Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22: CHÉRIE

Chapter 22: CHÉRIE
Enjoy reading!

3rd.

"Katarina..."

Natigilan si Theus nang biglang may umalingawngaw na boses ng isang lalaki sa pagitan ng pakikipagbangayan niya kina Morry at Ryleen. Luminga-linga siya para hanapin kung sa'n 'yon nanggaling.

"Katarina, please come back to me."

Malamyos ang boses ng lalaking iyon ngunit bakas dito ang kalungkutan at sakit. Halata ring may lamat ng alak ang boses nito. Napako ang mga mata ni Theus sa suot niyang wrist watch, dito nanggagaling ang boses.

"Fvck! What is this Everstrife?! You've got to be kidding me!" bulalas niya nang sinubukan niya itong baklasin ngunit ayaw matanggal. "Stop this! Tigilan mo ang kalokohang ito!"

"Bakit mo 'ko iniwan? Bakit ka tumakbo palayo sa 'kin?"

Patuloy pa rin ang boses na iyon galing sa relo ni Theus habang pilit niya itong binabaklas sa sarili. Hindi niya man kilala ang boses, pero may ideya siya kung sino ang nagmamay-ari nito.

"Pwede mo namang sabihin sa 'kin kung ano ang problema mo. Tutulungan kita sa makakaya ko. Katarina bakit? Bakit kahit sinaktan mo ako ay umaasa pa rin akong babalikan mo?"

Sumisinok pa ang boses nito na tila pinipigilang humikbi.

"Miss na miss na kita, please... bumalik ka na. Kahit gaano man katagal, maghihintay ako. Hihintayin kita. Miss na kita, C."

Huminto na lang si Theus sa pilit na pagtanggal ng wrist watch, tinukod niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ni Reina na hindi na gumagalaw. Tinitigan niya ito nang mabuti.

"Alam mo ba kung bakit kita tinatawag na C? Ay, oo nga pala dahil tinatawag mo akong O stands for Orlando na apelyido ko at dahil inggitero ako kaya C rin tawag ko. C stands for Clementin? Pwede rin. Pero hindi eh. Tinawag kitang C dahil ang cute mo, you're my Cutiepatotie..." Pagak itong tumawa.

"No'ng unang beses kitang nakitang ngumuso at nagmaktol sabi ko ang cute mo dahil mukha kang pato. Pero hindi pa rin. Tinawag kitang C dahil Crush kita? Oo. Crush kita. Unang kita ko palang sa 'yo, crush na kita. Sa airport 'yon. Pero hindi naman eh. You're my Coffee, my Cream, my Candy. C you're my Cake, my Charm, my Cheese, my Carbonara, my Coke, my Cappuccino." Tumawa itong muli sabay singhot.

"Ang dami diba? Pero hindi ko pa rin mahanap kung bakit C ang tawag ko sa 'yo. Bakit nga ba? C may stands for Chemistry dahil mayro'n tayo no'n? O dahil sobrang Corny ko? Ha-ha. Katarina, nababaliw na ako, please tulungan mo akong hanapin kung ano ang ibig sabihin ng C oh. Samahan mo ako. Miss na miss na talaga kita, C."

Humikbi na ito nang tuluyan.

"C... C... C... babalikan mo pa ba ako? Babalik ka diba? Babalikan mo kami ng mga anak natin. Babalikan mo ako. Alam kung babalik ka. C, pinanghahawakan ko pa rin ang palagi mong sinabisabi sa akin na pagkatiwalaan kita. 'Trust me' 'yan ang iniwan mo sa 'kin. Kaya nagtitiwala ako sa 'yo."

Suminok ito.

"Alam mo namang mahal kita, diba? Diba C? Alam mo na mahal na mahal kita. Kahit sandali lang tayong nagkasama minahal kita ng buong-buo at mamahalin kita hanggang sa huli."

Humagulgol ito at muling nagsalita.

"C... you're my Chaos. Simula nang dumating ka sa buhay ko naging kaguluhan ka na ng sistema ko. Gulong-gulo ang isip at puso ko dahil sa 'yo. You're indeed Chaos to me but you were also able to Calm me down. Ikaw ang kaguluhan ko at ikaw din ang kapayapaan ko."

Tumawa ito na tila nababaliw habang umiiyak.

"Y-you took Control of me and I will never regret being manipulated by you. I am very glad I was Chained with your gaze and grasp of affection. Even if I'll become a prisoner of this Cell of longing, I will wait for you to Cast me out and Concatenate with me again."

"C, I love you very much. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you, please come back to me. I'll wait for you my Chérie."

Ilang ulit itong suminghot at tumikhim.

"C, my dear, my beloved, my darling, my love, my sweetheart, my honey, my baby, my one and only C... my Chérie."

Kasabay ng pagkatapos ng recording na galing sa wrist watch ni Theus ay ang pagtulo ng luha ni Reina na hindi na gumagalaw pa.

Theus couldn't move upon seeing that tear which kissed down her pale skin. It was a tear of pain, of love and of truth. His lips went dry seeing the truth after hearing that recording. It hurts so bad, seeing the flicker of emotions flicking upon Reina's dark eyes. That beautiful glow of ocean blue orbs is now trying to flush and flit after hearing the voice of Zync.

Napatayo si Theus at napalayo kay Reina. Pinatong niya ang kanang palad sa baywang at tumingala. Pinasada niya ang kaliwang palad sa mukha nang ilang ulit para pakalmahin ang sarili.

[Sweetie.]

Napapikit siya nang marinig ang boses ni Morry sa suot na earpiece.

"I hate you." Mariing anas niya. "I hate you."

[I know but I have to.]

"You don't need to do that! I can handle her! Kaya kong pabalikin si Reina sa sarili niya! Hindi mo kailangan gamitin ang boses ng lalaking 'yon!" puno ng galit na aniya.

[Please, not now. 'Wag ka munang magmukmok d'yan. Grabe ang effort ko para mai-record lang ang drama ni Zync no'ng lasing siya. Tss. Sweetie, you have to do your task. Please, we don't have much time.]

Muli niyang binalingan si Reina na tila tuod na hindi gumagalaw sa sahig. Ni pagkurap ay hindi magawa.

[Look at her, she's fighting. Lumalaban siya Theus kaya please lang, tulungan mo siya. Tapusin mo muna 'tong mission mo. Please lang, Theus. Maawa ka.]

Tumalikod siya saka hinablot ang isang white coat na nakapatong sa marble table na nasa gilid. Nilapitan niyang muli si Reina saka tahimik na sinuot rito ang coat na umabot ang haba sa tuhod ng babae. Inayos niya ang pagkakahiga ni Reina.

[Sweetie, look for a clean cloth.]

Walang tanong-tanong na sinunod niya ang utos ni Morry. Nang makapahanap ay muli siyang tumayo sa gilid ni Reina.

[We only have 15 minutes left to finish this.] Paalala ni Ryleen.

[Turn to your left, sweetie. There's a container filled with green sparkling liquid, soak the cloth in there.]

Sunod lang ng sunod si Theus sa bawat sinasabi ni Morry. Ni walang tanong o reklamo. Seryoso lang ang mukha niya.

[Go back to Reina. Padapain mo siya sa gitna ng iyong mga hita. Kneel down and sit on your heels then spread your thighs enough to her face size.]

Ginawa niya ang sinabi ni Morry. Hindi na naging mahirap sa kanya dahil hindi na lumalaban si Reina pero hindi niya maiwasang 'wag mag-alala dahil sa sitwasyon nitong tila wala ng buhay na nakamulat ang mga mata.

Ngunit dahil ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso ni Reina kung kaya ay napapanatag siya na buhay pa ito.

[Dapat hindi tumagilid ang ulo niya. Pagpantayin mo ang likod at batok niya, sweetie.]

Inayos niya ang posisyon ni Reina sa kanyang mga hita.

[Look at her nape. There's the Slovene Princess' tattoo.]

Hinawi niya ang buhok ni Reina. Napatitig siya sa tattoo roon isang crown na may pulang disenyo sa gitna.

[The red gem in the middle, you see it? Rub it slowly in circular motion.]

Bigla siyang napalunok sa sinabi ni Morry. Kahit sobrang seryoso na siya ngayon ay hindi niya maiwasang sumagi sa utak niya ang mga malumot na imahinasyon. Lalo na sa huling sinabi ni Morry.

"Damn." Mahinang mura ni Theus. Nakakagago man ay ginawa niya ang utos nito.

[There's a chip around it, it's transparent and super thin na halos hindi mo mararamdaman that's why you need to rub it with your finger with much pressure.]

Maya-maya pa ay nararamdaman niya na ang bagay na sumasagi sa daliri niya kaya mas pinag-igihan niya ang ginagawa hanggang sa bumuka ang edge ng isang bilog na transparent chip na kasing laki ng limang sentimo.

[Hold the chipt with your fingers.]

Hinawakan niya ang palibot ng chip na nakadikit ang gitna sa batok ni Reina dahil sa red star ruby gem.

[Make sure na hindi mo mabibitawan ito, sweetie. Now get the soak cloth with your other hand and in my count, you need to pull the chip forcefully.]

Humugot siya nang malalim na hininga at hinihintay ang sasabihin ni Morry.

[After pulling the chip, you need to press the cloth in her nape. Okay ready?]

Kumurap-kurap siya.

[In my count... one.]

[Two.]

[Three. PULL!]

"Aaaaaaah!"

Reina's screaming voice echoed the whole room while Theus almost faint when he saw the thing he pulled out that was implanted on Reina's nape.

"W-what is this thing?" Horror was evident on his face as he stammered. Agad niyang binitawan ang bagay na iyon.

[Now, press the cloth in her wound!] sigaw ni Morry kaya mabilis niyang tinabon at diniin ang basang tela sa dumudugong batok ni Reina. Dumadaing pa rin ang nakadapang si Reina sa kanyang hita.

[That's the Viere Contrarotulus. 'Yan ang tinanim nila sa batok ng kambal na Clementin. 'Yan ang dahilan kung bakit naging isa ang isipan, damdamin at alaala nina Katarina at Reina. 'Yan ang kumokonekta sa kambal kahit hindi sila magkasama at 'yan ang ginagamit ng Triad para kontrolin si Reina sa loob ng higit tatlong taon na.]

Hindi siya makapaniwala sa narinig kay Morry. Viere Contrarotulus is creepy.

The chip has hundreds of wires connected to the Gem, it looks like tentacles. Who may look at the chip might get horrified. Only monster could think of doing this to humans.

Reina has been controlled and monitored by the Triad for the past three years using the VC Chip with her twin's data.

Everything has been set up. Ang pagpunta niya sa Pilipinas, ang pagtagpo nila ni Zync, ang mga gangs na gustong patayin si Zync. And even that momentary lapse of reason which ended up of making love of Reina and Zync was also planned but not their feelings.

[You can take off the cloth, sweetie.]

Tinanggal niya ang cloth at nagulat nang makitang wala ng bakas ng sugat sa batok ni Reina.

[The liquid that the cloth you soaked with is a CRL, Cell Regenerator Liquid, kaya nitong ibalik sa tunay na anyo ng kung anong sugat. Our Reina is now free from their control and Katarina's connection kaya she's finally back to herself.]

Kahit nakaramdam ng panibugho at sama ng loob dahil sa narinig na recording ni Zync kanina ay napangiti si Theus nang marinig ang sinabi ni Morry.

[And for the finale, ESCAPE now... sweetie. Escape. You only have minutes left.]

Pinatihaya niya si Reina na dumadaing pa rin. Nakapikit ang mga mata nito na tila binabangungot.

[Buhatin mo na siya. Her system is adjusting without the VC Chip. Sweetie, I need you to take the VC Chip with you. Kailangan pa natin 'yan.]

Kahit kinikilabutan sa itsura ng duguang VC Chip dahil sa maraming wires na mukhang galamay ay kinuha niya pa rin ito at sinilid sa isang ziplock. Nilagay niya ito sa bulsa ng suit na suot niya.

Binuhat niya na si Reina at nagmamadaling tinungo ang pulang pinto.

"Open the door." Sabi niya.

[Wait...]

Hindi rin nagtagal ay bumukas ito.

[The area is clear, sweetie. Do'n ka dumaan sa dinaanan niyo ni Aly kanina. Just hurry up para hindi ka mahuli. Bumaba na sila Chantaria.]

Walang sinayang na segundo si Theus at agad niyang tinungo ang engine deck ng barko. Kahit inis kay Morry ay humahanga siya sa angking talino at pagkawais nito. Hindi na siya nahirapan dahil wala siyang may nakasalabuong na kalaban.

Rinig niya ang mga nagmamadaling hakbang sa taas na floor kaya mas lalo niyang binilasan ang takbo habang buhat-buhat si Reina.

Narating niya ang exit door at nakita niya ro'n si Terrence na naghihintay. Ngumiti ito nang malungkot sa kanya.

"Take good care of her, Theus." Anito. Tinugunan niya ito ng simpleng tango lamang.

Napalinga siya sa paligid para hanapin si Aly pero wala naman ito. Saglit siyang natigilan nang may nakita siyang silhouette ng isang tao na nakatayo sa gilid ng isang engine sa 'di kalayuan sa kanila.

Base sa bulto ay isang itong lalaki na matamang nakatingin sa kanila.

Napaigtad si Theus nang tinapik siya ni Terrence. Napaiwas siya ng tingin sa bulto at bumaling dito.

"Umalis ka na." mahinang anito saka tinulungan siyang bumaba at sumakay sa nakataas na speed boat sa gilid ng barko.

Si Terrence na rin ang nagbaba ng speed boat. Muli siyang napalingon sa taas at nakita niya ang marahang pagtango ng lalaki. Nang makalapat na sa tubig ang speed boat ay mabilis niya itong minaniubra at pinasibad palayo sa MV Little Butterfly.

Nakakahangang ang dali lang ng kanilang pagtakas. It was an easy escape. Agad niyang narating ang yate na pagmamay-ari ni Chantaria. Sinalubong siya ng mga tauhan at tinulungang isakay si Reina.

Mabilis na ring tumakas ang yate palayo sa lugar na iyon.

Dinala nila si Reina sa isang kwarto at nagulat pa siya ng bumungad sa kanya sina Chantaria at Lizia na sugatan. Walang malay ang mga ito. Binaba niya si Reina sa bakanteng kama at agad itong inasikaso ng doctor na kasama nila.

Pagod na pagod siyang lumabas sa kwarto at hinanap si Morry. Narating niya ang kwarto nito. Ngunit si Ryleen lang ang tao ro'n. Nanlalantang umupo siya at hinubad ang mga gadgets na suot. Napangisi pa siya nang walang hirap na nahubad niya ang wrist watch na gustong-gusto niyang pag-aapakan kanina.

"You did great, Kuya." Wika ni Ryleen na humarap sa kanya. Busy kasi ito kanina sa laptop. "Kasama na ulit natin si Ate Reina." Malaki ang ngiti nito. Tumango lang siya.

"Where's Morisette?" he asked. Bakas pa rin sa boses niya ang pagkadismaya.

Ngumuso si Ryleen, "I don't know." Nagkibit-balikat ito.

"Anong hindi mo alam? Magkasama kayo, Fragrance."

"Yes, kanina but when you were able to get out from that red door room, umalis dito si Ate Morry. I don't know where she went."

Lumukot ang mukha niya pero hindi na rin umimik. Napuno ng katahimikan ang buong silid. Ngunit nagulantang na lang ang lahat ng tao sa yate nang biglang narinig ang sunod-sunod na putok.

Napatayo si Theus at nagmamadaling umakyat sa taas. Sumunod naman si Ryleen. Mabilis silang kumuha ng kanya-kanyang armas. Dalawang baril ang kay Theus habang machine gun ang nakuha ni Ryleen.

Nakabulagta ang iba nilang tauhan na may mga tama ng bala. Kumubli ang dalawa sa pader at sumilip sa likuran ng yate. Natanaw nila ang mga taong naka-speed boat na nakasunod sa kanila at inuulan sila ng bala.

Nakipagpalitan ng bala ang magkapatid kasama ang kanilang ibang tauhan sa mga kalaban. Ilang beses na rin sila nagpapalit ng armas sa tuwing nauubusan ng bala maliban kay Ryleen. Tila hayok na hayok itong pinaulanan ng bala ang mga kalaban gamit ang machine gun.

Makalipas ang ilang sandali, nagulat na lang sila ng isa-isang sumabog ang mga speedboat ng kalaban. Walang natira.

Tumakbo sila Theus sa barandilya sa pwetan ng yate at tinanaw ang mga speedboat na nasusunog.

"Oh yeah! I just hit the shits!" sabay silang napalingon sa pinakatuktok ng yate at nakita ang isang babae roon na may hawak na bazooka sa balikat.

Nagkatinginan si Ryleen at Theus dahil hindi nila ito kilala. Hindi nila maalalang nakasama nila ito. Bumaba ang babae ro'n at lumapit sa kanila.

"Kamusta mga wepapips?! Wackin'!" magiliw na anito saka nag-hand gesture ng rock sign sabay head bang. Binaba ng babae ang bazooka at ginawa itong sungkod.

"Who are you?" matigas na tanong ni Theus at naging alerto. Hinawakan niya nang maigi ang baril sa kamay. Gano'n din ang iba nilang kasama.

Ang babae ay may pulang buhok na sabog. Halatang hindi sila close friend ng suklay. Maputi ito ngunit tadtad ng tattoo ang balat, sa braso, sa leeg at balikat. Makapal ang eyeliner. Nakasuot ito ng puting sando na may mga perdible bilang disenyo. Nakasuot ng punit-punit na jogger pants na pinaresan ng combat shoes.

May mga piercings pa ito. Tig-apat sa dalawang tainga, may isa sa ilong, isa sa kilay, isa sa lowerlip at isa sa dila.

"Pula ng Tondo Manila Philippines po at youw sewvice."

*****

Sinuklay ni Theus gamit ang mga daliri ang malagintong olandes na buhok ng natutulog na si Reina. Tatlong araw na ang nakakalipas, tulog pa rin ito, tatlong araw na ring hindi nagpapakita si Morry sa kanila at tatlong araw na rin nilang pinakikisamahan si Pula na hindi nila alam kung paano nila naging kasama.

Nasa Sayufara camp pa rin sila ni Theus at nasa kubo na pagmamay-ari ni Chantaria sila pansamantalang tumutuloy. Malaki naman ito at kasya silang apat ni Ryleen kasama sila Reina at Pula.

Hindi nila alam kung saan pumunta si Morry, wala itong may sinabi nang bumaba ito sa yate ayon sa tauhang nakita ang pag-alis nito. Sumakay daw ito sa speed boat.

Wala ring alam sila Chantaria sa gagawin ni Morry at hindi rin magawa nila Theus na kontakin sila Aly at Terrence.

"Kuya." Napalingon si Theus sa pinto nang pumasok si Ryleen. "Tumawag si Mommy." Anito sabay upo sa paanan ng kama ni Reina. Binalik niya ang tingin kay Reina.

"May susundo sa atin dito mamayang gabi." Muli siyang napalingon sa kapatid na nakakunot-noo.

"Did you ask her about Morisette?"

Tumango si Ryleen, "But Mommy didn't say anything. Sabi lang niya na need na nating bumalik sa Philippines bago pa tayo mahanap ng Triad."

"Wala ka ba talagang idea if where she went?" tanong niya.

Huminga si Ryleen nang malalim at umiling, "You asked me that many times already. I told you after making sure that you could escape safely from that ship, Ate Morry went out without saying a word. Akala ko magsi-CR lang siya."

"Okay, kung gano'n uuwi tayo nang hindi siya kasama." Matabang na aniya.

"You knew her. Ate Morry is like Mommy and Ate Reina, very unpredictable and mysterious. Maybe, may ginawa siyang mahalaga na part ng plans natin o kaya Mommy gave an order to her."

"Yeah right."

"Ang pretty ni Ate Reina, Kuya 'no?"

Napangiti siya saka marahang hinaplos ang mapupulang pisnge ni Reina.

"Yes, very gorgeous."

"At first, I wasn't aware that she's my cousin. Gandang-ganda ako sa kanya kaya I wanted always to be beside her. Even though she's grumpy and very rude at times, gusto ko pa ring sumama sa kanya kaya secretly, I followed her everywhere she went pero 'yon pala pinapasundan niya rin ako sa mga tauhan niya. Nakakatakot siya magalit, Kuya. She's merciless pero noong-"

Nilingon niya ang kapatid nang suminghot ito. Pinapahid nito ang luhang tumutulo.

"When she confronted me about the gangs I've killed-"

"What?!" marahas na tanong ni Theus. Ngayon naaalala niya na naman ulit ang pinag-awayan nilang dalawa.

"Kasi dahil sa kakasunod ko sa kanya, I found out that she's protecting Kuya Zync from the gangs under Flamenco Mafia. Kaya kinuha ko ang listahan ng gangs and I thought I could lessen her loads if I would eliminate some of them."

Pinili na lang ni Theus na 'wag magkomento at hinayaang magsalita ang kapatid.

"And I have killed the two big gangs alone. Akala ko hindi niya malalaman na ako ang nasa likod no'n but no. No'ng napatay ko ang buong gang ng Leopold ay alam na pala niya na it was me but she didn't say anything and then I killed the whole Blue Strings Gang, that's when she confronted me."

Malayo ang tingin ni Rylee habang nagsasalita.

"I was so afraid that time because she looked so murderous with her seriousness. I thought it was the scariest view of her but I was wrong when I saw she was crying in front me at sinabi niyang pagod na siya sa lahat ng nangyayari but hindi niya kayang tumigil at sumuko para sa lahat... I was even more scared seeing her tear-filled face. Nakakatakot ang mga luha niya, Kuya. It could break anyone's heart."

Yumuko si Ryleen at hinayaang mahulog sa mga kamay ang sariling luha. Napaiwas naman ng tingin si Theus at binalik kay Reina.

"She's too strong, Kuya but at the same time she's too weak, kaya gustong-gusto kong makatulong sa kanya."

Sandaling namuo ang katahimikan sa loob ng silid.

"She's precious." Sambit ni Theus at hinawakan ang kamay ni Reina.

Napangiti si Ryleen, "She is."

Marahas na bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang sabog na mukha ni Pula na kahit naka-braid na ang buhok ay mukhang sabog pa rin.

"Yow." Bati nito saka umupo sa upuan sa kabilang gilid ng kama ni Reina. "Ang mawikit talaga ni Madame, 'no?" magiliw na anito pagkatapos nilaro ng dila nito ang hikaw sa labi.

Lumingon ito sa kanilang magkapatid, "Uy! Nand'yan pala kayo. Hahaha." Gulat na anito.

"Who are you by the way?" tanong ni Theus na may masamang tingin kay Pula na nakasuot ng itim na sando and the rest are uniform from her everyday looks.

"Ako nga si Pula." Sabi nito sabay kamot sa ulo. "Nangangati anit ko sa ginawa nila sa buhok ko."

"Paano ka nakasakay sa yate. As far as I could remember you were not with us in the first place." Tanong niya ulit dito. Samantala, tahimik lang si Ryleen.

"Psh. Kilala niyo ba si Captain Hook?! Appwentice niya ako! Isa akong piwata kaya ang galing kong nakasampa sa yate niyo nang 'di niyo pansin!" mataas ang boses na anito habang tinatanggal sa pagkaka-braid ang pulang buhok nito.

"Answer me seriously, red head."

Nanlaki ang mga mata ni Pula, "Wed head?! Hindi naman pula ang ulo ko ah! 'Yong buhok ko ang pula. Anuba?! Tsaka, totoo naman kasi 'yon isa akong piwata."

Tinitigan ni Theus si Pula nang mabuti. Akala niya no'ng una nasalized lang talaga itong magsalita pero mukhang may sama ng loob ata ang babaeng piwata sa letter "R".

"I don't know why. Pero bakit ka namin sinama pa rito? You might be from our enemy and we should get rid of you." Salubong ang kilay na aniya.

"Sinama niyo ako wito kahit 'di niyo ako knows dahil magaan ang loob niyo sa akin at wala naman akong dangewous intent sa inyo! Tsaka, hindi ako kalaban 'no. Mapagbintang 'to." Tinaas-baba pa ni Pula ang kilay. Ginulo nito ang buhok na nakatakas na sa pagkabraid kaya sabog kung sabog na ito ngayon.

"Do you know Ate Reina?" singit ni Ryleen. Bumaling sa kanya si Pula na may malaking ngiti.

"Yes naman, si Madame pa? Siya ang dahilan kung bakit niyo ako kasama. Ang tagal ko win kayang namuhay bilang piwata wito sa kawagatan ng Euwopa dahil sa utos niya! Kaimbyewna!"

"Utos?" tanong ni Theus.

Tumango si Pula, "Yes, mga one yeaw and 2 months na siguwo? Binigyan niya ako ng sawiling bawko at cwew pawa maging ganap na piwata. Hahaha! Ang galing-galing dahil andami ko wing nanakaw na kayamanan sa ibang piwata pewo huhuhu. No'ng isang awaw lang bago ako tinawagan ni Mowi ay napiwata ako ni Thwonux! Inagaw niya ang bawko at buong cwew ko."

Nagkatinginan ang magkapatid dahil sa sinabi ng madaldal na si Pula na may galit kay "R" at bestfriend si "W".

"Tinawagan ka ni Morisette?"

"Uhuh! Tayming nga dahil nasa isang 'di ko kilalang dalampasigan ako no'n na tanging katawan, katawungan, tattoo, piewcing at cellphone lang ang iniwan sa akin ni Thwonux. Huhu! Walanghiya 'yon. Kahit gold coin hindi ako binigyan. Ang damot! Nasa laot na kayo nang umakyat ako sa yate niyo dahil ang buwaot na si Mowi hindi ako sinundo kaya nagbalsa lang ako sa loob ng dalawang awaw!" himutok pa nito sabay pangulangot. Pinahid nito ang daliri sa ilalim ng kama ni Reina. Napangiwi naman ang magkapatid.

Tumikhim si Theus, "Pero pinay ka?"

Nanlaki ang mga mata ni Pula, "Bakit nag-spanish ba ako kaya naging pinay ako?" tila gulat na untag nito. "Oo nga! Diba sabi ko taga-Tondo ako!"

"Sasama ka sa pag-uwi mo sa amin?"

"Oo naman! Miss ko na ang bansang sinilangan ko. Ang bayan ko'y tanging ikaw. Pilipinas kong mahal. Ang puso ko at buhay man ay aking ibibigay. Tungkulin ko'y gagampanan, ang lagi kang paglingkuwan. Ang bayan ko'y- ano nga kasunod no'n? Tss."

Kumurap-kurap lang ang magkapatid dahil 'di nagetz ang juks niya. Kaya napaismid ang babaeng piwata.

"Tsakaaa, ayaw ko ngang maiwan dito kasama ang mga amazona! Kakaiba silang gumalaw, hindi pang-piwata lalo na 'yong mukhang tawas na babae. Ang puti niya 'no?" tukoy nito kay Chantaria.

Tumango na lang ang magkapatid para hindi na humaba ang usapan.

"Alam niyo bang minsan na akong inutusan ni Madame na bantayan si Bosing no'n?"

"Bosing?"

"Oo! 'Yong matangkad, mabango, mayaman, makinis, maputi, maganda ang buhok, mukhang model, mukhang pwinsepe na sobwang gwapo na nobyo ni Madame!"

Napangiti si Ryleen, "Ah si Kuya Zync!"

"Oo siya nga! Ang gwapo-gwapo niya diba?" Binalingan ni Pula si Theus na sambakol na ang mukha. "Ang gwapo mo win, koya pewo twuthfully lang ha, wealtalk ba... mas gwapo si Bosing sa'yo, koya! Tehehe."

Tuluyang sumama ang timpla ng mukha ni Theus lalo na't bumungisngis rin si Ryleen sa tabi niya.

"Shut up, wench."

"Tsaka, palangiti win si Bosing! Fwiendly pa, hindi suplado."

"I said shut up!" sigaw ni Theus.

"Hindi win siya sumisigaw, mabait si Bosing."

Napatayo si Theus at sinamaan ng tingin si Pula.

"Get out!" sigaw niya dito.

"Hindi win siya bastos." Ayaw paawat na sabi ni Pula na nakangisi.

"Get out, freak." Mariing aniya.

"Ayoko nga. Who you ba? Si Madame ang dinalaw ko wito. 'Di ang supladong tulad mo. Tss. Isusumbong talaga kita kay Bosing may pahawak-hawak ka pa sa kamay ni Madame."

"FREAK WITH AN UNEVOLVED TONGUE!" nanggagalaiting sigaw ni Theus saka nag-walk out.

Natatawang nagkatinginan si Ryleen at Pula.

"Ano 'yong sinabi ni Koya? Fweak with a ni bulb tang?"

Umiling si Ryleen, "I like you." Anito.

"Ay sowi, neng. Hindi ako napatol sa babae. Ang may sandata win ang tipo ko pewo don't wowi, I like me too."

Napangiwi si Ryleen pero napangiti na lang din.

"Close pala kayo ni Kuya Zync?"

Umiling si Pula, "Hindi win."

"Paano mo siya nakilala?" nagtatakang tanong ni Ryleen dito.

Ngumiti si Pula, "Maliban sa isang magiting na piwata, manghuhula win ako neng. Pawt-time job ko."

-End of Chapter 22-

Thank you for reading freaks!

Chérie - is a French word means darling, beloved...

Cast: Ruby Rose as PULA.

Do you remember Pula from Chapter 26 She's Enigmatic Book 1? Here she is, joining the club. lels.

Please, say something about this chapter.

God speed.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro