Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 64

Nagkaroon ng black hole sa kalangitan at doon isa-isang nagsisilabasan ang mga demon.

Napakunot ang noo ni Blaire.

"Zeque, may paparating nanaman," aniya habang umaatras ito kasabay ng pagpatay sa mga demon na palapit sa kanila.

Pagkawala ng huling barrier sa Black Academy wala na silang magawa kundi ang magsama-sama habang parami nang parami ang pumapalibot sa kanila.

Nagdilim ang mukha ni Zeque nang mapansin na class A ang mga paparating habang sila kaunti na lang dahil nasa Bizarre na ang iba.

"Zeque."

Nilingon ni Zeque si Jiro nang marinig niya ito.

"Nasa sasakyan na si Erie?" tanong niya.

Tumango siya Jiro saka nagtanong.

"Nakita mo ba si Samael?"

"Hindi pa. Baka hinahanap niya sila Greg. Tawagin niyo na sila Blaize at umalis. Magpapaiwan ako dito para kunin ang atensyon nila."

Nagkasalubong ang kilay ni Jiro.

"Mag-isa ka lang?"

"Magpapaiwan kami. Balak namin pumuntang Bizarre pagkatapos nito," sabi nila Finn.

"Magpapaiwan din ako. Tutulong ako ka---"

"No! Sasama ka sa akin."

Putol ni Jiro kay Zero sabay hawak sa braso nito. Nang nagsidatingan na ang iba, napansin ni Jiro na wala ang iba.

"Nasaan si Zaira? Saka Max?" tanong niya.

"Wala ba siya sasakyan? Hindi na siya bumalik kanina," tugon ni Blaire.

"Wala siya. Sabi niya pupuntahan niya kayo."

Napakunot ang noo ni Blaize saka nagsalita.

"Hahanapin ko siya."

Hinarangan siya ni Zeque.

"Wait! Wala na tayo oras. Ako na hahanap sa kanila. Mauna na kayong umalis," sabi ni Zeque.

"Magpapaiwan din ako," tugon ni Blaize.

Hindi papayag si Blaize na umalis nang hindi niya nasiguradong ligtas si Zaira.

Nakikiusap na tumingin si Zeque kay Blaire. Tumango si Blaire saka naglakad sa likod ni Blaize.

"Sorry sa gagawin ko," bulong niya sabay hawak sa batok ni Blaize.

May pinindot siya dahilan para matumba si Blaize. Pinangsalo ni Blaire ang isa niyang kamay para hindi ito madapa.

"You..." sambit ni Blaize nang hindi niya maigalaw ang katawan.

"Babalikan natin siya. Maiiwan si Zeque, sigurado pupuntahan siya ni Erie kapag naayos na ang lahat sa pupuntahan natin," paliwanag ni Blaire saka pumunta sa harapan ni Blaize upang iangkas ito sa likod.

Gumawa ng portal si Zeque.

"Siguraduhin mong babalik ka agad. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa asawa mo kung mawawala ka bigla," sabi ni Jiro kay Zeque.

Tumango si Zeque.

"Lagyan niyo ng seal ang pinutuan ng Outlandish sa Xaterrah. Kahit wala yun pwede pa rin kayo makapunta dito sa pamamagitan ng aurora," aniya.

Pagkapasok nila Blaire nawala ang portal. Umikot sa Black Academy si Zeque pero hindi niya nakita si Zaira sa loob hanggang sa lumabas siya sa gate.

Naglakad siya papunta sa binigay niyang posisyon kay Max. Doon nakita niya ang dalawang estatwa.

Nakaangat ang dalawang kamay ni Max na para bang gusto nitong itulak o hawakan ang likod ni Zaira.

Tumayo si Zeque sa harapan ni Zaira saka pinagmasdan ang mukha nito.

Nakangiti ito ng mapait habang nakatingin sa taas.

"Buhatin niyo sila at dalhin sa Bizarre para madala sila nila Blaize sa Aurora pagbalik nila."

Utos ni Zeque kila Finn nang makita niyang papalapit ito sa kanya.

Gumawa ng portal si Zeque patunggo sa Bizarre.

"Ano gagawin mo?" tanong ni Peirce habang buhat-buhat ang estatwa ni Max.

"Papasabugin ko silang lahat."

Tinignan ni Zeque ang mga nagkalat na zombie at demon.

"Hindi ko alam hanggang saan ang aabutin ng gagawin ko, mas mabuting ako lang ang nandito."

Paliwanag ni Zeque. Tumango sila Finn bago pumasok sa portal.

"Sorry Erie. Hindi muna ako makakabalik," bulong ni Zeque habang iniipon ang kapangyarihan niya sa kamay.

May nabuong kulay puting liwanag sa kamay niya at sa loob nito may halo-halong iba't-ibang kulay na magical power kung saan sumasalamin ito sa iba't-ibang element.

Palaki ng palaki ito hanggang sa lumutang ito sa kalangitan na para bang umaangat na araw. Nang magdikit sa isa't-isa ang iba't-ibang element ng magical power ni Zeque sa loob nito, nagdulot ito ng pagsabog.

Boom! Napapikit si Zeque nang mapalibutan siya ng liwanag at sa isang pagsabog nawala lahat ng kalaban sa paligid ng Black Academy.

Samantala, nang maidala na nila Erie ang lahat sa Aurora, nagmadaling siyang bumalik sa Xaterrah upang gawin ang inuutos ni Zeque.

Nagkaroon ng kadena and kandado ang pintong nag-uugnay sa kanila sa Outlandish. Ngayon hindi lang ang pinto ng Infernal World ang nakaseal.

"Ano na sunod mong gagawin?" tanong ni Jiro.

"Babalik ako ng Outlandish," sagot ni Erie.

Malinaw kay Erie na sa pamamagitan ng Aurora, makakapunta siya sa Outlandish.

Sinalubong sila ni Zera. Patanong na tinignan ito ni Erie nang makitang pinapawisan ito habang namumutla ang mukha.

"May problema ba?" tanong ni Jiro nang hindi ito makatingin ng diretso sa kanila.

Pabalik-balik ang tingin ni Zera sa kanila bago ito yumuko.

"Erie..."

Mahinang tawag ni Zera. Napalundag ang puso ni Erie sa kinikilos nito.

"May gusto ka ba sabihin sa akin?" tanong ni Erie at napanganga na lang siya sa sunod nitong ginawa.

Lumuhod sa harapan niya si Zera saka hinawakan ang kamay ni Erie.

"Sorry, hindi ko nabantayan ng maayos si Heidi. Hindi ko alam kung ano nangyari, nawala na lang siya bigla."

Mabilis na paliwanag nito at tanging ang huling pangungusap lang ang napansin ni Erie.

"Nawala?"

Nanlamig si Erie kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya.

Tumango si Zera habang hindi inaalis ang tingin sa mata ni Erie.

"Hindi ako umalis sa kwarto nila. Wala ding ibang pumasok sa pintuan."

Nanginig ang kamay ni Zera.

"B-basta na lang ito nawala habang nagtitimpla ako ng gatas. Pagtingin ko sa higaan ni Heidi wala na siya."

Dugtong ni Zera. Nag-umpisang mamuo ang luha ni Erie.

"Hinanap mo na ba siya?" tanong ni Jiro saka tinulungang makatayo si Zera.

"Oo. Pero walang kahit na anong senyales niya sa mundong ito. Para siyang bula na naglaho na lang bigla."

"Wala ka bang ibang naramdaman bago siya mawala?"

Hindi inalis ni Erie ang tingin niya kay Zera habang kausap nito si Jiro. Walang pahid ng pagsisinungaling ang kilos nito. Alam niya ring na nagsasabi ito ng totoo pero hindi niya ito matanggap. Daming tanong ang tumakbo sa isip niya.

Paanong nawala na lang bigla si Heidi? Posible kayang may traydor sa mundong ito? Napasok na ba kami ng mga demon?

"Wala. Pero may sulat akong nakuha sa higaan niya," sabi ni Zera sabay abot ng isang papel kay Erie.

"Kukunin ko muna siya para sa hinaharap. Paglipas ng labing walong taon, babalik din siya sayo."

Basa ni Erie sa sulat. May naramdaman siyang pamilyar na kapangyarihan sa sulat na hawak niya pero hindi niya masabi kung saan. Wala siyang nararamdaman na masamang aura dito. Mas kumalama pa siya dito.

Lumupas ang isang taon, nagpatuloy pa rin ang pananatili ng mga demon sa Outlandish. Tanging mga piling lugar na lang ang ligtas. Katulad na lamang sa Bizarre at sa Vendon City na pinoprotektahan nito.

"Achooo!"

"Sinisipon ka ba? Kailangan mo ng gamot?" tanong ng babae sa isang lalaki na may kulay itim na buhok.

Kung makikita ito nila Erie, makikilala nila na si Zeque ang lalaki. Kasalukuyan itong nasa anyo ng isang pangkaraniwang tao pagkatapos nito gamitin ang lahat ng kapangyarihan niya.

"Ayos lang ako," tugon ng lalaki sabay tingin sa buhat niyang batang babae.

Sinusubukan ng batang babae abutin ang  mukha niya. Hinawakan niya ito saka ngumiti. Tumawa ang batang babae dahilan para lalo siyang mapangiti.

"Salamat sa pagbabantay kay Heidi habang wala ako," sabi niya sa babaeng kausap bago binuhat si Heidi.

"Ako nga dapat magpasalamat sayo Kung wala ka, wala akong trabaho."

Bumuntong hininga ang babae.

"Hindi ako makaalis ng bahay dahil kailangan ko siya alagaan si Sage. Saka mabuti na din na nandito si Heidi, may kalaro si Sage."

Paliwanag ng babae.

Nang marinig ng batang lalaki ang pangalan niya, lumingon ito sa babae. Nakaupo lamang ito sa sahig habang nakatulala sa sasakyang laruan. Kung hindi nabanggit ang pangalan nito, hindi siya kikilos.

"Alis na kami Sage. Heidi, magpaalam ka na kay Sage," sabi ni Zeque.

Kumaway si Heidi saka nagflying kiss. Tuwing magpapaalam siya palagi niya iyonbginagawa. 

Wala naman reaksyon si Sage kahit na nakatingin ito kay Heidi. Sanay na si Zeque dito na parang matanda na kung umarte. Pansin din nila na mas matalino ito kumpara sa normal na bata.

"Uwaaaahhhh!"

Iyak ni Heidi nang makitang walang reaksyon si Sage.  Kinuha ni Sage ang maliit na puzzle na binuo niya kanina saka naglakad palapit kay Zeque. Inabot nito ang hawak habang nakatingin kay Heidi.

Umupo si Zeque upang nakatapat niya si Sage. Kinuha ni Heidi ang puzzle saka tumawa.

"Kung hindi ka lang bata, iisipin kong nililigawan mo ang anak ko," sambit ni Zeque sabay hawak sa ulo ni Sage bago tumayo.

"Sage, magpaalam ka na kay tito Zeque," sabi ng babaw.

Walang emosyong tumingin si Sage kay Zeque bago nagsalita.

"Bye," sabi nito bago bumalik sa inuupan niya kanina.

"Bakit pakiramdam ko hindi one year old ang kaharap ko? Hindi rin pala maganda magkaroon ng anak na genius. Buti na lang normal si Heidi."

Komento ni Zeque habang pinagmamasdan si Sage na kasalukuyang  nakatingin sa sasakyan na para bang may malalim itong iniisip.

Tumawa ang babae saka umiling.

"Hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako o hindi na mataas ang IQ ni Sage. Buti na lang iniwan mo dito si Heidi. Kahit papaano nagiging normal si Sage sa kanya."

Sinamahan ng babae papunta sa pinto si Zeque.

"May balita ka na ba sa nangyayari sa labas?" tanong niya.

"Pinatayo muli yung Black Academy. Sabi nila may pupunta dito para magrecruit ng students. Baka may kilala ka sa pupunta," sagot ni Zeque.

"Wala ka pa rin ba maalala sa nakaraan mo?"

Napailing si Zeque bilang tugon. Bukod sa pangalan niya at pangalan ni Heidi, wala siyang maalala. Ang huling natatandaan niya ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan niya kaya ngayon tao siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro