Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36

Naalipungatan si Zaira nang marinig niya si Stephanie habang inaalog ang balikat niya.

"Zai, gumising ka!"

Dinilat ni Zaira ang mga mata niya.

"Bakit?"

"Kailangan na natin umalis."

Napaupo si Zaira habang nanlalaki ang mata.

"Aalis tayo?"

Sa halip na sumagot si Stephanie, tinanggal nito ang anklecuffs sa paa ni Zaira.

"Tara na bago pa nila tayo mahuli," sabi ni Stephanie nang mapansin niyang nakatulala pa si Zaira.

Sumunod na lang si Zaira. Gusto niya rin umalis pero hindi niya maintindihan kung bakit siya tinutulungan ni Stephanie. Sa sobrang gulo ng isip niya hindi na niya napigilang magtanong.

"Ano ba nangyayari?"

"Itatakas kita dito."

Natigilan sa pagtakbo si Stephanie nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bulsa saka sinagot.

"Hello Bea?"

Nagdilim ang mukha ni Stephanie.

"Akala ko ba tutulungan niyo ko?" tanong niya kay Beatriz.

Pinanood lang siya ni Zaira habang nakikipag-usap ito. Hindi man niya naririnig ang sinasabi ni Beatriz sigurado siyang bad news ito base na rin sa reaksyon ni Stephanie.

"Paano nila nalaman?"

Napalundag si Zaira nang biglang sumigaw si Stephanie.

"May problema ba?" tanong ni Zaira habang nag-aalalang nakatingin sa kaibigan.

"Sige, naiintindihan ko. Bye."

Nakasimangot na binaba ni Stephanie ang cellphone niya. Binalik niya ito sa bulsa niya saka bumuntong hininga.

"Hindi na raw tayo matutulungan nila Alexis; nahuli sila ni Magnus."

"Ano na gagawin natin ngayon?"

"Naumpisahan na natin, wala ng atrasan ito. Tatakas tayo kahit anong mangyari."

Tumango si Zaira bilang tugon at ningitian si Stephanie. Gusto niya ang diterminadong mukha nito kumpara kanina.

Muli silang tumakbo hanggang sa makalabas sila ng palasyo.

"Saan kayo pupunta?"

Natigilan ang dalawa at sabay na napalingon kay Magnus.

Hinila ni Zaira si Stephanie upang tumakbo subalit isang kidlat ang bumagsak sa harapan nila. Mabuti na lang nahatak ni Stephanie si Zaira bago tamaan.

"Hindi kayo makakatakas," sabi ni Magnus.

Tinuro ni Magnus si Stephanie habang nakatingin sa mga kasama niyang kawal.

"Kunin niyo si Stephanie at ikulong! Mukhang kailangan niya rin maturuan ng leksyon katulad ng kakambal niya."

Utos ni Magnus sa mga kawal.

"Zai, umalis ka na! Ako na bahala dito," sambit ni Stephanie sabay tulak kay Zaira.

"Paano ka?"

Ningitian siya ni Stephanie.

"Ayos lang ako. Dalian mo! Tumakbo ka na!"

"Sinong nagsabing makakaalis siya? May kalalagyan ka rin siya. Sa akin sasama si Zaira," sabi ni Magnus at bago pa makakilos ang dalawa tumakbo na siya palapit sa kanila.

Tinulak niya si Stephanie sa mga kawal saka niya hinawakan ng mahigpit sa kamay si Zaira.

"Magnus, saan mo siya dadalhin? Ano gagawin mo sa kanya?" sigaw ni Stephanie habang hinihila siya palayo.

"Stephanie!"

Sinubukang magpumiglas ni Zaira pero binuhat siya ni Magnus at pinatong sa balikat bago naglakad papasok sa palasyo.

"Ibaba mo ko!"

"Ang ingay niyo talagang mga babae," sabi ni Magnus habang salubong ang kilay.

"Saan mo ba ko dadalhin?"

"Manahimik ka."

Nanginig si Zaira nang maramdaman niyang nay kuryenteng dumaloy sa paa niya paakyat sa ulo niya.

"Aah!"

Tuwing gagalaw siya agad siyang kinukuryente ni Magnus.

Napatikom na lang ng bibig si Zaira hanggang sa makarating sila sa tapat ng kwarto ni Haring Linus.

"Mahal na hari. Dala ko na po ang Infinity," sigaw ni Magnus.

Kumabog bigla ang puso ni Zaira nang marinig niya ang sinabi ni Magnus.

Ibinaba siya ni Magnus at sapilitang hinarap sa pinto. Nang bumukas ito sumalubong kay Zaira ang malamig na tingin ni Haring Linus.

Para siyang binuhusan ng malamig na yelo pagkakita niya dito. Kusa siyang napayakap sa sarili at nanginig ng kaunti dahil sa pressure na nilalabas ni Haring Linus.

Tinulak siya ni Magnus sa likod, kaya hindi na napigilan ni Zaira mapaupo sa sahig.

"Iwan mo na kami," sambit ni Haring Linus.

"Masusunod mahal na hari."

Ningisian ni Magnus si Zaira bago sinara ang pinto.

"Wag mo ko iwan dito!" sigaw ni Zaira sabay takbo sa pinto pero naisara na ito.

Nanginig si Zaira nang hawakan siya sa balikat ni Haring Linus. Napalunok muna siya bago lumingon sa likod niya.

Gusto maiyak ni Zaira sa takot. Kahit wala pa ito ginagawa mas doble ang takot na nararamdaman niya kay Haring Linus kumpara kay Dominic.

"Bakit hindi ka maupo binibini?" tanong nito habang nakangiti.

Pero sa kabila ng ngiti nito makikita ang matalim na tingin sa mga mata niya.

Umiling si Zaira at tinignan ng masama si Haring Linus. Sinara niya ang mga kamay niya upang hindi manginig.

"Palabasin mo ko!" sigaw ni Zaira sa kabila ng takot na nararamdaman.

Tumawa ng mahina si Haring Linus bago sumagot.

"Hindi ka na makakalabas ng buhay sa kwarto ko."

"H-hindi! Ililigtas ako nila kuya. Sigurado ako darating sila Blaize para kunin ako. At ikaw! Kayong dalawa ni Magnus, magbabayad kayo sa kasamaang ginawa niyo!"

"Matapang ka binibini. Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan ka ni Henry. Katulad ka ng ina niya."

Humakbang si Haring Linus palapit kay Zaira habang tuloy pa rin sa pagsasalita.

"Kahit na takot na takot na kayo, nagagawa niyo pa rin sagutin ang mga bampira. Kahit alam niyong wala kayong laban, pilit pa rin kayong lumalaban."

Napahawak sa baba si Haring Linus saka ngumiti.

"Mukhang nagmana sa akin si Henry, parehong klase ng tao nagustuhan namin."

Nanlaki ang mata ni Zaira nang mawala si Haring Linus at isang malakas na hampas sa batok niya ang nagpatumba sa kanya. Unti-unting nanlabo ang paningin niya hanggang sa mawalan siya ng malay.

******

Tulad ng inaasahan ng lahat, umatake sila Dominic bitbit ang fifty thousands na bampira. Plano nilang pabagsakin si Haring Linus at sakupin ang kaharian nila.

"Nandito na sila! Gawin niyo ang lahat para hindi sila makapasok sa palasyo!" sigaw ni Haring Linus..

Nag-umpisang lumabas ang mga naipon nilang kawal na may bilang na Seventy thousands.

Nang makita ito ni Haring Linus bumalik na siya sa kwarto niya.

"Ano pa hinihintay niyo? Patayin niyo silang lahat. Wala kayong ititira kahit isa sa kanila!" sigaw ni Dominic.

Nag-umpisang maglaban ang army ng bawat isa. Nagkalat ang dugo sa harap ng palasyo nila Harong Linus. Lahat ayaw magpatalo matumba man sila o masugatan pilit silang tumatayo.

Lahat nakatutok sa laban ng dalawang grupo, hindi nila napansin na may isa pang grupo na tahimik na nagmamasid sa kanila.

Ito ang white legion at ang grupo nila Max.

Sumenyas si Martin sa mga kasama niya.

Nag-umpisang kumilos si Peirs sapamamagitan ng pagpapagalaw niya ng lupa.

Nahinto ang mga naglalaban dahil sa biglaang pagyanig ng lupa.

Lumikha ng fireball si Kayden at dark ball naman kay Liam saka pinaulanan ang mga bampira sa harapan nila.

"Aaahhh!"

Sigaw ng mga bampirang natamaan.

"Attack!" sigaw ni Martin sa mga miyembro ng white legion nang makita niya ang Constantine 02.

Sakay ng Constantine 02 sila Geo. Matapos masira ang unang Constantine, inumpisahan agad ni Grey na bumuo ng panibago at ngayon nila ito susubukan.

"Mauna na ako sa ibaba," sabi ni Rina bago tumalon sa sasakyan.

******
Sa basement ng palasyo, nagmadaling pumasok sila Beatriz sa kulungan ni Henry.

"Henry!"

Tinapik ni Beatriz ang mukha nito.

"Henry, gumising ka! Nanganganib ang buhay ni Zaira."

Dumilat si Henry saka kunot-noong tumingin kay Beatriz.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Itatakas ka namin, nakakagulo na sa labas ng kaharian. Sinusugod tayo nila Dominic. Nandito na rin ang mga kasamahan ni Zaira."

Paliwanag ni Beatriz habang tinatanggal ang kadena sa kamay ni Henry. Inalalayan siya ni Beatriz, palabas.

Nang mapatingin si Henry kay Alexis, nanlaki ang mata niya pagkakita kay Stephanie na puno ng sugat sa katawan habang buhat ni Alexis.

"Steph," sambit ni Henry.

Gusto niya ito kunin kay Alexis pero alam niyang sa katawan niya ngayon, hindi niya ito mabubuhat.

"Ano nangyari sa kanya?" tanong ni Henry kay Alexis.

"Pinarusahan din siya pagkatapos niyang subukang itakas si Zai," sagot ni Alexis.

"Sorry. Kasalanan ko kung bakit nalaman nila ang plano. Hindi ko dapat sinabi kay kuya ang lahat," sabi ni Beatriz.

Bumuntong hininga si Henry.

"Wala kang kasalanan. Ano nangyari kay Zaira?"

"Dinala siya ni kuya kay Haring Linus."

"Okay. Salamat sa tulong niyo. Please, itakas niyo na lang si Stephanie. Pupuntahan ko muna si Zaira. Ayoko madamay kayo sa away naming mag-ama."

Umalis si Henry sa pagkakaakbay Beatriz bago magteleport.

****

Sa kwarto ni Haring Linus,

Napakunot ang noo ni Zaira nang maramdaman niyang may sumisipsip ng dugo sa leeg niya.

"Aahh!"

Pagdilat niya nakita niya si Haring Linus na sarap na sarap sa dugo niya. Nakapatong ito sa ibabaw niya habang naka-kagat sa leeg.

"Aaaahhhhh! Tama na! Aaahh!" sigaw ni Zaira. Pakiramdam niya mauubos ang dugo niya sa sobrang bilis ng pagsipsip nito.

Nag-umpisang manuyo ang labi niya at makaramdam ng uhaw.

"Tama na..."

Huminto na si Haring Linus at pinunasan ang dugo sa leeg ni Zaira saka nito dinilaan ang kamay.

"Nakuha ko na ang kailangan ko. Isang hakbang na lang magiging immortal na ako. Hahahaha. Kailangan ko na lang iturok ito."

Nakangiting sabi ni Haring Linus saka nilabas ang lalagyang binigay sa kanya ni Magnus.

'Kailangan ko siya pigilan,' sa isip ni Zaira habang pilit na bumabangon.

Akmang itutusok ni Haring Linus ang injection sa kanang braso nang hampasin ito ni Henry. Sa gulat ni Haring Linus, nabitawan niya ang injection.

Nagdilim ang mukha ni Haring Linus saka tinignan ng masama si Henry. Subalit na kay Zaira lang ang atensyon ni Henry habang nakahawak sa kanya.

"Zai, tumakas ka na!" sigaw nito.

Pinulot ni Zaira ang injection bago lumabas. Tinignan niya muna saglit si Henry bago tuluyang umalis.

"Thanks."

Isang mapait na ngiti ang binigay sa kanya ni Henry.

"Parating na ang lalaking pinakahihintay mo."

Bumilis ang tibok ng puso ni Zaira nang maalala niya si Blaize. Tinanguan niya si Henry saka siya tumakbo.

Nagdilim lalo ang mukha ni Haring Linus sa nasaksihan.

"Ganyan ka na ba kabaliw kay Zaira para kalabanin ako?" sigaw ni Haring Linus sabay hila sa kamay niya.

Agad siyang nabitawan ni Henry dahil sa panghihina nito pero hindi ito naging dahilan para maawa si Haring Linus. Sinuntok niya sa kanang pisngi.

"Ama, hayaan mo na siya," pakiusap ni Henry sa kabila ng pag-ikot ng paningin niya.

Napahawak siya sa ulo niya saka nilingon si Haring Linus.

"F*ck!"

Sigaw ni Henry nang hindi na niya makita ang ama niya. Alam niyang nagteleport na ito para sundan si Zaira.

Sa huli hindi niya ito nakumbinsi.

Humiga sa sahig si Henry saka pumikit. Sundan man niya agad si Haring Linus wala rin siya magagawa dahil nanghihina pa siya.

"Sana ayos lang siya," aniya habang iniisip si Zaira.

Samantala, gawa nang pagsipsip ni Haring Linus sa dugo niya, hiningal siya agad Pakiramdam niya pa umiikot ang mundo niya kaya humawak na lang siya sa pader saka naglakad.

"Tingin mo ba makakatakas ka?"

Napaangat ng ulo si Zaira at nakita niya si Haring Linus na may hawak na espada.

Nanlaki ang mata ni Zaira.

Ano nangyari kay Henry? Bakit nasa harap na niya si Haring Linus?

"Sinabi ko na sayo hindi ka na makakalabas ng buhay dito. Ibigay mo sa akin ang trinity blood."

Himigpit ang pagkakahawak ni Zaira sa injection.

"Mamatay muna ako bago mo ito makuha," tugon ni Zaira.

Ngumisi si Haring Linus.

"Kung ayan ang gusto mo, pagbibigyan kita."

Nang itaas ni Haring Linus ang kamay niya, umikot si Zaira saka tumakbo. Subalit nagteleport sa harapan niya si Haring Linus at agad na humiwa.

"Aahh!"

Napaatras si Zaira subalit naabot pa rin siya ng espada; tinamaan siya malapit sa kaliwang balikat niya.

Tiniis ni Zaira ang sakit at muling tumakbo kahit na alam niyang madali siyang maabutan ni Haring Linus.

Nagkaroon siya ng hiwa sa kaliwang tagiliran at kanang hita.

Napaupo si Zaira habang nakawak sa tagiliran gamit ang kaliwang kamay habang ang isang kamay mahigpit na nakahawak sa injection.

"Hahaha. Katapusan mo na."

Tumatawa si Haring Linus saka inangat ang espada.

Napapikit si Zaira habang hinihintay ang pagtama nito sa kanya.

'Katapusan ko na ba talaga? Dito na ba matatapos ang buhay ko?'

Mabilis na tumakbo sa isipin ni Zaira ang mga naging buhay niya mula sa mortal world hanggang sa makarating siya sa Outlandish. Nakaramdam siya bigla ng pagkadismaya dahil hindi siya kontento sa naging buhay niya. Hindi natutupad ang pangarap niyang magkaroon ng pamilya kasama si Blaize at tumira sa payapang lugar.

"Ayoko pa mamatay," bulong ni Zaira.

"Hindi ka mamatay..."

Napadilat si Zaira nang may yumakap sa kanya. Namuo ang mga luha sa mata ni Zaira.

"Ian..."

Hinawakan siya sa mukha ni Blaize.

"Poprotektahan kita."

Umubo ng dugo si Blaize nang diniinan ni Haring Linus ang pagkakatusok ng espada niya sa likod nito.

"Ian!"

Tuluyan na naiyak si Zaira nang makita ang sitwasyon ni Blaize.

Para saan pa ang pagprotekta ni Blaize sa kanya kung buhay naman nito ang kapapalit? Bakit pa niya gugustuhin mabuhay kung mawawala naman ang lalaking gusto niya makasama habang buhay?

"Hindi ka pwede mamatay. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko pa mabuhay," sabi ni Zaira.

Nang mahawakan niya ang dugo sa likod ni Blaize lalo siya naiyak. Nakikita pa niya ang nakabaong espada ni Haring Linus.

"Sorry," sambit ni Blaize.

Pinunasan niya ang luha ni Zaira.

"Mahal kita... Gusto rin kita makasama habang buhay... pero hindi ko mapapangako sayo na mabubuhay ako."

Napailing si Zaira sa sinabi nito.

"Mahal na mahal din kita. Please, wag mo ko iwan... Ian!"

Napahagulgol si Zaira nang muling nagsuka ng dugo si Blaize.

Tumawa ng malakas si Haring Linus saka ngumiti ng labas ang ngipin.

"Wag ka mag-alala, magkasama kayong mamatay. Hahaha."

Kung kanina takot ang nararamdaman ni Zaira, ngayon matapang niya hinarap si kamatayan. Niyakap niya si Blaize.

"Ano ginagawa mo?" tanong ni Blaize habang salubong ang kilay.

Sinubukan niya itulak si Zaira pero humigpit lalo ang pagkakayakap sa kanya.

Sa kanilang dalawa mas alam ni Blaize ang sitwasyon niya ngayon. Maswerte na lang siya kung mabuhuhay siya ngayon.

Konting tulak lang ni Haring Linus matatamaan ang puso niya at tatagos ito. Kung hindi siya bibitawan ni Zaira pati ito madadamay.

"Kung mamatay ka ngayon, hayaan mong samahan kita," bulong sa kanya ni Zaira.

Humigpit ang pagkakayakap nila sa bawat nang tuluyang bumaon ang espada.

"What the hell! Nahuli lang ako ng kaunti nag-agaw buhay na kayo? Athena, Blaize, hindi kayo pwede mamatay," sabi ni Max sabay sugod kay Haring Linus.

Walang nagawa si Haring Linus kundi ang bunutin ang espada niya upang dumipensa kay Max.

Sabay na natumba sila Zaira.

'Gamitin mo ang trinity's blood.'

Napakunot ang noo ni Zaira nang makarinig siya ng tinig ng isang babae.

'Gamitin mo ang trinity's blood. Kung gusto mo nakaligtas kayong dalawa, gamitin mo kay Blaize ang hawak mo.'

"Ah!" sambit ni Zaira nang manlabo ang paningin niya.

Hindi na rin siya nagdalawang isip na iturok sa likod ni Blaize ang hawak na injection bago siya mawalan ng malay.

Sa ganung kalagayan sila naabutan ni Henry.

Nanigas sa kinatatayuan si Henry habang nakahawak sa pader.

'Patay na ba siya? Hindi... Hindi pwede. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag nawala siya. Mas matatanggap ko pang mapunta siya sa iba, kaysa hindi na makita ang ngiti niya.'

Napaluhod si Henry habang nakatulala kila Zaira. Pakiramdam niya lalo siyang nanghina sa nasaksihan.

"Ah! Bakit ako umiiyak?" tanong ni Henry sa sarili nang tumulo ang luha niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro