23: LOCUM TENENS
Ang storyang ito ay hindi lang sa mga bida natin iikot kundi pati na rin sa lahat ng nakapalibot sa kanila. It's not about the romance between Reina and Zync kung napapansin ninyo. It's about sufferings, evilness, desires,hatred, love, happiness and on how will my characters solve the issues, it's also about friendship and family. I am praying that I am able to send you the message I want you to understand with Reina's story.
This story maybe far from reality but I still want to stick to the truth of life that humans will never be perfect kaya most of my characters have defects, faulty wirings and malfunctions same goes on how I write the story. lol.
Chapter 23: LOCUM TENENS
Enjoy reading!
3rd.
"Traitor!" umalingawngaw sa buong hall ang matinis at nanggagalaiting sigaw ni Queen Given Zenon ng Kaharian ng Eritrea. Kasabay nito ang malakas niyang paghataw ng hawak na latigo sa likod ni Flynn.
Napaigik si Flynn ngunit nanatiling nakatayo at nilalabanan ang masamang tingin ni Queen Given. Matanda na ito at nasa mid 60 pero hindi bakas ang katandaan sa pangangatawan at mukha ng reyna.
"Hindi ako maniniwalang nakuha lang nila nang gano'ng kadali ang Subject Number 1 sa teritoryo natin nang walang tulong mo! Isa kang traydor!" lintanya nito saka muli siyang hinataw sa likod.
Sa pagbilang ni Flynn ay ika-labinlimang hataw na nito sa kanya at ramdam na niya ang dugong tumutulo galing sa likod na puno na ng sugat pero hindi niya hahayaang makita ng tatlong Primus na nasasaktan siya.
Nilingon niya ang ikatlong Primus na si Finamelia na kanyang kapatid na nakatiim bagang na nakatingin lang sa kanila ng ikalawang Primus na si Queen Given. Nginisihan niya ito at inilingan siya nito pabalik.
"I knew from the start that you will be like your mother! A traitor! Nang dahil sa ina mo natigil ang Project Arma noon nang tinulungan niya si Ynca sa pag-alsa laban sa amin. And now you're doing the same mistake your mother did to our organization! Hindi lang ang Subject Number One ang hinayaan mong makuha nila kundi pati ang Locum Tenens!"
Nanlalaki ang mga matang inangat niya ang tingin. Nag-igting ang bagang niya at napangisi.
"Well, it's not your luck again... maybe you can pursue Arma in the next generation." He said mockingly to make the Queen annoyed even more.
Gusto niyang tumawa nang malakas nang makita ang mukha nitong namumula sa galit. Natutuwa rin siyang malaman na pati pala ang Locum Tenens ay nakuha sa kanya, nakuha ng kalaban nila. Wala na sa kamay niya si Reina. Nabawi na ito mula sa kanya.
Now, the true game will begin. Napapangisi siya sa kanyang isipan dahil sa mga naglalarong ideya sa kanyang utak.
"D-damn." Napadaing siya nang muli siyang latiguhin ng reyna nang ilang ulit.
"That's enough, Given."
Natigilan ang reyna at sabay silang napalingon sa taong nagsalita. Ang Unang Primus ang nagsalita sa kauna-unang pagkakataon. Nakaupo ito sa trono na napapagitnaan ng dalawa pang trono para kina Finamelia at Queen Given.
Malalim ang boses nito at walang emosyon ngunit umaapaw ang kapangyarihan at awtoridad. Nakasuot ng isang No Face full-mask ang Unang Primus.
Kahit kailan ay hindi pa nila nakikita ang mukha nito pero may pakiramdam si Flynn kung sino ang taong nagtatago sa likod ng maskara, ang taong utak ng lahat ng kasamaan na nangyayari sa buhay niya at ng mga taong nakapaligid sa kanya lalo na sa buhay ng pamilya Clementin. Ang taong tunay na kalaban nilang lahat.
"Give me the honor to kill this traitor, First Primus." Nakayukong saad ni Queen Given.
Tumalim ang mga mata ni Finamelia na nakatingin sa reyna habang nanatiling walang emosyon ang mukha ni Flynn. Well, he expected this to happen but heck, he doesn't care because all he wanted to do is to make his plan a success and be the King of the world, be on the top of everyone, most especially to take over the control of Triad, Chthonic and Empyreal.
He wants to put on his palm the whole Underworld City. But above all those, Flynn wants to give the life that Katareina Zavina deserves. He will make his Reina be the happiest woman alive.
"No." maiksing sagot ng Unang Primus.
Nanggagalaiting nilingon siyang muli ni Queen Given saka tinalikuran. Lumabas ito sa Throne room at naiwan silang tatlo ng dalawa pang Primus kasama ang ibang tauhan.
"What is your plan, Tyrone?" tanong nito sa kanya. He flinched upon hearing his first name but he chose not to answer.
"I know you have something in your mind and you want us to play along with you." Anito pero hindi pa rin siya umimik. "This time, I'll let you be the game master and we'll be your pieces." Dagdag nito.
Napangisi si Flynn saka tiningnan ng diretso sa mata ang unang Primus. Kahit hindi niya kita ang mga mata nito, alam niyang nakatingin ito sa kanya. Nanunuot ang tingin nito.
"But in the end, I will decide whether you'll join the game or not and you'll win or not. I will still be the manipulator of everything."
Kumuyom ang kamao niya at nanoot ang galit sa kanyang kalamnan.
"And the most important pieces will be the Subject Number One and the Locum Tenens. Kung sino ang mananalo sa larong ito ay siyang magmamay-ari sa dalawa. I will postpone the launching of Project Arma for this."
Natahimik sila. Tinaas ng unang Primus ang kanang kamay at nag-hand gesture sa isang tauhan. Agad na nilapitan ng mga ito si Flynn saka kinaladkad papalabas ng Throne Room, ang lugar na dating pagmamay-ari ng mga Clementin. Nasa palasyo ng kaharian ng Slovenia sila ngayon na tuluyan nang sinakop ng Triad.
Dinala si Flynn sa dungeon at saka kinulong sa isang cell doon. Napatingin siya sa paligid at nakita ang ibang preso sa loob. May nakita siyang mga pamilyar na mukha na nakatingin sa kanya na tila nagtataka kung bakit ang leader ng Flamenco Mafia ay kasama na nilang nakakulong. Iniwas niya ang tingin at yumuko.
Hahayaan niyang makulong siya ngayon pero hindi niya hahayaang matigil ang mga plano niya.
Mahina siyang natawa, "No can't get away from her whiplash once she comeback. I may not win this game in the end but I'll make sure she'll rise to see you all fall on her hands. No one can stop her. No one will. My Reina will reign. She will reign and I will be her King."
Nilukob ng nakakaloko at mala-demonyong tawa ni Flynn ang buong dungeon. Kinilabutan naman ang ibang mga preso sa nakikitang kasamaan sa ngising nakapaskil sa mga labi ng lalaki.
"I will be the King and Reina will be my Queen."
**
Samantala, naiwan si Finamelia at ang unang Primus sa Throne room. Tumayo ang babae saka malambing na umupo sa kandungan ng unang Primus.
"Are you sure about this, honey?" masuyong saad ni Finamelia dito. She smiled seductively when she felt his hand gripped her hips, pulling her closer to him.
"We will use Flynn and his plans to bring down the group who took Reina. Hindi natin magagawa ang Project Arma nang matagumpay kung naririyan ang grupong 'yan. We need to find if who their leader is. I know this will consume too much time but I am sure in the end we will win this game and Project Arma will fly like a freed dove in the whole world, Triad will reign. I will reign."
Napangisi si Finamelia sa narinig.
"You will reign. You'll be the King and I will be your Queen."
*****
"Ouch! Dammit! Awat muna! Ayoko naaa." Sigaw nang sigaw si Pula habang pinapaulanan siya ng suntok at sipa ni Ryleen.
Tumigil si Ryleen at tumawa nang makita ang hilatsa ni Pula na in born na ngang sabog ay mas lalong naging sabog dahil sa kulitan nila.
"I thought piratas are tough and matatapang? Why aren't you?" nanunudyong tanong nito.
"Shut up, Wyleen!" sigaw ng babaeng piwata at tumayo nang tuwid saka mabilis na sinuntok si Ryleen. Mabilis na hinarang nito ang braso sa mukha kaya natumba ito dahil sa malakas na pwersa ng babaeng piwata.
Nagtatalon ang babaeng piwata nang sa wakas ay natamaan niya rin si Ryleen.
"Gosh, it's Ryleen! Ra-ra-ra Rrrrrrryleen." Naiinis na pagtatama ni Ryleen kay Pula.
Tumirik naman ang mga mata ni Pula, "Whatevew."
"Fragrance na lang kaya. Sige na. Sabihin mo... Freeeey-granz."
"Fwey--- Inuuto mo ba ako?! Ayoko na! Naiinis na ako sa 'yo bata ah!"
Natawa na lang si Ryleen.
"Huwag ka ngang tumawa bubwit. Akala mo natutuwa ako sa 'yo?! Pinaniwala mo akong hindi ka mawunong mag-close physical combat pewo ano 'to ha?! You beat me! Such a bwoot."
"What? Bwoot?" natatawang tanong nito kay Pula.
"No... I said bwoot."
"Bwoot nga. Hahaha."
"Ugh. B- Awr- U- T- E-! Bwoot! Malupit! Gano'n!" napipikong sigaw ni Pula.
"Hahaha! Bwot! Hahah! Say rare! As in reeeeyr."
"Ewan ko sa'yo!"
"Sige na... reeeyr! Look it's so easy. You'll just have to put some vibration on the tip of your tongue. Rrrrrrrr. No pirate hates R, you know!"
"Hindi naman ako galit sa Aw— Tseh! Basta isa akong magaling na piwata!"
"Hahahaha!
Natigil ang asaran ng dalawa nang biglang pumasok sa loob ng training room si Theus na sambakol na naman ang mukha. Babatiin na sana siya ng babaeng piwata nang mabilis na nakasunod si Aly dito.
"How dare you walk away on me?! I am still talking to you, Remedy!" sigaw ni Aly.
Sunod namag pumasok si Terrence na hindi rin maganda ang hilatsa ng mukha.
Nakatiim-bagang na hinarap ni Theus si Aly.
"No." ani Theus.
Napabuga ng hangin si Aly, "It was a very big mistake that we let you be part of this, I knew you'd be a problem but listen to me, Mattheus Remedy, you cannot hinder us to reach our goal."
Lumapit si Theus kay Aly at matiim itong tinitigan sa mukha, "Hindi. Hinding-hindi ako papayag na gagamitin niyo si Reina sa mga plano niyo." He said with a low voice but full of conviction.
"Are you out of you mind?! Reina is the most important part of all of these! She was part of the plan and she is one of those who planned these to begin with! Kaya ibigay mo na sa akin ang Viere Contrarotulus Chip!"
"No. I won't give it to you. I won't let you feed her mind with those memories of her in the past. She's been through a lot! Base sa mga narinig kong kwento tungkol sa mga nangyari sa kanya noon ay hindi ko hahayaang ipaalala niyo sa kanya ang mga 'yon! Kung gusto niyong manalo sa labanang 'to, 'wag niyo nang gamitin si Reina. Ni hindi pa nga siya nagigising tapos gagamitin niyo ulit ang chip na 'yon sa kanya?! You're monsters!" puno ng galit na saad ni Theus.
"You don't know what you're saying. Yes, you may have heard her past but you don't know what she wanted to do and the reason why she is pursuing to take down the Triad! Don't underestimate Reina... she's not what you think."
"There's no way I will let Reina be in your mess again. 'Wag niyo na siyang idamay."
"I will kill you." Mariing sambit ni Aly.
"Then kill me! I'm not afraid of you!" sigaw niya dito. "At sino ka ba para pagsabihan ako?"
Mabilis na nahawakan ni Terrence ang braso ni Aly dahil alam nitong hindi nagbibiro ang dalaga. Talagang tutuhanin nito ang sinabi. Lalo na't hinahamon ito ni Theus.
"Theus, dude. Alam kong may gusto ka kay Reina pero wala kang karapatan na bakuran siya. Hindi mo siya pagmamay-ari at baka nga ni hindi ka niya maaalala sa paggising niya dahil kasama ka sa mga alaalang nasa loob ng chip na ayaw mong ibigay sa amin." Mahinahong saad ni Terrence na mas lalong nagpasama ng mukha ni Theus.
"Shut up. I don't care if she won't remember me or anyone of you. That would be better because I will take her away from this mess."
"You bastard! Reina is the mess herself! Siya ang isa sa mga dahilan sa mga kaguluhang ito at alam niya 'yon kaya niya ginawa ang lahat ng 'to! Kaya niya pinlano ang mga ito!" sigaw ni Aly na nakawala na kay Terrence.
"Hindi ba kayo naaawa sa kanya?! Bakit hindi niyo na lang siyang hayaang magbagong buhay at tuluyang ibaon sa limot ang kaguluhan sa mundo niyo! She deserves to be happy! She deserves to have a peaceful life!"
"And that peaceful life you're saying will happen if you will give us the chip! Anong akala mo matutuwa siya kapag nalamang gumagawa ka ng problema sa amin?! Sa palagay mo matutuwa siyang talikuran ang mga plano niya?! Wake up, Theus! Wake up! Sampid ka lang sa amin kaya wala kang karapatang manghimasok sa mga desisyon namin. You are nothing but a useless ratbag to us!"
Natigilan si Theus sa sinabi ni Aly. It's too harsh but it still can't change his mind. He won't let them have the chip.
"Aly." Pamimigil ni Terrence sa dalaga pero hindi ito nakinig.
"Isinama ka lang ni Lady Mojica sa plano namin because she wanted to help you prove your worth to yourself! At 'wag kang magsalita na tila isa kang malaking parte sa buhay ni Reina. You know what, I don't want to be mean to you but you forced me to. Kung may tao mang may karapatang pigilan ang mga plano ni Reina, hindi ikaw 'yon! Kundi si Zync... si Zync Orlando lang. Kaya mahiya ka sa inaasta mo!"
"Aly... tama na." pigil ulit ni Terrence.
Nanginig ang labi ni Theus. Sinalubong niya ang tingin ni Aly. She talked a lot and she's making him pissed.
"Bitch." He hissed. Ngumisi si Aly.
"Yes, I am a bitch. Pasensyahan na lang kung nasasaktan ka sa mga salita ko pero hindi ko hahayaang masayang ang lahat ng sinakripisyo namin dahil lang sa kahibangan mo. Nasimulan na ni Reina ito at siya lang ang may kakayahang tapusin ang kaguluhang ito. Nakaplano na ang lahat, Theus at kung patuloy ka pa ring magmamatigas na ibigay sa amin ang chip ay papatayin kita. Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang tagapagmana ng ama mo. I don't bow down to anyone but to Reina only. And I will do everything she wanted to happen which includes that chip."
"Give it to me or die. Choose." Dagdag pa nito.
Naglaban sila ng titig hanggang sa nagsalita siya.
"Even if I'm not Zync Orlando..." nanlisik ang mga ni Theus, "I will be the Mattheus Remedy of her new life. Kahit ano pa ang sabihin mo, pipigilan ko pa rin kayong gamitin siya. Kahit pa siya ang nagplano ng mga ito."
"Kuya!" Napatili si Ryleen nang malakas na sinuntok ni Terrence si Theus. Napasalampak siya sa sahig.
"Kanina pa ako nagtitimpi sa 'yo. I thought, matino ka pero isa kang baliw. Isang makasariling baliw. Dapat lang sa 'yo ang mga sinabi ni Aly at kulang pa 'yon dahil sa katigasan ng ulo mo. Alam mo ba kung ano ang magiging epekto ng gagawin mo? Oo, magkakaroon ng bagong buhay si Reina at matatakasan niya ang problema pero patuloy pa rin siyang hahabulin ng kaguluhang ito kahit ilayo mo pa siya, Theus!" sigaw ni Terrence saka humakbang papalapit sa kanya.
"Ginagawa namin ito hindi lang dahil gusto naming maging matagumpay ang mga plano namin kundi dahil gusto rin namin siyang protektahan! Oo, sinabi mong marami na siyang pinagdaanan, in fact, life was never been good to her! Kaya kami nandito, risking our lives just to help her because we also wanted to make her happy! We wanted to set her free from all of these! Nakita namin kung gaano niya kagustong maging masaya kaya namin ginagawa ang mga ito!"
Tumayo si Theus saka matigas na hinarap si Terrence.
"If you wanted to see her happy, why are you still going to use her?! Why don't you defeat Triad without her?! I can protect her if that's what you think! I am willing to risk my life too just for her!"
"Kuya! Ano ba?! Hindi mo alam ang mga sinasabi mo!" sigaw ni Ryleen sa kapatid. "Nakakainis ka na!"
"Gago ka! Gago!" sigaw ni Terrence at muling sinuntok si Theus. Mahigpit nitong hinawakan ang damit niya. "Lahat kami dito, maliban sa'yo ay alam ang mga sakit na pinagdaanan ni Reina! Alam namin kung gaano kasakit ang dulot ng mga luha niya dahil saksi kami sa lahat ng 'yon habang ikaw wala kang alam kung ano ang mga isinakripisyo ni Reina para dito. Bakit hindi mo ba maintindihan?!"
Sinuntok ni Theus si Terrence kaya nabitawan siya nito.
"Hinding-hindi ko maiintindihan dahil hindi makatao ang mga pinaggagawa niyo! Kung iniisip niyo siya bakit niyo hahayaang patuloy pa rin siyang masasaktan?! Bakit niyo hahayaang siya ang humarap sa problema?! Bakit niyo siya hahayaang tapusin ang kaguluhang ito kung kaya niyo naman? Why don't you get Reina's twin too and use her, instead of the woman I love!"
"At lumabas din ang tunay na dahilan." Nang-uuyam na lumapit si Aly kay Theus. "You're making this hard, huh? You love her? You love Reina? Ghad. You don't even know her! Oo at marami ka nang naririnig sa kanya. Oo at nakasama mo siya sandali no'ng bago siya makuha ng Triad. Oo at ikaw ang nag-rescue sa kanya pero HINDI! Hindi ikaw ang mahal niya. Hindi ikaw ang dahilan sa kagustuhan niyang matapos ang lahat ng ito! Hindi ikaw ang nilalaman ng puso niya!"
Tinulak ni Aly ang dibdib ni Theus kaya napahakbang siya palayo.
"You're pushing me to say these things to you kaya makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko, Mattheus Remedy. Ginusto niyang maghanap ng paraan para masimulan ang laban sa Triad dahil para sa pamilya niya, sa kaharian nila, sa mga taong mahalaga sa kanya at higit sa lahat ay para kay Zync Orlando. Sasabihin ko sa 'yo, hinding-hindi mo mapapantayan ang pwesto ng isang Zync Orlando sa puso at sa buhay niya kaya GUMISING KA!"
Natawa si Theus, "You're Allaine Cortez, right?" aniya, "You're Zync's ex-girlfriend. Bakit parang botong-boto ka kay Reina para sa ex-boyfriend mo? Nalaman kong minsan mo na ring nakaaway si Reina dahil kay Zync. Mahal na mahal mo ang lalaking 'yon at tila isang basura ka lang na hinayaan sa tabi nang makilala niya si Reina. Minsan ka nang nasaktan nang dahil sa kanila. Why are you still doing these, Aly? Why don't you grab the opportunity to take back Zync while Reina's away?" bakas sa tinig ni Theus ang paghahamon.
Bahagyang natigilan si Aly at kumuyom ang kamao. Susugurin na sana ni Terrence si Theus nang magsalita ang babae.
"Because I am not selfish." Walang emosyong ani Aly, "I'm not an idiot like you. I love Zync so much that's why I am doing these. Kaya kong isakripisyo itong nararamdaman ko para sa katahimikan ng lahat. Hindi lang naman kasi si Reina at Zync ang magiging matagumpay sa dulo ng labang ito kundi maraming tao." Nangingilid ang luhang tinitigan ni Aly si Theus.
"Sa tulong ni Reina, maraming tao ang makakalaya sa madilim na mundo na kinabibilangan namin. Sa pamamagitan niya, magkakaroon ng liwanag ang mga buhay namin. Kung naaawa ka sa kanya, lalo na kami. Awang-awa na kami sa kanya dahil sa mga naranasan niya pero umaasa kaming matutulungan niya kaming makalaya." Tumulo ang luha ni Aly, "Sana isipin mo na hindi lang kami ang iniisip ni Reina kung hindi pati na ang buong sangkatauhan. Alam mo ba kung ano ang pilit naming pinipigilan na mangyari?"
Hindi umimik si Theus.
"Pinipigilan namin ang Triad na maging matagumpay ang Project Arma! Nanonood ka naman siguro ng news tungkol sa mga bansang nasa gitna ng giyera, ang Triad ang may kagagawan no'n at ang Slovenia, ang bansang pinanggalingan ni Reina ay isa sa mga bansang iyon! Hindi lang si Zync o kami ang umaasa sa kanya pati na rin ang buong kaharian nila! At kapag natuloy ang Project Arma, buong mundo ang magdudusa. Hindi namin kailan iniisip ang mga sariling kapakanan namin dahil hindi namin maatim na unahin ang mga sarili namin habang nadudusa ang iba. We're not selfish like you."
Umiwas ng tingin si Theus.
"Mahal na mahal ko si Zync, sobrang mahal pero nang makita kong masaya siya kay Reina ay nakayanan kong umatras lalo na no'ng makita kong masaya rin si Reina kay Zync. Sa unang pagkakataon nakita kong kumislap ang mga mata niya nang dahil sa lalaking mahal ko kaya nagpaubaya ako. Sa lahat ng sakit at pagdudusa ni Reina si Zync ang nagbigay ngiti sa kanya. Mas mahalaga ang ngiti ni Reina kaysa sa tibok ng puso ko. 'Yan ang sagot ko sa mga tanong mo."
Tumalikod si Aly at hinayaang tumulo ang luha. Akala nila susuko na si Theus sa pinaglalaban ngunit muli siya nagsalita.
"He doesn't even know she's Katareina Zavina. He doesn't even know her real identity. Ni hindi niya alam na kambal sila. He has no idea with her existence. Zync knew her as Katarina Zenkiah not Reina." Ayaw pa ring paawat na saad ni Theis pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Napatili sa inis si Ryleen at umupo na lang sulok. Masama ang tingin nito sa kapatid. Napailing naman si Pula at tumabi kay Ryleen. Napamura ng ilang ulit si Terrence at sasapakin na sana si Theus nang maunahan siya ni Aly.
"Damn you! Damn you!" sigaw ni Aly habang paulit-ulit na sinuntok si Terrence. "Die moron! Die!"
Inawat ni Terrence si Aly nang halos maghilamos na ng sariling dugo si Theus.
"Tama na, Aly."
"Papatayin ko ang taong 'yan!" sigaw ng babae. "What are you?! Why are you so stubborn?! Why can't you get it?! Why don't you understand us?!"
"Dahil ayaw ko siyang makitang nasasaktan!" sigaw rin ni Theus. Napailing ng ilang ulit ang mga ito sa sinabi niya.
"Sa palagay mo hindi masasaktan si Madame sa gagawin mo?" sabat ni Pula na kanina pa tahimik. Napabaling dito si Theus, "Manhid na ang puso ni Madame sa mga sakit-sakit na 'yan dahil sa paulit-ulit siyang nasasaktan at si Bosing lang ang nakakatibag ng manhid niyang puso. Si Bosing lang ang makakapagbigay sa kanya ng lakas habang lumalaban. Si Bosing lang at hindi ikaw 'yon, Koya."
"Tumahimik ka. You're not even part of this!" mariing anas ni Theus. Natawa si Pula.
"Anong hindi pawt?! Hoy Koya ha... matagal na akong kilala ni Madame! Nakalambitin ka pa lang sa singit ng ama mo kasama na ako sa plano ni Madame! Kaya ikaw ang tumahimik! Hindi mo pa win ba naiintindihan?! Tanga lang ang hindi magi-gets ang mga sinasabi ni Ateng Aly at Koya Tewens! Isa win ako sa mga witness sa mga nangyawi kay Madame kaya hindi mo kami maki-kwestyon sa mga ginagawa namin. Ikaw lang naman ang siwa-ulo wito eh."
Hindi alintana ni Pula ang masamang tingin ni Theus at nagpatuloy lang sa kanyang lintanya.
"Ako nga naging piwata dahil sa kagustuhan ni Madame na makapag-alyansa sa mga piwatang naglipana sa kawagatan ng Euwopa pawa sa mga plano niya ay hindi kailanman nag-weklamo dahil hindi ako makasawili gaya mo. Kung makaasta ka akala mo, mahal ka win eh. Nasa one sided love ka lang naman. Tss. 'Wag kang umasa koya lalo na't alam mong wala kang aasahan. Mahiwap 'yan. Masakit."
"Bulol." mahinang asik ni Theus na hindi narinig ng babaeng piwata na pula ang ulo.
Muling namuo ang katahimikan sa loob ng silid. Kanya-kanya ng tingin sa kawalan ang mga ito.
"Oh ano, tapos na ba kayo sa dramang ito?" basag ng isang tinig sa katahimikan na nagmumula sa isang bukas na bintana.
Sabay silang napalingon doon at nakita si Morry na prenteng nakaupo. Tila inaantok ang mga matang tiningnan nito si Theus. Hindi man lang nila napansin na naroroon ito at nakikinig sa mga sigawan nila.
Ngayon lang itong muling nagpakita pagkalipas ng halos isang buwan matapos nilang makuha si Reina sa Latvia.
"Matigas pa rin ba ang bungo mo?" she asked Theus lazily.
"Pawang diamond sa tigas ang ulo niya, Mowi." Si babaeng piwata ang sumagot.
Napailing si Morry saka bumaba sa bintana. Nilapitan nito si Theus.
"Sweetie, I understand your hugot in life. Pero sa mga oras na 'to hindi namin kailangan ang mga hugot mo sa nararamdaman mo para kay Reina. Tama ka, hindi kilala ni Zync si Reina bilang siya. Kilala siya nito bilang ang kakambal niya pero si Reina pa rin 'yon. Siya pa rin 'yong nakilala ni Zync. Kahit pa na sabihin nating iisa ang puso at isipan ng kambal ng mga oras na 'yon at maaaring kung ano ang nararamdaman ni Reina para kay Zync ay 'yon din ang feelings ni Katarina sa lalaki, hindi matatanggal ang katotohanang si Reina ang nakasama ni Zync at si Reina ang minamahal nito."
Umiwas ng tingin si Theus at yumuko.
"Oo, maloloko ng isang huwad na katauhan ang mga mata at isipan ng tao pero hindi natin maloloko ang puso. Kahit pa iharap mo si Katarina kay Zync ay makikilala pa rin ng puso niya kung sino ang nagmamay-ari sa kanya. Hindi rin natin makikwestyon ang pagmamahal ni Zync kay Reina dahil saksi kami sa pagmamahalan nila. Hindi man gano'n sila kabukas pero sinisigaw iyon ng mga mata nila."
Tinapik ni Morry si Theus sa balikat.
"Ayaw kong saktan ka, Sweetie pero ayaw ko ring umasa ka sa wala. Hindi ko gustong makita ka ulit sa sitwasyon mo kanina na parang kalaban ang buong mundo. Kung ipagpapatuloy mo ang pagbabalikid sa mga plano namin, literal na buong mundo ang magiging kalaban mo. Walang kakampi sa'yo kundi sarili mo lang. Dahil si Reina mismo ang magiging kalaban mo. Kaya umayos ka, Sweetie. Kaysa magrebelde ka d'yan dahil sa feelings mong 'yan ay gamitin mo 'yan sa maayos na paraan, tulungan mo kaming tulungan si Reina sa lahat ng ito. Hayaan mong maging sandalan tayo ni Reina sa gitna ng kaguluhan."
Napabuntong hininga si Aly at Terrence nang makita ang pagkalma ni Theus nang dahil kay Morry. Tila nabunotan sila ng tinik sa lalamunan. Mukhang naiintindihan na nito.
"Alam mo bang ginusto ko ring 'wag nang ipaalala kay Reina ang mga nangyari na? Ginusto ko ring 'wag na lang ipabitbit sa'yo ang chip na 'yon dahil sa awa ko sa kanya. Pero walang mararating ang awa ko dahil mas lalo tayong magiging kawawa 'pag nagkataon. At higit sa lahat, nawala ang kagustuhan kong iyon dahil sa nalaman kong isang bagay na ipagkakait ko kay Reina kapag ipagpipilitan ko ang awa."
Napatingin ang lahat kay Morry dahil sa kuryusidad sa sinabi nito, including Theus.
"I found out what the Locum Tenens of RTQGA is." Saad niya kaya nagsilapitan ang iba sa kanila. "At hinding-hindi ko ipagkakait ang alaala ni Reina sa kanya dahil dito lalo na at may kinalaman si Zync."
"Ano ito, Morry?" tanong ni Terrence.
"It's who." Maiksing saad niya saka naglakad papalapit sa bintana. Pinanood nila si Morry na nilabas ang kalahating katawan sa bintana na parang may inabot ito sa labas.
Tumayo ito nang tuwid nang makuha ang isang may kalakihang basket doon. Tumawa ito saka nagkamot ng ulo.
"Tsk! Nakalimutan kong nakasabit pala siya doon! Ang da-drama niyo kasi kanina. Na-carried away tuloy ako." Lintanya nito habang naglalakad papalapit sa kanila.
Binaba nito ang basket sa paanan nila saka binuksan. Nanlaki ang mga mata nila nang nilabas ni Morry ang isang sanggol doon na nakasuot ng puting cover-all na nasa edad anim na buwan.
"What the?!" bulalas nina Terrence at Aly.
"Waaa! Baby!" tili naman ni Ryleen habang napangisi naman si Pula. Hindi naman nakaimik si Theus.
Nagising ang sanggol sa kanilang ingay at mas lalong silang namangha nang makita ang mga mata nito. His eye color is deep-ocean blue. Those eyes are like Reina's.
Nagsimulang umiyak ang bata kaya sinayaw ito ni Morry.
"This baby is the RTQGA's Locum Tenens." Saad ni Morry habang pinapatahan ang sanggol.
"Zync and Reina's son."
-End of Chapter 23-
Waaa! Ito na talaga. Hahaha!
Thank you for reading freaks! God speed.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro