Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21: RESCUE

Chapter 21: RESCUE
Enjoy reading!

3rd.

"Ready?"

Napaangat ng tingin si Theus nang marinig ang boses ni Morry. Marahan siyang tumango dito saka binalik ang tingin sa mga gamit na dadalhin sa gagawin nila ngayong madaling araw.

"Ryleen, maiiwan ka kasama ko sa yacht." Sabi ni Morry.

Pumalatak si Ryleen, "What?! No way, Ate! I'm gonna come with Kuya and Chantaria!" matining ang boses na anito.

Nilingon niya ang kapatid na nakabihis na rin. "Stay with her, Fragrance." Seryosong aniya. Nandilat naman ang mga mata ni Ryleen.

"But Kuya! I wanna come with you! Where's the fun in the yacht?! I want live action!" himutok ng kapatid. Tinapos niya ang pagtali sa customized belt niya na puno ng mga kung anu-anong gadgets saka tumayo. Nilapitan niya ang kapatid na naiiyak na.

Nameywang siya sa harap nito, "Fragrance, hindi theme park ang pupuntahan natin. We're going to infiltrate the devil's lair. Delikado para sa'yo kaya maiwan ka sa yate kasama si Ate Morry mo."

"NO! Gusto kong ako mismo ang kukuha kay Ate Reina! I want to prove something! I'm gonna be a big help, I have great fighting skills! I could even kill a whole gang!" Padabog na tumayo ito at naglabasan ang litid.

Nanlaki ang mga mata ni Theus, "You can't kill, Fragrance!" namumula na rin siya sa inis dito.

"I can, Kuya! In fact, I already have killed." Seryosong wika ng kapatid. Natigalgal siya sa narinig.

"What?! Bawiin mo ang sinabi mo, Fragrance. Hindi nakakatuwa 'yang biro mo. If you want to prove something then do your best to help Morisette in monitoring our mission." Matigas na anas niya sa kapatid.

"I am not kidding! Nakapatay na ako. I've killed two gangs before and I did it alone." May halong pagmamalaking anito kaya mas lalong sumama ang mukha ni Theus.

Agad napansin ni Morry na mukhang hindi na makakapagtimpi si Theus kaya agad itong lumapit sa magkapatid.

"Hey, tama na 'yan. Don't drag your personal issues on our mission. We need to focus." Marahan siya nitong tinulak palayo kay Ryleen at ito naman ang humarap sa kapatid niyang matigas ang ulo.

"Fragrance Ryleen, I am your leader and my order is you will stay with me in yacht. No is never an option. At walang patayan ang magaganap ngayon dahil as much as possible we have to do this neat and clean. I knew your style, Ryleen at hindi ko gugustuhing magkalat ka sa teritoryo ng kalaban. Ikakapahamak mo 'yan pati ng buong grupo."

Hindi umimik si Ryleen at masama ang loob na lumayo sa kanilang dalawa ni Morry. Hinarap siya ng babae.

"Theus, you need to stay focus. Pagkatapos na lang ng mission mo kwestiyunin ang kapatid mo sa issues niyo. We can't fail with this Theus nang dahil lang d'yan kaya umayos ka na. Ako na ang bahala sa kapatid mo."

Napabuntong hininga siya at napapikit. Tinapik ni Morry ang kanyang balikat. Napamulat siya. Akala niya ay nakaalis na ito pero nakatayo pa rin pala ito sa harap niya at matamang nakatitig sa kanya.

"What?!" He squealed.

Umiling ang babae at ngumisi, "Ang gwapo mo talaga, sweetie." Malambing na anito kaya sumama ang mukha niya.

"Shut up, Potty!"

Natawa ito saka naglakad tungo sa lamesa na puno ng mga gadgets. May kinuha ito roon at muling lumapit sa kanya. Inabot nito sa kanya ang isang maliit na ziplock plastic.

"Here. You'll need this there."

Kukunin niya na sana ito pero laking gulat niya nang ito na mismo ang naglagay sa isang hidden pocket na nasa loob ng diver's suit na suot niya. Nasa may bandang dibdib ito at ramdam niya pa ang pasimpleng paghaplos ni Morry sa kanya.

"Potty!" bulalas niya sabay tampal sa kamay ni Morry. Natawa ito sa reaksyon niya.

"Chillax sweetie. Para ka namang hinalay." Ismid nito saka lumayo.

Bumalik ito sa mesa at may kinalikot doon.

"Chantaria and Rebecca will go with you inside Little Butterfly. Don't worry dahil nasa loob sila Aly at Terrence, naghihintay sila ro'n. They will give you a way and I'll be monitoring you." Anito. Bubuka na sana ang bibig niya para magtanong ngunit naunahan siya ni Morry.

"Kung tatanungin mo kung bakit hindi na lang sila Aly at Terrence ang magtakas kay Reina..." hinarap siya ni Morry. "It can't be dahil baka matunogan ng Triad na traydor sila."

Tumango na lang siya at umismid kay Morry.

"30 minutes from now ay aalis ng barko ang mga kapatid ni Terrence, ibig sabihin ang mga tauhan na lang nila ang kailangan nating salisihan. Kung may mangyari man ngayon na hindi inaasahan, we'll back you up, kaming mga naiwan sa yate."

"Okay."

"Sweetie, alam kong first time mong gagawin ang ganito pero dahil malaki ang tiwala ni Lady Mojica sa'yo ay nagtitiwala na rin ako sa kaya mong gawin. Kung tutuusin ay kayang-kaya ko itong gawin nang wala ka pero para sa ikaka-lift up ng ego mo ay ikaw ang aatasan kong kukuha kay Reina sa loob. Kaya 'wag mong ipahiya ang sarili mo ngayon."

Napasimangot si Theus, "Whatever potty."

*****

[In my count, you'll all jump at one time.]

Rinig niyang utos ni Morry sa earpiece na suot. Napalunok siya sa kanyang gagawin ngayon, kinakabahan at natatakot na baka hindi niya magawa nang maayos. Nilingon niya si Chantaria at Rebecca na nakapwesto na rin sa gilid ng yate at handa nang tumalon sa dagat.

Binalik niya ang tingin sa madilim na karagatan, tanaw niya mula sa malayo ang maliliit na ilaw ng MV Little Butterfly. 800 meters ang layo nito sa yate kung nasaan sila ngayon.

Ang yateng sinasakyan nila ay kulay itim na hindi kita sa dilim ng madaling araw. Kahit maliwanag ang buwan ay hindi pa rin ito tanaw.

[Ready...]

Bumuga siya ng hangin saka sinuot ang mask. Inunat-unat niya ang mga braso.

[1, 2, 3— DARNA!]

Napamura siya sa gulat dahil sa biglang sinigaw ni Morry kaya nahulog siya sa dagat. Mabuti na lang ay mabilis niyang nabawi ang postura at nagawang ayusin ang sarili para mag-dive na tungo sa malaking barko.

Kahit nasa kailaliman na ng tubig ay rinig niya ang tawa ni Morry sa earpiece. Gusto niya itong murahin ng paulit-ulit dahil napaka-bipolar nito.

[Jump now, girls.]

Lumingon siya sa likuran at nakita ang pag-dive ni Chantaria at Rebecca. Nakakatuwang pagmasdan ang mga sinulid sa hem ng kanilang mga suit dahil kulay neon green ito kaya kahit madilim ay nakikita nila ang isa't-isa.

Mas pinailaliman nila ang pag-dive. Nagdadasal si Theus na sana wala siyang makasalubong na malaking isda. Sampung metro ang layo nila sa isa't-isa at pinapagitnaan nila ni Rebecca si Chantaria.

Tinutok ni Chantaria ang hawak na mini gun saka pinaputok ito sa unahan. Naglabas ito ng isang maliit na liwanag, sinundan nila ang liwanag na iyon na napagtanto ni Theus ay isang neon green na sinulid at ang dulo nito ay tumama sa ilalim na parte ng barko. Ito ang ginawa nilang track tungo sa barko.

Maingat ang ginawa nilang paglapit sa barko at pagkatapos ng higit dalawampung minuto ay narating na nila ang ilalim nito.

[Stay down for 5 minutes— Aly clear the northeast they're coming up.]

Pagkalipas ng limang minuto ay umahon na sila. Nagkatinginan silang tatlo saka nagsimulang umakyat sa katawan ng barko gamit ang spike gloves. Nang marating nila ang exit door na nakabukas sa engine deck ay agad natanaw ni Theus si Aly na prenteng nakaupo sa isang engine.

Pumasok silang tatlo ro'n. hinubad nila ang ilang gamit sa diving.

[Sweetie, go with Aly. She'll bring you to her.]

Utos ni Morry. Napangisi naman ang tatlong babae at sabay na napatingin kay Theus. Sinamaan niya ang mga ito ng tingin. Nagsalita muli si Morry para naman kila Chantaria.

Nahiwalay na sila Theus at Morry sa mga babaeng taga-Sayufara. Tahimik lang sila habang maingat na binabaybay ang daan. Gusto niya sanang magtanong kay Aly pero naiilang siya rito dahil sobrang seryoso ang mukha nito.

Tumigil sila nang marating ang floor ng mga cabins ng crews. Sinenyasan siya ni Aly na 'wag gumalaw sa kinatatayuan. Pinanood niya itong naglakad papalapit sa CCTV camera.

Tumigil si Aly sa gilid ng CCTV na alam nitong blind spot ng camera. Rinig pa rin nila Theus ang pagsasalita ni Morry sa earpiece.

Nilabas ni Aly ang isang maliit na metal na kasing laki ng butil ng bigas at pinitik iyon tungo sa camera.

[One minute...]

Nakangising lumingon si Aly sa kanya at kumindat. Tinaasan niya ito ng kilay.

[You may proceed. I'm inside the system now.]

Do'n lang naintindihan ni Theus kung ano ang ginawa ni Aly. Narating nila ang ikatlong palapag ng barko.

[Chantaria, you'll run in with a crew ahead. Better go left.]

Nagpalinga-linga si Theus dahil sa pagtataka kung bakit wala silang may nakakasalubong na crew hindi gaya kina Chantaria na kanina niya pang naririnig na iniiwas ni Morry sa mga kalaban. Rinig niya rin ang boses ni Ryleen na nagbibigay ng direksyon kay Rebecca.

Nilingon niya si Aly na seryoso pa rin ang mukha, "This is a no admittance area for the crews." Biglang sambit nito kaya napatango na lang siya. Mukhang napansin ni Aly ang pagtataka ni Theus.

Natuwa rin si Theus sa suot niyang suit dahil tuyo na ito. May built-in dryer kasi ito. Namamangha talaga siya sa mga gadgets na mayroon si Morry na galing daw ang mga ito sa Slovenia na naitakas nila noon bago pa masakop ng Triad ang buong bansa.

Liliko na sana sila sa isang pasilyo subalit nagulat na lang si Theus nang hinila siya pabalik ni Aly, tinakpan pa nito ang bunganga niya para pigilan siyang mag-ingay.

Mabilis siyang hinila ng babae papasok sa isang cabin na binuksan nito gamit ang sariling Triad's card pass. Madilim ang cabin kaya hindi niya kita ang loob. Naramdaman niyang tumabi si Aly sa kanya.

[Shit! Why is it Flynn still there?!]

Bigla siyang kinabahan dahil sa narinig kay Morry.

"Where's Terrence?" tanong ni Aly. Magsasalita na sana si Theus sa pag-aakalang siya ang kausap nito...

[He's with Flynn now.]

[Terrence, get your brother out there! Nasa floor na 'yan si Theus at Aly!]

Natahimik siya nang marinig muli si Morry.

"Damn it. Akala ko nakaalis na sila." Anas ni Aly. Ramdam niyang kinakabahan din ito gaya niya. "Morry?"

Nagsasalita pa rin si Morry sa earpiece pero hindi para sa kanila.

[Chantaria just kill them! Don't stop yourself. Itapon mo na lang sa dagat, may kukuha sa bangkay nila.]

[Rebecca, don't go ahead. Bumalik ka.]

[Terrence, paalisin mo na d'yan si Flynn.]

[Shit. Jan, may mga bangkang papalapit sa atin. Give them a good and clean job.]

[Ryleen, go to camera 15. See if who's on the roof deck.]

Napakagat labi si Theus dahil mukhang maraming magiging abala sa gagawin nila.

[It's Finamelia, Ate. She's looking at our direction.]

[Captain Cruz, let's turn southwest. Move back 500 meters away.]

"Morisette." Bulong ni Theus dahil sa inip at kaba.

[Lumabas na kayo d'yan, sweetie. Nakaakyat na sila Flynn.]

Pareho silang napabuga ni Aly. Mabilis silang nakalabas at liliko na sana silang muli nang biglang namatay ang mga ilaw.

[Damn it! Nahuli nila si Rebecca. Aly, she needs your help. She's in the fifth floor.]

Bumalik ang ilaw sa pasilyo at paglingon ni Theus sa gilid niya ay wala na roon si Aly. Napakamot siya ng ulo. Hindi alam ang gagawin.

[Turn to your right, sweetie.]

Kahit kinakabahan dahil mag-isa na lang siya ay tumuloy pa rin siya. Sa pagliko niya ay agad niyang natanaw ang pulang pinto sa dulo ng pasilyo. Patuloy din ang pagsasalita ni Morry at Ryleen para iba niyang kasama.

"How do I open this, Potty?" mahinang tanong niya nang makalapit sa pulang pinto.

[Kunin mo 'yong binigay ko sa'yo kanina.]

Kinuha niya iyon. Nilabas niya ang isang microchip doon.

[In your left, there's a screen lock panel there. Sa ilalim niyan may card port. Ilagay mo 'yang chip.]

Mabilis niyang sinunod ang utos ni Morry.

[Give me a second, sweetie.]

Habang naghihintay ay pumihit siya sa likod. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang lalaking naka-suot ng white lab gown na papalapit sa kanya at masama ang tingin.

Napaatras siya nang makita ang hawak nitong baril na nakatutok sa kanya.

[Now, Kuya... show me what you've got.] rinig niyang sabi ni Ryleen na tila nanghahamon. Lumukot ang mukha niya.

"Who are you?!" matigas na tanong ng lalaki.

Sinundan niya ito ng tingin nang lumapit ito sa emergency button.

[Get rid of him, sweetie.] utos ni Morry. Hindi niya rin maintindihan kung bakit naging sweetie na ang petname ni Morry sa kanya.

Marahas niyang nagulo ang buhok dahil mukhang hindi niya magugustuhan ang mangyayari. Bago pa makalapit ang lalaki sa pakay nito ay dinambahan niya ito. Binigyan niya nang malakas na sapak ang mukha ng lalaki. Nabitawan nito ang baril na may silencer kaya mabilis niyang pinulot iyon.

[Have your first kill, Kuya.] pang-uudyok ni Ryleen sa kanya.

Nakatayo agad ang lalaki. Tinutok niya dito ang baril pero ngumisi lang ito sa kanya at hinubad ang suot na lab gown. Mayabang itong pumostura sa harap niya.

"Nagkakamali ka sa pagpasok mo dito—"

Hindi niya na pinatapos ang pagsasalita ng lalaki. Walang pag-alinlangan niyang pinaputok ng dalawang beses ang baril na hawak. Bumulagta ang lalaki sa sahig na may dalawang butas sa pisnge.

[Welcome to the club, Kuya! Hahaha!]

[Nice one, sweetie. That was awesome. Ganyan nga, don't let a second pass to bring down your enemy. Kung papatayin, patayin agad. Hindi 'yong marami pang seremonyas. But as much as I want you to celebrate your first kill, just do it later... hayaan mo na ang bangkay d'yan. May maglilinis niyan.]

Ilang ulit siyang bumuga ng hangin at tila napapasong bintawan ang baril. Kumurap-kurap muna siya habang nakatitig pa rin sa taong pinatay niya.

Humarap na siya sa pulang pinto, "Ano na ang gagawin ko?"

[In the right, there's a panel for thumb detector there. Press your right thumb with enough pressure and I'll do my thing here.] Ginawa niya ito at naghintay ng halos tatlong minuto bago narinig ang "Identity confirmed. Welcome Dr. Gunth Humpkin."

Nagtaka pa siya kung sino si Dr. Humpkin pero hindi na pinansin at dali-daling pumasok nang bumukas ang pinto.

[You need to close the door, sweetie.]

Nag-alangan pa siya dahil baka hindi na siya makalabas pero sinarado niya na lang ang pinto, alam naman niyang alam ni Morry ang ginagawa.

Bumungad kay Theus ang isang maliwanag at puting laboratory pero walang bakas ni Reina roon. Nilibot niya ang tingin at napansin ang basag na chamber tube sa pinakadulo ng laboratory.

"Where is she?" takang tanong niya at nagpalinga-linga.

[She's at your back, sweetie! Watch out!]

Nagulat siya sa sigaw ni Morry pero bago pa siya makalingon ay naramdaman niya na ang masakit na paghampas sa kanyang ulo. Natumba si Theus at sinapo ang ulo.

"Damn it. Ang sakit." Kumirot ang tinamaang parte kaya hindi agad siya nakahulma.

Pinilit niyang tumayo para harapin ang humampas sa kanya.

[Close your eyes, sweetie!] muling sigaw ni Morry.

"What?!" bulalas niya. Gusto niya na ring sumigaw dahil nakakatangang papipikitin siya kung may kalaban.

[Just close your eyes, dimwit!]

"Huwag mo akong murahin!"

[Don't look at her!]

Napipikong tuluyan niyang hinarap ang walanghiyang humampas sa kanya. Marahas siyang napasinghap nang makita kung sino ito.

[Damn! Don't look at her body! I am warning you!]

Hindi niya naintindihan ang sinasabi ni Morry dahil napatulala na lang siya.

[Kuya! Papatayin ka ni Kuya Zync niyan. Don't look at her!]

Rinig niya rin ang boses ni Ryleen pero wala na siya sa tamang huwisyo.

It's indeed a breath-taking view.

There, standing in front of him is a wonderful creation of God. Nothing hinders his eyes to see her full glory. Gorgeous naked Katareina Zavina is looking at him, directly into his eyes intently and her gaze is penetrating deeply within him. It sent chills to his spine.

Theus soundly gulped the lump on his throat as he trailed down his piercing orbs in her whole perfection. In a while his breath became heavy as he brought back his eyes to Reina's beautiful face.

Gone her jet black hair, now he sees her shining golden blonde locks. His heart gone wild when their eyes met. Reina's eyes were dark as night, void of any emotion and Theus couldn't see any trace of that deep-ocean blue beautiful orbs he had seen before.

He was afraid with the truth standing in front of him.

Is she Katareina Zavina?

Is she the woman he had met before?

Ito ba ang babaeng pinangakuan niya?

[MATTHEUS! Get back to your senses!] Nagitla siya sa sigaw ni Morry. Batid niyang galit ito. Pero hindi pa rin mapuknat ang tingin niya kay Reina.

"P-potty. S-si Reina ba 'to?" mahinang tanong niya habang nakatingin pa rin sa babaeng nakatayo sa harap niya.

[Get a hold of yourself, asshole! I am now regretting that I let you do this job. She is Reina, you idiot!]

"H-her hair... h-her eyes—"

Dahil sa hindi pa rin bumabalik ang tamang huwisyo ni Theus ay hindi niya na naiwasan ang malakas na suntok na ginawad ni Reina sa kanya. Tumilapon siya palayo.

[I told you to stay focus! Huwag na huwag mong biguin ang mission na 'to, Mr. Remedy dahil papatayin kita kahit pa step-son ka ni Lady Mojica!]

"Why is she attacking me?!"

Hindi pa man siya nakakatayo ay muli siyang napahalik sa sahig nang makatanggap na naman ng sipa kay Reina.

"Darn. She's too strong." Daing niya.

[Kaya nga! Kung hindi ka pa magtitino d'yan! Si Reina mismo ang papatay sa'yo! She's in her killing intent zone now! Kung wala ka sa huwisyo mas walang huwisyo ang babaeng 'yan ngayon. Mamatay ka kung wala kang gagawin.]

Mabilis gumapang palayo si Theus at tumihaya para kumuha ng pwersa makatayo. Ngunit napansin niyang nakalapit na si Reina sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya nang itinaas nito ang isang paa sa mismong harap niya.

[Close your eyes, Mattheus and roll over away from her!]

Pero hindi niya na nagawang pumikit pa nang malakas na tumama ang sakong ni Reina sa kanyang dibdib. Napaubo siya nang malakas at nag-fetus like position.

[I said get hold of yourself, stupid!] bakas na sa boses ni Morry ang galit at pagkapikon.

[Kuya! Pinapahiya mo ang lahi natin!]

Napadaing muli si Theus nang maramdaman ang sipa ni Reina sa likod niya.

[C'mon sweetie, please... don't disappoint me.] bumakas ang pagod sa tinig ni Morry na may halong pagmamakaawa.

[Nagkakagulo na sa roofdeck. Nakikipaglaban na sila Chantaria at Rebecca. You need to hurry up there dahil hindi nila kakayanin. Hindi sila matutulungan ni Terrence at Aly.]

Dahil sa narinig ay humugot siya nang malalim na hininga at tumayo. Pilit niyang alisin ang ilang sa kahubaran ni Reina. Hinarap niya ang babae ngunit napapalunok pa rin siya.

"Ano ang gagawin ko sa kanya, Potty?" mahinang tanong niya.

[You need to knock her out because for sure tigok ka kung mauunahan ka niya. Just make sure you won't kill her.]

"What the?!" Bulalas niya at napaatras nang humakbang papalapit sa kanya si Reina. "Why does she look like a robot?"

[Epekto sa mga pinaggagawa sa kanya ng Triad. She's under control with the thing they implanted on her. The viere contrarotulus.]

"How could I help her? Hindi ko siya kayang saktan. She's fragile!"

Rinig niya ang pagpalatak ni Morry. [Fragile my ass. Madededo ka talaga kapag hindi mo siya mapatumba! She's not what you think, sweetie! Mas malakas pa 'yan sa kalabaw.]

"Do I really need to beat her up?" Patuloy pa rin siya sa pag-atras palayo kay Reina na mukhang robot.

[Yes! JUST DO IT, Mattheus! DO IT!]

Kasabay ng pagsigaw ni Morry ay pagbilis ng hakbang ni Reina papalapit kay Theus kaya napatakbo siya. Paikot-ikot ang takbo niya sa lab habang nakasunod sa kanya si Reina na mabilis lang ang hakbang.

"Morry! What should I do?! Hindi ko siya kayang saktan! Ano ba?!" nafu-frustrate na sigaw niya.

[Face her and fight back, idiot! Ipakita mo ang galing mo! Leche ka! Buwisit ka!]

"Morry! Is there another way?! Send Aly here at sa kanya mo ipagawa 'to!"

[You do it, Theus! Inako mo 'yan kaya pangatawanan mo! Gago!]

"Morry naman eh! Alam mo naman hindi ko siya kayang saktan! Ipagawa mo na sa akin ang lahat! Huwag lang ang saktan siya. You know she's too precious to me!"

[Damn it, Mattheus! Ngayon ka pa ba magpakakorni? We only have limited time here! Kailangan mo nang gawin or else mahahantong sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin! Kailangan mong makalabas d'yan kasama siya bago matunogan nilang nand'yan ka! The diversion that Chantaria made couldn't hold it longer! Marami ang kalaban nila! Lalabanan mo si Reina o lalabanan mo nga siya! JUST DO IT!]

Hindi mahulma ang mukhang nilingon ni Theus si Reina. Tumigil siya sa pagtakbo saka hinarap ang babae. Mabilis siyang umiwas nang sumuntok ito sa kanya.

"Please wake up, baby. Wake up, Reina. This is me, Mattheus." Pakiusap niya habang umiiwas sa atake ng babae.

"Gumising ka. Maawa ka. I can't hurt you, baby."

Nang makakuha siya ng tiyempo ay malakas niyang dinambahan si Reina. Dahil sa pwersa ay natumba sila. Mabilis niyang naipwesto ang mga kamay niya sa likod ng ulo ni Reina para iwasang mabagok ito.

"I'm sorry, Reina." Anas niya dahil sa ginawa.

Nang mapagtanto ang posisyon nila ay agad uminit ang pisnge niya. Nakapatong lang naman siya sa walang kahit anong saplot na babaeng gusto niya. Hindi lang pisnge ang uminit pati ang buong katawan niya.

[Don't you dare, Mattheus Remedy! Alam kong lalaki ka at may kahinaan pero isipin mong manghihina ka talaga kapag muling masuntok ka niyan!]

Nag-dilang anghel nga si Morry dahil hindi niya naiwasan ang malakas na sapak ni Reina sa kanya.

[Tangunu! Sabi ko na nga ba! Ano may ulo ka pa ba?! Umayos ka!]

Umikot ang mundo ni Theus dahil do'n. Gusto niya tuloy sabihin kay Morry na tumilapon na ang ulo niya. Nang makahulma ay nagulat na lang siya nang nagkapalit sila ng posisyon ni Reina ngayon ay nakapatong na ito sa kanya.

She's definitely straddling on his stomach! It is more getting awkward for Theus. Parang sasabog na siya sa sobrang init ng katawan.

"Tang*na ka, Potty! Ang hirap-hirap nitong pinapagawa mo sa akin! Puta! Magbabayad ka dahil dito!" Bulalas niya dahil sa kahihiyan sa kanilang posisyon ngayon.

Ilang beses pa siyang nasapak ni Reina na hindi niya magawang iwasan dahil nadi-distract siya sa hubad na katawan ng babae. Napapanganga pa siya sa tuwing nakikita ang pag-indayog ng malulusog na dalawang umbok ni Reina sa bawat paggalaw nito.

[Pisti ka, Theus! Umayos ka! 'Wag mong pasayahin 'yang mga mata mo sa nakikita! Dudukutin ko talaga 'yan! She's Reina for Pete's sake! Don't take advantage on her state! Respect her!]

Napailing si Mattheus para alisin ang malumot na eksena kasama si Reina sa kanyang utak. Nang makahulma na ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ng babae saka pinagpalit ang posisyon nila. Naging mas malaswa tuloy ang posisyon nila.

Reina was lying her back on the floor with wide spread legs and him positioned in between, slightly kneeling with his hands supporting his weight on Reina's sides.

"Shit! This is so awkward!" Bulalas niya habang nakatingin sa hubad na katawan ng babae.

Hindi niya talaga maiwasan na tumingin sa kagandahan ni Reina. She's a temptress, so delectable and very gorgeous while him ay isang mahinang lalaki lamang. Kahit siguro sinong lalaki ang nasa posisyon ni Theus ay hindi mapipigilan ang sarili.

"B-baby." Namamaos ang tinig na aniya kay Reina.

[Kuya, try to mention Kuya Zync's name. Maybe, it could help.]

Sumama ang mukha ni Theus. Naisip niyang... nakita na kaya ni Zync ang kagandahan nito? Sa isiping 'yon ay nagngingitngit na siya sa galit. Hindi. Hindi pwede.

Hinuli niya ang mga kamay ni Reina at hinawakan nang mahigpit.

"What?! Ayoko!"

[Baka nakakalimutan mong si Zync Orlando ang nagmamay-ari sa babaeng 'yan, sweetie. Tell her about Zync... sabihin mo naghihinatay sa kanya ang lalaking mahal niya.]

Mas lalong lumukot ang mukha ni Theus. Nawala na nang tuluyan ang malumot na isipan sa kanyang utak dahil sa sinabi ni Morry. Nagpupumiglas si Reina pero dahil sa inis ni Theus ay hindi na nitong magawang makaalis sa hawak niya.

[Kuya! It could help ate Reina to get back to her senses! Hindi mo magagawang alisin ang viere contrarotulus sa kanya kung lumalaban siya. Just mention Kuya Zync's name! Alam nating kahit wala siya sa sarili, gumagana pa rin ang puso niya. Sabihin mo ang name ni Kuya Zync. C'mon!]

Hindi umimik si Theus. Nakatitig lang siya sa mukha ni Reina na pilit pa ring nagpupumiglas sa ilalim niya. Puno ng galit ang mga mata ng lalaki dahil sa mga pinagsasabi nina Morry.

[Just say the magic words, sweetie... Zync Orlando, your one and only love is waiting for your come back. C'mon sweetie.]

[Just say kuya na, 'Come back, Reina. Come back for Zync, your O.']

Umigting ang bagang ni Theus at nagngitngit ang mga ngipin sa galit.

"No. Reina is mine. She'll come back for nobody but for me."

-End of Chapter 21-

Yay! Magbabalik na si Reina! Hahaha. Nakakatuwa talaga si Theus. Sarap sipsipin ang leeg. Nyaaar!

Thank you for reading freaks!
God speed.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro