Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

25: PAPÁ

Chapter 25: PAPÁ
Enjoy reading!

3rd.

"Wow! This is pwetty amazing!" bulalas ni Pula nang pinapasok siya ni Lady Mojica at Morry sa bio-laboratory na nakatago sa ilalim ng basement ng Remedy Mansion.

"Pwede namang amazing na lang, why do you have to make it hard for yourself?" anas ni Morry sa kanya. Napaismid ang piwatang-bulol.

"Pwede namang no side comment, why do you have to bash me?" supladang sagot niya, "Uy! Engyish 'yon— I mean, engliiish." May kasama pang pagpilantik ng dila.

Natawa si Morry saka hindi na lang umimik. Hinayaan nitong maglibot si Pula sa buong lab at nilapitan si Lady Mojica na nakaharap sa isang monitor at may tina-type na kung ano sa keyboard.

"I will perform a procedure to her today for her heart and brain. Dahil sa pagtanggal ng VC Chip ay naapektuhan ang tibok ng puso niya at nerves sa utak, that's the cause of her comatose state right now. Kailangan nating ihanda ang katawan ni Reina para sa transmission of data na gagawin natin sa makalawa lalo na ang utak niya." saad ni Mojica.

"Do we really have to do that? Pwede naman nating hindi na gamitin ang mga alaala niya sa nakaraan pati na ang data ni Katarina to pursue our plans. We can feed her ideas and new memories." Alanganing wika ni Morry na iniisip ang maaaring mangyari kay Reina.

"Are you doubting, Morisette?" lumingon ito sa kanya na may nakataas na kilay, umiwas ng tingin si Morry at napalunok.

"H-hindi naman sa gano'n, Lady Mojica. I'm just worried."

"You are doubting." Mojica stated.

Napayuko si Morry, "I'm sorry."

"You're smart, Everstrife. You are not Eye of Empyreal for nothing. You became the hacking mistress of the organization because of your exceptional intelligence. I believed I don't need to tell you every reason to my every move." Bumalik si Mojica sa ginagawa habang siya naman ay napatingin sa malayo at nalunod sa malalim na pag-iisip.

"Ahm..." sambit ni Pula na lumapit sa dalawa, "Ako pwede magtanong, Mommy ni Koya Theus?" tanong nito sa ginang.

Lumingon ito sa piwatang-bulol na may mabibigat na titig, "What is it?"

"I'm an exact opposite of Mowisette Evewstwife. He-he. Pwede mo bang i-explain sa akin, Mommy ni Koya Theus? Nawiwindang kasi ako sa mga nangyayawi. Ayaw naman akong sewyosohin ni Mowi 'pag nagtatanong ako. Mukha ka naman pong mabait. He-he-he. Hindi po kasi ako smawt gaya ni Mowi, isa lang akong simpleng malupit na piwata sa kawagatan ng Euwopa na napiwata ang bawko." Tila nahihiyang wika ni Pula. Pinandilatan siya ni Morry pero dinilaan niya lang ito at inirapan.

Hindi agad nakasagot si Mojica na napatitig nang matiim kay Pula. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"You have a tongue-defect. Do you want me to fix that?" tanong ni Mojica. Napalatak naman si Pula habang nagpipigil ng tawa si Morry.

"I'm sewyus, po." Mahinang wika ni Pula habang nakanguso.

"Hindi mo ba gusto?"

"Gusto po pewo mas may mahalagang bagay tayong dapat pagtuunan ng pansin. Hindi naman po nakakamatay ang hidwaan namin ni Awr. Tolewable naman po. Makakahintay naman po ang dila ko ng pagbabago. He-he." Tila isang huwarang mamamayan ng Pilipinas na saad ni Pula. Muntik ng mapalakpak si Morry dahil do'n.

Napangiti si Mojica, "Tama si Morry na pwede lang nating sabihin kay Reina ang lahat tungkol sa mga nangyari na at sa mga plano natin sa hinaharap, hindi na kailangan ang mga alaalang naka-save dito sa VC chip." Seryosong saad nito kaya nakinig nang mabuti si Pula at Morry, "But it is better to know our past and flaunt life with it than to hear our past from others and be curious why."

Bahagyang napatango si Morry habang napakurap-kurap lang si Pula.

"I knew Reina very well, she would choose the former than the latter. Hindi lang naman kasi puro sakit ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Ayaw kong sayangin ang mga ngiti at tawa niya noon kasama ang mga taong iniingitan niya na alam kong importante sa kanya. Forgetting about our past doesn't make us a strong person but having those pains within us will make us braver and wiser. Erasing, forgetting, burying the past won't help someone to move forward. We just need acceptance."

Yumuko si Mojica at marahang umiling, "I don't want Reina to walk around like an empty vessel, waiting for us to feed her information. Masakit man ang mga nangyari noon pero alam kong kakayanin niya iyon. Alam ko rin na mas gugustuhin niyang maalala ang lahat kaysa tuluyang makalimot."

Hinarap ni Mojica ang dalawa.

"Hindi magiging madali sa kanya ang mga procedures na gagawin ko lalo na ang Transmission of Data, that's why we need to take it slowly. It will take time before Reina's total comeback."

"Ano ang ibig sabihin no'n?" tanong ni Pula.

Ngumiti si Mojica, "Maybe it will take a year or more to finish the procedures. Hindi ko pwedeng gawin ang impulsive move na ginawa ni Flynn noon kay Reina. I don't want to risk her life. We need to begin on the time when Reina's brain and heart stop functioning."

Nagulat si Morry, "Magiging bata ulit si Reina kapag nagising siya?!" bulalas niya.

Nang marinig ang sinabi ni Morry ay do'n pa nagulat si Pula. OA siyang napasinghap, "Paano 'yon? Madame will shwink?! Liliit siya ulit?! Magiging fantasy na tayo?!"

Sabay na napalingon si Morry at Mojica kay Pula na nanlalaki ang mga mata.

"Bakit ganyan kayo makatingin?" ani Pula nang mapansin ang kakaibang tingin ng dalawa.

Bumuntong hininga si Mojica, "Reina died at six—"

"Huwaaat?! Namatay na siya?! Fantasy na this! Na-wesuwect si Madame! Ameeeyzing!"

Malakas na binatukan ni Morry si Pula, "Pwede ba? Ang daldal mo talaga. Pagpahingain mo muna 'yang dila mo, mukhang naghihingalo na."

Umungot si Pula pero tumahimik na lang din dahil masama na ang tingin ni Mojica sa kanya. Kinikilabutan siya. Mukhang kasalanan ang ginawa niyang pagputol sa sasabihin nito.

"As I was saying, Reina died at six but because of the drug Lady Camelia injected to her before she got stabbed, she was able to defied death and instead, Reina hibernated for eleven years with the experiments and procedures done by Flynn. They've got to let Reina's body continue to develop through the years except for her heart and brain. The two main organs remained a six-year-old like functioning."

Tila mga estudyanteng taimtim lang na nakinig ang dalawa sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Mojica.

"That's why Flynn used the data from Katarina Zenkiah to help Reina's heart and brain to cope up with her whole system when she woke up after eleven years. Muntik siyang namatay no'n nang dahil sa impulsiveness ni Flynn sa procedures na ginawa. Minadali nila ang lahat. Dahil sa VC Chip ay nagawa nilang kontrolin ang utak at puso ni Reina kahit hindi pa ito nag-mature at nag-develop."

"Kaya pala." Mahinang sambit ni Morry.

"Yes, that's the reason why Flynn did that impulsive move. The Triad want to launch the Project Arma as soon as possible. So they find ways to bring back Reina to life and her twin sister, Katarina was the most compatible conductor for the receptor. The twins are the most important objects of the Project Arma. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon pero may hinala akong may kinalaman si King Alexandrous sa nangyayari ngayon. At base sa observation ko sa naging galaw ng Triad noon, Zync Orlando takes an important part to Project Arma."

Tumango si Morry habang walang reaksyon si Pula na nakatunganga lang kay Mojica. Maya-maya pa ay nagsalita ang piwatang-bulol.

"Teachew." Tawag-pansin ni Pula, "Posible bang alam ni Tawi ang lahat-lahat nang nangyawi kay Madame habang nandito siya sa Pilipinas?"

Hindi agad nakasagot si Mojica dahil nadi-distract ito sa pagkabulol ni Pula sa letter R.

Tumango si Mojica, "Kahit malayo sa isa't-isa ang kambal ay iisa ang function ng dalawang main organs nila Reina at Tari. It is 99.9% possible that Tari knew everything happened in the past 5 years when Reina lived under borrowed identity."

"Pati feelings ni Madame?" may halong pag-aalalang tanong ulit ni Pula. Naalala niya kasi ang mga sinabi ni Morry kay Theus no'ng nakaraan.

"Yes, as I've said Triad used Katarina's heart and brain to help Reina's to function through the VC chip under their control."

"Meaning... mafo-fall si Tawi kay Bossing?!" bulalas niya na may kinakabahang hilatsa.

"What makes you worried, dear?" tanong ni Mojica.

Napakamot ng ulo si Pula, "Baka po maging kontwabida siya sa love stowy ni Madame at Bossing! Madagdagan ang kawibal, nand'yan na nga si Theus at si Flynn eh. Tapos pati si Tawi. Huhu! Kalungkot naman po."

Natawa si Mojica habang kunot naman ang noo ni Morry na tahimik na ring pini-picture out sa utak ang mangyayaring fandom wars kapag lumabas na si Tari sa eksena.

"We can't decide on that one. It's only between Reina and Zync. Sila ang may alam kung ano ang tama at mali kapag nasa sitwasyon na sila. Basta ang importante ay hindi tayo aalis sa likod ni Reina."

"Kahit sa loob banyo hindi tayo aalis?" wala sa sariling tanong ni Pula. Hindi naman na gets ni Mojica kaya patuloy itong nag-explain tungkol sa procedures na gagawin kay Reina.

"May tanong ulit ako." Tinaas ni Pula ang kamay. "Ibig bang sabihin nito magiging isip-bata si Madame kapag gumising siya?"

Sabay na tumango si Morry at Mojica.

Bumuntong hininga si Morry, "She'll wake up as a seven-year-old girl in a 22-year-old body."

"Right, her brain and heart will resume its development. At habang hinihintay natin ang pag-mature ng utak at puso niya na magiging angkop na sa kasalukuyang edad niya ngayon ay unti-unti nating ibibigay sa kanya ang mga alaala ng nagkaraan." Ani Mojica.

"When will she going to wake up?" tanong ni Morry.

Ngumiti si Mojica, "She will wake up soon."

*****

"Dalawang bata na ang babantayan ko?" wala sa hulog na wika ni Pula sa sarili. Napakamot siya ng ulo saka nagpangalumbabang pinagmasdan ang antuking si Zyncai sa kama.

Siya ang naging baby sitter ni Zyncai.

Bumalik na sa Triad sina Aly at Terrence, si Morry naman ay masyadong busy na kung saan-saan pumupunta, si Mojica busy din sa ginagawang procedures kay Reina habang si Ryleen ay umuwi sa Clementin Mansion ayon na rin sa pakiusap ni Zync at Al na palaging busy para samahan si Sia na nagpapa-rehab dahil sa depression at anxiety na dinadanas.

Ayaw naman ng mga ito na ipagkatiwala ang bata sa iba kundi kay Pula lang. Wala namang kwenta si Theus dahil baka sa sobrang pagka-bitter nito kay Zync ay pagtangkaan nito ang bata... ayon kay Morry.

Hindi naman mapigilang mag-alala ni Pula dahil sa oras na gumising si Reina ay siya rin ang magiging baby sitter nito. Iniimagine niya na ang sarili na isang single mother pirate na pinunlaan lang ng isang pirata at iniwan.

"Gwabe. Ginawa nila akong yaya pewo ni hindi man lang sila nag-offew ng bayad sa akin. Ang kakapal ng mukha! Powke't stay in ako dito at libwe ang pagkain hindi na nila ako bibigyan ng allowance?! May needs din naman ako ah. Ang yaman-yaman naman nila. Pewo ang damot." Himutok niya habang tinutupi ang damit ni Zyncai na bagong laba at plantsa. Siya rin ang naglaba niyan. Palakpakan!

"Kaya ikaw bata ka, behave ka lang pawati ha? Dahil kapag nagising ang Mama mo, dalawa na kayo ang babantayan ko. Sana hindi makulit ang batang Madame pawa hindi ako mahiwapan sa inyo. Nalolosyang na ako." Aniya nang nilingon si Zyncai na nagpapraktis nang umupo sa loob ng crib na katabi lang ni Pula. Inabot niya ang pacifier sa gilid saka pinasubo sa baby.

"Nakakapagod maging instant nanay. Anwaming do's and don'ts. Kaloka. Ibigay na lang kaya kita sa ama mo?"

Humagikhik si Zyncai kaya nahulog ang subo nitong pacifier. Labas na labas ang gilagid nitong nag-hello kay Pula.

"Kaloka! Kuhang-kuha pati gilagid ni Bossing!" bulalas niya saka pinanggigilan ang matabang hita ni Zyncai.

Nang matapos ang pag-ayos sa gamit ng baby ay kinarga niya si Zyncai na naglalaro na sa sariling laway. Mabait na bata naman ito, hindi masyadong malikot at hindi rin iyakin. Antukin nga lang at matakaw sa gatas.

"Gusto mo bang lumabas tayo? Kaso hanggang garden lang pwede eh. Banned tayong lumabas sa bakod. Ipapatawget shooting ako ng Lola Mojica mo." Aniya saka bumulong ulit sa bata, "Maldita pa naman 'yong Lola mo. Katakot tumingin!"

Hinalikan niya ang leeg ni Zyncai saka suminghot, "Ang bango-bango ng beybe."

Lumabas sila sa kwarto habang magiliw na nagha-hum ng nursery songs si Pula. Bahagya pa siyang umiindak. Nasa third floor ang kwarto ni Zyncai at hindi naman mahilig si Pula sumakay sa elevator kaya naghagdan na lang siya para exercise na rin. Dahil sa pagiging baby sitter ay hindi na siya nakapag-yoga. See wala na siyang time to pamper and to beautify? Kaya 'wag agad magbuntis.

~"Wow, wow, wow yow boat. Gently down the stweam. Mewily, mewily, mewily life is but a dweam."~

~"Wow, wow, wow yow boat. Gently down the stweam. Mewily, mewily, mewily—"

"Damn, why are they letting you babysit the kid?! Baka mabulol din 'yan. Ayusin mo nga 'yang kanta mo!"

Napaigtad si Pula at nahinto ang pagkanta niya nang biglang sumulpot si Theus sa kanyang harapan na masama ang tingin sa kanya.

"Oh!" dinuro ni Pula si Theus at napaatras palayo. "Wag kang lumapit sa amin! Alam ko ang kasamaang namumugad d'yan sa isipan mo! Hindi! Hinding-hindi mo masasaktan ang anak ko! Magkamatayan man!" buong emosyong aniya.

"Are you serious?!" singhal ni Theus.

"Mukha ba akong hindi sewyoso?! Hindi ako tanga pawa hindi malaman ang masamang intensyon mo sa batang ito. Dahil isa kang ampalaya! Mapait, makulubot at gween! Bitew! Bitew! Bitew ka dahil hinding-hindi mo mapapalitan ang pwesto ni Bossing!"

"Baliw!" sigaw si Theus sa mismong mukha ni Pula saka nag-walk out.

Pumalahaw naman ng iyak si Zyncai dahil sa pagsigaw ni Theus.

"Kita mo na! Ang sama-sama mong tao ka! Pinaiyak mo ang bata! Lapastangan!" pahabol na sigaw ni Pula kay Theus kaya mas lalong ngumuwa ang bata.

Umindak at umindayog si Pula para patahanin si Zyncai.

~"Baby Zyncai... baby Zyncai. Sweet and small. Sweet and small. Don't you know Mama loves you? Don't you know Papa loves you? Vewi much. Vewi much."~

~"Baby Zyncai... baby Zyncai. Sweet and small. Sweet and small. Don't you know Mama loves you? Don't you know Papa loves you? Vewi much. Vewi much."~

Nang mapatahan ng ang sanggol ay tumuloy na pababa si Pula habang nagha-hum.

~"Hmm. Hmm. Hmm. Hmm."~

"Ma'am." Napahinto si Pula nang sinalubong siya ng butler. Nasa sala na sila ngayon, tinaasan niya ng kilay ang lalaki at palihim na napangiti.

'Hihi. Ma'am daw. Ang galing. Pawang ako ang amo.' Aniya sa kanyang isipin.

"What?" istriktang aniya habang humahagikhik siya sa likod ng kanyang isipan. Ginaya niya pa ang istilo ng pagsalita ni Mojica.

"Lady Mojica ordered me to hand over this to you." Sabay abot ng isang brown envelope na medyo may kaliitan.

"Ano 'to?" tanong niya pero tinalikuran lang siya ng butler.

"Bastos din." Anas niya at inismiran ang papalayong butler.

Inagaw ni Zyncai ang brown envelope at isusubo na sana.

"No bebe. No. Behave ka lang dapat. Kay Tita Piwata 'to. Hindi sa'yo." Aniya at kinuha ang envelope.

Binuksan niya iyon at nagsalubong ang kilay niya nang makita ang lamang ATM card, credit and debit card at passbook na nakapangalan sa kanya. Napangisi siya nang malaki nang makita ang seven-digit balance na laman ng account.

Masayang nilagay niya sa wallet ang mga cards at nilagay sa ilalim ng foam ng couch ang passbook at ibang papeles dahil natatamad na siyang pumunta sa kwarto niya. Dumiretso siya sa garden at nilaro si Zyncai roon.

"Gusto mo bang tumakas tayo, bebe? Sikweto lang natin ah. Gala tayo sa mall. Mawami akong pewa. He-he-he." Bulong niya kay Zyncai na nasa kandungan niya habang marahang dinuduyan ang swing na kinauupuan nila.

Malutong na tumawa si Zyncai na tila naiintindihan si Pula.

"Ano? Gusto mo? Ibibili kita ng bagong lawuan basta 'wag mong sabihin na gagala tayo ha?"

Sinasagot lang siya ng tawa ni Zyncai.

"Bakit ka ba tawa ng tawa? Hindi naman ako nagjo-joke ah." Tumawa ulit si Zyncai na labas ang gilagid.

"Hindi nga ako nagjo-joke. Ano? Gusto mo tumakas na tayo ngayon din? Magaling at matinik ako sa pagtakas. Hihihi. Talent ko 'yon." Tumawa si Zyncai.

"Sige na nga. Tatakas na tayo mukhang mapilit kang bata eh. Kaw ha, 'wag kang masanay mamilit ng tao. Hindi maganda 'yon. Namimikot ka. Ang galing mo pa naman mamilit eh, kahit na ayaw kong gumala, pinipilit mo ako. Ano ka ba?" mas naging malutong ang pagtawa ni Zyncai.

"Tatayo na ako. Kumapit ka nang mabuti sa akin dahil tatakas na tayo ayon sa gusto mo. 'Wag kang magulo ha."

Humagikhik ang bata na sinabayan niya rin. Inikot ni Pula ang paningin sa garden at napangisi.

"It's piwata's time."

*****

ZYNC ORLANDO

"Dah~d?"

Nagising ako dahil sa marahang haplos sa aking pisnge. Napangiti na lang ako nang bumungad ang mukha ng mga anak kong nakatunghay sa akin.

"Good morning."

"Good morning, Daddy!/ Good Morning Dah~d!"

Niyakap ko sina Arra at Arri. Nagkulitan pa kami bago ko sila kinarga para bumangon na. Binaba ko sila.

"I'll just freshen up, wait for me. Okay?" tumango naman sila. Mabilis akong nag-ayos sa banyo at nagbihis na rin. Nakakahiya naman sa mga nakaligo at nakaposturang mga anak ko.

"Dah~d? Is it your day off today?" tanong ni Arra nang makababa na kami sa dining room.

"Yes baby. Why? Do you want to play with me?" Hinaplos ko ang pisnge ng prinsesa ko.

"No Daddy, she wants to go to the mall." Sabi ni Arri.

"Hey! Arra supposed to say that not Arri!" ungot ni Arra na nakasimangot sa kakambal.

"You're so mabagal kasi to tell Daddy." Turan ni Arri. Natawa ako dahil nagiging conyo na ang mga anak ko.

"Is that what you really want, sweetheart?" mabilis namang tumango si Arra.

"We've never been to a mall, Daddy." Saad ulit ni Arri.

Gusto kong batukan ang sarili dahil sa higit isang taong nakasama ko ang kambal ay hindi ko sila napasyal. Tanging sa opisina ko lang sila nilalabas.

"Okay. We will go to the mall later." Sabay na pumalakpak ang dalawa.

"Yey!"

**

"Are you sure you don't want to come with us?" tanong ko ulit kay Ryleen na karga si Allius.

"Yes Kuya. It's your bonding time with the twins saka ayaw lumabas ni Ate Sia kaya dito na lang kami. She will look for Allius for sure."

"Okay then."

Nilapitan ko sila. I kissed Ryleen's forehead then Allius' cheeks.

"Dada-nooong!" hiyaw ng maliit na bubwit. Napangisi na lang ako.

"Ninong." Pagtatama ko kay Allius.

"Dada~!

"Babye!" sabay na paalam ng kambal habang papalabas na kami.

"Dadakyu!"

**

Agad namin narating ang Ynca Mall. Gustohin ko mang kami lang tatlo ang gumala ay hindi pwede kaya nakasunod sa amin ang limang body guards na naka-civilian lang para hindi masyadong takaw-pansin. Maliban sa kanila ay alam kong nasa paligid lang din namin ang mga agents na nakatalagang magprotekta sa pamilya ko na galing sa Dark Quarter.

Hawak ko ang kambal sa magkabilang kamay. Terno pa kaming tatlo dahil naka-denim kami. Napapalingon ang mga tao sa amin at may iba pang agad na nakilala ako. May ibang nagtangkang kumuha ng litrato pero agad pinigilan ng body guards namin.

Hanggang kasi ngayon ay hinahabol ako ng local at international media to get my statement about Katarina.

Maaari kong ipasara ang mall para makagala kami ng walang isturbo kaso gusto kong maranasan ng kambal ang normal na gala sa mall kahit paano. 'Yong maraming taong nakakasalamuha.

Ginugol namin ang tatlong oras sa arcade. Aliw na aliw ang kambal habang ako naman ay hiyang-hiya sa mga magulang ng mga batang napagdidiskitaan ng kambal lalo na ni Arra. Ilang sorry na ang nasabi ko ngayong araw.

"Hey! Go away kid! Arra wanna play that!" agad akong napalingon sa kanan nang marinig ang sigaw ni Arra. Napasapo na lang ako sa aking noo nang makita siyang tinulak palayo ang batang lalaki.

Mabilis akong lumapit doon at sinalo ang bata na muntik nang humalik sa sahig.

"Arra!" saway ko sa anak kong tila walang kasamaang ginawa. Sumulyap lang siya sandali sa akin at naglaro na do'n sa game.

Sinapo ko ang mukha ng bata na naiiyak na dahil sa kamalditahan ni Arra.

"Are you okay?"

Hindi pa man nakasagot ang bata ay may humila na sa kanya palayo sa akin.

"Anak mo ba 'yan?! Nakita ko ang ginawa ng batang 'yan sa baby boy ko!" sigaw ng nanay no'ng bata. Dinuro pa nito si Arra.

"Pasensya na po. She's just a kid, she's not aware of what she's doing." Malumanay kong sabi pero mas lalong nalukot ang mukha ng babae.

Pasimple kong sinulyapan ang paligid at nakitang nakakakuha na kami ng atensyon. Akmang lalapit pa sa akin ang mga bantay namin nang sinenyasan ko silang 'wag lumapit.

"Wag mo 'kong idaan sa ingles-ingles mo, Mister! Hindi ko mapapalagpas ang pagtulak ng anak mo sa anak ko! Ni lamok hindi ko pinapadapo sa kanya!" sigaw ulit ng nanay. Napatingin ako sa batang lumalabi na tila pinipigilan ang pag-iyak.

Napansin ko ang namamantal na braso nito at napailing na lang ako sa aking isipan dahil alam kong kagat ng lamok ang mga iyon.

"Ma'am. I'm very sorry for what my daughter did. I'll take the responsibility of reprimanding her. Hindi niyo ho kailangang sumigaw." Marahan ko pa ring sabi. Nilingon ko sina Arra at Arri na walang pakialam sa paligid na naglalaro pa rin.

"Kanina ko pa napapansin 'yang mga anak mo na nang-aaway ng ibang bata dito! 'Yan ang problema ninyong mayayaman masyadong spoiled brat ang mga anak niyo! Nang-aapak kayo ng mga mahihirap na tulad namin!"

Bumuga ako ng hangin at pinilit 'wag sabayan ang galit ng babae. I totally understand her, kahit kasi ako ay magagalit din kapag may manakit sa mga anak ko pero hindi naman ako mag-eeskandalo gaya ng ginagawa niya ngayon.

"Ma'am, please you don't need to make a scene here. Mga bata lang ho sila at hindi nila alam ang ginagawa nila pwede bang 'wag na natin palakihin ito? Hindi naman ho maganda na sumisigaw ka sa mismong harap ng anak mo. Would you please let this off? Ako ho ang bahala sa mga anak ko."

Bubuga na naman sana ang nanay nang bigla siyang nabuwal at dumiretso siya sa akin dahil may biglang bumangga sa kanyang likuran. Mabilis ko siyang nasalo habang hinawakan ko ang anak niya para iwasang maipit. Agad namang nasilapitan ang mga bantay namin para ilayo ang babae sa akin.

"Ano ba?! Bwesit 'to!" sigaw ng nanay at marahas na hinarap ang bumunggo sa kanya.

Nakita ko ang babaeng nakatalikod na pula ang kulay ng buhok. Naka-grey na sleeveless shirt at puno ng tattoo ang mga braso.

"Awaaay naman! Ba't ka ba nanunulak bata?! Ang liit-liit mo pewo anlakas mo!" sigaw ng babaeng may pula ang buhok sa kung sinong nasa harap nito.

"Arra is still playing! Arra said go away but you didn't listen!" narinig kong sigaw ni Arra kaya nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nilapitan si Arra.

"Arra!" hinila ko siya papalapit sa akin.

Narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid tungkol sa pagiging sutil ng kambal na kanina pa nang-aaway. Napapikit ako at lumuhod sa harap ni Arra na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa babaeng pula ang buhok.

Marahan kong pinalandas ang palad ko sa mga mata ni Arra kaya naalis ang panlilisik no'n at sa akin na nakatingin.

"Arra, masama ang ginawa mo. You keep on pushing people away, that's bad. Do you want Daddy to get mad?" malumanay ko saad kay Arra na kumibot-kibot ang labi.

"But Daddy! Don't get mad to Arra please. She's just enjoying the games here." singit ng kunsintidor na si Arri.

"You're enjoying but what you're doing to other gamers here is very wrong. Can't you just enjoy without hurting someone?"

"Arra is sorry, Daddy." Mahinang wika ni Arra na tumulo na ang luha. Pinahid ko iyon. I really hate seeing my twins' tears. It's heartbreaking. Naaalala ko palagi ang gabing iyon na lumuluha niya akong iniwan. Lumuluhang mukha ni Katarina ang huli kong nasilayan.

"Sa amin?! Hindi ba mag-sosowi ang batang 'yan?!" tumayo ako nang tuwid.

"Say sorry to them, Arra and Arri." Utos ko sa kambal.

"Sorry po." Sabay ng wika ng kambal at yumukod pa.

Hinarap ko ang babaeng tinulak ni Arra pero nakatalikod na ito at naglalakad na palayo sa amin. Nagulat pa ako nang biglang may sumilip na bata sa kanyang balikat. Do'n ko lang napagtantong may bitbit palang sanggol ang babaeng pula ang buhok.

Lumingon ang bata sa amin at nakita ko ang pangisi nito na labas ang gilagid. Napangiti na lang ako, parang may humaplos sa puso ko sa ngising 'yon ng bata.

"Hoy. Mag-sorry ka rin sa anak ko!" napabaling ang tingin ko sa nanay na sigaw ng sigaw kanina.

"Don't hoy my child, woman!" 'di napigilang singhal ko. Nagulat naman ito at napaatras palayo lalo na no'ng nagsitayuan ang mga bantay namin sa likuran ko.

"Sorry lang naman ang hinihingi ko. Kayo talagang mayayaman, andadamot. Kahit sorry ayaw ibigay." Ayaw paawat na anas ng nanay saka kami tinalikuran.

Napahugot ako ng hininga saka kinuha ang wallet ko at kumuha ng ilang panid ng isang libo.

"Here. Sorry for what my daughter did." Sabay abot sa kanya ng pera. Tumalikod lang kasi siya at hindi naglakad palayo na parang gustong magpapigil. Mabilis naman itong humarap at kunot-noong tiningnan ang pera.

"Hindi naman ako nanghihingi ng pera ah!" nanlalaki ang butas ng ilong asik niya pero mabilis na kinuha ang pera at naglakad palayo sa amin hila-hila ang anak niya.

Lumingon ang bata sa amin, "Sorry po." Magalang na sabi nito.

Napailing na lang ako at inaya ang kambal na lumabas na sa arcade dahil masyado nang nai-enjoy ang mga taong nanonood sa amin.

Pumasok kami sa isang restaurant at nag-lunch. Hindi naman naging malikot na ang kambal dahil siguro sa gutom.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay may biglang lumapit.

"Koya! Pwede po bang pakibantay muna kay baby dahil najejebs na ako!" nagmamadaling wika ng isang babae sabay tulak sa highchair na pambata sa gilid. "Ito. Paki-subuan na rin ng mashed potato. Gutom pa 'yan!" dagdag pa niya sabay patong ng lalagyan ng mashed potato sa harap ko.

Bago pa ako nakaalma kumaripas na ng takbo ang babaeng pula ang buhok at puno ng tattoo papunta sa CR.

Napakamot ako sa aking ulo at hinarap ang batang nakatingala sa akin. Napakurap ako dahil ito 'yong batang bitbit ng babaeng pula ang buhok kanina sa arcade.

"Daddy he's so cute! Can Arra bring him home?" tili ni Arra sabay kurot sa braso ng bata.

"His eyes are blue, too." Wika naman ni Arri.

Do'n ko lang napagtantong napatulala na pala ako sa asul na mga mata ng bata. Parehong-pareho sa mga mata niya. Lumakas ang tibok ng puso ko.

Tumikhim ako, "Arra go back to your chair. Don't pinch him, he might cry." Awat ko kay Arra nang malapit na itong manggigil sa baby.

Wala akong nagawa kundi subuan na lang ang bata na nakatingala pa rin sa akin ng pagkain nitong mashed potato. Kahit kumakain ay nakatingin pa rin ito sa akin na para bang ayaw nitong mawala ako sa paningin. Sa totoo lang nakakailang ang titig ng bata, parang pamilyar ang titig nito, hindi parang... sobrang pamilyar ang titig ng baby.

Wala sa sariling inabot ko ang pisnge ng baby at masuyong hinaplos iyon. Ngumiti ang bata nang labas ang gilagid na sinundan pa ng malutong na tawa. Pamilyar ang ngiti ng bata! Kaninong labi ko nga nakita ang gano'ng klaseng ngiti? Napaisip ako pero hindi ko matukoy kung sino.

"Ahh! Ang cute naman ng baby at ng kambal." Rinig kong usapan sa kabilang mesa.

"Oo nga. Ang gaganda ng mga mata nila. Mukhang may lahing foreigner."

"Look at the baby, kamukhang-kamukha ng daddy 'no?"

"Single dad siguro 'yan."

"Ang gwapo naman niya."

"Mukhang batang-ama."

"Di ba si Zync Orlando 'yan?"

"Shit. Shut up na tayo. Baka nasa paligid lang ang mga bantay n'yan at magugulat na lang tayong may pulang tuldok na ang mga noo natin."

Pinilit kong hindi makinig sa usapan nila at tinuon ang pansin sa bata. Mabuti na lang at hindi magulo ang kambal basta sa harap ng hapagkainan. They're formal and do not play with food. Noong kasama pa namin si Katarina ay ayaw niyang magulo ang kambal kapag kumakain gano'n din si Tamara kaya nakasanayan na ito ng kambal hanggang ngayon.

"Haaay! Salamat! Uy... thank you ah." Napalingon ako sa babaeng lumapit na kasama nitong baby. "Jebs na jebs na kasi ako."

Hindi siya tumingin sa akin basta lang ito yumuko saka hihilahin na sana ang upuan ng baby nang inangat nito ang tingin sa akin. OA itong napasinghap at napanganga. Napatayo pa ito nang tuwid at tinakpan ang nakanganga niyang bibig. Tinuro ako nito na may nanginginig na daliri.

"Is there something wrong?" tanong ko dahil nakakatakot naman ang reaksyon niya nang makita ang mukha ko. Na-conscious tuloy ako sa mukha ko baka pumapangit na ako sa sobrang stress.

Bahagya itong lumapit at yumuko.

"Papa!" bulalas ng babaeng pula ang buhok, tadtad ng tattoo at maraming piercings. Parang hindi naman ito mukhang ina ng bata. Malayong-malayo ang mukha nila.

"Papa?" takang tanong ko. Muli niya akong tinuro at ilang beses tumango.

"Papa! Papa!" ilang ulit na sambit niya na nanlalaki pa rin ang mga mata, "Papa! Pa—tay ako nito! Oh jusko! Hindi pa ang takdang panahon! Anong nagawa ko? Homaygad!" anas niya sabay buhat sa baby at nagmadaling tumalikod sa akin. Napatayo naman ako.

"Miss. Excuse me, what are you talking about? Hindi pa tapos ang baby sa kinakain niya." nawiwierdohan na talaga ako sa inasta ng bata.

"Patay ako nito sa Lola mo— Zyncai." 'di mapakaling saad niya pero hindi ko naintindihan ang huling bahagi ng sinabi niya.

Hindi na ito lumingon sa akin at lumapit lang do'n sa mesa sa harap ng mesa namin saka naglagay ng pera doon. Napakunot nalang ang noo ko nang magmadali na itong umalis.

Ngunit bago sila makalayo sa amin ay narinig ko ang malutong na tawa ng baby na karga ng babae at ang pag-baby talk nito.

"P-p-p-papá!"

-End of Chapter 25-

Say something please. Nagiging inspiration ko kasi ang mga sinasabi niyo. 'Wag kayong madamot. Hehe.

P.S. One and only update for this week and no update next week.

Thank you for reading freaks! God speed.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro