Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

41: SELFLESS

SELFISH ME

I am maybe selfless at times
but there's an inner selfish me
who wouldn't want to slip things
away from me, especially
if it is someone dear to me.

- CL

*****

Chapter 41: SELFLESS
Enjoy reading!

3rd.

"What a smart ass." hindi makapaniwalang wika ni Morry habang nakatingin sa kanya. "A true Clementin blood, eh? Tsk. Tsk. So cunning. So clever. So Sly."

Natawa siya nang malakas. Ito na siguro ang pinakamalakas niyang naitawa sa buong buhay niya. Halos maluha-luha pa siya. Basta sobrang saya niya. Na para bang ang ginawa niya ay ang pinakamalaking achievement niya sa buong buhay niya.

"Reina. Reina. Reina." sambit pa ni Morry. "The tricky and clever Wing Regal." Nakatingin ito sa kanya na may labis na paghanga at pagkamangha.

Huminto siya sa pagtawa at tiningnan si Morry. Ngumisi siya.

"Tatawagin na ba kitang desperada?" nakangising anito.

Napa-tsk siya, "You can't blame to mark what is mine, Morisette. It's just that I am branding my property. I believe he's mine... yeah. Actually, he is really mine. Only mine. Damn it! Do you hear it, Morry? He is mine!"

Si Morry naman ang tumawa nang malakas. Dahil sa tono ng kanyang pananalita. She sounds uncertain but at the same time her eyes shout certainty.

"So, what is your next move Mrs. Zync Orlando?" Morry teased.

Napakagat labi siya para pigilan ang pagtawa. Ang sarap-sarap pakinggang ang sinabi ni Morry. Pumapalakpak ang kanyang mga tainga.

"Damn. That sounds so good." Reina said dreamily. "Mrs. Katareina Zavina Clementin Orlando."

Nagkatinginan sila ni Morry at sabay na tumawa.

"Sa tingin mo pwede ko rin gawin 'yang Clementin Move mo sa sweetie ko? Gusto ko na siyang markahan kaso ang gago patay na patay sa 'yo."

Napailing si Reina, "He's not. Theus is not into me. Can't you see it? Assuming lang siya. Ina-assume niyang gusto niya ako dahil sa pinangako niya sa akin noon. He's not in love with me but he's in love with the promise he had said to me."

"Well, I don't really like him. I just wanted to mark him as mine. He looks so delectable. Darn it, Reina! I want to taste his luscious lips. I want to lick every bit of him." Namamaos ang boses na wika ni Morry na ikinangiwi ni Reina.

"Could you be more disgusting than that Morry?" nandidiring aniya.

Tumawa ito nang malakas, "Tell me, Reina... masarap ba?" may tonong nanunuksong anito.

"What?"

Sinundot nito ang kanyang tagiliran ngunit ni hindi man lang siya umigtad. Ilang ulit nitong sinusundot ang tagiliran niya at inis niyang hinawi ang kamay nito.

"Hala! Hala! Wala ka ng kiliti. Hahahaha! Uyy. Where's your kiliti went ha?"

"What the hell, Morry?!"

"Inubos na ni Zync 'no?" tinaas-baba nito ang mga kilay.

Nagsalubong ang kilay ni Reina, "Ang ano?" nagtatakang aniya.

"Ang kiliti mo, babe." Humagikhik ito, "Akala mo ha. Hindi ko alam na—"

Nanlaki ang mga mata niya, "Ang ano Morisette Everstrife?!"

"Alam ko kayang dalawang beses mo nang ginapang si Zync! Hahaha!" humalakhak ito. Nagpapadyak pa ito sa may dashboard ng kotseng kinaroroonan nila.

Namula ang buong mukha ni Reina. Sa inis ay mabilis niyang ni-recline ang upuan ni Morry kaya nabigla ito nang napatihaya na ito ng upo.

"Shut up, Everstife." Sita niya rito saka umiwas ng tingin.

Napahagikhik si Morry saka prenteng nahiga sa naka-recline na upuan, "Don't worry, babe. Tayong dalawa lang ang nakakaalam na ginapang mo Zync. Pati nga si Zync akala niya nanaginip lang siya. Kaw ha, alam ko naman na makati ka—ouch! Fvck you, Reina!"

Nasapo ni Morry ang ilong nito nang patikman niya ito ng straight punch.

"Ang sama mo! Look at my nose!"

"Ang landi mo!" panggagaya niya sa tono nito.

Pero napangiti na lang si Reina. She would treasure this kind of moment with Morry. Simula noong nagising siya at namuhay sa katauhan ng kanyang kakambal ay sina Morry at Sia ang naging kasangga niya sa bawat misyon niya bilang prinsesa ng kanilang kaharian at bilang wing agent. Ang dalawang babaeng ito ang nanatiling tapat sa kanya.

Ayaw niya namang maging unfair kay Sia. Alam naman niya kasing gustong-gusto nitong sumama sa kanya sa lahat ng desisyon niya sa buhay kaso may Allius Hosea na ito at alam niyang kung gaano katapang si Sia ay ganoon din ito karupok, emotionally. Sia would easily break down in tough situations in term of emotional aspects.

Kaya she chose to work with Morry. Ito ang taong pinakainaasahan niyang hindi siya tatalikuran. Ito rin ang may lakas na loob na pagsalitaan siya, pagbantaan o pangaralan maliban kay Aunt Mojica niya.

May kakayahan din si Morry na pagaanin ang bigat ng kanyang nararamdaman gaya na lang sa pagkakataong ito. Alam niyang ginagawa nito ang lahat para patawanin lang siya.

Nilingon niyang muli si Morry. Hindi na ito tumatawa bagkus ay sinalubong nito ang kanyang mga mata. Malamlam ang tingin nito sa kanya habang may matamis na ngiti sa mga labi.

"Thank you, Morry." Nakangiting aniya.

"You're not just my queen who I should protect but you're my dear friend that I wanted to be happy."

Umiwas siya ng tingin, "That's why I am doing my best for everybody."

Bumuga ito ng hangin pagkatapos marinig ang sinabi niya, "Then, I'll do my very best too." Nabigla si Reina nang pumalakpak si Morry, "Enough of the drama... so what is your plan now? Ano ang plano mo sa asawa mo?"

Mapait siyang napangiti, "Hahayaan ko na muna siya. I'm done fixing the troubles around Zync. 'Yon ang importante sa akin bago tayo umalis ng bansa. Malinis na. Wala nang bakas ng Triad sa kompanya niya and Sia is doing well with the DQ. Sa susunod na buwan na sisimulan ang pagtatag ng Empire ng tatlong kompanya. Maayos na ang base natin—"

Morry cut her off, "There's still a threat that surrounds Zync, Reina. Baka nakakalimutan mo." Seryosong wika nito.

Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha at napatingin sa malayo.

"I know." Mahinang aniya.

"So? What are you gonna do with that? Hahayaan mo na lang?"

"We've talk about this already, Morisette. Ginawa ko 'to para pareho ko silang maprotektahan. Ayokong may masaktan ni isa sa kanila."

Napaismid si Morry, "And you'll use Zync para maprotektahan ang makasarili mong kakambal?! Ano 'to? Diba siya ang prinsesa? Bakit hindi siya ang lumaban kagaya mo? Pagkatapos ano? Sa huli siya ang tatanggap ng korona at ikaw mananatiling walang pagkakilanlan sa lahat?! Bilib na talaga ako sa pagiging selfless mo."

"Kilala niyo ako."

"Tanong ko lang, asawa mo na si Zync sa papel. Pinatayo mo ang ROFIC para rin sa kanya pero may plano ka bang magpakilala sa kanya o habang buhay kang magtatago sa anino ng kakambal mo? Paano si Zyncai? Ang anak niyong itinago mo sa kanya? Ang kambal na ikaw ang kinikilalang ina? Paano sila? Alam mong matatalino ang mga batang iyon. Sasaktan mo rin ba sila dahil sa pagpaparaya mo kay Tari?"

"Susuong ako sa isang madugong laban, Morry. Hindi ko alam kung aabot ako sa huli—"

"Goddammit Reina! Don't say that!"

Mapakla siyang tumawa, "Hindi man ako aabot sa huli pero sisiguraduhin kong mananalo tayo. Kung mawawala ako, mawawalan ng bisa ang marriage naming dalawa. At kapag dumating ang oras na iyon ay baka tuluyan na akong makalimutan ng puso ni Zync—"

Natigilan si Reina sa pagsasalita nang biglang dinuro siya ni Morry.

"Huwag kang magsalita ng ganyan! Huwag na huwag kang magsalita ng ganyan sa harap ko, Reina. Sisiguraduhin kong ako muna ang mamatay bago ka. Kahit buhay ko pa ang magiging kapalit, mabuhay ka lang ay gagawin ko!"

"I need to protect her, Morry. Alam mo 'yan. Mahal na mahal ko siya. She's my other half. Kahit galit siya sa akin. Siya pa rin ang Zenki baby ko." Tumulo ang kanyang luha.

Mapait na ngumiti si Morry at umiwas ng tingin, "She's still a threat, Reina. Kontrolado pa rin siya ng Triad hanggang ngayon."

Bumuga siya ng hangin, "Alam ko."

"Alam mo nga pero bakit mo hahayaang kasama niya si Zync? Paano kung sasaktan niya ang asawa mo? Ang kambal?! Ang mga batang kinamumuhian ni Tari dahil sa ginawa ni Flynn sa kanya? Paano kung sa kanila maghiganti ang sarili nilang ina? Nag-iisip ka ba?"

"She can't hurt them as long as Zync's with them. Kung gaano ko kamahal si Zync, gano'n din siya kamahal ng kakambal ko. Alam mo kung paano nangyari 'yon. Hindi man si Tari ang nakasama ni Zync noon, pag-iisip at pandama niya ang gumagana sa akin noon kaya kung ano ang tingin ko kay Zync gano'n din si Tari. Kampante akong hindi niya sasaktan ang mga bata."

"You're being unfair to Zync. Pareho man kayo ng mukha ni Tari pero hindi tanga si Zync, Reina. Malalaman at malalaman niya ang katotohanan."

Mapait siyang tumawa, "Zync doesn't even know about my existence, Morisette."

Napansin ni Morry ang lungkot sa kanyang mga mata, "Bakit hindi ka magpakilala? Bakit hindi mo sabihin ang totoo? Alam na naming lahat ang tungkol sa inyong kambal na Clementin maliban kay Zync. Don't you think you're making him a fool?"

"It's not yet the right time, Morry. Alam mong kailangan ko pang tapusin ang kaguluhang ito. Ayoko siyang mag-alala. Ayokong may pumigil sa aking lumaban. Alam mong pipigilan niya ako sa mga gagawin ko. Ayaw kong dumating ang oras na papipiliin niya ako dahil alam mo kung ano ang uunahin ko. Ayaw kong magkasakitan kaming dalawa. Kahinaan ko siya, Morry at kapag malaman niya ang tungkol sa akin ay magiging isa siyang sagabal sa mga plano natin. Kaya kapag matapos na ang lahat ng 'to at pwede na akong magpakilala sa kanya ay gagawin ko agad."

"Paano kung wala ka nang babalikan? Paano kung pati siya naagaw na ng kakambal mo? Will you still be selfless? Huh? Reina?"

"Paano kung hindi na ako babalik?" balik na tanong niya.

Sumama ang mukha ni Morry at walang salitang lumabas ito ng kotse. Napahugot ng malalim na hininga si Reina at wala sa sariling pinaglaruan ang mga daliri. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi nang sunod-sunod na tumulo ang kanyang luha.

**

"Any update?" tanong ni Zync kay Kurt.

Bumuntong hininga ito, "Sir... mahirap pong malaman kung sino ang asawa niyo. Ginamitan ko na po ng kapangyarihan ng pera pati impluwensiya ng pangalan niyo pero hindi gumagana. Pina-imbestigahan ko na rin sa NBI pati na sa ibang security agency pero napupunta sa wala lahat ng imbestigasyon nila. I also filed complaint sa unknown person na nag-officiate sa kasal niyo pero wala naman akong maibigay na pangalan. All of my efforts were lead to nothing. 25 million na po ang nagastos sa paghahanap sa Classified wife mo, Sir."

Zync lost it, napasubsob siya sa kanyang desk at ilang beses nagmura.

"How could this happen, Kurt? Sino ang may gawa nito? Can you check my bank accounts? Baka ninanakawan na ako ng classified wife ko na 'yan. Baka tauhan ng Triad 'yan. Paano ko na papakasalan si Katarina? Ayoko siyang maging kabit, Kurt."

"Sir, na-check ko na po. I found out that mayroon kayong joint account ng classified asawa mo sa isang bangko. You won't believe it, sir—"

"What? Bakit hindi ako maniniwala?" aniya habang nakadukdok pa rin sa kanyang desk.

"May 1billion dollar amount kayo sa account na 'yon! Kakabukas pa lang ng account na 'yon last 5 months ago at 'yon agad ang dineposito!" excited na wika nito.

"What the heck?" namutla si Zync. "H-hindi siya magnanakaw?"

Mabilis na umiling si Kurt, "Hindi po, Sir. Mukhang binigyan pa nga kayo ng yaman eh at sa tingin ko mas mayaman pa 'yon sa 'yo."

Wala na. Hindi na kinaya ni Zync. Tuluyan siyang nawalan nang malay.

*****

Days later...

Wala sa sariling naglalakad si Sophia papuntang elevator. Kakalabas niya lang sa conference room dahil sa kakatapos lang na board meeting kasama ang mga directors ng OC. Nakaratay pa rin ang kanyang ama kaya siya pa rin ang proxy nito.

"Miss Sophia!"

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa kanya. Pakendeng-kendeng na naglakad papalapit sa kanya si Pula with her rakista-corporate look. Napangiti siya. Pula is sassy and most of the time annoying who loves to annoy others but Sophia likes Pula. Pula is somewhat a tension-breaker and a mood lifter. Lalo na kapag bumanat na ito in her bulol-style.

"Hey. Do you need something?"

Tumango ito, "Yeah. Yeah. Pinatawag ka ni Bossing sa opis niya." sumimangot ito, "Ang tamad-tamad niya 'no? Pwede namang siya na lang ang tumawag sa 'yo o siya ang lumapit sa 'yo dahil siya ang may kailangan pewo utos ng utos. Ang tamad-tamad talaga." Pula hissed and rolled her eyes.

Natawa si Sophia.

"I really like you Pula."

Nanlaki ang mga mata nito at nandidiring tiningnan si Sophia.

"Hindi kita type 'no. Don't you ha! Don't you in tagalog huwag ikaw!" tinalikuran siya nito at nauna nang naglakad tungo sa office ni Zync, "Ang ganda-ganda at ang seksi, tomboy naman. Kajiwits."

Napahagikhik si Sophia sa narinig saka hinabol si Pula. She playfully slaps Pula's butt cheeks. Humarap ito sa kanya na may nanlilisik na mga mata.

"Bastos ka ah!" maangas nitong asik sa kanya, "Ano? Lalaban ka?! Sabi nang don't you eh!"

Tumawa lang si Sophia saka iniwan ito. Nakangiting pumasok siya sa opisina ni Zync. Nagtaka siya nang makitang wala roon si Zync at tanging si Kurt lang ang nasa pwesto nito.

"Please wait for him, Miss Sophia. Lumabas lang siya sandali." Wika nito saka siya pinaupo sa visitor's chair.

Sunod na pumasok si Pula na nakabusangot. Padarag itong umupo sa pwesto nito katabi ni Kurt.

"Will you sit properly?" sita ng lalaki dahil nakabukakang nakaupo si Pula.

"Inggit ka ba? Edi bumukaka ka win d'yan, Kyot. Sabing huwag ikaw! Tsk. Akala ko masayang magtwabaho dito. Hindi naman pala. Sana sumama na lang ako kay Madam!" maktol nito.

Napairap si Kurt, "Pwede ba? 'Yan ang gusto mo. Sinabing VIP executive ka ng kompanyang 'to dahil sa posisyon mo pero pinili mo ang maging EA kaya magdusa ka."

"Knows ko bang ganitong klaseng pewfowmance ang sinasabi mo! Gwabe! Nakaka-exhausted kaya." Maarte itong nagpaypay sa sarili. "Kung VIP ba ako, hindi na ako uutusan ni Bossing? Pwede bang siya naman ang uutusan ko?"

Napangiti lang si Sophia habang nakikinig sa bangayan ng dalawa. She found them cute. Si Pula na walang pakundangan kung magsalita at si Kurt na nawawalan ng poise.

Hindi rin nagtagal ay dumating si Zync kasama ang inaakala nilang si Reina... si Tari. Gaya ng dati wala pa rin itong emosyon at miminsan lang umimik.

Nakita ni Sophia kung paano umismid si Pula kay Tari.

Inalalayan ni Zync si Tari paupo sa couch. Malambing pa nitong hinalikan ang noo ng babae. Nakita ni Sophia kung paano kuminang ang mga mata ni Tari.

"Hindi naman ocean blue eyes... medyo blue-gween kaya ang mga jolens niya. Bakit ang tanga ng bossing? Tamad na nga tanga pa." rinig ni Sophia na bulong ni Pula na narinig din ni Kurt. Malabong narinig naman ito ni Zync dahil busy pa ito kay Tari sa paglalambing.

Malakas na siniko ni Kurt ang katabing bulol kaya gumanti rin ito ng upper cut na naiwasan naman ng lalaki. Halos magsapakan na ang dalawa nang hinarap sila ni Zync.

Pomormal ang mukha ni Kurt habang harapang inirapan ni Pula si Zync. Napailing na lang ito dahil sanay na ito sa ugali ng bulol na ma-attitude.

Umupo na si Zync at seryosong hinarap si Sophia.

"I know you knew why I wanted to talk with you, Miss Dolor." Anito.

Bumuntong hininga si Sophia, "Yeah."

"What's your plan then?"

"Hinanda ko na ang mga papeles for the transferral of shares to your name. Lately ko lang nalaman ang mga ginagawa ni Daddy at pagnanakaw niya sa kompanya mo para i-remit sa Triad." Mapakla itong tumawa, "I didn't even know that he was a pet of that criminal group. Don't worry, hindi ko kukunin ang shares niya. Ibabalik ko ito sa 'yo. Pwede mo ring kunin ang mga ari-arian namin. Alam kong hindi kakasya ang mga ito para sa mga nanakaw ng ama ko—"

Zync cut her off, "Sophia, you don't have to do that. You can have the shares of your father and he will pay in jail."

Umiling si Sophia, "I don't have much time. Ibabalik ko ito sa 'yo dahil para sa 'yo ang shares na 'yon Zync. Hindi ako ganid gaya ng ama ko at hindi ko kailangan ang yaman para makonento."

"Sophia please—"

"No Zync. Please do respect my decision. My attorney will be here tomorrow for the turn over. Magiging masaya ako kapag tatanggapin mo ang desisyon ko, Zync."

Humugot ng malalim na hininga si Zync, "Fine, if that's what you want but I still want you to work in this company. Gaya ng sabi mo no'n you'll be a great asset of OC because of your connections and your skills." Sinserong ngumiti si Zync.

Natawa si Sophia nang maalala ang ginawang pamimilit niya kay Zync para lang sa isang event, "I would love to." Aniya saka tumayo na.

Nilahad niya ang kamay kay Zync, "Thank you so much, Mr. Orlando." Tinanggap nito ang kamay niya.

"It's an honor to work with Sophia Dolor."

Napangiti siya saka nilapitan si Tari. Yumuko siya para halikan ito sa pisnge ngunit laking gulat niya nang lumayo ito sa kanya at masama siyang tiningnan. Hindi agad nakaimik o nakagalaw si Sophia dahil sa bigla.

Hindi nakita ng iba ang ginawa ni Tari. Lumayo siya saka mapait na ngumiti. Muli niyang hinarap sina Zync.

"I have to go now." paalam niya saka nagmadaling umalis.

Nang makalabas sa OC ay nagmadali siyang pumara ng taxi. Hindi niya kasi dala ang kanyang kotse.

"Madisson Hotel po manong."

Pagod na sumandal siya at pinikit ang mga mata. Hindi siya makapaniwalang tiningnan siya ng gano'n ng hinahangaan niyang babae. Nasaktan siya. Sa buong durasyon na pagsasama nila sa States noon ay hindi ito kailanman tumingin ng gano'n sa kanya. Palagi man itong walang emosyon ngunit nakikitaan niya ng pagmamahal ang mga mata nito na naging dahilan kung bakit gustong-gusto niyang makasama ang babaeng nakilala niya lang sa bansag na Wing Regal.

Ngayon niya lang napagtanto ang kakaibang naramdaman sa babaeng masama ang tingin sa kanya kanina. Bakit parang iba ito sa babaeng nakasama niya noon?

Minulat niya ang mga mata at nagulat nang mapansing nakalabas na sila sa siyudad.

"Teka. Where are you taking me?!" singhal niya sa driver. Hinawakan niya nang mahigpit ang balikat ng driver. "Malayo na 'to ah! Pull over and bring me back to the city kung ayaw mong patayin kita."

Ngunit nabitawan niya ito nang tumawa ito nang nakakaloko. Para itong demonyo kung tumawa. Nanlaki ang mga mata ni Sophia nang magtama ang mga mata nila sa rear view mirror.

"Y-you..." takot niyang sambit.

"Remember me?" nangunguyam na tanong nito.

Nagsimula manginig ang kalamnan ni Sophia, hindi niya na rin namalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Naalala niya ang lalaking ito. Isa ito sa mga nagdulot ng bangungot sa kanya.

"W-what are you doing here?"

Ngumiti ito nang matamis, "I am here to blast off our first bomb army here in Philippines."

"W-what do you mean?" hindi na makilala ni Sophia ang sariling boses dahil sa sobrang panginginig at pamamalat ng lalamunan.

"It's time for conquering this country and you will be the opening remarks. I'm taking you to Ynca Mall, the biggest mall in this region."

Umiiyak na umiling si Sophia, "N-no! N-no! Please, don't do this."

"Oh darling. Are you afraid to die? Don't worry many will die with you today. I've heard that Ynca Mall is having their sale today and people are onrush for the sale items. It'll gonna be a huge opening party!" masayang saad nito.

"Just kill me!" sigaw niya habang umiiyak at may nagmamakaawang tinig. "Just kill me! Don't entangle innocents, please! They don't deserve this. Just kill me."

"Aaaw. Too sweet of you darling but I'm sorry... you die and they die." He smirked evilly.

"Nooo! I knew you can't activate the bomb without her!" sigaw niya.

Tumawa na naman ito nang malakas, "Then I will make her come to the party and activate the bomb herself. She will come and everybody will die. Philippines have been Triad's nut because of her group protecting this damn country but I'll make sure this time that she can't do anything but to blow up this whole place by activating you... bomb army."

Hindi na nagawang makapagsalita ni Sophia dahil sa paghagulgol. Takot na takot siya ngayon. Ito ang pinakatatakotan niyang mangyari. Ang oras ng kanyang paghukom.

Ilang beses niyang tinanggi sa sarili na hindi totoo ang ginawang kahayupan ng Triad sa kanya ngunit sa tuwing nararamdaman niya ang kakaibang tibok ng pusong nasa loob niya o sa tuwing pilit niyang dinadama ang nawawalang pulso ay sinasampal sa kanya ang katotohanang hindi lang ang ama niya ang Triad's pet kung hindi ay pati siya.

Mas malala pa siya sa kanyang ama kung pera ang ninanakaw nito kay Zync sa kanya naman ay maaaring buhay ng mga inosente ang nanakawin niya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin para pigilan ang gusto ng lalaking ito. Ang lalaking naalala niyang isa sa mga nag-ekspiremento sa kanya.

'Lord, please help me... if it can't be me. Please help me spare the life others. Please, don't let them die because of me.'

Narating nila ang Ynca Mall sa siyudad ng La Clara rito sa Buevo Region. Ito ang pinakamalaking branch ng Ynca Mall na pagmamay-ari ng mga Orlando sa buong rehiyon.

Mas lalong nanginig si Sophia nang makitang totoo nga ang sinabi ng lalaking ito. Napapailing siya nang matanaw ang mga taong masayang nag-labas masok sa mall. Sobrang dami ng tao, maraming mga bata. Bawat isa ay may mga ngiti sa mga labi at mga mata. Mga taong inosente sa totoong nangyayari sa paligid. Ang mga taong sumasalamin sa isang masayang buhay.

Natuptop ni Sophia ang bibig nang dahil sa isipang maaaring mawala ang mga ngiting nakapaskil sa labi ng mga taong ito dahil sa kanya. Maaring siya ang kukuha sa kinabukasan ng mga taong ito. Ayaw niya. Ayaw niyang mangyari iyon.

"P-please... maawa ka."

Tumawa na naman ang lalaki, "See those people? You won't be lonely because they would go with you. They would blow up with you."

Bumaba ang lalaki at binuksan ang pintong sa gilid niya.

"Get out. Dry your face and do as what I say." Utos nito.

Sa sobrang takot niya ay sumunod siya rito. Hinila siya nito palabas at inutusang maging normal sa pagkilos. Naglakad sila papasok sa mall na para bang magkasintahan.

'Lord, can you hear me? Please, Lord, let Your will be done.'

-End of Chapter 41-

(Please don't forget to pray for our brothers and sisters in Marawi. Don't let the evil embrace us, let the light shines over our lives. Put everything in God's hands.
Blue will always be above red. #PrayforMarawi #PrayforPhilippines #PrayfortheWorld)

Thank you for reading freaks! GOD bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro