Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 59

Nagpatuloy ang pag-atake ng mga demon at gawa ng red moon naging katulad ng Necropolis ang Occult City. Nagkakalatan ang mga Zombie.

Lahat ng mag namamatay muling bumabangon at walang sawang umaatake sa mga nakikita nilang buhay.

Bang! Pinagbabaril ni Blaize ang mga nakakaharap nitong Zombie. Sapamamagitan ng paghirap niya ng kapangyarihan ni Red, nasusunog ito agad tuwing tatamaan.

"Ano na plano?" tanong ni Zaira kay Zeque habang nagmamasid ito.

Nilingon ni Zeque sila Kim na kasalukuyang nililigtas ang ibang mamayan na nadamay sa kaligtnaan ng gera.

"Ngayon na may pumasok na undead, wala tayo magagawa kundi humanap ng malilipatang lugar para sa mga nakaligtas. Hindi na sila ligtas dito," sagot ni Zeque.

Tumango sila Zaira bilang pagsang-ayon. Ngayon namistulang Undead City ang Occult City mas mabuting umalis sila dito hanggang hindi nawawala ang mga Zombie.

"Saan natin sila ililipat. Sa dami nila mahihirapan tayo na makahanap ng malilipatan nila. Wala na ring ligtas na lugar sa Outlandish bukod sa Bizarre," sabi ni Crystal.

Napahawak sa baba si Zeque. Unang pumasok sa isipan niya ang Aurora na bagong mundong natuklasan ni Erie. Ngayon na wala pa masyadong nakatira doon mas mabuting doon muna nila dalhin ang mga nailigtas nila.

"May alam ako. Sa ngayon kailangan natin ng masasakyan na magkakasya silang lahat para isahang puntahan lang," sabi ni Zeque.

Nilingon niya si Zaira.

"May contact ka ba ni Greg? Pwede na siguro yung sasakyan na ginamit natin noong naglalakbay tayo."

"Tatawagan ko siya," sagot ni Zaira.

Kinuha ni Zaira ang cellphone niya. Kapansin-pansin ang pagiging kalmado nito kumpara noong unang araw na nakipaglaban sila.

Malaki ang naitulong ng mga nararanasan nila noong mga nakaraang buwan sa pagbabago nito. Nakikita rin ni Zeque na mas lumalakas ang kapangyarihan nito.

"Iba talaga kapag nakikipaglaban kaysa nagsasanay ka lang," bulong ni Zeque pinapanood ang iba na nagbago rin.

Binaba ni Zaira ang cellphone.

"Pwede raw yun. Pero kasalukuya pang inaayos yung sasakyan. Baka abutin ng lima o anim na buwan bago matapos," aniya habany binubulsa ang cellphone.

Tumango si Zeque.

"Sana may mailigtas pa tayo makalipas ang anim buwan."

Alam ni Zeque na kahit magtulong-tulong sila, hindi lahat maililigtas nila. Habang dumadami ang napapatay ng demon, nadadagdagan din ang kalaban nila.

"Black Academy na lang ang ligtas na lugar sa Occult City. Kahit na mailigtas natin sila lahat hindi rin sila kasya doon."

Paalala ni Blaize habang salubong ang kilay.

Napabuntong hininga si Zeque saka napailing.

"Wala tayo magagawa. Hindi lahat may matibay na barrier. Inaasahan ko na ang magiging ligtas lang na lugar yung mga pagmamay-ari ng mga Fiester."

Isa si Mrs. Fiester sa magaling gumawa ng matibay ng barrier.

"Pwede din natin ipadala sa mortal world ang ibang tao na nailigtas natin," suhestiyon ni Zaira.

"Ah! Sa mga nailigtas niyo, nasigurado niyo ba na walang evil spirit sa katawan nila? O kaya virus ng mga zombie? Mahihirapan tayo kung may nasama na katulad nila."

Natigilan sila Zaira sa tanong ni Zeque saka nagtinginan. Sa sobrang dami ng ginagawa nila, hindi pumasok sa kanilang isipan na suriin ang mga dinadala nila sa Black Academy.

"Wala kami kakayahan na malaman kung may evil spirit sa katawan nila. Hindi lahat katulad ni Erie. Kung gusto mo makasigurado, papuntahin mo dito si Erie," sagot ni Zaira.

Nagkasalubong ang kilay ni Zeque.

"Hindi pwede. Buntis si Erie. Masama para sa kanya ang manatili dito."

Napasimangot si Zaira sa sagot nito.

"Buntis din ako."

Gusto sabihin ni Zaira na kahit buntis siya nagagawa niya pa ring tumulong bakit si Erie hindi pwede? Pero umurong ang dila niya nang makita ang reaksyon ni Zeque.

"What?"

"Hindi lang ako, pati si Zarah."

Natahimik si Zeque habang nakatulala sa  hangin.

"Wag ka mag-aalala, sa may Black Academy lang naman mananatili si Erie. Ligtas siya doon."

Pagkukumbinsi ni Zaira kay Zeque.

"Tatanungin ko muna siya."

Ngumiti si Zaira.

"Sigurado ako papayag yun."

Tinignan siya ng masama ni Zeque bago inatake ang mga demon. Alam niyang gusto ni Erie na tumulong sa kanila. Kung hindi niya lang ito pinigilan matagal na itong pumunta sa Outlandish.

Sa sobrang inis ni Zeque, lumiyab ang apoy sa paligid niya. Sa takot ng mga demon nagsilayuan ang mga ito bago sila maabutan ng apoy.

Nang mapansin ni Zeque na nagsitakbuhan at liparan ang mga demon, ngumiti ito.

"Hindi kayo makakatakas sa akin. Hehehe," sabi ni Zeque sabay tawa ng mahina bago hinabol ang mga demon.

Boom! Halos pagsabog at sigawan ng mga demon ang naririnig sa paligid.

"Bakit pakiramdam ko sinaniban ng masamang ispirito si Zeque? Nakakatakot," bulong ni Kim.

Napailing si Gin habang naaawang nakatingin sa mga demon.

"Kawawang demon," aniya habang pinapanood na masunog ang isa sa mga demon na natamaan ni Zeque.

Isang lalaki na may itim na pakpak na katulad sa anghel ang bumaba mula sa langit.

"Sabi na nga ba mas masaya dito. Tama ang desisyon ko na magpunta dito," aniya habang nakangiti.

Napahinto si Zeque sa pag-atake nang marinig niya ang pamilyar na tinig.

"Zero, ano ginagawa mo dito?" tanong ni Zeque sabay bato ng apoy na hawak.

"Tito, hayaan mong tulungan kita."

Lumikha ng darkball si Zero at hinagis ito sa mga zombie.

"Sino siya?" tanong ni Crystal.

"Anak ni Jiro at Zera," sagot ni Zeque.

"Kaya pala may itim na pakpak siya katulad ni Jiro."

"Yeah!"

Bumuntong hininga si Zeque. Sobrang bigat ng pakiramdam niya. Gusto na niya matapos ang lahat ng kaguluhan. Alam niya malabong makamit nila ang kapayapaan dahil sa mga demon.

"Zeque, yung katawan mo."

Natigil sa pag-iisip si Zeque nang marinig niya si Crystal. Napakunot ang noo ni Zeque ng makitang nagliliwanag ang katawan niya. Pamilyar siya sa nangyayari, katulad ito noong panahon nilikha niya ang alter necklace. Pati pakiramdam pareho.

Nagkaroon ng sugat ang katawan ni Zeque at umagos ang dugo. Napakuyom ng kamao si Zeque habang tinitiis ang sakit.

"Blood Sacrifice?" sambit ni Zeque habang nakatingin sa paa niya kung saan nagsasama ang mga dugo niya.

Lumutang ito sa harapan niya at maging hugis cross hanggang sa maging alter necklace ito. Wala pinagbago sa itsura nito maliban sa hindi nawala ang katawan niya. Ngayon sigurado si Zeque na nagbago ang alter necklace. Hindi na siya tulad dati na kailangan pa maging spirit para magamit ito.

"Pumunta ka na sa alter princess," sambit ni Zeque.

Lumipad ang kwintas patunggo kay Zarah.

"Ayos ka lang?" tanong ni Crystal habang may pahid ng pag-aalala sa mata.

"Wag ka mag-aalala ayos lang ako. Yun nga lang nabawasan ang lakas ng kapangyarihan ko."

Kahit na nawala na ang mga sugat niya gawa ng blood sacrifice, kalahati ng kapangyarihan niya ang nawala.

Nang hagisan niya ng apoy ang zombie hindi ito agad nasusunog kumpara noon.

Napabuntong hininga si Zeque.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa nangyari. Paano ko na lalabanan si Samael kung ganito kahina kapangrihan ko?" bulong niya.

"Nandito naman ako. Kaya ko tapatan si Samael," sabi ni Zaira sabay suntok sa suntok sa dibdib.

Umiling si Zeque.
"Isang daang taon o higit pa ang kailangan mo bago mo siya matapatan. Masyado ka pa bata."

"Hindi naman ako nag-iisa. Kung magtutulong-tulong tayo, matatalo rin natin siya."

"May punto ka. Hindi na ako nag-iisa. Nasanay ako na mag-isang makipaglaban, nawala sa isip ko na marami tayo."

Tumawa si Zaira.

Boom! Sunod-sunod na pag-sabog ang umagaw ng atensyon ni Zeque. Nanlaki ang mata ni Zeque nang makita ang malaking dark ball sa kamay ni Zero. Ramdam niya na puno ito ng destructive power.

Kung ibabato niya ito hindi lang kalaban ang mamatay.

"Sandali! Zero, itigil mo yan!"

Lumipad si Zeque patunggo kay Zero at hinawakan ang kamay nito bago maihagis ang darkball.

"Bakit?" tanong ni Zero.

"Hindi lang kalaban mapapatay mo kung pasasabugin mo ang paligid."

Napakamot sa ulo si Zero at nawala ang darkball na hawak nito.

"Ah! Naiintindihan ko. Masyado ako natuwa, nawala sa isip ko na may mga tao pang hindi naiiligtas. Mag-iingat na ako sa susunod."

"Good! Wag mo pasasabugin ang paligid."

Paalala ni Zeque sabay tapik sa balikat ni Zero bago ito iwanan. Subalit hindi pa siya nakakalayo isang pagsabog nanaman ang narinig niya. Pero hindi na si Zero ang may pakana nito.

Tinignan ni Zeque ng masama si Zaira.

Ngumiti si Zaira sabay peace sign.

"Sorry. Sinubukan ko lang yung ginawa niya. Hindi ko alam na mas malakas na pagsabog ang magagawa ko," aniya habang nakatingin sa harapan niya.

Nawala lahat ng nandoon pati bahay at halaman.

"Hahahaha. Good job! Kung gusto mo pa matuto ng destructive power, tanungin  mo lang ako,"  sabi ni Zero sabay thumbs up.

Napakunot ang noo ni Zeque.

"Wag mo siya itulad sayo. Athena, wag ka makinig sa kanya."

Tinignan ni Zeque si Blaize.

Nang mapansin ito ni Blaize, hinawakan niya sa kamay si Zaira at hinila palayo kay Zero.

"I see. Athena, pangalan niya. Interesting. Naalala ko sa kanya si mommy," sambit ni Zero habang nakatingin sa dalawa.

Napatango na lang si Zeque sa sinabi nito. Matagal niya rin ito napansin. Kaya naman hindi niya mapigilang iturin itong nakakabatang kapatid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro