
37: PET
Alam kong naguguluhan na kayo sa mga nangyayari pero dapat kayong maging proud sa sarili niyo dahil nakuha niyo ang punto ng mga latest chapters... ang maguluhan kayo.
KUNG KAYO ANG MASUSUNOD, ANO ANG GUSTO NIYONG MANGYARI SA KWENTONG ITO?
*****
You have not noticed that
You are already being toyed.
Using you for their own gain
While you in pain.
You do their will
Yet yours was placed under their feet.
How long will you endure this?
You're a pet...
When you're not born to be.
- CL.
Chapter 37: TRIAD's PET
Enjoy reading!
3rd.
Maliksi siyang nakapasok sa bakuran ng isang bantay saradong mansion. Wala man lang may nakapansin sa kanya. Nang makapasok sa loob ay agad hinanap ng kanyang mga mata ang mga pwesto ng CCTV. Dim ang lighting ng bahay at alam niyang malalim na ang tulog ng mga nakatira rito.
Nilabas niya ang isang spray bottle. She sprayed it all over her body. Maingat ngunit mabilis siyang naglakad tungo sa pwestong blind spot ng isa pang camera. That liquid could make something, someone or any movement cannot be seen in any type of camera for 5 seconds.
Ilang ulit niyang ginawa iyon hanggang sa nakarating siya sa hallway ng ikalawang palapag. Napatago siya sa likod ng makapal na kurtina nang mapansin ang naglalakad na bantay tungo sa hagdan.
Tumigil ito malapit sa bintana kung saan siya kumubli nang may napansing paggalaw doon. Napamura siya sa kanyang isipan, saka pasimpleng umakyat sa bintana.
Hinawakan ng bantay ang kaliwang side ng kurtina para sumilip. Pigil ang hiningang lumusot siya sa kanang side ng kurtina para hindi siya nito makita.
"Ano kaya 'yon?" nagkakamot ang ulong wika ng bantay habang nakatayo sa likod ng kurtina at dumungaw sa bintana. Nagulat na lang ito nang biglang pumulupot ang kurtina sa ulo nito.
Hinuli niya ang ilong at bibig ng lalaki. Pinigilan niya itong sumigaw o makagawa man lang ng ingay para hindi makatawag ng pansin sa iba. Nagpumiglas ito sa kanyang hawak ngunit sobrang higpit ng mga kamay niyang nakapulupot sa katawan nito. Hanggang sa hindi na ito gumalaw pa at napunta sa kanya ang bigat nito.
Bumuga siya ng hangin. Mabuti na lang malapad ang hamba ng bintana. Napangiwi siya nang kinarga niya ang bantay dahil sa bigat nito. Pinaupo niya ito nang maayos doon. Itinali niya pa ito para hindi mahulog.
"My apologies." Bulong niya, "There should always be a sacrifice in order to make things right." Napatango-tango pa siya sa sarili.
Iniwan niya roon ang bangkay at nagpatuloy sa pagtungo sa master's bedroom. Napamura siya nang makitang walang laman na ang spray na dala. Napakamot siya ng ulo dahil nakalimutan niyang magdala ng extra.
Nilabas niya ang isang maliit na monopod na may maliit na camera na nakakonektang polaroid. Maingat siyang pumwesto sa blind spot ng nag-iisang camera sa hallway. Inangat niya ang monopod saka nag-take ng picture ng hallway sa angle ng CCTV.
Nang mai-develop niya ang picture sa polaroid na hawak ay mabilis niya kinabit ito sa harap ng CCTV. Napangisi siya nang matapos ang ginagawa.
Prente siyang naglakad tungo sa master's bedroom. Nilabas niya ang isang laser sa bulsa at tinutok ito sa door knob ng kwarto. Agad siyang pumasok nang mabuksan niya ito. Bumungad sa kanya ang madilim na kwarto.
Mahina siyang napasipol nang makita ang isang hubo't hubad na lalaking nakadapa sa kama. Napangiwi siya nang magawi ang mga mata niya sa maumbok nitong puwitan. May katabi itong mas batang babae na nasa ilalim ng kumot. Napangisi siya.
"Dirty old man." Bulong niya.
Tinapik-tapik niya ang daliri sa hita habang nililibot ang buong silid. Nilabas niya ang isang night vision eye glasses at isinuot. Naging klaro ang lahat sa kanyang paningin. Tinaas niya ang kanang braso para tingnan ang suot na high-tech wrist watch na nakakonekta sa kanyang eye glasses.
Kinalikot niya ang screen nito at natuwa siyang nang tumatagos na ang paningin niya sa likod ng mga solid na bagay. Lumingon pa siya sa nakahubong lalaki at halos maduwal nang makita ang skeleton nito, pati ang muscles at internal organs.
Hindi niya na binaba ang paningin para maiwasan ang mas lalong nakakasukang tanawin. Hindi niya rin tiningnan ang babaeng katabi nito.
Umiwas siya ng tingin at hinanap niya ang kanyang pakay sa bahay na ito.
Napangisi siya nang makita ang hinahanap sa loob ng isang vase sa may bedside table. Maingat niyang nilabas ang isang USB doon.
Ang USB na naglalaman ng lahat ng anumalyang pinaggagawa ni Tony Galvez sa kompanya ng kanyang pinakamamahal. Si Tony ay isang Board Director ng Orlando Conglomerates. Hawak nito ang departamento ng Orlando Chain of Restaurants at matagal nang may ginagawang marumi sa likod ng mga Orlando.
Tony Galvez is one of Triad's pet inside of Orlando Conglomerates.
Pinasok niya ang USB sa bulsa. Hinubad niya ang eyeglasses saka muling lumingon sa kama. Napangisi siya nang makitang nakatingin sa kanya ang babaeng kasama ni Tony.
"I wonder why you have to use me when you can do this alone." Mahinang wika ng babae.
Kumibit-balikat siya at ngumiti, "Matagal akong natengga. I need some thrill before I go back to the real battle. So, just do your job here."
Tumango lang ang babae sa kanya kaya napangisi siya.
Mabilis siyang lumabas sa kwarto ni Tony. Nagsimula siyang magbilang. Nang makarating sa grand staircase ay tuwang-tuwang nagpadausdos siya handrail ng hagdan.
Nang makaabot ng sampu ang kanyang pagbilang ay natawa siya nang marinig ang malakas na sigaw ng babaeng kasabwat niya sa second floor.
"Intrudeeer!"
Mabilis na alarma ang mga bantay. Tumatawang tumakbo siya tungo sa backdoor ng mansion. May nakasalubong pa siyang bantay na nagulat sa kanyang biglang pagsulpot. Dahil hindi pa ito nakahulma ay mabilis niyang hinawakan ang ulo nito at malakas na iniuntog sa pader. Binitawan niya itong walang malay.
"Hoy!" malakas na sigaw ng isa pang bantay. Napalingon siya rito at umiling-iling. Kinuha niya ang dagger sa bulsa. In no second ay nakabaon na ang dagger sa leeg nito.
"Tsk. When you're planning to attack, don't be too noisy to attract your target's attention. 'Yan tuloy naunahan ka." Anas niya saka lumabas na sa may backdoor.
Nilibot niya ang tingin at tinantya ang distansya ng pader ng bahay sa mataas ng bakod. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kumuha siya ng buwelo para tumakbo, she jump and did a double spin.
She reached out her hands to hold on the top of the wall. Nang makahawak doon at matantya ang kanyang bigat ay hinila niya ang sariling katawan pataas at nag-dive sa kabilang dako ng pader.
Nang malapit na siyang lumagapak sa semento ay eksperto siyang nag-roll over. Tatayo na siya nang makatapak siya ng maliit na bato kaya muntik na siyang madulas.
"Whoa!"
She somersaulted but eventually she has to do a split stunt to stop herself from kissing the asphalt road.
"Phew."
Tumayo siya sa pinagpagan ang sarili. Pinulot niya ang sombrerong nahulog at mulong sinuot. Inayos niya rin ang nakatabing na bandana sa kanyang bibig at ilong.
"Stop right there or I'll shoot you!"
Napalingon siya sa likod at napairap nang makita ang limang lalaki na may kanya-kanyang hawak na baril na nakatutok sa kanya.
"Tsk. Then shoot me bastard!" asik niya at mabilis na tumakbo palayo sa mga lalaki.
Napailing siya nang hindi naman siya hinabol ng bala kundi hinahabol siya ng mga lalaking ito.
"Am I too beautiful to be chased by boys?" tanong niya sa sarili.
Lumingon siya at nang makitang malapit na ang mga ito sa kanya ay mas pinabilisan niya ang takbo. Nang makitang malayo na ang distansya nila ay umakyat siya sa isang puno at hinintay ang pagdaan ng mga lalaki.
Tumigil ang mga ito sa unahan ng puno. Nagpalinga-linga ang mga ito.
"Lagot na. Nakatakas." Wika ng isa sa mga lalaki.
"Hanapin niyo!" sigaw ng lider-lideran sa lima. Tatakbo na sana ang lima nang matumba ang isa sa kanila.
Natigalgal sila nang makita ang may nakatarak na na dagger sa batok nito.
"Lumabas ka! Magpakita ka sa amin!" sigaw ng isa habang nagpalingalinga sa paligid. "Alam naming nandito ka!"
"Aaahhh!" sigaw ng isa nang matamaan ito ng shuriken sa pisnge.
"Huwag kang duwag! Lumabas ka sa pinatataguan mo! Magpakita ka! Sumama ka sa amin ng matiwasay at hindi ka masasaktan."
Napairap siya at napasinghal sa kawalan. Nilabas niya ang tatlong dagger sa bulsa at pinaulan ang mga ito sa mga naiwang lalaki. Agad na bumagsak ang tatlo at naiwan na lang ang kanina pang sigaw ng sigaw.
Magaan siyang tumalon mula sa taas ng puno. Napalingon sa kanya ang lalaki at agad siyang tinutukan ng baril. Napangisi siya nang maramdaman ang takot nito dahil sa mga kasamang bumulagta na at wala ng buhay.
"Sino ka?!" sigaw nito.
"Hindi niyo naman kailangan isakripisyo ang buhay niyo eh kung hinayaan niyo akong makaalis sa lugar na ito." Saad niya gamit walang ganang boses niya.
Kumunot ang noo niya nang makarinig ng ugong ng sasakyan na papalapit. Walang babalang tumakbo siya tungo sa naiwang lalaki at malakas itong sinuntok sa mukha. Kasabay no'n ang malakas na putok ng baril na umalingawngaw sa kailaliman ng gabi.
Natawa siya nang bumagsak itong nakanganga dahil sa gulat.
"Psh. Sinayang mo ang bala." Aniya at tumakbo na palayo sa lugar bago pa makalapit ang sasakyang paparating.
Nagsisi tuloy siya kung bakit napili niyang maglakad tungo sa mansion ni Tony Galvez, edi ang haba ng tatakbuhin niya para marating ang lugar kung saan niya pinark ang motor.
Akala niya ay hindi na siya hahabulin ng mga tauhan ni Tony ngunit nanatiling akala lang iyon. Isa pang grupo ng kalalakihan kasama ng sinuntok niya kanina ang naghahabol sa kanya hanggang nakarating sila sa walang katao-taong wet market ng subdivision.
Habol ang hiningang sumandal siya isang malamig na pader sa isang eskinita. Rinig niya ang mga yabag ng grupong humahabol sa kanya. Tumuwid ang kanyang tayo nang maramdamang lumiko na ang mga ito sa kinaroroonan niya.
"Pagod ka na bang makipaghabulan sa amin? Diba sinabi ko naman sa 'yong hindi ka namin sasaktan kapag sumama ka nang matiwasay sa amin. Kaya be a good girl. Halika na." saad ng lalaking putok ang labi dahil sa suntok niya.
Napaismid siya dahil hindi niya maalalang sinabit nito iyon. Pabibo rin ito eh. Binilang niya ang mga ito. Apat ang bilang ng mga lalaki.
Lumapit sa kanya ang dalawa at akmang hahawakan siya. But before they could touch her, she gave the two guys straight forceful punches on the face simultaneously. Natumba ang dalawa at namilipit.
Napangisi siya, "Laban." sambit niya kasabay nang paikot na sipa sa lalaking putok na ang labi. Tumama ang sipa niya sa leeg nito kaya natumba rin ito.
Binalingan niya ang isa pang lalaki na nakatunganga lang dahil sa gulat sa mga galaw niya. She hissed and gave him an uppercut. Nang makatayo na ang dalawa ay tumakbo siya sa isa sa mga ito at malakas itong binalibag. Hindi pa man siya nakakahulma sa kanyang ginawang atake ay naramdaman niya ang isang pwersadong paghampas ng kung anong bagay sa kanyang likuran.
"Aww." Daing niya pero ni hindi man lang natinag. Binalingan niya ang humampas sa kanya.
Sinubukan nitong muling hampasin siya ngunit mabilis siyang nagpakawala ng malakas na sipa sa leeg nito. Nabuwal ito sa lakas ng kanyang sipa at napaatras palayo. Inagaw niya ang hawak nitong kahoy na pinanghampas sa kanya.
Nakatayo na ulit ang tatlo at magkasabay na siyang inatake. Pero bago pa man makalapit ang mga ito sa kanya ay umikot siya at pinaghahampas ang mga ito. Bumulagta ang mga itong tulog sa marumi at malamig na semento.
Muling nakatayo ang humampas sa kanyang likod. Napangisi siya at tinapon sa gilid ang kahoy. Pumosisyon siyang tila sa boxing. She moved her hand gesturing the guy to start an attack.
Sumisigaw itong tumakbo na nakaumang ang malaking kamao. Susuntukin na sana siya nito at ang tanga ay nakapikit dahil siguro para kumuha ng pwersa.
Nawalan ng emosyon ang mukha niya at umayos ng tayo saka bagot na gumilid. Dumiretso tuloy ang lalaki sa pader. Napangiwi siya nang marinig ang pagkabali ng mga buto nito sa kamay dahil sa malakas nitong pagsuntok sa pader.
"Aaaaaa!"
Napasalampak ito sa semento at malakas na ngumawa.
"Stupid. If you're aiming your fist to your target, don't ever close your eyes. See what happened? Tsk. Tsk. I love the sound of your cracking bones though." Saad niya sa lalaki. Masama siya nitong tiningnan at sinubukan pa nitong muling tumayo.
Nang makatayo ito ay walang sere-seremonyas na inabot niya ang ulo nito at malakas na tinuhod sa mukha. Bumagsak itong walang malay kasama ang iba pang lalaki.
Pinagpag niya ang mga kamay at tila walang nangyaring lumabas sa eskinitang iyon. Pinuntahan niya ang lugar kung saan niya pinark ang dalang motorbike.
Umangkas siya at agad itong pinaharurot. Wala pang dalawampung minuto ay nakarating na siya sa kabilang bayan. Narating niya ang Laroa Subdivision. Hininto niya ang motor sa 'di kalayuan sa Clementin Mansion.
Ekspertong umakyat sa bakod ng hindi nahuhuli ng mga bantay. Napangiti siya nang malaki. Umakyat siya sa punong sa mismong harap ng kanyang kwarto. Sumampa siya sa balkonahe at walang ingay na pumasok doon.
Napangiti siya nang malaki nang makita ang mahimbing na natutulog na si Zync. Nakatihiya ito at hindi pa rin mahilig magkumot. Kung titingnan malayong-malayo ito sa business man na nakakasalamuha ng tao, para itong batang nahihimbing.
After all, he is still her Zync... her one and only O.
Lumapit siya sa kama at lumuhod sa gilid nito. Dumungaw siya sa mukha ni Zync. Marahan niyang hinaplos ang pisnge ng lalaki na sobrang kinis.
Kinuha niya ang USB sa kanyang bulsa. Tinitigan niya iyon saka nilagay sa bedside table, sa parte kung saan makikita agad ni Zync.
Muli niyang binalingan si Zync, mariin niyang hinalikan ito sa mga labi. Gumalaw ito pero hindi nagising. Napatingin siya sa gilid nito at napabuntong hininga...
*****
Sa pagmulat pa lang ng mga mata ni Zync ay may ngiting nakapaskil na sa kanyang mga labi. Agad siyang bumaling sa kanyang katabi ngunit wala na roon si Reina. Napabalikwas siya ng bangon.
"Katarina?!" malakas niyang sigaw.
"I'm here."
Mabilis niyang sinundan ang walang kabuhay-buhay na boses nito. Nakita niya ito sa estante ng mga armas, isa-isa nitong tiningnan ang mga nakalagay na weapons doon.
Napangiti si Zync. "I thought I was just dreaming that you're back." Bumangon siya at nilapitan ito. Masuyo niyang niyakap ang babae mula sa likod.
Natawa siya nang nanigas na naman ito, "Hindi ka pa ba sanay? Bakit ba nagugulat ka kapag hinahawakan kita?" pinatong niya ang baba sa balikat nito at mabilis na hinalikan sa pisnge. Muli na naman itong nagulat.
"Kasama na talaga kitang muli." Malambing na aniya. "Huh? Katarina?"
"Hmmm?"
"Katarina. Mahal ko. Mahal ko. Mahal ko. Mahal ko. Mahal na mahal ko."
Hindi ito umimik at inabot lang ang isang baril. Inusisa nito ang bawat parte no'n. Natawa si Zync nang may biglang naalala.
"Naaalala mo ba ang baril na 'yan? 'Yan 'yong makasalanan na baril na kung tao lang ay matagal ko nang pinatay." Aniya at bumalik sa kanyang alaala sa baril na hawak nito.
"Yan ang baril na kinuha ko nang walang permiso mo dahil gusto kitang i-stalk. Gabi-gabi ka kasing lumalabas na walang paalam kaya naisipan kong sundan ka. Naaalala mo ba 'yon?"
Nanatili itong tahimik kaya nagpatuloy si Zync, "Iyon 'yong gabing dinala mo ako sa black house at pinapasok sa KZ Realm. Galit na galit ako sa baril na 'yan dahil sa kahalayan mo." Napanguso si Zync nang maalala ang ginawa ni Reina sa baril.
Pero muli siyang napangisi nang sumagi sa kanyang isipan ang ginawa ni Reina sa kanya sa may garden.
"Katarina?" tawag-pansin ni Zync nang hindi pa rin ito nagsasalita. "Bakit ang tahimik mo? What are you thinking? Do you mind telling me?"
"Katarina." Ungot niya nang bigo pa rin siyang marinig muli ang boses nito. Simula kasi nang makauwi na ito sa kanilang bahay ay nanatili itong tahimik.
Kung tahimik itong noong bago niya pa lang nakilala ay mas lalong tahimik ito ngayon. Kung noon nakikita niya pang kumikislap ang mga mata nito sa tuwing tinitigan siya ngayon naman ay kung hindi walang emosyon ay tila nalilito ito.
Ito ang ikalawang umaga na nagising si Zync na kasama niya si Reina. Pero minsan pa sa minsan ito kung magsalita. Ni hindi pa nga niya naitatanong kung saan ito nanggaling at kung ano ang nangyari.
Natatakot siya sa maaaring marinig. Natatakot siyang malaman kung ano ang nangyari sa babaeng pinakamamahal.
Ngumuso si Zync at pumadyak-padyak pa kahit nakayakap pa rin siya sa babae.
"Katarina!"
"Tari." Sambit ng babae. Napansin niya ang namamaos nitong boses.
"Huh? Ano bang nangyari sa boses mo? No'ng isang araw ka pa paos dapat okay na 'yan dahil hindi ka naman nagsasalita at pinapainom naman kita ng ginger tea." Aniya.
"Call me Tari." She said instead.
Napatango naman si Zync, "Ahh okay."
Hindi niya na pinansin ang hindi pagsagot nito sa kanyang tanong. Nagpaalam siyang maliligo muna at sabay na silang bumaba para sa agahan.
Nang makapagbihis ay inaya niya na ito, "Halika na. Baba na tayo. Gising na ang kambal."
Magkahawak kamay silang naglakad sa hapagkainan. Naroon na nga ang kambal na pormal na nakaupo at naghihintay sa kanila. Isa ito sa mga kinabibiliban ni Zync sa mga batang ito, kahit anong kulit ng kambal ay kung pagdating sa pagkain ay pormal ang mga ito at hindi kailanman pinaglalaruan ang nasa mesa.
Naroon din sila ni Sia, Al, Ah-Ah at Ryleen.
"Good morning, My lil' champs." Nakangiting bati niya sa kambal, "Good morning." Aniya kina Sia.
Tumayo rin ang kambal at nakangiting yumakap sa kanya saka bumati rin. Bumaling ang mga ito sa ina. Yumakap din ang mga ito ngunit napansin ni Zync ang saglit na pag-alinlangan ng kambal lalo na ni Arri.
Tiningnan niya si Reina... nakatingin lang ito sa kambal gamit ang walang emosyong mga mata.
Nang makabalik ang kambal sa mga pwesto nila ay umupo na rin silang dalawa. He asked Arra to lead the prayer na agad ding ginawa ng bata. Nagsimula silang kumain. Magana silang kumain.
Napansin niya ang pasulyap-sulyap ni Sia kay Reina ganoon din si Ryleen. Pero hindi niya na pinatuonan 'yon.
"Kuya Zync." Tawag-pansin ni Ryleen. Tiningnan niya ito, "Mommy called me kanina, she told me to replace Kuya Theus for the mean time para sa on-going transaction for the partnership. Daddy isn't available kasi eh."
Nakangiting tumango siya rito, "Sure. I would love to work with you. Para na rin matuto kang bata ka. Simula nang makilala kita, hindi pa kita nakikitang nag-aaral."
"Kuya, nag-aaral ako. Online nga lang." anito. Tumango-tango na lang siya.
"Zync, have you heard the news about Tony Galvez?" usisa ni Al.
Kumunot ang noo niya, "What about him?"
"He's name is on the headlines. Pinasok daw ang bahay niya. 11 of his men found dead."
"Robbery?"
"Maybe yes. Maybe no. Wala naman daw kasing nawala."
Umismid siya, "Sigurado akong magdadrama na naman 'yon mamaya. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa taong 'yon. One time, I checked the financial report of his department. I found out that he donated 30 million sa isang charity foundation without my father and mine's consent. I investigated about it, pero legit ang charity na iyon. It was owned by a foreign couple na rito nakatira. I questioned him but I ended up feeling guilty when I saw those kids na inaalagaan ng charity nila." Aniya.
"30 million? That's too big for a donation, Zync. I'm sure na hindi lang 'yan ang pinadodonate niya."
Tumango siya, "Yes, he's also donating big amount in other charity institutions na puro rin legit."
**
Nakapagbihis na siya at handa nang pumasok sa trabaho. Napangiti siya nang makita si Reina na nakatayo sa may pinto ng terrace ng kwarto at nakatingin sa labas. Lalapit na sana siya rito nang makita ang isang USB sa bedside table.
Nagsalubong ang kilay niya dahil hindi naman iyon sa kanya.
Kinuha niya iyon at nagtaka nang may nakitang Tony Galvez na nakasulat sa USB. Mabilis niyang nakuha ang kanyang laptop at tiningnan kung ano ang laman no'n.
"Shit." Mura na lang siya nang mura nang mabasa ang mga files na laman ng USB.
Lumapit sa kanya si Reina, tumayo lang ito sa harap at nakatingin sa kanya. Nang matapos niyang matingnan lahat ng files ay agad siyang tumayo bitbit ang laptop. Hinawakan niya ang kamay ni Reina at hinila palabas ng kwarto.
Naabutan niya si Al na naglalakad palabas na ng bahay.
"Al, wait. Can you check these files?" pinatong niya ang laptop sa may center table sa sala.
Agad namang sumunod si Al. After almost 30 minutes, ay natapos si Al sa pinagawa niya.
"Confirmed Zync. Tony Gavez is a parasite and at the same time he's a Triad's pet."
-End of Chapter 37-
Thank you for reading freaks! GOD bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro