31: MAMA
Napaaga ang update dahil hindi ko alam kung kailan ang susunod na update. May importanteng bagay akong dapat pagtuunan ng pansin. Hindi ako magtatagal. Dontchawori!
Chapter 31: MAMA
Enjoy reading!
ZYNC ORLANDO
"You have beautiful kids."
Sinulyapan ko si Sophia na nakahiga sa katabi kong beach bed na nakatingin sa kambal na naglalaro sa buhanginan kasama si Ryleen at Allius.
Binalik ko ang tingin sa mga bata, "Because they've got a very beautiful mother." Napapangiti kong sagot. An image of Katarina smiling cross my mind.
"Daddy!" sigaw ni Arra, kumaway-kaway ito sa 'kin. "Look! Galing ako gawa castle!" tinuro nito ang sand castle na gawa niya.
"That's nice, baby!" balik kong sigaw. Bumalik ito sa paglalaro. Natawa pa ako nang dinaganan ni Arra ang gawang sand castle ni Ryleen, tuwang-tuwa naman si Allius. Dahil sa ginawa ni Arra ay sinira ni Arri ang gawa ng kakambal.
Magsusuntokan na sana sila nang umawat si Ryleen. Napailing ako. Hindi na ako nagugulat sa kambal dahil parati ko silang naabutang nagbubunuan pero hindi naman umaabot na magkakapikonan sila o magkasakitan nang sobra.
Pero ang pinakamalalang away-bata nilang dalawa ay 'yong naabutan kong nagsapakan sila nang tunay na naging dahilan kung bakit nabungi si Arri. Takot na takot ako no'n dahil ayaw tumigil sa pagdurugo ang gums ni Arri pero hindi man lang umiyak. Ang dahilan ng away nila ay kung sino ang nagmana sa akin kaya naguilty ako nang sobra.
"I wonder who their mother is and why she's not here with us." Wika ni Sophia. Muli akong napatingin sa kanya.
Ngumiti siya nang matamis sa akin at tumayo. Natigilan pa ako nang walang pasabing hinubad niya ang suot niyang cover up at tumambad sa akin ang katawan niyang tanging red bikini ang suot.
"Behave your eyes, Mr. Orlando."
Napaiwas agad ako at tumikhim. Rinig kong tumawa si Sophia.
"Alam kong maganda ang katawan ko kaya mag-ingat ka baka maituloy ko ang plano kong maging isang Orlando gamit 'to. Ang gwapo mo pa naman kahit saang anggulo."
Sinamaan ko siya ng tingin pero tumalikod lang siya at tumakbo na papunta sa dagat. All eyes were on her. Mapalalaki man o babae. Inaamin kong napakaganda ng kurba ng katawan ni Sophia na kakainggitan ng mga babae at pinapantasya ng mga lalaki... but it looks normal for me. Walang epekto. Walang kahit anong pagnanasa.
Pero bigla akong napapikit nang may isang malabong eksena ang biglang sumulpot sa aking isipan.
Madilim ang paligid, tanging ang sinag ng bilog na buwan at kinang ng mga bituin ang nagbibigay liwanag sa paligid. Ang tunog ng mapayapang alon ng dagat ang naririnig sa kailaliman ng gabi. May isang babaeng walang saplot na nakatalikod ang marahang naglalakad tungo sa piling ng dagat.
Napakaganda ng katawan nito kahit malabo, ngunit kahit hindi klaro ang kanyang imahe ay kitang-kita ang ko ang isang napakagandang guhit sa likuran ng babae nang hinawi niya ang kanyang napakahabang buhok. Isang pares ng malaki at magandang pakpak.
Unti-unting naging klaro ang paligid kasabay no'n ang unti-unting paglingon sa akin ng babae...
Napabalikwas ako ng bangon nang may biglang tumama sa aking mukha. Ramdamn na ramdam ko ang pagtalbog ng kung ano sa mukha ko. Nasapo ko ang aking ulo nang kumirot ito dahil sa biglaang pagbangon.
"Waaa! Sowi po!" sigaw ng isang babae na nagtatakbo tungo sa kinaroroonan ko at may pinulot sa gilid ng kinahihigaan kong bench. Bitbit ang beach ball ay tumakbo ito palayo sa akin.
Muli kong binagsak ang katawan ko at napapikit. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Kung hindi lang dahil sa bolang tumama sa mukha ko, ede sana... bigla akong napamulat nang maalala ang napanaginipan ko. Ede sana, nakita ko na ang mukha ng babaeng 'yon!
Napabalikwas ulit ako ng bangon nang maalala ko ang eksena sa panaginip ko. Si Katarina! Siya ang babae sa panaginip ko. Sigurado ako. Kanya ang tattoo'ng iyon. Hinilot ko ang sentido ko at pilit inalala kung nangyari ba ng tunay ang panaginip na iyon noon. Pero wala, wala akong maalalang may nangyaring gano'n.
"Teka, nasaan ang mga bata?" nilibot ko ang tingin ko at napaigtad sa gulat nang makita ko si Kurt na seryosong nakaupo sa aking gilid na nakatitig sa akin. Walang emosyon ang mukha niya at tila kanina pa nakatuon ang mata sa akin.
"Kanina ka pa ba d'yan? Ano ang ginagawa mo?"
Umiwas ito ng tingin, "Binabantayan ka po, Sir."
"What?!" napalatak ako, "You don't need to guard me!"
Nalukot ang mukha ko, kung binabantayan niya ako? Bakit may tumamang bola sa mukha ko?
"Ilang babae na po ang nagtangkang lapitan ka at samantalahin ang pagkakataong natutulog ka."
Umismid ako sa kanya, "Kung gano'n, bakit may tumamang bola sa mukha ko na gawa no'ng babae kanina?"
"Napadaan lang ho 'yong babae kanina at tinulak no'ng isang babae na nagtangkang lumapit sa inyo kaya tumalbog ang hawak niyang bola sa mukha mo."
"At hinayaan mo talagang tumalbog ang bola sa mukha ko?! Alam mo bang naputol ang panaginip ko?"
Asar akong tumayo at sinamaan siya ng tingin. Nagkamot siya ng ulo.
"Sorry po, Sir. May nakita lang po kasi ako."
"Sabihin mo, gusto mo lang talagang makaganti sa akin sa pang-aalila ko sa 'yo."
Mabilis siyang umiling, "Hindi ako gano'n, Sir ah."
"Bakit ka nga pala nandito? Anong oras na? Nasaan si Sophia? Teka... ang mga anak ko nasaan?"
Muli kong nilibot ang tingin at nakitang wala na roon sa pwesto ang kambal at sina Ryleen.
"Nandito po ako kasi nga binabantayan kita. Kanina pa po kayo natutulog dito, mga higit isang oras na. Si Ma'am Sophia po, nando'n na sa conference. Pinaalis niya po ako kasi ayaw niyang bumubuntot ako sa kanya. At ang mga anak niyo po..." tinuro niya ang isang parte beach. "Ayon oh."
Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya at nakahinga ako nang maluwag nang makita sina Arra at Arri naglalaro. Teka?!
"Sino 'yang kasama nila?!" bulalas ko at pilit tinatanaw ang gawi nlia.
Tumayo si Kurt, "Kasama nila si Miss Ryleen kanina, Sir."
"Nasaan ang mga bantay ng mga anak ko?!"
"Sir, pinaalis niyo po kanina para mag-enjoy sila sa beach." Paalala niya. "Ayon po oh." Sinundan ko ang tinuro niya at nakita ang mga kasama naming nagba-banana boat. Napaismid ako.
"Aish."
Tinitigan ko ang kambal na gumagawa ng sand castle. Mataas na ang nagawa nila kaya hindi ko kita 'yong kasama nila na natabunan nito. Tumatawa ang kambal at halatang sobrang saya nila sa ginagawa kasama ang isang estranghero.
Napatingin ako sa maliit na batang kasama nila na tumatakbo sa kanilang paligid. Ilang beses pa itong nadadapa pero mabilis nakakatayo. Pamilyar ang batang 'yon ah. Mukhang magkalapit lang ang edad nila ni Allius.
Bahagyang tumayo 'yong kasama nilang natatabunan ng sand castle at nakita ko ang blonde na buhok. Isang babae ang kasama nila. Sa pagtayo nito habang bahagyang nakayuko ay natabunan ang mukha nito sa mahabang buhok kaya hindi ko nakita.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang babaeng gumugulo sa aking isipin simula kahapon sa pagdating namin dito. Nagmadali akong lumapit doon. I need to see her face!
"Arra! Arri!" sigaw ko sa pangalan ng kambal. Sabay na tumayo at tumingin sa gawi ko ang kambal na parehong may malaking ngiti.
Kumaway sila, "Daddy!" sabay nilang sigaw.
Napahinto ako sa paglalakad nang tumuwid ng tayo ang babaeng blonde ngunit nakatagilid mula sa gawi ko. Lilingon na sana ito sa akin nang biglang may nadapang babae sa harapan ko at ang maganda pa tumalsik ang mga buhangin sa mukha ko dahil sa malakas niyang pagkabagsak.
"Aww." Daing ko nang mapuwing ako. "Shit! Ang sakit!" Maraming buhangin ang nakapasok.
"Sowi po. Sowi po." Rinig kong sabi ng babae, "Hindi pa ang tamang owas pawa magkita kayo." Bulong nito ngunit narinig ko pa rin bago ko naramdamang tumakbo ito palayo.
"Daddy!"
"Sir. Ayos lang po ba kayo?!"
Naramdaman ko ang pag-akay ni Kurt sa akin pabalik sa beach bed.
"Ang mga bata, Kurt." Sabi ko, "Ayos lang ako. Puwing lang 'to."
"Loko-loko talaga ng babaeng 'yon. Tsk." Rinig kong untag ni Kurt pagkatapos niya akong iniupo sa beach bed.
"Kilala mo ba 'yon, Kurt?"
"Siya po 'yong babaeng may bitbit na bolang tumalbog sa mukha mo, Sir."
"Baka nagpapansin lang?"
"Mukhang hindi ka naman po type no'n. Ni hindi nga ho tumitingin sa mukha niyo eh. Tinulak na naman po siya ng babaeng natapakan niya dahil 'di niya nakita nakalibing ito sa buhangin."
Napasimangot na lang ako. Naramdaman ko ang pamilyar na paghawak sa pisnge ko. At alam kong kay Arra ang mga kamay na ito.
"Arra baby."
"Daddy, hihipan po ako sa eyes mo." Aniya, natawa ako dahil sa pilit niyang tagalog.
"Will you do that for Daddy, baby?"
"Yes po, Daddy. Ayaw kita saktan eh. Saktan din ako."
Marahan kong minulat ang mga mata ko at binuklat iyon ni Arra. Hinipan niya ang kanang mata ko pero muli akong napapikit nang imbis hangin, laway ang pumasok sa mata ko.
"You spit on Daddy's eyes, Arra." Ani Arri, "Let me."
"Daddy, me na lang po."
Binuklat ni Arri ang mga mata ko at nakita kong may hawak siyang puting panyo. Hindi niya hinipan kundi marahan niyang inalis ang buhangin sa mga mata ko gamit ang panyo.
Pagkatapos ay may inabot sa kanyang eye drops si Kurt at nilagyan nila ako.
"Wow, galing ko naman." Saad ni Arra na nakatingin sa kakambal.
Ngumuso si Arri, "You're praising yourself, Arra."
"I did not."
"Yes, you did."
"Daddy oh. Sabi po ko diba na galing ako but Arri isn't grateful!"
Natawa ako at ginulo ang buhok niya.
"Baby, you didn't say it correctly. It should be, 'galing mo naman.' It's mo baby. Mo means you and Ko means me. Anyway, thank you little champs for helping Daddy."
**
"Sino 'yong babae at baby na kasama niyo kanina?" tanong ko sa kambal na pareho nang bagsak sa kama. Bakas ang pagod sa mga mukha nila pero gising pa rin. I sat on the edge of the bed.
Nakatingin lang sila sa akin.
"Arra? Arri? Please tell Daddy, who was that woman with you? Diba sabi ko sa inyo that don't talk to strangers?"
"She's beautiful and nice." Sagot ni Arri na unti-unti nang tinatangay ng antok.
"I miss her already." Sabi naman ni Arra na nakapikit na ang mga mata.
Bumuntong hininga ako at inayos ang kumot nila. Kanina ko pa sila tinatanong kung sino ang babaeng 'yon pero hindi sila sumasagot ng direkta. I even asked Ryleen but she said na hindi niya kilala pero nang tinanong ko kung bakit niya iniwan ang kambal sa babaeng 'yon, Ryleen said, "She's nice and can be trusted, Kuya."
Napalingon ako sa pinto nang may marahang kumatok doon. Tahimik akong naglakad at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang matamlay na mukha ni Sia ngunit may nakapaskil na maliit na ngiti sa mga labi. Nagulat ako at nakaramdam ng tuwa nang sa wakas may ngiti na muli ang mga labi niya.
Sa tulong ni Ryleen ay unti-unti na ring bumabalik sa amin si Sia. Nadagdagan na rin ang timbang niya kahit papa'no. Sumasabay na siya sa aming kumain.
"Sia? Gabi na ah. What are you doing here?"
Yumuko siya sandali saka muli akong tiningnan na may naluluhang mga mata.
"Teka? What's wrong? Where's Al? What happened, Sia?" taranta kong tanong saka hinawakan siya sa balikat.
But she embraced me instead and she started sobbing silently. I hugged her back and gently caressed her back.
"Sia, pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang problema?"
Nag-aalala ako. I've seen Sia at her worst, at ayoko nang makitang muli iyon. Yes, she's maybe strong but she's too fragile. She's breakable and hard to be fixed.
"Z-zync... malapit na siyang babalik." She said in between her sobs.
Matagal bago ko naintindihan ang sinabi niya. Hinawakan ko ang balikat niya saka hinarap ang mukha niya sa akin.
"What do you mean, Sia?"
Ngumiti siya habang tumutulo ang luha.
"K-kaunting tiis na lang, Zync. M-makikita na natin siya." Garagal ang boses na aniya at magsasalita pa sana ako nang bigla siyang nawalan ng malay.
Agad kong siyang pinangko at kinarga pabalik sa kanilang kwarto ni Al habang naguguluhan sa mga sinabi ni Sia.
"Al, ano ang nangyayari?" tanong ko sa kanya nang mabuksan niya ang pinto ng kanilang kwarto. Tipid lang siyang ngumiti pero hindi ako sinagot. Kinuha niya si Sia mula sa akin.
"Salamat Zync. Good night." Sinarado niya ang pinto.
Walang magawang bumalik ako sa kwarto namin ng kambal. Bago pumasok sa loob ay napatingin ako sa east wing ng hotel floor na ito. Nakita ko ang isang lalaking pamilyar ang mukha ang nakatayo roon at nakatingin sa akin.
Kakaiba ang tingin niya na tila ba may pinapahiwatig. Nilabanan ko ang tingin niya nang bigla siyang ngumisi na para bang nangunguyam sa akin. Tumalim ang tingin ko saka umiwas ng tingin at pumasok ng kwarto. Problema ng lalaking 'yon?
******
Hindi ako mapakali. Nanginginig ang mga tuhod ko.
"Zync, please calm down." Marahas kong nilingon si Sophia nang sabihin niya iyon.
"Calm down?! You're telling me to calm down when it's been five hours already since my twins went missing?! I will calm down if you could bring my kids back!" 'di ko maiwasang sigawan siya.
"I'm sorry." Tumulo ang luha niya, "Hindi ko sinasadya. Kinakausap ko lang 'yong tindera ng mga souvenirs nang paglingon ko wala na sila."
"I shouldn't have trusted you!" sigaw ko. Wala akong pakialam kong babae siya. "I shouldn't have let them go with you!"
Binalingan ko ang bantay na kasama nila kanina, "You! Ikaw ang bantay nila, bakit mo hinayaang mawala sila sa paningin mo?! Wala kang kwenta!"
Nilapitan ko ito at marahas na kinwelyuhan, "Ano ang ginawa mo kanina?! Bakit nawala ang kambal?! Anong klaseng agent ka?!" hindi ko napigilang masuntok ito sa mukha. Yumuko lang ito at 'di nagsalita dahil sa takot na rin kay Sia na kasama namin dito sa suite.
"Z-zync. I-it's not his fault."
Umatras ako palayo sa bantay saka matalim na tiningnan ang kamay na nakahawak sa braso ko. Malakas kong tinabig iyon at binalingan si Sophia. Ayaw na ayaw kong manigaw ng babae pero ngayon dahil sa galit at kabang nararamdaman ko, 'di ko mapigilang pagbuntunan siya lalo na't siya ang kasama ng kambal nang mawala sila.
"Oo! Hindi niya kasalanan dahil kasalanan mo ito! Tandaan mo 'to Sophia, kapag may nangyaring masama sa mga anak ko pagsisihan mong nakilala mo ako." Dinuro ko siya kaya napaatras siya palayo sa akin.
"H-hindi ko naman 'yon ginusto eh. N-nasa likod ko lang sila! B-binayaran ko kasi ang pinabili nilang-"
"Shut up! I'm not buying any of your reasons! Pinagkatiwalaan kita! I told you to keep your eyes on them! Bakit mo sila hinayaang nakatayo sa likod mo?! Sinadya mo ba 'to?"
Nilapitan ko siya.
"Zync." Naramdaman ko ang malamyos na hawak si Sia sa balikat ko. Napapikit ako at pinilit kumalma. Nanlulumong tiningnan ko siya.
"Sia... ang kambal nawawala. Ano ang gagawin ko? Sia, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanila." Napaupo ako sa paanan ng kama at sinapo ang buong mukha.
Hindi ko alam kung paano kami umabot sa sitwasyong 'to.
Kaninang umaga may nakasalubong akong isang business man. Ang may-ari ng Remedy Internationals. Si Matt Remedy na isang invited speaker para sa business conference na ginaganap dito sa hotel.
Naalala kong siya ang asawa ni Professor Mojica na tiyahin ni Katarina. Dahil minsan lang ang pagkakataong makaharap ko si Matt Remedy ay nagpa-register ako sa conference. Nang matapos ang session kanina ay nag-usap kaming dalawa sa pribado.
Hinabilin ko ang kambal kay Sia at Al sa buong umaga at kaninang after lunch sinabi ni Sophia na siya na ang bahala sa kambal total wala namang afternoon session kaya ipinagkatiwala ko sila sa kanya.
Pero wala pang isang oras simula nang magkasama sila ng kambal, umiiyak na kumatok si Sophia sa hotel suite ko at sinabing nawawala ang kambal.
"W-why don't we ask for help to the police?" rinig kong tanong ni Sophia na garagal pa rin ang boses.
Police? At ano, magiging usap-usapan na naman ako sa madla? Malalaman ng lahat ang tungkol sa kambal at magiging magulo ang buhay nila! Paano kung malaman nilang anak ni Katarina ang kambal?! Pagkakaguluhan sila ng mga media pati na ng gobyerno kapag nalaman nilang Clementin sila.
"Do you think they could help?!" puno ng sarkastikong ani ko.
"Of course! Madali natin silang mahahanap. We could use the social media-"
"Pwede bang tumahimik ka na lang d'yan?" sita ni Sia sa babae. "Alam mo ang sitwasyon ni Zync. We can't let the police and the media be involve in this. Tumahimik ka na lang d'yan dahil sa totoo lang kanina pa nangangati ang kamay kong sakalin ka! Ipanalangin mong maayos lang ang kambal kung hindi ako mismo ang papatay sa 'yo. I don't fvcking care who you are!"
"H-hindi ko naman kasi sinadya. I'm sorry."
"I fcvking said shut up! Shut up! Shut up! Fvcking shut up! We don't need your sorry. Sinasadya mo man o hindi. Kasalanan mo 'to! We will fvcking blame you for this! I changed my mind of killing you 'coz I will make your fvcking life a hell instead!"
Nilapitan ni Sia ang agent na nakayuko. Malakas niya itong sinapak. Agad dumugo ang ilong nito.
"You! You will be fvcking detained in the punishment room for two weeks! Get out! Get your fvcking face out of here!"
Ramdam kong galit na galit na si Sia kaya inangat ko ang ulo ko at hinawakan ang braso niya. Ang matalim na mga mata niya ay lumamlam nang bumaling sa akin. Marahan niyang hinaplos ang pisnge ko kaya napayakap ako sa kanya.
"S-sia. I'll die if something bad happens to them. I will never forgive myself." Hinaplos niya ang likod ko.
"Z-zync, tumawag na ng back up si Al. Nasa control room siya ngayon ng hotel at chineck ang CCTV recordings. Mahahanap din natin ang kambal. They'll be fine."
Humiwalay ako sa kanya. Inis na ginulo ko ang buhok ko saka nilagay ang dalawang palad sa likod ng aking ulo at napayuko.
"This is my fault. Masyado akong nagpakampante! I shouldn't have trusted that woman!" binalingan ko si Sophia, "Sabihin mo ang totoo, Sophia. Kalaban ka ba?! Are you into something against me?!"
Nanlaki ang mga mata niya at tila nasaktan sa pambibintang ko, "N-no. Of course not! Hindi ako kalaban."
"Huwag na huwag mo akong matraydor, Sophia dahil sa oras na malaman kong kalaban ka. Patawarin ako ng Diyos sa gagawin ko sa 'yo."
Umiwas siya ng tingin saka nakayukong umiyak.
Bumukas ang pinto kaya napatayo ako. Nakita ko si Kurt na pumasok.
"Kurt? Have you found them?"
Umiling siya saka yumuko, "Hindi pa ho namin sila nahahanap, Sir. The CCTV recordings were corrupted. There are deleted parts. We found out na may limang bata rin ang nawawala. Bali pito silang lahat. They are also guests from here at anak ng mga negosyanteng delegates sa conference. Nakausap na namin ang mga magulang ng mga bata ng huwag tumawag ng pulis pati na rin ang management ng hotel. Dumating na rin ang team na pinatawag ni Sir Al-"
Hindi ko na pinatos ang sinasabi niya at malakas ko siyang tinulak saka ako kumaripas ng takbo palabas ng suite.
I have to look for them! Hindi ko kakayaning may mangyaring masama sa kambal. Ikakamatay ko! Nawala na nga si Katarina sa akin pati ba naman sila. I need to find them! Hindi ako mapapanatag kapag hindi ko sila mahahawakan.
"Zync! Come back here!"
"Sir! Delikado ho!"
Huminto ako saka hinarap sila, "No! Hayaan niyo akong mahanap ang mga anak ko! Ikakamatay ko kung may mangyaring masama sa kanila! Please... hayaan niyo ako. Maawa kayo, kailangan ko silang makita." Tumulo ang luha ko.
Tumango si Sia sa akin kaya muli akong naglakad papunta sa elevator at hindi na pinansin kahit sigaw pa ng sigaw si Sophia.
"Bakit mo siya hahayaan?! Baka mapano si Zync!"
"Shut the fvck up, woman!"
**
Narating ko ang lobby ng hotel. Pinagtitinginan na rin ako ng ibang guests at mga staffs dahil siguro sa luhaan kong mukha. Lalabas na sana ako nang may humarang sa aking isang hotel staff.
"Mr. Orlando? I am Gina, the general manager of this hotel. Pwede ho ba kayong sumama sa office ko? Nando'n po ang ibang mga magulang ng mga batang nawawala pati na rin ang mga tauhan niyo."
"Let's go."
Sinundan ko ito hanggang sa narating namin ang kanyang opisina. Pagkapasok ko, bumungad sa akin ang mga magulang ng mga batang nawawala na umiiyak din lalo na 'yong mga nanay. Bakas ang pag-alala at takot sa kanilang mga mukha.
"Zync." Binalingan ko si Al sa gilid katabi niya ang ilang agents ng Dark Quarter.
"Any update, Al?" mahinang tanong ko.
"It's a kidnap for ransom syndicate, Zync. Planado ang lahat. Dalawang staff ng hotel at tatlong guest ang mga suspect dahil nakita sila huling nakasama ng ibang batang nawawala. We've already done a background check and it's positive that they're part of the syndicate."
"Then what are we waiting for?! I need to see my kids! Limang oras na silang nawawala Al! Magdidilim na! Baka takot na takot na ang mga anak ko. Baka nagugutom na sila." Nanlulumong napaupo ako sa isang silya. Nakarinig pa ako ng singhapan sa silid.
"Tina-track na namin ang location nila. Fortunately, may tracking device na nakakabit sa anak ni Mr. Chiu."
Napatango na lang ako kay Al. Ramdam ko ang titig ng mga kasama ko dito sa silid kaya nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata nila.
"Zync Orlando." Sambit ng isang lalaking nasa mid40s na siguro.
Kilala ko ito. Isa siya sa mga naging business partner ko.
"Felix Chiu." Tumango ako sa kanya.
"May mga anak ka na pala? How?- I mean... bakit hindi namin alam."
"Bakit kailangan mo bang malaman?" kinunotan ko siya ng kilay.
Pilit siyang ngumiti, "I didn't mean to sound like that. I was just surprised. Akala ko binata ka pa."
"You know the life that we have. Being on top has its perks yet dangerous." Tumango naman siya na tila sang-ayon sa sinabi ko.
Napapikit ako. Sana makita na namin sila. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag magtagal pa ito. Maya-maya pa ay may tumawag sa telepono ni Mr. Chiu.
"Hello? What?! Nasaan ang anak ko?! What do you want?"
Nagmadaling lumapit ang isang agent sa ginoo saka kinabitan ng device ang cellphone nito. Napatayo naman ako. Ni-loud speaker nila ang tawag.
[Nagsumbong ba kayo sa mga pulis?]
Kinabahan si Mr. Chiu, "Hindi. Nasaan ang mga anak namin?"
[Kasama mo d'yan ang ibang magulang ng mga bata? Kung gano'n. Magaling. Huwag na huwag kang tumawag ng police kundi patay ang mga bata. Madali lang naman kaming kausap at maliit na halaga ng pera ang kailangan namin. 50 million bawat ulo ng bata. Bibigyan ko kayo ng dalawang oras para maghanda. Ite-text ko sa 'yo ang mga detalye. Pero sa oras na hindi kayo sumunod sa gusto namin, patay ang limang batang hawak namin.] Then the call ended.
"Limang bata?!" bulalas ko. Napatingin silang lahat sa akin. "Limang bata?! Tama ba ang narinig ko, Al?! Diba dapat pito? Nasaan ang kambal ko?!"
Biglang umikot ang paligid ko. Napahawak ako kay Al.
And everything around me went black.
*****
3rd.
"Arra! Don't run!" saway ni Arri sa kakambal.
"We need to madali dahil the kids are in danger." Turan nito pero hindi na ito tumatakbo. Sinabayan nito ang mabagal na lakad ng kakambal. "It's getting dark na."
"Sabi ako kasi sa 'yo na we should tell Daddy or Tito Al that we saw those bad guys taking those five kids. Tinakasan pa natin si Kuya bantay at si Tita Sophia." Saad ni Arri.
"But we can save them! We're brave and strong and... and I'm pretty."
Ngumuso lang at hindi na umimik si Arri. Nagpatuloy sa paglalakad sa makulimlim na kalsada ang kambal, binabaybay ang highway kung saan dumaan ang itim na van bitbit ang limang batang kinidnap kanina.
Napakamot si Arra ng ulo nang marating nila ang isang intersection. Hindi nila alam kung saan dumaan ang van. Higit apat na oras na kasi ang nakakaraan.
Masamang tiningnan naman ni Arri ang kakambal, "Where should we go now?"
Ngumuso si Arra, "May be here. No, there. No. We should take this road." Halos lahat ng pwedeng daanan ay tinuro na ng batang babae.
Napapadyak si Arri, "Gutom ako na Arra. How can we go back to Daddy?" napapalabi na sumalampak ito sa gilid ng kalsada. Malapit na itong umiyak.
"But... the kids. Stand up na ikaw please. We should save them. C'mon Arri, stand up. We will go left. I could feel that they took this road." Patango-tangong anito. Nagsimula na itong maglakad sa tungo sa kaliwa.
"Arra! Stop! It's not our responsibility to save them! Maybe their Mommy and Daddy are already looking for them. Baka worried na atin si Daddy! Kanina pa ako at ikaw palakad-lakad. Pagod ako na."
"B-but I want to be a hero. I want to save people!" Ungot ni Arra saka naglakad pabalik sa kakambal. Umupo rin ito sa tabi ni Arri na nakanguso.
"I'm hungry na." ani Arri. "Dilim na rin."
Tuluyang nilamon ng gabi ang paligid. Nakasalampak pa rin sa gilid ng kalsada ang kambal. Iilan lang ang sasakyang dumaan, hindi pa sila napansin dahil may malaking bato sa gilid nila. Hindi rin naman pumapara ang kambal.
Nakatulog si Arra habang nakatingin sa kawalan si Arri.
"Mama. We need you." Bulong ng batang lalaki na unti-unti na ring tinatangay ng antok dahil sa pagod at gutom sa kakalakad.
**
"Pula, malayo pa ba?" malumanay na tanong ni Reina sa babae na nagmamaneho.
"Malayo pa pewo dito tayo sa kabilang wawt dumaan pawa showtcut." Tumango naman si Reina saka marahang tinapik-tapik ang puwitan ni Zyncai na natutulog sa kanyang kandungan. Pinili ni Pula ang isang route para makarating agad sa hotel. Gabi na kasi.
Galing sila sa kabilang bayan dahil may pinuntahang malayong pamilya si Pula roon para bumisita sandali. Sumama sila ni Zyncai na pinayagan naman ni Theus dahil busy ang binata sa conference kasama ang ama nito. Ngayon pabalik na sila sa Subic.
"Hala." Sambit ni Pula. Napansin ni Reina na bumagal ang kanilang takbo.
"May problema ba?" tanong niya rito. Hindi sumagot si Pula pero hininto nito ang kotse.
"Pawang may nakita ako." Nalilitong saad nito at napakamot-kamot.
"Ano 'yon?"
"Madam, babalik tayo ha. May titingnan lang ako."
Tumango siya. Inatras ni Pula ang kotse, ni hindi man lang nag-abalang mag- U turn. Maya-maya pa huminto ito muli.
Napatingin muli si Reina kay Pula nang OA itong suminghap.
"What's wrong?"
Hindi ito nagsalita bagkus ay may tinuro ito sa gilid ng kalsada. Napatingin doon si Reina. Kumunot ang noo niya nang makakita ng dalawang bata na nakahiga sa gilid ng malaking bato.
"Patay na ba sila?" ani Pula.
Marahang binaba ni Reina si Zyncai sa upuan saka siya nagmadaling lumabas ng kotse. Sumunod naman si Pula. Nilapitan niya ang dalawang bata. Humihinga pa naman at mukhang natutulog lang.
"Arra? Arri?" takang tanong ni Reina nang makita ang mukha ng dalawang bata.
Nakikilala niya ito. Ito ang mga batang nakalaro nila ni Zyncai sa resort kahapon. Marahan niyang hinaplos ang mukha ng dalawang bata. Nagmulat si Arri. Napangiti ito nang makita ang mukha niya.
"Mama." Mahinang tawag ng bata. Hindi niya alam pero napangiti siya.
Nang makasalubong niya ang kambal habang naglalakad sila sa dalampasigan ni Zyncai kahapon ay tinawag siya ng mga nito na Mama at hinayaan na lang niya dahil natutuwa siya rito.
Pansin niya ring parang may kamukha ang mga bata na malapit sa kanya pero hindi niya matukoy. Tahimik naman si Pula na nakatingin pero bakas sa mga mata nitong natutuwa sa nakikita.
"Carry Arra, please." Utos niya kay Pula nang kinarga niya si Arri, agad din itong tumalima.
Iniupo niya si Arri sa tabi ni Zyncai saka siya pumasok. Muli niyang kinarga ang natutulog na bata. Agad namang sumandal si Arri sa kanyang tagiliran. Inihiga ni Pula ang natutulog na si Arra sa tabi ni Reina at iniunan ito sa hita niya.
"Umalis na tayo, Pula." Aniya.
"What happened, Arri? Paano kayo nakarating doon?" tanong niya sa batang nakasandal sa kanya. Hinaplos niya ang pisnge nito. Agad namang kinwento ng bata ang lahat ng nangyari habang taimtim siyang nakikinig.
"You shouldn't have done that. Paano kung hindi namin kayo nadaanan? O kung iba ang makakuha sa inyo?" nag-aalalang tanong niya.
"I knew you'll come for us, Mama." Yumakap ito sa kanya. "I love you, Mama."
"I love you, too." Wala sa sariling sagot niya. "Just don't do it again, okay?"
*****
ZYNC ORLANDO
"Damn! Damn! Damn!" sunod-sunod kong sinuntok ang pader.
Alas otso na ng gabi pero wala! Hindi pa rin sila nakikita! Wala sila sa mga batang kinidnap na ngayon ay nire-rescue na ng mga agents ng DQ.
"Z-zync. Don't hurt yourself please." Pumulupot ang mga braso nito sa katawan ko para yumakap. Malakas din ang hagulgol nito. Marahas kong inalis ang mga braso ni Sophia sa akin.
"Don't touch me! Get out!"
Umiiyak siyang lumabas sa suite namin ng kambal. Nanatiling kaming tahimik na tatlo ni Sia at Ryleen. Natutulog naman si Allius sa kama.
Maya-maya pa ay may kumatok. Tumayo si Ryleen para buksan ito.
"Pula?" may binanggit si Ryleen pero hindi ko naintindihan kung ano iyon.
"Who's that, Ryleen?" tanong ko.
"Daddy?"
Malakas na kumabog ang aking dibdib nang marinig ang boses ni Arri. Mabilis akong tumayo at tumakbo sa pinto. Bumungad sa akin ang isang babaeng pula ang buhok na puno ng tattoo na karga-karga si Arra na tulog at sa gilid nito ay si Arri na nakahawak sa kamay ng babae.
"Champs!" sigaw ko at agad kinarga si Arri. Mabilis ko ring sinambot si Arra sa babae. Mahigpit ko silang niyakap.
Pagkalipas ng ilang sandali ay kaharap na namin ang babaeng may bitbit sa kambal. Nakatingin kaming lahat sa kanya at naghihintay sa kanyang sasabihin. Kanina ko pa rin napapansin ang tinginan nilang dalawa ni Ryleen.
"Ako si Pula, dalawampu't tatlong taong gulang. Galing sa magulong lugaw ng Tondo. Ulilang lubos at tanging highschool lang ang natapos. Ngunit may isang mabait at pinagpalang babae ang tumulong sa akin at umahon sa akin sa kahiwapan..."
Matiyaga kaming nakinig sa talambuhay ni Pula. Hindi ko alam kung bakit niya kini-kwento sa amin ang buong buhay niya. Napasapo na lang si Ryleen sa kanyang noo, kunot-noo si Sia habang ako ay naghihintay sabihin niya kung paanong nasa kanya ang kambal.
"Iyon nga dahil mabait siyang lubos tinulungan niya ako..."
Napahikab ako.
Hanggang sa narinig ko na ang gusto kong ikwento niya.
"...napansin kong may mga katawang nakahiga sa gilid ng daan kaya bumalik kami at nakita namin ang kambal. Dahil mabait si Madam, kinuha niya ang kambal saka dinala pabalik dito. Alam naming anak mo, Siw Owlando ang kambal dahil nakita ka naming kasama sila."
Napagtanto kong bulol siya. Bago siya umalis ay sobrang nagpasalamat ako sa kanya. Nayakap ko pa siya nang mahigpit.
"Ouch! Huwag po. Ang dede ko, naiipit." Tinulak niya ako. Humingi naman ako ng paumanhin.
"Pwede ko bang makilala si Madam nang mapasalamatan ko siya?"
Nanlaki ang mga mata niya, "Hindi pa ang tamang owas!" bulalas niya saka kumaripas ng takbo palabas ng suite.
**
Kinabukasan ay napagpasyahan kong umuwi na kami sa Buevo kahit na sa susunod na araw pa dapat ang uwi namin. Nakausap ko na rin si Sophia na lubos ang paghingi ng tawad. Humingi rin ako ng tawad dahil sa sigaw ko at nasabi sa kanya pero hindi na maibabalik ang tiwala ko. Kaya maiiwan siya sa conference at pagkatapos nito ay hindi na siya lalapit sa akin.
Nauna na ang kambal sa kotse dahil naiwan akong nag-check out. Lakad-takbo akong tumungo sa parking lot ngunit natigilan nang may nahagip ang aking mga mata...
I was standing meters away from the car where she was sitting at the backseat. It was just a sideview of her but thanks for the opened door. I was able to witness a glorious scene of her with a little boy being cradled by her soft yet firm arms. Even with our distance, I could tell that the little boy was greedy as he got himself full with her milk.
Napatulala na lang ako sa magandang tanawing ito.
Who's that blonde woman? It's her again. It's her. Who are you? Why do I feel like I would want to fall deep with this kind of view? My heart is going wild. This is crazy. Could anyone tell me that I am crazy because I am actually praying that she will turn to look at me?
Gusto kong makita ang buong mukha niya. Hinihintay kong lumingon siya pero biglang may taong sumarado ng pinto ng kotse. Napatingin ako sa taong iyon.
Mattheus Remedy. Anak ni Matt Remedy.
Seryoso siyang nakatingin din sa akin. Tila may gustong ipahiwatig ang mga tingin niya at hindi ko nagugustuhan ang mga ito. Nakaramdam ako ng panibugho sa hindi malamang dahilan. Napakuyom ang kamao ko nang ngumisi siya bago ako tinalikuran at sumakay sa kotseng iyon.
Kaano-ano niya ang babaeng iyon? Mag-ina niya ba sila? Asawa niya ba ang babaeng 'yon? Anak ba niya ang bata?
"Damn, why do I feel jealous?"
-End of Chapter 31-
This was supposed two chapters pero dahil may gasgas utak ko naging Chapter 31 na lang siya. Excited na akong magkita sina Zync at Reina eh! Bahaha! Kaya this is quite long than my usual word count.
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro