Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

42: BOMB

Hello freaks! Please read this first...
I am planning to write Special Chapters wherein you, my readers, would get a chance to have a scene with your chosen Borrowed Character.

B'coz I think in this way we could interact with each other. And it will depends on your comments. 'Yong comment na maiinspire ako at mapapangiti. Walang limit kung ilan kayo. Haha.

'Yon lang.

*****

Chapter 42: BOMB
Enjoy reading!

3rd.

"That's all for today kids. I hope you've learn a lot from our today's activities. Do your assigned tasks tonight. Alright? Kean Arri can you come here in front and lead the closing prayer." Magiliw na saad ng teacher nila ni Arra.

Agad tumalima ang batang lalaki at nag-pray na sinabayan ng kanilang mga classmates.

"Good bye class and see you tomorrow."

"Good bye and thank you teacher Anna. See you tomorrow." The class chorused.

Inalalayan ng kanilang teacher ang bawat isa sa paglabas. Sinisigurong may mga sundo ang mga ito bago hayaang makaalis ng school, ang Hansel and Gretel Montessori. Huling lumabas ang kambal dahil wala pa ang kanilang mga yaya na palaging kasama nila.

Nakangiting bumalik sa loob si Teacher Anna.

"Let's just wait for your nannies to fetch you, okay? Wala pa ang service niyo sa labas." Nakangiting wika nito sa mga bata.

"Okay po, Teacher Anna. It's still early pa naman po kasi than our usual dismissal time." Saad ni Arra habang inaayos ang bag. Si Arri naman ay nakapag-ayos na ng gamit at tahimik itong nagbabasa sa hawak na kindle.

Kumunot ang noo ng teacher saka tiningnan ang relos. Tama nga si Arra early ng 30 minutes ang dismissal nila ngayon. Ngumiti lang ang guro sa kambal at nag-ayos na rin sa mga gamit nito sa mesa.

Lumipas ang lampas kalahating oras ay wala pa rin ang sundo nila at kaunti na lang ang estudyante sa kanilang school. Nakatulog na nga si Arra habang humahaba na ang leeg ni Arri.

"Arra wake up." Mahinang gising niya sa kapatid. Agad naman itong nagising. "Something's not right." Dagdag pa niya habang nagmamasid.

"What?" Arra mouthed.

Hindi umimik si Arri but his eyes are sending messages to his twins. Si Teacher Anna naman ay nakaupo pa rin sa teacher's desk at nagsusulat sa notebook nito.

"Wala pa rin ang sundo ninyo?" maya-mayang tanong ni Teacher Anna. Salubong ang kilay nito. Tumayo ito at akmang lalabas nang pinigilan ito ni Arri.

"Teacher no! Don't go out." Mahinang sigaw ng bata. Nagtaka naman ito.

"What's wrong Arri?"

Seryoso ang mukha nito. Napatingin ang guro kay Arra na maingat na sumisilip sa labas sa may bintana.

"We're surrounded by bad guys!" anunsyo ng batang babae saka tumakbo kina Arri. "What should we do now, Arri?"

Nataranta naman ang guro nang tama nga si Arra nang makita nito kung ano ang nangyayari sa labas. Maraming mga armadong lalaki ang nasa labas naglilibot at nakita rin nito ang dalawang guards ng school na nakahandusay sa lupa.

Mabuti na lang ay naisarado na ng guro ang pinto nila kanina at naibaba ang kurtina ng mga bintana kaya hindi sila madaling makikita.

Takot na nilapitan ng guro ang kambal at dinala ito sa gilid ng filing cabinet para magtago. Niyakap nito ang dalawang bata. Napansin nito na hindi man lang nabakasan ng takot ang kambal.

"I'm sure they are after me and my sister, Teacher Anna." Wika ni Arri sa mahinang boses.

"Don't worry, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo. Dito lang tayo para hindi nila tayo makita." Kinakabahan man ay pilit itong nagpapakatatag para sa mga estudyante.

Being their teacher and at the same time their class adviser, it was included on her duties and responsibilities to protect her pupils from any danger inside school premises even in the outside. It was their duty as a child's second parents at school.

Dalaga pa si Teacher Anna but being a teacher she has this motherly instinct.

"You don't have to worry about us, Teacher Anna. We're fine. Our Mama won't let anyone hurt us." Nakangiting sabi ni Arra na para bang seguradong walang mangyayaring masama sa kanila.

"Bakit ang tagal ng sundo niyo? They should be here by now." kinakabahang tanong nito sa mga bata.

Arri shrugged his shoulders, "Baka inambush sila while on their way by those bad guys outside." He said bluntly.

Namutla naman si Teacher Anna sa narinig. How could a six-year-old kid say those words in that whatever way?

Sabay silang napaigtad tatlo nang makarinig ng sunod na sunod na kalabog sa mga pinto ng mga katabing classrooms.

"Teacher Anna. You have to hide. They won't hurt you if they don't found out you're still here!" wika ni Arra saka hinila ang guro papunta sa cabinet. Binuksan naman ni Arri ang pinto at sabay na tinulak ng kambal ang teacher nila.

"Hey. What are you doing? No. I should be the one hiding you!" hinila sila ng kanilang guro, papasok din sa cabinet.

Patuloy pa rin ang kalabog sa labas papalapit sa kinaroroonan nila.

"No teacher Anna. They need us, I'm sure they won't hurt us but they will hurt you!" paliwanag ni Arri.

Naghalo-halo na ang nararamdaman ng guro nila. Nando'n ang takot, kaba, pagtataka sa pinagsasabi ng kambal at pati amusement sa nakikitang tapang sa mga mata ng mga bata.

Walang nagawa ang guro nang pinagtulungan ito ng kambal itago sa loob ng cabinet. She felt so little and weak when they did that to her. The twins were so strong enough to push her inside. Bago isara ang pinto ay nagsalita si Arra.

"Teacher, when they have already caught us... call our daddy please. Tell him, kinuha kami ng bad guys but please make sure you won't get caught ha?" Wika nito na tila nagsasabi lang ng gustong ipasalubong nito. Napanganga na lang ang guro.

Inabot ni Arri ang isang calling card sa guro, "Here's our daddy's personal number. The one you had was his business number. Call him immediately kapag wala na ang bad guys with us." Segunda naman ng batang lalaki.

Walang nagawa ang guro kundi hayaang itago ito ng kambal sa cabinet at sundin ang utos ng mga bata.

Normal na umupo ang kambal sa kanilang mga seats at hinintay na pumasok ang mga armadong lalaki. Ilang minuto ang nakaraan nang pumasok ang mga ito. Napangisi pa ang dalawang lalaki nang makita ang kambal na walang emosyong nakatingin sa kanila.

"Nandito ang mga batang hinahanap natin! Akala ko mahihirapan tayo." Saad ng isa na agad lumapit sa kanila.

"Hi Dodong. Hi Inday." Bati nito sa kambal. "Kami pala ang sundo niyo ngayong araw. Naabirya ang mga yaya at bodyguards niyo eh. Hayon sumabog ang dalang van."

Hindi umimik ang kambal at nakatingin lang sa kanila. Mukhang nainis naman ito nang hindi ito pinansin ng kambal

"Tsk. Mukhang ang tatapang ng mga bubwit na 'to ah." Anito saka tinutukan ng baril ang kambal.

"Tama na 'yan, Lito. Kung ako sa 'yo ibababa ko 'yang baril mo. Hindi mo alam ang kayang gawin ng mga batang 'yan." Wika ng isang kasama nito, "Sabi ni boss dalhin na natin ang mga bata sa kanya dahil magsisimula na ang party."

Binitbit ng mga nito ang kambal na wala pa ring imik. Habang halos himatayin na si Teacher Anna sa loob ng cabinet. Umiiyak na rin ito ang nanginginig. Dahil nakita niya sa maliit na siwang ng pinto ng cabinet ang pagtutok ng baril ng lalaki sa ulo ni Arra. Dinutdot pa nga nito pero walang reaksyon ang batang babae.

Nang makasigurong wala na ang mga ito mabilis niyang dinial ang numero na binigay ni Arri.

**

Lunod na lunod si Zync sa ginagawang document sa laptop. Hindi niya na nga napapansin ang pagbabangayan nina Kurt at Pula. Nawala lang ang focus niya nang tumunog ang kanyang personal mobile phone.

Napapikit pa siya at bahagyang inialog ang ulo dahil sa panandaliang pag-ikot ng paningin niya. Kinuha niya ito at nagtaka nang makitang isang unregistered number ang tumatawag. Sinagot niya ang tawag.

"Hello?" pagod niyang bati.

[M-mr. O-orlando? T-this is teacher Anna from HGM school... t-tulungan niyo po ako... a-ang mga anak niyo.]

Napatayo si Zync nang marinig ang iyak ng babae sa kabilang linya.

"What? What happened to my children?!"

[K-kinuha po sila ng mga armadong lalaki...]

Hindi niya na pinatapos ang sinabi ng babae. Inabot niya ang cellphone kay Kurt para ito ang kumausap. Kinuha niya ang isang cellphone at tinawagan si Sia.

Nagmumura siyang tumakbo palabas ng building at mabilis na narating ang kanyang kotse...

*****

Mahinang humihikbi si Sophia habang nakaupo silang dalawa ng lalaki sa isang food stall. Nakaakbay ito sa kanya at umaaktong inaalo siya dahil nakakakuha na sila ng atensyon ng ibang shoppers dahil sa hilatsa niya.

"It's okay baby, we'll just get you a new pup tomorrow." Malambing na anito na halatang pinaparinig sa mga tao.

Ang stall kung nasaan sila ngayon ay ang sentro ng buong Ynca Mall. The mall has four floors. Sa left side ay ang Department Store katabi nito ay ang Cinema, sa right side naman ay ang Arcade at ilang botiques. Nasa harap naman nila ang daan tungo sa supermarket.

Sa likod ay ang event center kung saan may nagmo-mall show na local celebrities. Sa second floor ay ang cyberworld area and other botiques. Third floor is the other half of department store and fourth was the food court and restaurants area.

Kada lingon niya ay sobrang daming tao. Nagkakabungguan na nga sa sobrang dami.

Hindi alam ni Sophia kung ano mangyayari kapag na-detonate ang puso niya. Hindi niya alam kung gaano kalaki ang maaaring pinsala kapag sumabog siya... hindi niya pa rin matanggap na siya mismo ang bombang kikitil ng mga taong nandito sa loob ng mall.

"P-please... don't do this." Pagmamakaawa niya sa lalaki.

Nakakaloko itong tumawa sa mismong tainga ni Sophia. Kung titingnan silang dalawang para silang magkasintahan na tinutukso ng nobyo ang nobya.

"You wish, darling."

Napailing-iling na lang si Sophia at tahimik na humikbi. Tumatawa pa ang lalaki habang pakanta-kanta.

Nilibot ni Sophia ang paningin. Gusto-gusto niya nang sumigaw para bibigyan ng babala ang taong masasayang naglalakad paroon at parito sa maaaring pangyayari.

Nagtangka siyang tumayo para sa sumigaw. Tanggap niya nang mamatay siya ngayon pero gusto niyang gumawa ng paraan para iligtas ang mga taong 'to. Ngunit napaigik siya nang bahagyang bumaon ang kutsilyo sa kanyang tagiliran na hawak-hawak ng lalaki.

But that doesn't stop her to rise up. The man hissed when she was able to escape from his grip and she was now meters away from him. Some people are looking at them in curiosity.

She was about to shout when she saw two familiar faces going near them. Nanlaki ang mga mata niya at mas lalong nanginig. Nang makalapit ang mga ito sa kanya ay napaatras siya at nanigas siya nang maramdaman ang pagtama ng likod niya sa lalaki.

Tumawa ito saka siya malambing na hinalikan ang gilid ng ulo niya.

"Surprise!" tuwang-tuwang wika ng lalaki at nilahad ang kambal.

Bumuhos ang sunod-sunod na luha ni Sophia habang nakatingin sa walang emosyong mukha nina Arra at Arri na hawak-hawak ng dalawang babaeng naka-uniform na yaya, may mga lalaking naka-uniform din na bodyguard sa likod ng mga bata.

Kung titingnan para silang pamilya at si Sophia na isang ina na lumuluha sa sobrang kaligayahan na makita ang mga anak.

"Hayop ka." Mariing saad niya sa lalaki sa nagngingitngit na mga ngipin. Nanlisik ang mga mata niya, "Huwag mong idamay ang mga bata rito. Pakawalan mo sila."

Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kambal. Ayaw niyang malagay ang mga ito sa panganib. Minsan na itong nanganib dahil sa kanya.

"Why would I do that?" the man smirked, "When they're the keys for her to show up?"

Napuno ng puot ang mga mata ni Sophia.

Hindi na siya nagulat sa reaksyon ng mga bata. She knew they were trained to hide their emotions. They were trained at young age to handle this kind of situation. But, they are still kids. Alam niya kung ano ang nagtatago sa mga malalamig na mga tinging iyan.

"Tita Sophia."

Napamulagat siya nang marinig ang malamig na boses ni Arri. Marahan itong naglakad palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

May kung anong mainit siyang naramdaman dahil sa haplos ng batang ito. Malungkot siyang napangiti. Tinitigan nito ang mga mata niya, sinasabing huwag siyang mangamba.

Lumapit din sa kanya si Arra at hinawakan ang kabilang kamay niya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Nagkaroon siya ng determinasyon ilabas ang kambal sa kaguluhang ito. Gagawin niya ang lahat bago pa siya sumabog.

Inakupa nila ang sentro ng mall kung saan nakatayo ang isang food stall. Habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang tao sa mall dahil na rin sa mall show na nagaganap pati na ang one-day-sale promo.

Hindi na rin mapakali si Sophia habang nag-iisip ng paraan kung paano nila tatakasan ang mga taong ito. Hawak-hawak pa rin niya ang mga kamay ng mga batang tahimik lang. Naiinggit siya sa mga batang ito na kayang ikubli ang tunay na emosyon habang siya hindi niya mapigilan ang luha.

Napansin niya si Arra na kanina pa nakatingin sa isang direksyon. Pasimple niyang sinundan ang mga mata nito. Dahil sa rami ng tao ay hindi niya agad nakita ang babaeng nakatayo sa gilid ng isang fast food mascot.

At nang tuluyang niyang makita ang babae ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya ngunit agad siyang pasimpleng umiwas ng tingin nang maramdaman ang pagpisil ni Arra sa kamay niya at pagtingin ng lalaki sa kanya.

Pasimple siyang tumingin ulit doon pero wala na roon si Katareina Zavina. Muli niyang nilibot ang tingin at nakita niyang nasa loob ng boutique si Reina. Binalingan niya ang kambal na pasulyap-sulyap din sa kinaroroonan ng babae.

"Shit. Are you sure she'll come out?" frustrated na sabi ng lalaki sa kausap nito sa telepono. "We should have get Zync Orlando instead." The guy hissed and ended the call.

6pm strikes. Dumami ang mga tao dahil dumating na 'yong main artist ng mall show sa event center. Halos hindi na mahulugan ng karayom ang mall. Hindi na rin makita ni Sophia kung nasaan nakapwesto si Reina.

Nagtaka siya nang biglang may nagsulputan na mga mascots na sumasabay sa mga tao. Higit benteng mascots ang naroroon. May mga clowns pa at mga magicians.

Naisip niyang baka parte ang mga ito sa mall show. Napatingin si Sophia sa lalaki nang marinig ang sunod-sunod nitong mura at may pinagsasabihin ang mga tauhan.

"...alert all the men. I think she's here." 'yon lang ang narinig niya rito.

Mas lalo siyang kinabahan. Kailangan niya nang mapuslit ang kambal palayo rito bago pa siya sumabog. Hindi niya dapat marinig ang boses ni Reina dahil kung hindi sabog ang lahat ng nandito.

Nilibot niya ang tingin at napamura rin siya sa kanyang isipan nang makita ang mga kahina-hinalang lalaki na alam niya miyembro ng Triad na nakakalat sa buong mall.

Busy siya sa pag-iisip ng plano nang biglang may bumuhos sa kanya ng mga rose petals. Napatili siya sa gulat. Narinig niya ang tawa ng isang lalaki. Nakita niya ang isang clown na may bitbit na basket.

"Roses for you, beautiful lady." Magiliw na anito.

Nakita niya ang pagtayo ng lalaki at galit na nilapitan ang clown pero mabilis itong lumayo sa kanya. Saka lumapit pa sa ibang babae at pinagbubuhusan ng petals ang mga ito.

Muli siyang nagulat nang may mga bubbles na pumalibot sa kanila. Rinig niya ang mura ng lalaking kumuha sa kanila pati ng mga kasama nito. Sinita pa nito ang isang clown na may hawak sa bubble stick.

May isang lalaking naka-costume na mukhang magician ang lumapit sa kanila at binigyan ng balloons ang kambal na agad namang tinanggap ng dalawa. Pumalakpak pa ito at nang binuka nito ang mga palad ay nagsiliparan ang maraming paru-paru.

Namangha si Sophia. Nagkalat ang mga paru-paru sa paligid nila kaya nagsilapitan tuloy ang ibang mga bata sa pwesto nila at pati na rin ang mga matatanda para manood sa tricks ng lalaki.

Kaya nakahanap ng pagkakataon si Sophia para itakas ang kambal. Napatingin siya sa lalaki at nakita niya ang yamot sa mukha nito. Dahil pati ang mga ito ay pinagkakatuwaan na ng mga clowns at magicians. Sumuong siya sa mga tumpok ng mga tao bitbit ang kambal.

Nagulat pa siya nang may biglang mascot na humarang sa kanila. Isa itong malaking rabbit. Nilahad nito ang mga kamay. Hindi niya alam kung ang pumasok sa isipan niya nang inabot niya ang mga kamay ng kambal sa mascot.

Kinarga ng mascot ang tahimik na kambal at naglakad palayo. Sumunod si Sophia ngunit napaigik siya nang may sumabunot sa kanya.

"Where do you think you're going?" galit na galit na saad ng lalaking nakayakap sa kanya. "Where's the twins?"

Pinigilan ni Sophia ang sariling umiyak. Pasimple niya sinulyapan ang mascot na kumuha sa kambal. Nagpapasalamat siyang nakalayo na ang mga ito pero biglang siyang nilukob ng kaba dahil hindi niya kilala kung sino ang taong nasa loob ng mascot na 'yon.

"Let me go. You can't blow up this place. I won't let you." Matapang na aniya.

"Dream on, bitch." Bulong nito sa kanya pero maya-maya pa ay nagmumura naman ito, "Fvck. Where's my gun and knife?" anito at kinakapa-kapa ang katawan.

Nabigla na naman si Sophia nang biglang may mga rose petals na sumaboy sa kanila. Nakita niya ang tatlong clowns na tumatalon-talon at tumatawa palibot sa kanila habang sinasabuyan silang dalawa ng rose petals.

Patuloy pa rin sa pagmumura ang lalaki dahil sa nawawalang armas. Sinamaan nito ng tingin ang tatlong clowns ngunit tumawa lang ang mga ito. Tinawag ng lalaki ang isang kasama.

"Give me a gun."

"Greg, nawawala ang mga armas namin."

Napangiwi si Sophia nang mas lalong dumiin ang pagkakapit ng lalaking may pangalang Greg sa kanyang baywang kung saan may sugat siya dahil sa kutsilyo kanina.

"Pull out." Utos ni Greg sa tauhan nang mapatantong sira ang kanilang plano. Wala na ang kambal at wala pa silang armas.

Hinila siya ni Greg papunta sa exit ng mall pero hindi na sila makalabas dahil pinalibutan sila ng mga mascot at clowns.

"Goddammit! Get out of our way!" sita ni Greg sa mga ito. Mabilis naman ito gumilid. Nakangiti ang mga ito kay Sophia.

Marahas siyang hinila ni Greg tungo sa underground parking lot ng mall.

Ngunit hindi niya inasahan ang makikita niya roon. Ang kambal na hawak-hawak ng mga tauhan ni Greg. Nakita ni Sophia ang taong naka-rabbit mascot na nakahandusay sa gilid at mukhang wala ng buhay. May mga nakahandusay din ibang mascots at clowns sa paligid.

Napamura na lang siya.

"No!" malakas niyang sigaw nang biglang inapakan ni Arra ang paa ng lalaking nakahawak dito at malakas na siniko ang gitna ng hita nito. Napaluhod ang lalaki, tatakbo na sana ang batang babae tungo kay Sophia nang hinablot ng lalaki ang buhok nito.

Napatihaya sa semento si Arra. Ngumiwi ito dahil sa higpit ng pagkakasabunot ng lalaki nito. Nagpumiglas si Arri at nasurpresa sila nang magawa nitong agawin ang dalawang baril ng mga lalaking may hawak dito. Itinutok ni Arri ang baril sa lalaking nakasabunot sa kakambal nito.

"Let go of my sister!" utos nito sa lalaki. "Move!"

Nabitawan ng lalaki si Arra dahil sa takot barilin ni Arri. Ibinigay ng batang lalaki ang baril sa kakambal.

Tumawa nang malakas si Greg, "Darn. It really runs in their blood. A Clementin plus a Flamenco. What do we expect?" manghang-manghang saad nito.

Pinalibutan ng mga lalaki ang kambal na nakasandal sa likod ng isa't-isa at matapang na itinataya baril sa mga lalaki.

"Katareina Zavina! Come out now!" sigaw ni Greg. "Let us here your sweet voice! I knew you're here watching us. Come out and make this game exciting!"

Magsasalita na sana si Sophia nang tinakpan ni Greg ang bibig niya.

"Kung hindi ka lalabas sabog ang ulo ng kambal! Hindi ako nagbibiro, papatayin ko sila!" sigaw pa nito.

Nagtama ang mga mata nina Sophia at Arra. Umiling siya at nagmamakaawang tiningnan ang mga itong huwag ipuputok ang baril dahil siguradong pauulanan ang kambal ng bala ng mga tauhan ni Greg kapag magkamali sila ng galaw.

Napatingin sila sa paligid nang may nagsilabasan ng bubbles at mga floating balloons. May tumutunog din na jolly music na kadalasan ay ginagamit sa mga magic shows.

"Hah! Is this the game you want, Katareina? What a kid! Come out and face us!" sigaw ni Greg.

Biglang may nag-countdown.

"10... 9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2..."

Hindi pa man nasambit ang numerong 1 ay sabay-sabay na pumutok ang mga lobo pati na ang mga bubbles na ngayon lang nilang napapansin na hindi agad pumuputok.

"Shit." Napapamura na lang sila Greg nang may kung anong pulbura ang bumuhos sa kanila.

Mabilis naman binitawan ng kambal ang mga baril at tinakpan ang kanilang mga mukha gamit ang mga panyo nila. Unti-unting bumagsak ang mga lalaking nakasingkot sa pulbura na nawalan nang malay.

Habang si Sophia naman ay hindi naapektuhan dahil sa higpit ng hawak ni Greg sa bibig niya, pati ilong niya ay natatakpan ng kamay nito.

Nang mawala na ang mga pulbura sa paligid ay halos kalahati ng mga tauhan ni Greg ang natumba. Muling pinulot ng kambal baril ngunit naunahan sila ng mga lalaki. Marahas na hinablot nila ang mga bata. Kinagat ni Arra ang kamay ng lalaki ngunit malakas nitong sinampal ang batang babae. Natumba pa ito.

Nagpumiglas si Sophia nang makita iyon ngunit masyadong malakas si Greg.

"No! How dare you hurt my sister! I will kill you! I will kill you!" sigaw ni Arri na nagpupumiglas sa hawak ng lalaki ngunit nakatanggap din ito ng isang malakas na sampal na ikinatumba rin ni Arri.

Noon lang nabakasan ng takot ang mga mata ng dalawang bata ngunit nanlilisik ang mga itong nakatingin sa mga lalaki.

Naging alerto sina Greg nang isa-isang nagsibagsakan ang ibang tauhan na may mga butas sa noo.

"Be ready. She'll be out in no time! Hold the twins! Make them cover us." Utos nito. Mabilis naman nilang kinuha ang kambal at ginawa silang pananggalang. Nahinto ang pamamaril.

Ngising tagumpay si Greg nang lumabas na ang kanina niya pa tinatawag.

Nanlaki ang mga mata ni Sophia nang makita si Reina naglalakad papalapit. May bitbit itong dalawang baril na may silencer. Nag-aalab sa galit ang mga mata nito habang nakatingin sa kambal na parehong putok ang mga labi at maga ang mukha.

"Mama!" sabay na sigaw ng kambal.

Ngayon na-realize ni Sophia na totoo nga ang narinig niyang may kambal sa magkakapatid na Clementin. Ibang-iba ito sa babaeng masama ang tingin sa kanya kanina sa opisina ni Zync.

Ito ang babaeng nakasama niya sa States noon. Ito ang babaeng hinahangaan niya. Napagtanto niyang iba ang kulay ng mga mata nito kaysa sa babaeng ni-rescue niya sa Malaysia. Ito ang totoong minamahal ni Zync at hindi ang babaeng 'yon. Ito ang tunay na Wing Regal.

**

"Lumabas ka rin. Now speak kung ayaw mong patayin ko ang mga batang 'to." Ani Greg.

Hindi umimik si Reina at nanatiling nakatingin sa kambal. Galit na galit siya sa nakikitang magang pisnge ng dalawa. Lintek lang ang walang ganti.

She tilted her head. Greg was surely provoking her to speak. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita ngunit hindi niya pinansin. Nagtama ang kanilang mga mata ni Sophia... naroon sa mga mata nito ang tuwa, lungkot at sakit pati... pagod.

Malakas na sinipa ni Greg sa likod si Arri kaya napaluhod ang bata. Mas lalong umalab ang galit sa mga mata ni Reina. Tahimik na tumulo ang luha ng batang lalaki at pilit na pinatapang ang mukha. Sumigaw naman si Arra at umiiyak na rin.

"Arri! Nooo!"

Napaatras si Greg bitbit si Sophia sa gulat nang nakalapit na si Reina sa kanila. Walang habas niyang binabaril ang natitirang tauhan ni Greg. Sobrang bilis ng galaw niya. Nang maubos ang bala ay malakas niyang sinapok ang mga baril sa ulo ng mga lalaki na agad nawawalan ng malay.

Nakipaglaban ang iba sa kanya ngunit umiigkas ang mga kamao niya at mga binti bago pa siya matamaan hanggang si Greg at tatlong tauhan na lang nito ang natira. Nakatakbo si Arri sa likod ni Reina ngunit naiwang nakaluhod si Arra sa gitna nilang lahat habang umiiyak.

Nag-alala si Reina... dahil baka bigla itong makatulog sa pwesto nito dahil sa sobrang pag-iyak. Namana nito ang behaviour ng bunsong prinsesa na si Zonia, na kapag umiyak nang sobra ay biglang nakakatulog sa kahit saan pa 'yan.

Gusto niyang tawagin ang bata ngunit hindi pwede, nasa malapit lang si Sophia at kapag narinig nito ang boses niya ay maa-activate ang puso nitong pinalitan ng bomba.

"Arra! Stand up! Come here! Mama is here!" sigaw ni Arri ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak ang batang babae at tila wala na sa sarili dahil sa sobrang takot. "Arra please..."

Gusto niyang takbuhin ang distansya nila ni Arra ngunit nakatutok ang mga baril nila Greg sa bata. Kailangan niyang mag-ingat. Hindi pwedeng masaktan ang anak niya.

"Arra don't make this hard. Please, our mama is here. She'll protect us. Stand up please." Pagmamakaawa ng kakambal nito. Tatakbo na sana ito kay Arra nang nagpaputok si Greg.

Mabuti na lang ay mabilis na nahablot ni Reina si Arri palayo. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Arra na halos hindi na makahinga.

"Mama! Mama! Help me! Mama! Arri! Mama! Arri! Daddy! Arra needs you Daddy! Mama, I'm scared! Mama!" umiiyak na sigaw ni Arra habang nakapikit at nakatakip ang mga kamay sa tainga.

Napakuyom ang kamao ni Reina...

-End of Chapter 42-

Thank you for reading freaks. GOD bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro