CHAPTER 63
Nagkasalubong ang kilay ni Zaira habang nakatingin sa harapan nila kung saan walang tigil na umaatake ang mga demon sa labas ng barrier
"Zeque, kung magpapatuloy ito babagsak ang barrier," sambit niya.
Walong araw na ang nakalipas simula nang umatake si Samael. Dahil doon palitan silang dalawa ni Zeque sa pag-aayos ng barrier.
"Namumutla ka. Magpahinga ka muna," sabi ni Zeque nang nakitang pinapawisan si Zaira.
Huminga ng malalim si Zaira sabay hawak sa tiyan niya. Kanina pa ito kumikirot pero wala siyang pagkakataon na sabihin ito dahil pareho silang abala ni Zeque.
"Pakitawag si Ian," sabi ni Zaira sabay punas ng pawis.
Lumikha ng paro-paro si Zeque at inutusan itong puntahan si Blaze sa labas ng barrier.
"Aaahhh!" sigaw ni Zaira.
Pagtingin ni Zeque may tumutulong tubig sa paa nito.
Napakunot ano noo ni Zeque dahil dalawa lang silang magkasama. Hindi niya pwedeng iwanan ang barrier pero importante ang buhay ni Zaira at ng bata sa tiyan niya.
Bumuntong hininga si Zeque sabay buhat kay Zaira.
"Zeque, yung barrier!" sigaw ni Zaira habang nanlalaki ang mata. Napahawak siya sa balikat ni Zeque.
"May isa pa namang barrier. Mas importante ka at ang bata sa tiyan."
Dumiretso sa clinic si Zeque at laking pasalamat niya na may doctor sa Black Academy. Binaba niya si Zaira sa kama bago tumingin sa doctor.
"Manganganak na yata siya. Maghanda kayo. Siguraduhin niyong ligtas ang panganganak niya. Tinawag ko na ang asawa niya," sabi ni Zeque
Nang makita niya inaasikaso nito si Zaira, bunalik na siya sa labas.
Napasimangot si Zeque nang makitang basag na ang isang barrier habang kasunod nito kasalukuyang inaatake ng mga demon. Kaunti na lang malapit na sila sa mismong paaralan.
Samantala, pagtakbong bumalik sa Black Academy si Blaize pagkatapos niya mabalitaan ang tungkol kay Zaira.
Binuksan niya ang pinto ng clinic.
"Uwwaaaahh!"
Isang iyak ng bata ang sumalubong sa kanya.
"Ian," sambit ni Zaira habang nakangiti.
Hinawakan ni Blaize ang kamay niya.
"Sorry, natagalan ako."
"Ayos lang. Ang importante nakarating ka. Tignan mo ang baby girl natin. Sabi ng doctor, malusog ang bata."
"Napagandang bata. Ano po ipapangalan niyo sa kanya?" tanong ng nurse habang inaabot kay Zaira ang sanggol na babae.
"Kazumi Astrid Deuhurst," tugon ni Zaira habang nakatingin sa anak niya.
Matagal na nila hinanda ang pangalan ng anak nila. Babae man ito o lalaki meron na silang naisip.
Napangiti si Blaize nakatingin sa anak nila. Gusto niya ito buhatin pero natatakot siya na baka mapisa niya ito kaya hinawakan na lang niya ng dahan-dahan ang ulo nito.
"Kazumi," aniya.
Nanlalaki ang mata ng nurse nang makita ang maamong mukha ni Blaize habang nakatingin kay Kazumi.
"Kazumi, siya ang daddy mo," sabi ni Zaira sabay halik sa noo nito.
Pagkalipas ng dalawang araw, nagkaroon ng crack ang pangalawang barrier. Palaki ito nang palaki hanggang sa tuluyang mabasag.
Agad na nagsitakbuhan ang mga demon patungo sa Black Academy ngunit isang barrier ang humarang sa kanila.
Iyon na ang huling barrier ng Black Academy. Oras na mabasag ito tuluyang mapapasok ng demon ang paaralan.
Boom! Sunod-sunod ang pag-atake ng mga demon.
"Miss, kailangan na po natin umalis dito," sabi ng doctor kay Zaira.
"Bakit? Ano nangyari?"
Napayakap si Zaira at anak niya nang makitang nagkakagulo sa labas ng clinic
"Hindi na kaya ng barrier protektahan ang school. Pinakiusapan ang lahat na umalis bago tuluyan bumagsak ang barrier."
Napakunot ang noo ni Zaira. Unang naisip ni Zaira na abala si Zeque sa pakikipaglaban kaya hindi na nito nagawang bantayan ang barrier.
"Hindi ba mas delikado kung aalis dito?" tanong niya.
Umiling ang doctor bago sumagot.
"Parating na raw ang saskyan na magdadala sa atin sa ligtas na lugar. Pero bago yun kailangan muna natin gawin ang lahat para makaligtas."
Tumayo si Zaira.
"Tutulong ako sa barrier," aniya pero bago siya makalabas, pumasok si Blaize
May pahid ng dugo ang katawan at damit nito. Pinunasan niya muna ang tumalsik na dugo sa mukha niya bago magsalita.
"Athena, sumama ka na sa kanila," aniya habang seryosong nakatingin kay Zaira.
"Hindi. Tutulong ako. Wag ka mag-aalala nakapagpahinga na ako."
Nagkasalubong lalo ang kilay ni Blaize.
"Kailangan ka ni Kazumi. Wag mo sabihing balak mo siya isama sa harap ng demon? Nakalimutan mo na bang target nila ang mga bagong silang na sanggol?"
Napasimangot si Zaira at pabulong na sumagot.
"Pero kapag nasira ang barrier, lahat manganganib. Pati na rin ako."
Tumabi si Blaire Ivan kay Blaize saka tinignan si Zaira.
"Hindi mo kailangan humarap sa demon o tumulong sa barrier. May iba kami ipapagawa sayo. Alam mo kung nasaan si Greg diba?" sabi ni Blaire.
Tumango si Zaira.
"Papunta na sana sila dito pero nalaman nila na napapalibutan tayo ng kalaban. Pinapasabi nila na gumawa na lang ng portal papunta sa sasakyan."
Nang hindi magsalita si Zaira, pinagpatuloy ni Blaire ang paliwanag.
"May posibilidad na atakihin ng mga demon ang sasakyan bago pa ito makaalis. Si Zeque na ang bahala sa barrier."
Hinawakan ni Blaire sa balikat si Zaira habang seryosong nakatingin sa mga mata nito.
"Ikaw ang maasahan namin sa portal."
"Okay. Naiintindihan ko," tugon ni Zaira.
Ngumiti si Blaire saka inakbayan si Blaize.
"Alis na kami ni Ian."
Paalam nito bago pa makapagsalita si Blaize isinama na niya ito palabas ng clinic.
Nagtunggo si Zaira sa likod ng Building ng Black Academy at doon gumawa ng portal. Tinawag niya ang mga nagsisitakbuhan para doon na padaanin.
Sinalubong sila ni Greg sa sasakyan habang si Zaira nakabantay sa tabi ng portal.
"Bakit po wala pa sila mama?" tanong ng batang babae kay Greg habang nakahawak ito sa damit nito.
Nagkasalubong ang kilay ni Greg. Wala na siya balita sa asawa niya simula nang nalaman niyang papunta ito sa Black Academy. Hindi niya alam kung nakarating ba ito sa paaralan o nakita ba siya nila Zeque.
Malakas ang pakiramdam niya na may masamang nangyari dito kaya tinapos niya agad ang sasakyan.
"Dito ka lang muna kasama ni Roy. Hahanapin ko ang mama mo," sabi ni Greg sabay hila sa anak niya patunggo sa bagong gawa niyang robot na si Roy.
Tumango ang batang babae at hinawakan ang kamay ng robot. Sa unang tingin mapakakamalang totoong tao si Roy ito. Pero kapag tumitig sa mata nito makikita ang pinagkaiba niya sa tao.
Kinuha ni Greg ang mga invention niyang baril at bomba bago sumakay sa sasakyan.
"Alis na ako," paalam niya saka pinaandar ang makina ng sasakyan.
Pagkarating niya sa lugar kung saan huling nagtago ang kanyang asawa, puro nagkalat na bangkay ang naabutan niya.
"Bella!" sigaw ni Greg habang naglalakad at patingin-tingin sa paligid.
Malapit sa underground na pinanggalingan niya may natanaw siyang babaeng nakasandal sa puno. Sa tabi nito nakatusok ang espada sa lupa habang nakawak siya doon.
Nang makalapit si Greg, napansin niya ang mga walang buhay na demon sa tabi nito habang si Bella puro dugo sa katawan. Hindi niya na alam kung dugo ba nito ang nakikita niya o dugo ng kalaban.
"G...greg," sambit nito nang iangat niya ang ulo.
Itinaas niya ang kaliwang kamay niya upang abutin ang asawa niya. Gusto niya ito hawakan upang masiguradong totoo ang nakikita niya.
Bumilis ang hakbang ni Greg saka hinawakan ang kamay ni Bella.
"Gre--"
"Wag ka na magsalita," sambit ni Greg sabay buhat sa asawa niya.
Tinignan siya nito sa mga mata.
"Hanapin mo ang anak natin. Binigay ko siya kay Della," sabi ni Bella.
Si Della ang nakakabatang kapatid nito. Nang mga oras na tumatakas sila napilitan siyang ibigay ito habang pinipigilan ang mga demon na makahabol sa kanila.
"Papunta na sa sasakyan ang mga nasa Black Academy. Baka nandoon na siya," tugon ni Greg habang patakbong pumunta sa sasakyan.
Inupo niya si Bella sa passenger seat saka nilagay ang seatbelt bago umikot patungo sa driver seat.
Pinanood ni Bella ang bawat kilos ni Greg. Namuo ang mga luha ni Bella saka hinawakan ang kamay ni Greg na kasalukuyang nasa manubela.
"S...sorry Greg," sambit nito.
Nang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya, napapreno si Greg. Bumilis ang tibok ng puso ni Greg pagkakita sa asawa niya.
Unti-unting pumikit ang mga mata nito hanggang sa bumagsak ang mga kamay nito.
"No! Bella, wag mo ko iwan. Malapit na tayo! Gumising ka," sigaw ni Greg nang mapansing hindi ito humihinga.
Napamura si Greg saka binilisan ang sasakyan. Wala na siyang pakialam sa kung sino ang masagasaan niya. Tanging ang nasa isip na lamang niya ay ang madala si Bella sa Constantine.
"Papa!" sigaw ng batang babae.
Natigilan ito bigla at nawala ang ngiti nang makita ang kanyang ina na duguan habang ang ama niya nakasalubong ang kilay.
"Roy, ihanda mo ang freezing capsule," sigaw nito habang buhat-buhat si Bella.
Umakyat siya sa taas ng Constantine kung saan makikita ang laboratory niya.
Pagpasok niya doon nakabukas na ang isang hugis capsule na mas malaki pa sa tao. Umuusok ito sa sobrang lamig.
Hiniga niya sa loob ang asawa niya bagi sinara. Binabaan niya ang temperature nito upang bumilis ang pagyelo ng kanyang asawa.
"Papa, ano nangyari kay mama?" tanong ng batang babae habang nakasilip sa capsule.
Dahil gawa ito sa salamin kitang-kita niya ang kanya ina. Para lamang ito natutulog katulad ng nabasa niya sa fairy tale book. Pero alam niyang hindi maganda ang kalagayan nito.
"Napagod ang mama mo. Kailangan muna niya matulog para makapagpahinga."
Alam ng batang babae na nagsisinungaling ito pero mas pinili na lang niya sakyan ito.
"Kailan po siya gigising? Saka nasaan po little brother ko?" tanong niya.
Kahit na dalawang taon lamang ito ay parang matanda na ito na makapagsalita. Minsan naiisip ni Greg kung mataas ba ang IQ ng anak niya o matang kaluluwa ang nasa loob nito.
"Nasa tita Della mo ang kapatid mo. Baka nasa labas na siya."
Hinawakan siya sa kamay ni Greg at naglibot sa labas. Subalit wala si Della sa loob.
"Lahat na ba nandito?" tanong niya kay Clara nang mawala ang portal.
Tumango si Clara.
"Oo. Yung ibang nasa labas ng Black Academy, susubukang hanapin ni Zai. May balitang may mga survivor na hindi nakapasok sa Black Academy dahil napapalibutan ito ng mga demon."
"Aalis na ba tayo?"
"Sinundo na ni Jiro si Erie. Pagdating niya, baka umalis na tayo agad."
Hindi umimik si Greg. Gusto niya tanungin ni Clara tungkol sa mga maiiwan, ngunit pinigilan nito ang sarili.
Pagkadating nila Erie, nagpaalam agad si Jiro.
"Tatawagin ko sila Zeque. Pagkatapos aalis na tayo," aniya.
Nang marinig ito ni Greg, hindi na niya napigilang magtanong.
"Aalis na lang kayo basta? Paano yung mga ibang hindi nakapunta dito?"
"Kung hindi sila nakapunta dito, ibig-sabihin lang niyon patay na sila. O kung hindi man maliit ang posibilidad na makaligtas pa sila."
Pansin ni Jiro ang pagkasalubong ng kilay nito.
"Importanteng makaalis tayo agad bago tayo matagpuan nila Samael."
Dugtong ni Jiro bago tuluyang umalis.
"May pamilya ka pa bang nasa labas?" tanong ni Erie kay Greg.
"Nawawala ang anak ko. Hindi ko alam kung nasaan sila o kung buhay pa sila."
Napatango na lamang si Erie. Kung siya ang nasa posisyon nito siguradong mag-aalala rin siya.
Pagbalik ni Jiro apat lang ang kasama nito.
"Nasaan ang iba?" tanong ni Erie nang wala na ibang pumasok sa portal.
"Umalis na muna tayo. Papunta na sila Samael dito. Pinapasabi ni Zeque na pagkabalik mo sa Xaterrah kailangan mo lagyan ng seal ang pinto ng Outlandish," tugon ni Jiro.
Nanlalaki nang mata ni Erie.
"Bakit? Kapag ginawa ko iyon mawawalan tayo ng connection sa Outlandish. Mahihirapan tayo malaman ang nangyayari dito."
"Halos sakop na ng demon ang Outlandish. Kung ayaw mo maulit ang nangyari sa Xaterrah noon, kailangan mo lagyan ng seal ang pinto na nag-uugnay sa dalawang mundo, tulad sa infernal world."
"Paano makakabalik si Zeque? Hindi siya makakapunta sa Xaterrah kung lalagyan ko ng seal ang pinto. Hindi rin siya makakapunta sa Aurora."
Nagkasalubong ang kilay ni Jiro. Alam niyang mahihirapan ang iba na makaalis sa Outlandish sa gagawin nila. Pero wala sila magagawa. Kung makakapunta si Samael sa ibang mundo balewala rin ang pag-alis nila.
"Nandiyan na ang mga demon!" sambit ni Zero.
Napatingin sa kalangitan si Jiro kung saan may palapit sa kanila na mga demon. Halos matakpan ng mga ito ang langit dahil sa sobrang dami nila.
"Umalis na muna tayo," sabi
ni Jiro sa hawak sa kamay ni Erie bago umakyat ng Constantine.
Wala sa sariling sumunod si Erie habang iniisip nito si Zeque. Bigla siyang kinabahan nang hindi niya ito makita. Pakiramdam niya may hindi magandang manyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro