Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 58

Sa palasyo ni Samael, nakatingin si Samael sa matandang babae na nasa harapan niya.

"King Samael, nakahanda na po ang lahat. Mamayang gabi bilog ang buwan. Uumpisahan na ba namin?" tanong ng matandang babae.

Tinanguan siya ni Samael.

"Unahin niyo sa Occult. Risa, kunin niyo ang atensyon nila Zeque. Siguraduhin niyong hindi nila malalaman ang gagawin natin," sambit nito sabay ngiti.

"Masusunod mahal na hari," tugon ni Risa.

Sinensyasan sila ni Samael na umalis. Agad silang nagsikilos at sa isang iglap naiwang mag-isa si Samael.

Nagtungo ang matandang babae at ang mga kasamahan nito sa bawat sulok ng Occult. Binuhos nila ang bitbit na dugo ng mga hayop paikot sa nasabing lugar.

Nang matapos sila, inumpisahan nang matandang babae bigkasin ang spell na gagamitin nila. Nakataas ang kamay nito habang nakatayo sa labas ng bilog na ginawa nila.

Nagliwanag ang dugong ibinuhos nila. Mula doon isang kulay pulang barrier ang unti-unting umaangat pataas upang balutin ang Occult City.

Samantala, naalarma sila Zeque  nang makita ang napakaraming demon. Palapit ang mga ito sa pangunguna ni Risa.

"Patayin niyo sila!"

Utos ni Risa sabay turo kila Zeque.

"Sinong mamatay?" sambit ni Zaira sabay pakawala ng apoy.

Nasunog ang palapit na mga demon monster sa kanya. Nagkalat ang mga nag-aapoy na demon gawa nina Zaira, Crystal at Kayden.

Ginawang yelo ni Finn ang mga palapit na demon sa kanya habang isa-isang natusok sa spike na nilikha ni Pierce ang iba.

Pinalipad ni Kaycie gamit ang ipo-ipo ang iba. Tinaas ni Zeque ang kamay niya at sunod-sunod na kidlat ang tumama sa mga lumilipad na demon.

Halos nangalahati ang demon monster na nakapalibot sa kanila.

"Hindi pa kami tapos," sambit ni Max habang hawak-hawak sa kabilaang kamay niya ang dalawang espada.

Mabilis niyang pinaghihiwa ang mga malalapitan niya habang pinagbabaril naman ni Blaize ang nagtatangkang umatake kay Max.

Lumipad sa langit si Zeque at sinubukang patamaan ng kidlat si Risa ngunit mabulus itong nakaiwas. Hinagisan ni Risa ng bolang apoy si Zeque pero lumihis lang si Zeque para iwasan ito.

Abala ang lahat sa pakikipaglaban hanggang sa mapansin ni Zeque ang barrier na unti-unting nagsasara. Natigilan si Zeque habang nakatingin sa langit kung saan ang pulang barier.

Nag-umpisang kabahan si Zeque dahil pamilyar ito sa kanya. Nang makita niyang palubog na ang araw, lalong sumama ang itsura niya.

"Nagustuhan mo ba ang supresa ni Haring Samael sa inyo?" tanong ni Risa sabay tawa.

Sinubukan ni Zeque lumabas sa barrier habang hindi pa ito tuluyang nagsasara ngunit hinarangan siya ni Risa.

"Saan ka pupunta? Mag-uumpisa pa lang tayo," sabi ni Risa.

Nang pumitik ito sa ere, panibagong grupo ng mga demon ang palapit sa kanila. Mas doble ito kumpara sa mga naunang demon.

Walang nagawa si Zeque kundi bumaba at sinabihan sila Blaize tungkol sa pulang barrier.

"Makinig kayo mabuti. Tuwing kabilugan ng buwan, mawawalan ng kapangyarihan ang mga wizard at mawawala sa sarili ang mga werewolf at bampira," sabi ni Zeque sabay buntong hininga.

"Oras na mangyari yun, hindi natin magagawang protektahan ang mga tao."

"Kahit itong weapon, hindi magagamit?" tanong ni Max.

"Magagamit niyo yan pero hindi niyo mahihiram ang kapangyarihan ng mythical animal. Katulad ng iba apektado rin sila ng red moon."

"Ibig sabihin magagamit ko ang alter necklace?" singit ni Zarah habang nakangiti kay Zeque.

"Oo. Pwede rin gumamit ng spell. Kim, kailangan natin ng spell na pangkontra sa Red moon."

"Pero wala tayo oras ngayon para hanapin ang spell na iyon," tugon ni Kim.

"Wala tayo magagawa kundi piliting makaligtas ngayong gabi," sabi ni Zaira.

"Tapos na ang spell," sambit ni Crystal habang nakatingin sa langit.

Unti-unting nawala ang liwanag ng barrier at naging transparent.

"Bumalik muna tayo sa Black Academy," sabi ni Zeque.

Napatingin sila Zaira sa mga demon. Dali-daling humawak si Kim kay Crystal.

"Napapalibutan na nila tayo. Gumawa kayo portal habang hindi pa gabi," sabi ni Kim.

"Hindi ko kayo hahayaang makaalis! Atakihin niyo sila!" sigaw ni Risa sabay hagis ng fireball kila Zeque.

Sunod-sunod ang pag-atake ng mga demon at siniguradong hindi sila makakapasok sa portal kahit na makagawa man sila.

Unti-unting nagdilim at lumabas ang bilog na buwan sa kalangitan.

"Hindi ko na magamit ang kapangyarihan ko," sabi ni Kaycie.

Bumalik sa pagiging alter necklace si Zeque bago pa ito tuluyang maapektuhan ng pulang buwan.

"Waaaahhhh!" sigaw ni Gin habang nakahawak sa ulo.

Lumaki ang ang katawan ni Gin at tinubuan ng balahibo hanggang sa magmukhangvwerewolf ito.

"Gin," sambi ni Thea.

Hinawakan ni Kim sa kamay si Thea bago ito makalapit kay Gin.

"Delikado. Hindi niya kontrolado ang sarili."

Paalala ni Kim habang nakatingin sa pulang mata ni Gin.

"Yung iba? Kamusta?" tanong ni Crystal.

Napaupo si Blaize habang nakahawak sa ulo. Salubong ang kilay nito at pilit na tumatayo. Lalapitan na sana siya ni Zaira ngunit nakaramdam ito ng init sa katawan na para bang kumukulo ang dugo niya. Sumakit rin ang kanyang ulo at kapansin-pansin ang pagbabago nito anyo.

"Nakalimutan ko na katulad na ako ni Zeque," sabi ni Zaira habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.

Pawis na pawis sila Blaize habang pinipipilit ang sarili na tumayo.

"Paano kung bigla nila tayo sugurin? Ano gagawin natin?" tanong ni Kim habang nakatingin kila Blaize.

Natahimik sila Crystal. Hindi nila kayang saktang ang kasamahan nila pero hindi pwedeng hayaan na lang nila ito.

"Bago mangyari yun lalayo muna kami sa inyo," sambit ni Zaira sabay hawak sa kamay ni Blaize.

Bago pa makapagsalita sila Kim, sabay na tumakbo ang dalawa. Pinagbabaril ni Blaize ang sino mang nakaharang sa daan nila habang nasa katinuan pa ito.

Tinignan ni Gin si Thea bago tumalon sa bubong ng isang bahay at mabilis na tumakbo palayo habang hindi pa siya tuluyang nawawala sa sarili.

"Susubukan natin bumalik sa Black Academy habang kinakalaban sila," sabi ni Max.

Gumawa ng espada si Zarah gamit ang alter necklace. Hinanda rin ng iba ang kanilang armas maliban kay Crystal.

"Wag ka mag-aalala poprotektahan kita," sabi sa kanya ni Kayden sabat hawak sa kamay nito at dinala sa likod.

"Salamat. Ngayon alam ko na hindi dapat ako umasa magic ko. Pagbalik natin magpapagawa ako ng sarili kong armas," tugon ni Crystal.

Sabay-sabay silang umatake sa demon habang tumatakbo pabalik sa Black Academy.

Sinundan ni Risa sina Zarah at Max. Hinagisan niya ito ng fireball upang magkahiwalay. Hinawakan ni Max ang kama ni Zarah saka umiwas sa fireball.

Tinignan ng masama ni Risa si Max bago niya ito pinaulanan ng malalaking apoy. Hindi ito tumigil sa pag-atake sa kahit na matamaan nito ang kasamahan niyang demon.

"Bakit tayo pinag-iinitan ng fire demon?" sabi ni Zarah habang sumusulyap kay Risa.

"Dito ka lang sa tabi ko. Pinaglalayo niya tayo," tugon ni Max sabay hila kay Zarah.

Hindi nakatiis si Max, binuhat niya si Zarah saka tumakbo habang umiiwas sa mga atake ng demon.

Sa kakaiwas ni Max sa halip na mapadpad sila sa Black Academy, napalayo pa sila lalo.  Nagtago na lamang sila sa isang bahay na ginawa nilang hideout kapag nasa labas sila ng Black Academy.

"Dito na muna tayo hanggang mag-umaga," sabi ni Max sabay lock ng pinto nang masiguradong hindi sila nasundan ni Risa.

Ibinaba niya si Zarah saka umupo sa sahig at pumikit habang nakasandal sa pader. Tumabi sa kanya ang dalaga habang tahimik siyang pinagmamasdan.

"Ano nanaman binabalak mo?" tanong ni Max nang maramdamang palapit sa kanya si Zarah.

Pagkadilat nito bumungad sa kanya ang mukha ni Zarah.

"Sabi ni Zera, ayaw daw ni Samael sa babaeng nagalaw ng iba. Naisip ko bago ako makuha ni Samael, gawin natin ang bagay na yun," aniya sabay halik sa binata.

Hindi agad nakagalaw si Max. Hindi naman siya tanga para hindi maintindihan ang gusto nitong gawin.

Hinawakan niya sa balikat si Zarah at dahan-dahang tinulak palayo saka seryosong tinignan sa mata.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka epekto lang yan ng red moon?" tanong ni Max.

"Umbra ako. Hindi ako apektado ng buwan. Seryoso ako Max. Saka hindi ako makakapayag na si Athena lang gumawa nun ngayong gabi," tugon nito pero mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap na binitawan niya.

Bago pa makapagsalita si Max, hinawakan siya sa batok ni Zarah saka hinalikan. Nang mag-umpisang tumugon si Max, napangiti si Zarah.

"Tingin mo ba mapipigilan mo ko dahil sa ginawa mo?"

Napadilat si Zarah nang marinig niya ang tinig ni Samael. Bumungad sa kanya ang madilim na paligid.

Paano ako napunta dito? Nasaan si Max?

Ang huling naalala ni Zarah, magkayakap silang natulog ni Max pagkatapos siya nito pagbigyan.

"Hindi na ako katulad dati. Ang gusto ko lang lumikha ng malakas na nilalang na tutulong sa akin sa plano ko," sabi ni Samael.

Bumilis ang tibok ng puso ni Zarah at napayakap sa sarili. Nagsitaasan ang buhok niya sa batok ng makaramdam siya ng malamig na ihip ng hangin.

Kung may kinatakutan man si Zarah, walang iba kundi si Samael ito. Nagbibigay ito ng delikadong aura tuwing nakikita niya ito.

Naglalakad palapit sa kanya si Samael habang nakangiti.

Gusto tumakbo ni Zarah ngunit hindi siya makagalaw.

Nang huminto sa harapan niya si Samael, napansin na lang niya ang kanyang sarili na nakahiga na siya. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang lamig. Sinubukan niya takpan ang katawan niya pero hindi siya makakilos.

May bakas na takot sa mga mata ni Zarah habang nakatingin ito kay Samael. Dumapa ito sa kanya saka bumulong.

"Hindi man kita makukuha ngayon. Ang importante magawa ko sayo ang gusto ko."

Namutla si Zarah nang maramdan niya ang paghipo nito sa katawan niya. Nang hahalikan na siya nito sa labi, dali-daling pumikit si Zarah.

"Hindi... Panaginip lang ito... Hindi ito totoo..." sambit ni Zarah habang nanginginig.

Ano man isipin niya ramdam pa rin nito ang paghalik at paghawak sa kanya ni Samael.

"Panaginip? Hahaha. Masasabi mo pang panaginip ito?" tanong ni Samael sabay baon ng kuko niya sa braso ni Zarah.

Napakagat sa labi si Zarah dahil sa sakit. Nang mapansin ni Samael na hindi ito sumigaw mas lalo itong ginanahan at inumpisahang saktan si Zarah.

Sa kabila ng ayaw niya sa maingay na babae, gusto niyang marinig na sumigaw si Zarah. Gusto niya rin ito umiyak sa harapan niya.

"Gusto ko marinig ang sigaw mo habang nagmamakaawa sa akin," nakangising sabi nito hinawakan ng mahigpit si Zarah.

Bumaon ang kuko ni Samael. Kinagat niya rin ito sa leeg, balikat kamay at dibdib ngunit wala ito narinig na kahit na anong ingay mula kay Zarah.

Napakunot ang noo ni Samael nang wala pa rin itong reaksyon.

"Matibay ka. Tignan natin kung matatahimik ka pa sa gagawin ko," aniya sabay hawak sa baba ni Zarah at marahas na hinalikan sa labi.

Napadilat si Zarah nang maramdaman niya unti-unting bumaba ang kamay nito sa maselang bahagi ng katawan niya. Tinignan niya ng masama si Samael bago muling pumikit at inisip na ilusyon lang ang lahat ng nangyayari hanggang sa wala na siyang maramdaman.

Pagkadilat niya nasa tabi na siya ni Max.

Umupo si Zarah at kinapa ang sarili. Wala siyang kahit na anong sugat na gawa ni Samael.

Hindi niya masabi kung ilusyon nga ba ang nangyari. Sa isip niya hindi ito totoo pero pakiramdam niya totoo ang lahat.

Tumayo si Zarah sa higaan saka umupo sa sulok at doon tahimik na umiyak hanggang sa mag-umaga.

Sinuot ni Zarah ang nagkalat niyang damit bago ginising si Max. Sabay silang bumalik ng academy.

"Zarah, pwede ba tayo mag-usap?" salubong sa kanya ni Zaira habang seryoso ang mukha.

Tumango si Zarah bago sumunod kay Zaira. Nagpunta sila sa isang bakanteng classroom.

"Alam ko may nangyari sayo kagabi. Naramdaman ko lahat ng sakit na naramdaman mo," sabi ni Zaira.

Namutla si Zarah sa sinabi nito dahil nasigurado niyang totoo ang nangyari. Kung ilusyon niya lang ang lahat bakit ito naramdaman ni Zaira?

Ang hindi alam ni Zarah, hindi lang ito naramdaman ni Zaira. Nakita niya ang buong pangyayari sa panaginip at noong mga oras na yun nasa iisang katawan sila ni Zarah.

Napayakap sa sarili si Zaira nang maalala ito.

"Wag mo sabihin kahit kanino yung nangyari. Lalo na kay Max. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ni Samael. Basta para sa akin bangungot lang ang lahat ng nangyari," sabi ni Zarah.

Tumango si Zaira saka niyakap si Zarah.

"Naiintindihan ko. Basta wag mo kakalimutan na nandito lang ako para makinig sayo," bulong niya.

Gusto sana sabihin ni Zaira na panaginip lang talaga ang lahat pero kahit siya hindi sigurado dahil totoo ang sakit na naramdaman niya. Kung si Zaira kinikilabutan sa nangyari paano pa kaya si Zarah na direktang target ni Samael?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro