Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 37

Sa Black Academy,

Nakatulala sa paro-parong nagsisiliparan si Heidi habang nakaupo sa bato. Nasa ilalim ng baba ang isang kamay niya.

"Heidi!"

Natauhan siya nang may tumawag sa kanya. Paglingon niya dito, kuminang ang mga mata niya at abot tengang ngumiti.

"Zeki!"

Tumakbo siya palapit dito saka niya niyakap. Nang humiwalay siya, hinawakan siya agad sa kamay ni Zeki.

"Umuwi na tayo," sabi nito.

"Teka. Magpapaalam muna ako ki--"

"Wala na tayong oras."

Hindi na nagsalita si Heidi sa pag-iisip na baka may oras ang time machine.

Tumingin kaliwa, kanan at likod si Zeki bago tumakbo patungo sa Dark Forest ng Black Academy.

"Bakit tayo nagpunta dito?" tanong ni Heidi habang pinagmamasdan ang kaibigan.

Pakiramdam niya may kakaiba dito pero hindi niya masabi dahil hindi talaga palasalita si Zeki.

Nakarating na sila sa pinakamadilim na parte ng gubat.

Humigpit ang pagkakahawak ni Heidi sa takot na baka maiwanan siya o mawala sa gubat. Tahimik ang palagid na may malamig ang ihip ng hangin, hindi mapigilan ni Heidi mag-isip na baka may multo.

Lalong nanginig si Heidi nang mag-iba na ang dinadaanan nila; puro patay na puno at itim na damo ang nakikita niya. Katulad ito ng Infernal world.

"Zeki..."

Huminto si Zeki saka inangat ang ulo. Nang gayahin ito ni Heidi, nakita niya ang isang estatwa ng lalaking may sungay, buntot at pakpak na katulad sa paniki.

Nagsitaasan ang balahibo ni Heidi.

"Ano ginagawa natin dito?" tanong niya.

Pagtingin niya kay Zeki, ngumiti hanggang sa lumabas ang ngipin at gilagid.

Nanlaki ang mata ni Heidi at napabitaw.

"Sino ka? Hindi ka si Zeki!"

Napaatras si Heidi nang maging itim ang buong mata nito. Naglabas ito ng maliit na kutsilyo at patakbong lumapit kay Heidi.

"Aahhh!" sigaw ni Heidi nang maging demon ang inakala niyang si Zeki.

Sinubukang tumakbo ni Heidi subalit mabilis siyang nahawakan sa balikat.

Tinulak siya nito sa estatwa.

"Ah!"

Bago pa makakilos si Heidi hinawakan siya nito sa kamay at mabilis na sinaksak ang palad niya.

"Aaahhh!"

Napaluha sa sakit si Heidi. Gusto niya hilain ang kamay niya ngunit lamang ito kumikirot kapag ginagalaw niya.

Binunot ng demon ang kutsilyo saka inikot si Heidi upang iharap sa estatwa at idinikit ang palad niya na may dugo dito.

Nanlaki ang mata ni Heidi nang maramdaman niyang hinihigop nito ang dugo sa kamay niya. Sinubukan ni Heidi alisin ang kamay niya pero muli itong tinulak ng demon sabay tutok ng kutsilyo sa leeg niya.

"Wag ka gagalaw," sabi ng demon sa kanya.

Napatayo ng tuwid si Heidi at hindi na muli gumalaw hanggang sa mag-umpisang gumalaw ang lupa. 

Humakbang palayo sa estatwa si Heidi nang gumalaw ito at magkaroon ng crack.

"Sa wakas malaya na ang hari! Hahahaha. Haring Samael, maligayang pagbalik," sabi ng demon habang nakataas ang kamay.

****

Sa kaharian ng Phiria,

Napahinto sila Beatriz sa paglabas ng palasyo nang harangan sila ni Magnus.

"Kuya," sambit ni Beatriz.

Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Magnus bago magsalita.

"Saan kayo pupunta?"

Nanlamig ang dalawa dahil sa boses ni Magnus.

"Kuya, please hayaan mo na kaming makaalis," sabi ni Beatriz ngunit wala itong nakuhang sagot.

"Tara na," sabi ni Alexis at akmang hahawakan si Beatriz subalit naunahan siya ni Magnus.

Nanlaki ang mata ni Beatriz nang sakalin siya ni Magnus at inangat sa ere.

"Beatriz!" sigaw ni Alexis.

Sinubukan niyang lumapit pero isang kidlat ang umatake sa kanya.

Tinignan ng masama ni Alexis si Magnus.

"Nababaliw ka na ba? Kapatid mo si Beatriz, balak mo ba siya patayin?"

Ngumisi si Magnus saka lalong hinigpitan ang pagkakasakal kay Beatriz.

Napakunot ng noo si Alexis.

"F*ck!"

Napaubo si Beatriz.

"Kuya, nasasaktan na ako. Ano ba nangyayari sayo?" tanong ni Beatriz kahit kinakapos na siya ng hininga.

Napalibutan ng kidlat ang kamay ni  Magnus.

"Aaahhhhh!!" sigaw ni Beatriz bago mangisay.

Nanlaki ang mata ni Ivan nang makita niya ito. Umusok ang ilong niya at nanlisik ang mata. Tumakbos siya palapit may Magnus habang hawak-hawak ang nanchuku.

"Magnus!" sigaw ni Ivan

Sumanib si Risuku kay Ivan. Napalalibutan ng tubig ang nanchuku ni Ivan at gamit ito inatake niya si Magnus.

Binitawan ni Magnus si Beatriz saka umiwas sa mga atake ni Ivan.

Naiwang inuubo habang nakaupo sa sahig si Beatriz. Hinawakan niya any leeg  niya.

Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ni Magnus. Iyon ang unang beses na sinakyan siya nito.

"Sino ka? Hindi ka si Magnus. Hinding-hindi niya magagawang saktan ang kapatid niya."

Napanganga si Beatriz sa sinabi ni Ivan. Naisip niya na totoo ang sinabi nito. Bakit hindi niya agad napansin ang pagbabago ng kuya niya?

"Hahahahahaha!"

Nagkasalubong lalo ang kilay ni Ivan sa pagtawa ni Magnus. Sigurado na siya na hindi si Magnus ang kaharap niya.

"Sino ka? Ano ginawa mo kay Magnus?" tanong ni Ivan.

Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan niya.

Kailan pa nito kinokontrol ang katawan ni Magnus? Simula ba nang makalaban nila ito? Kalaban ba talaga siya o ginamit lang ang katawan niya?

Hindi na alam ni Ivan kung ano iisipin niya kay Magnus.

"Malalaman mo rin sa muli natin pagkikita. Nagawa ko na ang lahat ng plano ko, oras na para bumalik sa katawan ko. Hahaha."

Isang itim na usok ang lumabas sa katawan ni Magnus bago ito bumagsak.

Sinundan ng tingin ni Ivan ang itim na usok hanggang sa hindi na niya ito makita.

Lumipad any itim na usok patunggo sa Black Academy.

"Sa wakas. Makakabalik na ako sa katawan ko," sabi niya.

Bumaba ito patungo sa estatwa na kasalukuyang nahulog isa-isa ang mga bato na para bang nababalatan ito.

Sumanib ang itim na usok dito at nang gumalaw ito tuluyan nang gumuho ang mga bato sa katawan ni Samael.

"Hahahaha. Nakabalik na rin ako," aniya habang sinasara bukas ang kamay.

Tinignan niya si Heidi saka ngumiti dahil tagumpay ang plano niya. Ito ang papuntahin si Heidi sa nakaraan upang mas mapaaga ang paglaya niya.

Matagal niya hinintay ang pagkakataon na ito. Simula nang gawin siyang bato ni Zeque wala siyang ibang hinangad kundi ang matanggal ang seal sa katawan niya.

Hindi na mabilang ni Samael ang mga taong lumipas habang nag-iimbistiga tungkol sa seal at spell na ginamit ni Zeque.

Nagpalipat-lipat pa siya ng katawan para mapadali ang pagkilos niya.

Nag-umpisa siyang sumanib sa katawan ng isang tao.

"Kailangan ko ng katawan na mas malakas pa dito," sabi ni Samael habang pinagmamasdan sa salamin ang katawang ginagamit niya.

Naglakbay siya hanggang sa mapadpad siya sa Demesne at makita niya si Haring Linus, ang sakim na hari.

Madali niya nakuha ang katawan nito dahil sa galit na nararamdaman nito matapos siyang iwanan ng pinakamamahal niyang tao.

Nang makontrol niya ang katawan ni Haring Linus, inumpisahan na niya ang mga plano niya.

Sa pagpapanggap niya, nakilala niya si Carlos, ang ama ni Magnus. Puno ito ng inggit kay King Dave Deuhurst, ang hari ng Sherian Kingdom.

"Bakit hindi mo siya patayin para wala kang problema?" suhestiyon ni Samael na kasalukuyang nasa katawan ni Haring Linus.

Ningitian niya si Carlos saka pinagpatuloy ang pagkukumbinsi dito.

"Kapag patay na siya, maari ka na maging hari. Tandaan mo na ikaw anak ng huling hari ng Sherian."

Inakbayan ni Haring Linus (Samael) si  Carlos saka nilapit ang bibig sa tenga nito.

"Kundi ikinasal si Dave sa kapatid mo, hindi siya magiging hari. Kung tutuusin mas may karapatan kang maging hari kaysa sa kanya."

Napakuyom ng kamay si Carlos.

"Tama! Ako dapat ang nasa posisyon niya. Papatayin ko ang hayop na yun at kukunin ko ang lahat na dapat sa akin," sambit ni Carlos.

Dala na rin ng kalasingan mabilis siyang nadala ng galit.

"Ganyan nga. Patayin mo siya," nakangising sabi ni Samael.

Kinagabihan nagpunta si Carlos sa kwarto kung saan natutulog sila Reyna Helen at Haring Dave.

Nagsuot ng maskara si Carlos upang hindi siya makilala ng kanyang kapatid oras na patayin niya ang asawa nito.

Tinaas ni Carlos ang maliit na espada saka itinapat kay Haring Dave subalit bago niya masaksak, nagising ito si Haring Dave at gumulong.

Tumayo ito agad at mabilis na hinugot ang espada sa gilid ng kama niya. Inatake niya si Carlos.

Dumipensa si Carlos sa pamamagitan ng maliit na espadang hawak niya.

Dahil sa ingay dulot ng pagtama ng dalawang espada nagising si Reyna Helen.

"Sino ka?" tanong ni Haring Dave habang kinakalaban ang lalaking nakamaskara.

Sa halip na sumagot si Carlos, mas naging agresibo pa ito. Nang lumingon si Haring Dave kay Reyna Helen, inatake niya ito.

Sa isang iglap naging baliktad ang sitwasyon nila. Si Haring Dave na ngayon ang dumidipensa.

Pabilis nang pabilis ang atake ni Carlos hanggang sa madaplisan niya sa pisngi kamay si Haring Dave.

"Dave!" sigaw ni Reyna Helen.

"Ayos lang ako," tugon ni Haring Dave at nang makakita siya ng opening, pinalibutan niya ng aura niya ang espada saka ito sinaksak.

Nanlaki ang mata ni Carlos at napabitaw sa hawak niya nang matamaan siya sa puso. Gawa ng aura ni Haring Dave, matindi ang naging epekto nito kahit na ordinaryong espada ang gamit nito.

Kabaliktaran ito ng gamit ni Carlos dahil may halong dugo at buto ng isang bampira ang maliit na espada niya. Kaya hindi agad gumaling ang sugat ni Haring Dave kahit na daplis lang ang nakuha niya.

Samantala, hindi alam ni Carlos na nakita siya ng anak niyang si Magnus habang papunta siya sa kwarto ng hari at reyna.

Dahil sa suot nitong maskara, hindi siya agad nakilala ng batang Magnus. Ito rin ang naging dahilan kung bakit naisipan siyang sundan nito.

Nagkataon na nakabukas ng kaunti ang pinto kaya nagawang sumilip ni Magnus.

Subalit hindi niya nakikita ang buong pangyayari. Tangging ang pagtumba lang ni Carlos ang nasaksihan niya.

Tinanggal ni Haring Dave ang maskara.

"Carlos?"

Napakunot ang noo ni Haring Dave nang makita ang kapatid ng asawa niya. Samantala hindi naman makapaniwala si Reyna Helen na magagawa ni Carlos na tangkaing patayin si Haring Dave.

"Ama!" sigaw naman ni Magnus sabay tulak sa pinto at  takbo papasok.

"Magnus, ano ginagawa mo dito?" tanong ni Haring Dave ngunit hindi siya pinansin ng bata.

Umiyak lamang ito sa tabi ng kanyang ama.

"Ama!" paulit-ulit na tawag ni Magnus kay Carlos.

Simula nang gabing yun nagkaroon ng sama ng loob si Magnus kay Haring Dave at ginamit ito ni Samael upang mapaikot si Magnus.

Isang gabi inutusan niya si Ysa na magpangap na Haring Dave at patayin sa harap ni Magnus ang ina nito.

Natagumpay naman ito.

"Bakit? Bakit pati si ina? Hindi pa sapat na pinatay mo si ama?" sigaw ni Magnus kay Ysa na kasalukuyang nagpapanggap na Haring Dave.

Nanlilisik ang mata ni Magnus habang nakatingin sa pumatay sa kanyang magulang. Unti-unting nilamon ng galit ang puso niya.

Gawa ng galit na nararamdaman ni Magnus mabilis na nakalipat si Samael sa katawan ng bata.

Natigil si Samael sa pag-alala sa nakaraan niya nang makita niyang tumakbo si Heidi.

Hinabol niya ito saka sinaksak sa likod gamit ang kamay niya na may matutulis na kulay itim na kuko.

"Tingin mo ba makakatakas ka sa akin? Hindi ka na makakabalik sa hinaharap dahil  dito ka na mamatay," bulong ni Samael saka hinugot ang kamay niya.

Dinilaan ni Samael ang kamay niya saka nilingon si Ysa na kasalukuyang nasa lalaking demon ang anyo.

"Mauna ka na bumalik sa kaharian. May kailangan pa ako gawin," sabi ni Samael sabay pasok sa black hole na ginawa niya.

Naiwan nakatulala habang nakadapa si Heidi sa pwesto ni Samael. Nang umalis na sila sinubukang bumangon ni Heidi subalit muli siyang nadapa.

"Tulong..."

Humampas ang malamig na hangin sa likod ni Heidi.

"Dito na yata ako mamatay. Sorry Zeki, hindi na kita mahihintay..."

Napapikit na lang si Heidi habang iniinda ang sakit sa likod niya.

Makalipas ang limang minuto isang tinig ng lalaki ang bumasag sa katahimikan ng  gubat.

"Heidi! Sh*t! Huli ba ba ako? Heidi gumising ka. Nandito na ako. Iuuwi na kita," sabi nito.

****

Sa kalagitnaan ng pagtakas nila Crystal, nakapahawak sa puso si Zarah.

"Sandali!" sabi ni Zarah habang hinihingal.

Napakunot ang noo niya nang mag-umpisang kumirot ang puso niya. Pakiramdam niya may tumusok dito.

"Ano nangyayari sayo? Masakit ba puso mo?" tanong ni Crystal.

Napaluhod sa sobrang sakit si Zarah at nang hindi niya makayanan, napahiga siya sa damuhan.

"Zarah!"

Hinawakan siya sa kamay ni Crystal.

"Mamatay na yata ako," sambit ni Zarah.

"Hindi ka mamatay."

Napatingin sa likod si Crystal.

"Sino ka?" tanong niya sa isang lalaking nakaitim.

"Ako si Samael, ang magliligtas sa kapatid mo," tugon nito.

Lumapit siya kay Zarah saka niya nilabas ang injection.

Nanlaki ang mata ni Crystal nang makitang balak nito itusok kay Zarah ang   hawak nito.

Tinulak ni Crystal si Samael saka tinakpan si Zarah gamit ang katawan niya.

"Ano binabalak mo kay Zarah?"

"Umalis ka diyan," tugon ni Samael.

Nag-ipon siya ng spiritual energy sa kamay saka niya ito pinakawalan kasabay ng pagtulak niya kay Crystal.

Tumalsik sa puno si Crystal dahil sa lakas ng pwersa nito. Nawalan ng malay ang dalaga pagkatapos umubo ng dugo.

"Crystal!" sigaw ni Zarah.

Tinignan niya ng masama si Samael pero ningitian lang siya nito.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay. Isa ka sa napili kong magdadala ng anak ko," sabi ni Samael.

Tinusok niya sa leeg ni Zarah ang dala niyang injection na naglalaman ng eternal blood.

"Sa ngayon hahayaan  muna kita maging malaya, pero darating ang panahon na kukunin kita."

Napapikit si Zarah habang pinapakiramdaman ang pagbabago sa katawan niya. Nawala ang sakit sa puso niya at naging masigla tibok nito.

Napadilat lamang si Zarah nang bumulong sa tenga niya si Samael.

"Oras na makuha kita, wala ka na kawala sa akin."

Muling nag-ipon ng spiritual energy si Samael kamay niya. Sinigutan niya rin ang palad niya.

Natulala na lang si Zarah sa kamay nito nang nakitang namumuo ang dugo nito habang napapaligiran ng itim na aura. Sinara ni Samael ang kamay niya at nang buksan niya ito may hawak na itong itim na hugis bilog na kasing laki ng candy.

"Kainin mo ito."

Utos niya kay Zarah subalit nagdududang tingin ang sinagot sa kanya.

"Ayaw mo? Alam mo bang marami akong paraang para ipasubo sayo ito? Maswerte ka na pinapakiusapan pa kita ngayon."

"Pa--"

Pagbuka ng bibig ni Zarah para sana tanungin kung para saan iyon, agad na sinubo ni Samael ang hawak nito.

"Hmmm."

"Lunukin mo," sambit ni Samael habang  nakatakip ang kamay niya sa bibig ng dalaga.

Umiling si Zarah saka hinawakan ang kanya ni Samael upang alisin ito.

Subalit kahit konti hindi ito gumalaw.

"Hindi ko aalisin ang kamay ko hanggang hindi mo nilulunok yan."

Nagkasalubong ang kilay ni Zarah. Tinignan niya muna ng masama si Samael bago ito sinunod. Paglunok niya naramdaman niya ang paggulong nito sa tiyan niya.

"Good."

"Para saan yun?"

"Malalaman mo din balang araw. Goodbye."

Naiwan si Zarah na maraming tanong sa isipan. 

Sino si Samael? Para saan ang pinainom nito sa kanya? Bakit siya kukunin balang araw?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro