Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

33: CHERUBIM


Survey lang. Okay lang ba ang flow ng story mula Book 1 hanggang dito? Ano ang masasabi niyo? Hindi ba boring? Hindi ba nakakalito ang pangyayari? Salamat sa mga sasagot. Mwah!

'Gonna update two chapters tonight... maganda mood ko. Nyaaar!


Chapter 33: CHERUBIM

Enjoy reading!

3rd.

"Why did you want me here?" matigas na tanong ni Zync sa matandang si Diego Dolor na nakahiga sa kama nito.

Inatake ito sa puso no'ng isang linggo dahil sa isang masamang balita at ngayon ay nakaratay ito sa kama ngunit nanatili lang ito sa sariling bahay para magpagaling. May mga nakakabit na aparatu sa matanda.

Tila nakabunot ng pag-asa si Diego Dolor nang makitang pumasok si Zync sa silid nito.

"Z-zync O-orlando."

Tinugunan niya ito ng simpleng tango lamang. Labag sa loob niyang pumunta rito. May importante pa siyang meeting na pina-cancel para lang sa matanda. Kung hindi lang siya kinonsensya ng sekretarya nito ay hindi siya pupunta.

"What do you need from me?" tanong niya.

Ngumiti nang malungkot ang matanda, "My family was trapped in France." Mahinang anito. Nakaramdam naman siya ng awa kay Diego. Kaya pala inatake ito sa puso.

"I'm sorry."

"Tama nga ang sabi nila na kapag nawala ang mga bagay na hindi mo pinagtutuunan ng pansin, you would realized their worth. Nagsisisi akong hindi ako naging mabuting ama sa pamilya ko. At ngayon, aanhin ko ang perang pagmamay-ari ko para tulungan sila? Wala akong magawa."

Gustong mapairap ni Zync at sang-ayonan ang sinasabi ng matanda. Masama talaga ang ugali ng matandang 'to. Masyadong mapagmataas at sinasamba ang kapangyarihan ng pera. Isa ito sa mga kontra sa kanyang pamumuno sa OC. Ngunit naaawa siya rito kaya pinili niyang makinig at manahimik na lamang.

"Si Sophia... kung sana ay matulungan mo akong hanapin ang anak ko." Tumulo ang luha ng matanda.

'Di niya na napigilang umirap. Nakita iyon ng matanda ngunit isinawalang-bahala na lang nito.

"Maawa ka, hijo. Tulungan mo ako." Inabot nito ang kanyang kamay ngunit mabilis niyang inilayo iyon.

Tumikhim siya, "I am sorry for what happened to your family, Mr. Dolor but you're wrong that you are helpless. Why don't you use your money and connection for finding your daughter? Look, I have to be honest with you. May mas importanteng bagay pa akong dapat pagtuunan ng pansin kaysa d'yan."

Nalungkot naman ang matanda sa kanyang sinabi, "Dahil ba 'to sa mga ginawa ko sa 'yo sa kompanya? I am sorry for what I've done, hijo. Sana mapatawad mo ako at matulungan mo."

"Heto na lang, I will refer you to a trouble-shooting security agency—"

"But I want you to do it yourself!" Biglang tumaas ang boses nito.

Tumaas ang kilay at napangisi si Zync, "You think you can fool me? Nagsisisi ho ba talaga kayo sa nangyari sa pamilya niyo or you'll gonna use this for your own advantage? I am Zync Orlando and it is not my responsibility to follow your orders. I knew this kind of scheme." Galit na wika ni Zync.

Tumigas ang hilatsa ni Diego at umakto pa itong hinawakan ang dibdib na tila kumirot ang puso nito.

"I cancelled an important meeting for a nonsense thing. Hindi niyo ako maloloko. I have a conglomerate to attend, I have kids to take care and I have a wife to find. Kaya hindi ko na maiisingit ang paghahanap sa nawawala mong anak."

Natigilan ang matanda, "Kids? Wife?"

"Yes, Mr. Diego Dolor. I have a wife and kids. So please, spare me from your scheme. If you are regretting for the sins you've done, please regret truly. Matanda ka na, malapit ka nang lumisan pero hinahayaan mo pa ring tumubo 'yang sungay mo. Stop it before it's too late."

Tumalim ang mata ng matanda. "How dare you!"

Eksaheradong umirap si Zync, "Don't stress yourself, Mr. Diego Dolor. Why don't you focus on your health and let your money do the thing about your daughter? I don't have much time to stay here. I have to go now my kids are waiting for me." Aniya saka pailing-iling na lumabas sa silid.

Ngunit huminto siya saka nilingon ito, "By the way, Mr. Matt Remedy bought the 10% shares of Director Guanzon. Sana magpagaling ka para makasama kang i-welcome siya."

Napabalikwas ng bangon ang matanda, "What?! You let that mongrel enter the conglomerates?! Are you out of your mind?! Hindi pwede! I'll buy the shares myself! Do something, Zync Orlando!"

"I'm sorry but I already got 15% shares from Remedy Internationals. How's that sound for a partnership? Cool isn't it?" nakangising aniya.

Napahawak ang matanda sa dibdib. Sarap tapyasan parang si Don Emilio Siquia na lolo ni Joaquin na kabit ni Lucia Joaquin.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?! You're putting Orlando Conglomerates to grave, Zync Orlando! Remedy is a ruthless bastard and he is connected to an underground organization of criminals! Ilalagay mo ang sa kahihiyan ang buong kompanya! Kilala mo ba ang asawa niya?! She's a manipulative b*tch! She will get everything put on her hands!"

"Tsismoso ka rin 'no?" untag niya. "You know what, you can be charged libel. Don't point your finger to someone and tell him he's a criminal when your four fingers are pointing at you showing that you're worst."

Tumalikod siyang muli saka lumabas na ng silid.

"Zync Orlando! Kung akala mo maiisahan mo kami! Hindi mangyayari 'yon!"

Napaismid si Zync at napakamot ng ulo, "Kaya ayaw ko nang manuod ng Ang Probinsyano eh. Naaalala ko si Don Emilio sa matandang 'yon. Ang plastic." Bulong niya.

*****

Isang umaga nagkagulo ang Remedy Mansion dahil sa biglang pagwawala ni Reina.

"Aaaaaaaaa!" malakas niyang sigaw habang pinagbabato ang mga gamit sa sala. Nanlilisik ang mga mata niya na halatang wala sa pokus. Her pupils were dilated. Her eyebrows were creased. Her lips were twitched. Her teeth were gritted. The veins on her neck surfaced through her skin. Her screaming voice echoed the whole place.

"Mojica! What's wrong with her?!" sigaw ni Theus.

Ni isa sa kanila ay walang makalapit dahil umiigkas ang mga kamay at paa niyang atakehin ang kung sino man ang magtangka. Wasak na halos lahat ng gamit sa sala. Hindi hinayaan ng mga bantay na makapunta siya sa ibang parte ng mansion. Ilang bantay na rin ang nawawalan ng malay gawa ni Reina.

Sinubukan ni Morry na lapitan siya ngunit sinugod niya ito. Nahuli niya ang leeg ng babae. Hindi na nakawala si Morry nang tinulak niya ito habang hawak pa rin ang leeg hanggang sa maisandal niya ito sa pader. Sa lakas ng impact ay nagkaroon ng lamat ang pader.

Halos mandilim naman ang paningin ni Morry. Namumula na rin ang buong mukha niya.

"R-reina. D-don't kill me."

Nagtama ang mga mata nilang dalawa. There's no recognition on her eyes, they were blank. Even the color of her eyes turned into darkest shade of blue. Hinawakan ni Morry ang kamay niyang nakahawak sa leeg nito.

"Potty!" tumakbo si Theus saka hinawakan ang balikat ni Reina. Sinubukan nitong hilahin siya palayo kay Morry ngunit bahagya lang siyang tumagilid saka malakas na sinipa sa dibdib ang binata. Tumilapon ito at tumama ang ulo sa basag na vase. Dumaloy agad ang dugo mula sa nasugatang ulo. Agad itong dinaluhan ng mga tauhan nila.

Sinipa siya ni Morry kaya lumuwag ang kapit niya dito. Nagpumiglas ito kaya nakawala ang babae sa kanya. Tumakbo si Morry palayo sa kanya at napahiga sa sahig habang habol ang hininga.

Hinanap ng mga mata ni Reina si Morry nang makita niya ito ay tumakbo siya tungo sa babae. Sinalubong siya ng mga bantay at sinubukang pigilan. Nagawa siyang hawakan ng mga nito. Limang bantay pa ang kinailangan para mapigilan siya.

"Do something!" nanghihinang sigaw ni Theus kay Mojica na nanatiling nakatayo sa gilid.

Titig na titig lang ito sa kanya, "Let her go." Sambit ni Mojica. Hindi agad sumunod ang mga bantay na tila nag-aalangan pa.

Naglakad papalapit si Mojica kay Reina. Tila isang mabangis na hayop naman siya habang hawak-hawak ng mga bantay. Nang makalapit ay inabot ng tiyahin ang kanyang pisnge. Ngunit hindi pa man nakakadantay ang mga daliri nito sa balat niya ay kinagat niya ang kamay ng tiyahin.

Nabigla ang lahat nang malakas na sinampal ni Mojica si Reina. Mas lalo siyang nanggalaiti at sinubukang sugurin ang tiyahin ngunit bigo dahil sa higpit ng hawak ng mga bantay sa kanya.

"Bring her to the procedure room."

Nang madala sa PR ay may kinuhang gamot si Mojica saka ito ininject kat Reina na nakagapos sa isang recliner bed. Unti-unti siyang kumalma at nakatulog.

Binalingan ni Mojica sina Theus at Morry. "Theus, ipagamot mo ang ulo mo." Anito.

"Tell me, ano ang nangyari sa kanya? Bakit siya nagkagano'n?" tanong ni Theus.

"I thought the procedures went well?" tulirong tanong ni Morry na nakatingin kay Reina na nag-aalala.

"It was an incipient reaction of her brain after I transmitted the data from VC chip. Most likely, she will go violent and that's what you've witnessed. Her brain will be blocked for the mean time as her system adjusts with the memories and maturity of the two main organs. She will be in pain." Paliwanag ni Mojica.

"What?! Bakit—"

Tinaas ni Mojica ang daliri sa harap ni Theus kasabay ng matalim na tingin. Natahimik naman ang binata na nakaramadam ng takot sa madrasta.

"Get out and mend your wounds."

Walang nagawa si Theus kundi lumabas ng PR. Nanatili naman si Morry. Nag-usap silang dalawa ni Mojica tungkol sa nangyayari kay Reina.

Pagkalipas ng ilang oras ay nagising si Reina. Akala nila ay magwawala na naman ito. Ngunit umupo lang ito at nakatulala sa kawalan. Sinubukan ni Morry na kausapin si Reina ngunit tila wala itong naririnig o nakikita man lang. Miminsan lang din itong kumurap.

"What's happening?" hindi mapakaling tanong ni Morry na ginagalaw-galaw ang mga kamay ni Reina.

"It's an immediate reaction, Morisette. Hayaan na lang muna natin siya. Don't worry, she'll be fine."

Two weeks later...

"Mojica! Ang sabi mo magiging okay na siya?! Bakit hanggang ngayon tulala pa rin siya?! Hindi nagsasalita! Hindi gumagalaw! Kinailangan pang igalaw siya ng iba. Ano ang ginawa mo sa kanya?" bulyaw ni Theus nang makapasok siya sa office ni Mojica.

Malakas nitong hinampas ang desk at masamang tinitigan ang madrasta.

"Get out." Malumanay na saad ni Mojica na hindi man lang nililingon ang step son.

"You're torturing her! You said that the procedures were all successful but look at her now, she's suffering! Ni hindi natin alam kung ano ang nararamdaman niya dahil nakatulala lang siya."

Binagsak ni Mojica ang kamay sa mesa at sinamaan ng tingin si Theus. "Get out and go to the company. You have a meeting with Zync Orlando today for the deal."

Nagtagis ang bagang ni Theus, "I will never have a deal with him!" matigas na wika nito.

Ngumisi si Mojica, "In case you don't remember, the company is still under your father's name. He will be the one to decide. You will be on that meeting because you will observe the transaction. See how a businessman does his thing. See how great Zync is."

"You're being manipulative again! Halos lahat ay dapat naaayon sa kagustuhan mo. Pati si Daddy ay sunod-sunuran sa 'yo. Kung nagawa mong utuin si Zync, hindi ako magiging tanga Mojica." He retorted with so much conviction.

Natawa nang mahina ang madrasta, "Really? Let's see then... tingnan natin kung saan ka dadalhin ng pinagyayabang mo. Your Daddy and Zync did not follow my will nor I ordered them to do so, those two great men agree with me because they knew that I am right and probably gonna achieve their goals as businessman. They're just using their brains, Mattheus. Their brains son, not just their tongues."

Napapikit si Theus sa pagpipigil ng inis dahil sa hindi direktang pang-iinsulto ng madrasta.

"Don't act stupid when you're not and don't prove me I'm right."

Bumakas ang galit sa mukha ni Theus, "Just make sure that Reina will be alright or else I will hinder you with your plans. Try me, Mojica."

"Is that a threat? If it is, you're just wasting your effort to look scary. Stop it, Theus. You cannot stop me. Get out."

Padabog na lumabas ng opisina ni Mojica si Theus. Bumuga ng hangin ang ginang at napasapo sa noo.

**

"Lola! Lola! Lola!" umalingawngaw ang sigaw ni Pula sa buong mansion isang madaling araw. "Lola Mojica! Waaaa! Looow-lah!"

"Stop shouting, Pula. What's with the fuss?" ani Mojica na alimpungatan. Kakababa lang galing sa second floor.

"Lola! Si Madam Weina! Nawawala na naman!"

Nanlaki ang mga mata ni Mojica. Tumakbo ito sa PR at marahas binuksan ang pinto. Napakuyom ang kamao nito nang wala na nga roon si Reina.

"Find my niece, now!" sigaw ni Mojica.

Many weeks have passed they've found no trace of Reina.

*****

Isang babae ang tumatakbo sa gitna ng kagubatan sa kailaliman ng gabi. Nakasuot siya nang mahaba at puting bestida na nagkapunit-punit. Nasira na rin and straps ng kanyang sandals na kulay puti at puno na rin ito ng putik. Patuloy siya sa mabilis na pagtakbo na walang direksyon.

Hindi niya alam kung saan siya tutungo. Ang gusto niya lang ay makalayo sa kanyang pinanggalingan. Hindi niya alam kung paano niya narating ang lugar na ito. Kailangan niyang lumayo. 'Yan ang paulit-ulit na sinasambit ng kanyang isipan.

Napaigtad siya nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Kumubli siya sa isang malaking puno at hingal na hingal na sinapo ang dibdib.

Tumingala siya at bumungad sa kanya ang nakatunghay na bilog na bilog na buwan. Kumuyom ang kanyang kamao.

"Kailangan kong lumayo." Mahinang bulong niya.

Nang tumigil ang putokan ay mabilis siyang tumakbo muli. Dini-diretso niya lang ang daan.

Hindi pinapansin ang mga sugat at galos sa katawan na nakuha sa mga bato at sanga ng kahoy. Napaigik siya nang madapa siya ngunit muli siyang tumayo. Hawak-hawak ang balikat dahil sa sugat na nakuha sa bato nang madapa.

Nanlalaki ang mga mata niya nang makarinig nang mabibilis na yabag papalapit sa kinaroroonan niya. Nakarinig din siya nang tunog na galing sa talon.

"Stop right there!" malakas na sigaw ng taong humahabol sa kanya.

Walang pagdalawang isip na tinalon niya ang basin ng isang malaking falls. Lumangoy siya pailalim at pumunta sa ilalim mismo ng malakas na tubig ng talon. Doon siya kumubli at hinintay ang susunod na gagawin ng mga taong humahabol sa kanya.

Tatlong babae at dalawang lalaki ang nakatunghay sa tubig. May kanya-kanyang hawak na baril. Masama ang tingin na ipinukol niya sa mga taong ito dahil sa malaking logo sa suot nilang uniporme.

Napaigtad siya nang pinaulanan ng mga taong ito ang tubig sa talon. Pati na rin sa gawi niya kaya mabilis siyang kumubli sa malaking bato at doon hinintay ang paglisan ng mga nito.

Habol ang hiningang sumandal siya sa malaking bato.

"I-I need to go home. I-I need to go home." Paulit-ulit niyang sambit. "Z-zync... I am going home." Napapikit siya dahil sa pagod.

Tatlong oras siyang nakatulog sa malaking bato. Nanginginig na lumabas siya sa pinagtataguan nang masigurong wala na ang humahabol sa kanya. Nilibot niya ang tingin para hanapin ang daan palabas ng gubat at palayo sa lugar na ito.

Apat na lugar lang ang pwede niyang daanan. Daan pabalik, sa kaliwa, sa kanan at ang malaking bangin ng talon. Sa kagustuhang makalayo sa lugar ay inakyat niya ang mabatong bangin. Unti-unti nang bumababa ang malaking buwan. Kaya kailangan niyang makaalis nang hindi pa sumisikat ang araw.

Nang sa wakas ay makaayat siya mabilis siya tumakbo pababa ng gubat. Umusbong ang pag-asa sa kanyang dibdib nang makakita nang kalsada. Halos gumulong na siya pababa dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo.

Huminto siya nang makatungtong siya sa kalsada. Nagpalinga-linga siya para tingnan kung kanan o kaliwa ba ang daang tatahakin. Ngunit napatingin siya sa gubat sa kabila ng kalsada. Lumingon siya sa likod at napagdesisyonang tahakin ang panibagong kagubatan.

Mabilis siyang tumakbo roon. Ilang beses siyang nadapa at gumulong-gulong. Puno na rin siya ng pasa at sugat sa buong katawan ngunit dapat hindi siya titigil. Namamanhid na ang kanyang buong katawan kung kaya't wala siyang maramdaman sakit. Nanganganib ang kanyang buhay at kailangan niyang tuluyang makalayo. Kailangan niyang makauwi.

Tuluyang lumubog ang bilog na buwan at maya-maya ay sisikat na ang haring araw. Kahit pagod at nagugutom na ay mas dinoble niya ang bilis ng kanyang pagtakbo. Unti-unti nang lumiwanag at narating niya ang isang dalampasigan.

Huminto siya at nilibot ang mga mata sa paligid. Hindi niya alam kung nasaan siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta para makauwi. Ang tanging nasa isipan niya ay kailangan niya makalayo rito at makauwi.

"I need to go home." Bulong niya.

Umusbong ang kaba sa dibdib niya nang makakita ng dalawang lalaki na may katandaan na. Nakasuot ang mga ito ng kupas na maong pants na nakatupi hanggang sa tuhod. Parehong nakasuot ng manipis at lumang sweatshirt. May bitbit ang mga itong balde at may sukbit na bag sa likod.

Masayang nag-uusap ang dalawang mama ngunit hindi niya maintindihan ang lenggwaheng ginagamit nila. Mabilis siyang tumakbo at nagtago sa isang bangka. Subalit, nakita na siya ng dalawang mama.

Nadapa siya at hindi agad nakatayo. Tumakbo naman dalawang mama sa kanya at tinulungan siya. Napaigtad siya sa gulat at takot na lumayo sa dalawang mama.

Nakita niya ang awa at pagtataka sa mga mata nito nang makita ang kabuuan niya. Nagsasalita ang dalawa ngunit wala siyang ni isang maintindihan. Parang naintindihan naman ng dalawa na natatakot siya kaya marahan siya nitong inamo. Nang makuha ang loob niya ay agad siyang tinulungan ng dalawang mama na makatayo.

Tila naging balisa naman ang dalawang mama at nagpalinga-linga. Nag-uusap pa rin ang mga ito.

"Baka isa siya sa mga bihag." Wika ng mamang nasa kanan niya gamit ang kanilang lenggwahe.

"Kailangan natin siyang maitago."

"Pero madadamay tayo."

"Hahayaan na lang ba natin siyang mamatay dito o kunin ulit nila? Tulungan natin siyang makatakas dito sa lugar na 'to. Mukha siyang dayuhan."

Tumahimik ang taong nasa kanan niya at tumango na lang sa sinabi ng kasama. Hinayaan niyang bitbitin siya ng mga nito. Dinala siya nila sa isang kubo. Sinalubong naman sila agad ng isang ginang.

"Diyos ko! Sino siya at ano ang nangyari?"

"Nakita namin siya sa dalampasigan. Mukhang isa siyang bihag nila at nakatakas."

"Dali-dali. Ipasok niyo siya."

Pinasok siya ng mga nito sa isang maliit na silid at pinahiga sa papag.

"Ano ang pangalan mo?" tanong ng ginang na puno ng awa ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Umiling siya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"Hindi ko kayo maintindihan." Sagot niya sa wikang tagalog ngunit umiling din ang ginang dahil hindi rin siya nito naiintindihan.

Bumuntong hininga na lang ito at tinulungan siyang maglinis sa sarili. Pinahiram siya nito ng damit. Isang malaking kupas na pantalon at manipis na kamison saka pinatungan ng malaking lumang long sleeve. Kagaya ng mga suot ng mga ito.

Isang manipis na tali ang ginamit niyang sinturon dahil masyadong maluwang pantalon. Nagsasalita ang ginang at nanatili siyang tahimik.

Pinakain siya ng ginang ng kanin at sinabawang isda. Marami ang nakain niya dahil sa sobrang gutom. Nang makatapos ay pinaupo siya ng ginang sa upuan sa harapan nito.

Malalim siyang tinitigan ng ginang. Masuyong hinawakan nito ang kanyang pisnge. Ngumiti ito nang malungkot. Nagbaba naman siya ng tingin. Ayaw niyang tingnan siya nitong naaawa. Hindi niya matanggap na kinaaawaan siya.

"Napakagandang bata. Mabuti at nakatakas ka sa kanila nang buhay. Ano ba ang pangalan mo?"

Nakangiting hinawakan nito ang mahaba at golden blonde niyang buhok. Tinitigan niya ng ginang.

"Philippines." Sambit niya kahit hindi niya alam kung ano ang tinanong nito.

Natahimik naman ang ginang para mag-isip, "Sa bansang 'yon ka nanggaling? Paano ka nakarating dito sa amin?"

"Home. Philippines." Muling niyang sambit. Tumango ang matanda.

"Huwag kang mag-alala. May kakilala akong Filipina. Makikisuyo akong tulungan kang makaalis dito at makauwi sa inyo. Sa ngayon, matulog ka na muna."

Dala na rin sa pagod ay mabilis siyang nakatulog.

**

Nagising siya dahil sa marahang tapik sa kanyang pisnge. Napabalikwas siya ng bangon at umatras palayo sa taong gumising sa kanya. Isa itong magandang babae na may magarang kasuotan. Hindi niya ito kilala.

"Glad, I've found you." Nakangiting wika nito.

"Who are you?!" matigas niyang tanong dito.

"This is me... don't you remember me? It's me Cherubim of Phantom Gang. The one you'd saved from my own gang. This is me, Sophia." Nakangiti pa ring sagot nito sa kanya. Kumunot ang noo niya at tinitigan ang babae.

"S-sophia?"

Tumango ito at mas lalong lumawak ang ngiti.

"Yes and you are the Wing Regal. I am here to bring you back home."

-End of Chapter 33-

Thank you for reading freaks. God bless us all.

Hugs and kisses,

CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro