43: MOMENT
IN A MOMENT
In a moment, I want to be with you.
In a moment, I want to be close to you.
In a moment, I want to sit beside you.
In a moment, I want to lean on you.
In a moment, I want to let you feel that I love you.
In a moment...
Please cherish the moment when I'm still with you.
- CL
*****
Chapter 43: A MOMENT
Enjoy reading!
3rd.
"Now choose, speak up or I'll kill that child! Just activate the bomb army and you can run away with the twins." Saad ni Greg.
Pulang-pula at magang-maga na ang mga mata ni Sophia sa kakaiyak. Nakatitig lang ito sa mga mata ni Reina. Nasa mata ng babae na sumusuko na ito, na sundin ang gusto ni Greg at tila sinasabing tumakas na sila.
Reina hissed.
Walang emosyong itinulak ni Reina si Arri papunta sa gilid. Natumba ang bata sa mascot na nakahandusay. Mabilis siyang tumakbo tungo kay Arra at agad itong kinarga. Nagpaputok agad sina Greg at pinaulanan sila ng bala ngunit maliksi naman siyang umiwas. Tumakbo siya tungo sa isang poste at nagtago roon.
Yumakap si Arra sa kanyang leeg habang umiiyak.
"M-mama. I-I'm so scared." Hinigpitan niya rin ang yakap sa anak at masuyo itong hinalikan sa ulo.
"Sssh. Mama's here." she whispered lovingly and with assurance.
Sinilip niya ang kinaroroonan ni Arri. Nakaupo ito katabi ang mga bangkay habang nakatingin kina Sophia. Tumutulo ang luha sa mga mata ng bata ngunit matapang ang mga mata. Sinilip naman niya sina Greg at nakita niyang nakatutok na ang mga baril nito sa batang lalaki.
"Lumabas ka! Nakuha mo nga ang isa, naiwan naman ang isa! Lumabas ka at sumigaw habang pinapaulanan ko ng bala ang anak ng kapatid mo para matapos na tayo rito!" galit na sigaw ni Greg. "Ilang taon nasayang at naudlot ang Project Armageddon dahil sa 'yo kaya huwag kang magkakamaling pigilan ulit ang panimula namin! Magsalita ka, prinsesa!"
Reina gritted her teeth. Ibinaba niya si Arra.
"Stay here, baby. I'll get your brother." Bulong niya sa bata.
Muli siyang lumabas at hinarap ang mga ito na walang emosyon. Napaatras pa sila ni Greg. Humakbang siya papalapit kay Arri. Ngunit muling nagpaputok sina Greg. Tumama iyon sa bangkay ng lalaking naka-mascot. Napasigaw si Arri sa takot habang lumuluhang nakatingin kay Reina.
Nawala na ang tapang sa mga mata nito. Ngayon ay nakatingin ito sa kanya na takot na takot. Nakikita niya na ang anim na taong gulang na bata.
Her baby is scared and she does not like it.
"M-mama..." itinaas ni Arri ang maliliit na braso sa direksyon ni Reina na tila ba gusto nitong magpabuhat. "M-mama... l-let's go home. M-mama ko." Hinihingal na ito sa sobrang pag-iyak.
Mas lalong nagngitngit sa galit si Reina. Gusto nang magsalita ni Reina at lumapit kay Arri ngunit pilit niyang tinatagan ang sarili. Minura niya ang sarili kung bakit dalawang baril lang ang dala-dala niya.
Nang malaman niya kanina na dinukot ang kambal ay mabilis niyang ni-locate ang mga ito. May tracking device sa kuwintas na RTGQA na suot ng kambal kaya mabilis niyang nahanap ang dalawa. Ang mga mascots at clowns naman ay mga binayaran niya lang para bigyan siya ng oras na ilayo ang kambal sa gulo.
Nagngitngit din siya sa galit kina Zync at kay Sia dahil paano nakuha ang kambal ng gano'n-gano'n lang? Naging pabaya sila!
Wala siyang niisang dalang tauhan. Masyado siyang naging kampanteng kakayanin niyang makipaglaban sa demonyong ito. Nagulat na lang siya na kasama nila si Sophia. Alam niyang isang bomb army ang babae. Kung wala lang ang kambal o si Sophia ay kakayanin niyang patumbahin ang mga pipitsuging tauhan na mga 'to ng Triad.
Naiinis din siya dahil hindi niya makontak si Morry at wala naman dito sa bansa si Mojica para makahingi siya ng tulong.
Pinapanalangin niya na lang na dumating agad sina Zync at Sia. Alam naman niyang naghahanap na ang mga ito sa kambal. Pagkatapos nito, kakastiguhin niya ang kanyang asawa sa kapabayaan sa kaligtasan ng mga bata.
"Magsalita ka!" sigaw ni Greg sabay paputok muli ng baril. Muntik nang matamaan si Arri kung hindi lang ito nakaiwas.
Nakadapa na ang batang lalaki sa semento habang umiiyak.
"M-mama." Pilit siya nitong tiningnan at nagmamakaawang kunin niya ito. "M-mama, get me. Please."
"Arri!" sigaw ng kakambal nito na nanatiling nakakubli sa poste.
Ito ang isa sa mga bagay na kinakakatakutan ni Reina na mangyari. Ang maipit ang mga mahal niya sa buhay sa isang laban. Nanghihina siya at hindi agad nakakapag-isip nang maayos.
Kaya nga ayaw niyang magpakilala kay Zync dahil alam niyang maaaring bigla na lang sumulpot ito at magpakatanga habang siya ay mawawalan ng pokus.
They are her strength. They are her weakness. They are her distraction.
Kahit ayaw niya mang ihiwalay ang mga mata sa anak ay iniwas niya ang tingin.
"M-mama..." tawag ni Arri. Nagtiim bagang siya at hindi nilingon ang batang tinatawag siya.
Hinarap niya si Greg at ngumisi. Natigilan naman ang lalaki. Nabakasan ng takot ang mga mata nito. Kitang-kita iyon ni Reina.
Sa takot ay sa kanya itinutok ni Greg ang baril. Naglakad siya papalapit sa kanila.
Kanina niya pa gustong murahin ang taong ito ngunit hindi pwede.
Pasimple naman niyang isinenyas ang kamay kay Arri na magtago. Nakuha naman agad ito ng bata at naghanap ng right timing. Nang ilang metro na lang siya ay huminto siya.
Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang tumayo ang bata at akmang tatakbo tungo kay Arra nang makita ito ng tauhan ni Greg. Tinutok nito ang baril sa bata at pinapaputukan.
"Nooo!" malakas niyang sigaw sa kaba at mabilis na tumakbo sa lalaki tinira ang si Arri.
Agad niyang naagaw ang baril nito kaya umiba ang direskyon ng bala. Sinuntok niya ang lalaki at nagulat pa sila ni Greg nang agad itong nawalan nang malay sa isang suntok lang.
Gamit ang baril na naagaw ay mabilis niyang binaril sa ulo ang dalawang pang lalaki. Napatigil na lang siya nang malakas na tumawa si Greg.
Do'n niya lang napagtanto ang pagkakamaling nagawa. Binitawan ni Greg si Sophia. Napaluhod ang babae at humagulgol.
"What a sweet screaming voice." Nangungutyang wika ni Greg. "I succeeded! Mission accomplished! Tapos na tayo kaya umalis ka na prinsesa kasama ang mga bata. Ayaw mo naman sigurong mamatay na lang dito hindi ba?"
Akmang tatalikod si Greg para umalis. Nagngitngit sa galit si Reina kaya inubos niya ang natirang bala ng hawak na baril sa lalaki. Natumba itong nakangisi pa rin.
"Ako pa rin ang nanalo." Nakakalokong huling sambit ni Greg bago mawalan ng buhay.
"I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit na sambit ni Sophia habang umiiyak at nakaluhod.
Nanghihinang nilapitan ito ni Reina. Inangat nito ang tingin sa kanya, "I'm sorry. Patawarin mo ako, umalis na kayo rito ng mga bata. Please. Save yourself."
Umiling si Reina saka niyakap si Sophia.
"Salamat kahit sa huling beses ay nakita kita, Wing Regal. Kahit hindi man tayo naging magkaibigan, masaya akong nakita kita sa huling pagkakataon." Bulong ni Sophia. "Impyerno ang byahe ko nito dahil marami akong papatayin na mga tao." Mapait itong tumawa.
"S-sophia..." bulong niya at hindi na na napigilan ng luha niyang tumulo. Marahang pinahid nito ang kanyang luha.
"Kilala mo ako." Tuwang-tuwang sambit nito. "Ikaw nga. Ikaw nga ang nakasama ko noon. Hindi siya."
Ngumiti siya at sunod-sunod na tumango.
"Kilala kita noon pa man, Sophia."
Napangiti ang babae pero maya-maya pa ay ngumuso, "Pwede ko bang malaman ang totoong pangalan ng idol ko?"
"Hi." Umiiyak na aniya ngunit nakangiti, "I am Katareina Zavina but you can call me Reina... nice meeting you Sophia Hanna."
Mahigpit siya nitong niyakap.
"Ang ganda ng pangalan mo. Bagay sa 'yo. Maraming salamat, Reina."
Humiwalay ito ng yakap sa kanya at itinaas ang damit.
"I'm ready to die... please. Make this stop, Reina. I don't want to become a murderer." Umiiyak na pagmamakaawa nito. "Just kill me."
May umiilaw na tila digital na numero sa tiyan nito. 6 minutes at sasabog na ang buong Ynca Mall. Iling ang naging sagot ni Reina sa gusto nito.
"Hindi... maghahanap ako ng paraan." Aligagang aniya.
"W-wala nang oras. Sasabog na ako at maraming taong mamamatay. Maraming bata sa loob ng mall. Ayokong nakawin ang kinabukasan nila. Kaya please, maawa ka. Kill me, Reina... I would be happy kung ikaw ang papatay sa akin. Kahit ito lang ang una at huli mong iregalo sa akin. Patayin mo ako."
Hindi siya makapaniwala sa gustong ipagawa nito sa kanya. Sino ang taong hihiling ng ganitong klaseng regalo?
Nagmakaawa si Sophia sa kanya kaya kahit ayaw niyang gawin ito sa kanyang kaibigan ay kailangan niyang iligtas ang buhay ng mas nakararami. Isasakripisyo niya ang buhay ng kaibigan para sa lahat ng taong nagkakasiyahan sa loob ng mall.
Isasakripisyo niya ang buhay ni Sophia para sa mga taong hindi niya kilala, mga taong hindi niya alam kung may mabuti bang puso, mga taong baka kriminal, mga taong baka nawawalan na ng pag-asa sa buhay, mga taong puno ng buhay.
Ang mga taong karapatdapat bang patuloy na mabuhay kapalit sa buhay ni Sophia Hanna Dolor.
Wala silang alam na may isang taong nakikipaglaban sa kamatayan para sa kanilang lahat. Isang taong mas hihigit pa sa mga bayani ang kayang isakripisyo.
Tinitigan niya nang mabuti ang mukha ni Sophia na nagmamakaawa. Sumagi sa isipan niya ang mga batang walang kamuwang-muwang sa mundo na masayang gumagala sa mall kasama ang mga pamilya.
Hindi niya kayang gawin ito sa kaibigan. Ngunit hindi kaya ni Reina na hindi magsakripisyo.
Humihikbing tumayo siya habang nakatingin pa rin ang mga mata kay Sophia na nakahiga na sa semento. Namumutla at habol ang hininga.
Lumapit si Reina sa isang bangkay ng lalaki at kinuha ang kutsilyong nasa tagiliran nito. Lumuhod siya sa gilid ni Sophia. Nginitian niya ito nang malungkot at umiling.
"Please..."
"Y-you don't deserve to die like this." Mahinang bulong niya.
Ngumiti si Sophia, "It'll be an honor for me if you'll be the one to end my life."
'An honor to be killed by me?' aniya sa isipan, 'Kalokohan! Paano naman ako?!'
Itinaas niya ang damit nito at nakitang tatlong minuto na lang ang natitira.
"C-close your eyes." Hirap na hirap niyang utos dito.
"Can we be friends?" nakangiting tanong ni Sophia.
Ngumiti siya nang maluwag sa babae saka ito hinalikan sa noo. Tumulo pa ang luha niya sa mukha nito na ikinatawa ni Sophia, "You are already my friend ever since, Sophia."
Tumango ito at muling pumikit, "Sige na."
Humugot siya nang malalim na hininga saka walang kung anu-ano'y isinaksak niya ang kutsilyo sa mismong puso nito pero hindi pa rin tumitigil ang timer. Napaigik si Sophia ngunit hindi umaalis sa puwesto o nanlaban.
Hiniwa niya ang balat ni Sophia saka hinanap ang bombang itinanim sa puso nito. Reina gritted her teeth when she saw the microchip implanted on her heart. May mga wirings at devices din palibot sa organ nito. Sophia is almost a cyborg. Tinanggal niya ang microchip kaya biglang nanginig si Sophia.
Tila napapasong binitawan niya ang kaibigan at naninigas habang nakatingin sa nanginginig na katawan ni Sophia.
Nagmulat ito at ngumiti sa kanya sa huling pagkakataon kasabay ng pagtigil ng timer sa tiyan nito.
"R-reina." Huling sambit ni Sophia bago mapayapa itong pumikit.
Pagod na napaupo si Reina sa gilid ni Sophia at natulala sa kawalan. Tila naubusan siya ng luha, wala ring salitang namutawi sa kanyang mga bibig. Tila bigla rin siyang nawalan ng buhay.
"Mama." Rinig niyang tawag sa kanya ng dalawang bata na nakapagpagising sa kanya. Lalo na nang yumakap sa kanya ang dalawang bata na parehong umiiyak. Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Reina.
Malakas siyang humagulgol. Napasuntok pa siya sa semento ng ilang beses. Marahas niyang pinahid ang luha sa mukha kahit pa puno ng dugo ni Sophia ang mga kamay niya.
"Patawarin mo ako, Sophia." Bulong niya sa pagitan ng pag-iyak. "Patawad." Niyakap niya ito.
"M-mama."
Naramdaman niya ang pagbitaw ng dalawang bata sa kanya. Ngunit hindi niya magawang lingunin ang mga anak niya. Nanatili ang mga mata niya sa nakapikit na si Sophia. Mapayapa ang mukha nito at tila tanggap na tanggap ang kamatayan.
Sa gitna ng kanyang pag-iyak ay ang pagpulupot ng dalawang matitipunong braso sa kanyang katawan. Mahigpit siya nitong niyakap mula sa likod. Mas lalong bumuhos ang luha ni Reina nang maramdaman ang pamilyar na init nito. Tila nakahanap siya ng taong masasandalan.
"I'm here, my Cherié."
**
Mugto ang mga mata at bakas sa mukha ni Reina ang sobrang pagod. Tahimik siyang nakatitig kay Zync na seryosong hinuhugasan ang kanyang maruming kamay.
Nasa parking lot pa rin sila ng Ynca Mall ngunit nalinis na ang mga bangkay. Na-pull out na rin si Sophia at dinala na pabalik sa Buevo City.
Buong pag-iingat ang bawat pagdantay ng kamay ni Zync sa kanya na tila ba isa siyang babasaging kristal. Kanina pa ito hindi nagsasalita ngunit hindi umalis sa kanyang tabi. Ang kambal naman ay nasa loob ng kotseng dala nito at nakatulog na.
Nag-angat ng ulo si Zync kaya nagtama ang kanilang mga mata. Malamlam ang mga mata nito. Hindi niya maintindihan kung ano sinasabi ng mga mata ni Zync.
Simula nang tinakbuhan niya ito higit tatlong taon na ang nakakaraan ay ngayon niya lang ulit ito natitigan nang ganito. Ang mga titig ng mga mata nilang tanging mga puso lang nila ang nagkakaintindihan.
Hindi niya napansin ang pagtulo ng kanyang mga luha. Masuyong pinahid ni Zync ang luha niya gamit ang hinlalaki nito. Ngumiti ito sa kanya at pinahid ang natuyong dugo ni Sophia sa kanyang pisnge.
Nabigla si Reina nang tumayo si Zync. Ni hindi niya napansing natapos na ito sa paglilinis sa kanya. Marahang hinila siya nito patayo. Nakatingin lang siya sa mukha ng lalaki habang maingat nitong sinapo ang kanyang magkabilang pisnge.
Nakangiting pinasadahan nito ang kanyang buong mukha. Napapikit si Reina nang masuyo at mariing hinalikan siya ni Zync sa noo saka mahigpit na niyakap.
"I will always be here for you, my Cherié."
Nagmulat si Reina at bahagyang lumayo siya kay Zync para sana tingalain ito nang may nahagip ang mga mata niya sa madilim na parte ng parking lot.
Natigilan siya at napatitig doon nang makita niya ang kanyang kakambal na nakatayo roon. Mataimtim itong nakatitig sa kanila ni Zync. Hindi nakaligtas kay Reina ang pinaghalo-halong emosyon sa mga mata ni Tari... inggit, panibugho at galit.
"Cherié." tawag-pansin ni Zync sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin mula kay Tari. "Let's go home."
Wala sa sariling napatango siya kay Zync. Inalalayan siya nito papunta sa kotse.
Kinausap muna ni Zync ang agents na naka-assign sa nangyari bago sila umalis. Muling liningon ni Reina si Tari, nagkatitigan sila sandali bago ito tumalikod at naglakad palayo.
Napakagatlabi siya at napayuko. Muling dumungaw ang luha sa malulungkot niyang mga mata.
"Ngayon lang... kahit ngayon lang. Pagbigyan mo ako." Bulong niya na para bang maririnig iyon ni Tari, "Pahiram lang kahit sandali. Please, let me borrow my husband for a moment."
"Mahal ko?" nag-aalalang tanong ni Zync nang maabutan nito ang kanyang sitwasyon. "You're crying again."
Kinabig siya nito para yakapin. Muli siyang umiyak sa dibdib ng kanyang pinakamamahal na asawa.
"Sssh. Everything's gonna be alright." Bulong nito saka hinalikan siya tuktok ng ulo.
Hanggang sa nakatulog si Reina.
**
Kinabukasan, nagising si Reina sa mahigpit na yakap ni Zync. Nilingon niya ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Maingat niyang hinaplos ang pisnge nito. Bumangon siya nang hindi ginigising si Zync.
Naligo siya at nag-ayos ng sarili. Napangiti pa siya dahil naroroon pa rin ang mga gamit niya sa walk in closet nila na hindi nagagalaw simula nang umalis siya. Nakita niya rin sa isang parte ng closet ang mga damit na pambabae na alam niyang pagmamay-ari ng kanyang kakambal.
Napabuntong hininga siya.
"He's not just mine, anymore... what have you done, Reina?" tanong niya sa kanyang sarili.
Sa maraming taon na nagdaan sa buhay nila ni Tari ay parehong-pareho pa rin sila sa bawat kurba ng katawan, ang laki, ang taas pati ang kulay ng balat nila. Kung noon ay kulay ng mga mata at buhok saka timbre ng boses ang pinagkakaiba nila, ngayon ay pati buhok ay parehong-pareho na sila.
Masyado silang identical na dalawa.
Kung sino man ang titingin sa kanila ay magdadalawang isip kung sino si sino. Maliban na lang kung titigan nang mabuti ang kanilang mga mata. Reina's eyes are ocean blue while Tari's are blue-green. Mas matingkad ang pagiging asul ng mga mata ni Reina.
Magkaibang-magkaiba rin ang ugali nila. Si Tari sobrang tahimik pa rin at halos hindi nagsasalita. Hindi marunong ngumiti o tumawa. Walang pakialam sa paligid. Kasalungat kay Reina.
Kaya kahit gano'n hindi niya masisi si Zync kung bakit hindi nito alam na ibang Katarina na ang kasama nito. Masyadong nalunod si Zync sa ideyang, mahal nito ang babaeng nagngangalang Katarina.
Nang makapagbihis ay napagdesisyunan niyang puntahan ang kambal. Ngunit bago makalabas ay napalingon siya sa gawi ng kanyang mga armas.
Napangiti siya nang makita ang kanyang Desert Eagle .50AE Silver handgun na nakapaloob sa isang crystal box. Nagmukhang artifact sa isang museum ang kanyang baril.
Nagpapasalamat siyang iningatan ito ni Zync at hindi ibinigay kay Tari. Sa pagkakakilala niya kay Zync, posibleng ibibigay nito agad ang baril niya kay Tari sa unang araw pa lang nang pagtapak nito sa mansion, kaya nakakapagtakang hindi pa nito ibinibigay ang baril.
Well, who knows kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Zync.
Tinungo niya ang kwarto ng kambal...
Muling lumukob ang galit ni Reina nang makita ang kambal na natutulog pa sa kanilang kama. Napakuyom ang kamao niya dahil sa nagkukulay ubeng pisnge ng kambal. Pinangko niya si Arri sa kama nito at binuhat. Agad namang yumakap sa kanya ang bata.
"M-mama." Garagal na sambit ng bata.
Umupo siya sa tabi ni Arra saka pumwesto sa gitna ng kambal. Dinantay niya ang mga ulo ng dalawang bata sa kanyang dibdib. Hinaplos niya ang buhok ng mga bata at kinantahan nang mahina.
"I love you both. I will always love you, no matter what. Hindi man kayo nanggaling sa akin, hindi man ako ang nagluwal sa inyo. Anak man kayo ng lalaking kinamumuhian ko... mahal na mahal ko kayong dalawa. The both of you will always be my first borne." Bulong niya sa mga bata.
Napangiti siya nang magmulat ang dalawang bata saka mahigpit siyang niyakap.
"I love you too, Mama." Sabay na bulong na kambal.
-End of Chapter 43-
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro