CHAPTER 33
Papapasok sila Blaize sa tinutuluyan nila nang may dalawang lalaking humarang sa kanila.
"Kayo ba ang celestial guardian?" tanong ng isang lalaki na may suot na salamin.
Bumaba ang tingin ni Blaize sa bandang dibdib nito kung saan may makakitang simbolo.
Minsan na niya iyon nakita sa uniform nila Zaira tuwing nagtatarabaho sila para sa white legion kaya nilingon niya si Liam.
Tumayo ito sa harapan nila.
"Ano kailangan niyo?"
"Ako si Martin, ang team leader sa Demesne. Pinadala kami dito ni President Fiester para tulungan kayo sa paghahanap sa mga kapatid mo."
Tumango si Liam.
"Doon tayo sa kwarto."
Sumunod sa kanya ang dalawang miyembro ng white legion.
Naglakad na rin sila Blaize habang pinagmamasdan ang likod nila Martin.
Sinara ni Ivan ang pinto saka sumandal doon.
"Ahem. Nagpatulong sa amin si president na hanapin ang mga kapatid mo at tanging si Zaira lang ang natagpuan namin," sabi ni Martin.
Bumilis ang tibok ng puso ni Blaize. Tinignan niya si Martin.
"Nasaan si Athena?"
Sa kabila ng pagiging poker face ni Blaize, pansin ni Ivan ang pagkuyom ng kamao nito.
'Kinakabahan ba siya sa ibabalita nila?' sa isip ni Ivan habang inoobserbahan ang nakakabatang kapatid. Hinanda na rin niya ang sarili oras na hindi ito makapagpigil si Blaize dahil sa emosyon nito.
May nilabas na larawan si Martin dahilan para mapatayo ng tuwid si Ivan. Nagkasalubong ang kilay niya at agad na tinignan si Blaize.
'Masama ito...'
Nagdilim ang mukha ni Blaize kasabay ng pagkulo ng dugo nang makita niya hawak-hawak ni Henry sa kamay si Zaira. Sa kamay lang ng dalawa nakatuon ang atensyon niya.
Ayaw niya sa lahat na may humahawak na ibang lalaki sa babae niya. Lumalabas ang instinct niya bilang bampira pagdating kay Zaira.
'Papatayin ko siya.'
Pagharap ni Blaize sa pinto, mukha ni Ivan ang sumalubong sa kanya. Napaatras siya ng isang hakbang dahil sinasabi nito sa tingin na 'Alam ko ang binabalak mo. Gusto mo patayin si Henry, tama?'
Hindi na niya kailangan basahin isip nito para malaman ang gustong sabihin sa kanya ni Ivan pero buo na ang desisyon niya.
Kaya nang tanungin siya ni Ivan, inamin niya agad ang balak niya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa Phiria, papatayin ko si Henry."
"No. Hindi ka aalis ngayon. My dear little brother, wag kang basta-basta sumusugod. Tingin mo ba madaling makapasok sa kaharian nila?"
Hinawakan ni Ivan sa balikat si Blaize habang binibigyan ng tingin na 'Are you stupid?'
Napaiwas ng tingin si Blaize at lalong dumiin ang pagkuyom ng kamao niya. Nag-umpisang tumulo ang dugo niya sa kamay dahil sa pagbaon ng kuko niya.
"Makinig ka muna sa sasabihin nila. Siguro naman may plano kayo?"
Tumingin si Ivan kay Martin.
Agad nagpaliwanag si Martin nang tignan siya ng masama ni Blaize. Pakiramdam niya kapag hindi siya nagsalita, siya pag-iinitan nito.
"Plano rin namin sumugod sa kaharian ng Phiria pero hihintayin muna naming dumating ang mga bagong sandatang gagamitin namin."
Nagkasalubong ang kilay ni Blaize. Hindi niya kayang maghintay ng matagal.
"Kailan?"
"Sa biyernes."
Tumango si Blaize dahil nakuha na niya ang sagot na gusto niya. Tatlong araw pa bago sila sumugod.
"Ang tagal! Bakit kailangan niyo pa ng sandata? Hindi pa sapat ang mga celestial guardian?" tanong ni Asher.
Napanganga na lang si Martin dahil si Blaize ang inaasahan niyang magagalit. Sinong mag-aakala na ang kanina walang reaksyon, iyon pa ang unang magrereklamo sa plano nila?
"Hawak siya nila Henry, paano kung saktan nila si Athena?"
"Paris, huminahon ka muna." sambit ni Liam sabay hilot sa sintido niya.
Bakit ba ayaw muna nila makinig?
"Tama siya. Paano kung may gawin silang masama kay Athena bago magbiyernes?"
Pagsang-ayon ni Max. Hinawakan niya ng mahigpit ang lalagyan ng espada niya habang seryosong nakatingin kay Martin.
"Naisip na namin yan pero tingin niyo ba talaga na si Henry ang gagawa ng masama kay Athena? Kitang-kita naman sa larawan kung gaano niya kagusto si Zaira," sagot ni Martin.
Natahimik sila Max dahil sa mga larawan pinakita ni Martin mukhang magkasintahan sila Zaira at Henry. Walang bakas na takot sa mukha nito. Mas mukha pa itong kampante kasama si Henry.
Himigpit ang pagkakahawak ni Ivan sa balikat ni Blaize. Alam niyang nagseselos ito. Gusto pagsabihan ni Ivan si Martin na wag na ipaalala ang nasa picture dahil baka hindi na umabot ng biyernes ang pasensya ni Blaize.
"Kung may mananakit man kay Zaira, maaring si Haring Linus o ang kanang kamay niyang si Magnus," sabi ni Martin.
"Haring Linus..." bulong ni Max.
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa espada.
Samantala, hindi naman nagustuhan ni Blaize ang sinabi ni Martin. Pero hindi na niya kailangan magsalita dahil sinabi na ni Asher ang nasa isip niya.
"Possessive ang mga bampira. Gaano ka kasiguradong hindi gagalawin ni Henry si Athena?"
Napabuntong hininga si Liam habang nakatingin kay Asher. Naiintindihan niya rin ang ibig-sabihin nito. Hinawakan niya sa braso si Asher nang magtangkang lumapit ito kay Martin.
"Bakit hindi ka makasagot? Alam niyo lang ang nangyayari sa labas ng palasyo pero sa loob wala kayo kamalay-malay."
"Kung may reklamo kayo, sabihin niyo na lang kay President Fiester. Siya ang nagdesisyon na sa biyernes umatake."
"Sh*t!"
Napasabunot na lang sa sariling buhok si Asher sa sobrang inis. Ano pa ba magagawa niya sa desisyon ng ama niya?
"Kung gusto niyo talaga mailigtas si Zaira, kailangan pagplanuhan maiigi ang lahat. Hindi tayo pwede pumalpak."
Nang makita ni Martin na wala na balak magsalita, tinuloy na niya ang sasabihin.
"Iniimbitahan namin kayo sa headquarters para mapag-usapan natin ang buong plano."
"Walang problema. Sasama kami sa inyo," tugon ni Liam.
"Mabuti. Doon na rin kayo manatili, may mga bakanteng kwarto kami doon."
"Okay. Ayusin niyo na gamit niyo."
Utos ni Liam kila Max kaya nagsilabasan na sila. Si Asher na lang ang naiwan dahil magkasama sila ni Liam sa kwarto.
30 minutes later...
Nakahanda na ang lahat sa pag-alis nila. Katahimikan ang bumalot sa grupo habang nakasunod sila kila Martin.
Nagtunggo sila sa western region ng Phiria Kingdom.
Nagkalat ang mga taong nakasuot ng luma at simpleng damit habang ang mga bampira nakasauot ng suit, polo, dress, slacks at skirts.
Napailing na lang si Max sa nakita. Halata kung gaano kababa ang tingin ng mga bampira sa mga tao. Kung may tao man siyang makikitang may maaayos na damit iyon ang mga businessman pero bihira lang ang mga ito.
"What the hell?!" bulong ni Kayden habang salubong ang kilay nang mapaligiran sila ng sira-sirang bahay na gawa sa kahoy.
Nagkalat na mga madudungis na buto't balat na mga tao. Ang iba natutulog na lang sa kalsada. Tuwing makikita sila ng iba napapatakbo ang mga ito sa loob ng tirahan nila. Kaya madali nilang nakita kung gaano karaming pulubi sa Phiria dahil ito lamang ang mga naiwan sa labas.
Napabuntong hininga si Kayden nang biglang manginig ang isang ginang na nakaupo sa kalsada nang magkasalubong sila ng tingin; hinila nito ang katabing batang babae at niyakap na mahigpit.
Takot ang nakita nila sa mga mata nito.
"S-sir Martin..."
Napahinto sila sa paglalakad nang may batang lalaki tumakbo sa harap ni Martin.
Nanginginig na humawak ito sa laylayan ng jacket ni Martin habang nakatingin ng masaama kila Blaize.
"Wag ka mag-aalala hindi sila masasama. Mga kaibigan ko sila," sabi ni Martin habang nakangiti.
Binigay ni Martin ang biniling tinapay na nakabalot sa isang paper bag habang lumapit naman ang kasama nitong lalaki sa mga pulubi upang bigyan ng tag-iisang pirasong tinapay.
"Kaya pala sila bumili ng maraming tinapay kanina," bulong ni Kayden.
Nagliwanag ang mukha ng bata at ng mga pulubi sa narinig. Nag-umpisa na rin magsilabasan ang mga nagtago sa mga bahay.
Tinignan ni Martin sila Max.
"Karamihan sa amin galing sa slums kaya tuwing may pagkakataon kami namimigay kami ng mga pagkain."
"Bakit hindi niyo rin sila ipasok sa white legion para bumuti ang kalagayan nila?" tanong ni Kayden.
"Hindi lahat may potential na maging hunter. Saka kung lahat kukunin namin parang nilagay na rin namin sa panganib ang buhay nila."
Naguguluhang tinignan ni Kayden si Martin. Wala siyang maintindihan sa sinabi nito.
"Kayden, kapag gumawa sila ng malaking pagkilos mapapansin iyon ng mga bampira. Alam mo ba kung bakit nanatiling matatag ang white legion sa tagal ng panahon?"
Paliwanag ni Liam kay Kayden habang nakaakbay.
"Bakit?"
"Hindi alam ng kalaban kung saan ang headquarters nila."
Nagkasalubong ang kilay ni Kayden saka tumingin sa suot ni Martin. Paanong hindi nalalaman ng mga kalaban ang headquarters kung halata sa suot nila na miyembro sila ng white legion? Kung isa siya sa kalaban kanina pa niya pinasundan si Martin.
"Malaya nila nasusuot ang uniform nila dahil kilala silang hero mg mga tao. Hindi mo ba napansin kanina na may tindahan ng damit kung saan makikita ang tatak ng organisasyon?"
"Ah! Ibig sabihin hindi na alam ng kalaban kung sino ang totoo sa hindi?"
"Tama. Tuwing umaatake kami sa kalaban madalas nakamaskara kami. Iyon lamang ang basehan nila na kasapi kami sa white legion," sabi ni Martin.
Lumawak ang ngiti ni Martin saka muling nagsalita.
"Hindi rin nila pwedeng galawin ang lahat ng taong umiidolo sa amin dahil sa dami nila. Hindi nila pwedeng sirain ang balanse para lang mahuli ang mga miyembro ng organisasyon. Sa huli sila ang mawawalan ng pagkain."
"Pero mananatili kayong alipin kung hindi niyo pwersahang lalabanan ang mga bampira," sabi ni Max. Unang apak pa lang nila sa Demesne nanaig ang pagiging makatao niya.
Kahit narinig na ni Max ang tungkol sa Demesne noon, iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa mismong lugar na. Sobrang laki ng pagitan ng bampira sa mga tao. Hindi tulad sa Occult na pantay-pantay lang.
Hindi gusto ni Max ang pamamalakad ng mga bampira sa Demesne. Bakit kailangan nila ituring alipin ang mga katulad nilang tao? Bakit mga bampira lang ang pwedeng maging noble? Bakit sila lang ang nasa taas?
"Hindi lahat ng namumuno sa Demesne, ganito ang turing sa mga tao," sambit ni Blaize sabay tingin ng msama kay Max.
"So what? Hindi pa rin magbabago na pagkain ang tingin ng mga bampira sa tao. Parang livestock ang mga tao dito."
Tinignan ni Max sa mata si Blaize.
'Hindi mo ko maiintindihan dahil bampira ka.'
Nagkasalubong lalo ang kilay ni Blaize nang mabasa niya ang nasa isip nito.
"Ahem. Hindi niyo kailangan magtalo. Una pa lang plano na namin baguhin ang pamahalaan sa Demesne. Kung ayaw namin maraming mamatay na tao kailangan namin paghandaan ang lahat," sabi ni Martin habang pabalik-balik ang tingin kila Max.
Hindi pa rin inalis ni Blaize ang tingin kay Max.
"Hindi lahat ng bampira parehas. Kahit umiinom ako ng dugo, hindi ako namimilit," sambit ni Blaize.
Napaiwas ng tingin si Max.
"Hindi ko naman sinabing lahat kayo masama," papabulong na sabi niya.
"Hahaha."
Napatingin sila kay Ivan nang tumawa ito. Alam niya kung bakit ganun na lang reaksyon ni Blaize kay Max.
Sa Demesne sila sinilang, dito rin sila nakatira noon kundi lang namatay ang magulang nila. Naiinis din siya makita ang sitwasyon ngayon ng Demesne pero hindi niya rin gustong marinig kung gaano kasama ang iniisip nila sa mga namumuno.
Dahil minsan may namuno sa Demesne na bampirang pantay ang tingin sa lahat. Marami mang kumontra sa nasabing hari na kapwa niyang bampira hindi pa rin nagbago ang paniniwala niya hanggang sa kahuli-hulihang paghinga niya.
"Kuya," tawag sa kanya ni Blaize.
"Sorry. Ahem." aniya sabay ubo kunwari bago tumayo ng diretso at seryosong tumingin sa mga kasamahan niya bago huminto ang mata niya kay Martin.
"Sir, tatayo na lang ba tayo dito?"
Natauhan si Martin.
"Malapit na tayo," aniya saka tinuloy ang paglalakad.
Umarte si Ivan na walang nangyari at sumunod kay Martin.
Pumasok sila sa loob ng isang lumang bar. May mailang-ilang umiinom dito.
"Welcome," bati ng isang matandang lalaki na may bigote at balbas na mga 2 inches ang haba.
Pinakita ni Martin ang badge niya.
"Mga kasama mo?" tanong ng matanda habang inoobserbahan sila Liam.
"Oo. Pinasundo sila sa akin ni pinuno."
"Sumunod kayo sa akin."
Pumasok sila sa kitchen area at bumaba sa basement kung saan nakalagay ang mga alak at wine.
Napanganga sila Liam nang buhatin ng matandang lalaki ang malaking palayok na naglalaman ng alak; kalahating tao ang taas nito at mataba.
"Nagulat kayo no? Kahit payat siya, malakas ang katawan niya. Noong unang beses na nakita ko siya binuhat yan napakamalan ko siyang werewolf," sabi ni Martin.
"Hindi ba?" tanong ni Max dahil bukod sa werewolf wala siyang ibang nakikitang may super strength.
"Ordinaryong tao ako," sabi ng matandang lalaki habang binubuksan ang sahig na pinagalisan niya ng palayok.
Isang panibagong hagdan ang nasilayan nila.
"Tara na," sabi ni Martin.
Nakangiti itong bumaba ng hagdan. Sumunod sa kanya sila Liam hanggang sa naiwang nakatingin si Max sa matandang lalaki.
"Tao ka talaga?" tanong ni Max habang inoobserbahan ang matanda.
"Ano sa tingin mo?"
Nagsitayuan ang balahibo ni Max nang makita niya ang ngiti nito. Sa hindi malamang dahilan may isang nilalang ang pumasok sa kanyang isipan.
"Devil? No, demon?"
Devil smile ang nakita niya dito kahit na mukha itong tao kaya naiisip niya ang demon. Sa nabasa niya maraming katangian ang isang demon at ito lamang ang pwedeng magmukhang tao dahil sa kulay itim ang mata at buhok nila tuwing nagtatago sila sa anyo ng isang tao.
"Hahahahaha. Maybe yes or not?"
Nagkasalubong ang kilay ni Max bago bumaba.
"See you later kid. Hahahaha."
Sinara ng matanda ang daanan at binalik na ang palayok.
"Hindi na rin siya masama," aniya habang balbas niya. Makikita ang kinang sa mata nito habang inaalala kung paano siya bigyan ng nagdududang tingin ni Max.
***
"Matagal na ba itong lugar?" tanong ni Tyler habang tinitignan ang dinadaanan nila.
Kusang bumubukas ang apoy kandilang nakalagay sa pader tuwing dadaanan ito ni Martin at oras na wala na naglalakad sa tapat nito kusa itong mamatay.
"Isang taon na ang nakalipas nang niliha nila ang underground passage," tugon ni Martin.
Pagbaba nila sa hagdan may daanan sa kaliwa't kanan at harapan nila. Kumanan si Martin at diretsong lumakad kahit na may daanan paliko.
Lumipas ang 45 minutes may natanaw na silang hagdan. Umakyat doon si Martin.
Paglabas nila nasa loob na sila ng isang kweba.
"Paglabas natin nasa headquarters na tayo," sabi ni Martin.
Bumungad sa kanila ang mga tree house na may iba't-ibang laki. May mga batang tinuturuan ng martial arts. Mayroong nagsasanay pumana, gumamit ng espada at iba pang sandata na minsan na ring tinuro kila Max noong nasa mortal world sila.
"Vampire!" sigaw ng isang batang lalaki na may edad sampung taon habang nakaturo kay Blaize.
Tinignan niya ng masama si Blaize kaya nagsigayahan na rin ang mga kasama nitong nagsasanay. Kung hindi lang nila kasama si Martin baka kanina pa sila inatake.
"Sorry, dito sa amin puro mga bampira ang kalaban, kaya ganyan na lang ang reaksyon nila. Sa lahat ng miyembro ng white legion tinagurian kaming vampire hunters," sabi ni Martin sabay lapit sa mga bata.
"Wag kayo mag-alala kakampi natin sila. Pinadala sila ni Sir. Jake dito para tulungan tayo," sabi niya pero hindi pa rin nawala sa mukha ng iba ang galit.
May mga kumalma rin naman katulad ng isang teenager na babae lumapit kila Blaize.
"Pasensya na. Karamihan sa kanila baguhan lang kaya hindi sila pamilyar sa ibang miyembro ng organization. Saka ngayon na lang ulit kami nakakakita ng kagaya niyong hindi tao."
"Naiintindihan namin," tugon ni Liam sabay ngiti.
Namula ang dalagita at napahawak sa mukha.
"Ahem. Dito tayo," sabi ni Martin at naglakad papunta sa isang malaking bahay na nakatayo sa likod ng mga tree house.
Nag-iisa lang ito sa bahay dahil karamihan sa tirahan nila tree house.
Pagpasok nila sa bahay isang pabilog na mesa ang sumalubong sa kanila. May malaking screen sa pader at isang upuan na naiiba sa lahat upuan na nakapalibot sa mesa.
Sa tabi ng screen may nakasabit na bandera ng white legion kung saan makikita ang simbolo nito.
Tumingin sa kaliwang bahagi ng bahay si Max kung saan makikita ang mga larawan ng miyembro. Huminto ang tingin niya sa larawan ng lalaki at sa ibaba nito nakasulat ang pangalang...
Kenneth John Lauritzen Jr.
4th Team Leader of White Legion in Demesne.
"Papa..." bulong ni Max.
Bumukas ang pinto.
"Narinig ko na may bisita tayo," sabi ng isang matandang lalaking may puting buhok.
Napalingon sila sa pinto kung saan ito nakatayo.
"Master Ken," sambit ni Martin saka ito nagbow.
Pumasok sa loob si Master Ken at tumayo sa tabi ni Martin. Pinagmasdan niya isa-isa ang grupo nila Liam.
"Good. Malakas sila," sabi nito habang nakangiti.
"Siya nga pala si Master Kenneth John Lauritzen, dating team leader namin dito sa Demesne."
"Lauritzen..." sambit ni Tyler.
Napatingin sila kay Max; kasalukyan niyang tinitignan si Master Ken. Isa rin iton sa larawang nakasabit.
Kenneth John Lauritzen
3rd Team Leader
Bumababa ang tingin ni Master Ken sa suot na kwintas ni Max.
"Anong pangalan mo?" tanong niya.
"Max Ken Lauritzen po,"
"Hmmm. Sino ama mo?"
Tinignan ni Max ang larawan ng kanyang ama bago sumagot.
"Kenneth John Lauritzen, Jr po."
Nanlaki ang mata ni Martin sabay nganga habang ngumiti naman si Master Ken.
"Apo, masaya ako na makilala ka," sabi ni Master Ken sabay yakap kay Max.
Nakangiti niya itong pinagmasdan habang nakahawak siya sa balikat ni Max.
"Kamusta na ang ama mo? Wala na akong balita sa kanya simula noong huli ko siya nakita."
Napayuko si Max saka sumagot na may mahinang boses.
"Wala na po siya."
Nagkasalubong ang kilay ni Master Ken at himigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ni Max.
"Ano nangyari sa kanya?"
Napaangat ng ulo si Max.
"Pinatay po siya kasama ni mama."
Bumitaw si Master Ken saka napakuyom ng kanang kamao at sumuntok sa kaliwang kamay niya. Madilim ang mukha nito.
"Sabihin mo sa akin. Sinong hayop ang pumatay sa anak ko?"
"Si Haring Linus po."
Tumingin si Master Ken kay Martin.
"Martin, pahiram ako ng espada. Papatayin ko ang sakim na haring iyon."
"Master, mapapahamak ka lang po kung susugod ka doon."
Naglabas ng aura si Master Ken dahilan para mapaatras si Martin. Galit na sinipa ni Master Ken ang upuan sa tabi; nagkaroon ito ng crack.
"Napakasama talaga ng Linus na yun. Papatayin ko talaga siya kapag nagkita kami!"
"Hindi mo siya pwedeng patayin," sabi ni Max.
Nilingon siya ni Master Ken saka tinignan ng masama.
"Bakit hindi?"
"Ako po papatay sa kanya. Pagbabayaran niya ang lahat ng kasalanang ginawa niya sa magulang ko."
Ngumiti si Master Ken.
"Walang duda, apo nga kita. Maasahan ba kita sa pagpatay kay Linus?"
"Opo. Hinihintay ko na lang ang pagsugod namin sa biyernes. Hindi ko siya palalampasin oras na magkita kami."
Napahawak si Max sa kwintas niya na may pendant ng espada.
"Namana mo ang katapangan ng isang Lauritzen. Wag ka magpapatalo kay Linus at wag mo kakalimutang mag-ingat. Mas importante ang buhay mo kaysa paghihiganti."
Tumango si Max bilang tugon. Hindi niya hahayaang mamatay siya, dahil bukod sa paghihiganti may kailangan pa siyang gawin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro