26: RISEN
A/N: Correction sa naisulat ko last chapter. It was written there that Reina will wake up as a seven-year-old kid, it was wrong. It should be six-year-old kid.
Anyways... naka-100k reads na ang Book One! Ang saya ko! LoL!
Chapter 26: RISEN
Enjoy reading!
3rd.
"Type down the code here."
Nawindang si Morry sa utos ni Mojica. Inabot nito sa kanya ang hawak na hi-tech transparent glass tablet. Wala sa sariling kinuha niya ito at napatitig sa screen.
"W-what am I going to do with this?" aniya, "What code?"
"The passcode you have!" mataas ang boses na wika ni Mojica kaya mas lalong nawindang si Morry.
"Wala akong alam na code, Lady Mojica." Turan niya kaya nagsing-abot ang kilay ni Mojica. "Hindi ko alam ang tinutukoy mo."
"The code Terrence gave you." Anito na tila naiinis sa kanya. Napaisip siya at napakamot ng ulo.
"Para ano? Akala ko para sa Tech fair ang code na 'yon. Do'n sa Little Butterfly."
Bumuga ng hangin si Mojica, "Just type it down! I need it." asik nito kaya wala sa sariling nag-type siya.
Pagkatapos no'n ay muling tumahimik ang buong lab. Tahimik na pinanonood ni Morry si Mojica habang busy ito sa harap ng isang super computer.
Bumukas ang pinto at pumasok do'n ang isang babae na naka-white suit. Ito ang executive secretary ni Mojica.
"Have you followed her?" tanong ni Mojica nang hindi nililingon si Gwen. Tumayo ito sa gilid ni Mojica.
"Yes, Lady Mojica." Magalang na anito.
"So? Any report?"
"She went out to the mall and spent almost 5 hours in the arcade then after she dine-in in a resto. She's home now."
Lumingon si Mojica dito, "What mall?"
"Ynca Mall, Lady Mojica."
"What? Nakarating sila do'n?! Binitbit niya ang apo ko hanggang sa kabilang siyudad?!" napatayo si Mojica at kunot-noong humarap kay Gwen. "Where is she? Bring her here! NOW!"
Agad tumalima si Gwen habang nakataas lang ang kilay ni Morry dahil wala siyang ideya kung ano ang nangyayari, kakarating niya lang kasi galing sa Ireland.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik si Gwen kasama si Pula.
Tila nabibigatan ang piwata sa sariling paa habang humakhakbang. Pilit na pilit, halatang wala sa loob itong humarap kay Mojica. Mailap rin ang mga mata ni Pula at kung saan-saan dumadako. Nakatago ang mga kamay sa likod para hindi makita ng iba ang nanginginig na mga palad.
Marahan itong tinulak ni Gwen tungo kay Mojica na salubong ang kilay na nakatingin nang mataman kay Pula. Napangisi naman si Morry dahil may ideya na siya kung ano ang nangyayari.
"Didn't you know that my eyes are everywhere in this mansion?" panimula ni Mojica, napayuko naman si Pula at kinagat ang nanginginig na mga labi.
"Even if you are the best pirate in whole waters of Europe, hindi ka makakatakas sa akin... Pursi Lanarri Viajedor Rembrant."
Napaangat ng tingin si Pula at nanlalaki ang mga mata. Napanganga pa ito at natuptop ang bunganga. Napapailing pa ito na tila hindi makapaniwala.
"Y-you c-can't— n-no! Y-you d-don't—!" utal ni Pula.
"I knew every bits of you, Pursi Lanarri."
"H-huwag p-po. S-sinusumpa ko ang pangalang 'yan!"
Napaatras si Pula nang tumalim ang mga mata ni Mojica habang pigil naman ang ngiti ni Morry nang mapansin ang mukha ni Pula dahil imbis na mamutla ito ay kabaliktaran ang nangyari. Pati balat ay nakisama sa pangalan nito at kulay ng buhok. Pulang-pula si Pula.
"Did you know that Ynca Mall is a business under Orlando Conglomerates?" tanong muli ni Mojica, napalunok naman si Pula at mas lalong namula, "Paano kung nando'n si Zync Orlando at magkita kayo?! Paano kung makita niya ang apo ko?! Paano kung totoo ang lukso ng dugo? You are aware that Zyncai looks exactly like his father what if Zync could recognize his son?!" sermon pa nito.
Biglang tumikhim si Gwen kaya binalingan nila ito. Pinandilatan ni Pula si Gwen para tumahimik pero tumaas lang ang sulok ng labi nito.
"Actually..." anito sabay ngisi kay Pula.
"What?" Mojica asked Gwen.
"Uwaaa! Sowi na po! Hindi ko po sadyang magkita ang mag-ama! Huhu! Jebs na jebs na kasi ako! 'Di ko naman po alam na si Bossing pala 'yong nasa katabi ng mesa namin ni Bulilit! Patawawin mo po ako!" nakapikit na lintanya ni Pula.
Napatingin sa kanya ang tatlo. Si Mojica na nawalan ng emosyon ang mukha, si Morry na nakangisi at si Gwen na nakataas ang kilay.
"Hindi ko naman po kasi alam na si Bossing 'yon! Hindi ko nakilala! Totoy pa kasi siya no'ng huling kita ko sa kanya pewo ngayon lumaki na siya! Kung noon mukha siyang askal na tuta, ngayon isa na siyang high-bweed sibewian husky! Kaya hindi ko siya nakilala agad kung hindi ko pa nakita nang malapitan ang feslak niya!" patuloy niya.
Nanatili ang reaksyon nina Mojica at Morry habang kunot ang noo ni Gwen dahil hindi nito nakita si Zync kanina sa resto. Hindi rin nito nakilala na si Zync pala ang taong pinagbilinan nito kay Zyncai. Naging mailap na rin ang mga mata ni Gwen dahil ipinupukol na ito ng masamang tingin ni Mojica.
"Pewo 'wag ka po mag-alala dahil agad naman akong umalis kaya hindi na nabigyan ng pagkakataon na lumukso ang dugo ni Bossing! Walang dugong dumanak! Pwamis po! Wala akong nakitang dugong kumalat sa westawan. Tsaka hindi naman po mawunong lumukso ang dugo. Tsismis lang 'yan." Yumuko si Pula pagkatapos magsalita.
"Pursi—"
"Huhuhu! H-huwag po." Putol ni Pula sa sasabihin sana ni Mojica.
"Pursi—"
"Patawad po..." putol ulit ni Pula.
"PURSI LANARRI! DON'T YOU DARE CUT ME OFF WHEN I'M TALKING—"
Hindi ulit natapos ni Mojica ang sasabihin nang biglang nag-angat ng tingin si Pula na may nanlalaking mga mata at ang namumulang mukha nito ay nagiging violet na hanggang sa tumirik ang mga mata ni Pula. Napanganga sila nang lumupaypay si Pula sa sahig at nawalan nang malay.
"What the?!" bulalas ni Morry. "TABANG!"
*****
Tanging tunog lang ng heart monitor ang nag-iingay sa loob ng Procedure Room sa Remedy Mansion. Mabilis ang bawat tibok ng pusong mino-monitor. Kasabay ng tunog na iyon ay ang mabilis na paglagatik ng mga daliring tumitipa sa keyboard ng isang super computer na nakakonekta sa lahat ng apparatus sa silid. Tutok at buo ang atensyon na binibigay ni Mojica sa screen ng computer.
Bawat pagpatak ng segundo ay ang paglukob ng antisipasyon ng mga taong nasa labas ng PR na nanonood sa nangyayari sa loob sa pamamagitan ng glass window.
Tanging si Mojica lang ang nasa loob kasama ang walang malay na si Reina. Nasa labas naman ng PR nanonood sa nangyayari sa loob sina Morry, Theus, Ryleen, Aly, Terrence at si Pula na kakagising lang pagkatapos mawalan ng malay sa loob ng dalawang araw. Literal itong nagka-mini heart attack sa sobrang takot kay Mojica.
Ngayon ang araw gagawin ang First Procedure for the Transmission para kay Reina at ngayon din ang araw na sinabi ni Mojica na gigising siya. Kinakabahan ang bawat isa kung ano ang maaaring mangyari sa kanyang paggising.
Pagkalipas ng higit dalawang oras ay wala pa ring nangyayari. Nanatiling lunod si Mojica sa ginagawa sa loob na maya't-maya ay tumatayo para lumapit kay Reina at may iniinject sa kanya na kung anong gamot at babalik sa kinauupuan nito sa harap ng super computer. Habang sina Pula at Theus na lang ang naiwan sa labas dahil nagutom ang mga kasama nila.
Napatayo nang tuwid sina Pula nang mapansin nilang mas naging agresibo ang mga galaw ni Mojica, tila nagmamadali ito sa mga ginagawa at panay ang paroon-parito. Hanggang sa nilipat na nito ang supercomputer sa tabi ni Reina.
Ang isang kamay nito ay patuloy na nagtitipa sa keyboard habang ang isa naman ay nakahawak sa pulso ni Reina. Gusto sana nilang pumasok sa loob para tulungan si Mojica kaso naka-lock ang pinto at mahigpit nitong bilin na walang may iisturbo sa ginagawa nito.
Napanganga sila sa pagkamangha nang swabeng sinipa ni Mojica mula sa likod ang mesang nasa likuran nito, tumalbog pataas ang isang syringe na may lamang asul na liquid at mabilis na nasalo ng kamay ni Mojica.
Nang masalo ang syringe ay ekspertong tinusok nito ang bagay na iyon sa dibdib ni Reina na tila sinaksak lang. Pagkaubos ng liquid ay tila isang papel na tinapon lang nito ang syringe sa basurahan sa gilid ng silid.
Muling sinipa ni Mojica ang mesa sa likod at muling tumalbog ang isang syringe na may sparkling liquid na laman. Tinusok ni Mojica ang syringe sa kabilang dibdib ni Reina.
Maya-maya pa ay tumuon na ang dalawang kamay nito sa keyboard. Pagkatapos ay tinulak palayo ang super computer saka hinarap si Reina.
Nagkatinginan si Pula at Theus nang sinimulang minasahe ni Mojica si Reina. Mula paa hanggang ulo. Kitang-kita nila ang mga pitik at pagpilantik ng mga daliri ni Mojica sa mga ugat ni Reina.
She also performed CPR for a minute then massaged Reina again. After an hour, Mojica turned to look at them through the window. Sumulyap lang ito at agad binalik ang attention kay Reina.
May nilagay na apparatus si Mojica sa ulo ni Reina, sa sentido at pati sa batok. Muli itong bumalik sa super computer at nagbabad doon ng ilang minuto. Then Mojica fix the white cloth that was covering Reina's naked body.
Hinubad ni Mojica ang white coat at prenteng umupo sa single sofa sa gilid.
Kumatok si Theus sa salamin kaya napalingon si Mojica sa kanila. Tinaasan nila ito ng kilay na tila nagtatanong kung ano na ang nangyayari pero ngumisi lang si Mojica at pumikit. Nagulat na lang sila nang biglang bumaba ang folds sa glass window kaya hindi na nila kita ang loob. Walang nagawa ang dalawa kundi umalis na lang sila sa PR.
Nang tuluyang maibaba ang folds sa glass window ay tumayo si Mojica saka muling lumapit sa kama ni Reina. Tinitigan nito nang mabuti ang mukha ng pamangkin.
"It's time for you to wake up, sweetchild." Napapangiting saad ni Mojica.
Inunat nito ang kaliwang kamay para abutin ang isang pulang button sa isang machine na nakakonekta kay Reina. Hindi nito hinihiwalay ang tingin sa walang-malay na babae. Walang pag-alinlangang diniin ni Mojica ang daliri sa button. Kasabay no'n ay ang sabay-sabay na pag-turn off ng lahat ng machines at apparatus na nakakonekta kay Reina.
Sinundan ni Mojica ng tingin ang biglang pagliyad ng katawan ni Reina na tila may pwersang humihila sa may bandang dibdib niya. Pagkabagsak ng katawan niya sa kama ay ang paghugot ng isang malalim na hininga ni Reina.
Pagkalipas ng isang minuto ay umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Reina sa buong silid habang nakapikit pa rin. Umangat ang mga braso niya at agad sinapo ang kanyang ulo. Namaluktot ang katawan niya dahil sa sakit.
Nanatiling nakatitig si Mojica sa nangyayari kay Reina. Hinayaan nitong namimilipit siya sa ibabaw ng kama.
Lumalabas ang litid sa leeg ni Reina dahil sa lakas ng sigaw niya at pagpipigil sa sakit na nararamdaman sa ulo. Parang binibiyak ang ulo niya gamit ang maso. Gusto niyang iumpog ang ulo sa isang matigas na bagay ngunit nasa isang malambot na kama siya nakapatong.
Kahit sobrang sakit ng kanyang ulo at hindi niya maintindihan ang nangyayari ay naramdaman ni Reina ang pagkalaglag ng kung anong bagay sa balat niya, doon niya naramdaman ang lamig na nanunoot sa kanyang balat.
Natigilan si Reina sa pagdaing nang maramdaman ang isang mainit na haplos sa kanyang pisnge. Nabitawan niya ang ulo. Unti-unti niyang minulat ang mga mata. Napapikit pa siya ulit dahil sa matinding pagkasilaw ngunit kalauna'y nagawa niyang imulat nang tuluyan ang mga mata niya. Inangat niya ang ulo at tiningnan ang may-ari ng mainit na haplos na iyon.
Napakurap-kurap si Reina.
"Hello to you, my sweet beautiful niece."
Napatitig siya sa mukha ng isang pamilyar na babae. Malaki at maluwag ang ngiti nito sa kanya. Ang mga ngiting iyon. Ang mga ngiting pinaramdam siyang tanggap siya nito ng buong-buo. Napanganga si Reina.
Marahang hinaplos nito ang pisnge niya at tinuyo ang luhang dumaloy doon. Doon niya lang napansin na nawala na pala ang sakit sa kanyang ulo.
"A-aunt M-mojica." Basag ang boses na aniya. It was just above whisper. She gasped. Her throat was dried up. She felt so drained. Inabot ni Mojica ang baso ng tubig sa bedside table at pinainom sa kanya.
Reina felt heaven after consuming the water. Water is tasteless but for her at this moment, it is the best beverage of all. She was gasping for air when she gave the empty glass back to Mojica.
"How do you feel?" tanong ni Mojica. Hinawakan nito ang kamay niya at dinama ang pulso. "Your heart is getting along." Anito, saka sinalat ang gilid ng leeg niya gamit ang dalawang daliri.
"Does your head still hurt?" may pag-alalang anito. Pakurap-kurap siyang tumango, kumibot-kibot ang labi ni Reina.
"I-it h-hurts." Mahinang saad niya na tila nagsusumbong. Maya-maya pa ay nagulat na lang si Mojica nang bigla niyang niyakap ang baywang ng tiyahin. "I-I am hurt, A-aunt Mojica! I thought you're dead! I am sorry, I left you. I didn't mean to! You got hurt because of me. You were left wounded and helpless back there! It was all my fault, I am sorry. I am sorry! They brought me in the palace and Tari— Tari was angry... she got mad at me."
Humiwalay si Reina sa pagkakayakap niya dito pagkatapos napapailing siya habang dumadaloy ang luha sa pisnge. Humihikbing napatingin siya sa kawalan.
"I-I met the king— Aunt Mojica! I met my grandfather and even the Queen! Everyone treated me unwantedly. I was so scared, Aunt Mojica. I was alone. Tari turned her back on me. She hates me, Aunt Mojica. They played on us. The king made us fight on a game! I didn't want to win but I wanted to live too. I don't want to die! I just want to grow old. I won the game, Aunt Mojica but Tari was the real princess. I knew I don't have place in the palace, but why can't they accept me? I don't want to blame you for taking me out from the attic but I wished I didn't come with you. It would have been better if I stayed there and listened to Mommy. I even killed a guy, Aunt Mojica! I didn't mean to shot him! He was about to shoot you! I am just a child! I am only six years old! And maybe Tari won't get mad at me. She will still love me as she did before."
Natuptop ni Mojica ang bibig habang tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Reina na tila takot na takot. Tumutulo pa rin ang luha niya habang nakatingala sa tiyahin, na tila nakakita siya ng kakampi na pwede niya pagsumubungan sa lahat ng nangyari sa kanya.
"They will never accept me for who I am. I was the unwanted child. I was the hidden. I am the bad luck to our kingdom. But, Aunt Mojica, was it wrong that I felt happy when I won the game? Was I selfish? I wanted to live but I don't want Tari to die. She deserves more than me. She deserves to live. She will always be the real princess and I will always be her twin sister who will love her no matter what happens. But—"
Humagulgol si Reina at pinilit na magsalita.
"But, why can't she feel that I love her? Why was she mad at me? She was glaring at me all the time. She made me feel that she don't want me. She's blaming me for what happened to us, Aunt Mojica. That's why— that's why I chose to switch us."
Naaawang tiningnan ni Mojica si Reina. Tumutulo na rin ang luha nito.
"I felt it! I felt how that dagger ripped off my flesh. It was supposed to be her but I don't want her to get hurt. Why does she hate me? Why does Mommy hate me too? Why did the King let it happened to us? Can't I live normally? Why are they so cruel? I believed I died. I died, Aunt Mojica! I felt how my heart pumped the last beat! But why am still here? Did you save me? Or am I in the other life now with you?"
Hindi nakasagot si Mojica. Nanatili ang titig nito kay Reina na puno ng awa. Lumuhod si Reina sa kama saka hinawakan ang kamay ni Mojica.
"I was so scared. I wish you were there for me, Aunt Mojica. I love her so much. I love my sister. I can't take her name and title away from her. It's hers and I have my own. I don't want to borrow something from her. She's Katarina Zenkiah and I am Katareina Zavina."
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Reina. Pinigilan ni Mojica ang emosyon. Hinawakan nito ang magkabilang pisnge niya. Masuyong pinahid ang luha.
"Everything will be okay, sweetchild. You will be okay." Malambing na anito.
"But— I'm scared." Aniya sa basag na tinig. Marahang umiling si Mojica.
"Be scared as long as you are scared, Reina. It is okay. You don't have to worry, I am here for you. I will never ever let go of you again."
Humihikbing tumango si Reina saka yumakap sa katawan ni Mojica. Sumubsob siya sa dibdib ng tiyahin.
"Where's my sister, Aunt Mojica? I want to see her. I want to talk to her. I want to say sorry, if I could just turn back the time and never left my attic, everything will be at place. I hurt her so much that she hated me."
Hinaplos ni Mojica ang buhok ni Reina at likod.
"Shh. Don't say that. I never regretted bringing you out. Everything happens for a reason and a reason will always find a way to make something happen. Tari doesn't hate you, baby. She's still on the process of understanding and accepting everything about the two of you. Your attic will never be your refuge for your whole life. I have been waiting for too long to be with you again. I am so happy, baby."
Inangat ni Reina ang ulo. Kumikinang ang asul niyang mga mata.
"Really?" napapalabing tanong niya.
Tumango si Mojica, "Everything will be okay."
Mas lalong hinigpitan ni Reina ang yakap sa tiyahin ngunit natigilan siya nang maramdamang may naiipit sa harapan niya. Mabilis siyang humiwalay kay Mojica at yumuko para usisain kung ano 'yong naipit at kumirot sa harapan niya.
Napanganga siya at napasinghap sa nakita. Hindi niya maalis ang paningin sa dalawang umbok sa harapan niya. Doon niya lang napagtantong wala siyang suot ni isang saplot. Tinaas niya ang isang kamay at sinundot ang isa sa malulusog niyang dibdib. Napaigtad siya dahil do'n.
Nasapo ni Mojica ang noo at napailing. Ito na nga ba ang sinasabi ni Mojica. Magsisimula na ang inaasahan nitong mangyayari sa paggising ni Reina.
Takot na takot niyang tiningnan si Mojica, "W-what h-happened to me? Aunt Mojica! Why do I have these?! Why am I having big, round breasts?! Have I got bitten by an insect?! Aaaaaaaaaa!"
*****
Nakapatong ang paa ni Pula sa center table ng sofa set sa sala habang ngumunguya ng cookies. Katabi naman niya ang malaking crib ni Zyncai kung saan hinahayaan niya itong maglaro. Kinukuyakoy niya ang paa habang nakatingin nang diretso sa TV. Kumuha siya ng isang piraso ng cookie saka inabot iyon kay Zyncai na agad namang tinanggap ng bata at kinain.
"Tsk. Kailan kaya matatapos ang ginagawa ng lola mo, bulilit? Kahapon pa siya won. Ni hindi kami pinapasok, sinawaduhan pa niya ang glass window, ang damot 'no?" pagkekwento niya sa bata na hindi ito nililingon dahil sa pinapanood niyang cartoon series na "The Jungle Bunch" Idol pa naman niya ang Tigreng penguin.
"Alam mo ba, malapit nang magising ang mama mo? Excited na ako pewo minsan hindi dahil ako ang magiging yaya niyong dalawa. Gwabe lang. Ikaw ba bata, kilala mo ba ang mama mo?" lumingon siya kay Zyncai.
Nagtaka siya nang nakatayo na ito sa crib at nakahawak sa haligi ng crib, nakatalikod ito sa gawi ni Pula at parang may tinitingnan sa pasilyo sa gilid ng elevator. Ang pasilyong iyon ay ang daan tungo sa Procedure Room at basement.
Umusog siya papalapit sa crib saka kinulbit ang likod ng bata pero wala itong reaksyon. Muli niyang sinundot ang likod nito pero tila wala itong nararamdaman.
Kaya tumayo siya at nagtataka sa nangyayari sa bata. Tumayo siya sa harap nito pero tumabingi ang ulo ni Zyncai saka umusog sa gilid para makasilip muli sa pasilyo. Pakurap-kurap itong nakatingin doon.
Sa kuryosidad ay napatingin din si Pula roon. Napakunot ang noo niya nang mapansing parang may nakakubli sa pader. Binalik niya ang tingin kay Zyncai na nakatingin pa rin doon.
Napaigtad pa siya sa sobrang gulat nang biglang malutong na tumawa si Zyncai sabay palakpak.
"M-mmm-Mmmm... mmm!" may pilit itong sinasambit na salita ngunit nangingibabaw ang tawa ng paslit.
"Hala siya." Bulalas niya saka binalik ang tingin sa pasilyo.
Huling-huli niya ang pagsilip doon ng isang pares ng mga mata na agad ding kumubli sa pader nang mapatingin siya.
"Sino 'yan?" may kalakasang tanong niya.
Muling may sumilip doon pero mabilis lang at muling nagtago.
Binunot ni Pula ang baril sa kanyang tagiliran at naging alerto.
"Lumabas ka d'yan! Sino ka?!"
Hahakbang na sana siya papalapit doon nang muling tumawa si Zyncai at nakaturo na ro'n sa pasilyo.
"Mmmm! Ammma! Mmmm!" paulit-ulit na anas ng paslit.
Tinago ni Pula ang baril dahil naisip niyang nasa bahay nga pala siya ni Mojica, imposibleng may kalaban sa loob.
Muling may sumilip doon pero mas matagal ang pagsilip ngayon. Nagsalubong ang kilay ni Pula nang biglang naglaglag sa harapan ang buhok ng may-ari dahil sa pagsilip nito.
A golden blonde long hair swayed down but the owner immediately hid again behind the wall. Nanlaki ang mga mata ni Pula.
"S-sino ka?" utal niyang tanong pero walang may sumagot. Binalingan niya si Zyncai.
"D'yan ka lang, bulilit. 'Wag kang umakyat ha! Baka mahulog ka at ako ang sisisihin kapag magkabukol ka. Ayokong maging ube muli sa hawap ng dwagonesa mong lola. Katakot!" Babala niya kay Zyncai na tumawa lang.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa pasilyo. Puno ng antisipasyon sa kung ano ang madadatnan doon. Nang makarating siya roon ay nagulat siya.
"Lola? What aw you doing hew?!" bulalas niya nang makita ang istriktang mukha ni Mojica na nakatayo roon.
Napatingin si Pula sa buhok ng ginang na light brown. Hindi naman ito golden blonde.
"Nasaan na 'yon?" hanap niya sa taong may golden blonde na buhok na pasilip-silip kanina.
"Are you looking for something?" matigas ang tinig na tanong ni Mojica. Napabaling si Pula dito.
"Kasi po, Lola. May pasilip-silip kanina—"
"Lola?" putol ni Mojica na may matalim na mga titig kay Pula. Napatakip ng bibig si Pula at namula na naman ang buong mukha.
"Ayy. Sowi po, Lady Mojica. Hehehe." Kinakabahang aniya.
Magsasalita pa sana siya nang marinig niya ang malutong na tawa ni Zyncai na parang kinikiliti. Nanlaki ang mga mata niya at patakbong binalikan ang bata pero laking gulat niya sa naabutan.
"Aaaaaaaaa!" hiyaw niya habang nakaturo sa crib ni Zyncai.
Napalingon sa kanya si Zyncai pari na rin ang babaeng nakaupo sa loob ng crib na nakikikain sa cookies ng bata. Pakurap-kurap itong nakatingin kay Pula.
"Aaaaaaaa!" patuloy pa rin sa paghiyaw si Pula habang nakaturo sa babae.
Dahil sa paghiyaw ni Pula ay kumibot-kibot ang mga labi ng babae. Bumakas ang takot sa magandang mukha nito hanggang sa napalabi ito nang tuluyang nahulog ang sunod-sunod na luha sa mga mata.
Tila bata itong binubully. Kaya tuloy ay pati si Zyncai ay pumalahaw ng iyak.
"Aaaaaaaaa!"
"Don't scare Reina for pete's sake, Pursi Lanarri!" umalingawngaw ang sigaw ni Mojica sa buong mansion.
"Aaaaaa—ah? M-madame W-weina? Is that you?!"
-End of Chapter 26-
Reminder: Reina's childhood wasn't normal. She was locked up in the attic since she was a baby 'till she reached 6 years old. She has an idea about the outside world only through stories that were told by her Granny Dane and Daddy Douglas and also from the fairytale books. You knew what happened when she got out from the attic with Mojica. So expect she will be ignorant in everything. She will be as innocent as a six-year-old kid and ignorant like a caveman.
Thank you for reading freaks! God bless you.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro