Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

30: BLONDE


Chapter 30: BLONDE
Enjoy reading!

3rd.

"Where are we going, Pula?" tanong ni Reina kay Pula na busy sa pag-iimpake. Pinatong muna nito ang summer dress na tinupi sa ibabaw ng nakabukas na maleta bago siya hinarap at sagutin.

"To the beach!" Pula answered enthusiastically.

"Where?"

"To the beach!"

Nagsalubong ang kilay ni Reina. Maya-maya pa ay nagsimula nang sumayaw si Pula sa harap niya.

"Tigilan mo nga 'yan. Baliw 'to." Natatawang sita ni Reina sa dito. Tumigil naman si Pula at nginitian siya nang malapad.

Sa mga nakalipas na buwan, halata ang mga pagbabago kay Reina. Ang kilos, pananalita at ang pagtanggap niya sa bagay-bagay sa kanyang paligid.

Ngunit nanatili pa ring bata ang pag-iisip niya. On-going pa rin naman ang Transmission Procedures na ginagawa ni Mojica sa kanya. Ngunit wala pa rin siyang may naaalala sa mga nangyari sa buhay niya bilang si Katarina Zenkiah noon o kahit ang alaala mismo ng kakambal niya.

Kung ibabase sa edad ang kundisyon niya ngayon ay nasa 12 years old ang maturity ng utak niya along with her heart.

Pinagpatuloy ni Pula ang pag-iimpake ng mga damit ni Reina. Pumasok naman si Theus sa kwarto niya kaya napangiti siya nang malaki nang makita si Zyncai na karga nito.

"Hey." Bati nito.

"Sa'n kayo galing?" tanong niya dito. Binaba ni Theus si Zyncai, mabilis naman itong naglakad papalapit sa kanya habang tumatawa.

"Amma!" utal na sambit ng isang taong gulang na bata. Pinangko niya ito at kinandong. Umupo naman sa tabi niya si Theus.

"Nagpaalam lang kami kay Mojica." Malambing na wika nito saka sumandal sa kanyang balikat.

Nag-alarm naman bigla ang radar ni Pula at matang-lawin na binalingan si Theus.

Dinuro nito ang binata, "Don't that ha! Don't that!" sita nito na may matinis na tinig.

Umingos si Theus at lumayo kay Reina na nilalaro si Zyncai.

"Pumayag siya na sasama kami?" tanong niya sa binata.

Ngumiti ito, "Oo naman. Mas mabuti nga 'yon para makapunta ka na ng beach."

Napangiti siya. It's gonna be her first time going to the beach.

"Sino ang makakasama natin?"

"Tayo lang apat. Ikaw, ako, si Zyncai at si Yaya." Nakangising anito.

"Yaya? Sino naman 'yan? Hindi kasama si Pula? Ayaw ko no'n. I want her to come with us." Nalungkot siya.

Tumawa si Theus at ninguso si Pula na nakatalikod pero laking gulat ni Theus nang may lumanding na tsinelas sa mukha nito.

"Bwiset ka!" anas ni Pula na may nangingitngit na ngipin. "I'm not yaya! Don't me!"

"Bwitetet." Sambit ni Zyncai na malutong na tumawa at tinuro si Pula. "Bwitetet!"

"Huwag kang magmuwa, liit ha!" saway ni Pula sa batang maliit.

"Yan kasi. 'Wag kang magmura sa harap ni Zyncai!" anas ni Theus.

"Kamuwa-muwa naman kasi ang mukha mo. Kaya 'wag kang lumapit-lapit sa aming tatlo."

"Baliw."

**

"Are you ready?" tanong ni Theus sa kanila. "It'll be a long ride but it will be worth it when get there."

"I am wedy!" masayang hiyaw ni Pula na karga si Zyncai na pumapalakpak.

"Wedy! Wedy!" paulit-ulit na sambit ng bata. "Wedy! Wedy!"

"No baby, it's ready." Pagtatama ni Theus kay Zyncai. "Rea-dy."

"Wedy!" malutong pa itong tumawa. Inismiran ni Theus si Pula na tuwang-tuwa.

"Kapag si Reina bumalik na sa sarili, patay ka. Gagawin mo pang bulol ang anak niya."

"Sus! Can't you see? Hindi lang siya tagapagmana ng mga angkang ng Owlando at ng Clementin, tagapagmana ko pa siya! Hahaha! Ang yaman-yaman ng baby liit namin na kamukhang-kamukha ni Bossing kaya inggit ang iba d'yan. Haha!" Tumatawang pumasok sa kotse si Pula at Zyncai habang naiwan na nakabusangot si Theus habang hinihintay si Reina.

Napangiti ang binata nang makita si Reina na naglalakad papalapit na may bitbit na paperbag. Nakasuot ng pink and flowery maxi dress ang babae. Nakalugay lang ang mahabang buhok. Nakasabit sa balikat ang isang sling bag at nakasuot ng pink flat sandals. Nakakahalina ang ganda niya kaya napatulala si Theus.

Agaw-pansin ang napakagandang golden blonde na buhok at ang asul niyang mga mata. Malumanay siyang nakangiti sa binatang titig na titig sa kanya.

"Aalis na ba tayo?" tanong niya dito pero nakatulala lang ang binata sa kanya. "Theus?"

"Hoy! Nai-stwoke ka ba d'yan?!" sinundot ni Pula ang tagiliran nito kaya napaigtad si Theus.

"Are you okay?" tanong ni Reina. Malapad na ngumiti si Theus saka tumango.

"Yeah. You're too beautiful, Reina." Pag-aamin nito.

Namula naman agad ang pisnge ni Reina at nahihiyang yumuko.

"Ale-le-le-le! 'Wag kang maniwala d'yan, Madame! Binobola ka lang n'yan!" singit ni Pula kaya napanguso si Reina habang sumama na naman ang timpla ng mukha ni Theus.

"What is that?" tanong ni Theus na nakaturo sa paper bag niyang bitbit.

Nakangiting itinaas iyon ni Reina, "Two-piece." Masayang saad niya.

Nalukot ang mukha ni Theus, "Sa'n mo 'yan nakuha?" may halong inis na saad nito.

"Wow! Luluwa na naman ang mata ng iba d'yan, Madame kapag sinuot mo na 'yan!" pang-aasar ni Pula. "Pahiwam ng isa d'yan ah nang ma-expose ang tinatagong alindog ko. Alam niyo minsan din akong naging siwena nang namimiwata pa ako." She reminisced.

Tumawa si Reina kay Pula habang wala namang paki si Theus.

"Morry gave me this a while ago before she left. Dalhin ko raw 'to kung saan tayo pupunta." Paliwanag niya.

"May I see." Inagaw ni Theus ang paper bag.

"Hoy! Hindi sa 'yo 'yan! Pakialamewo ka talaga!"

"Ale-le-le-le!" sambit naman ni Zyncai.

Binuklat ni Theus ang paper bag at nagsalubong ang kilay nang makita ang ilang box sa loob. Kinuha nito ang isa at nagulat nang makita ang logo ng box.

"What the hell?! Nagbebenta ng two piece ang Mc Donalds?!" bulalas nito.

"Hahahaha!" tawa ni Pula. "Langyang Mowi! Two piece fwied chicken pala!"

Nagtatakang nakatingin lang si Reina sa dalawa dahil wala siyang maintindihan.

"Ale-le-le-le!"

*****


ZYNC ORLANDO

"Hey bud!" hindi na ako nagulat nang dinambahan niya ako sa likod at inangkla ang braso sa leeg ko.

"Damn! Lumayo ka nga sa 'kin." Tinulak ko siya palayo. "We're not close. We're not friends. I am your boss!"

"Ang arte talaga." Reklamo niya. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

Napataas ang kilay ko nang makita ang suot niya.

"Hindi ka naman handa para mag-beach ano?" I sarcastically said. She rolled her eyes. She was wearing a skimpy summer dress with flip flops on.

"Oh c'mon! Tell me you're not excited to see the beach. Duh! Nakakasura kaya ang buildings, polluted air at traffic dito sa siyudad! Minsan lang tayo makakita ng dagat 'no! Kaya lubusin na natin! 6 hours per day lang naman ang activity ng event sa loob ng five days kaya napakahaba ng time para magliwaliw sa ilalim sa dagat!"

"Baka nakakalimutan mong representative ka ng Orlando Conglomerates at babantayan kita ro'n!" I reminded her. She frowned.

"Wala ka bang bilib sa isang Sophia Hanna Go Dolor?! Pinakita ko na sa 'yo ang mga achievements ko at mga produkto ng pagiging sobrang galing ko sa kahit anong bagay."

Napairap ako at naalala ang pagdala niya ng mga certificates, trophies, medals and diploma no'ng isang araw sa office ko. "Oh shut up. Just make sure, you don't mess up with my name and make everyone look up to Orlando Conglomerates!"

Nagmaktol siya saka tinitigan ako ng mula ulo hanggang paa, "Bakit ka pa kasi sasama?! I can handle it alone! Kung nag-aalala kang mapapahiya kita, don't worry bud... I'm still serious with my purpose of why I am doing this." Seryosong saad niya. "Gagawin ko ang lahat para magkita na kaming muli ng Wing Regal ng buhay ko!"

Umiwas ako ng tingin at humugot ng malalim na hininga, 'Sana nga magawa mong mapalabas siya, Sophia. Sana nga. Kahit hindi ako ang magiging rason ng pagbabalik niya kundi ikaw Sophia ay okay lang sa akin basta makita ko siyang muli. Ang mahalaga ay babalik siya.' Mahinang hiling ng puso ko.

That's why I decided to stick with Sophia. I am hopeless, desperate and determined. She's all I have now to find my way to Katarina.

"Pumasok ka na sa kotse, Sophia." Utos ko, nakangiting tinungo niya ang kotse ko. "Sa shotgun seat ka." Pahabol ko nang bubuksan niya na sana ang backseat. Bumubulong na pumasok siya ro'n.

Binuksan ko ang backseat at pumasok.

"Daddy!" hiyaw ng kambal. "We're so excited going to the beach, beach, beach!" pakantang dagdag ni Arra. Natawa ako. Pinangigilan ko ng halik ang kambal na tawa ng tawa.

"I can't believe what I'm seeing now." Binalingan ko si Sophia na nakalingon sa amin. "May anak ka na?!" nanlalaki ang mga matang tinuro niya ang kambal.

"Mmm." Nakangiting tango ko. "Champs, say hi to your tita Sophia." Sabi ko sa kambal.

Sabay silang lumingon sa kanya at ngumiti. "Hi Tita!"

Inalis ni Arra ang suot niyang sunglasses na halos kalahati na yata ng mukha niya ang natatabunan gano'n din si Arri.

"Oh my gosh!" tili ni Sophia habang nakaturo sa kambal. "Is this for real?! They look familiar! Saan ko nga nakita ang ganyang mga mukha?" napaisip siya.

Nakatingin lang ang kambal sa kanya na walang reaksyon. Lihim akong napangiti, 'Talagang pamilyar sila dahil ina nila ang hinahanap mo, Sophia. Ang babaeng mahal ko ang hinahanap mo.'

Bumukas ang driver seat at pumasok doon si Kurt na naka-aviators.

"Sir, nand'yan na po sila Ma'am Sia sa likod. Convoy na lang daw po tayo." Anito, tumango ako at lumingon sa likod. Nakita ko ang kotse roon ni Al. Napangiti na lang ako dahil napilit namin si Sia na sumama.

"Ano 'to, Zync?! Buong pamilya mo ang pupuntang Subic?" bulalas ni Sophia.

"Yes, we will spend our vacation there and you will attend the conference. Don't worry, Kurt will assist you."

"Aabsent ka sa opisina?"

"I filed a leave for a week." Binalingan ko si Kurt, "Let's go, Kurt." Tumango ito at pinaandar na ang kotse nang makausad na ang kotse ng bantay namin sa unahan.

Tumango-tango siya pero hindi pa rin mapuknat ang tingin niya sa kambal na busy sa kanya-kanyang gawa. Si Arra ay kumakain ng popcorn caramel flavor na nakatingin sa labas ng bintana at nakasuot ng headset habang si Arri naman ay nagbabasa sa kanyang kindle na nakikinig din ng music.

"Who's your wife?" mahinang tanong ni Sophia. "Hindi ako nainform na may asawa ka na pala." Tuluyan na siyang humarap habang nakaluhod sa upuan. "May plano pa naman sana akong pakasalan ka para sumikat ako sa business world. I heard kasi about the issue about you and the Slovenia's crown princess. You're too influential and popular, Zync. Totoo bang may relasyon kayo ng nawawalang prinsesa? May alam ka ba sa tunay na estado ng kaharian nila ngayon? Tapos narinig ko ring may koneksyon ka sa Dark Quarter security agency. Tibay mo!"

I glared at her. She's so straightforward.

"What? Don't look at me like that! Usap-usapan kaya kung ano at sino ka ngayon! Atsaka. Totoo naman 'yong plano kong pakasalan ka. I planned to seduce you kaya I'm wearing this dress kahit ayoko! Inutusan nga ako ni Daddy na akitin ka para makuha ko ang apelyido mo. Hehehe. Pero don't worry, hindi naman ako gano'n. Hindi kita type lalo na't may mga anak ka na pala. Ayokong maging kabit 'no. I-reto mo na lang ako sa ibang mga kakilala mong binata na kasing sikat at maimpluwensya gaya mo."

Hindi agad ako nakasagot dahil parang nawindang ako sa pinagsasabi ng babaeng 'to, "Sit properly, Sophia. The car is moving already. Please, wear your seatbelt."

Ngumuso siya at umayos ng upo. "You did not answer my question, Zync." Ungot niya.

"I invoke my right to remain silent." Sagot ko, napalatak siya.

"Andaya. Andamot. Ansama. Anpanget."

"I can hear you, Sophia."

"I intended to be heard." She retorted.

Hindi na ako umimik at pinagtuunan ko na lang ng pansin ang kambal na nakaupo sa magkabilang gilid ko. Sumandal na kasi ang dalawa sa akin at unti-unti nang tinatangay ng antok.

Pagkalipas ng ilang oras ay nagising ang kambal habang ako ay hindi man lang inantok. Nakatulog na si Sophia kaya wala ng ingay. Kanina pa kasi siya kanta ng kanta na wala naman sa tono. Kinukulit niya rin si Kurt na hindi naman siya pinapansin.

Kurt Laymir Rivera has been my secretary for 10 months now. He's the best secretary for me. Kurt's also an Intel agent from Dark Quarter. Hindi na kasi bumalik si Jillian dahil ayaw ng asawa niyang magtrabaho na inaprubahan ko naman. Kahit ako, kung kaya ko namang buhayin ang pamilya ko, ayaw ko nang pagtrabahuin ang asawa ko at masyadong magulo ngayon ang paligid ko, ayaw ko siyang madamay.

"Where na po tayo, Daddy?" tanong ni Arri habang nagkukusot ng mata. Marahang hinawi ko ang kamay niya sa mata.

"Don't rub your eyes too much, Arri. You might get hurt." Saway ko, tumango naman siya. "Malapit na tayo, kiddo. Just hang on there."

"Okay po." Saka nagbasa ulit sa kindle niya. He was reading poetry.

Bumalik naman sa pagtulog si Arra na kumandong na sa akin. Hinawi ko ang buhok niya, habang tumatagal ay mas nagiging light ang pagka-brown ng buhok niya, malapit na itong maging blonde. Si Arri naman ay gano'n pa rin, dark brown.

Tumigil ang kotse kaya napatingin ako sa harap.

"What's wrong, Kurt?" May mga kotseng nakaharang sa harapan. "What's the commotion about?"

Napansin ko ang mga bantay naming agents na dumaan sa gilid ng kotse at pumunta sa komosyon. As usual, marami kaming bantay na dala.

"Sir, lalabas lang po ako." Paalam ni Kurt. Kaya napatingin ako sa kanya.

Sa paglabas niya ay napansin ko rin ang isang kotse na tumigil sa tabi namin. Bumukas ang passenger seat saka lumabas doon ang isang babaeng pula ang buhok at tadtad ng tattoo. She looks familiar. Tumungo rin ito sa komosyon sa harap.

Nagulat ako nang makarinig ng sunod-sunod na putok galing sa unahan namin. Nagising ang kambal pati si Sophia.

"What was that?!"

Nakita ko sila Kurt na tumatakbo pabalik sa mga kotse. Nang makapasok siya, "May nangyayari pong shoot out, Sir. May hold up incident po. We need to escape bago tayo madamay."

Tama siya. Hindi kami dapat madamay. Hindi dahil takot ako sa bala kundi dahil siguradong magiging laman na naman ako ng balita kapag may nakakakilala sa akin. Ayaw ko rin madamay ang kambal na hanggang ngayon ay tinatago ko sa publiko.

Mabilis minaniubra ni Kurt ang kotse. Niliko niya ito sa kaliwa. Akala ko mababangga namin 'yong kotse na tumabi sa amin, gayon pala ay mabilis din itong lumiko para makaalis sa pwesto.

Pero natigilan ako nang makita kong bukas ang bintana sa back seat sa pagliko nito. I saw blonde girl sitting at the back seat, looking ahead yet she looks calm. Dumagundong ang tibok ng puso ko.

Hindi ko na napansin na nakalayo na pala kami sa gulo at binabaybay na namin ang alternate route papuntang Subic.

"Daddy." Nagitla ako at nakabalik sa huwisyo nang hinawakan ni Arra ang pisnge ko.

"Are you okay?" tanong ni Sophia. Wala sa sariling tumango ako.

Binalingan ko si Kurt, "Did you see that car na katabi natin kanina?" I asked him.

"What car, Sir?"

"The white car na nasa unahan natin kanina nang umalis tayo ro'n sa shoot out?"

Sandali siyang nag-isip, "Oh yes, Sir. Naalala ko. Nauna na po 'yong kotseng tinutukoy niyo, Sir. May naka-convoy din po sa kanilang mga kotse kaya nahuli tayo dahil sa convoy natin."

Hindi ako sumagot. I can't name what I am feeling now. That girl, she looks really familiar. Hindi ako mapakali. Gusto kong makita ang buong mukha niya at makumpirma ang hinala ko.

"Did they take the same route, Kurt?"

"Yes sir."

Nagkaroon ako ng pag-asa. Maaaring sa Subic din ang punta nila.

"Why are you asking, Zync? What's with that car?" Sophia asked.

"Nothing. Parang kakilala ko kasi ang isang sakay no'n."

Tumango siya, "Okay. Pero grabe! Kinabahan ako kanina! Paano na lang hindi tayo nakaalis do'n. May kasama pa naman tayong mga bata at baka na-trauma ka, Zync ha. Kasi parang kinakabahan ka at hindi mapakali. Magsabi ka lang." Aniya na bakas ang pag-aalala. "Ilang taon na rin akong hindi nakapag-bakbakan. Kaya baka hindi ko kayo kayang protektahan."

Mahina akong natawa at napatingin sa kambal na busy pa rin sa mga ginagawa nila. Tila walang nangyari. 'Kung alam mo lang, Sophia. Sobra pa ro'n ang mga naranasan ko.'

"Are you alright, kids?" baling niya sa kambal. Tumingin ang dalawa sa kanya at sabay tumango.

"Yes po."

Nagsalubong ang kilay niya, "Are you sure? Natakot ba kayo kanina?"

Sabay na namang umiling dalawa, "No po."

Nanlaki ang mga mata niya, "I can't believe this! Gun shots 'yon Zync! Bakit hindi man lang sila natakot? Tapos, itong si Kurt. Ang bilis-bilis ng pagpatakbo niya, pero ni hindi ko narinig na sumigaw ang kambal! Ako pa 'yong sumigaw na sanay sa rambol at karera!"

Napangiti ako at napailing saka sasagot na sana nang unahan ako ni Arri.

"There's nothing to be afraid of, po. Gunshots and a full speed drive are not scary as our Mama. She taught us to never be afraid, po." Saad ng anak ko. Magsasalita na sana ako nang unahan na naman ako ni Arra.

"And we have many weapons in our house. In my Mama and Daddy's room, she has collections of different weapons in there that sometimes nilalaro namin po."

Napanganga si Sophia habang ako hindi makasingit sa kambal.

"We also started our physical combat training when we were three years old with Tita Sia then last year, Tito Al became our trainer in weapon wielding. Kaya you don't need to protect us po." sabi ni Arri.

"Yes, Arri is right. Then Kuya Kurt is an agent. He will protect us. Tita Sia, Tito Al, Ate Ryleen and our other protector are with us too. 'Wag ka po mag-alala. Arri is good handling blades and knives. Mine is kata—!" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Arra pati kay Arri.

Binalingan ako ni Sophia, "Totoo ba 'yon?" mukhang hindi pa rin siya makapaniwala.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Stop being nosy and sit properly, Sophia."

"Eeeh. Sabihin mo sa akin. Totoo ba 'yon? Sino ba kasi ang mama nila?"

"Huwag na kasing magtanong."

"Bakit ba? Sasabihin mo lang naman kung sino ang Mama nila kasi mukhang astig din siya! Look at this, you have very cool kids and for sure, your wife is cooler!"

Hindi ako nagsalita hanggang sa siya na mismo ang sumuko sa kakatanong. Tumahimik na rin kasi ang kambal at hindi pinansin si Sophia.

**

We arrived at the venue of the conference. We checked in the hotel room that Kurt booked. Nasa iisang floor lang kaming lahat. The whole west wing was exclusive for us at rinig kong exclusive rin sa isang elite family ang east wing ng floor na ito ng hotel.

Bukas pa ang simula ng conference kaya may time pa si Sophia at Kurt na sumama sa amin.

"Sige na. Let's rest first before we go the beach." Aya ko sa kambal. Mabilis silang umiling.

"No Daddy. We're not tired! We've overslept on our way going here. Please daddy. Let's go downstairs na! I want to see the beach." Maktol ni Arra.

"Arra is right, Daddy. Please. You're not tired naman po diba? But if you're tired, mamaya na lang po after you rest tayo aalis." Umupo si Arri sa kama pero malungkot ang mukha. Nakabusangot na rin si Arra.

Bumuga ako ng hangin. How could I say no to these cute little champs? Parang nakatingin lang ako sa Katarina'ng pinaliit at Katarina'ng male version.

"Fine. But first, let's change clothes. Okay?"

"Yey! Thank you, Daddy!"

I help them put their rash guards on. Arra's on pink while Arri's on blue. I put on mine too and it's black. I also applied sunblock on us.

"Daddy, can I bring my duck salbabida?" Arra asked.

"Okay baby. Let's just ask your Tito Raggai to fill it later."

"Yey! Thank you po."

"Daddy, I'm hungry." Ungot ni Arri.

Napakamot ako sa ulo. "Yes, we'll have our lunch but first we need to get ready. Ahm. Ganito, stay here first on the bed at magbabanyo lang si Daddy." Hindi sila sumagot pero agad din naman sila sumampa sa kama.

Napatitig na naman ako sa suot-suot nilang kwintas na may Wing Pendant. I wonder kung saan nila nakuha 'yan but when I tried taking thos off them, they refused and said they shouldn't wear it off. Kaya hindi ko na pinilit. I realized na baka, binigay ang mga ito ng mama nila sa kanila.

"Stay there and don't get out the room. Understand?"

"Understood daddy!"

Napabuga ako ng hangin nang sa wakas makapasok ako sa banyo at nagkaroon ng time sa sarili ko kahit limang minuto lang. I've been very busy with the twin's necessities. I want to spend more time with them. Kaya I always make sure that when I got home from the office ay sila na ang inaasikaso ko.

Lumabas na ako ng banyo at napaigtad ako sa gulat nang bumungad sa akin ang mga anak kong nakatingala sa akin sa labas ng pinto.

"What are you doing there, champs?" nakangiting tanong ko.

"Waiting for you, daddy. You took too long inside!" nagdabog pa si Arra.

Napakamot ako ng ulo, "Teka lang ha. Kalma! I need to prepare your baby bags bago tayo bumaba." Wika ko saka lumapit sa maleta namin.

"Daddy, we're not babies anymore. You don't have to bring baby bag for us." Sabi ni Arri na umupo sa harap ng maleta at nakatingin sa akin habang pinapasok sa royal blue sling bag ang extra clothes nilang dalawa, sunblock, hair clips ni Arra, towelletes and towels, feeding bottle with distilled water and milk small container... yes, they're still using feeding bottles! Good heavens, they won't stop no matter how I tried to let them use cups or glass to have their milk.

Nagdala na rin ako ng bandana para may maupuan sa buhangin ang kambal. Pinasok ko rin ang comb, baby powder, alcohol, my extra shirt, my phone, powerbank, the keycard and my wallet.

"Daddy, you're bringing too many." Ungot ni Arra.

"Anak, mas mabuti na 'tong kumpleto kaysa magpabalik-balik tayo dito kapag may kailangan kayo."

I stood up and hang the sling bag on my right shoulder. Agad silang lumapit sa akin.

"Let's go." Binuksan ko na ang pinto at pinalabas sila then I locked the door. "C'mon hold my hand." Humawak sila sa magkabilang kamay ko.

Nakita kong nagsitayuan ng tuwid ang mga bantay namin na nag-aabang sa labas, wearing their beach outfit. Mukha na rin silang turista at pasimple silang sumabay sa amin.

We went to the elevator. Bumukas iyon at dahil nasa unahan namin ang mga bantay namin ay hindi ko nakita kung sino ang lumabas. Unang pumasok sa elevator ang dalawang bantay pagkatapos kami at 'yong nasa likod namin.

Pero bago ako pumasok, I turned to look at my left and followed my gaze to the people who just got out from the elevator. My eyebrow creased when I saw a tall blonde woman wearing a pink flowery maxi dress. Napatingin ako sa batang hawak niya sa kamay na inalalayan maglakad.

They're walking towards the east wing kung saan occupied ng isang elite family. Baka sila nagpa-book doon.

Naputol lang ang tingin ko sa babaeng blonde nang hinila ako papasok ng kambal.

"I'm so excited to swim in the sea, Daddy. May shark kaya? I want to see a real shark!" excited na saad ni Arra.

"Yes, but I wanted to see a real piranha!" sabi naman ni Arri.

"Champs, there's no sharks and piranha on this beach. Okay?"

"But dad—"

"Just wait and see, may mas interesting things on the seashore than sharks and piranhas. Marami kayong makikitang dugong mamaya sa dalampasigan wearing bikini."

"Dugongs doesn't wear bikini, Daddy!" says my smart boy.

I chuckled and a sudden thought of the blonde girl in the white car crossed my mind. Naalala ko rin ang blonde girl na may hawak-hawak na bata kanina. Who is she? Are they the same girl? Why do I feel like I should get to know her?

-End of Chapter 30-

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro