36: HOME
Yay! As promised to somebody who was confused as me Reina's life, here's an early update... @StupidSorry this is dedicated for you.
*****
Home is where your heart is.
Home is when you feel the love.
Home is how you would want to stay no matter how it takes.
Home is what you want to hold forever.
Home is home...
- CL
Chapter 36: FINALLY HOME
Enjoy reading!
3rd.
Sophia heaved a deep sigh as she approached her car on the OC building parking lot. Pumasok siya sa loob saka sinubsob ang ulo sa manibela. Malalim siyang nag-isip. Ngunit bigla siyang napabalikwas ng upo nang mapansing may kasama siya loob ng kanyang kotse.
"What are you doing here?" tinitigan niya ito.
Nakasuot ito ng maong jeans, white top at dirty white cardigan. May suot din itong sombrero. At nakapaa lang. 'De joke lang. naka-high cut black shoes ito.
Tumitig din ito sa kanya.
"Paano ka nakarating dito? Diba sinabi ko sa 'yong huwag ka munang lumabas ng bahay? May nakakita ba sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong dito. "Hindi naman kita pipigilang makipagkita kay Zync eh. Ngunit diba, sabi ko na may kailangan pa akong kumpirmahin? Kailangan na nating umalis dito. Iuuwi na kita."
Papaandarin na sana ni Sophia ang kanyang kotse nang mapansin niya ang tinging ipinupukol nito sa kanya. Simula nang magkita sila sa Malaysia, hindi niya kailanman nakitaan ng kahit na anong emosyon ang mga mata nito. Subalit ngayon ay kakaiba ang nakikita ni Sophia sa mga matang nakatingin sa kanya ngayon.
Parang kinikilabutan siya sa klase ng tingin nito. Her bright ocean blue eyes are screaming danger.
"Kata—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla nitong hinablot ang kanyang kwelyo. Hinila siya papalapit dito at walang kung anu-ano'y sinira ang kanyang suot na blouse.
Napanganga na lang siya nang nagsitalbugan ang butones ng kanyang blouse. May tumama pa nga sa mukha nito pero tila hindi nito naramdaman. Napatingin siya sa mga mata nitong puno ng galit.
Marahas nitong hinila ang kanyang kamay at dinama ang kanyang pulso. Napalunok si Sophia nang mas lalong nag-alab ang galit sa mga mata nito.
Nag-aalab ang pagkamuhi at galit sa mga tingin nito na labis niyang kinatakot. Hindi niya alam pero ngayon niya lang muling naramdaman ang kakaibang aura nito noong sila'y magkasama sa States.
Bumaba ang tingin niya at napatingin din sa kanyang dibdib. Nanginig ang mga labi ni Sophia nang ang tinitigan nito ay ang malaking tahi sa kanyang balat sa may bandang dibdib.
A souvenir that Triad gave her when she was abducted.
Muli niyang inangat ang mga mata at nakita ang pag-igting ng bagang nito, ang mahigpit na pagkakuyom ng kamao at ang nakakamatay nitong tingin.
Binitawan siya nito at walang salitang iniwan na lumabas sa kanyang kotse.
"W-wait—" Malakas nitong isinirado ang pinto ng kotse kaya napaigtad siya.
Natulala si Sophia. Hinawakan niya ang bakas ng kasamaan ng Triad sa kanyang balat. Presko pa ito at minsan pa nga ay dinudugo. Pagkatapos ay dinama niya ang sariling pulso na hindi niya na nararamdaman. Napakagatlabi siya. Wala. Wala siyang pulso kahit anong pilit niyang damhin sa magkabilang kamay pero wala.
Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha kasabay no'n naramdaman niya ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso. Wala nga siyang pulso ngunit tumitibok pa rin ito. Ang mga tibok na nagpapaalala sa kanyang kaunting oras na lang ang mayroon siya. Nasa paanan niya na ang kamatayan, maling hakbang niya lang babawian siya ng buhay.
**
Kinagabihan, nang makauwi si Sophia ay sinalubong siya ng kanyang mayordoma.
"Umuwi na ba siya?" tanong niya. Kumunot ang noo nito. Hindi niya na hinintay ang sagot nito at umakyat na sa ikalawang palapag.
Pinuntahan niya ang kwartong iyon.
"Katareina?" tawag niya sa pangalan nito.
Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakauwi na ito at nakabihis na. Nakaupo ito sa gilid ng kama at nakatingin sa bintana.
"Where have you been?" tanong niya pero hindi pa rin ito umimik. Lumapit siya dito. Nalaglag ang balikat niya nang makitang wala na naman itong emosyon. Blanko ang mga mata nito.
"Nakipagkita ka na ba sa kanya? Gusto mo na ba talagang makita siya? Hindi naman kita pipigilan. Masaya akong magkikita kayong muli." Umupo siya tabi nito.
"Katareina? Nakita mo naman diba ang nangyari rito sa dibdib ko. Oo. Pinaglaruan nila ako. Isa rin ako sa mga pinagdiskitaan nila bago ako nakatakas. Alam mo bang nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano nila kinuha ang puso ko? Mga demonyo sila. Akala ko mamamatay na ako dahil wala na akong puso pero may kung ano silang ginawa sa akin para patuloy akong mabuhay. May puso nga ako pero hindi ko naman alam kung puso ko pa ba ito." Pag-aamin niya. Tinuro niya ang kaliwang dibdib kung saan may tahi.
"Sabihin mo sa akin, may ginawa rin ba sila sa 'yo? Pinalitan din ba nila ang puso mo?" nag-alalang tanong ni Sophia.
Sa wakas ay lumingon ito sa kanya at tinitigan siya. Blanko talaga ang mga mata nito. Nagtaka si Sophia dahil kanina lang sa kanyang kotse punong-puno ng kakaibang emosyon ang mukha at mga mata nito na nakakakilabot. Ngunit ngayon ay wala ni isang emosyon ang mukha nito para itong manika, tanging kurap lang ang galaw.
Magsasalita pa sana siya nang makarinig siya nang mga kalabog sa baba. Mabilis siyang tumayo at nagmadaling bumaba. Napasinghap siya sa naabutan.
"Sino kayo?! How dare you invade my privacy?! You're trespassing!" sigaw niya nang makita ang mga kalalakihang sapilitang pumasok sa kanyang bahay.
Napansin niya ang mga tauhan niya na wala nang malay sa sahig. Nanginginig din sa takot ang kanyang mga katulong. Hinarap niya ang mga lalaking nakatayo lang sa entrada ng kanyang bahay na tila naghihintay sa utos ng lider.
Tumaas ang kilay niya nang makita kung sino ang pumasok sa main door. It's Al Villarosa and Iseah Frost-Villarosa. Matigas ang mga mukha nitong lumapit sa kanya. They both look so high and mighty. Yumukod agad ang mga kalalakihan sa mag-asawa.
"Where is she?" tanong ni Sia.
Napairap si Sophia, "You don't have to make a scene here, do you?" asik niya at tinuro ang mga tauhan, "You don't have to beat them down! How could you order your men entering my territory without my consent?! I don't tolerate violence! If you want to enter my house, you just have to ask me nicely and I'll welcome you! Naturingan kayong respetadong ahensya pero napakabastos niyo naman!"
"Shut up! Just tell us where is she!" bulyaw ni Sia sa kanya.
"Talaga bang wala kayong galang? Hindi ba kayo nahihiya? Kayo pa naman ang namumuno sa trouble shooting security agency na 'yan pero kayo mismo ang gumagawa ng trouble! I can sue you for doing this. Pwede naman kayong mag-door bell ah?! Bakit sapilitan pa kayong pumasok sa pamamahay ko?! Dinamay niyo pa ang mga inosente kong tauhan!" galit niyang turan. Naiinis siya dahil sa ginawa nang mag-asawang ito.
Napaiwas naman ng tingin si Al na mukhang natauhan sa ginawang eksena nila sa pamamahay ni Sophia. Napatingin ito sa asawa na matigas pa rin ang mukha.
"Porke't, may-ari kayo ng isang malakas at maimpluwensyang security agency papasukin niyo na lang basta-basta ang bahay ko?! Bitbit ang mga lalaking 'yan?! Ano ako isang rebelde?! Isang wanted na criminal?! Why do you have to act like this?! Why do you have to be this violent?!" singhal niya kay Sia. "What a shame!"
Bumakas ang galit sa mukha nito at aktong sasampalin siya nang may biglang pumigil sa kamay ni Sia. Napasinghap ito pati na rin sila Al nang makita kung sino iyon.
"K-katareina?" utal nitong tanong nang makita ang mukha ng babae.
Binitawan nito ang kamay ni Sia at binalingan si Sophia. Saglit nitong hinaplos ang pisnge niya at marahan siyang tinanguan. Tila naintindihan naman niya ang ibig sabihin ng tingin nito. Nginitian niya ito.
Liningon ni Sophia sina Al at Sia, "Do this again and I won't let you slip out of my hands." Banta niya, tiningnan niya naman ang mga tauhan ng DQ, "Get my men and take care of them kung ayaw niyong palayasin ko kayo rito sa pamamahay ko!"
"We are very sorry for causing trouble, Miss Sophia." Hinging paumanhin ni Al.
*****
Pinahid ni Sia ang luhang tumulo habang nakatingin sa babaeng nakaupo sa harapan nila na katabi si Sophia.
"Katareina?" tawag pansin ni Sia, "I'm sorry kung nakalimutan kita noon. Akala ko talaga namatay ka no'ng gabi ng Sacrificial Night. Akala ko hindi ka nakaligtas do'n." anito. Nakahawak naman si Al sa kamay ng asawa.
"Pasensya na kung hindi kita nakilala nang makasama kita. I thought, si Tari ang kasama ko noon. Ni hindi ko napansin ang malaki niyong pagkakaiba sa pag-uugali. Pareho kayong importante sa akin. Pareho kayong prinsesa sa mga mata ko. Pareho kayong karapatdapat sa trono. Kung sana may magagawa lang ako para sa inyong dalawa." Patuloy pa rin sa pag-iyak si Sia.
"Si Katarina... ang Prinsesa Tari. Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong pa nito.
Lumingon siya sa mag-asawa. Blanko pa rin ang mga mata niya.
Bumaba ang tingin ni Sia sa bandang tiyan niya pagkatapos ay muling tinitigan ang mga mata niya.
"Nasaan siya?" makahulugang tanong nito. "Buhay pa ba siya?"
Nang walang makuhang sagot si Sia ay mapait itong ngumiti, "Bakit hindi ka nagsasalita? Galit ka ba sa akin? Ginawa ko naman ang kagustuhan mo eh. Kahit nahirapan ako, sinunod ko pa rin ang gusto mong manatili ako rito para sa anak ko at ky Al. Malaki na ang anak ko, she's 2years and 2 months. Her name is Allius Hosea. Kamukhang-kamukha niya ang daddy niya."
"Katareina? Magsalita ka naman oh." Pagmamakaawa nito sa kanya habang umiiyak pa rin. Naiyak na rin si Sophia na nakatingin na may awa kay Sia.
Tumikhim si Al, "Papunta na rito si Zync at si Lady Mojica." Saad nito. Ni hindi man lang siya gumalaw, nakatitig pa rin siya kay Sia ng blanko.
Ngunit hindi tumigil si Sia, "Pwede mo bang sabihin sa amin kung ano ang nangyari sa 'yo sa mga nakalipas na taon? Saan ka pumunta?" tanong nito. "Where's your child?"
Nagulat si Al at Sophia sa naging tanong ni Sia pero hindi sila umimik.
"Lalaki ba ang anak mo? O babae? Magkasing edad lang sila ni Ah-Ah diba? Sino ang kamukha niya si Zync ba o ikaw?"
Napasinghap si Sophia. Ngayon nakuha na nito ang gustong malaman. May anak nga si Zync sa isang Clementin at kay Katareina iyon. 'Where's the baby?' tanong ni Sophia sa kanyang isipan.
Tumayo si Al at inaya si Sophia na pag-usapan kung ano ang nangyari sa Malaysia. Naiwan silang dalawa ni Sia. Patuloy pa rin sa pagkikwento si Sia habang nanatili siyang walang imik.
Maya-maya pa ay dumating na si Mojica kasama si Ryleen at Morry. Agad silang dumiretso sa receiving area ng bahay ni Sophia.
"Where is she?" tanong ni Mojica.
Tumayo si Sia. Napatingin naman siya sa mga bagong dating.
Natigilan si Mojica sa paghakbang palapit sa kanya. Kumunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya pero mabilis napalitan ng isang masayang ngiti ang reaksyon nito. Maluha-luha pa itong humakbang.
"You're really here." anito saka lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
Hinaplos nito ang kanyang pisnge at hinalikan siya sa noo. May kung anong emosyon sa mga mata ni Mojica na hindi niya matukoy kung ano.
Nanatili namang nakatayo si Ryleen at Morry na nakatingin sa kanya. Bakas ang tuwa sa mukha ni Ryleen habang blanko naman ang mukha ni Morry.
"Do we need to tell Zync that she's Katareina and that they are twins?" tanong ni Sia kaya nabaling sa babae ang atensyon nila.
"No." mabilis na sagot ni Mojica. "This is not yet the right time."
"So, she will remain as Katarina?" ani Sia. Tumango si Mojica.
"Yes. She's Katarina." Seryosong anito. "Masyado pang magulo ang lahat."
Tumango na lang si Sia. Kahit labag sa kalooban nito na maglihim kay Zync sa totoong pagkatao ng kambal na Clementin ay hahayaan niyang masunod ang gusto ni Mojica dahil mas alam ng ginang kung ano ang dapat gawin.
Nabulabog ang buong bahay nang malakas na kumalampag ang gate at humarurot papasok ang isang itim na kotse. Malakas itong sumalpok sa mga malalaking paso dahil sa biglang pag-brake nito.
Nagmamadaling lumabas doon si Zync na naka-pajama pa at papungas-pungas. Halatang galing pa sa kama. Tumakbo ito papasok ng bahay ni Sophia.
"Where is she?!" sigaw niya. "Nasaan ang pinakamamahal ko?! Ilabas niyo siya!"
Napairap sina Morry at Sia dahil sa pag-aamok ni Zync. Malakas na tinapik ni Al ang balikat ng lalaki kaya kumalma naman ito.
"Calm down, Zync. Hindi siya tinago. She's there." Turo ni Al sa may receiving area.
Halos madapa siya sa lakad-takbong pagtungo roon.
"Katarina?" malakas niyang tawag.
Natuod si Zync sa kinatatayuan nang sa wakas ay nakita na nito ang kanyang pinakamamahal. Nanlalaki ang mga mata ng lalaki.
"Cherié." Sambit ni Zync at mabilis na tumakbo.
Mahigpit siya nitong niyakap. Napatayo pa siya sa kinauupuan. Malakas na humikbi si Zync sa kanyang balikat at bumubulong ng kung anu-ano. Nanatili naman siyang walang emosyon.
Humiwalay ito ng yakap at sinapo ang magkabila niyang pisnge.
"Where have you been? Bakit umalis ka kaagad no'ng nakaraan? Totoo 'yon diba? Diba mahal ko? Hindi naman panaginip 'yon diba? Sana ginising mo ako bago ka umalis. I missed you, Cherié."
Ngunit wala pa rin siyang reaksyon. Natigilan si Zync nang makita ang kanyang mukha. Ni katiting na recognition ay walang itong makita. Kumukurap-kurap lang ito.
"Katarina..." masuyong tawag ni Zync. Lumuluha pa rin ito. Punong-puno ng pangungulila ang mga mata. Tinitigan nito ang bawat parte ng mukha niya. Nagtama ang kanilang mga mata.
Nabigla pa siya nang biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. May kung anong kumirot sa kanyang utak. Sunod-sunod siyang napakurap habang nakakatitig sa lumuluhang mukha ni Zync.
Bumakas na ang recognition sa mga mata niya. Nakikilala niya na ang lalaking nasa harapan niya. Kilalang-kilala niya ito.
"Cherié." Buong pagmamahal na bulong ni Zync.
"Z-zync." Garagal ang boses na sambit niya. Sunod-sunod na tumango si Zync.
"Oo mahal ko. Ako 'to. Miss na miss na kita." Muli siya nitong niyakap. Nanginginig ang mga kamay na dinantay niya sa likuran nito. Napangiti si Zync nang maramdaman ang pagtugon niya sa yakap nito.
"Z-zync Orlando." Sambit niyang muli sa buong pangalan nito.
Napapikit siya nang sunod-sunod na alaala ang bumuhos sa kanyang isipan. Mga alaalang kung saan ang bida ay si Zync. Mas lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso.
Napatingin naman ang iba sa kanila. Si Mojica na may tipid na ngiti. Sina Sia, Al, Sophia at Ryleen na tahimik na umiiyak ngunit may mga ngiti sa labi. Habang si Morry naman ay nakatingin lang.
Muli nitong sinapo ang kanyang mukha at walang kung anu-ano'y sinakop ang kanyang mga labi. Nagulat siya at nanigas. Naramdaman iyon ni Zync pero imbis na humiwalay ay ginalaw pa nito ang mga labi habang siya ay nanatiling tuod. Sandali lang ang naging halik pero kakaiba ang dulot sa buo niyang pagkatao.
Nilayo ni Zync ang mukha at mahinang natawa sa naging reaksyon niya. Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisnge. Dumapo ang tingin nito sa kanyang buhok.
"You're blonde." Komento nito. "Nagpakulay ka ba?" hinawakan nito ang ilang hibla at dinala sa ilong saka masuyong sininghot ang amoy, "Bagay sa 'yo. Napakaganda mo pa rin. Ang ganda-ganda mo. Mas gusto ko nga lang ang itim pero kahit ano man ang magiging kulay ng buhok mo, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko, my Cherié."
Giniya siya nitong paupo muli. Nakatitig lang siya sa mukha ni Zync na bakas ang sobrang kasiyahan. Pinagsiklop nito ang kanilang mga kamay. Ilang ulit itong bumuga ng hangin. Hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi. Tila hindi pa rin ito makapaniwala. Malambing na yumakap ito sa kanya. Sininghot ang kanyang amoy sa kanyang leeg.
"Bumalik ka na nga. Binalikan mo ako." Anito, "Matutuwa ang mga anak natin kapag makita ka nila. Miss na miss ka na ng kambal."
Nanggigigil nitong hinigpitan ang yakap sa kanya. Humiwalay ito ng yakap at ilang ulit na binigyan ng halik ang kanyang mga labi. Smack lang naman pero nagugulat pa rin siya. Napatawa si Zync.
Mahinang pinisil nito ang kanyang ilong. Napaigtad siya.
"Bakit naging magugulatin ka na ngayon, mahal ko?" muli itong yumakap sa kanya. "Cherié, huwag mo na akong iwan ha? Gusto mo na bang umuwi sa bahay natin?"
Hindi pa rin siya umimik pero lumiwanag ang kanyang mukha at may kakaibang kislap na sa kanyang mga mata. Zync chuckled and kissed her again.
Binalingan nito si Mojica, "Tita? Pwede na ba kaming umuwi?" tanong ni Zync. "The twins are waiting for us."
Tumingin si Mojica sa kanya. Naroon pa rin ang kakaibang emosyon sa mga mata ng kanyang tiyahin. Matagal silang nakatitigan na tila nag-uusap sila sa pamamagitan ng titigan. Tipid itong ngumiti sa kanya bago ito umiwas at bumuntong hininga.
"Yes."
Mabilis na tumayo si Zync at marahan siyang hinila.
"Tara." Aya nito kina Sia.
"T-teka! Ako ang nagdala sa kanya rito—" habol ni Sophia.
Lumingon si Zync sa babae, "Maraming salamat, Sophia. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Pero kailangan ko na siyang iuwi sa bahay namin. Si Al na lang kakausap sa 'yo. Hinihintay na kami ng mga anak namin. Pwede mo siyang mabisita sa bahay kung gusto mo." Nakangiting wika nito. "At siya nga pala, pwede bang pumunta ka sa opisina sa lunes? If you still want it, I would want to work with you."
Walang nagawa si Sophia kundi tumango na lang, "Sige kung 'yan ang gusto mo."
Nagkatitigan silang dalawa ni Sophia. Nabasa niya ang takot nito sa mga mata. Naputol ang titigan nila nang lumapit ang kanyang tiyahin sa kanya.
Muli siyang niyakap ni Mojica, "Masaya akong nakita kang muli, pamangkin ko." Anito.
Inalalayan siya ni Zync palabas ng bahay. Nakasunod naman ang kanilang mga tauhan. Paglabas nila, maayos nang nakagarahe ang kotse ni Zync.
Sasama pauwi sa kanila sina Sia at Ryleen. Nakaupo na siya ngayon sa passenger seat ng kotse ni Zync na yupi ang unahan. Kumaway si Mojica sa kanya.
Napatingin naman siya kay Morry na kanina pa tahimik. Nagtama ang kanilang mga paningin. Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. Parehong blanko ang kanilang mga mata. Bigla itong ngumisi at umiwas ng tingin.
"Mahal ko, are you ready?" tanong nito sa kanya. Napatingin siya sa lalaki. Tipid siyang tumango.
"Sige." Mahinang niyang sambit. Ngumiti ito nang malaki at muling nagnakas ng halik sa kanya. Natatawang lumayo ito dahil nagulat na naman siya.
Nakangiting nagmaneho si Zync habang pauwi na sila sa Clementin Mansion.
**
"Daddy?!" malakas na hiyaw ni Arra ang sumalubong sa kanila nang makarating sila sa mansion.
Napangiti si Zync nang makita ang kambal na nakaupo sa sofa. Ang naaantok na mukha ng dalawa ay biglang lumiwanag nang makita si Zync.
"Where have you been, Daddy?" tanong ni Arri. Naglakad ito papalapit sa kanya. Yumuko siya saka kinarga ang kambal sa kanyang magkabilang braso. Agad naman itong yumakap sa kanya.
"Nagising ako po. I heard you going out." Nakangusong ani Arra.
"Can we sleep in your room, Daddy?" malambing na saad ni Arri.
"My champs, I have a surprise for you." Maligayang aniya. Mabilis na nag-angat ng tingin ang kambal na may maliwanag na mga mukha.
"Really? Ano 'yon po, Daddy?!" ani Arra.
Ngumiti nang malakas si Arri, "Can we see it now, Daddy?"
"Yes champs."
Umikot si Zync para lumingon sa main door. Nakatayo roon sila Sia at Ryleen. Mabagal na gumili ang dalawa at sabay hiyaw ng "Surprise!"
Namilog ang mga mata ng kambal nang makita kung sino ang kanilang kasama. Naglumikot ang mga ito sa hawak ni Zync. Natatawang binaba niya ang mga bata.
**
Nang gumilid sina Sia ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Zync habang karga-karga ang kambal. Napatitig siya sa kambal. Bakas ang saya sa mga mukha nito.
Tumakbo ito tungo sa kanya, "Mom?!" hiyaw ng dalawa.
Yumakap ang dalawa sa kanyang mga hita. Nanigas siya. Nakatingala ang mga ito sa kanya. Napatitig siya sa mga mukha ng kambal.
Bumuka ang bibig niya ngunit walang salitang namutawi. Habang nagtitigan sila ng kambal ay narinig nilang nagsalita si Zync.
"She's home, Champs. Your mother is finally home."
-End of Chapter 36-
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love,
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro