Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

40: CLASSIFIED

MINE

Curse me not for branding him mine.
Blame me not for marking what's mine.
I could be selfless in everything
but I am selfish when it's him.
Be happy for the borrowed time
I'm lending you now.
But when I comes back
He's mine and mine alone.
Find someone else you can call 'Mine'.

- CL

*****

Chapter 40: HIS CLASSIFIED WIFE
Enjoy reading!

3rd.

"Kurt." Tawag-pansin ni Zync dito.

Nasa loob sila ng kanyang private meeting room ngayon dahil marami silang trabahong nakatambak. Lalo na ngayon na sinisimulan na nila ang pag-iisa ng tatlong malalaking kompanya. Kasama rin nila si Pula na tahimik na nakaharap sa laptop nito.

"Yes Sir?"

Binaba niya ang hawak na papeles at hinarap si Kurt, "May kakilala ka bang magaling na event organizer?" nakangiting tanong niya.

Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Zync, lately. Palaging maaliwalas din ang mukha nito at hindi bugnutin. Hindi niya rin kasama ngayong araw si Reina dahil isinama ito ni Sia sa DQ.

Napaisip si Kurt sa tanong ni Zync, "May mga kakilala po ako but we can call an appointment sa pinakasikat na event organizer sa bansa ngayon."

"Okay. I need two event organizers." Aniya.

"Two? Bakit po, Sir?" nagtatakang tanong ni Kurt.

"I need one for the partnership and opening celebration of the Empire and another one is for my—" sandaling natahimik si Zync pero napangiti at namula pa ang kanyang pisnge, "I want the thing between me and Katarina to be official." Masayang aniya.

Nanlaki ang mga mata ni Kurt, "You mean, Sir... magpo-propose ka na kay Ma'am Tari?"

"Huwaaat?!" makakas na bulyaw ni Pula na kanina pa tahimik. Halos lumuwa ang mga mata nitong nakatingin kay Zync. Gaya ng first day nito ay nakapang-rakistang outfit na naman ito, pero ngayon ay kulay pula ang color of the day ng bulol.

Nagulat na naman ang dalawang lalaki sa biglang pagbulyaw niya.

"Ano ba?!" singhal ni Kurt na sapo ang dibdib kay Pula. "Bakit ka ba biglang sumisigaw d'yan?" totoong nagulat talaga ito dahil magkatabi silang dalawa.

Hindi umimik si Pula. Umiling-iling lang ito habang madramang nakatingin kay Zync saka binalik din agad ang atensyon sa screen ng laptop.

Nagkibit-balikat na lang si Zync saka muli silang nag-usap ni Kurt tungkol sa kanyang mga plano. Habang panay ang buntong hininga ni Pula.

**

"Are you kidding me? Kanina ka pa riyang nakaharap sa laptop mo pero ni isa sa mga pinagawa sa 'yo ni Sir wala ka pang may nasimulan?!" bulyaw ni Kurt kay Pula. "Have you already sent the emails in ROFIC's main branch? Kailangan natin ang response ng executives doon bukas ng umaga! Did you even call Mr. Matt's secretary for the files that Sir Zync needed for the meeting later? Na-inform mo na ba si Sir Theus about sa meeting mamaya?!"

Rinig naman iyon ni Zync. Lumipat na sila ngayon sa kanyang opisina habang sina Kurt naman ay nasa labas sa pwesto nila. Nakabukas ang pinto ng opisina niya kaya rinig niya ang bangayan ng dalawa sa labas.

"Huwag kang mag-alala. Matatapos ko ito. Magaling 'to. Na-send ko kay Madam ang documents... copy-paste lang naman 'yon—" Wika ni Pula na confident na confident.

"Ano'ng copy-paste?!"

"Ha?" kumunot ang noo ni Pula, "Diba sabi mo 'yong nisend mong documents sa akin 'yon ang e-email ko sa ROFIC main?"

"What?! Lahat 'yon sinend mo?!"

"Ah— oo?"

Napalatak si Kurt, "Hindi! Ang sabi ko 'yong Documents 1 up to 5 ay para sa ROFIC and the rest ay ie-edit mong letters para sa Directors ng OC at RI para sa meeting mamaya!"

"Hehehe." Alanganing tawa ni Pula, "Gano'n ba? Ge lang. Sasabihin ko kay Madam na hindi kasali 'yong iba taz mag-iedit na ako na bumilib ka naman sa galing ko."

"You—! You! Arghhhh!" napapadyak si Kurt sa sobrang inis at parang leon na kaunting-kauntin na lang ay mananakmal na, "How can you be so irresponsible?! Ganyan ka ba magtrabaho sa amo mo? Hindi ka ba nahihiya?! Ginawan na nga kita ng drafts para sa documents na 'yon! Ano'ng gusto mo susubuan na lang kita parati?!"

Napanguso si Pula, "Hindi mo naman ako sinubuan ni minsan ah. Nakuuu! Gawa-gawa ka win eh. Kaw Kyot ah. Huwag kang mag-alala. Close kami ni Madam. 'Di 'yon magagalit. Hehehe. Susubuan mo ba ako mamayang lunch, Kyot?"

Natigilan ang binata, "Ano'ng tawag mo sa akin?" 'di makapaniwalang tanong ni Kurt.

"Kyot."

Natawa si Zync habang si Kurt naman ay sobrang salubong na ang kilay.

"Ano?!"

"Bingi ka ba?!" singhal ni Pula. "Ghad! Paano ka naging EA ni Bossing kung bingi ka? Sinambit ko lang naman ang pangalan mo. Kyot Wivewa. 'Yon diba pangalan mo. Kyot."

"I can't believe this! I can't stand working with you!" sigaw ni Kurt na mukhang nawala na sa karakter nitong pormal at professional.

"Edi umupo ka kapag nagtatwabaho. Sino ba kasi ang may sabi sa 'yong tumayo ka d'yan?" masamang tiningnan ni Pula si Kurt na nakatayo sa harap ng table nito.

Tuluyang napahagalpak ng tawa si Zync sa loob. Pulang-pula naman ang mukha ni Kurt sa sobrang galit.

"Bulol ka na nga, pasmado pa utak mo."

"Oy! Huwag kang magsalita ng ganyan sa akin ah. Paweho lang tayo ng posisyon dito kaya wala kang kawapatan. Sumbong kita kay Madam ko eh."

"Ede i-sumbong mo. Tingnan natin kung kakampihan ka ng amo mo kapag nalaman niya ang performance mo rito sa kompanya ng amo ko. Sa higit isang linggo mong pagtatrabaho rito, puro ka lang laro ng solitaire riyan sa laptop mo. Kaya wala kang maipagmamalaki sa performance mo!" mahabang lintanya ni Kurt.

Napangiti na naman si Zync dahil ngayon niya lang nakita si Kurt na nawawalan ng poise. Palagi kasi itong pormal at professional kung umasta. Walang emosyon ang mukha. Magsasalita lang kung kakausapin. Uptight and controlled. Hindi ito kailanman nag-eentertain ng ganitong klaseng bangayan.

Hanga na talaga siya kay Pula.

"Pewfowmance?" takang tanong ni Pula na saglit pang napaisip at napatingin kay Kurt. "Kailangan pa ba no'n, Kyot?"

Kumunot naman ang noo ng lalaki at tila hindi na-gets kung ano ang sinasabi ni Pula, "What?"

"Sabi mo dapat may maipagmamalaki akong pewfowmance dito sa company pawa kay Madam." Nagtataka pa ring saad nito.

"Of course... sa performance mo bilang isang EA babase ang evaluation mo!"

Napasinghap si Pula, "Gwabe naman 'yan, Kyot. Hindi ko ito ine-expect. Ganito pala 'wito ? May evaluation pa pala? Paano 'yon? Pwede bang dance pewfowmance na lang ang gagawin ko? 'Di ako mawunong kumanta eh pati kulelat din ako sa acting." Nagkakamot ng ulong saad nito na tila malaking-malaki ang problema.

Bumagsak ang balikat ni Kurt at walang salitang pumasok sa office ni Zync. Pabagsak itong umupo sa upuan sa harap ng desk niya.

"Masisiraan na yata ako ng ulo, Sir." Nanghihinang saad ni Kurt.

Tawa naman ng tawa si Zync na kanina pa hindi matuloy-tuloy ang pagpirma sa mga papeles dahil sa aliw kay Pula.

"Sir. Ako na lang po." Ani Kurt na nagmamakaawang nakatingin kay Zync.

"Ha?" natatawang aniya.

"Ako na lang po ang EA niyo. Kaya ko naman po ang lahat eh. Nakakawalang gana po ang babaeng 'yon."

Ngumisi lang si Zync kay Kurt.

"Knock! Knock!" rinig niyang ani Pula na may malakas na boses sa may pinto.

"What is it Pula?" tanong niya rito na may ngiti sa labi.

"Boss, may babae pong naghahanap dito sa inyo? Kakapkapan ko pa po ba? O papasukin ko na lang d'yan? Wala pong metal detectow dito sa pinto mo eh. Mukha naman po siyang hamless." tanong ni Pula na may seryosong mukha.

"See? See?" singit ni Kurt. "Sir! Maawa kayo sa akin." Ungot pa nito kay Zync.

Napangiti na lang siya, "Pula, you're not a security guard to do that. Check if she has a scheduled appointment with me." Aniya.

Nagkamot ng ulo si Pula, "Eh bakit po ako ang magchi-check? Kaw naman po ang ipinunta niya wito eh. Sabi niya ikaw ang pakay niya, hindi naman ako. Edi ikaw na lang, tanongin mo siya Boss. Tamad ka win eh, 'no?"

Nawala ang ngiti ni Zync at napatingin kay Pula na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya. Halos mahulog naman ang eyeballs ni Kurt sa exaggerated nitong pag-irap.

"Kurt." Sambit ni Zync. Napailing na lang siya at binalik ang atensyon sa papeles na binabasa.

Tumayo naman si Kurt at lumabas. Binangga pa nito sa balikat si Pula na panay ang reklamo.

"Good morning, Mr. Orlando." Masayang bati ng kanyang bisita.

Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan ang babae.

"Yes?"

"I am Miranda Chitto from Mc Leod Enterprises. Pinapabigay po ng amo ko sa 'yo." Magalang na wika nito at inabot ang isang white folder sa kanya. Tinanggap niya naman ito at binuksan.

"Ow." Aniya nang mabasa ang laman no'n. "Are you Ms. Mc Leod's secretary?" tanong niya kay Miranda.

"Yes po." Nakangiting anito.

Napansin ni Zync ang kakaibang sigla ng babae.

"Hoy! Miwanda! Ikaw pala 'yan! 'Di kita nakilala ah." biglang singit ni Pula na pumasok din sa kanyang opisina. Hinarap ito ni Miranda at tinitigan ang piwatang-bulol.

"Pula?!" bulalas nito.

"Oo ako 'to!" tuwang-tuwang ani Pula sabay hampas kay Miranda. Hinila pa nito ang babae paupo sa couch ni Zync.

Nandilat naman ang mga mata ni Kurt habang amuse na amuse si Zync sa dalawang babae. Ang kakapal ng mga mukhang umupo sa couch niya.

"Hindi kita nakilala, Pula! Look at you, panget at mulol ka pa rin!" tila kinikilig na wika ni Miranda Chitto sabay halik sa pisnge ni Pula. "Andami mo ng drawings sa malat."

"Ako win, hindi kita nakilala agad. Tumangos na ilong mo ah, diba noon na-flat 'yan no'ng nasagaan ka ng twak? Tapos pumuti ka pa, ang itim-itim mo kaya noon. Nag-chinchanzu ka ba? Oh my gosh. Ngungo ka pa win! Hahaha!" malakas ang boses na wika ni Pula na tila nasa kanto lang sila nag-uusap.

Nakatulala lang ang dalawang lalaki sa kanila.

"Oy grabe ka. At least ako napo-pronounce ko pa rin ang letter B. Masta hindi lang siya first letter ng word, eh ikaw mulol for all seasons! Atsaka marami na akong pera ngayon. Hehehe."

Tumawa nang malakas si Pula, "Ewan ko sa 'yo. Gwabe namiss ko tuloy ang lugar natin. Naalala mo ba no'ng nagsi-swimming tayo sa ilog do'n sa atin?! Kamiss!"

"Oo, naalala ko pa 'yon! Nagmumukha ka ngang masura no'n dahil sa pula mong muhok eh."

"Ikaw nga napagkamalang naagnas na patay nang nag-floating ka! Andami mo kayang kaliskis sa balat no'n."

"Namimiss ko na nga rin 'yon eh." Nakangusong wika ni Miranda.

"Umuuwi ka pa win ba doon?"

Napaigtad ito na tila may naalala, "Ay oo nga pala. Alam mo mang patay ka na?" gulat na wika ni Miranda.

"Ano?! Ako patay na? Bakit 'di ko alam?!" nanlaki pa ang mga mata ni Pula.

"Gaga! May death certificate ka! Naalala mo 'yong mumaha sa atin dahil sa magyo? Akala namin nalunod ka no'n at nadala sa maha. Kaya nang matapos ang magyo, isa ka sa mga missing persons. Si mayor nagbigay ng tulong sa mga residente sa atin at malaki ang perang minigay sa mga namatayan. Kaya 'yong tiyahin mong garapal, nagpalamay sa 'yo. Nakakuha pa siya ng magong mahay, negosyo package at 100tawsan sa mga politiko gamit ang death certificate mo! Umiyak pa ako sa lamay mo at nag-donate ng isang latang biskwit!" mahabang lintanya ni Miranda.

Natahimik si Pula at kumibot-kibot ang labi.

Nagkatinginan naman sila ni Zync at Kurt. Bigla silang naawa kay Pula. Ang kaninang inis ni Kurt sa babae ay naglaho dahil sa narinig na sinabi ni Miranda.

"G-gano'n ba?" utal na wika ni Pula. "Hahahahahahaha!" saka malakas na tumawa. Tumayo pa ito at sumayaw ng Albatros dance.

Napanganga sila ni Zync habang nakatingin kay Pula na parang baliw na sumasayaw sa harap nila. Pumalakpak naman si Miranda.

"Ang galing! Star dancer ka diba sa atin noon sa padisco ng maranggay?!" wika ni Miranda.

"Oo! Oo. Hahahaha! Ang saya-saya ko, Miwanda!"

"Makit? Masaya kang patay ka na?"

Natatawang umupo ulit sa tabi ni Miranda si Pula, "Hehehe. Kasi kung patay na si Puwsi Lanawi Viajedow Wembwant, edi pwede ko nang palitan ang pangalan ko! Hahaha! Ang galing. Hindi na ako mahihiwapan. Yes!"

Malakas itong binatukan ni Miranda.

"Hala siya! Hoy. Utang na loob mo ang pangalang 'yan kay Tito Puti! 'Yan na nga lang ang huling alaala mo sa papa mo."

Nalungkot ang mukha ni Pula, "Ayy! Oo nga 'no. Sige na nga lang. Hayaan mo na. Pewo 'di nga, umasenso ka na ah. Mukha ka ng negosyante." Pag-iiba ni Pula ng topic.

"Alam mo naman, ang yaman-yaman ng amo ko." Mayabang na saad ni Miranda.

"Tsk. Waley 'yan. Mas mayaman ang Madam ko!" ayaw patalo ni Pula.

"Hindi mas mayaman talaga ang amo ko! Kung nakita mo lang ang mank accounts and properties niya! Grabe. May hidden wealth pa siya na ako lang ang may alam."

"Mas mayaman si Madam, sweldo ko seven digits. Eh ikaw?"

Ngumuso si Miranda, "Six."

"O diba?! Mas mayaman ang Madam ko! Pwede na nga akong magpatayo ng sarili kong negosyo pewo talagang mabuti akong tao at ayaw kong maging kakumpetensya sina Madam at Bossing—"

"Alam niyo—" galit na singit ni Kurt sa kanila, "Mas mayaman ang amo ko kaysa sa amo niyo. Bakit? Dahil nakatapak ang mga paa niyo sa building niya at nasa loob kayo mismo ng opisina niya! Kaya kung mag-uusap kayo nang ganyang kalakas pwede bang lumabas kayo?!"

Natigalgal ang dalawang babae at nagulat na napatingin kay Kurt.

"GET OUT!" malakas na sigaw ni Kurt na pati si Zync ay nagulat.

*****

Pagod na pagod si Zync pagkauwi niya. Nag-overtime rin kasi siya. Tahimik na ang buong mansion. Sigurado siyang tulog na ang kambal. Sinalubong siya ni Butler Clark.

"Nakauwi na ba sila ni Tari?"

Tumango ito, "Yes po, Master Zync." Ngumiti na lang siya rito, "Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng hapunan?"

"No... thank you." Tanggi niya at tumuloy na sa taas.

Tahimik na tumungo siya sa kwarto nila. Nagtaka siya nang makitang nakabukas ang pinto ng kwarto na palagi namang nakasara. Lalo na ngayon ay nandito si Reina na ayaw na ayaw iwang nakatiwangwang ang kwarto nila.

Papasok na sana siya nang mapansing may ibang tao ang nasa loob ng kanilang silid. Naroon ang kambal at gising na gising pa habang nakaharap kay Reina na nakaupo sa kama.

Napangiti siya ngunit napalis ang ngiti niya nang makitang masama ang tingin ng babae sa kambal.

"Why are you here?" walang emosyong tanong nito sa mga bata sa paos nitong boses. Isa pa ito sa hindi maintindihan ni Zync. Sa pagkakaalala niya, hindi ito paos noon.

"We're happy that you're here, Mommy but you seem not to like us." Nabigla si Zync sa kakaibang boses ni Arri na matiim na nakatingin sa babae.

"Don't you want us, Mommy?" tanong naman ni Arra.

"Don't you ever call me Mommy... son and daughter of the demon." Maanghang na saad nito.

Nahigit ni Zync ang kanyang hininga nang marinig ang sinabi nito sa mga bata. Kumuyom ang mga kamao niya at nagtagis ang bagang. Nakaramdam siya ng galit sa babae dahil paano nito nagawang pagsalitaan ng gano'n ang mga bata?

Papasok na sana siya nang muling magsalita si Arra...

"You're still our mother." Malapit nang umiyak na wika nito. "But we want our Mama."

Kumunot ang noo ni Zync.

"Where's our Mama?" tanong naman ni Arra.

Nabigla si Zync nang makita ang pagngisi nito sa mga bata, "She's not coming back, babies."

Napagdesisyunan ni Zync na huwag na lang munang pumasok sa kanilang silid. Bumalik siya sa hagdan at nag-aktong kakarating lang nang magkasunod na lumabas ang kambal. Parehong seryoso ang mga mukha nito ngunit nang mapansin siya ay agad nagliwanag ang mga mukha ng dalawang bata.

Nagkunwari siyang walang narinig at masayang kinarga ang dalawa saka binati. Sinamahan niya pa ang mga ito sa kanilang kwarto at nang makatulog na ang kambal ay tumuloy na siya sa kanilang silid.

Naabutan niyang nakahiga na ito at natutulog. Tinitigan niya ang babaeng pinakamamahal niya. Nakaramdam siya ng kaguluhan dahil sa narinig. Ngayon niya lang din napansin na Mommy ang tawag ng kambal dito na dati naman ay Mama.

Napapansin niya ring ilag ang babae sa mga bata. Tanging sa kanya lang ito lumalapit at nagpapahawak. Wala ring may nangyayari sa kanila dahil sa tuwing nagtatangka siya ay bigla siyang nawawalan ng gana.

Sigurado rin siyang hindi panaginip na may nangyari sa kanila bago ito muling nagpakita.

He freshen himself up and changed his clothes. Humiga siya sa tabi nito. Gumalaw ito pero hindi humarap sa kanya. Yayakap na sana siya nang hindi niya matuloy-tuloy. Now, Zync felt strange towards this girl beside him. Bakit parang hindi niya ito kilala?

Pagod ang katawan niya at inaantok na ang mga mata niya pero ayaw matulog ng kanyang sistema. Tumayo siya at lumabas sa kwarto. Tumuloy siya sa guest room kung saan palaging natutulog si Reina noon sa tuwing ayaw siya nitong katabi.

Doon siya humiga at nalunod sa malalim na pag-iisip hanggang sa nakatulog siya. Ngunit bigla siyang naalimpungatan nang maramdamang may lumapat sa kanyang mga labi. Magmumulat na sana siya para tingnan kung sino ito ngunit may kamay na tumakip sa kanyang mga mata.

"Sssshh." Saad ng taong iyon at naramdaman na lang niyang piniringan ang mga mata niya.

Sa ganitong sitwasyon ay dapat matatakot na siya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya nanlaban. Muling lumapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Kumabog nang malakas ang kanyang puso nang magsimulang gumalawa ang mga labi nito.

Nalasahan niya ang lasa ng alak sa mga labi at dila nitong malikot na tinutukso ang mga labi at dila niya. Hinawakan niya ang nakatakip sa mga mata niya upang ito ay hubarin ngunit pinigilan nito ang kamay niya.

"Don't." sambit nito habang nakalapat pa rin ang kanilang mga labi.

Nanigas si Zync. Ang boses na 'yon! Kilalang-kilala niya ang boses nito. Nakaramdam siya ng init sa buong katawan nang bigla itong pumatong sa kanya. She was straddling on his stomach just above his groin.

"Let me see you." He pleaded in his husky voice. Dumapo ang mga kamay ni Zync sa beywang nito. He trailed his hands on her curves. Sobrang init ng mga palad niya na tinutugonan ng maiinit na paghinga ng babaeng nakapatong sa kanya. Nakapasok ang mga kamay niya sa loob ng damit nito.

Feeling her bare skin gives more heat on his body. He stopped his hands just below her breast.

"Let me." Namamaos na pagmamakaawa niya. He rubs his both thumb on her skin.

Naramdaman niya ang paglapit ng mukha nito sa kanya. Sumubsob ito sa kanyang leeg na may habol na hininga. Amoy na amoy ni Zync ang pinaghalong amoy ng alak at mint sa hininga nito.

"Gusto ko. Gustong-gusto ko." Mahinang saad nito, "But no... you can't."

"W-why?"

Hindi ito sumagot bagkus ay mainit nitong hinalikan ang kanyang leeg. Napaungol si Zync at hinuli ang mukha nito saka dinala pataas sa kanyang mukha. Kahit walang nakikita ay pinaglapat niya ang kanilang mga labi.

Pinagsaluhan nila ang isang mainit at mapusok na halik. Parehong mapaghanap at parehong ayaw magpatalo sa pakikipagtagisan.

Pareho silang napaungol nang umatras ang pagkakaupo nito... she was now sitting above his groin. She could feel his hardness and she started dry humping him.

Napaungol si Zync at mas lalong lumalim ang kanilang halikan. He sucked her tongue. He tried to change their position but she was strong to stop him. She stilled above him and pulled away from the kiss.

She showered butterfly kisses all over his face.

"I love you, O... I love you so much." Masuyong bulong nito nang nang muling maglapat ang kanilang mga labi. "But I'm sorry."

Natigilan si Zync nang marinig iyon. Bakit parang narinig na niya ang mga salitang iyon noon? Bakit parang hindi niya gusto ang huling sinabi nito? Bakit parang ang sakit-sakit?

Hindi niya nagawang makapagsalita hanggang sa muli gumalaw ang mga labi nito. Naramdaman niyang parang may iniwang maliit nabagay ang dila nito sa bibig niya bago ito humiwalay. Bigla siyang nakaramdam ng antok pagkatapos no'n.

"I love you... but I'm sorry."

'Yon ang huling narinig ni Zync bago siya tuluyang nilamon ng dilim.

**

Napabalikwas ng bangon si Zync habang habol ang hininga. Napatingin siya sa kanyang paligid at nakitang nasa loob siya ng kwarto nila ni Reina. Nakita niyang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi ang babae.

Nasapo niya ang kanyang noo dahil sa naalala niyang nangyari kagabi.

Sa pagkakaalam niya sa guest room siya natulog. Bakit nandito siya? Nilingon niya ang katabi. Ito ba ang nakausap niya kagabi roon? Sinundo ba siya nito at inayang dito matulog sa kanilang kwarto?

"I love you, O... I love you so much. But I'm sorry."

"I love you... but I'm sorry."

Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga katagang iyon. Totoo ba 'yon? O panaginip na naman?

Muling sumagi sa kanyang isipan ang narinig sa kambal kagabi at sa nakitang kakaiba sa babaeng mahal niya.

Bumuga siya ng hangin saka dumukwang para halikan ito sa noo. Bumangon na siya at nag-ayos para sa trabaho.

Maaga niyang nilisan ang mansyon kaya maaga niya ring nasimulan ang mga nakatambak na trabaho. Wala pa nga ang mga dakila niyang Executive Assitants.

Unang dumating si Pula. Nabigla siya nang makita ang mukha nito. Hindi kasi ito naka-pencil cut skirt kundi naka-square pants itong high-waisted na pinaresan ng seksing pulang blazer. Hindi niya maintindihan kung anong klaseng fashion ang trip ni Pula.

"Mowning Boss." Bati nito at pumwesto na sa mesa nito. Nginitian niya lang ito.

Dahil sa dami ng kailangan nilang asikasuhin ngayon ay pinapasok niya na ang mga mesa nila ni Kurt sa loob ng kanyang opisina para malapit lang ang mga ito.

"Nagawa mo na ba 'yong binilin ko sa 'yo?" tanong niya kay Pula.

"Aba naman oo. Ako pa." mayabang na wika nito. Napailing na lang siya at muling nagpatuloy.

"Pula, pakibigay ang files na ito kay Director Santos." Agad namang tumayo si Pula at kinuha ang folder na pinasuyo niya. "Saka pakidaan na rin ang HR Department. Please remind the head about their weekly report. Hindi pa siya nakapag-report sa akin."

"Aye. Aye boss!" masiglang anito saka nagmartsa na palabas.

Maya-maya pa ay dumating na rin si Kurt na salubong ang kilay. Marami itong bitbit.

"Good morning, Sir." Tumango lang siya rito nang hindi man lang nililingon.

Lumapit si Kurt sa kanya, "Sir."

"Yes?" hinarap niya ito.

"You have to know something, Sir." Seryosong anito.

"What is it, Kurt?"

Bumuga ito ng hangin, "Diba you asked me to apply for marriage licence for you?"

"Yes? How was it?" taas-kilay na tanong niya.

"Sir..." may pinatong itong documents sa kanyang harap, "I wasn't able to get a form for the application, Sir. Because I found out that you are already registered—"

"What?!" bulalas niya saka nagmamadaling inabot ang documents na bitbit ni Kurt. Binasa niya ang mga ito.

"You are already married, Sir." Saad nito na nakapagpagimbal sa mundo niya.

Nanlaki ang mga mata ni Zync nang makitang totoo nga ang sinabi ni Kurt. Kasal na siya! May asawa na siya!

Hinanap ng mga mata niya ang pangalan ng kanyang asawa sa papel at nagulat nang makita kung ano ang nakasulat.

"Classified?! What the fvck is this Kurt?! How's this even possible?!" napasigaw siya habang nanlalaki ang mga mata. "Name, classified. Even her basic informations are all classified? What the heck is this?! Date of Marriage, unknown?! Kalokohan!"

Napakamot ng ulo si Kurt, "Iyon na nga, Sir eh. Hindi ko po maintindihan. I consulted it to your lawyer and he said it is legit and registered. I tried to ask him if it is possible na naka-classified ang name ng babae. He said na ikaw ang tanungin tungkol dito—"

"Ako?! You knew I don't have any idea about this, Kurt! I am single, Kurt! Have you tried to check my civil status in NBI, NSO and other personal documents?"

"Sir, everything was updated last 5 months ago. Married na po ang civil status mo sa lahat ng legal documents mo. Pati sa passport at visa mo. Even your driver's license and bank accounts. May asawa ka na, Sir."

Napanganga na lang si Znyc sa mga narinig kay Kurt.

"Kurt! Do something! Hire the best attorney for me and pull some strings for this! Alamin mo kung sino ang may pakana nito at kung ano ang pangalan sa likod ng lecheng Classified na 'yan!"

-End of Chapter 40-

Thank you for reading freaks. God bless us all.

A/N: FICTION 'to ha! Meaning gawa-gawa lamang ng may akda ang lahat. Ang nangyari sa civil status ni Zync ay malayong mangyari sa totoong buhay unless you have the money to waste for this nonsense!

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro