CHAPTER 39
2 years ago sa mortal world,
Ito ang araw na umatake ang mga zombie at bampira.
Nagmamaneho ang ama ni Max nang may tumamang lightning ball sa harap ng sasakyan nila.
Boom!
"Aaahh" sigaw ni Mrs. Lauritzen.
Huminto ang sasakyan.
"Naloko na, baba!" sabi ni Mr. Lauritzen.
Paglabas niya hinawakan niya ang suot niyang kwintas na may pendant na espada.
Tinulungan ni Max na makalabas ang kanyang ina. Pagtingin sa kanya ama napanganga siya nang masilayan ang pag-ilaw ng kwintas nito bago naging totoong espada.
"Magic?" bulong ni Max habang pinagmamasdan ang espada.
Nahinto sa pag-iisip si Max nang sumigaw ang kanyang ama.
"Lumabas ka diyan!"
Tumingin sa paligid si Max para hanapin ang kausap nito.
"What the--" sambit niya nang atakihin sila ni Magnus sa harapan.
Niyakap ni Max ang kanyang ina saka umatras habang ang kanyang ama inatake si Magnus.
"Max, magtago kayo. Gamitin mo yung baril ko sa likod ng sasakyan," sambi ni Mr. Lauritzen.
Tumakbo ang mag-ina sa sasakyan. Nang makuha na ni Max ang baril, naghanap siya ng matataguan.
May nakita siyang sasakyang nakaparada. Tumakbo sila patunggo doon subalit sumulpot sa harapan nila si Haring Linus.
Himigpit ang pagkakahawak ni Mrs. Lauritzen kay Max saka niya ito hinila palayo kay Haring Linus.
"L-linus," sabi ni Mrs. Lauritzen.
Nanginig ang kamay niya nang ngumiti sa kanya si Haring Linus habang malamig ang tingin na binibigay.
"Maxene, matagal na kitang hinahanap. Nandito ka lang pala nagtatago. Tama ang desisyon ko na umatake dito," sabi ni Haring Linus sabay hakbang palapit sa kanila.
Hinila ni Mrs. Lauritzen ang braso ni Max upang tumakbo pero hindi umalis sa kinatatayuan si Max.
Tinaas ni Max ang hawak na baril at tinutok sa dibdib ni Haring Linus.
"Wag kang lalapit sa amin," sabi ni Max habang nakatingin ng masama.
Ngumiti lalo si Haring Linus dahil kamukha ngayon ni Max ang kanyang ina tuwing galit ito.
"Siya na ba ang anak niyo? Kamukhang-kamukha mo siya, ngunit katulad ng kanyang ama isa siyang lapastangan."
Nagteleport si Haring Linus sa tabi ni Mrs. Lauritzen at mabilis niya itong hinila.
"Ahhhhhh! Bitawan mo ko!"
"Ma! Bitawan mo siya!"
Palapit na sana si Max sa kanila subalit nawala nanaman sila sa harapan niya.
"Maxene," sigaw ni Mr. Lauritzen kaya napatingin sa kanila si Max.
Doon nakita niyang nakatayo sa Haring Linus habang hawak nito ang kanyang ina.
"Ahhhh!" sigaw ni Mr. Lauritzen nang tamaan ito ng kidlat.
Tinignan niya ng masama si Magnus.
"Kenneth!" sigaw ni Mrs. Lauritzen sabay tingin kay Haring Linus.
"Nakikiusap ako wag niyo siya sasaktan. Sasama ako sayo kung gusto mo."
Nagmamakaawang tinignan niya si Haring Linus kahit na alam niyang malabong maawa ito.
"Tama na yan Magnus," sabi ni Haring Linus.
Ngingiti na sana si Mrs. Lauritzen nang muling magsalita si Haring Linus.
"Ako ang tumapos sa kanya," dugtong nito bago tinulak si Mrs. Lauritzen kay Magnus.
"Linus wag!!" sigaw ni Mrs. Lauritzen habang pilit na inaabot si Haring Linus subalit nahawakan siya ni Magnus.
"Mahal ko, panuorin mo kung paano ko patayin ang pinakamamahal mo," sabi ni Haring Linus bag magteleport sa harap ni Mr. Lauritzen.
Mabilis niyang hinawakan ang leeg ni Mr. Lauritzen bago nito maiangat ang espada.
"Papa!" sigaw ni Max sabay tutok ng baril kay Haring Linus..
Bang! Natamaan sa braso si Haring Linus. Nabitawan niya si Mr. Lauritzen.
"Hindi ako makakapayag na patayin mo si papa!" sigaw ni Max.
Ngumisi si Haring Linus.
"Mana ka talaga sa ama mo."
Nawala sa kinatatayuan niya si Haring Linus at napunta sa harapan ni Max. Sinipa niya ito.
"Ah!"
Nabitawan ni Max ang hawak baril at tumalsik. Bago siya makatayo, muling sumulpot sa harapan niya si Haring Linus.
Hinawakan siya sa leeg saka inangat.
"Ikaw muna uunahin ko," sabi ni Haring Linus.
Humigpit ang pagkakahawai nito sa leeg ni Max. Namutla ang mukha ni Max saka inubo.
"Max!"
Tumakbo palapit sa kanila si Mr. Lauritzen.
"Linus, ako harapin mo!" sigaw nito sabay hiwa ng espada.
Binitawan ni Haring Linus si Max at hinugot ang dalang espada.
Ting! Nagtama ang espada nila.
Muling umatake si Mr. Lauritzen. Sinubukan niya itong hiwain sa leeg, balikat, paa, tagiliran at ulo subalit mabilis na nadidipensahan ni Haring Linus ang sarili.
Nang inangat ni Mr. Lauritzen ang kamay niya para muling umatake, nagteleport sa tabi niya si Haring Linus saka siya sinaksak nito sa puso bago pa maibaba ni Mr. Lauritzen ang kamay niya.
"Kenneth!"
Nagpumiglas si Mrs. Lauritzen subalit hindi nagpatalo si Magnus.
"Papa!"
Halos madapa si Max sa kakamadal habang palapit sa kanyang ama.
"Kulang pa yan," sabi ni Haring Linus sabay hugot ng espada.
Akmang sasaksakin niya si Mr. Lauritzen nang itulak siya ni Max.
"Papa," sabi ni Max sabay angat ng ulo ng kanyang ama.
"Kenneth! Bitawan mo ko! Kenneth!" sigaw ni Mrs. Lauritzen habang umiiyak.
"Pa, wag mo kaming iwan. Kailangan ka ni mama," sabi ni Max.
"Max anak..."
Umubo ng dugo si Mr. Lauritzen.
"Pa!"
Pinunasan ni Mr. Lauritzen ang dugo sa labi niya bago muling magsalita.
"Protektahan mo ang mama mo. Wag mong hahayaang mapasakamay siya ni Linus..."
Bumigat ang paghinga ni Mr. Lauritzen.
"Pa, wag mo sabihin yan."
Pinahawak ni Mr. Lauritzen ang espada niya kay Max.
"Sayo na yan. Gamitin mo yan para maprotektahan mo ang mga importante sayo. Lagi mo tatandaan... na mahal... na mahal... ko... kayo... ng Mama mo."
Pumikit si Mr. Lauritzen at dahan-dahang bumagsak ang kamay niya.
"Pa? Wag mo kami iwan. Papa!"
Tinapik ng paulit ni Max ang kanyang ama ngunit wala siya nakuhang sagot dito.
"Pa!" sigaw niya sabay tulo ng luha niya.
Ibinaba niya ang kanyang ama at mahigpit na hinawakan ang espada nt kanyang ama.
Tinignan niya si Haring Linus.
"Papatayin kita!" sigaw ni Max habang nanlilisik ang mata.
Inatake niya si Haring Linus ngunit nawala ito bago tamaan ng espada. Naramdaman na lang ni Max na may humiwa sa likod niya.
"Linus wag ang anak ko. Ako na lang patayin mo. Hayaan mo na siya," sigaw ni Mrs Lauritzen habang nagpupumiglas.
"Aaah!"
Sigaw ni Max nang sipain siya sa likod ni Haring Linus para madapa.
"Please! Ako na lang," sabi ni Mrs. Lauritzen habang umiiyak.
"Ma."
Mahinang sabi ni Max sabay hawak ng mahigpit sa espada. Sinubukan niyang tumayo ngunit inapakan ni Haring Linus ang sugat niya sa likod.
"Aahhhhhhh!"
"Linus! Maawa ka kay Max. Hayaan mo na siya. Ako na lang saktan mo. Gawin mo kahit ano gusto mo. Kung gusto mo ko patayin handa ako."
"Okay."
Tumigil si Haring Linus sa pag-apak kay Max saka nagteleport sa harap nila Magnus.
Inangat ni Max ang ulo niya at natanaw niya ang paghila ni Haring Linus sa kanyang ina.
"Ma!" sigaw ni Max nang sabunutan ni Haring Linus si Mrs. Lauritzen.
Ningisian ni Haring Linus si Max saka hinarap si Mrs. Lauritzen. Nayakap ang isang kamay nito sa kanyang ina habang ang isa nakahawak sa buhok.
"Manood ka bata, ipapakita ko sayo ang kaibahan natin," sabi ni Haring Linus kay Max.
Nilihis nito ang ulo ni Mrs. Lauritzen sapamamagitan ng pagsabunot. Inamoy ni Haring Linus ang leeg ng kanyang ina.
"Namiss ko ang amoy mo mahal. Matagal - tagal ko na rin hindi natitikman ang dugo mo," sabi ni Haring Linus.
Nalisik ang mata ni Max nang halikan ni Haring Linus sa leeg si Mrs. Lauritzen.
"Bitawan mo si mama!" sigaw ni Max habang sinusubukang tumayo.
Ngumanga si Haring Linus at tumusok ang pangil nito sa leeg ni Mrs. Lauritzen.
"Wag! Itigil mo yan!" sigaw ni Max nang bumaon ang ngipin ni Harong Linus.
Tumakbo si Max subalit nakakalimang hakbang pa lang siya nang madapa siya. Sumasakit ang sugat niya sa likod, nanghihina ang katawan niya.
"F*ck!" sigaw ni Max sa sobrang inis.
Napakuyom siya at muling sinubukang tumayo.
'Kung malakas lang sana ako, hindi ito mangyayari. ' sa isip ni Max.
Tumayo siya at ginamit espada bilang alalay sa kanya.
'Kailangan ko iligtas si mama.'
Dahan-dahang humakbang si Max palapit kila Haring Linus. Hindi niya inalis ang masamang tingin sa hari habang palapit siya.
Ganun din si Haring Linus. Habang sinisipsip ang dugo ni Mrs. Lauritzen nakatitig lang siya kay Max at nang malapit na ito inangat nito ang kamay na nakasabunot sa kanyang ina.
Kitang-kita ni Max ang paghaba ng kuko nito bago sinaksak sa dibdib ng kanyang ina.
"Ah!"
Nanlaki ang mata ni Max nang bumaon ang kamay ni Haring Linus sa dibdib ng kanyang ina.
"No! Ma!" sigaw ni Max at binilisan ang hakbang.
Binunot ni Haring Linus ang kamay niya nang makalapit na si Max saka niya tinulak ang si Mrs. Lauritzen.
Sinalo ni Max ang kanyang ina at napayakap siya dito nang tumawa si Haring Linus saka dinilaan ang dugo sa kamay.
Isang bolang apoy ang lumipad patungo kay Haring Linus. Lumundag ang hari upang iwasan ito.
Pagtingin ni Max sa pinanggalingan ng apoy, nakita niya si Mrs. Lundberg na palapit sa kanila.
"Anak..."
Napatingin si Max sa kanyang ina nang tawagin siya nito. Kinuha nito ang kamay niya at may inilagay sa palad niya.
"Kunin mo yan.... Patawarin mo ko anak, hindi na kita masasamahan hanggang sa mag-asawa ka,"
Huminga ng malalim si Mrs. Lauritzen.
"Ma, wag mo ko iwan mag-isa."
Hinawakan ni Mrs. Lauritzen ang mukha ni Max saka ngumiti ng mapait.
"Hindi ka... nag-iisa... Hanapin mo... ang mga kapatid mo..."
Dahan-dahang bumagsak ang kamay ni Mrs. Lauritzen habang nakatingin pa rin sa kay Max.
"Ma!" sigaw ni Max nang mapansin niyang hindi na ito humihinga.
Hindi na niya napigilang umiyak. Sinara niya ang mata nito saka niyakap habang tahimik na umiiyak.
Tinignan niya ang kwintas na binigay nito sa kanyan. Nang buksan niya ang hugis bilog nitong pendant may larawan ng sanggol kabilaan. Ang isa may damit na kulay asul habang ang isa naman pink. Sa ibaba nito nakalagay ang araw na pinanganak sila.
Sinara ni Max ang kamay niya saka tinignan ang ina.
"Pangako hahanapin ko sila," aniya habang mahigpit na nakahawak sa pendant.
Sa kasalukuyan, napasulyap si Max kila Henry nang maalala niya ang pangako niya. Mahirap man tanggapin na may kapatid siya sa ina at ang kanilang ama walang iba kundi ang bampirang pumatay sa kanilang ina.
Tinignan niya ng masama si Haring Linus.
"Hinding-hindi ako magpapatalo sayo! Hindi na ako tulad dati," sabi ni Max sabay tutok ng espada kay Haring Linus.
"Papatayin kita. Pagbabayaran mo lahat ng kasalanang ginawa mo sa pamilya ko!"
Tumakbo si Max palapit kay Haring Linus ngunit nawala nanaman ito.
Naramdaman ni Max ang presensya nito sa likod niya kaya umikot siya.
Pagharap niya kay Haring Linus, sinakal siya nito at sinandal sa pader.
Binitawan ni Max ang isa niya espada saka hinawakan ang kamay ni Haring Linus.
Humigpit ang pagkakasakal sa kanya nito nang mapansin nito na may binabalak si Max.
Tinaas ni Max ang isang espada at sinaksak kay Haring Linus
Binitawan siya ni Haring Linus saka ito lumayo habang hawak-hawak ang sugat sa gilid ng tiyan.
"Hahahaha," mahinang tawa ni Max bago umubo.
Muli niyang inatake si Haring Linus. Bawat hiwa niya may water blade na lumalabas sa espada niya kaya nagagawa niya pa rin itong masugatan kahit na hindi niya matamaan ng espada.
Napakunot ang noo ni Haring Linus saka dumepensa gamit ang espada niya. Subalit nang magtama ang espada nila, sinipa siya ni Max saka hinawakan ang kamay niya may hawak na espada. Itinaas ito ni Max bago siya saksakin sa dibdib.
***
Habang abala si Max sa pakikipaglaban, nakatutok lang sila Blaize kay Zaira.
"Bakit hindi pa rin gumigising si Athena?" tanong ni Blaize nang walang nagbago kahit na nailagay na niya ang lahat ng eternal blood sa katawan ni Zaira.
"Maghintay lang tayo," sabi ni Rhys.
Muli sila natahimik hanggang isang tinig ang kumuha ng atensyon nila.
"Athena!" sigaw ni Mrs. Fiester.
Tumakbo ito patungo kay Zaira saka niya ito hinawakan sa pulso.
"Ano nangyari?" tanong ni Geo habang salubong ang kilay.
Nagtinginan sina Blaize at Rhys.
"Jusko! Athena, anak ko!" sambit ni Mrs. Fiester nang mapansin hindi na tumitibok ang puso nito.
Natakip siya ng bibig at napaluha.
"Geo, hindi na siya humihinga."
Nagdilim ang mukha ni Mr. Fiester saka lumapit sa mag-ina niya. Niyakap niya si Mrs. Feister at hinayaan itong umiyak sa dibdib niya. Pinakiramdaman ni Geo ang pulso ni Zaira.
Nang wala siyang maramdaman, naalala niya ang ginawa ng kanyang ama noon sa sugatan nilang kasamahan nang hindi na ito humihinga.
Sa pagkakaalala niya hinampas ng ama niya ang dibdib nito at bigla na lang ito nabuhay.
Nang gawin niya ito napanganga si Rhys habang natulala naman si Blaize kay Zaira dahil gumalaw ang kamay nito.
"Bakit mo ginawa yun?" tanong ni Mrs. Fiester.
Dahil sa gulat natigil ang pag-iyak niya.
Napakamot ng ulo si Mr. Fiester.
"Ganun ginagawa ni ama kapag sinusubukan niyang buhayin ang mga kasamahan naming werewolf."
"Tao si Athena, hindi kasing lakas ng werewolf ang katawan niya."
"Oo nga no? Bakit naamoy ko ang isang werewolf sa kanya?"
Suminghot siya.
"Amoy bampira rin siya. Hindi ganito ang amoy niya dati. Naamoy ko pa rin yung pagiging tao niya pero bakit lumakas ang amoy ng bampira at werewolf sa katawan niya."
"Wag mo ibahin ang usapan. Bakit mo ginawa yun?"
"Seryoso ako. Yung amoy niya medyo hawig kay Zeque. Hindi mo ba naamoy? May kakaiba sa katawan niya."
Napakunot ang noo ni Mrs. Fiester bago sumagot.
"Nagkalat ang amoy ng dugo ni Zaira sa paligid. Paano ko maamoy yung sinasa--"
Napatingin sila kay Zaira nang bigla itong bumangon at umubo ng dugo.
"Athena," sambit ni Blaize sabay hipo sa likod ni Zaira.
"Athena, buhay ka," sabi ni Mrs. Fiester sabay yakap sa anak niya nang tumingin ito sa kanya.
Hinawakan ni Mrs. Fiester sa mukha si Zaira.
"May masakit ba sayo? Gusto mo ba gamutin kita? Anak?"
Natulala si Mrs. Fiester nang mapansin ang pag-iiba ng kulay ng mata ni Zaira, naging pula, asul, rainbow, violet bago bumalik sa pagiging brown.
Naalala niya bigla ang sinabi sa kanya ng asawa niya. Hinawakan niya ang kamay ni Zaira saka tinignan ang braso nito na puno ng sugat.
Ngayon wala na ito, tanging dugo na lang natira.
"Ano nangyari sayo? Paano ka nabuhay? Bakit nawala sugat mo?"
"Hindi ko po alam. Ang huli kong naaalala may narinig akong boses ng isang babae."
Napahawak sa baba si Zaira.
"Sabi niya sa akin kapag ginamit ko ang trinity's blood kay Blaize, makakaligtas kami. Sinunod ko siya bago ako mawalan ng malay. Mukhang totoo sinabi niya dahil buhay kami pareho."
Tumingin si Mr. Fiester kay Blaize nang mapansin ito ni Zaira, napayakap siya sa kasintahan.
"Pa, walang kasalanan si Blaize. Desisyon kong gamitin yun."
"Anak, gusto ko lang tanungin sa kanila kung ano ginawa nila sayo bago kami dumating."
"Ginamit ko sa kanya ang eternal blood na dala ni Rhys," sagot ni Blaize.
"Bakit meron kang eternal blood?" tanong ni Mr. Fiester kay Rhys.
"Nakita namin yun sa bulsa ni Magnus. Ibibigay ko po sa inyo dapat yun pero..."
Tumingin si Rhys kay Blaize. Napakunot ang noo niya nang makitang abala ito sa pagtingin sa mukha ni Zaira.
"Salamat sa inyo," sabi ni Mrs. Fiester.
Kahit wala silang sabihin may ideya na siya buong pangyayari. Sigurado siyang nagdesisyon si Blaize na gamitin ang eternal blood kay Zaira para iligtas ito.
"Ibig sabihin ba niyan immortal na kayo katulad ni Zeque?" tanong ni Mr. Fiester.
"Ano naman ngayon? Ang importante buhay silang pareho," tugon ni Mrs. Fiester habang nakatingin ng masama sa asawa niya.
"Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa ginawa ko kay Athena?"
Hindi siya nito sinagot.
"Pa, ano ginawa mo sa akin?" tanong ni Zaira.
Namutla si Mr. Fiester nang maisip niya na medyo malakas ang pagkakahampas niya sa anak niya kanina.
"Pa?"
Tumingin si Zaira kay Blaize para tanungin ito.
"Resuscitation," maiksing sagot ni Blaize nang tignan siya ng masama ni Mr. Feister.
"Ah!"
Napatayo si Zaira nang mapansin niyang sinasakal ni Haring Linus si Max.
"Ken!" sigaw ni Zaira.
Hinawakan siya sa kamay ni Blaize.
"Dito ka lang."
"Ian, kailangan ni Ken ng tulong."
"Matagal hinintay ni Max ang pagkakataon na magkaharap sila. Hindi dapat tayo makialam sa sarili niyang laban."
"Pero ma--"
"Trust him," putol ni Blaize kay Zaira.
Bumalik sa pagkakaupo si Zaira habang pinapanood ang laban ni Max.
Dahil sa kinilos ni Zaira na kay Max na ang atensyon ng lahat. Tahimik nila itong pinanood.
Nagliwanag ang mata ni Zaira nang masaksak ni Max sa tiyan si Haring Linus.
Ngayon nag-iba na ang sitwasyon ng dalawa.
"Ama!" sigaw ni Stephanie nang saksakin ni Max sa puso si Haring Linus..
Kahit na hindi maganda ang turing nito kay Stephanie, para sa dalaga ito pa rin ang dahilan kung bakit nabubuhay siya ngayon sa kabila nang pag-iwan sa kanila nang ina nila.
Napatakbo si Stephanie kila Max habang nagteleport naman si Henry sa tabi ni Max nang makitang sasaksakin ulit ni Max si Haring Linus.
"Tama na!"
Humarang sa harap ni Max si Henry.
Nagkasalubong ang kilay ni Max saka tinignan ng matalim na tingin si Henry.
"Tumabi ka diyan. Kamatayan lang niya ang kabayaran sa mga kasalanan niya," sabi ni Max.
"May ibang paraan para pagbayaran niya la--"
"Pinatay niya si mama... Ang mama natin."
Napanganga si Henry sa narinig.
"Anong sabi mo?" tanong ni Henry. Pakiramdam niya nagkamali lang siya ng dinig.
Kinuha ni Max sa bulsa niya ang kwintas ng kanyang ina saka ito itinaas sa harapan ni Henry.
"Iniwan ito ni mama sa akin bago siya mamatay. Kung tama ako kayo ang nasa larawan ng pendant."
Kinuha ni Henry ang kwintas saka binuksan ang pendant. Doon nakita niya ang larawan niya at ni Stephanie. Nakaukit rin sa pendant ang birthdate nila.
"Ngayon, pipigilan mo pa rin ba ako?" tanong ni Max.
"Aaahh! Ama, bakit?"
Napalingon sila Max kay Stephanie; hawak siya ni Haring Linus habang nakakagat sa leeg niya.
Mabilis na sinipsip ni Haring Linus ang dugo ni Stephanie dahil ito lamang ang paraan para mabilis na gumaling ang sugat sa dibdib niya.
"Steph!" sigaw ni Henry sabay teleport sa tabi ni Haring Linus.
Sapilitan niyang hinila si Stephanie pero hindi ito binitawan ni Haring Linus.
"Ama, anak niyo si Stephanie," sabi ni Henry.
Tumakbo papunta sa likod ni Haring Linus si Max saka niya ito sinaksak kaya napabitaw ito kay Stephanie.
"Ahhh! Dugo, kailangan ko ng dugo."
Aabutin sana nito si Stephanie pero hinila palayo ni Henry si Stephanie.
Nagkatingnan sila ni Max. Tumango si Henry saka niyakap ng mahigpit ang kakambal.
Ginalaw ni Max ang espada paikot habang nakasaksak pa rin sa katawan ni Haring Linus.
"Aahh!" sigaw ni Haring Linus.
"Ama!" sabi ni Stephanie sabay tingin kay Haring Linus.
"Wag mo tignan," bulong ni Henry sabay takip sa mata ni Stephanie.
"Stephanie, anak tulungan mo ko. Kailangan ko ang dugo mo," sabi ni Haring Linus habang sinusubukang abutin si Stephanie.
"Wag ka makinig sa kanya, mamatay ka kapag binigay mo ang dugo mo sa kanya," sabi ni Henry kay Stephanie habang nakatingin ng masama sa ama niya.
*****
Sa Black Academy,
Pagkatapos lumindol, tumakbo si Headmaster Black palabas ng opisina. Napansin niya na nagdilim ang kalangitan sa Dark Forest.
Pumunta siya doon at naabutan niya ang isang lalaking nakaupo sa damuhan habang inaangat niya ang upper body ni Heidi
"Heidi! Gumising ka! Heidi!" sabi ng lalaki.
Napatingin si Headmaster sa pwesto kung saan nakatayo ang estatwa ni Samael. Napahilot siya sa ulo nang bato na lang ang nandoon. Alam niyang hindi normal na estatwa yun.
"Nasira ang seal ng demon king? Paano?" bulong niya bago binalik ang tingin sa batang lalaki.
"Sino ka?" tanong niya.
"Zeki po. Kaibigan ako ni Heidi. Tulungan niyo ko."
Napakunot ang noo ni Headmaster Black nang makitang puro dugo ang damit ni Heidi.
"Ano nangyari sa kanya?"
Lumapit siya sa dalawa saka hinawakan sa pulso si Heidi. Tumitibok pa ang pulso nito subalit mabagal at mahina na lang ito.
Habang nakatutok sila kay Heidi, isang babae ang sumulpot sa likod nila.
"Kailangan mo na siyang ibalik sa panahon niyo bago mahuli ang lahat."
Napatingin sila sa babae nang magsalita ito.
"Doon lamang maililigtas ang buhay niya."
Binuhat ni Zeki habang buhat-buhat si Heidi.
"Salamat," sabi ni Zeki saka nilabas ang remote.
Pinagmasdan ni Headmaster Black ang babae. Ngayon niya lang ito.
"Alis na po ako. Salamat sa pag-aalaga kay Heidi habang nandito siya."
Paalam ni Zeki bago pindutin ang remote. Napalibutan sila ng puting liwanag bago mawala.
"Nagbago na nakatadhanang mangyari. Isang digmaan sa pagitang ng Infernal at Outlandish ang magaganap sa pangunguna ni Samael. Mag-iingat kayo. Gabayan sana kayo ni Amethyst," sabi ng babae bago ito mawala.
"Amethyst? Tinutukoy ba niya ang goddess of time and space?" sambit ni Headmaster Black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro