CHAPTER 49
Dumating na ang araw ng laban nila Zeque sa basketball.
Palakad-lakad si Zaira sa tapat ng kwarto ni habang nakatingin sa hawak niyang pills. Bumukas ang pinto at huminto siya harap ni Zeque.
"Para saan ba talaga itong binigay mo sa akin? Kapag ininom ko ito, ano mangyayari?" tanong niya.
"Pampatanda yan. Tatanda ka nang limang taon kapag uminom ka niyan. Dalawang tabletas ang inumin mo para sampung taon."
Uminom ng dalawang piraso si Zaira. Lumaki ang ang katawan niya at humaba ang mga kamay at paa niya hanggang sa mapunit ang suot nito.
Kumuha ng kumot si Zeque at itinakip kay Zaira habang nagbabago ito.
"Sa susunod na iinom ka niyan siguraduhin mong mag-isa ka," sambit ni Zeque.
Lumabas ang ulo ni Zaira sa kumot at nakangiting tinignan si Zeque. Sa sobrang saya niya hindi nito napansin ang ibig-sabihin ni Zeque.
"Tumanda nga ako, salamat Zeque!"
"Yeah. Dalian mo magbihis ka na!"
Napakamot ng ulo si Zaira.
"Sorry. Nakalimutan ko na nakadamit pambata pala ako."
Hinawakan ni Zaira ng mahigpit ang kumot at mabilis na tumakbo sa kwarto.
"May nakita ka ba?" tanong ni Blaize habang nakatingin ng masama kay Zeque.
"Wala. Nakita mo naman na hinagisan ko siya agad ng kumot."
"Tsk."
Sinundan ni Blaize si Zaira at naabutan niya itong nagsusuot ng t-shirt habang nakatalikod sa kanya. Napalunok si Blaize nang makita ang maputing likod ni Zaira. Tumalikod siya at tahimik na lumabas ng kwarto at naghintay na lamang sa harapan ng pinto.
Pagtakbong lumabas si Zaira.
"Handa na ako!" sigaw niya.
Nakasuot siya ng maluwag na t-shirt at jeans. Gamit ang sumbrero tinakpan nita ang tenga niya. Tinalian niya ng jacket ang bewang nita upang hindi mapansin ang buntot niya kung sakaling lumabas ito.
"Ngayon lang kita ulit nakitang nagsuot ng ganyan," komento ni Asher.
Tumingin si Zaira sa likod niya kung saan nakasunod si Blaize.
"Ganito na lang kaya suotin ko ulit kapag tumanda na ako? Ayos lang ba sayo?" tanong niya.
Ngumiti si Blaize habang nakatingin sa mata ni Zaira.
Ako ang werewolf pero bakit pakiramdam ko lalapain ako ni Blaize?
"Kahit ano suotin mo, maganda ka pa rin," tugon nito habang nasa isip niya ang likod ni Zaira.
Pero mas maganda ka kapag walang suot.
Nag-init ang mukha ni Zaira nang mapansin nito ang tingin na binibigay sa kanya ni Blaize. Kahit hindi niya nababasa ang sa iniisip ni Blaize alam niya ang ibig sabihin ng tingin nito. Kung ibang lalaki ang tumingin sa kanya ng ganun maiinis siya pero kapag si Blaize...
"Ehem. Alis na tayo," sabi ni Zeque nang mapansin nito ang expression ng dalawa. Ngayon nagpapasalamat si Zeque na spirit si Blaize kundi baka hindi na ito nakapagpigil.
Natauhan ang dalawa at tahimik na sumunod kay Zeque. Pagdating nila sa cafe nandoon na si Renz.
"Makinig kayo. Kailangan natin manalo para mabawi ang katawan ni Max. Erie, magmasid ka mamaya. Baka may nakabantay na demon kay Marcky," paalala ni Zeque bago sila pumunta ng court.
Habang palapit sila sa court rinig nila ang pagtalbog ng bola at takbuhan.
"Sila ba yung makakalaban natin?" tanong ni Zaira habang nakatingin kila Marcky.
"Oo," sagot ni Zeque.
"Sila yung basketball team ng school diba? Sigurado ka bang kakalabanin natin sila?" tanong ni Renz.
"Nakasalalay sa laban ang katawan ni Max."
Natahimik sila nang makitang papalapit si Marcky. Nagkasalubong ang kilay ni Zaira habang pinagmamasdan ang mukha ni Marcky. Pakiramdam niya unti-unting nasisira ang mabait na imahe ni Max dahil sa mayabang na dating ni Marcky.
"Sila na ba yung makakasama mong matalo mamaya?" tanong ni Marcky.
"Mayabang pala ang isang ito," bulong ni Erie.
Napataas ng isang kilay ni Zaira.
"Kayo ang matatalo sa amin," sabi niya habang nakatingin ng masama kay Marcky.
Hindi siya makakapayag na gamitin pa nito ng matagal ang katawan ni Max.
"Cane? Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Marcky habang nakatingin sa mukha ni Zaira.
"Hindi ako si Cane. Ako si Zaira."
"Sabagay! Imposibleng magsuot ng ganyan si Cane," napalingon siya kay Erie.
"Nandito ka ba para suportahan si Zeque? Pansin ko na close ka sa kanya simula nung nagtransfer siya. Kayo ba?"
"Magkaibigan lang kami ni Zeque," sagot sa kanya ni Erie.
Humarang sa harap ni Marcky si Zaira. Kumikinang ang mga mata nito habang nakatingin sa basketball court.
"Tama na ang daldal. Umpisahan na natin ang laban."
"Natin? Maglalaro ka?" tanong ni Paolo.
"Oo. Kasama siya. Sina Paris, Renz at Zai ang makakasama namin," sagot ni Zeque bago pa makapagsalita si Zaira.
"Minamaliit mo ba kami? Babae, isasali mo? Pwede naman siya," sambit ni Marcky sabay turo kay Jiro.
"Ano naman kung babae ako? Baka nga mas magaling pa ako sayo," sabi ni Zaira habang salubong ang kilay.
"Anong sabi mo?!" sigaw ni Marcky.
"Umpisahan na lang natin yung laban para magkaalaman na."
Paghahamon ni Zaira.
"Katulad ng rules sa basketball game ang gagawin natin pero 2 rounds lang tayo," paliwanag ni Marcky.
Tinignan ni Zeque ang mga kasama niyang maglalaro. Tumango sila senyales na alam nila ang gagawin.
Pumito ang referee at nakuha nila Marcky bola pero hindi sila hinayaang makascore ni Paris. Dalawa sila ni Renz sa depensa habang ang tatlo nakaabang para sa opensa.
Naagaw ni Renz ang bola at pinasa ito kay Zeque. Sinubukan siya pigilan nila Paolo pero sa hulo nakadalawang puntos siya.
Kinuha ni Marcky ang bola at binato ito bago pa makadipensa sila Zeque.
3 points!
Ningisian niya si Zeque bago tumakbo palapit sa mga kasamahan niya.
Dikit ang laban hanggang sa matapos ang first game na may parehong score na 18.
"Magaling kayo. Hindi ko inaasahan na magiging dikit ang laban."
Komento ng captain ng basketball club. Sinong mag-aakalang may kayang tumapat sa kanila na hindi player? Idagdag pa na may isa silang babae kasama. Habang naglalaro sila pakiramdam niya nasa championship sila.
"Hindi ako basta-basta nagpapatalo sa laban. Bakit ka sa akin kumampi?" tanong ni Zeque.
"Hindi talaga ako payag sa laban niyo pero alam kong pareho kayong hindi makakapagpigil. Unfair sayo kung sasama ako sa kanila."
Tumango si Zeque.
Nag-umpisa na ang 2nd game. Dikit pa rin ang laban at konting oras na lang ang meron. Tabla pa rin sila na may puntos na 31.
Nakuha ni Zaira ang bola pero wala ng oras kaya hinagis na lang niya ito umaasang makakapuntos sila.
Lahat sila nakatutok sa bola. Umikot ito sa ring bago mahulog.
"Waaaahhhh! Pumasok! Panalo kami," sigaw ni Zaira habang tumatalon.
Lamang sila ng dalawang puntos.
"Sinuwerte lang kayo," sabi ni Marcky.
Madilim ang mukha nito habang nakakuyom ang kamao.
May lumabas na black mist sa katawan niya at napalibutan ang court.
Hinila ni Zeque si Zaira palayo kayo Marcky.
"Aaaaahhhhh!" sigaw ng mga kasamahan ni Marcky at isa-isa silang matumba habang nakahawak sa mga paa nila na napalibutan ng black mist.
"Kaya pala may nararamdaman akong kakaiba sa kanya," sabi ni Jiro habang nakatingin kay Marcky.
"Bakit? Anong meron sa kanya?" tanong ni Erie.
"Hindi mo ba nakikita? Mapapalibutan siya ng negative energy. Maaring isa siyang evil spirit or may evil spirit na kumokontrol sa kanya."
Tinignan ng maiigi ni Erie si Marcky. Wala siyang nakitang kakaiba sa spiritual energy nito ngunit kapansin-pansin ang ang suot nitong kwintas.
"Yung kwintas niya. May nakikita akong negative energy."
"Kailangan natin yun maalis sa kanya bago pa siya tuluyang makain ng evil spirit. Gamitin mo yung alter necklace para sirain yung kwintas," utos ni Jiro saka ito tumingin kay Zeque.
Nagtanguan sila bago sumugod kay Marcky.
"Wag kayo lalapit!" sigaw nito na may malalim na tinig.
Mula sa kwintas ni Marcky isang dark energy ang nagpatalsik kila Zeque.
Lumundag si Zaira patungo kay Marcky.
Natumba sila pareho at mabilis na hinawakan ni Zaira ang dalawang kamay nito habang nasa pagitan ng binti niya ang katawan ni Marcky.
Natulala lamang ang binata dahil sa ginawa ni Zaira. Napatitig siya sa mukha nito na kamukhang-kamukha ni Cane. May pagkahalong pagkalito ang itsura nito.
"Sorry kailangan ko gawin ito," sambit ni Zaira saka hinablot ang kwintas ni Marcky at hinagis patungo kay Erie.
"Ngayon na Erie!" sigaw ni Jiro.
Agad na nagsummon ng palaso si Erie at tinira ang kwintas at isang puting liwanag na korteng pana ang lumabas mula dito. Pagkatama nito sa sa kwintas nagong usok ang black mist bago maglaho.
Pagkabagsak ng kwintas, basag na ang gemstone sa pendant.
"Hahahahaha!"
Isang malakas at nakakatakot na tawa ang kumuha ng atensyon nila.
"Sino ka?! Magpakita ka!" sigaw ni Zeque ngunit tawa lang din ang tinugon nito hanggang sa pahina nang pahina ito.
Luminawag na muli ang paligid at nakita na lang nilang walang malay ang mga kasamahan ni Marcky.
Habang si Marcky naman tinulak si Zaira. Sa sobrang gulat nito napalakas ang pagkakatulaj niya.
"Aray! Kung makatulak ka naman diyan parang hindi ako babae," reklamo ni Zaira.
"Sorry," sagot ni Marcky sabay lahad ng kamay nito.
Nanlaki ang mata ni Zaira dahil sa kinilos nito. Pakiramdam niya Max na ang nasa harapan niya.
"Salamat."
Kinuha niya ang kamay ni Marcky.
"Tulad nang napag-usapan, aalis ka sa katawan ni Max oras na matalo kayo. Naalala mo naman siguro lahat?" sambit ni Zeque.
Tumango si Marcky.
"Paano ako makakabalik sa katawan ko?" tanong ni Marcky.
"Si Erie na bahala sayo."
"Ako? Hindi ko din alam kung paano," sabi ni Erie kay Zeque.
Tinignan ni Zeque si Jiro.
"Yung kwintas mismo na suot mo kayang magpalabas ng spirit sa katawan," paliwanag ni Jiro.
"Paano?"
Tinanggal ni Erie ang kwintas niya.
"Gamitin mo yan pangtulak sa kanila. Medyo masakit nga lang yan para sa spirit kung hindi sila magpapadala sa pagtulak mo."
"Narinig niyo yun? Kung hindi niyo gugustuhin lumabas sa katawan na yan masasaktan lang kayo," paalala ni Zeque kila Marcky.
"Naiintindihan ko," tugon ni Marcky. Lumingon siya kay Erie.
"Gawin mo na."
Tumango si Erie saka pumuwesto sa harapan ni Marcky.
"Kailangan malakas ang pwersa mo sa pagtulak sa kanila," sabi ni Jiro.
"Okay. Ito na ako."
Nang dumikit ang pendant sa katawan ni Marcky, lumiwanag ito at lumabas ang simbolong bilog na may star sa loob. Sa gitna ng star bumaon ang kamay ni Erie at hinila niya palabas ang lumulutang na parang apoy sa katawan ni Max. Kulay puti ito na nagliliwanag.
Pagkabitaw niya dito naging spiritual body ito ni Marcky ngunit kumpara kila Max mas transparent ito.
"Salamat sa tulong niyo. Ngayon pwede na ako bumalik sa katawan ko," paalam ni Marcky bago mawala.
Lumapit si Max sa katawan niya at humiga ito dito.
"Ken, ikaw na ba yan?" tanong ni Zaira pagkadilat nito.
Hinawakan siya sa mukha ni Max saka ngumiti.
"I'm back!"
Habang pabalik sila Zaira sa Magical Cafe, isang babae ang humarang sa kanila. Masama ang tingin nito.
"Ano ginawa niyo kay Marc?"
"Cane..." sambit ni Erie.
Napatingin siya sa kwintas nito na katulad sa suot ni Marcky. Nakikita niya rin na may negative energy ito.
"Pinabalik namin siya sa katawan niya," tugon ni Jiro.
"Bakit? Sa katawan lang na yun makakapaglaro ng basketball si Marc. Pero ano ginawa niyo? Sinira niyo lahat ng pangarap niya! Hindi ko kayo mapapatawad," sigaw ni Cane.
"Kung hindi na siya makakapaglaro, hindi na namin kasalanan yun. Nahihirapan rin kami. Dahil sa inyo kaya wala kami sa katawan namin," sigaw ni Zarah.
"Wala akong pakialam sa kalagayan niyo. Si Marc lang ang importante sa akin. Katulad niya, gusto ko din siyang makapaglaro."
"Binabawi lang namin ang talagang sa amin! Kung ako sayo ibalik mo na ang katawan ko."
Inirapan ni Cane si Zarah.
"Hinding-hindi ko ito ibabalik sayo. Bahala kayo maghirap," aniya sabay takbo.
Napanganga na lang sila Zaira sa sagutan ng dalawa.
"Aba! Impaktang yun. Hoy bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" sigaw ni Zarah.
Napailing si Max saka naunang maglakad habang sumunod naman sa kanya si Zaira. Nang mapansin ni Zarah ang dalawa wala sa mood na humabol ito. Tinignan niya ng masama si Zaira dahil sa sobrang lapit nito kay Max.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro