Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Joke #1

Weirdong tingin ang ibinabato ng mga dumadaan sa isang lalaking nakaupo sa harapan ng tindahan. Yakap-yakap niya ang mga tuhod habang may hawak na payong.

"Bata, kailangan mo ba ng tulong?"

"Bata, heto, tinapay. Kunin mo."

"Bata, kanina ka pang umaga diyan. Hapon na pero hindi ka pa rin natitinag. Hindi ka ba nangangalay?"

Maraming mga nanay ang nagbigay ng tulong ngunit ganon pa rin ang reaksyon ng bata. Walang kibo.

Sa tuwing gabi nawawala sa pwesto niya ang bata para umuwi ngunit pagkaumaga ay naroon na naman siya sa ka harapan ng tindahan sa ganoong postura at katulad ng dati ay nakapayong na naman siya kahit wala namang ulan o init.

Lumipas ang anim na buwan at nasa ganoon pa ring sitwasyon ang bata. Hanggang sa nagkainteres sa kanya ang isang doktor.

"Para maintindihan ang isang tao kailangan niyang suutin ang sapatos nito." Iyon ang paniniwala ng doktor.

Kaya naman ginawa niya ang bagay na hindi pa niya nagagawa sa tanang buhay niya.

Umupo siya sa tabi ng bata. Kagaya nito ay niyakap din niya ang mga tuhod habang nakapayong.

Nagtiyaga ang doktor hanggang sa lumipas ang dalawang buwan bago niya nakitaan ng reaksyon ang bata. Napansin niyang humarap ito sa gawi niya. Seryoso siya nitong tiningnan. Mukha pa itong nagdadalawang-isip pero kalaonan ay nagsalita rin.

"Ikaw...ikaw... I-isa ka rin bang mushroom?" naniniguradong tanong ng bata.

🤣😅 😛

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro