
28: WANSAPANATAYM
Chapter 28: WANSAPANATAYM
Enjoy reading!
3rd.
Napaigtad si Reina at mariin napapikit nang masilaw siya sa flash ng camera ni Pula habang ngiting-ngiti naman ang huli na ni-review ang picture sa hawak na SLR. Ngunit muntik nang mabitawan ni Pula ang camera nang biglang humikbi si Reina.
"M-my eyes... it hurts!" iyak niya habang kinukusot ang mata. Sa sobrang lapit ng camera sa mukha ni Reina at naka-on pa ang flash siguradong kahit sino ay masasaktan ang mata.
Nataranta si Pula at mabilis na nilagay sa ilalim ng kama ang camera. Marahan pa nitong sinipa ang bagay para mas lalong maitago. Hinawakan nito ang kamay ni Reina at pinigilan sa pagkukusot.
"Anyawe sa 'yo, Madame? Napuwing ka ba? Halika. Hipan natin."
Pinilit nitong alisin ang kamay niya sa kanyang mga mata ngunit nanlaban siya at patuloy sa ginagawa sa pag-aakalang maibsan ang paghapdi ng mata.
"T-that light you've made from that thing hurt my eyes! I-I don't wanna go blind. I-I don't want to."
Napalunok si Pula saka marahang hinaplos ang buhok ni Reina, "Huhuhu. Napuwing si Madame! Bad na alikabok 'yon. 'Wag kang mag-alala, Madame! Papalinisan natin muli ang woom mo mamaya."
"I-I don't understand you." Humihikbi pa ring aniya.
Tumambol nang malakas at mabilis ang puso ni Pula nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Reina. Amoy pa lang, alam na nito kung sino ang papasok.
"Huhuhu! Madame, don't cwy. Deads ako nito eh!" bulong nito Reina. "Napuwing ka diba? Diba?"
"Why are you crying, sweetchild?" bungad ng taong pumasok. Napatayo naman nang tuwid si Pula.
"Lola!" matinis ang boses na anito, "Napuwing po siya!" mabilis nitong sagot. Tumayo pa ito sa harap niya para tabunan siya. Iyak pa rin siya ng iyak habang kinukusot ang mga matang nabigla sa flash.
"Napuwing ng ano, Pula? Have you checked already her eyes? Why is she still crying?" tumabingi ang ulo ni Mojica para silipin si Reina sa likuran ni Pula.
Mabilis namang tumagilid si Pula para hindi nito makita si Reina.
"Hihipan ko po sana kaso ayaw niya. Kaya po, hinayaan ko na lang siyang umiyak baka sakaling matangay ng luha 'yong pumuwing sa kanya." alanganing anito na may pilit na ngiti.
Tinitigan ni Mojica nang mabuti si Pula. Alam nitong may ginawa na namang kalokohan ang piwata base sa reaksyon nito.
"Move." Mojica ordered but Pula didn't move. Kumurap-kurap lang itong nakatingin sa ginang.
"Pula, alam kong may ginawa ka na naman. Kapag hindi ka aalis d'yan, ibabalik kita sa Latvia." Banta nito, napanguso naman ang piwata at nakayukong humakbang pagilid at palayo kay Reina.
Nakita ni Mojica ang pamangkin na umiiyak at kinukusot pa rin ang mga mata. Nilapitan siya nito at pinigilan ang mga kamay niya.
"Enough. Stop rubbing your eyes, Reina." Binaba nito ang kamay, sinipat nito ang namumula niyang mukha dahil sa iyak. "Open your eyes."
Umiling siya, "It's painful. I think I'm gonna be blind."
Hinawakan nito ang baba niya, "C'mon. Open it. Just block the pain and it'll be okay. Let me check your eyes. "
Pinilit niyang magmulat. Napasinghap si Pula habang kumunot naman ang noo ni Mojica nang makita ang sobrang pulang mga mata ni Reina. Kumurap-kurap siya, "Pula's light hurt my eyes!"
Nanigas si Pula at napalunok. Bibinggo na naman sito kay Lola Mojica! Hihilahin na naman ng tiyahin ni Reina ang dila nito para tumuwid!
Bago pa makalingon si Mojica kay Pula ay kumaripas na ng takbo ang piwatang-bulol sabay sigaw nang...
"Padede-in ko muna si Liit! Babye!"
**
Tahimik na sumilip si Reina sa bukana ng kusina. Walang tao roon pati na rin sa mga pasilyo kaya sobrang tahimik ng buong mansion. Miminsan lang makikitang pakalat-kalat ang mga tauhan dahil ayaw ni Mojica ng maingay. Tanging si Pula lang naman ang may makapal na mukhang mag-ingay.
Tinakasan ni Reina si Pula kanina nang makatulog ito kasama si Zyncai sa kanyang kwarto. Hindi siya makatulog kaya napili niyang lumabas at maglakadlakad. Kung tahimik itong mansion ng mga Remedy mas tahimik naman ang palasyong nagdulot sa kanya ng sakit at lungkot.
Kung doon sa palasyo ay natatakot siyang gumala, dito sa mansion ay pakiramdam niya ay ligtas siya sa bawat sulok. Hapon na at dapat merienda na nilang tatlo ni Pula at Zyncai kaso tulog pa ang mga ito kaya nang mapagod si Reina sa kakalakad sa mga pasilyo ay tumungo siya sa kusina.
Patuloy siya sa pagsilip doon. Napaigtad siya nang may tumikhim sa likod niya, paglingon niya ay nakita niya ang walang emosyong mukha ng head butler.
"Do you need something, Lady Katareina?" magalang na tanong nito. Napaatras naman siya palayo rito dahil nakaramdam siya ng takot na baka magalit itong pakalat-kalat siya. Nasaksihan niya pa naman itong nagalit minsan ng makita ang isang katulong na umupo sa sofa. Talagang nakakatakot.
Yumuko siya at kinagat ang labi. Hindi niya nakitang lumamlam ang mga mata ng butler habang nakatingin sa kanya.
"Don't be scared, Lady Katareina. I won't hurt you."
Nag-angat siya ng tingin saka umiling. "I'm not scared."
Tinanong siya nitong muli kung may kailangan siya pero inilingan niya lang ito kaya umalis na ito. Pumasok si Reina sa kusina at tumingin-tingin sa mga naka-arrange na food packs at can goods sa cupboard. Binuksan niya rin ang ref.
Napatingin siya sa mga fresh fruits na bagong lagay doon. Nakangiting kinuha niya iyon. Ginawan at tinuruan siya ni Theus ng fruit salad no'ng isang araw kaya 'yon ang naisipan niyang kakainin ngayon.
Pagkalipas ng halos kalahating oras ay nakagawa na siya ng fruit salad ngunit ang kusina ay parang nadaanan ng bagyo. Sobrang kalat at nawala na sa pwesto ang mga gamit.
Napatingin si Reina sa transparent glass bowl kung saan niya nilagay ang fruit salad. May nahagip ang mga mata niya na nakakainteresanteng mapupulang bagay. Kumuha siya ng ilang piraso at nilagyan ang kanyang fruit salad.
Susubo na sana siya nang makarinig ng yabag papalapit sa kusina. Bigla siyang kinabahan kaya mabilis siyang nagtago sa ilalim ng island marble table sa kusina.
"Asan na kaya 'yon? Lagot na naman ako nito sa lola mo, Liit. Nawawala na naman ang Mama mo." Narinig niya ang boses ni Pula na papasok sa kusina.
Napasinghap si Pula nang makita ang kusina. Mukha itong dinaanan ng sampung malilikot na mga bata. Ngunit nakaagaw ng pansin nito ay ang fruit salad sa gilid ng mesa. Natakam sang piwata kaya mabilis itong lumapit doon at agad sumubo. Sunod-sunod itong sumubo hanggang sa unti-unti namula ang buong mukha ng piwata.
Mabilis nitong binaba si Zyncai sa sahig at niluwa sa lababo ang laman ng bunganga.
"Tangunu! Ang anghang!" hiyaw ni Pula at nagmumog ng ilang ulit.
"What have you done to my kitchen, Pursi Lanarri?! At bakit nasa sahig ang apo ko?!"
Napatuwid ng tayo si Pula at nanlalaki ang mga matang hinarap ang galit na galit na mukha ni Mojica.
"Lola?!"
Samantala, napakagat labi naman si Reina, tahimik siyang gumapang palabas ng kusina. Tumakbo siya papunta sa kwarto at humiga sa kama saka nagtalukbong ng kumot.
"Phew. That was close." She whispered.
**
Nagising si Reina dahil sa ingay na naririnig siya sa paligid. Bumangon siya at nakita si Pula na nakaupo sa harap ng vanity mirror. Nakataas ang kanang kamay nito. Hindi niya mawari ang ginagawa nito. Bumubulong-bulong si Pula pero hindi niya maintindihan.
"Potek, ang sakit! Gwabe. Ganito pala maging nanay, wala ka nang owas sa sawili mo! Naging gubat na ang kili-kili ko!" mahinang bulong ni Pula habang inisa-isang binubunot ang buhok sa kili-kili.
"What are you doing?" tanong niya dito. Nagulat naman ito kaya 'di sinasadyang naikagat nito ang tweezers sa balat ng kili-kili.
"Tangunu! Tangunu!" mangiyak-ngiyak na mura ni Pula habang hinimas-himas ang nasaktang kili-kili.
Tumayo naman si Reina at lumapit dito.
"Are you okay?" nag-alalang tanong niya.
Maluha-luhang nag-angat ng tingin si Pula, "Okay? Okay? Nagka-chikinini na nga lang ako sa kili-kili pa tapos tweezews pa ang may gawa! Ang sakit, Weina! Huhuhu! Mas masakit pa sa paghila ni Lola Moj sa dila ko kahapon!"
Nalungkot naman si Reina dahil sa mukhang nasasaktan ni Pula.
"Tell me what happened, Pula and I'll try to help you." Masuyong aniya kaya nagliwanag ang mukha ni Pula saka tumayo.
Sinundan niya ito ng tingin nang lumapit ito sa bintana at hinawi ang makapal na kurtina. Pumasok ang liwanag ng araw sa silid. Humiga ito sa sofa malapit sa bintana.
"Halika dito, Madam!" tawag nito kaya lumapit naman siya agad.
Nagtaka pa si Reina nang itinaas nito ang kamay at bumungad sa kanya ang maputing kili-kili nito ngunit magubat.
"Pawa bati tayo, magbunot ka ng damo." Anito sabay abot sa kanya ng tweezers. Nagtatakang tinanggap niya ito. Nang mapansin ni Pula na hindi niya alam ang gagawin ay sinampolan siya nito kung paano na agad niya namang nakuha.
Lumuhod siya sa carpeted floor saka tumungo sa kili-kili ni Pula at nagsimulang magbunot.
"Pasensya na, Madam! 'Di kasi ako sanay sa wax at shave." Saad nito na hindi niya naman naintindihan kaya tumango lang siya.
Bawat bunot niya ay dumadaing si Pula kaya nag-alalang tiningnan niya ito.
"Continue Madam."
"But you're in pain..."
"It's just an ant bite, Madam. Don't wowi. Matagal-tagal din kasi akong 'di nakapagbunot kaya medyo masakit."
Tumango siya saka pinagpatuloy ang pagbubunot. Nang matapos ang kanan ay kaliwa naman kaya nagpalit ng pwesto si Pula para madali kay Reina.
Nang matapos ay humarap si Pula sa salamin at tinaas ang dalawang kamay para tingnan ang kili-kili. Maluha-luha itong nilingon si Reina na yumuyuko para tingnan ang sariling kili-kili.
"Huhuhu! Puwo chikinini ang kilikili kong chicken skin." Iyak ni Pula.
"Why don't I have hairs in my armpit, Pula?" nagtatakang tanong ni Reina dito pero hindi siya pinansin nito dahil busy ito sa pagluluksa sa kili-kiling namasaker.
**
Pasipol-sipol si Pula habang naglalakad sa hardin. Feel na feel niya ang pagiging dalaga ngayon dahil dumating si Morry at ito ang nag-aalaga kay Zyncai at Reina. Nakapagpa-laser na rin siya sa kili-kili niya kaya makinis na ito ulit at hindi na tutubuan ng buhok doon.
Naglakad siya tungo sa dulo ng hardin nang matigilan siya nang makita si Reina roon. Nakasalampak ito sa damuhan at parang may kinakausap. Rinig niya ang mahina at malumanay na boses nito.
"Are you a bird? What kind of a bird are you? You're too small." Anito kaya sinilip niya ang kinaukasap nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang isang puting sisiw ng manok sa palad ni Reina. Sumisiyak ito. Mukhang natutuwa naman si Reina ngunit nahagip ng mata ni Pula ang inahing manok sa 'di kalayuan na nagkakandahaba-haba na ang leeg kakatawag sa mga sisiw. Mukhang alam ng inahin na nawawala ang isang sisiw nito.
"Lagot na! Kay Manang Becky ang manok na 'yan! 'Yan 'yong nanunuka na manok niya!" bulalas ni Pula saka nagmadaling naglakad papalapit kay Reina.
Mukhang napansin siya ng sisiw na hawak nito kaya tumalon ito sa palad ni Reina.
"Wait! Where are you going?" tawag ni Reina sa sisiw.
"Madam!" tawag niya dito kaya napalingon ito.
"Pula? What are you doing here?" binalingan nito ang sisiw na sumisiksik sa isang halaman. "Oh the little bird looks scared. Come here little one." Lumuhod ito saka akmang aabutin ang sisiw nang tumakbo na naman ito palayo.
Agad tumayo si Reina kaya napaatras si Pula dahil nakatayo siya sa likod nito at isang karumal-dumal na krimen ang nangyari... si Reina ang star witness, si Pula ang sinasakdal, ang inahing manok ang complainant at ang sisiw na napisat ang biktima.
"What have you done?!" malakas na tili ni Reina habang nakatingin sa sisiw na nanginginig ang katawan nang 'di sinasadyang maatrasan ito ni Pula. "You killed the little bird!" naiyak pa ito.
Lumuhod si Reina at akmang aabutin ang sisiw na nawalan na ng buhay nang hinila niya ito patayo at tinulak.
"Tumakbo ka na habang may owas pa!" sigaw ni Pula.
"W-what?" takang tanong ni Reina.
"Wan! Wan fow yow life!"
Tinulak niya ito patakbo habang siya naman ay nagulat nang maramdaman ang masakit na pagtuka ng mataba at malditang manok ni Manang Becky sa kanyang batok. Pati ang mga kuku nito sa paa ay tumusok sa kanyang likod at pumagaspas ang pakpak nito sa kanyang leeg.
Napanganga si Pula nang unti-unting siyang natumba padapa sa damuhan.
"Awaaay! Tangunu!" hiyaw niya nang tinuka-tuka nito ang kanyang tainga hanggang sa natanggal ang isang hikaw niya roon at nagdulot ng sugat sa kanya.
Malakas niyang hinawi ang manok pero palaban ito at muling lumipad tungo sa kanya. Bumangon siya saka inambahan ito ng suntok, ngunit lumihis ang lipad nito at nasapol siya sa mukha. Mabuti na lang nakapikit siya kundi tusok ang mga mata niya sa matutulis nitong kuku.
Hinuli niya ang matabang malditang manok saka sinakal ito. Nanlalaban pa ito. Subalit napahinto si Pula sa pagsasalvage sa inahing manok nang mahagip ng mata niya si Manang Becky na papunta sa likod bahay kung nasaan nakalagay ang mga alagang manok nito. Binitawan niya ang manok na nanghihinang bumagsak sa damuhan.
Nakatayo pa rin ang manok sa kabila ng ginawang pagsakal ni Pula. Muli nitong tinuka ang nakalabas na pusod ni Pula kaya napauklo siya sa sakit.
"Tangunu!" sa inis niya ay pinagbubunot niya ang balahibo sa leeg ng manok saka lang ito pinakawalan. Matalim ang tingin nito sa kanya habang naglalakad ito palayo kasama ang mga sisiw.
"Wag kang pahawang-hawang sa daan ko sa susunod! Dahil ibebenta kita sa KFC! Leche ka!" pahabol niya sa inahing manok na hindi siya pinansin.
Napangiwi si Pula dahil sa rami ng gasgas na nakuha niya sa malditang inahin na iyon. Nagdurugo pa rin ang tainga niya. Pero napansin niya ang napatay na sisiw. Nakonsensya naman siya. Kinuha niya ito at nilibing sa ilalim na tanim na rosas ni Mojica.
"Sowi sa'yo, 'nok ha. 'Di ko naman sinasadya." Paalam niya dito.
Kinagabihan sa hapagkainan,
"What happened to your face, Pula?" tanong ni Morry.
"Wala. Ni-twy kong yumakap ng cactus kanina, 'di pala masawap." Nakangiwing anito habang busy sa pagsubo. Masama naman ang tingin sa kanya ni Reina na kanina pa tahimik.
"May problema ba manang?" napatingin sila kay Mojica nang masalita ito habang nakatingin kay Manang Becky na naglalagay ng ulam sa mesa.
"Napagtripan ho kasi 'yong isang manok ko. Wala na pong balahibo 'yong leeg tapos kulang pa ng isa ang sisiw, Lady Mojica." Saad nito habang napailing-iling.
"Sino naman ang may gawa no'n? Sa tagal mong nag-aalaga rito ng manok sa compound namin, Manang wala pang may nantrip sa mga alaga mo." Wika ni Mojica habang nililibot ang tingin, tumigil ang mga mata nito kay Pula na nakayuko at nasa plato lang buong pansin.
"Kaya nga ho, Lady Mojica. Hayaan niyo na lang po, marami pa naman akong inahin na nangingitlog." Anito saka umalis na sa dining room.
"Pursi Lanarri." Matigas ang tinig na anas ni Mojica. Nag-angat naman ng tingin si Pula.
"P-po?"
"How was your fight with the chicken?"
**
"Aaaaaaaa!" malakas na tili ni Reina habang mabilis na tumatakbo.
"Madam! Ibaba mo na 'yong tuta! Hindi atin 'yan!" sigaw ni Pula na mabilis din ang takbo habang hinahabol sila ng aso.
"No! I like this!" ungot ni Reina saka mabilis na lumiko at napanganga na lang si Pula nang makaakyat ito sa bakod ng mansion ni Mojica at tumalon sa kabilang panig.
Aakyat na rin sana siya nang nakalapit na sa kanyang ang isang askal na ina ng tutang kinuha ni Reina. Kanina dinala niya si Reina sa labas para maglakad-lakad hanggang sa narating nila ang isang parke at may nakita itong tuta ngunit nagalit ang nanay ng tuta kaya sila hinahabol.
"Ang duga moooo!" sigaw niya at nagpatuloy sa pagtakbo.
One day later...
"Huhuhu! Ayoko na! Ayoko na!" paulit-ulit na sigaw ni Pula habang ini-inject sa kanya ang unang doze ng anti-rabies. Hinawakan siya nang mabuti ng dalawang lalaking nurse habang isang babae ang nag-inject sa kanya.
Napailing naman si Theus habang nakatingin kay Pula. Bumuga ito ng hangin nang mawalan siya nang malay sa sobrang takot sa karayom at sa sakit ng natamong kagat sa binti at puwitan.
Nilinisan na rin ng nurse ang kanyang mga sugat. Buhat-buhat siya nito Theus na umuwi sila ng mansion.
Kagabi, hinanap nila si Pula at nagulat na lang sila ng duguan itong umuwi sa mansion na nalaman nilang nakagat ito ng askal sa labas.
**
Kinulbit ni Reina si Pula pero hindi siya nito pinansin.
"I'm sorry." Mahinang aniya habang nakayuko. Umismid si Pula na hindi inaalis ang tingin sa TV. "I didn't mean to drown you. I'm sorry, Pula."
"Sowi?! Pagkatapos nang muntikang lumubo ang baga ko dahil sa wami ng tubig na nainom ko kasama pa won ang ihi ng mga nakatiwa dito tapos sowi?" madramang anito.
"It was your fault anyway." Sabat ni Theus. Matalim ang tingin na binalingan ito ni Pula.
"Ano?! Tumahimik ka d'yan."
"That's the truth... kasalanan mo 'yon. Alam mo naman na hindi marunong lumangoy si Reina at ngayon lang siya nakakita ng swimming pool pero pinilit mo pa rin siyang magswimming. Tinulak mo pa kaya ka niya nahila at 'di sinasadyang lunurin."
Hindi agad nakasagot si Pula.
"Did you realize dit?"
"Shut up."
"Don't be too hard on Reina, Pula. Alam mo ang kalagayan niya. Kapag nalaman ito ni Mojica, ikaw pa rin ang malalagot."
Natigilan siya at napaisip. Bibinggo na naman siya nito kung sakali.
Napanguso siya, "Hindi naman kasi ako galit kay Madam."
"So ano ang hinimutok mo d'yan?"
"Ikaw! Sa dami ng pwede mong utusan na mag-CPAwr at mag-M to M sa akin si Manong Gardo pa! Huhuhu! Muntik pa akong nabulunan sa nahulog niyang pustiso sa bunganga ko!" iyak niya saka hinampas si Theus sa mukha gamit ang throw pillow. Tawa naman ng tawa ang binata.
Samantala, napangiti nang lihim si Reina at maya-maya pa ay nakisali na siya sa hampasan ngunit napatakbo palayo ang dalawa sa kanya nang bigla niyang kinarga ang single-seater sofa at walang kung anu-ano'y binato sa dalawa.
"Aaaaaa! Madam huwaaag!"
"Reina! Stop!"
"Hahahaha!" tawa pa siya ng tawa.
**
Tawa ng tawa si Morry nang makita si Theus na puro drawing ang mukha. Nakasimangot ito dahil ito ang napagtripan ni Reina. Inutusan kasi ni Pula si Reina na magdrawing sa mukha ng binatang natutulog kaya agad naman itong sumunod.
"Shut up, Potty."
"You look sexy and hot, sweetie."
**
"Aaaaaaaaaaa!" malakas na sigaw ni Reina at kasabay no'n ay ang isang malakas na pagsabog. Nag-trigger ang alarm sa buong mansion at nagsitakbuhan ang ilang bantay sa entertainment room. Nagmamadaling tumakbo naman sina Morry, Mojica at Theus kasunod sa mga bantay.
"What happened? Where's my niece?!"
"Aunt Mojica!" tili ni Reina na lumabas sa gilid ng sofa at tumakbo tungo sa tiyahin saka yumakap dito. Malakas itong umiyak.
"Ano ang nangyari? Where's Pula?" tanong ni Morry sa isang bantay.
Nagulat pa sila nang biglang may gumalaw sa nakatumpok na sunog na mga libro sa gilid. Tumayo mula roon si Pula na mukhang tumambay sa chimney dahil sa sobrang itim nito na pati ang buhok ay nagsitayuan at nasunog ang mga dulo. Punit-punit na rin ang damit nito.
"Huhuhuhu! Waaaaa! Ayoko na! Ayoko na!" nguwa ni Pula na sumalampak sa sahig at tila batang nag-tantrums. "Ayoko na! I quit! I quit! Ayoko naaa!"
"Ano ba kasi ang nangyari? Bakit may sumabog?" tanong ni Theus. Tinuro ni Morry ang pwesto ng TV na kung saan wala na ang TV tanging mga sunog na debris na lang naiwan.
"Si Madam po! Huhuhu! Bigla niyang binato ang TV ng may laman at nakabukas niyang water tumbler! Kaya sumabog ang TV! Nadamay pa ako! Huhu! Buti na lang natumbahan ako ng estante ng libro! Kung hindi tusta na ako!" sa sobrang nguwa ni Pula ay hindi na nito napansin na tumuwid na ang kanyang pagsasalita.
'Di mapigilang natawa si Morry at Theus sa sinapit ni Pula.
"Bakit niya naman ginawa 'yon?" tanong ni Morry sabay sulyap kay Reina na nakayakap pa rin sa tiyahin habang umiiyak.
"I-insidious."
"Ha?"
"N-nanonood kami ng Insidious."
"Kaya naman pala eh."
**
"What is she doing?" tanong ni Reina kay Morry habang nakaturo sa screen ng TV kung saan ang bidang babae na pinapanood nila sa pelikula ay nagbi-breastfeeding sa sanggol.
"Breastfeeding. It's good for the baby." Tumango naman siya.
Kinagabihan, papatulog na sana siya nang marinig niya ang iyak ni Zyncai. Lumabas siya ng kwarto at pumasok sa nursery room ng bata. Naabutan niyang pilit itong tumatayo sa loob ng crib. Malalim naman ang tulog ni Pula sa kama na hindi nagising sa iyak ng bata.
Kinarga niya ito at marahang sinayaw.
"Shhh. Stop crying, baby. I'm here." Aniya, unti-unti naman itong tumahan saka kinapa ang kanyang mukha. The little guy cooed. Napangiti siya. Ngunit lumalabi pa rin ang sanggol na tila may gustong hinihingi. Nilibot niya ang tingin at hinanap ang feeding bottle nito na palagi niyang nakikitang pinapadede ni Pula kay Zyncai.
Hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa naalala niya ang pelikulang napanood kanina. Umupo siya sa paanan ng kama at bumuntong-hininga. Hinawi niya ang strap ng damit sa balikat at nilabas ang kanang dibdib niya at nilapit sa bibig ni Zyncai. Mabilis naman itong sinunggaban ng sanggol.
Hindi lingid sa kaalaman ni Reina na gatas ang kinukuha ni Mojica o ni Pula sa kanya tuwing umaga, ginagamitan siya nito ng breast pump dahil palaging sumasakit ang dibdib niya at naninigas ang mga ito. Minsan sumisirit pa ang gatas. Alam niya ring si Zyncai ang umiinom ng gatas na nilalabas niya.
Nakaramdam siya ng kiliti habang matakaw na dumede ang siyam na buwang sanggol, natutuwa rin siyang pinagmamasdan itong dumedede sa kanya. Nilipat niya pa ang anak sa kaliwang dibdib para ro'n naman dumede.
"Who are you, Zyncai? Who are you in my life?" mahinang tanong niya sa bata na ayaw na ayaw niyang nawawala sa kanyang paningin. "Why do I feel that you came from me? Aren't you, baby? But how?"
Tahimik namang nakamasid sa maliit ng siwang ng pinto si Mojica na may tipid na ngiti sa mga labi.
**
"You want to hear a story?" malambing na tanong ni Mojica kay Reina na nakahiga na sa kama niya. Nakadapa sa dibdib niya ang nahihimbing na si Zyncai. Dinala niya na lang ang bata sa kanyang kwarto dahil ayaw nitong magpababa at humiwalay sa kanya.
Nagningning ang mga mata ni Reina na napatingin kay Mojica. She smiled and nodded her head.
"I would love to, Aunt Mojica."
Sumandal ito sa headboard ng kama. Sumiksik siya sa tagiliran ng tiyahin. Nagsimulang haplusin ni Mojica ang buhok niya.
"Once upon a time, there was a very beautiful Crown Princess from a powerful kingdom. She was like a free and wild bird. She owned a pair of orbs which were like wings of a mighty eagle, they blinked like how wings flipped but those orbs were so deep and mysterious like the majestic ocean.
She was never afraid to face any obstacle. She was always ready to protect her people even to sacrifice her own life. One day, she was sent by the King to a mission order but in the end, she failed to do the protocol. The King got furious then she was punished along with her comrade. She was sent to a faraway city to protect the Heir of an opulent Empire. She couldn't do anything against it but to follow the King's order.
Along with her mission order, her access to her own kingdom was intentionally blocked by the King as a part of her punishment. Hoping not to disappoint the King again and to do her desires while staying in the Heir's empire, the Princess protected the Heir with all her means.
Bad guys wanted to kill the Heir but the Princess was there to kill them beforehand while she took some of them under her wings. Protecting the Heir was very easy for the Princess but eventually, she was protecting him not just because it was an order but because she wanted him alive. She doesn't want to see him hurt. She doesn't want to see him cry. She doesn't want the Heir to die.
It became hard for her most especially when the Heir was so in love with another girl. The Princess tried to stop herself for falling deeper but always failed. Then when she had already got used to deny her feelings, the Heir started to ran after her. He confessed his love for the Princess. The Princess didn't know that the Heir was also struggling like her. She tried to push him away because she doesn't want to hurt the girl that was once he loved, but the Heir was determined to own the Princess.
And a momentary lapse of reason happened between them. They were so happy and in love but after that, the Princess chose to make him forget the happy memories. She was so hurt upon letting her selfishness consumed her whole being not knowing she wasn't selfish at all... she was so selfless. Selfless enough to sacrifice her happiness.
She thought everything will be at place and turning around her palms accordingly only if the Heir wasn't stubborn and determined. Even if he forgot some part of his happy memories with the Princess, his heart found its way back to her. The Heir was able to bring the Princess in his arms.
Until the Princess discovered the secret that lies behind her name and her identity, she also found out the real situation of her kingdom. Those ruined her bigtime. She was so hurt that for the first time, she became selfish and chose to run away from him than leaning on his' arms. She ran and ran and ran but then she stumbled down and the villain took her away. The Heir didn't know that the Princess was carrying the fruit of their love. The Heir was so hurt seeing her running away from him."
Napangiti nang mapait si Mojica at pasimpleng pinunasan ang luhang dumaloy sa pisnge habang nakapikit naman si Reina pero gising ang kanyang diwa. Hinihintay ang idudugtong ng tiyahin sa kwento.
"He was so scared not see her again... but I know, like the Heir even if without her memories of him. The Princess' heart will find its way back home in his arms."
Kumabog nang malakas ang puso ni Reina. Hindi niya maintindihan pero napangiti siya habang nakapikit pa rin at mahinang bumulong sa hangin.
'I will comeback. Soon.'
-End of Chapter 28-
Thank you for reading freaks God bless us all!
I really want to bully, Pula! Hahaha! So this chapter is dedicated to my Piwatang-Bulol. LoL.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro