CHAPTER 56
Hindi inaasahan nila Zaira na pagkatapos nila mabawi ang katawan nila, isang pag-atake ng mga demon ang bubulaga sa kanila.
Boom! Nabasag ang barrier na nilikha ni Crystal.
"Ahhh!" sigaw niya nang maitulak siya ng demon.
Inabot ni Zeque ang kamay niya saka ito tinulungang makatayo.
"Ayos ka lang?" tanong ni Zeque.
Tumango si Crystal sabay tingin sa mga demon tuloy sa pagsugod sa bahay nila Zaira.
"Sorry," aniya sabay hawak ng mahigpit sa palda niya.
"Zeque sa may bintana," sigaw ni Zaira sabay turo sa isang demon.
Lumikha ng thunder ball si Zeque subalit bago niya ito maibato, nakapasok na ang demon sa kwarto ni Erie.
Lumipad si Zeque at pumasok din sa bintana. Isang liwanag ang sumalubong sa kanya. Nang mawala ito si Jiro na lang ang nakatayo sa kwarto.
"Nasaan si Erie?" tanong niya.
"Kailangan natin magpunta sa museum," sagot ni Jiro sabay lipad palabas ng bahay.
Naabutan nilang nagsisialisan na ang mga demon.
"Bakit bigla sila nagsialisan?" tanong ni Zaira habang salubong ang kilay.
Hindi maintindihan ni Zaira na pagkatapos sila nito atakihin bigla na lang ito aalis ng wala man napapatay sa kanila. Pakiramdam niya pinaglalaruan lang sila nito.
"Wala na si Erie kaya nagsialisan na sila," tugon ni Jiro.
"Paanong wala? Nasaan siya?"
"Sa Xaterrah."
Nanlaki ang mata ni Zaira.
"Ha? Paano siya napunta doon?"
"Basta! Sumunod kayo sa akin."
Pagkarating nila sa museum sinalubong sila ng isang lalaki.
"Welcome back Athena," sabi nito kay Zaira habang nakangiti.
"Hello po. Nagkita tayo ulit."
Tumingin si Zeque sa lalaki saka kay Zaira.
"Magkakilala kayo?" tanong niya.
"Nakausap ko na siya dati."
"Nandito ba kayo dahil kay Erie?" tanong ng lalaki.
Nagkasalubong ang kilay ni Zeque sabay tingin ng masama dito.
"Paano mo nalaman?" tanong niya.
"Sumunod kayo sa akin," tugon nito saka naglakad papasok sa isang pinto.
Isang babae na may buhat na sanggol ang sumalubong sa kanila.
Kumislap ang mata ni Zaira at lumapit sa babae.
"Hello baby. Ano po pangalan niya?" tanong ni Zaira habang hawak ang maliit na kamay ng sanggol.
"Zeus," tugon nito habang nakangiti.
Habang abala si Zaira sa sanggol napasimangot si Jiro. Hindi ang sanggol ang pinunta nila.
Nilingon ni Jiro ang lalaki.
"Paano kami makakapunta sa Xaterrah?" tanong niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon Jiro. Mabilis ka pa rin mainip. Pwede naman namin kayo dalhin doon, ngayong nabuksan na ni Erie ang seal na pumipigil sa amin makabalik." tugon nito.
Nagliwanag ang mukha ni Jiro ng makuha nito ang sagot pero agad rin ito nawala sa sunod nitong sinabi.
"Pero sa isang kondisyon."
"Kahit ano pang kondisyon niyo, payag kami basta dalhin mo kami ngayon sa Xaterrah," sabi ni Jiro.
Hinawakan ni Zeque ang balikat ni Jiro.
"Sandali! Sino ka muna?" tanong ni Zeque sa kausap ni Jiro.
"Hindi pa pala kami nagpapakilala sa inyo," sambit nito sabay tawa ng mahina.
"Ako si Zaman, isa sa mga deity na nanirahan sa Xaterrah. Deity o God of time ang tawag sa akin. Siya naman ang asawa ko na si Guistina, ang Deity of Justice. Dalawa na lamang kaming nabubuhay dahil karamihan sa amin binuwis ang buhay para lang protektahan ang mundo namin mula sa mga Demon."
Lalong nagkasalubong ang kilay ni Zeque.
"Kung deity kayo bakit nandito pa rin kayo hanggang ngayon? At ano kinalaman ni Erie sa Xaterrah?"
"Si Erie ay anak nina Serenity at ng taga mortal na si Eric. Kay Serenity nakaseal ang Xaterrah noon at dahil hindi na kaya ng kapanyarihan niya na tanggalin ang seal, naisipan na lamang namin ilipat kay Erie sa pamamagitan ng singsing niya kung saan nakatago din ang kapangyarihan niya."
Naalala ni Zeque ang singsing na suot ni Erie. May nararamdaman siyang kapangyarihang nagmumula doon subalit hindi niya alam kung para saan ito.
"Oras na matanggal lahat ng kadenang bumabalot dito, muling mabubuksan ang daan patungong Xaterrah kasabay ng paggising ng kapangyarihan niya."
Natigilan si Zaira sa pakikipaglaro sa sanggol saka sumingit sa usapan.
"Kaya pala nakiusap ka sa akin proteksyunan si Erie dahil siya na lang makakatulong sa inyo para makabalik sa mundo niyo," aniya nang maalala niya ang hiling sa kanya ni Zaman.
Ilang araw niya rin pinag-isipan kung bakit kailangan nila iyon gawin. Ngayon alam na niya.
Lumawak ang ngiti ni Zaman.
"Pinapahanga mo talaga ako. Tama ang desisyon ko na piliin ka," sabi ni Zaman.
"Piliin?" sabay na tanong nila Zaira.
"Nabanggit ko kanina na may kondisyon ako bago ko kayo dalhin sa Xaterrah. Papayag ba kayo?"
"Ano po ba kondisyon niyo?" tanong ni Zaira.
"Nais ko sana ipasa sa inyong tatlo ang ibang tungkulin namin bilang deity."
Tinignan niya isa-isa sina Zaira, Jiro at Zeque.
"Pati ako?" tanong ni Jiro habang nakakunot ang kilay. Hindi niya gusto ang responsibilidad na ipapasa sa kanya.
Tumango si Zaman saka sumeryoso.
"Hindi na rin magtatagal ang buhay namin ni Guistina. Nais namin ipasa sa inyo ang tungkuling maiiwan namin. Isa na rin doon ang pag-aalaga sa anak namin na si Zeus. Siya na lamang ang nag-iisang may purong dugo ng isang deity. Tatanggapin niyo ba?"
"Pero wala kaming alam sa ganyan," sagot ni Zaira.
Ano alam nila sa responsibility ng isang Diety? Lalo na siya na lumaking ordinayong tao. Hanggang ngayon hindi pa siya sanay sa pagbabagong nagaganap sa buhay niya pagkatapos panibagong tungkulin ang sasalubong sa kanya?
Totoo nga ang sinasabi na kapag may malakas na kapangyarihan isang malaking responsibilidad ang nakaabang sayo.
"Wag kayo mag-alala sinulat ko na dito ang lahat ng kailangan niyong gawin."
Nilapag ni Zaman ang isang makapal na libro sa mesa.
"Paano kung hindi namin sundin ang nakasulat diyan?" tanong ni Jiro.
Ngumiti lang si Zaman. Alam niya sa kabila ng itsura ni Jiro, ginagawa nito ng maayos ang responsibilidad na binibigay sa kanya. May pagkakataon na hindi maganda ang paraan niya pero sa huli natatapos niya pa rin ito.
Napabuntong hininga si Zaman. Kung siya tatanungin hindi niya gusto ang ideya na isama si Jiro dahil sa pinagmulan nito. Maaring itong gumawa ng masama para lang magawa ang responsibilidad na binigay sa kanya.
Subalit wala siyang ibang pagpipilian. Ito ang gustong mangyari ng mas nakakataas sa kanila. Sa mata nila Zeque isa silang God pero hindi nila alam na sunod-sunuran lang sila sa tunay na nakakataas.
May pahid na pagsisi ang mukha ni Zaman.
Bakit?
Dahil sa maling desisyon nawasak ang Xaterrah. Kung hindi sila nabulag-bulagan sa ginagawa ng ibang kasamahan nila hindi sila hahantong sa sitwasyon nila ngayon.
Binalewala muna ni Zaman ang nasa isipan saka muling kinausap sila Jiro.
"Alam ko susundin niyo ito. Kung hindi si Erie ang mahihirapan. Bata pa ang anak namin kaya tanging si Erie lamang ang sasalo ng lahat ng tungkulin namin. Hahayaan niyo na lang ba siyang mag-isa sa Xaterrah?"
Nang marinig ito ni Zeque, hindi na ito nagdalawang isip.
"Payag kami sa gusto niyo. Dalhin niyo kami ngayon sa Xaterrah," tugon niya bago pa makapagsalita sila Jiro.
"Mabuti."
Lumawak ang ngiti ni Zaman saka tinignan si Jiro.
"Wag kayo mag-aalala malaya pa rin kayo na gawin ang mga dati niyong ginagawa. Gusto lamang namin maibalik sa dati ang Xaterrah at mapanatili ang balanse ng apat na mundo."
Mula sa singsing niya may lumabas na magic staff.
"Narito ang ilang kagamitan na maari niyong gamitin," aniya saka inabutan sila Zaira ng tag-iisang magic staff.
Kasingtangkad nila ito at bawat isa magkakaiba ng crystal sa tuktok. Kulay green ang crystal ball at hawakan ng kay Zaira. Red naman kay Zeque habang violet na crystal ball at itim na hawakan ang kay Jiro.
"Sa pamamagitan niyan, maari kayo magpalipat-lipat sa apat na mundo. Pwede niyo rin gamitin yan para makita ang nangyayari sa ibang mundo. Tandaan niyon na kayo lamang ang maaring gumamit ng hawak niyo."
Sabay silang napatingin kay Jiro nang magliwanag ang magic staff niya habang nakataas ito. Sa tapat nito may lumabas na imahe ni Erie; nakasandal ito sa isang bato habang natutulog.
Nang ibaba ni Jiro ang magic staff, agad na naglaho ang imahe ni Erie.
"Nakita mo ba yun? Kailangan na kami ngayon ni Erie," sabi ni Jiro.
Napailing na lang si Zaman bago pumitik sa ere. Sa isang iglap napadpad sila sa lugar kung nasaan si Erie.
Nagtunggo sila sa palasyo kung saan sila basbasan bilang diety.
Pumasok sila Zaira sa kwarto kung saan may limang upuan.
"Handa na ba kayo?" tanong ni Lord Zaman.
"Yes, Lord Zaman," sabay na sabi nila habang nakayuko.
Sa ngayon apat silang nagsisilbing diety habang bata pa si Zeus.
"Zaira Athena Fiester, Zeque Poseidon Patterson, Jiro Austin Walker at Erelah Gail Sanchez, mula ngayon pinapasa ko sa inyo ang tungkulin namin bilang deity," sabi ni Lord Zaman sabay basbas gamit ang spiritual water.
Isa-isa niya ring nilagay kila Zaira ang nakatakdang korona. Katulad ng magic staff nila ang kulay at crystal na nakalagay doon.
"Ngayon naipasa na namin sa inyo ang tungkuli ng isang diety, maari na akong magpahinga," sabi nito.
Unti-unti itomg naglalaho sa harapan nila na para bang isang multo.
"Kayo na bahala kay Zeus. Gusto ko man siya makasama ng matagal pero hanggang dito na lang ako. Ginamit ko ang natitirang kapangyarihan ko para i-seal ang kapangyarihan niya. Mawawala lamang iyon sa takdang panahon at kapag nasa tamang edad na siya para maging deity," sabi ng asawa ni Lord Zaman.
Katulad ni Lord Zaman, naging transparent ito hanggang sa maglaho.
Nang mawala ito biglang umiyak si Zeus na para bang alam nito na wala ang magulang niya. Malungkot na niyakap ito ni Erie.
"Ano gagawin ko?" tanong ni Erie.
"Akin na," sabi ni Naomi saka kinuha si Zeus para patahanin.
"Hindi ko alam na mawawala sila agad. Kaya pala nagmamadali sila na mabasbasan tayo. Hindi ko pa naman alam kung ano una kong gagawin bilang deity," sabi ni Zaira sabay buntong hininga.
"Una, ayusin muna natin ang mundong ito. Pag-aralan mong gamitin ang kapangyarihan mo dahil kailangan natin yun," sabi ni Zeque.
"Yes, sensei! Kailan mo ko tuturuan?"
Ngumiti si Zeque.
"Ngayon na."
Pinatong ni Zeque ang korona niya sa parang unan kung saan ito nakalagay bago isuot sa kanila. Bawat upuan nila may katabing mesa kung saan pwede ilagay ang korona.
Ganun din ang ginawa nila Zaira bago lumabas ng palasyo.
"Sumunod ka sa akin. Crystal, sumama ka na rin," sabi ni Zeque habang naghahanap ng pwesto para sa pagsasanay nila.
"Kailan tayo babalik sa Outlandish?" tanong ni Crystal habang nakasunod.
"Kapag kaya niyo na harapin sila Samael. Hindi pa sapat ang lakas niyo para labanan sila. Kailangan natin ng lugar na pagsasanayan at sakto dito."
Napasimangot si Zaira. Mukhang magpapatagal pa ang pagbalik nila. Alam niyang hindi rin madali ang pagsasanay na gagawin nila.
"Edi dito na muna tayo titira? Akala ko pa naman makakauwi na ako," aniya nakababa ang ulo.
"Sana matapos na ito," sabi ni Crystal.
Tumango si Zaira.
"Sana nga," aniya.
Hindi umimik si Zeque. Alam niyang hindi madaling matalo si Samael. Kung madali lang ang lahat hindi nila kinailangan na i-seal ito sa Black Academy. Ngayon nakalaya ito siguradong hindi na ito ulit mahuhulog sa patibong tulad dati.
Pero ayaw niya pahinain ng loob sila Zaira. Mas mabuting may tiwala sa sarili na matatalo nila si Samael.
Huminto si Zeque sa tapat ng mga patay na puno. Marahil gubat ito noong hindi pa nasisira ang Xaterrah.
"Ano ginagawa natin dito?" tanong ni Zaira.
"Gamitin niyo ang kapangyarihan niyo. Samamagitan ng paggalaw sa lupa patumbahin niyo ang mga patay na puno."
Paliwanag ni Zeque saka tumadyak. Nagkaroon ng hukay sa kinatatayuan ng puno saka ito natumba ng ikumpas ni Zeque ang kamay niya.
Ginaya ni Zaira ang ginawa nito ngunit sa halip na mapagalaw niya ang lupa, nagkaroon ng apoy at naging abo ang puno.
Napakunot ang noo ni Zeque.
"Wag mo sunugin. Mapapakinabangan pa natin yung puno."
Napakamot ng ulo si Zaira. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari.
"Sorry," aniya sabay gawa ng tubig upang patayin ang nagkalat na apoy.
"Ikaw naman Crystal," sabi ni Zeque.
Tinignan ni Crystal ang lupa saka ito unti-unting gumalaw ngunit sa halip na ang puno ang matumba, nahulog sila sa isang hukay.
"Sabi ko yung puno yung patumbahin."
Napahilot ng ulo si Zeque saka pinaangat ang lupang tinatuyuan nila.
"Manood kayo mabuti," sabi ni Zeque.
Umuga ang isang puno kasabay ng pagkakaroon ng hati sa kinatatayuan nitong lupa. Tuloy ang pag-uga nito hanggang sa matumba ang puno.
"Wow! Paano yun?" tanong ni Zaira.
Alam ni Zaira na mukha lang ito madali pero mahirap gawin.
"Magconcentrate lang kayo sa pinapagawa ko."
Napailing si Zeque. Umpisa pa lang ng pagtuturo niya hirap na siya. At earth element pa lang iyon.
"Ulitin niyo," aniya kaya nag-umpisang kumilos sila Zaira.
Nagliwanag ang mukha ni Crystal nang magawa niyang mapatumba ang puno habang napataas lang ni Zaira ang lupang kinatatayuan ng puno.
"Bakit ganun? Ayaw sumunod sa akin ng lupa."
Reklamo ni Zaira ng makitang tapos na si Crystal.
"Hindi mo pa kontrolado ang kapangyarihan mo. Kailangan mo pa magsanay," sabi ni Zeque.
Nakikita ni Zeque na unstable ang mana na ginagamit ni Zaira. Idagdag pa na kung ano-ano ang nasa isip nito kaya iba ang nagagawa niya.
"Ano ba yan? Pagsasanay nanaman."
Tinignan siya ng masama ni Zeque.
"Paturo ka sa kuya mo kapag wala ako."
"Oo na."
"Pag-aralan mo rin kung paano magpalit ng anyo. Sa ngayon wizard ang anyong nagagamit mo. Kailangan mo rin matutunan gamitin ang ability mo bilang vampire at werewolf."
Bumuntong hininga si Zaira saka tumango. Mahaba-habang pagsasanay pa ang gagawin niya para lumakas. Kung gusto niya maging katulad ni Zeque kailangan niya magsanay. Anong silbi ng kakayahan niya kung hindi niya ito magagamit?
Hindi nga lang alam ni Zaira na kung kailan niya mamaster ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro