CHAPTER 50
Pagkatapos makita nila Tyler si Jasmine, tahimik na sinundan nila ito hanggang sa lumingon ito sa kanila.
Salubong ang kilay ni Jasmine saka sumigaw.
"Tigilan niyo na ako. Bakit ba kayo sumusunod?"
Pinagtinginan siya ng mga dumadaan. Namula si Jasmin saka yumuko at binilisan ang lakad.
Pagkapasok niya ng bahay, nilock niya ang pinto. Mag-isa lamang siya dahil nasa abroad ang nanay niya. Hiwalay ang magulang nito.
Tumagos sa pinto si Tyler.
"Ibalik mo na ang katawan ni Thea," sambit nito.
"Aaaaahhhhhh!"
Pinaghahagis ni Jasmine ang lahat ng mahawakan niya subalit tumagos lamang ito kay Tyler.
Naninginig si Jasmine.
"Sino ba kayo? Bakit niyo ko sinusundan? Bakit ako lang nakakakita sa inyo?" tanong niya.
"Kaibigan namin ang may-ari ng katawang ginagamit mo. Nakikiusap kami, ibalik mo na ito," tugon ni Gin.
"Akin na itong katawan. Ayokong mamatay. Umalis na kayo!"
"Hindi ka namin titigilan," sagot ni Tyler.
Hindi mapakaling napalingon sa paligid si Jasmine hanggang sa maalala niya ang boteng binigay sa kanya ng isang babae pagkatapos ng aksidente.
"Ano nangyari? Bakit nandoon ako? Patay na ba ako?" tanong ni Jasmine sa kanyang sarili habang sinasakay ang katawan niya sa ambulansya.
"Ayaw mo pang mamatay? Gusto mo bang magkaroon ng pagkakataong mabuhay? May alam akong paraan. Bakit hindi mo subukan?" sabi ng isang nakaitim na babae sa kanya.
"Sino ka? Bakit nakikita mo ko?"
"Hindi mahalaga kung sino ako. Gusto mo ba mabuhay? Kaya kitang bigyan ng pangalawang buhay."
Sino bang gusto mamatay? Marami pang gustong gawin si Jasmine. Kahit wala siyang ideya kung sino ang babae sa harap niya hindi maiwasang matukso. Ayaw niya pa mamatay.
"Paano?"
Numiti ang babae kasabay ng pagpitik sa ere at bigla silang nagteleport sa kwarto ni Jasmine.
Nanlaki ang mata ni Jasmine saka napatingin sa babaeng nakahiga sa kama niya.
"Sino siya? Bakit nasa kwarto ko siya?" tanong niya.
"Siya ang magiging bagong katawan mo. Oras na sumanib ka sa kanya, magiging iyo na ang katawan niya. Kahit nag-iba ang itsura mo, sinisigurado ko sayo na wala pa rin magbabago. Ikaw pa rin si Jasmine."
"Hindi nga? Hindi mo ba ako niloloko? Kapag sumanib ako sa kanya, magiging akin na yan? Magiging kasing ganda na niya ako?"
Panigurado ng dalaga.
"Bakit hindi mo subukan? Para malaman mo kung totoo."
Lumapit si Jasmine sa katawan ni Thea. Nang idikit niya ang kanyang kamay, biglang itong lumiwanag at kusa siyang hinigop papasok.
Tumingin siya sa salamin saka hinawakan ang bagong mukha nito at tumaas ang labi nito. Totoo ang sinabi nito sa kanya.
"Simula ngayon mabubuhay ka sa katawan na yan. Kunin mo ang boteng ito bilang regalo. Oras na may lumapit sayo na kamukhang-kamukha ng katawan mo, buksan mo lang ito. Kapag nahigop na siya, isara mo agad ang bote. Wag mong hahayaang makuha nila ang katawan na yan dahil kamatayan ang naghihintay sayo," sabi ng babae bago maglaho.
Pagkatapos maalala ni Jasmine ang bote, tumakbo siya sa kwarto niya. Kinuha niya ang bote saka ito binuksan bago humarap kila Tyler na saktong nakasunod sa kanya.
Lumiwanag ang bote kasabay ng paghigop nito kila Gin. Sinubukan nilang lumayo ngunit malakas ang pwersang humigop sa kanila. Sinara ni Jasmine ang bote saka nakahinga ng maluwag.
Samantala sa isang ospital, naglalakad sila Erie patungo sa kwarto ni Renz.
"Renz, dito rin ba dinala yung ibang kasama mo sa aksidente?" tanong ni Erie.
"Naalala mo yung tungkol sa aksidente?" tanong ni Renz.
Tumango si Erie bago muling magsalita.
"Sa hindi malamang dahilan, naalala ko lahat."
"Anong aksidente?" tanong ni Zeque habang nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Hindi ba nasabi sayo ni Zaira?Naaksidente yung sinasakyan naming bus habang pauwi kami galing field trip. Ayun din ang dahilan kung bakit nasa ospital ako," pagkukwento ni Renz.
"Walang nasabi sa akin si Zai pero naalala ko na may nabanggit si Erie tungkol sa field trip."
"Ah! Nakalimutan kong ikuwento," sabi ni Zaira sabay kamot ng ulo.
"Sa totoo lang may kakaiba sa aksidente na yun."
Pagkukwento ni Renz habang seryosong nakatingin sa kanila.
"Kakaiba?" tanong ni Zeque.
"Bigla na lang may babaeng sumulpot sa harap ng bus. Sinubukang iwasan ng driver ito kaya naman bumangga kami sa katabing sasakyan hanggang sa madamay din yung mga kasunod naming sasakyan. Pagkatapos nun nawala na lang bigla yung babae. Kitang-kita ko yung nangyari bago ako mawalan ng malay."
Nanlaki ang mata ni Zaira saka tumingin kay Zeque.
"Zeque, hindi kaya..."
Hindi niya tinuloy ang sasabihin pero naiinitindihan ni Zeque ang ibig sabihin nito.
"Walang duda! Demon ang may gawa ng aksidente. Tanda mo ba yung itsura nung babae?" tanong ni Zeque.
"Hindi masyado pero kung makikita ko siya ulit, makikilala ko ito."
"Eh? Si Jasmine yun ah. Ano ginagawa niya dito?" sabi ni Erie kaya napalingon sila sa tinitignan nito.
Isang babae na kamukha ni Thea, may kausap siyang babaeng nakaitim habang may hawak na bote.
Nagkasalubong ang kilay ni Erie, unang tingin niya sa babaeng nakaitim pansin na niya ang itim na aura nito na nagdudulot sa kanya ng masamang pakiramdam.
"Parang pamilyar yung boteng hawak niya," bulong ni Zaira.
Pakiramdam niya hindi ito dapat mapunta sa nakaitim na babae kaya ang iaabot na ito ni Jasmine, nawala siya sa kinatatayuan niya.
Nang mapansin siya nila Zeque, hawak na nito ang bote.
"Iabalik mo sa akin yan bata!" sigaw ni Jasmine.
Lumayo si Zaira sa kanya habang tinitignan ang hawak na bote na nagbibigay sa kanya na pamilyar na pakiramdam. Sigurado siyang hindi ito ordinaryong bote.
"Ano laman nito?" tanong niya sabay alog sa bote habang nakatutok sa tenga.
"Aray! Tama na! Nahihilo ako!"
Natigilan si Zaira nang marinig ang tinig.
"Boses yun ni Kim diba?" tanong ni Erie.
"Ah! Katulad ito ng bote noon," sambit ni Zaira nang maaala niya ang boteng kinuha niya kay Samael.
"Akin na yan!" sabi ni Jasmine sabay takbo palapit kay Zaira.
"Erie!" sigaw ni Zaira sabay abot ng bote.
Binuksan ni Erie ang takip nito at doon lumabas ang spirit nila Thea na kasalukuyang umiikot ang paningin.
"S-salamat," sabi ni Kim na akala mo lasing dahil hindi makalakad ng diretso.
"Nasaan si Dwayne? Diba kasama niyo siya kanina?" tanong ni Zaira.
"Hindi namin alam. Bigla na lang siya nawala habang nasa bote kami," tugon ni Gin
"Paanong nawala?" tanong ni Zeque.
"Bago siya mawala sinabi niya sa amin na tinatawag siya ni Alyza."
Tumango si Zeque.
"Siguro kasama na siya ni Alyza ngayon."
"Nakita na niya si Alyza?" tanong ni Zaira habang nakangiti.
"Oo pero hindi pa rin natin alam kung nasaan sila. Idagdag pa na spirit lang si Tyler. Hindi rin niya mapoprotektahan si Alyza."
Bumuntong hininga si Zeque bago muling nagsalita.
"Mamaya na natin sila pag-usapan. May kailangan pa tayong gawin."
Nilingon niya ang babaeng kausap ni Jasmine kanina.
"Sino ka? Isa ka ba sa mga inutusan ni Samael?" tanong niya dito.
Nakasuot ito ng black cloak na may hood at nang iangat nito ang ulo nakita niya ang pagngisi nito. Hanggang ilong naman ang nakikita nila.
"Siya yung babaeng tinutukoy ko," sambit ni Renz.
Napatingin sa kanya ang babae.
"Kilala kita! Ikaw yung black witch na kasama ng mga demon. Zeque siya yung nagsagawa ng spell para mapaghiwalay kami ni Zarah," sabi ni Zaira.
Napakunot ang noo ni Zeque sa sinabi ni Zaira.
Black witch ang tawag sa mga witch na madalas gumamit ng mga curse spell at iba pang dark spell na maaring makasama sa iba.
Tumawa ang babae.
"Ako nga ang tinitukoy mo. Celestina ang pangalan ko. Paalam hanggang sa muli natin pagkikita," sambit nito bago maging itim na usok at mawala.
Tinignan ni Jasmine ng masama sila Zaira bago tumakbo paalis.
"Isa rin ba si Jasmine sa mga pasyente na nandito?" tanong ni Zeque kay Renz.
"Hindi ako sigurado. Hindi ko siya kilala. Si Marcky lang ang nakikila ko dahil nasa basketball club siya."
"Magtatanong na lang ako mamaya."
Tinuloy na nila ang paglalakad hanggang sa tumigil si Renz.
"Nandito na tayo," aniya saka binuksan ang pinto.
Bumungad sa kanila ang isang lalaki na may dextrose at oxygen. Sa gilid nito makikita ang makina na nagpapakita ng heatbeat nito.
Tinapat ni Zeque ang kamay niya dito. Nagliwanag ito ng kulay green.
"Ayos na ang katawan. Handa ka na ba bumalik?" tanong ni Zeque saka binaba ang kamay.
Tumango si Renz.
"Salamat."
"Pagkabalik mo sa katawan wala kang maalala tungkol sa nangyari. Ganito rin ang mama mo."
Lumapit sa kanya si Erie habang hawak-hawak nito ang alter necklace.
"Mamimiss kita. Get well soon," sabi ni Zaira habang nakasimangot.
"Bakit ganyan mukha mo? Hindi ka ba masaya na babalik na ako?" tanong sa kanya ni Blaize.
"Masaya siyempre pero nakalungkot kasi hindi ako maalala ni Renz."
Napangiti si Renz.
"Magpakabait ka at mag-iingat palagi. Mamimiss din kita," sabi ni Renz kay Zaira saka sumeryoso at tinignan si Erie.
"Gawin mo na," aniya.
Tumayo si Blaize sa likuran ni Renz. Pagkaalis ni Erie sa spirit ni Renz, bumalik agad si Blaize sa katawan niya bago ito matumba.
Lumapit siya agad kay Zaira.
"Mayayakap na din kita," sabi ni Blaize sabay buhat kay Zaira.
Hinalikan niya ito sa pisngi bago niyakap.
"Para kayong magkapatid," sabi ni Zeque dahil sa anyo ni Zaira.
Napanguso si Zaira saka tinignan ng masama si Zeque.
"Kung pinayagan mo kong inumin yung gamot, edi sana malaki ako ngayon."
"Ayos lang sa akin kung ganyan muna anyo mo. Pwede kitang buhatin ng ganito kahit na sa labas tayo. Pwede rin kita itabi dahil bata ka pa. Kapag kinandong kita sa labas, hindi pangit tignan dahil iisipin nila na magkapatid tayo o mag-ama."
Sumama ang mukha ni Zaira.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi mo. Parang mas gusto mo pa yata na ganito anyo ako. Ibaba mo na nga ako," inis na sabi ni Zaira sabay hampas sa balikat ni Blaize.
Habang masaya sila Zaira, nag-aalalang nakatingin si Erie kay Renz.
"Ayos lang kaya siya?" tanong ni Erie kay Zeque nang tumabi ito sa kanya.
"Mabubuhay siya. Tara na sa labas bago pa siya magising," tugon nito sabay hawak sa kamay ni Erie para hilain palabas.
Bago isara ni Zeque ang pinto, gumawa siya ng isang paro-paro.
"Bantayan mo siya hanggang hindi siya nagigising," utos niya dito.
Lumipad ang paro-paro at dumaho sa bulaklak na nasa gilid ng higaan ni Renz.
Bago sila umalis nagtanong muna sila kung may pasyente bang nangangalang Jasmine na student sa Clifford High. Nalaman nila na katulad ni Renz comatose ito. Ginamot ito ni Zeque habang walang bantay saka sila tahimik na umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro