24: ZYNCAI
Truth: I was supposed to kill the baby... so that it could give more reason for Reina to get even with the Triad and especially to Flynn BUT I changed my mind. I can't kill a baby. A baby is a blessing na kahit Fiction lang 'to ay hindi ko keri. Kaya bahagyang lumiko ang story, slight lang naman. Mga 1cm lang. LoL. Then Zync will go mad if he'd find out about the baby, he will take revenge and will question Reina for everything had happened. Pero ayokong ma-out of character si Zync. He will not be Zync if gano'n. 'Yon lang. Share ko lang.
Chapter 24: ZYNCAI
Enjoy reading!
3rd.
"Hand it over to me, baby."
Nagitla si Theus dahil sa biglang pagsalita ni Morry na kanina niya pa katabi. Napatingin siya rito, nakalahad ang kamay ng babae sa kanya ngunit hindi nakatingin.
"Baby?" wala sa sariling aniya. Tumawa si Morry at nilingon siya na may nakakalokong ngisi sa mukha.
"Aww." Madamdaming anito, "You do like sweetie rather than baby, don't you?"
Napangiwi siya saka inismiran ang babae. Bumuntong hininga siya at hindi pinansin ang katabi.
Pagkatapos ng nagbabagang bangayan na nangyari kanina sa pagitan nina Aly at ang pagsulpot ni Morry na may bitbit na surpresa ay hinila siya ni Morry paalis do'n sa training room at dinala sa garden ng kanilang mansion.
Morry wanted him to let off steam. Masyado siyang nadala sa emosyon kaya umabot sa gano'n ang bangayan nila. Inaamin naman niya sa sarili na wala siyang karapatang manghimasok sa mga desisyon nila Reina at ng grupo pero hindi niya naman mapigilang mag-alala sa sitwasyon ng babae. Natatakot siya para kay Reina.
"Sweetie, ibigay mo na sa akin. Sinabihan na kita diba? Naka-plano na ang lahat, kalkyulado na kaya kung magiging balakid ka man ay magpasensyahan na lang tayo. Aalisin kita sa grupo kasama ang mga bagay na nalalaman mo tungkol sa amin at kay Reina." Seryosong saad ni Morry.
Napalunok siya, "W-what? You'll kill me?" hindi makapaniwalang aniya. Tumawa nang malakas si Morry at nilingon siya.
"Nice idea but it would be better if you'll walk on the ground empty-headed about us than having you lying under the ground with our memories." Nakangising sagot nito.
"And how would you do that? Ibabagok mo ang ulo ko o sasagasaan ako?" sarkastikong anas niya. Napairap pa siya.
"Tutusukin kita." Mapang-akit na saad ni Morry.
"What?!"
"Ohp. Sounds nasty dahil diba dapat ako ang tutusukin mo? Bahaha!" bawi nito pero mas lalong namula ang pisnge ni Theus sa inis.
"Potty! Binabalaan kita! Umayos ka!"
"Totoo naman kasi. Tutusukin kita para makakalimutan mo ang lahat ng problema at iniisip mo tungkol kay Reina. Titirik ang mga mata mo at mapapanganga ka sa gaang mararamdaman mo kapag nawala lahat ng aalahanin mo tungkol sa grupo namin." Pang-iinis pa ng babae. Napatayo si Theus at dinuro ito.
"Why am I sticking with you?! You! You're disgusting and ill-mouthed woman! What a potty!" puno ng pandidiri na wika ni Theus at akmang tatalikod nang sinipa ni Morry ang tuhod niya. "Aww! Why did you kicked me?! Brute!" daing niya habang nakaluhod.
"What?! You're just green-minded, that's why you're misinterpreting me. Sweetie, don't worry I'll be gentle kapag tinusok na kita. I'll be using MAD." Anito saka kumindat.
Natatawang tumayo si Morry. Nagulat na lang si Theus nang may nilabas na Ziplock plastic si Morry na galing sa suot nitong sling bag.
"How did you get that?! Tinago ko 'yan!" sigaw ni Theus at tumayo. Sinubukan niyang kunin ito pero umatras palayo ang babae.
"Baka nakakalimutan mo kung sino ako, sweetie? Wala kang may maitatago sa akin. " Tinitigan ni Theus ng matiim si Morry. "Kahit saan mo pa itago 'tong chip, Sweetie ay mahahanap at mahahanap ko ito. I am the Eye and nothing can hide from me... NOTHING AND NO ONE." Dagdag pa nito.
"Go away." He shooed her away. Bakas sa tinig ni Theus ang pagsuko sa pilit pinaglalaban.
"Sweetie, kung ano man ang tumatakbo d'yan sa isip mo 'wag mo nang ipaglaban. Gamitin mo na lang 'yang nararamdaman mo kay Reina sa pagprotekta at pagtulong sa kanya. Isipin mo ang batang nakilala mo kanina. He's the proof that Reina is taken and you shouldn't be messing around with her. Kahit sa bata na lang, 'wag mo nang agawan si Zync." Biglang malumanay na anito.
"You don't need to tell me that."
"At ano hayaan kang umepal sa LT nila? No way! Shipper nila ako kaya magkamatayan man, sila ang magkakatuluyan. At alam mo bang hindi lang ang batang 'yon ang anak nila, may kambal pa sila na nasa puder ni Zync kaya ako na lang. Ako na lang. Wala akong sabit. Pramis." Sinundan pa ito ng tawa ni Morry. Napangiwi si Theus.
"Hindi naman nila anak 'yong kambal sabi ni Ryleen saka sigurado ka bang si Zync ang ama at si Reina ang ina? Baka nga experiment lang 'yang bata na gawa ng Triad eh. It's not impossible for them to make a DNA offspring from two gene carriers. Ikaw na rin ang nagsabi na masyado silang makapangyarihan at malawak ang hawak nilang makabagong teknolohiya." Ayaw paawat na aniya habang nakangisi.
"Ghaaad. You're hopeless, sweetie. Nakakaawa ka. Sige, ipaglaban mo 'yang katwiran mong bulok. Gagahasain kita kapag iiyak ka sa huli. Tandaan mo 'yan." Anito saka siya tinalikuran at iniwan.
Napapailing naman siya at muling nahulog sa malalim na pag-iisip tungkol kay Reina at sa bata.
"I can be a good father." saad niya sa kanyang sarili sabay kibit-balikat. "Why not?"
*****
"He really looks like his father." Nakangiting wika ni Aly habang ninanamnam ng mga mata ang mukha ng mahimbing na natutulog na sanggol sa kama.
"Yeah. Bata pa lang pero kamukhang-kamukha na ng kumag 'no?" sabat ni Morry na nakaupo sa paanan ng kama.
"Malakas ang dugo ni Zync. Kulay ng mata lang ang nakuha kay Reina." Wika naman ni Terrence na nakatayo sa gilid.
Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi nila habang nakatingin sa munting paslit na walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa paligid.
"Pero hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa nilang bumuo sa gitna ng kaguluhan. Ibang klase rin 'yong si Zync eh." Dagdag pa ni Terrence.
Bumakas naman ang lungkot sa mga mata ni Aly, pruwebang nasasaktan pa rin ito dahil sa nangyari sa kanila ni Zync.
"Duh? Kung kayo ba naman sa iisang kama lang natutulog, aba... hala-bira, diin-bunot, ulos-haltak, kapit-bedsheet, kalmot-likod, tirik-mata, nganga-bibig. Deeper. Faster. Harder. Rougher. Malaki siguro ang kay Zync, ano?" Morry said dreamily.
Parehong napangiwi sina Aly at Terrence sa wika ni Morry.
"Hanggang dito ba naman, kamanyakan pa rin ang lumalabas d'yan sa bunganga mo, Potty?" sabat ni Theus na kakapasok pa lang at narinig ang sinabi ng babae.
"Oh shut up, sweetie. Inggit ka lang dahil sa nakikita mong ebidensya ng tunay na pagmamahalan ni Zync at Reina. Ahh. Wawa ka naman bebe boy, broken-hearted ka na agad. Wala kang laban sa batang ito, boy! Look at his cute handsome face. Orlandong-orlando oh! Pero dontcha worey beybe, bibigyan din kita ng kamukhang-kamukha mo. Hihi."
Hindi na umimik si Theus at nag-walk out na lang. Tumawa nang malakas saka nagkibit-balikat si Morry habang napailing na lang ang dalawa sa pang-aasar niya sa binata.
Binalik nila ang tingin sa sanggol na gumalaw para magpalit ng posisyon.
"Ano ang pangalan niya?" tanong ni Aly.
"Wala pa." ani Morry.
"Then we should name him."
"No, Terrence... wala tayong karapatang pangalanan siya 'no. Hintayin na lang natin ang paggising ni Reina." Saad ni Morry.
"Hindi ba natin siya ipapakilala kay Zync? Diba karapatan din naman niyang makilala ang anak niya?"
Napatingin si Morry kay Aly, "Yes, you're right but still it's not our right to introduce him to his father. Sigurado akong may plano si Reina tungkol sa bata."
"Kailan nga ba magigising si Reina? Kahit nickname na lang. Kawawa naman ang bata na wala siyang pangalan. Hindi niyo pa sinasabi ni Lady Mojica kung ano ang sunod na hakbang natin." Ani Terrence.
"Sige na nga, mag-isip kayo ng pwedeng i-nickname."
"Reino." suggestion ni Terrence.
Ngumisi si Morry, "Seriously? Dagdagan mo na lang kaya ng ceros para masaya."
"Laitera. Sige ikaw mag-suggest. Tingnan natin."
"Zync Junior." Proud na aniya, nakataas noo pa. "Pinag-isipan ko nang mabuti 'yan."
"Wow, vewi cweative mo naman Mowi. Zync Juniow?!" biglang sabat ni Pula na kakapasok pa lang. Umupo ito sa gilid ng kama.
"Ano ang ginagawa mo rito, piwatang Pula?! Diba sabi ko sa'yo na maiwan ka muna do'n sa Latvia dahil may ipapagawa pa ako sa'yo! Pero tinakasan mo ako!" sita ni Morry sabay kurot sa hita ni Pula.
"Awaaaaay naman Mowi! Masakit! Ayoko na nga do'n eh! Pagod na akong maging piwata!" ungot ni Pula sabay himas sa hita. "Ninakaw ni Thwonux ang bawko ko! Hindi na ako piwata!"
"Wala akong pakialam! Edi, mamirata ka rin para magkabarko ka! Bumalik ka ro'n! Ipapahanda ko ang private plane para makabalik ka!"
"Ayoko nga! Pagod na pagod na akong tumiwa sa kawagatan! Wala won ang futuwe ko!"
"Hindi pa tapos ang misyon mo, timawang piwata ka! Hanggang ngayon bulol ka pa rin! Hindi ko inakalang mapagtyatyagaan ka ng mga Pranses mong kasama, bestfriend pa naman nila si R."
"Mapanglait ka, Mowi! Hindi mo na ako mapapabalik do'n, kahit maging sino ka man! Nandito na si Madame kaya dito na win ako."
"Mowi ka d'yan. Ayusin mo 'yang dila mo ah. Tanggalin mo nga 'yang hikaw mo d'yan kaya ka bulol eh."
"Wag mo ngang pakialaman ang hikaw ko sa dila! Siya ang dahilan kung bakit magkaibigan kami ni L!"
"L? Ano na namang katimawaan 'yan ha? Babaeng piwatang bulol?! Tigilan mo 'ko!"
"Duh?" umirap si Pula, "Yong pinsan ni Awr at W. Dahil sa hikaw na 'to, bati na kami ni L. Naghahanap pa ako ng way paano ko mapaamo si Awr."
"Ewan ko sa'yo. Kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Suwail ka lang talaga. Ayaw mong sumunod sa mga utos ko. Lagyan mo rin kaya ng tattoo 'yang mukha mo, nakakaimbyerna ka. Piwatang-bulol."
"Mowi-tigang." Ayaw patalong anas ni Pula.
"What did you say?!"
"Tigang ka naman talaga ah! Kaya mo nga fini-fliwt si Koya Theus! Pawa maka-scow ka!"
"Anong pini-pwit?! Kupal ka! Wala akong pantusok para pwitin siya! Baka ako pa ang ma-pwit!"
"Eww! Sabi ko FLIWT! Nilalandi mo! Malandi ka! Mowi-tigang na, bingi pa!"
"Bwahahahaha! Fliwt daw. Leche ka talaga Pula. Piwatang-bulol!"
"Mowi-tigang."
"Sssh. Ang ingay niyo." Saway ni Aly na nagpipigil din ng tawa gaya ni Terrence. Gumalaw ang baby na tila naalimpungatan sa ingay nila. Hinele ng babae ang sanggol para makabalik ng tulog.
"Yan kasi ang ingay mo." Ungot ni Pula kay Morry. "Basta tigang, nag-iingay."
"Piwatang-bulol." Pang-aasar ni Morry dito.
"Tama na 'yan kasi, natutulog ang baby. Ang ingay-ingay niyong dalawa. Mas mabuti pang mag-isip kayo ng pwedeng i-nickname sa baby." Awat ni Terrence sa dalawa nang magsimula naman silang mag-asaran. Nag-ingusan ang dalawa at pasimpleng nag-kurutan.
"Blue na lang kaya, asul kasi ang mga mata niya. Pwede win Asul pawa kyot." suhestiyon ni Pula nang mahimbing na ulit ang tulog ng bata.
"Eww. So common. Kagaya ng Pula. Psh. Gawin mo na lang kayang Green para mas kyot kapag ikaw magsalita. Sambitin mo nga ang Green, piwatang-bulol." Sabay sundot sa ilong ni Pula.
"Mowi ha! Mag-suggest ka na lang kaysa mang-inis. Powke't ikaw ang wayt hand ni Madame, nang-aapi ka na. Papatulan talaga kita! Isa akong matinik na piwata." Banta ni Pula.
"Puting kamay ako ni Reina? Hahaha! Sabihin mo nga ang pangalan ni Madame mo, Reeeey-na. Rrrrrreina." Panunukso ni Morry.
"Heh!"
"Sige na. Tingnan natin baka masambit mo nang maayos. Re-re-re-re..."
"Ayoko nga. Inuuto mo 'ko eh."
"Rain na lang, para sounds like sa name ni Reina." Ani Terrence para putulin ang nagbabadyang bangayan ng dalawa.
"Ulan? Gosh, wala ka bang may mas creative d'yan?" anas ni Morry.
"Light na lang, pawa cute."
"Light? Lagyan mo ng ning, para makidlatan ka sana." Si Morry na naman. Pasimpleng sinipa siya ni Pula na agad niya ring ginantihan ng hampas.
"Zen na lang para madali, temporary lang naman." Suhestyon ni Terrence.
"Zen? Zen short for Zenkiah? Alam kong kakambal siya ni Reina pero hindi ko feel ang babaeng 'yon. Isa siya sa mga dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat." Biglang nawalan ng emosyon ang mukha pati boses ni Morry. Nawala na ang mapaglarong ngiti sa mata at labi niya.
"Biktima rin siya, Morry." Turan ni Terrence.
"Lokohin mo na lang si Pula, pero hindi mo ako malolokong biktima rin siya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit nagdusa si Reina, Terrence."
"Nakasama ko siya no'ng bata pa kami, Morry at hindi siya masama gaya ng iniisip mo. Tahimik at suplada siya, Oo... pero hindi siya masama, gaya ni Reina ginamit lang din siya ng Triad. Hindi kalaban si Tari."
Kumuyom ang kamao niya, "Ano ba ang ipinaglalaban mo?" Inis na tanong ni Morry na masama ang tingin kay Terrence.
"Sinasabi ko lang na 'wag mong ituring na kalaban si Tari. Gaya ni Reina, kailangan din niya ng tulong natin."
"You don't know anything! So shut up!" malakas na singhal ni Morry. Nagitla pa si Pula dahil magkatabi lang sila, nakagat nito tuloy ang sariling dila.
"Tigang na, pikon pa. Asaw!" mahinang asik ni Pula. Hindi nakaligtas iyon sa tainga ni Morry.
"Shut up."
"Sigurado akong hindi kalaban ang turing ni Reina kay Tari kaya sana 'wag kang magalit sa kanya. Tari is a victim, too." Malumanay na paliwanag ni Theus.
"I said shut up!"
"Zyncai." Biglang sambit ni Aly kaya natigilan ang dalawa at naputol ang namumuong tensyon sa silid. Nakangiting hinahaplos ni Aly ang itim na buhok ng sanggol.
(Pronunciation: /Zin-kay/)
Napatingin sila sa kanya pero nanatili ang tingin niya sa bata.
"Zync once told me he wants to name his future child, Zyncai if it is a boy." Nakangiti nitong hinawakan ang maliit na kamay ng bata. "It was supposed to be the name of his unborn sibling if his mother didn't suffer miscarriage."
Nag-angat ng tingin si Aly at sinalubong ang mga tingin nila, "What do you think? I am sure, Reina will love the name."
Napatango na lang ang tatlo at napangiti.
"Zyncai Clementin-Orlando."
*****
"How was your reconnaissance there? Did you found something interesting other than Zyncai?"
Nakangising hinarap ni Morry si Lady Mojica na kakarating lang. Nasa loob sila ngayon ng confinement room sa mansion ng mga Remedy kung saan nila nilagay si Reina.
Mahigit isang buwan na simula nang makuha nila si Reina sa kamay ng Triad at hindi pa rin ito nagigising. Nakahiga ito sa nag-iisang kama sa silid kung saan nakapwesto ang iba't-ibang machines sa magkabilang gilid ng kama na nakakonekta sa mga apparatus na nakakabit kay Reina. Tila isang musika rin ang ginagawang tunog ng mga machines na iyon.
Parehong nakasuot ng white coat gown ang dalawa na nakatayo sa paanan ni Reina. Lumapit si Lady Mojica sa isang panel na nasa tabi ng isang machine at nagsimulang mag-tap sa screen.
"Marami." Sagot ni Morry, "Ayoko pa nga sanang umuwi dahil sa mga bagay na natuklasan ko pero kailangan ko nang iuwi ang bata bago pa nila ako mahuli." Kumibit-balikat siya saka kinuha ang hypoallergenic wet wipes at sinimulang punasan si Reina.
Natawa nang mahina si Lady Mojica, "Ikaw mahuhuli? As if you would."
"Seriously? Hindi naman ako palos 'no, Lady Mojica. Yes, I am maybe elusive but hello? It's Triad! They can kill me, 'no. Si Reina nga nakuha nila, ako pa kaya?" anas niya at marahang tinagilid nang higa si Reina para mapunasan ang likod ng babae.
Tumigil si Lady Mojica sa ginagawa para harapin si Morry. "Alam mong wala siya sa sarili no'n, Morry at kontrolado pa rin siya ng Triad noon."
"But the Cognizant Drug was effective, Lady Mojica. Pwede nating pigilan si Flynn sa pagkuha sa kanya noon. Diba ilang beses natin ginamit kay Reina ang CD at naging matagumpay tayong i-block ang control ng Triad kahit nasa batok niya pa noon ang VC Chip? Pero hinayaan mong mangyari ang laban sa Road of Death no'ng gabing 'yon. Hinayaan mo ring magpakita si Reccaza kay Reina kaya mas lalong nagkagulo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gano'n ang nangyari."
Lumukot ang mukha ni Morry nang maalala ang mga nangyari sa nakaraan kung saan nagawa nilang i-block ang control ng Triad kay Reina. Ibig sabihin... lumalabas ang totoong Katareina Zavina sa tuwing tinuturukan nila ito ng Cognizant Drug.
Ito 'yong mga oras na nawawala na lang bigla si Reina at ginagawa ang mga bagay na ayon sa utos ni Mojica. Gaya nang pakikipag-alyansa nito sa iba't-ibang grupo like ng Cruix Pirate, Sayufara Tribe at maraming pang iba.
At sa tuwing nawawalan na ng epekto ang Cognizant Drug ay bumabalik ang awareness ni Reina bilang si Katarina Zenkiah at nakakalimutan na niya ang mga ginawa.
Bumuntong hininga si Lady Mojica, "May rason kung bakit ko ginawa iyon, Morisette."
"Hindi ko pa rin maintindihan, Lady Mojica. Ayokong manghula."
"Parte ng plano namin ang pagsulpot ni Reccaza. Dala niya ang code, Morisette. Ang code na nakapagbalik kay Reina nang tuluyan sa sarili."
Natahimik saglit si Morry para mag-isip, "Bakit? Pwede naman nating kunin ang code kay Reccaza? Bakit kailangan do'n pa sa gitna ng laban?"
"What are you thinking, Morisette?" balik-tanong nito sa kanya.
Napangiwi siya, "Gusto ko lang malaman kung bakit naging gano'n ang hakbang natin. Hinayaan nating makuha si Reina ni Flynn at umabot pa ng isang taon bago natin siya mabawi. Kayang-kaya nating pigilan 'yon Lady Mojica. We can fight against Triad without risking anything like Reina and her child."
"That code was intended for Reccaza and Reina only. Hindi pwedeng sabihin ni Reccaza iyon kahit kanino. She was part of the plan. She sacrificed her life para lang makuha ang code na iyon sa Triad."
Lalong kumunot ang noo ni Morry, "You mean kaya siya nawala ng apat na taon dahil sumali siya sa Triad?"
"Yes. Kaya siya nagpaiwan do'n nang makuha ni Sia si Reina dahil sa utos ko. Siya ang naging mata ko sa loob ng Triad sa loob ng ilang taon, Morisette. Malaki ang naging tulong niya sa plano natin."
Nainis si Morry dahil sa kulang-kulang na sagot ni Lady Mojica. Gusto niya nang suminghal kaso baka majombag siya ng ginang, hindi niya pangarap 'yon. Malupit ito. Sobrang malupit.
"Tapos?" pilit niyang kinukubli ang inis sa malumanay na pagtanong.
"Matagumpay siyang naging kasapi ng Triad pero huli na niyang inamin sa akin ang ginawa nila sa kanya. Her heart was replaced with a bomb beating artificial organ and it was a voice activated bomb."
Napanganga si Morry, "Kaninong boses?"
"Reina. Her voice is the actuation of the bomb made by Triad. Kaya nang masabi niya ang code kay Reina ay nagpakamatay siya para pigilan ang pagsabog ng puso niya. While the code was also an activation para sa awareness ni Reina kaya nagbalik ang sarili niyang mga ala-ala noon kahit nasa batok niya pa ang VC chip. Kaya ko hinayaan na kunin siya ni Flynn no'ng araw na 'yon dahil dito." Tinuro ni Lady Mojica ang vitals ni Reina sa screen.
"Tanging si Flynn lang ang may alam kung ano ang gagawin sa katawan ni Reina, kung paano ibalik ang lakas niya. He's a genius and we need it. A year of biochemical procedures under Triad was enough for me to continue her recovery under my care. Ginamit lang din natin sila, Morry." Ngumisi si Lady Mojica.
Nanlaki ang mga mata ni Morry at unti-unti na ring naiintindihan ang mga nangyari.
"I have so many questions piling up here on my bunbunan." Sabay turo sa bunbunan niya. "First, an artificial bomb heart with Reina's voice activation? That's insane! Pa'no nila nagawa 'yon?! Ibig bang sabihin no'n Lady Mojica, lahat ng miyembro ng Triad ay bomba ang puso?!" bulalas niya na may halong takot at kaba. Kumibit-balikat ito.
"Who knows? Ewan ko. Ang alam ko lang isang tao pa ang sumabog nang marinig ang boses ni Reina."
"S-sino?"
"It's Criselda, Triad's scientist na nagpaanak kay Katarina sa kambal. Siya rin 'yong nagtakas sa kambal."
"I can't believe this." Napapailing na lang si Morry sa mga nalaman. "Inaamin kong halimaw ako, pero mas halimaw talaga ang Triad. Paano nila nagawa 'yon? May posibilidad din bang pati si Aly at Terrence—" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil sa takot na nararamdaman para sa mga kasama. Tinuring niya na ang mga itong kaibigan.
"Don't worry. They are safe. Remember, nakasama nila si Reina sa iisang university noon at ilang beses nila itong nakausap."
Napabuga ng hangin si Morry at medyo gumaan ang naramdaman dahil sa narinig.
"Great. Akala ko magiging problema rin sila. Second question, bakit mo pa pinapunta si Theus kay Reina kung plano mo naman palang hayaan siyang makuha ng Triad?"
"We need my son in our plans, Morisette. He is the heir of his father at magagamit siya ni Reina sa hinaharap. Kaya kailangan ko silang pagtagpuin no'ng gabing 'yon para magkaroon sila ng koneksyon."
"W-what? He's innocent, Lady Mojica. Dinamay mo siya sa problema natin. Bakit mo ginawa 'yon?" Umiling si Morry, pinapakitang hindi siya sang-ayon dito tungkol kay Theus.
"It is also for his own good. Pinaalis ko rin siya no'ng gabing 'yon dahil nilusob itong mansion ng isang grupo ng kriminal na tinatarget ang yaman ng ama niya. Kaya ginawa ko 'yon para iligtas siya. Hindi ko gustong makita niya akong harap-harapang pumatay. You knew me, Morisette. Theus needs us. This will be his training ground for his future para hindi siya matulad sa ama niya na dumedepende ang seguridad sa bodyguards. Marami siyang matutunan sa atin lalo na kay Reina."
Napatango na lang si Morry sa rason ni Lady Mojica pero 'di niya ring mapigilang ngumiwi nang sumagi sa isip niya kung gaano ka-brutal at kawalang-awang pumatay ang ginang kagaya ni Ryleen. Silang dalawa ang hindi pangangarapin ng kahit sino man makitang pumatay nang harap-harapan.
"Third question," dinilaan ni Morry ang labi at saglit nag-isip, "Did you knew that Reina was pregnant that time?"
"Yes. Ina na ako, Morisette at malalaman kong buntis ang isang babae kahit sa tingin lang. Kaya ko minadali ang pagkikita ni Reccaza at Reina dahil hindi na natin siya pwedeng gamitan ng CD, makakasama ito sa bata."
Tumango-tango si Morry.
"So alam mo rin na ang batang 'yon ang Locum Tenens?"
"No. Hindi ko alam. I was surprised too."
"Bakit kaya?"
"Yan ang kailangan nating malaman kung ano ang kinalaman ni Zync Orlando sa Project Arma. Bakit siya ang naging target ng Triad para kunan ng DNA together with Reina? We need to find the answers before Reina's awakening."
"Nakaka-intriga naman nito. Kaya pala, you let the Triad do their plans while you are just going with the flow with your plans. What a smart ass."
Umiling si Lady Mojica, "Hindi rin. Kung kaya ko lang pigilan ang Triad sa una pa lang ay ginawa ko na kaya wala akong magawa kundi hayaan silang gawin ang mga ito. Hindi pa sapat ang pwersa natin laban sa kanila, Morisette."
Muling humarap si Lady Mojica sa panel at muling kinalikot ito habang balik naman sa pag-aasikaso si Morry kay Reina. Binihisan niya na rin ito.
"She looks beautiful with her golden-blonde hair." Aniya habang inaayos ang buhok ni Reina sa unan nito.
"I like black more." Ani Lady Mojica na hindi lumilingon. "Kung katabi niya lang ang kakambal niya, malilito na tayo."
"But they have different eye-color at magkaiba rin ang boses nila lalo na ang ugali." Anas ni Morry na bakas ang pagkadisgusto sa kakambal ni Reina.
"Mahal ko ang mga pamangkin ko." Turan ng ginang. "Gagawin ko ang lahat para lang ibigay sa kanila ang kapayapaan na nararapat sa kanila."
"Iiyak na ba ako?" Morry joked. Natawa nang mahina si Lady Mojica.
"I don't want to see your ugly face, so don't cry."
Napaisimid si Morry, "Ay may tanong pa pala ako."
"What is it?"
"What will you do with the VC chip? Paano natin magagamit 'yon? What will be our next step 'pag gumising na si Reina?"
Muling humarap si Lady Mojica kay Morry na nakangisi.
"Watch and learn."
-End of Chapter 24-
Hindi ba boring ang takbo ng story ni Reina? Please say something.
Thank you for reading freaks. God speed!
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro