Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

44: BUT

Chapter 44: BUT
Enjoy reading!

3rd.

Tarantang napatakbo si Zync pababa ng hagdan. Napatingin sa kanya ang mga tauhan pati na sina Sia na nasa sala. Nagtataka dahil mukha siyang aligaga at hindi mapakali.

"What's wrong?" tanong ng babae.

"Where is she?" aniya habang malikot ang mga mata.

Lumingon si Sia sa isang parte ng mansion. Doon sa daan tungo sa garden. Nakita niya roon si Reina na nakaupo sa hammock. Nakakandong ang kambal sa ina, hindi alintana ang bigat ng mga ito. Mukhang nag-uusap ang mga ito base sa mga ngiting nakikita niya sa mukha ng kambal at sa pagbuka ng bibig ni Reina.

Parang may mainit na kamay ang humaplos sa kanyang puso. Dahil sa higit isang buwang nakasama nila ang babae mula nang bumalik ito ngayon lang niya nakitang nagbonding ang mag-iina. Ngayon niya lang nakita ang maaliwalas nitong mukha at nakangiting mga labi habang kaharap ang kambal.

Napabuga siya ng hangin at napangiti.

"She's mad." Untag ni Sia. Napatingin siya sa babae na may nagtatanong na mga mata. Hindi naman mukhang galit si Reina base sa nakikita niya ngayon.

"Galit siya dahil sa nangyari kahapon." Anito at kumunot ang noo, "She's different." Dagdag pa nito.

"What?" tanong niya.

"She's weird today." Sagot ni Sia saka tumungo para kargahin si Ah-Ah, umupo ito sa sofa at hindi na pinansin si Zync.

Lalapitan na sana ni Zync si Reina nang bumaba ang kambal sa pagkakandong dito kasabay ng pagtayo ng babae. Humarap ito sa direksyon niya kaya nagkatinginan sila. Bigla siyang nakaramdam ng takot nang makita ang disappointment sa mga mata nito. Nakahawak ang kambal dito nang maglakad ito papalapit sa kanila.

Matagal nang napapansin ni Zync ang kakaibang nararamdaman sa babae. Parang may mali, parang dalawang tao ang nakakasama niya. One time she's emotionless then one time she's full of emotions. One time she's impassive then one time she goes fervent.

At ngayon, ang babaeng nasa harapan niya ay parang ang babaeng kinakatakutan niya noong estudyante pa lamang siya. Ang babaeng natutunan niyang mahalin sa kabila ng kaguluhang nangyari sa paligid nila..

Huminto ito sa harapan niya at yumuko sa kambal.

"Go to your room." Utos nito sa mga bata na agad tumalima. Humalik muna ito kay Zync.

Napatingin siya sa mukha ng mga bata. Nagtagis ang bagang niya, maga pa rin ang mga pisnge ng kambal at nag-uube na.

Binalingan ni Reina si Sia. "Give your child to her nanny. We'll talk."

Napanganga si Sia habang titig na titig kay Reina at parang may napagtantong isang importanteng bagay. Bumakas sa mata nito ang pagkabigla at saya.

Binigay nito ang anak sa yaya na agad umalis sa sala. Naiwan silang apat, ang mag-asawang Al at Sia saka sina Zync.

Napakurap-kurap naman si Zync dahil sa narinig na timbre ng boses nito at biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Ang boses na gumulo sa isipan niya noon. Ang boses na parati niyang naririnig sa panaginip nitong nakaraan. Ang boses na bumubulong sa kanya sa kanyang pagtulog sa bawat gabing dumadaan.

Ang malalim na boses ngunit hindi paos. Ang boses na puno ng awtoridad at sobrang dominante katunog sa boses ni Tamara. Ang boses na napagpanginig ng tuhod niya noon.

Ngunit nabigla na lang sila nang malakas na sinampal ni Reina si Sia kasunod ni Al. Hindi agad nakaimik ang dalawa at nanatiling nakatagilid ang mga ulo. Agad ring nagsipaglayuan ang mga bantay na nakakalat. Natatakot na baka madamay.

"H-hey..." mahinang untag ni Zync.

Napaatras siya palayo nang bumaling si Reina sa kanya. Puno ng dismaya ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi na siya gaano na gulat nang pati siya ay nasampal nang pagkalakas-lakas na nagpaalog sa kanyang utak at nabingi nang panandalian.

Gusto niyang sumipol sa sobrang sakit pero pinigilan niya ang sarili dahil baka masampal siya ulit. Ang bigat pa rin ng kamay. Ibang klase.

"How was it? How do you feel after I slapped you hard?" Reina asked them in between her gritted teeth. "Does it hurt? Did it shake your brains? Is it painful to the point your cheeks get numb? Did it deafen you?"

Tuluyang hindi nakapagsalita ang tatlo at tila nabahag ang kanilang mga buntot. Natatakot sila na kapag sumagot sila ay mas lalo itong magalit. Bakas sa mukha nito ang nagbabadyang pagsabog.

"Iyan. 'Yan kasakit ang sampal na natanggap kahapon ng kambal dahil sa kapabayaan ninyo. I trusted you to take care of the twins, to secure their safety but what have you done?!" nanatiling mababa ang tono ng boses nito pero umaapaw ang galit.

Napayuko silang tatlo na tila mga batang napagalitan ng ina.

Ngunit nasa isip ni Zync, tama ang nararamdaman niya. Iba ang babaeng 'to sa babaeng palagi niyang kasama nitong mga huling araw. Hindi ito ang babaeng ibinalik ni Sophia sa kanya.

'Sigurado ako. Ito ang Katarina na nakilala ko noon, ang Katarina na babaeng minahal ko at minamahal hanggang ngayon. Pero paano? Baka naman tuluyang lang ito nagalit kaya lumabas ang tunay na kulay? Baka naman nagpapanggap lang itong walang pakialam sa paligid nitong nakaraan?' mahabang lintaya ni Zync sa isipan, hindi nakikinig sa sermon ni Reina.

Napailing si Zync kaya nabaling ang atensyon nito sa kanya. Tumulis ang nguso niya nang tumalim ang tingin nito.

"Hindi namin ginusto ang nangyari." Inis na sagot ni Sia na masamang nakatingin kay Reina.

Magpapasalamat na ba si Zync na kinuha ni Sia ang atensyon nito o babatukan niya si Sia dahil mas lalong ginalit nito ang babae?

Ngumisi si Reina, nawala ang tapang sa mukha ni Sia. Napalitan ng inaaping tuta ang hilatsa nito. Gustong matawa ni Zync pero hindi dapat dahil baka siya na naman ang mapagbuntungan.

Dapat sa mga oras na ito ay seryoso siya dahil sa nangyari kahapon sa kambal. Pero hindi niya mapigilan ang sariling matuwa dahil sa mga galaw at reaksyon ni Reina. Nakakatuwa itong pagmasdan kaysa sa wala itong emosyon at nakatulala lang sa kawalan.

"Ganito ba kumilos ang mga taga-Dark Quarter? It took you three damn hours to track them, Iseah. Three. Damn. Hours. Such a disappointment. Leading troubleshooting security agency huh? Isn't it overrated?"

Napaiwas ng tingin si Sia habang si Al ay nanatiling nakayuko.

"Didn't I expected too much? You failed to protect my twins when you were able to protect your clients? Dark Quarter was built not for those damn clients. Itinayo ito para sa pamilyang ito! This family living under this roof is the top priority of that damn agency! Ang kaligtasan ng kambal, ni Zync, ng pamilya mo Sia at ng bawat tauhang nanatiling tapat sa atin ang prayoridad niyo. Hindi ang kung sinong nagbabayad sa serbisyo niyo. Our men were trained not to die for other people but they were trained to protect each other!"

Ilang ulit itong bumuga ng hangin para pakalmahin ang sarili.

"Sabihin niyo sa akin, nagkamali ba akong sa inyong dalawa ko hinabilin ang pamamahala sa KZ at DQ? Kung ganyan kayo magtrabaho, ano na lang gagawin niyo lalo na ngayon na mas lumalakas ang puwersa ng Triad? Ngayon na malapit nang itatag ang imperyong matagal na nating inaasam? Paano niyo mapoprotektahan ang buong bansa kung hindi niyo kayang gampanan ang responsibilidad sa kaligtasan ng pamilyang ito?!"

Nanlisik ang mga mata ni Reina nang mapansing nagsipalayuan ang mga tauhan sa gawi nila.

"Bumalik kayong lahat sa puwesto niyo kung ayaw niyong kayo ang sasalo sa galit ko." Seryosong aniya.

Parang mga tutang nagsibalikan ang mga MIB, mga gangs, sina Butler Clark pati na ang mga maids sa posisyon nila kanina. Nang nasa puwesto na ang lahat ay muling nagsalita si Reina.

"I may sound overreacting but you can't blame me to feel disappointed to all of you! Paano kung hindi agad ako nakapunta sa mga bata?! Iseah!" malakas nitong sinigaw ang pangalan ni Sia kaya napaigtad ito, "Al Ryan! Have you ever noticed Sophia's oddity lately?! Napansin niyo bang kakaiba ang kilos niya?! Hindi lang ang kambal ang muntik nang napahamak kahapon! Kundi muntik nang sumabog ang buong mall na puno ng tao! Isinakripisyo ni Sophia ang sarili niya!"

Nabigla silang lahat. Naging malaking katanungan sa kanila ang kinalaman ni Sophia sa nangyari kahapon. Hindi nagbigay ng paliwanag si Reina sa kanila.

"W-what do you mean?" maingat na tanong ni Al na halatang tinatanya ang galit ni Reina.

"Triad is spreading their bomb armies all over the world and Sophia was one of them!"

"She's a traitor?!" bulalas ni Sia. "Fvck that woman."

Nanlisik ang mga mata ni Reina, "She's a victim! She was never a traitor. Save your curse for yourself, Iseah Villarosa!"

Muling natahimik silang lahat.

"See? Tingnan niyo ang naging kapabayaan ninyo kahapon."

Mapait na ngumiti si Reina nang hindi nakatanggap ng sagot sa kanila. Bakas sa mukha ng lahat ang pag-amin sa naging kasalanan.

Bumaling ito kay Zync kaya bahagya siyang nagulat. Hinanda niya ang kanyang sarili sa magiging sermon ni Reina sa kanya.

"And you..." untag nito, mas lalong kinabahan si Zync dahil parang feeling niya ay makakatanggap siya ng tadyak sa mukha. Kagaya sa palaging nangyayari noon kapag naiinis ito sa kanya.

Magsasalita na sana si Reina nang may biglang pumasok sa mansion na bumasag sa tensyong pumapalibot sa lahat.

"Yuhooo. Tao po! May taong ipinagpala ng mabuting Panginoon ang papasok sa magandang mansion na ito at may kasamang isinumpang animal! Nandito ba ang boss kong tamad na hindi pumasok sa twabaho ngayon?"

Sabay silang napalingon sa entrada ng bahay at nakita si Pula at Kurt na naglalakad papasok.

Si Kurt ay nakasimangot dahil sa rami ng dala. May dalawang attaché case at may mga folders pa habang si Pula naman ay bitbit lang ang malaking handbag nito, naka-outfit na naman ng sariling nitong rakista-corporate attire. Kumendeng-kendeng na naman ito. Nakataas-noo pa.

"Anyawe sa mga tao wito? Bakit pawang naestatwa kayong lahat? May nakita ba kayong halimaw? Pangit ba? Kahindik-hindik ba ang mukha? Mawaming kulubot at luwa ang mga mata? Uy! Gumalaw-galaw naman kayo d'yan. Baka mai-stwok kayo. Sige mahal ang pang-ospital ngayon." Lintanya ni Pula na hindi pa rin napapansin ang taong may gawa sa kaganapan.

Napasapo sa noo si Zync sa walang puknat sa sobrang tabil na dila ni Pula. Yari silang lahat!

Nawalan ng emosyon ang mukha ni Reina, "Tama ka... mahal nga ang pang-ospital ngayon pero marami akong pera pang-ospital para sa 'yo."

Natahimik ang piwatang-bulol nang marinig ang boses na iyon. Napalingon si Pula kay Reina. Nanlalaki ang mga mata nito at biglang natuod sa kinatatayuan. Namilog ang bibig nito.

"Mad— Mad!" hindi naituloy ang pagtawag nito sa amo nang makita ang pagbabanta sa mga mata ni Reina. Nakita nila Zync kung paano nangatog ang tuhod ni Pula at namumula sa takot.

"Ma-mad... Mad... Mad!" lumaki ang butas ng ilong nito, "~M-mader... pader... gusto ko gardenia... Brader... sister... gusto ko nescafe... lahat ng gusto mo ay susundin ko..."~ hindi mapakaling kanta ni Pula habang nanginginig sa takot at hindi na napansing tumuwid na ang dila.

"M-mad!" tumango-tango pa ito. "Madeline? Where are you, Madeline? Do you know where Madeline is? Madeline is the little girl from my school! Yes, she's Madeline. Can you tell me where is she? Madeline? I'm here to see you. Madeline? Yuhooo." wika nito na parang sosyal na Sisa na naghahanap kina Crispin at Basilio.

"What's wrong with you? Ano'ng pinagsasabi mo? Nagpapanggap ka lang bang bulol para magpa-cute?" aburidong tanong ni Kurt kay Pula.

Tila natauhan naman ito, "Nasaan ako? Sino kayo? Sino ako? Anong nangyawi?"

Asar na asar na inakbayan ni Kurt si Pula at tinakpan ang bunganga nito sa utos ni Zync dahil mukhang mas magiging malala ang sitwasyon nila kapag magpatuloy ito sa kashungaan.

Mabilis nagtago sa likod ni Kurt si Pula nang makita ang sobrang talim na tingin ni Reina.

Nang wala na sa paningin ni Reina si Pula ay bumaling ito kay Zync.

"Mahal ko... kain na tayo." Malambing na saad ni Zync, nagbabasakaling pawiin ang galit nito ngunit sumambakol lang ang mukha ni Reina.

"Kamao ko, gusto mong kainin?" tanong nito. Mabilis namang umiling si Zync.

"Look baby... walang may gusto sa nangyari kahapon. Hindi ko kailanman gugustuhing maulit na malagay sa panganib ang kambal." Aniya para matapos na, "May tiglimang bodyguards ang kambal na palaging nakabuntot sa kanila habang may sampung karagdagang bodyguards ang naghahatid-sundo sa kanila at may dalawa pang yaya. Pero kahapon, tinambangan ang mga tauhan natin at nagawang makuha nila ang kambal. Namatayan din naman tayo ng mga tauhan at naubos mo naman ang kalaban kahapon diba? Kaya tama na, inaamin naming may pagkukulang kami, naging pabaya kami kaya patawad."

Nilapitan niya ito nang nawala na ang talim sa mata ni Reina pero pinatili niya ang distansya sa takot na baka bigla siyang tadyakan.

"Huwag ka nang magalit oh. I knew that you're hurt for the death of Sophia. We are too, my love. Naging kaibigan din namin siya. Malaki ang pasasalamat namin sa kanya dahil siya ang nadala sa 'yo pabalik—"

Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang sumimangot si Reina. Parang may narinig itong hindi nito nagustuhan.

"What am I going to do with you for being irresponsible?" nakangising tanong ni Reina habang nakatitig sa mga mata ni Zync. Nabigla na lang siya nang hinablot ng babae ang kanyang braso saka kinaladkad tungo sa kanilang kwarto.

"Aguuuy! Punishment in the woom na this." Bulalas ni Pula.

**

Tanging mga mata niya at ang banayad niyang paghinga ang tanging galaw ni Zync. Matuwid siyang nakaupo sa gilid ng kama habang nakatingin kay Reina na seryosong nakatitig sa kanya.

Naiilang siya sa tingin nito dahil parang ginagalugad ang kanyang kaluluwa. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda talaga nito, she looks so divine in his eyes.

Malakas siyang tumikhim.

Tila biglang nagising naman si Reina sa malalim na pagkakatulog. Nadismaya si Zync. Akala niya tinitigan siya nito, 'yon pala ay natulala lang. Baka nga tulog ito na mulat ang mga mata. Napailing si Zync...

"What are you thinking?" pang-iintriga niya kay Reina.

"You want to know?" ngumisi pa ito.

Napalunok si Zync, "Is it a good thing?"

Mas lalo itong ngumisi, "Kapag nalaman mo kung ano ang iniisip ko, titirik ang mga mata mo." Mapang-akit na anito.

Biglang nag-init ang pisnge ni Zync. Napaiwas din siya ng tingin at sunod-sunod na napalunok. Pulang-pula ang buong mukha niya, pati leeg at tainga. Kumibot-kibot pa ang mga labi niya.

"Hmmm. Ano kaya ang mararamdaman mo kapag isa-isa kung bubunutin ang balahibo mo sa binti? Sigurado akong titirik ang mga mata mo." Anito at saglit napaisip.

Bumusangot si Zync, "What the heck?!" bulalas niya, pumiyok pa siya.

"You look disappointed." Nakangising anito at pinaningkitan siya ng mata, "Tell me, lover boy... what are you thinking?"

Mabilis siyang umiwas ng tingin at biglang hindi mapakali. Naiinis siya. Tila bumalik siya sa nakaraan, no'ng bago pa lang sila nagkakilala. Magaling itong ilagay siya sa alanganin at tuksuhin.

Tumulis ang nguso niya at pinaningkitan din ito ng mata, "Ewan ko sa 'yo. Ano ba ang nangyayari sa 'yo? You're different today." Untag niya para umiwas sa panunukso nito dahil alam niyang hindi siya mananalo laban dito.

Nang mapatingin sa mukha ni Reina si Zync ay gusto niyang bawiin ang sinabi dahil bumakas ang lungkot sa mukha ng babae. Humakbang ito palayo sa kanya at napailing. Nagsisisi tuloy si Zync sa sinabi. Bakit ba kasi 'yon ang naisipan niyang itanong? Sana sinakyan niya na lan panunukso nito.

Tsk. Masaya siyang nagre-response na si Reina sa kanila, hindi gaya ng dati na parang may sariling mundo. Pero dapat hindi niya ito tinanong dahil mukhang bumalik sa huwisyo ang babae at napagtanto ang naging galaw sa harap nila.

Humugot siya nang malalim na hininga, "How did you went to La Clara so fast? Alam mo naman pala kung nasaan sila bakit hindi mo sinabi sa akin? Magkasama tayo kahapon. Dinaanan kita rito sa bahay but you said nothing then you went there alone? Kung sana hindi ka sumulong do'n nang mag-isa ay natulungan namin si Sophia."

Zync doesn't want to sound blaming her for blaming them. Pero sa narinig niyang pinagsasabi nito kanina ay mukhang sa kanila lahat napunta ang sisi sa nangyari. Hindi niya talaga masundan ang takbo ng utak nito. Nakakalito. Nakakamangha. Nakakatakot.

"I won't deny the fact that we have lapses in our responsibilities but please, Katarina... learn to connect with us. Learn to rely on us. Yes, I know, you can do this alone. You're capable of handling things easily. You can have everything placed in your hands but it wouldn't be a burden for you to learn to depend on us... right?"

Hindi alam ni Zync kung saan siya humugot ng tapang pagsabihan ito.

Tumayo siya...

"Marami akong gustong itanong sa 'yo. Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Mahal kita. Mahal na mahal pero parang hindi pa rin kita kilala. Hindi ko kilala ang babaeng mahal ko. 'Yan ang totoong nararamdaman ko ngayon. Minsan gusto kong tanungin ka kung sino ka ba talaga? Pero nirerespeto ko ang pananahimik mo dahil alam kong marami kang iniisip at alalahanin. Hindi lang sa akin umiikot ang buhay mo pero sana matuto kang buksan ang sarili mo sa iba... o kahit sa akin man lang."

Pumwesto siya sa likuran nito.

"Magtulungan tayo, Cherié. I can't match the capabilities of someone like you but I'll do my best to help you or to just lessen your burdens. Hindi ko hinihinging isali mo ako sa lahat ng plano mo pero sana magsalita ka naman."

Marahang ipinulupot ni Zync ang kanyang braso sa katawan nito. Maluwag siyang napangiti nang hindi ito umigtad o nagulat man lang, parang sanay na sanay ito sa kanyang mga haplos.

"I don't want to tell you this, pero gusto kong malaman mo na... minsan nararamdaman ko ang bobo ko, na ang tanga-tanga ko, na wala akong kwenta, na isa akong inutil sa mga nangyayari dahil hindi ko alam kung ano ang totoo nangyayari sa 'yo at sa paligid." Pag-aamin niya at gumaragal na rin ang kanyang boses.

"I tried to be tough and brave for you because I don't want to be your burden. I entered the conglomerates kahit hindi ko pa kaya no'ng una. Ginawa ko ang lahat ng 'to para sa 'yo at sa mga bata. I want to be someone who will be there to stand beside you... whom you could lean on when you get tired. Sana hayaan mo ang sarili mong sumandal sa akin."

Tumulo ang luha ni Zync at hindi niya na napigilang humagulgol sa balikat ni Reina. Binaon niya ang mukha sa leeg nito at pilit pinakalma ang sarili.

"Simula nang makilala mo ako, palaging ikaw na lang pomoprotekta sa akin, sana hayaan mo naman akong lumaban nang katabi kita. Mahal na mahal kita, ayaw ko nang umalis ka. Parang ako namamatay araw-araw sa tuwing naiisip kong wala akong alam kung nasaan ka, kung ano ang nangyayari sa 'yo."

Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya rito.

"Nang ibinalik ka ni Sophia sa amin, hindi ko naramdamang bumalik ka. Nasa harapan nga kita, nahahawakan at nayayakap pero parang may mali. Nasa tabi nga kita pero pakiramdam ko hindi kita kasama. Masama ba ako kung nagpapasalamat ako sa nangyari kahapon?"

Mas bumilis ang tibok ng puso ni Zync nang maramdaman niya ang mga palad nitong humaplos sa kanyang mga brasong nakayakap dito.

"Dahil sa nangyari kahapon, naramdaman kita ulit. Naramdaman ko ulit ang Katarina na kinakatakutan ko noon. Ang Katarina na natutunan kong mahalin. Alam kong wala pa sa kalingkingan ang alam ko tungkol sa 'yo... re-respetuhin kita at hindi ako magtatanong. Hihintayin ko ang oras na ikaw mismo ang magki-kwento sa akin kung ano ang mga nangyari nang umalis ka, kung ano ang mga plano mo laban sa Triad, kung ano ang mga tumatakbo sa isip mo."

Nabigla pa siya nang pinagsiklop nito ang kanilang mga kamay.

"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal." Masuyo niyang bulong dito sabay halik sa leeg nito nang mariin. "Mahal na mahal kita." Paulit-ulit niyang sambit.

"I love you, O."

Natigilan si Zync nang magsalita si Reina. Mas lalong bumuhos ang luha niya. Inikot niya si Reina paharap sa kanya, bahagya siyang nagulat nang makitang lumuluha rin ito, umiiyak kasabay niya.

Sinapo niya ang pisnge nito at pinahid niya ang luha ni Reina.

"Akala ko hindi ko kailanman maririnig ang salitang 'yan mula sa 'yo. Mahal na mahal din kita, Katarina."

Bigla itong umiwas ng tingin.

"Katarina?" tawag-pansin niya. "Please tumingin ka sa mga mata ko. Mahal ko."

Hinawi nito ang kamay niya at umatras palayo sa kanya.

"What's wrong?" natatakot niyang tanong.

Mabilis niyang hinuli ang mga kamay nito at niyakap nang mahigit si Reina.

"No... huwag na huwag kang lumayo sa akin. Hindi ko kakayanin." Pakiusap niya rito.

"I love you..." masuyong bulong nito sa kanya. Napangiti siya.

"I love you too, my Cherié."

Akala niya okay na ang lahat kung hindi lang ito muling nagsalita.

"But I'm sorry."

-End of Chapter 44-

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro