Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 52

Nakatingin sa bintana ng sasakyan si Zaira, pinapanood ang kasabayang sasakyan at ang mga taong naglalakad sa gilid nito. 

Tulala ito hanggang sa tapakan ni Zeque ang preno. Hinawakan siya ni Blaize upang hindi tumama sa upuang nasa harapan nila.

Pag-angat ng ulo ni Zaira, nagliwanag ang mata niya.

"Si Ate Naomi! I mean yung katawan ni Ate Naomi. Hahabulin ko," sabi niya at sinubukang buksan ang pinto.

Nang hindi niya ito mabuksan, tinulungan siya ni Blaize. Sunod-sunod na nagsibabaan ang mga sakay sa sasakyan hanggang sa dalawa na lang ang naiwan.

Nagtinginan sina Erie at Zeque.

"Susunod ba ako sa kanila?" tanong ni Erie.

Umiling si Zeque.

"Hahanapan ko muna ng paparadahan yung sasakyan."

Iniwan ni Zeque ang sasakyan sa malapit na mall saka nila hinanap sila Zaira.

Samantala, pagkababa nila Zaira tumakbo ito agad habang sumisigaw.

"Miss!"

Tuloy pa rin sa paglalakad ang babae na tila ba hindi siya naririnig nito.

"Miss sandali!"

Binilisan ni Zaira ang pagtakbo saka lumundag sa likod nito. Kumapit siya sa balikat nito na para bang nakaangkas.

Doon lamang huminto sa paglalakad ang babae.

"Sino ka?" tanong nito.

Bumaba si Zaira saka ngumiti sa harapan ng babae.

"Ako si Zai. Kanina pa kita tinatawag."

"Ako si Jharisa. Bakit mo ko tinatawag?"

Tinignan ni Zaira sila Blaize at saktong kasunod nito si Naomi.

Natulala si Jharisa kay Naomi.

"Sayo ba itong katawang na gamit ko?"

Tumango si Naomi. Napabuntong hininga si Jharisa saka nagpaliwanag.

"Pasensya na, hiniram ko muna katawan mo. Hindi ko kasi alam kung saan ang katawan ko."

Nanlaki ang mata nila Zaira sa sinabi nito. Ito ang unang beses na may nagsabi sa kanila na hindi nito alam kung saan ang totoong katawan niya.

Hindi ba magkakasama sa iisang ospital lahat ng kasama sa aksidente? Wala ba siya doon?

Binigyan ni Zaira ng patanong na tingin si Jharisa habang malalim na nag-iisip hanggang sa may naramdaman siyang malakas na presensya.

Nagkaroon ng black hole sa langit at doon dahan-dahan bumama ang isang demonyo na hinding-hindi niya makakalimutan.

"Samael," sambit ni Zaira sabay hawak kay Jharisa.

Humarang sina Blaize at Shiro sa harapan nila Jharisa habang binibigyan ng nakakamatay na tingin si Samael.

"Masyadong mabilis ang pagbawi niyo ng katawan. Hindi ko hahayaan na matagumpay kayo," sabi ni Samael sabay hagis ng dark ball sa kanila.

Hindi sila handa sa pag-atake nito, mabuti na lang isang puting liwanag ang nagprotekta sa kanila.

Nilingon nila si Jharisa na kasalukuyang nakaangat ang kamay habang isang puting liwanag ang lumalabas sa kamay nito.

Napanganga sila. Hindi nila akalain na alam nito gamitin ang kapangyarihan ng katawan ni Naomi.

"Hindi ko alam kung ano nangyayari pero hindi ko hahayaang saktan mo sila," sabi ni Jharisa sabay hagis ng light ball.

Nagdulot ito ng pagsabog nang magtama sa dark ball na binato ni Samael. Habang mausok tumakbo na sila palayo kay Samael.

Pareho nilang alam na wala pa silang laban kay Samael. Kung mananatili sila doon baka hindi lang pagkawala ng katawan nila ang mangyari oras na mahuli sila.

"Tumakas na tayo dali!" sabi ni Zaira sabay hila kay Jharisa.

Hindi pa sila nakakalayo hinarangan na sila ni Persephone. Napasimangot si Zaira nang makita ang matandang version niya.

"Saan kayo pupunta?" sambit ni Risa habang may apoy sa kamay.

Hinagis niya ito sa harapan nila at mabilis na kumalat paikot sa kanila. Nagsitamaan ang mga likod nila dahil wala sila ibang mapupuntahan maliban sa gitna.

"Hindi niyo yata kasama si Zeque?" tanong ni Persephone habang salubong ang kilay.

"Nandito ako."

Tumingin sila sa langit kung saan lumilipad si Zeque habang buhat-buhat si Erie. Pagkatuntong niya sa lupa nawala ang pakpak nito kulay rainbow.

Punitik sa ere si Zeque at biglang umulan sa kinatatayuan nila Zaira. Unti-unting pinatay nito ang apoy na nakapalibot sa kanila. Mabuti na lang may shield sila kundi basa rin sila ng ulan.

"Siya ba ang kapalit ni Persephone?" tanong ni Samael nang makita si Erie.

Hinawakan ni Zeque sa bewang si Erie at hinila palapit sa kanya saka tinignan ng masama si Samael.

"Wag mo siya papakialaman."

Ngumiti si Samael hanggang sa lumabas ang ngipin nito.

"Gusto ko rin siya. Kukunin ko siya sayo tulad ng pagkuha ko noon sa kapatid at sa taong iniibig mo."

Nagkuyom ng kamao ni Zeque sa sinabi nito. Nanlisik ang mga mata niya habang nakatingin kay Samael.

Nang maramdaman ni Erie ang masamang aura na nagmumula kay Zeque, una nitong naisip ang lumayo.  Subalit lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya nito.

"Hindi na mauulit yun. Samael, tatapusin ko na ngayon ang kasamahan mo," sabi ni Zeque sabay tulak kay Erie patungo sa kinatatayuan nila Zaira bago mawala.

Sumulpot si Zeque sa tabi ni Samael saka sumuntok habang nagpapalibutan ng aura ang kamay nito. Mukhang itong nag-aapoy pero alam nila epekto ito ng magical power ni Zeque.

Napabuntong hininga si Zaira.

"Kailan kaya ako magiging kalakas ni Zeque?" tanong ni Zaira habang nanonood sa laban ng dalawa.

Sa unang tingin makikitang pantay ang lakas ng dalawa. Ngunit alam nilang parehong hindi nilalabas nila Zeque ang tunay na kapangyarihan nila.

Napapalibutan ng itim na aura si Samael habang makulay na aura naman ang kay Zeque. Kahit na nagsusuntukan lang sila, alam nilang may halong magic ang bawat atake nila.

"Ngayon lang ako nakita ng ganyang laban. Tanging mga malalakas na wizard lang ang kayang gamitin ang magic power sa ganyang paraan," komento ni Naomi.

Normal sa mga wizard na lumikha ng apoy, tubig, hangin, lupa at iba pa tuwing  nakikipagpalaban. Hindi tulad sa nakikita nila Zeque na ginamot ang magical power upang palakasin ang dipensa at atake ng katawan nila.

May naramdamang panganib si Zaira sa likod niya. Patakbo siyang umalis sa kinatatayuan niya habang napalundag palayo ang iba.

Isang fireball ang tumama sa kinatatayuan nila. Kung hindi sila umalis  marahil sunog na na sila.

"Nakalimutan niyo yata na nandito pa kami," sabi ni Risa sabay sugod kila Zaira.

Tumayo si Blaize sa harap ni Zaira saka pinagbabaril si Risa. Lumipad kaliwa't kanan si Risa upang iwasan ito.

"Jharisa, gamitin mo kapangyarihan ko para pababain siya," sabi ni Naomi.

"Paano?"

"Hindi kaya ng mga demon ang sobrang liwanag."

Tumango si Jharisa at inangat nito ang kamay sa langit. Biglang lumihis ang itim na ulap at mula doon isang nakakasilaw na puting liwanag ang tumutok kay Risa.

"Aaahhhh," sigaw nito sabay harang ng kamay niya sa mata.

Bumaba siya sa lupa habang umuusok. Nalisik ang mata ni Risa habang nakatingin kay Jharisa.

"Papatayin kita!"

Humarang si Persephone sa harap ni Risa.

"Hindi mo siya kaya. Ako na bahala sa kanya," sabi nito.

Kahinaan ng mga demon ang light magic. Sa lahat ng wizard ito lamang ang kayang tumalo sa demon kumpara sa fire magic. Maliban na lang kung hindi normal na apoy ang gamit nila tulad ng hell fire and holy fire na kayang sumunog sa mga apoy.

Sa panahon ngayon walang sinuman ang may ari ng ganun apoy sa mundo nila. Isa na lamang itong alamat sa apat na mundo.

Umuga ang lupa kung saan nakatayo sila Jharisa. Nang mapansin ni Naomi na umaangat ito, sinabihan niya si Jharisa na tumakbo.

Sa kakaiwas nila sa lupang umaangat, nagkahiwalay-hiwalay kami sila.

Nagliwanag ang mukha ni Risa nang makitang maaari na siya lumaban.

"Ikaw muna uunahin ko bata," aniya sabay habol kay Zaira.

Hindi alam ni Zaira kung saan siya pupunta dahil sa bigla na lang umaangat ang lupa sa harapan niya habang iniiwasan ang fireball.

"Ian! Help!" sigaw ni Zaira habang tumatakbo.

May pumulupot na makapal na tangkay ng halaman sa paa ni Zaira. Napadapa siya dahil dito.

"Aww!"

Bago pa siya makatayo hinila siya nito matungo sa mataas na lupa at doon pinalibutan siya ng mga tangkay.

"Pakawalan mo ko!" sigaw ni Zaira kay Persephone habang nakatingin ng masama.

Subalit tinignan lang ni Persephone si Risa at sinabing,

"Si Erie unahin mo. Hindi mo mapapatay si Zaira kahit anong gawin."

Iniwasan ni Risa ang atake ni Shiro saka lumipad patungo kay Erie.

Hindi alam ni Zaira ang gagawin niya. Hindi nila pwedeng pabayaan si Erie pero kahit anong galaw niya hindi siya makatakas. Sa halip na makaalis siya, mas lalong sumisikip ang pagkapapulupot sa kanya ng tangkay.

"Aahh!" sigaw ni Zaira nang may tumusok sa katawan niya. Doon lamang niya napansin na nagkaroon ng torn ang tangkay.

Napakagat siya sa labi habang tiniitiis ang sakit. Halos maluha ang mga mata niya tuwing bumabaon ito sa katawan niya.

"Athena!" sigaw ni Blaize nang makita ang dugo sa katawan nito.

Sinubukan niyang lapitan si Zaira subalit isang lupa ang umangat sa harapan niya at nagsilbi itong pader sa pagitan nila.

Napakunot ang noo ni Zaira nang makita ang dugong tumulo sa tangkay.

"Mga halaman lang kayo. Hindi niyo ko mapipigilan," aniya sa kabila ng sakit na nararamdaman.

Napalibutan siya ng asul na aura at palakas ito ng palakas. Nang maramdaman ni Zaira ang malakas na energy sa katawan niya, sinubukan niya muli gumalaw.

Naputol ang mga tangkay. Pagkababa ni Zaira, sinuntok niya ang lupang nagsisilbing pader sa kanila.

Isang suntok lang niya, gumuho ito agad. Galit niyang pinagsusuntok at pinagsisipa ang lahat ng nagsisitaasang matigas na lupa na nilikha ni Persephone.

Hindi alam ni Zaira na unti-unting nagkakaroon ng balahibo ang katawan niya kasabay na paglaki nito. Nang mapnsin niya ito malaki na ang kamay niya at may balahibo ito at matalim na kuko tulad sa isang lobo.  Lumakas rin ang pang-amoy at pandinig niya.

"Ito ba ang kakayahan ng werewolf?" bulong niya saka sinara bukas ang kamay niya.

Napangiti siya at tumawa ng mahina. Hinanap niya si Persephone gamit ang pang-amoy niya.

Pakiramdam ni Zaira sobrang gaan ng katawan niya. Matulin siyang tumkbo patungo kay Persephone saka siya lumundag dito. Hinawakan niya ito sa balikat.

"Babawiin ko na ang kapangyarihan ko."

Iaangat sana ni Persephone ang kamay niya ngunit isang halaman ang pumulupot dito. 

Pagtingin ni Zaira kay Zeque, tinanguan lang siya nito bago muling nakipaglaban kay Samael.

Tinignan ni Zaira sa mata si Persephone at sa pangatlong pagkakataon napadpad ulit sa isang madilim na space kung nandoon ang dalawang kapangyarihan niya.

Nakuha nito agad ang atensyon niya dahil iyon lamang ang nagliliwanag sa madilim na lugar. Nagtungo si Zaira sa kulay berde na bolang apoy. Pagkahawak nita dito naramdamang niya agad na ang pagpasok nito sa katawan niya hanggang sa mawala ito.

Sinubukang abutin ni Zaira ang isa pang bilang apoy subalit tumalsik siya.

Pagtingin kay Persephone mukha na itong bampira. Minsan na niya nakita ang anyo niya bilang bampira kaya agad niya itong nakilala.

Napaangat ng ulo si Zaira nang may bumuhat kay Persephone habang wala itong malay.

Nanginginig si Zaira nang makita ang masamang tingin ni Samael.

"Let's go Risa," aniya saka muling umalis gamit ang black hole.

"Athena!"

Isamg yakap ang sinalubong sa kanya ni Blaize nang makatayo siya.

Nanlaki ang mata ni Zaira nang mapansing abot na niya si Blaize.

"Bumalik ka na sa dati," nakangiting sabi ni Blaize.

Pagtingin ni Zaira sa kamay niya malaki na ito. Hindi na ito tulad dati na kamay ng isang bata. Sa sobrang saya ni Zaira napayakap siya ng mahigpit kay Blaize.

"Ehem. Baka gusto mo muna siya pasuotin ng damit," sambit ni Zeque sabay iwas ng tingin.

Pagtingin ni Zaira sa katawan niya wala na ito suot.

"..."

"Mauna na kayo sa bahay," sabi ni Zeque sabay gawa ng portal sa likod ni Zaira.

Tinulak siya agad papasok ni Blaize. Pagkabitaw sa kanya nito tumalikod ito agad.

"Magbihis ka na," sabi ni Blaize.

Tumakbo patungo sa damitan si Zaira at dali-daling kumuha ng masusuot. Pagkaayos niya tumingin siya sa salamin.

Nalaki ang mata niya nang makita niya ang itsura niya. Naging kulay berde ang kaliwang mata niya habang ang kanan ay  asul. May tenga at buntot pa rin siya na kulay puti habang ang buhok niya nagkaroon ng strand na iba't-ibang kulay na katulad sa buhok niya tuwing nakikipagsanib siya kay Zeque noon.

Hindi alam ni Zaira kung wizard or werewolf ang anyo niya ngayon. 

Bumuntong hininga siya saka tinawag si Blaize.

"Ian!"

Nilingon siya nito saka tinignan mula ulo hanggang paa bago binalik ang tingin sa mukha. Wala itong reaksyon ngunit hindi nito inalis ang tingin niya.

"Bakit?" tanong ni Zaira nang hindi siya makatiis sa titig nito.

Nagkasalubong ang kilay ni Blaize.

"Ano ginawa mo? Bakit parang lalo kang gumanda? Parang ayaw na kita palabasin," tugon ni Blaize.

Sa hindi malamang dahilan kumpara sa pangkaraniwang anyo ni Zaira iba ang dating nito sa paningin niya. Mas nakaakit ito kumpara noon. Hindi mapigilan ni Blaize na titigan ito habang iniisip kung ano ba ang kakaiba kay Zaira.

"Ha? Ano ba sinasabi mo?" tanong ni Zaira sabay hawak sa namumulang mukha.

Hinila siya ni Blaize pabalik sa kwarto saka kumuha ng jacket na may hood.

"Suot mo ito."

Utos ni Blaize at nang masuot ito ni Zaira, tinaas ni Blaize ang hood sa ulo ni Zaira saka siya tinitigan muli.

Bumuntong hininga si Blaize saka muling naghalungkat sa mga gamit ni Zaira. Nang may maita itong sunglasses, sinuot niya ito kay Zaira.

Tumango si Blaize saka ngumiti.

"Hmmm. Pwede na. Wag mo ipapakita kahit kanino mukha mo," sabi ni Blaize habang seryosong nakatingin kay Zaira.

"Hindi ba mas lalo ako mapapansin nito?"

Aalisin sana ni Zaira ang shades niya ngunit hinawakan ni Blaize ang kamay niya.

"Edi dito na lang tayo kung ayaw mo."

Hinila siya ni Blaize papunta sa kama at doon siya pinaupo bago tumabi.

"Ano ba meron sa mukha ko?"

Tinanggal ni Zaira ang salamin saka binaba ang hood. Nasa bahay lang sila hindi na niya kailangan balutin ang sarili.

Napasimangot si Zaira nang umiwas lang bg tingin si Blaize. Hinila niya ang damit ni Blaize.

"Huy! Kapag hindi ka tumingin iisipin kong pangit ako."

"No. You are the most beautiful woman," sabi ni Blaize sabay tulak kay Zaira pahiga sa kama.

Nilagay ni Blaize ang kamay niya sa gilid ng ulo ni Zaira habang nakatingin sa mga mata nito.

"Mas gugustuhin ko na yata na bata ang anyo mo kaysa ganyan. Kahit sinong lalaki mapapatingin sayo. Baka pati mga demon, magustuhan ka."

Nag-init ang mukha ni Zaira.

Ngumiti si Blaize bago lumabas ng kwarto habang naiwang nakatulala si Zaira.

Anong bago sa mukha ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro