"Teka, where are my kids?"

Ngumuso ito kaya sinundan niya ang tinuturo nito. Nakita niya ang kambal na nasa upuan na ng stage kasama ang mag-asawang Remedy. Nagpasalamat siya kay Morry pero hindi siya nito pinansin dahil busy ito sa pagmumura kay Pula.

"Agaw-eksena. Bulol naman. Leche."

Umakyat na lang din siya ng stage.

"Daddy." Nakangiting tawag ng mga bata sa kanya. Umupo siya sa gitna ng kambal. Ngumiti naman ang mag-asawa sa kanya.

Muli niyang nilingon si Pula na nakatayo sa gitna habang may hinihintay na pumasok. Everyone anticipated for someone who's sophisticated, powerful and intimidating... representing the ROFIC.

But everyone gasps to see a little boy in his golden tuxedo walking towards Pula. Muntik pa itong madapa kung hindi lang naalalayan ng bodyguard nito.

Napatayo si Zync nang makilala ang batang lalaki, nakangiting tumayo na rin ang mag-asawang Remedy habang hinihintay na makalapit sa kanila ang dalawa.

"Let's welcome the representative of RO Financial and Investment Company, Zyncai Aundrei CO." umalingawngaw ang boses ni Morry na siyang may hawak ng mic. Nakangising inalalayan ni Pula ang magtatatlong taong gulang pa lamang na bata.

/zin-kay on-drey/

Tila alam naman ng bata ang nangyayari dahil hindi ito naglilikot pero ang mga mata ay kung saan-saan nakatingin.

"Together with him is his official yaya at muchachq in her white gown and tattoos, Miss Pursi Lanarri Rembrant." Dagdag pa ni Morry kaya napasimangot si Pula. Sinamaan nito ng tingin si Morry kaya tawa nang tawa ang babae nang bumaba ito sa stage.

Nang maka-akyat na sa stage sina Pula ay sinalubong ito ni Zync. Muli ring tumugtog ang orchestra.

"Hi boss, good evening. Anak mo oh." Nakangiting wika ni Pula sa kanya.

"What?" takang-tanong niya.

"Sabi ko mga anak mo oh." Tinuro nito ang kambal. Sinamaan niya ito ng tingin. Imbis na patulan ito ay binalingan niya ang batang lalaki na nakatingin sa mga tao sa baba habang hawak-hawak pa rin ni Pula.

"Is he—"

Hindi niya naituloy ang gustong itanong nang magsalita si Pula.

"Boss, ito po pala ang anak ni Madam Weina... Zyncai Aundrei."

Hinila papalapit ni Pula ang bata kay Zync. Ang bata naman ay palinga-linga dahil sa mga ilaw at sa iba't-ibang kulay ng mga damit ng tao. Naka-reflect sa mata nito ang kasiyahan.

"Isn't he the grandson of—" tinuro ni Zync ang mag-asawang Remedy.

"Yes hijo. Apo ko siya sa pamangkin ko." Sabat ni Mojica.

Napakurap si Zync, "Ibig sabihin ang kinikuwento mo po kanina na pamangkin niyo na bilyonarya ay ang CEO ng ROFIC at ina ni Zyncai?"

Tumango ang mag-asawa. Napanganga siya at hindi makapaniwala.

"Lolo! Lola!" hiyaw ng bata nang makita ang dalawa. Agad itong nagpakarga kay Matt. Hindi pa rin nito napapansin si Zync.

"Ibig bang sabihin, kilala niyo si Madam Weina ng personal... bakit sinabi ni Pula na hindi siya nagpapakita sa ibang tao?" binalingan niya si Pula.

Nagtaka ang mag-asawa kung bakit naging Madam Weina si Reina ngunit nang mapatingin kay Pula ay nalaman nila agad ang dahilan.

Alanganing ngumiti ang bulol, "Sinabi ko lang 'yon pawa pa-mistewyus." Sinamaan niya ito ng tingin.

"Siya ba 'yong blonde woman na nakita ko sa Subic kasama ni Zyncai?" tanong niyang muli.

Tumango si Pula. Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Zync.

"Anak ba siya ni Mattheus?" turo niya kay Zyncai na ngayon ay kaharap sina Arra at Arri. Kinakausap ng kambal ang maliit na bata. Mukhang close ang ito at ngayon niya lang naalala na minsan nakita niya pa lang naglalaro ang mga bata sa Subic.

Umiling si Matt, "No. Wala pa akong apo sa mga anak ko."

Hindi niya alam pero nakahinga siya nang maluwag. Marami pa sanang tanong ni Zync pero sinimulan na ang highlight ng event.

Nakahilera silang nakaupo sa stage. Mula sa kaliwa ay si Pula, Theus, Arra, Arri, Zync, Zyncai, Mojica at Matt.

Napapangiti si Zync dahil panay ang kalabit ni Zyncai sa kanya. Malaki ang ngiti nito na labas ang gilagid. Halatang nagpapansin sa kanya. Matangkad at malaki ang bata sa kanyang edad na magta-tatlo pa lamang. Naku-curious si Zync dahil parang nakatingin siya sa kanyang sarili habang nakatingin kay Zyncai.

Natatawa siya sa kanyang naiimagine na anak niya si Zyncai na sa tingin niya ay napaka-imposibleng mangyari.

Nang tinawag ni Morry si Zync para sa kanyang speech ay agad siyang tumayo.

"Good evening everyone. I am glad that you've made it possible to be with us tonight..." marami pa siyang sinabi tungkol sa partnership at sa empire na kanilang ipapatayo, tungkol sa objectives ng empire at sa magiging pamamalakad nila rito.

"Everyone, I would like to take this opportunity to introduce to you my little ones. Alam kong nagtataka kayo kung bakit may mga bata kaming kasama maliban sa anak ni Madam Weina. Gusto kong makilala ng mundo ang aking mga panganay..." napuno ng bulong-bulongan ang hall dahil sa kanyang sinabi. Lumapit sa kanya ang kambal, "Everyone, meet Kean Arri and Kianarra Orlando."

Halos masilaw sa kislapan ng camera. Sigurado siyang magiging usap-usapan ang anunsyo niya.

Hindi pa man humuhupa ang gulat ng mga tao sa kambal ay nagulat din si Zync nang biglang may yumakap sa kanyang binti.

"Papá!" malakas na sigaw ni Zyncai.

Napanganga ang mga tao kasama ni Zync at biglang umalingawngaw ang tugtog ng orchestra. Kinuha ni Mojica si Zyncai na ayaw bumitaw kay Zync.

"It's okay, Tita. I'll take care of him." Aniya saka kinarga ang bata na agad yumakap sa kanyang leeg.

"Zyncai sleepy na, Papá!" bulong nito sa kanya kaya napangiti siya.

"Mamaya na baby, we still need to finish the ceremony." Malambing na aniya sa bata. Tumango naman ito.

Kakaiba ang naging seremonya nila sa signing of contracts dahil imbis na papel at ballpen ang gagamitin ay dugo ang magiging simbolo ng kanilang pag-iisa. Noong isang buwan pa kasi natapos ang pirmahan nila ng kontrata bali ceremony na lang talaga ang nangyayari ngayon.

Nilagay sa gitna ng stage ang isang malaking golden goblet. May nilagay silang kemikal dito kaya nang sinindihan ito ni Zync gamit ang isang special na klase ng posporo ay lumiyab ang kulay asul na apoy.

"Tita, bata pa si Zyncai..." nag-aalalang sambit niya.

Ngumiti ang ginang, "He's ready for it, Zync. Kinausap na siya ng mama niya."

"But, he's just two—"

"It's okay, Papá." Singit ni Zyncai na buhat-buhat pa rin niya.

Wala na siyang nagawa kundi ipagpatuloy ang seremonyas.

Unang lumapit sa kopita si Matt. Gamit ang isang gintong punyal ay hiniwa nito ang palad saka pinatulo sa kopita. Nagliyab ang apoy at nagkaroon ng kulay pulang hibla.

Sunod ay si Zync... napakagat-labi siya nang hiniwa niya ang palad. Lumiyab din ito at ang hibla ng kulay pulang apoy ay lumaki.

Kinarga ni Mojica si Zyncai saka pinatayo sa mesa kung saan ang kopita... maraming tutol na pati ang bata ay hihiwain ang sarili lalo na si Zync pero wala siyang magawa dahil ito ang kailangan ngunit nabigla na lang siya nang may kinuha si Zyncai sa loob ng suit nito at nilabas ang isang vial na puno ng dugo.

Binuhos ng bata ang lahat ng laman 'yon at ang asul na apoy ay naging sobrang pula pero lumalabas ang maraming hibla ng asul na apoy. Napakaganda nito tingnan. Nagpalakpakan ang lahat dahil sa pagkamangha sa naging seremonyas.

"See? He's ready." Untag ni Mojica kay Zync. Napailing siya at napangiti na lang saka niya kinuha ang bata at muling kinarga.

"This golden goblet with blue stips of fire in the red flame is the symbol of our new empire." Dumagundong ang boses ni Mojica kasabay ng isang magandang musika, "This is the new beginning. This is the start of our sovereignty... all hail the TRIFECTA Empire."

-End of Chapter 45-

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro